CHAPTER SEVENTY FOUR

Background color
Font
Font size
Line height

Napatingin sina Cameron at Javion sa pintuan matapos ang sunod-sunod na doorbell.

"Sino yun?" tanong ni Javion.

Nagkibit-balikat naman ang binata bago tumayo. Naglakad ito patungo sa pintuan at kaagad yung binuksan.

"Calvin?"

"Ehh?" nakangiwing wika ni Javion ng makita ang binata sa labas ng pintuan.

"Ano pang ginagawa mo rito? Alas dose na kaibigan." nakangising sambit ni Cameron.

Imbes na sumagot, kaagad itong pumasok at naglakad papunta sa sala. Umupo ito sa malambot na sofa, ipinatong niya ang dalawang kamay sa sandalan noon bago tumingala.

"Do you have a problem?" pagtatanong ni Cameron matapos maupo sa harapan nito.

"Only now am I having problems with my life." seryosong tugon ni Calvin.

"Anong problema naman?" kunot-noong tanong ni Javion.

Bumuntong-hininga si Calvin saka yumuko.

"I don't know what goes through Fayette's mind. I don't understand her, she gives me reason to think. My life is quiet but she is slowly making things worse."

Sabay na kumunot ang noo nina Cameron at Javion sa narinig. Nagkatinginan pa ang ang dalawa sa isat-isa bago sulyapan ang kaibigan.

"What did you two talk about?" si Javion.

"I told her I wouldn't like her."

"But you kissed her right? You even said there was a reason why you did that then what is the reason for that?" si Cameron.

Napahilamos ang binata dahil hindi na niya alam ang isasagot sa bagay na iyon. Sumasakit ang ulo niya sa tuwing naiisip niya ang dalaga.

"Fayette loves you. We're not blind to see that, Calvin. Ever since we were in France, you knew he was immediately attracted to you. We know Fayette, she has been a long time friend of Ate Xavia and we can say that we know how she acts and thinks." bumuntong-hininga si Javion bago muling tumingin kay Calvin. "Alam naming seryoso siya sa nararamdaman niya para sayo dahil kung hindi, hindi naman yan uuwi ng Pilipinas kung wala lang. Sa katunayan nga, hindi yon umuuwi rito. Si Fayette yung tao na akala mo hindi seryoso sa buhay pero ang swerte mo sa babaeng yun. Lahat gagawin non para sa Isang bagay o tao. Ibibigay niya ang lahat ng makakaya niya." dagdag pa nito.

"Hindi siya ang kailangan ko JP."

"Pero hindi ikaw ang kailangan ni Quincy."

Dahan-dahang napalingon si Calvin Kay Cameron. Diretso-diretso ang tingin nito sa kanya, ni kumurap ay hindi ni Cameron magawa.

"Alam ko na yan ang dahilan kung bakit hindi mo magawang papasukin sa puso mo si Fayette. Mahal mo parin si Quincy." pag pra-prangkang wika pa ni Cameron.

Bumuntong-hininga si Cameron. Tumingin siya sa labas ng pool at pinagmasdan ang mga nandodoon.

"You're the one doing the thing that will make the situation worse, Calvin. Is it okay for you to like someone who has a boyfriend who is still your friend?"

Umiiling-iling naman ang binata bilang tugon sa tanong ni Cameron.

"Exactly. Alam mong mali. Hindi man ako nagsasalita tungkol sa bagay na yan dahil bakit pa ba ako magagalit sa bagay na ako naman ang pinili kesa sayo. Ang sakin lang, alam kung mahal mo ang girlfriend ko pero sana sa pagmamahal mong yun wag na wag kang magpapaasa ng ibang babae lalo na't alam mong masasaktan. Alam mo naman yan, Ikaw pa ang nagturo samin ng ganyang bagay."

"What if she's the only woman I want to love? I don't care if she's your girlfriend, it's okay with me even if I love her even if she loves you."

Tinapik-tapik ni Javion ang balikat ni Calvin.

"Wag kang ganon Pre. Maawa ka sa sarili mo. Wag kang despirado. Mas mahalin mo yung taong mahal ka kesa sa mahal mo."

"Think about it before it's too late."

"Pano naman ako nahulog na sayo
binitawan mo lang ba talaga ako pano naman ako naghintay ng matagal sayo wala lang ba talaga lahat ng yon sayo ano na bang gagawin ko" nang-aasar pang kumakanta si Javion habang nakatingin sa dalawa.

Bumuntong-hininga na lamang ang dalawa at hindi na nagsalita pa.

Napatingin ang tatlo sa hagdanan ng marinig silang yabag ng mga paang bumaba. Kaagad na nagtama ang tingin nina Quincy at Cameron bago sulyapan ng dalaga si Calvin.

"Cal." tawag ng dalaga sa kanya.

"Quin." masayang tugon ni Calvin.

Napabuntong-hininga na lamang ang binata at tumayo sa kanyang kinauupuan para salubungin ang kasintahan.

"Bakit gising ka pa?"

"Nagising lang ako. Wala ka pa sa tabi ko kaya bumaba ako para hanapin ka." malambing na tugon nito.

"Gusto kang makausap ni Calvin."

Tumingin ang lahat kay Javion na nakasandal sa glass wall habang magka-krus ang braso. Kumunot ang noo ni Cameron ng makahulugan siyang tiningnan nito.

"Anong pag-uusap?" nagtatakang tanong naman ni Quincy rito.

Humakbang ang binata papalapit sa dalaga. Inakbayan niya si Cameron na takang-taka naman sa kanya.

"May gustong sabihin sayo si Calvin."

Tumingin si Quincy kay Calvin na bahagya ring nagulat dahil sa sinabi ni Javion.

"Don na muna kami ni Insan." mabilis na hinila ni Javion ang t-shirt ni Cameron.

"Aray ko! Nasasaktan ako!" giit ni ng binata ng hindi na siya makahinga.

"Halika na sabi."

"Baby!" pahabol pa nito ngunit mabilis na nahila na siya ni Javion patungong gaming room.

"What the heck is that Javion Pierce?" hindi makapaniwalang bulong sa sarili ni Calvin habang nakatingin sa pintuan ng gaming room.

"Hindi ka pa ba nakakauwi? Si Fayette?"

Umangat ang tingin ni Calvin Kay Quincy. Para siyang nawalan ng salitang sasabihin habang nakatingin sa mga mata ng dalaga.

"Cal." pagtawag muli nito dahilan pa siyang matauhan.

"Nai-hatid ko na." nautal pang sagot niya.

"Bakit ka nandidito? Anong oras narin. May problema ba?" nag-aalalang tanong ni Quincy matapos maupo sa tabi nito.

"Wa-la."

"Hmm. Alam kong meron. Ano yun? Tungkol na naman ba kay Fayette?"

Tumango naman si Calvin bilang tugon.

"Anong nangya---."

Hindi na natuloy ni Quincy ang kanyang sasabihin ng bigla siyang yakapin ng pagkahigpit-higpit ni Calvin.

"Can we stop talking about her? I just want silence, a tight hug from you." bulong ng binata sa kanyang tainga.

"Cal." nagulat na wika ng dalaga.

"Please?"

Wala na lamang nagawa si Quincy kundi tugunan ang yakap ng binata sa kanya. Unti-unti niyang hinagod-hagod ang likuran ni Calvin.

Tumahimik sa buong sala at tanging orasan na lamang ang naririnig.

"Cal." pagtawag muli ng dalaga matapos ang ilang minuto na ganon ang posisyon nila.

Umalis sa pagkakayakap si Quincy sa kanya. Pinagmasdan nito ang mukha ni Calvin para pag-aaralan ang reaksyon nito.

"Magsabi ka ng totoo sakin."

Tumango naman si Calvin sa kanya.

"Mahal mo ba ako?" diretsong tanong nito at natigilan naman ang binata.

Hindi niya alam kung paanong sasagutin ang ganon bagay sa harapan ni Quincy.

"Gusto kong marinig mula sayo na mahal moko."

"I love you Quincy."

Natigilan si Quincy sa mabili na sagot ng binata. Seryosong-seryoso ang mukha ni Calvin habang nakatingin sa kanyang mata.

"Mahal kita, mahal na mahal pero yung pagmamahal na nararamdaman ko para sayo ay hindi mo pwedeng tugunan." may kirot sa pusong dagdag pa ng binata.

"Bakit Cal?" hindi makapaniwalang tanong muli ng dalaga.

"Hindi ko rin alam, hindi ko narin maintindihan ang sarili ko."

"Paano si Fayette? Mahal ka niya Cal."

Nasapo na lamang ni Calvin ang kanyang ulo. Ayaw na ayaw niyang marinig sa mga oras na iyon ang pangalan ng dalaga.

"Mahal kita pero alam bilang kaibigan lang ang tingin ko sayo. Mahal ko si Cameron at hindi ko maiibalik ang pagmamahal na nararamdaman mo sakin."

"I'm not asking you to give me back the love I feel for you. I already told you that I am happy for you and I am happy that I secretly love you. I don't need you to love me Quincy, it's okay for me that you're just here and you can't stay away from me."

"Pero paano ka? Paano yung nararamdaman mo? Hindi mo ba kayang mahalin si Fayette?"

"I-i can't." umiiling-iling na sagot ni Calvin.

"Hindi moko pwe-pwedeng mahalin Cal."

"Pwede, nagawa ko nga eh." pabalang pang sagot nito pero tiningnan lang siya ng dalaga.

Hinawakan ni Calvin ang kamay ni Quincy. Iba ang sayang nararamdaman niya sa tuwing nahahawakan ang kamay ng dalaga. Pakiramdam niyang kasama niya ang pinakaimportanteng tao sa buhay niya. Bahagya niya pa iyong pinaglalaruan bago mag-angat ng tingin kay Quincy.

"Let me love you. Love you until I lose my feelings for you forever. I can't love others especially since I only want you. If I ever fall in love again, maybe not now. I'm happy I feel for you so please let me love you."

"Cal."

Ngumiti na lamang ang binata at dahan-dahang inilapit ang kanyang labi sa noo ni Quincy.

"I love you, still."

"Lumabas na tayo! Baka inaahas na ni Calvin ang girlfriend ko." iritang sigaw ni Cameron habang panay ang lakad sa likod ni Javion.

Humalakhak naman ang binata na masayang naglalaro ng online games.

"Praning!"

"Anong praning?!"

"Binibigyan lang natin sila ng time para mag deep talk, Insan. Wag kang parang bakla diyan. Hindi ka maagawan ng girlfriend ng dahil sa deep talk."

"Ulol! Yun ang uso ngayon. Kumwari comfort, comflirt naman pala!"

Binitawan ni Javion ang hawak na mouse at nakangiwi ang labing inikot ang gaming chair papaharap kay Cameron.

"Medyo kadiri ang lengguwahe mo huh. Kailan ka pa natutong mag ginanyan? Sinabi kasing walang sumama kay Kyle Gabriel."

"Tara na nga kasi!"

"Pwede bang ikalma mo betlog mo! Nasa labas lang ang dalawa. Bawat sulok ng bahay na ito may CCTV, preview mo nalang yung CCTV footage tas tingnan mo kung nagkiss sila." nang-aasar pang suggestion nito.

"Hindi pwede!" malakas na sigaw ni Cameron at humalakhak naman si Javion.

"Sasbog talaga mukha ng lalaking yun."

"Ang pangit mo namang kaibigan. Walang tiwala! Anong tingin mo kay Calvin?"

"Hahas."

"Hahas? Buror ka ba?"

Napasapo na lamang ni Cameron ang mukha kasabay ng pagtawa.

"Tara na nga kasi!"

"Mauna ka na, naglalaro pa ako."

Bumukas ang pintuan ng gaming room at pumasok sina Quincy at Calvin.

"Ay tapos na kayo?" nang-aasar na tanong ni Javion.

"Tsk."

"Hindi pa ba kayo matutulog?" tanong ni Quincy sa mga ito.

"Baby!"

Mabilis na lumapit si Cameron sa kasintahan at mabilis na pinagaralan ang buong katawan nito.

"Ano namang ginagawa mo Cameron?" nagtatakang tanong ng dalaga.

"Tiningnan ko kung may kakaiba sa katawan mo."

"Tsk. Praning." nakangising ani Calvin.

"Told you Bro. Praning ka." si Javion.

"Shut up."

"Tsk. Magsitulog na kayo at anong oras na."

"Uuwi na ako."

"Dito na matulog Cal. Ang dami namang kwarto nito."

"Umuwi ka na!" masungit na singit ni Cameron.

"Cameron." naniningkit ang matang pagtawag ni Quincy sa kanya.

"Argh! Fine! Fine! Fine! Punyeta!" iritang sigaw nito.

Ngumisi naman pagkalaki-laki si Calvin para asarin ang kaibigan.

"Under."

"May sinasabi ka Calvin Amedeus?"

"Nothing."

"Tandaan mong pamamahay ko to at ako ang masusunod."

"The hell I care."

"Mag-away nalang kaya kayo? Sayang yung boxing ring dito." pagsakay pa ni Javion sa biruan ng dalawa.

"Halika na kayo." pagyaya pa ni Quincy at nauna ng lumabas ng gaming.

Sumunod naman ang mga ito sa kanya.

"Goodnight everyone!" sigaw ni Javion.

"Ano rito!" sigaw ni Calvin ng maunang pumasok sa guest room.

"Tabi tayo. Gusto ko ng sword fight."

"Shut up Javion Pierce."

"Halika na." pagyaya ni Cameron at mabilis ng pumasok ng kanilang kwarto.

Nagkatinginan naman sina Quincy at Calvin bago tuluyang makapasok ang dalaga sa loob.

Kinabukasan.......

Nagulat ang lahat ng pagbaba nila ay nandon na ang mag-asawang sina Xavia at Atticus at kasama nito sina Avryll at Fayette.

"Kanina pa kayo?" tanong ni Cameron sa kapatid.

"Magandang umaga." pagbati ni Efren sa mga ito.

"Good morning kiddo." wika naman ni Javion ng lumapit sa kanya si Isiah.

"Yeah. Kanina pa." sagot ni Xavia habang abala sa pagluluto ng umagahan nila.

Dahan-dahang nagtama ang paningin ni Calvin at Fayette ngunit ang dalaga na ang nag-iwas ng tingin rito. Napansin naman iyon ni Quincy ngunit hindi na lamang niya ganoong pinagtuonan ng pansin.

"Anong nangyari sa iyo ijo?" tanong ni Theresa kay Atticus ng mapansin ang putok na labi nito.

"Natisod lang kagabi." nakangiwing tugon nito.

Ngumisi naman sina Cameron at Javion at naglakad na papunta sa dining area.

"Nasaan si Tita Adele?" tanong ni Javion ng makitang wala ang ina ni Xavia.

"She had already returned to France. Avryll and Fayette are also leaving after breakfast." wika nito habang abala sa paghahain ng mga pagkain.

Hinihintay mag react ni Fayette si Calvin na nasa kanyang harapan ngunit nanatili lamang itong nakatungo sa kanyang pagkakaupo.

"Kasabay narin pala nina Tita Theresa. Bakit hindi pa kayo dito magbagong taon?" tanong naman ni Cameron habang nilalagyan ng pagkain ang Plato ni Quincy.

"Hindi maaari Cameron, napagusapan namin ni Dante na mag bagong taon sa magulang niya. Nasabi ko narin ang bagay na iyon kay Quincy." ani Theresa.

Tiningnan ng binata ang kasintahan at tumango-tango naman ito sa kanya.

"Gusto mo ng kape, Pa? Pagti-timpla kita." nakangiting sambit ni Quincy sa ama.

"Salamat anak."

"Excuse me po." dahan-dahang tumayo ang dalaga at nagtungo sa kusina.

"You don't want to be here anymore Fayette?" tanong ni Atticus habang nagbabasa ng diyaryo.

Bumuntong-hininga ang dalaga bago sumagot.

"There is no reason to stay here any longer. I also have to do something in France." malamig na sagot nito bago sulyapan si Calvin.

Nanatili namang itong ngumunguya at hindi manlang nagbibigay ng oras pa siya'y sulyapan.

"What are you going to do in France?" taas-kilay na tanong ni Xavia matapos maupo sa tabi ng Asawa.

"Anything." walang ganang sagot nito.

"Anong palang plano sa bagong taon? Saan tayo mag ne-new year?"

"Kasama ka ba JP?" nang-aasar na tanong ni Cameron sa pamilya.

"Ah ganon? Hindi na ako parte ng pamilyang to?" kunwari pang nagtatampong tanong nito.

"Matagal ka nang hindi parte ng pamilya to." tugon pa ni Cameron.

"Atticus and I talked about going out of town. You can come too, Calvin if your family wants."

Bumuntong-hininga ang binata bago uminom ng tubig.

"Mukha namang hindi yun hi-hindian nina Mom and Dad. Isa pa, masaya rin na marami kayong mag ce-celebrate ng new year."

Kahit hindi naiintindihan ni Fayette ang sinasabi ng dalaga, gandang-ganda siya boses ng binata pati narin sa kung paano ito magsalita.

"Yeah." pagsang-ayon naman ni Xavia.

"Bakit ang tagal mo?" tanong ni Cameron ng makarating na si Quincy dala-dala ang mug na may lamang kape.

"Tumawag sakin si Princess." bulong nito bago ibaba ang tasang iyon sa harapan ng ama.

"We think about where it’s nice to celebrate. Do you want a beach party?"

"Everywhere Ate Xavia, as long as you spend." tumatawang tugon ni Cameron.

"It looks like I can't stop you from leaving so before you leave, I want to show you something." waring nae-excite na sabi ni Xavia habang nakatingin sa mga kaibigan niya.

"What is it, Boo?" nagtatakang tanong ni Atticus.

Ngumiti ng paglaki-laki sa kanya ang Asawa bago tumayo sa pagkakaupo nito. Nagtatakbo pa ito para kunin ang bagay na iyon sa kanyang bag. Tumigil si Xavia sa likuran ni Atticus.

"I want to show you something. In fact, I didn’t expect this time to come. I was shocked by what I saw and at the same time I cried with great joy."

Kumunot lalo ang noo ni Atticus dahil sa sinabi ng Asawa. Unti-unti niyang nilingon si Xavia at pilit na inaalam kung ano ang hawak-hawak nitong nasa kanyang likuran.

"I said what is it Boo?" pag-uulit ni Atticus.

"I'm pregnant!" masayang sigaw nito kasabay ng pagpapakita ng pregnancy test na positive.

Sabay-sabay na natigilan sina Atticus at tiningnan ang pregnancy test na iyon.

"Is it true?" gulat na gulat na tanong ni Avryll sa kaibigan.

Napatayo pa ito para lamang pagmasdan ang pregnancy test.

"I'm pregnant Boo. You are going to be a father." naluluhang anas ni Xavia at niyakap ang Asawa.

"Am I going to be a father?" gulat na gulat na tanong nito.

"Yes."

"Kyahhhhhhh!" sigaw nina Fayette at nagtatakbo papalapit sa kaibigan.

Naluha narin ang mga ito dahil sa sobrang tuwa pa para sa kaibigan.

"Congratulations! You will finally be a mommy." umiiyak na wika ni Fayette.

Pinagmasdan ni Atticus ang pregnancy test. Dali-dali siyang nilapitan ni Cameron at Javion para pagmasdan bagay na iyon.

"It's really positive Dekdek. Magiging tatay na ako?" luluhang tanong ni Atticus sa kapatid.

"Magkakaron na ako ng pamangkin Kuya. Congratulations!" masayang anas pa nito bago yakapin ng pagkahigpit-higpit ang kapatid.

"Congratulations Kuya Atticus." si Javion.

"Fuck!" napamura na lamang sa tuwa ang binata.

"Congratulations sa inyong dalawa." sabay-sabay na pagbati nina Efren sa mag-asawa.

"This is the most the best I've received in my entire life, Boo."

"We're going to be parents, Boo. I'm so happy." lumuluhang bulong nito.

Masayang pinagmasdan ni Quincy ang mga ito na sobrang saya. Masaya rin siya para sa dalaga dahil sa wakas ay magkakaron na sina Xavia at Atticus ng pamilya.

"Ganyan rin kaya kayo no'ng nalaman niyong buntis si Mama?" hindi napigilang tanong ng dalaga sa kanyang magulang.

Mula sa pagkakatingin sa Plato, dahan-dahang umangat ang tingin ni Calvin Kay Quincy.

"No'ng alam ko na pinagbubuntis ka ng mama mo, isinigaw ko yun sa labas ng bahay natin anak. Tuwang-tuwa ako ng malaman ko na magkakaron na ako ng prinsesa na katulad mo." masayang sagot ni Efren sa kanya bago sulyapan ang dating

You are reading the story above: TeenFic.Net