CHAPTER SEVENTY FIVE

Background color
Font
Font size
Line height

Sabay-sabay na tumigil ang kotse nina Atticus sa parking lot ng isang private beach and resort. Walang ibang nandodoon kundi tanging sila lamang. Sa isang beach and resort sa Batangas naisipan ng mga ito na magdiwang ng bagong taon. Maganda ang paligid at sobrang linaw ng dagat.

Nauna ng lumabas sina Atticus na sinundan naman nina Dalbert at Rosanna.

"Ang ganda naman rito." wika ni Quincy matapos pagmasdan ang paligid.

"Mas maganda ka diyan Baby." kumindat pang bulong sa kanya ni Cameron.

Ngumisi naman ang dalaga at tiningnan si Princess na nagtatakbo papunta sa dalampasigan. Naglakad narin siya patungo doon para maghanap ng kung ano-ano.

"Bestie! Swimming tayo, may dala ka bang two piece?" tanong ni Princess ng makalapit siya rito.

"Kakarating palang natin, Princess. Baka gusto mo munang magpahinga. Mahaba pa ang oras." wika niya.

"Para naman sulit na sulit ang pagpunta natin dito diba."

Hindi na sumagot ang dalaga at dahan-dahang umupo. Gamit ang kanyang hintuturo, isinulat niya ang pangalan ni Cameron sa buhangin at dahan-dahang iyong nabura dahil sa alon.

"Anong plano para mamaya?" tanong nina Dranreb kay Cameron.

Sinulyapan ng binata ang kasintahan na abala sa pagtingin ng mga shell kasama ang kaibigan. Dahan-dahang siyang ngumiti at muling tiningnan ang mga kaibigan.

"Ikaw muna ang bahala sa kanya." wika nito habang nakatingin kay Calvin.

"Aalis lang kami ni JP pero mabilis lamang kami. Kayo na muna ang bahalang libangin siya."

"Hindi ka manlang magpapaalam?" nakangiwing tanong ni Calvin sa kanya.

"Hindi."

"What if your girlfriend finds you? What shall we answer?" taas-kilay na tanong muli ng binata.

"Tsk. Alam mo na dapat gawin diyan Calvin. Wag ka ng masyadong matanong."

"Sigurado ka na ba sa plano mo?" tinapik-tapik ni Matthew ang balikat ng kaibigan matapos itanong iyon.

"Sigurado na."

"May basbas na ba ng kapatid?" si Dwight.

"Gagawin ko ba kung wala?" pabalang pang sagot ni Cameron.

"Paano kapag hinindian ka niya? Awts pain pighati." nang-aasar namang anas ni Javion.

"Ano ba?! Napaka-nega mo! Suportado ka ba o hindi?" iritang asik ni Cameron.

"Supporn."

"Congratulations in advance." si Jethro.

"Mamaya na mag congratulations kapag um-oo, baka mausod eh."

Nagtawanan ang mga ito dahil sa sinagot ni Cameron. Kinakabahan man ay hindi niya mapigilang ma-excite sa mangyayari bago sumapit ang bagong taon. Hindi niya alam kung anong magiging sagot sa kanya ng dalaga pero ang mahalaga sa kanya ngayon ay sinubukan niya.

"Dekdek."

"Kuya."

"This is the key to your rooms. Rest first before doing what you have to do."

"Bakit parang naiiyak ka Kuya Atticus?" nang-aasar na tanong ni Javion habang sinisipat ang mukha nito.

Kumunot naman ang noo ni Atticus at naniningkit ang mata nitong tiningnan ang binata.

"Ito naman, hindi mabiro." kamot-sintidong ani Javion.

"Tsk. Take your things to your room." utos pa nito bago tumalikod.

Tumango na lamang ang mga ito at naglakad na patungo sa kani-kanilang kwarto. Napatigil naman si Cameron sa paglalakad ng makasalubong niya si Dalbert.

"Your older brother told me about what will happen tonight, I'm happy for you Cameron. You find the woman you love even though she knows what kind of person you are." nakangiting wika nito habang ang tingin ay nasa dalaga.

"Thank you Tito. Sa dinami-dami ng babae sa mundo, kay Quincy lang pala ang bagsak ko. Ang babaeng hindi ko aakalaing mamahalin ko ng ganito."

Sabay nilang pinagmamasdan ang dalaga na masayang kausap ang mga kaibigan nila. Panay ang tawa nito at halatang walang kaalam-alam sa mangyayari mamaya.

"If only your parents were here, I'm sure they'd be even happier with you."

Suminghap ang binata, inilagay niya ang dalawang kamay sa bulsa ng kanyang short. Pinagmasdan niya ang langit bago magsalita.

"There are a lot of happy events I experience without them. I knew they were just there and they were guiding us, I knew they were happy for us too." nakangiting anas ni Cameron.

Tinapik-tapik ni Dalbert ang balikat nito.

"Matatapos rin ang lahat."

"Sana Tito."

Napatingin si Quincy sa kinatatayuan ni Cameron. Nagpaalam sa binata si Dalbert at tumango-tango naman nito.

"Puntahan ko muna si Cameron." pagpapaalam niya sa kaibigan.

Dahan-dahan siyang naglakad patungo rito ng may ngiti sa labi.

"Baby." malambing na bungad ni Cameron sa kanya.

"Anong napagusapan niyo ni Dean?"

"Wala naman."

Isang mahigpit na yakap ang ibinigay ni Cameron sa kasintahan. Napipikit na lamang siya sa sobrang sarap non sa pakiramdam. Napapangiti na lamang siya sa tuwing maamoy ang pabango ng dalaga.

"Mahal na mahal kita Quincy." malambing na bulong niya sa tenga nito.

"Mahal na mahal rin kita Cameron."

Tumango si Cameron bago umalis sa pagkakayakap niya kay Quincy. Pinagmasdan niya ang mukha nito bago halikan ang noo.

"Rest first. I'll just send food to our room."

"Hindi ka ba magpapahinga?"

Umiiling-iling ito bilang tugon sa kanyang sagot.

"Bakit?" kunot-noong tanong muli ni Quincy.

"Panay ka naman tanong, halikan kaya kita rito." nagbabantang anas ni Cameron dahilan para maningkit ang mata ng dalaga.

"Tsk."

"Kakausapin ko lang si Kuya okay?"

Tumango na lamang siya at bago pa maglakad patungo sa kwarto ay kaagad siyang tumingkayad para bigyan ng halik sa labi ang kasintahan.

"I love you."

"Tamis." kagat-labing wika pa ng binata.

"I love you sabi ko."

"I love you too."

"Sige na. Inaantok na ako."

"Hmm."

Kumaway-kaway si Cameron rito at hinatid na lamang ng tingin.

Pagdating niya sa kanilang kwarto, kaagad niyang pinagmamasdan ang lugar. Simple lamang iyon at sobrang ganda sa paningin niya. Nakaharap rin ang kanilang kwarto sa dagat kaya kitang-kita niya iyon.

Nakaramdam ang dalaga ng antok kaya unti-unti siyang humiga sa kama. Masyado pang maaga para sa kanya ang kumain kaya matutulog muna siya.

"Aalis ka na?" tanong ni Kyle ng makalapit sa kanila si Cameron.

"Let's go Javion."

"Ehh? Hindi ka ba makakakilos ng wala ako Insan?" ngumunguyang tanong pa nito.

"Kung kaya ko yun mag-isa, hindi ako hihingi ng tulong sayo inutil."

"Ito naman binibiro lang, nagagalit agad." tatawa-tawa pang anas nito bago tumayo sa kanyang pagkakaupo.

"Where's Quincy?" tanong ni Calvin.

"Nagpapahinga na." 

"Teka, naiiyak ako. Grabi ka Fafa Cameron ah. Ang ganda ng ibubungad mo kay Bestie sa bagong taon." kunwari pang naluluhang ani Princess.

"Babe? Wag kang mainggit, papakasalan rin kita."

"Tsk, papansin ka hindi kita kinakausap." masungit na tugon nito at napanguso naman si Kyle.

"Kayo na bahala sa kanya, hindi ko alam kung matatapos kami agad o aabutin ng gabi. Alam niyo na ang gagawin kapag hinahanap ako."

"Copy that Boss." sabay-sabay na sagot nina Dranreb sa kanya.

"Let's go Insan."

Tumango si Cameron at mabilis na tumalikod ang dalawa at naglakad papalayo.

"Hindi na talaga mapipigilan ang kaibigan natin. Siguradong-sigurado na siya sa binabalak niya." nakangiting wika ni Dwight.

"Hindi ko manlang naisip na kaya pala talagang magtino ni Cameron ng dahil sa babae." si Matthew.

"Quincy doesn’t deserve to be fooled. Quincy is very different from the women we have met." ani Race.

"Saka sino pa ba ang magloloko? Ang swerte na ni Cameron na nakahanap siya ng babaeng naiintindihan siya sa lahat ng bagay. Para sakin, wala ng dapat pang hanapin." si Brix.

"Legit ka diyan Brix." singit pa ni Princess.

"Masaya ako para kay Cameron. Kung ano man ang mangyayari mamaya, masaya ako para sa kanya." nakangiting sabi ni Jethro.

"Okay ka pa ba Calvin?" nang-aasar na tanong ni Dranreb sa katabing kaibigan.

Tahimik lamang ito habang sumisipsip sa sariling straw. Ang tingin naman nito ay nasa malayo.

"Broken yan si Brother." nang-aasar anas ni Kyle.

"Hindi na manlang nagpaalam ng maayos kay Fayette? Kapag yun nawalan ng gana sayo, tapos ang buhay mo."

Kumunot ang noo ng binata at dahan-dahang nilingon si Dranreb. Ibinaba nito ang baso bago magsalita.

"Bakit na naman napasok sa usapan niyo ang babaeng yun?" kunot na kunot ang noong tanong nito.

"Wala lang! Eh bakit ba ang tahimik mo?"

"Bakit? Dati ba akong maingay?" pabalang na tanong ulit nito.

"Hindi."

"Hindi naman pala eh."

"Eh ano ngang iniisip mo?" taas-kilay na tanong naman ni Jethro sa kanya.

"Bakit pati laman ng utas ko kailangan alam niyo?"

"Parang sira tong si Calvin. Kanina pa nangbabara. Bad mood na bad mood ka pa?" si Brix.

"Mukhang nagkakasiyahan kayo rito ah."

Sabay-sabay umangat ang tingin ng mga ito kay Efren na masayang pinagmamasdan ang mga ito.

"Tito Efren." nakangiting wika ni Princess.

"Pwede bang maki-upo?"

"Pwede po."

Umupo ito sa tabi ni Calvin. Ngumiti pa ito sa binata bago muling iikot ang kanyang paningin sa paligid.

"Alam niyo na po ba ang mangyayari mamaya?" tanong ni Princess.

"Alin? Yung tungkol sa plano ni Cameron?"

"Opo."

"Hmm oo. Humingi muna siya sakin ng permiso kagabi. Nabalitaan ko rin ay humingi rin siya ng pahintulot kay Theresa bago umalis ang mga ito." nakangiting tugon nito.

"So handa na po kayo para kay Bestie?"

Hindi kaagad sumagot ang ama ng dalaga. Ngumiti ito ng paglaki-laki at sumandal sa kanyang kinauupuan.

"Malaki na sila, alam na nila ang ginagawa nila. Nandidito lamang ako para sa anak ko at para sa ikakaligaya niya. Nag-iisang anak ko ang batang yun kaya importante sakin na mapunta siya sa tamang lalaki."

"Tamang lalaki si Cameron kung ganon?" 

Tumango-tango si Efren kay Jethro. Dahan-dahang nilingon nito si Calvin na tahimik na nakatingin rin sa kanya. Dahan-dahang ngumiti ang matanda at tinapik-tapik ang balikat nito.

"Alam ko ang nararamdaman mo para sa anak ko. Nakikita ko sa inyo ang sitwasyon namin ni Theresa at Dante."

Natigilan si Calvin dahil sa narinig. Bahagyang umawang ang kanyang labi dahil sa bahagyang gulat na nararamdaman. Hindi niya alam kung paano tutugon doon at hindi niya alam kung paanong nalaman nito ang bagay na iyon.

"Gusto kong ibalik yung pamilyang meron ako pero hindi na maaari. Mahal ko parin hanggang ngayon si Theresa ngunit mahal niya si Dante. Hindi ako nagpumilit dahil alam kong don siya sasaya, Isa pa ayoko ring makasira ng pamilya kaya muli akong nagpaubaya." nakangiting pagkwe-kwento nito dahilan para lingunin Siya ng lahat. "Naniniwala ako na hindi lang maiipakita ang pagmamahal mo sa isang tao kung hindi mo isusuko. May mga pagmamahal na kailangan nating bitawan lalo na kung sa pagbitaw na iyon, doon niya mahahanap ang tunay na kaligayahan. Hindi lahat ng pagmamahal ay kailangan ipaglaban dahil pareho lang kayong masasaktan, kailangan nating magpaubaya at tanggapin na hindi lahat ng dumadating ay nakalaan para sa atin." dagdag pa nito.

"Bakit hindi mo subukang mahalin si Fayette? Nakita kong mahal na mahal ka niya."

"Hindi ako handa sa bagay na yan Tito." mabilis na sagot ni Calvin.

"Kahit alam ko na yung babaeng minamahal ko ay matatali na sa iba, hindi parin mababago yung katotohanang mahal ko parin siya. Alam niyo pong hindi madaling alisin kung ano ang nararamdaman mo sa tao, sinabi ko na po kay Quincy na hayaan niyang mahalin ko siya hanggang sa tuluyan ng mawala ang nararamdaman ko para sa kanya."

"Ibang klase ka kung magmahal, anak." namamanghang tugon ni Efren rito.

Tumango-tango si Calvin bilang pagsang-ayon sa sinabi nito.

"Mahal na mahal ko ang anak niyo pero alam kung hindi ako yung tamang taong nakalaan sa para kanya."

"Mapanakit naman tong si Calvin. Tama na kaibigan, ang sakit sa dibdib mga sinasabi mo." wika ni Race habang tinatapik-tapik pa ang balikat ng kaibigan.

"Darating rin ang tamang panahon na mahahanap mo ang taong para sayo, anak." ani pa Efren bago yakapin ang binata.

"Yakapin nga natin kaibigan natin. Masyadong mabait na bata." tumatawa pang sambit ni Dwight at mabilis na lumapit sa kaibigan.

"Okay lang yun Tol, mahalaga nakakahinga ka huh. Pag-ibig lang yan, astig tayo." si Dranreb.

"Wag ka na malulungkot Brother. Support ka namin sa tatahakin mong lovelife." si Kyle.

Ngumisi na lamang ang binata. Ayaw niya man pagusapan pa ang bagay na iyon pero masaya Siya dahil sa sinabi ni Efren tungkol sa bagay na iyon.

"Bestie."

"Bestie! Gising ka na ba?"

"Quincy!"

Napamulat ang dalaga dahil sa sunod-sunod na sigaw at katok mula sa labas ng pintuan. Kahit inaantok pa, mabilis itong bumangon at binuksan ang pinto.

"Ano bang problema?" inaantok pang tanong nito.

"Nagising ba kita?" bungisngis na tanong ni Princess.

"Ay hindi ba halata?" sarkastikong tanong nito bago talikuran ang kaibigan.

Nakita ng dalaga ang pagkaing nasa table. Kaagad niya iyong nilapitan at binasa ang letter na nandoon.

Take your meals. I will just go somewhere. I will be back too. I love you Baby.

-Cameron

Napangiti naman ang dalaga at muling tiningnan ang pagkaing nasa harapan. Nakakaramdam narin siya ng gutom kaya kaagad niyang kinain iyon.

"Kumain na ba kayo? Nasaan si Papa?" aniya matapos maupo ni Princess sa tabi niya.

"Yeah, kakatapos lang. Tumutulong si Tito Efren kina Tita Rosanna sa pagluluto ng magiging foods natin for new year." tugon nito. "Mag swimming naman tayo, ginising kita para dalhin sayo to." dagdag pa ng dalaga bago itaas ang dalang plastic bag.

"Ano naman yan?" nagtatakang tanong ni Quincy habang pinagmamasdan iyon.

"Two piece. Nagsusuot ka naman ng ganito diba? Hindi naman pwedeng ako lang ang naka-swimsuit rito no." anas pa nito habang nakaturo sa sarili.

"Uubisin ko lang to."

"Yiiieee talaga?" tumango-tango ang dalaga bilang sagot sa tanong nito.

"Saan nga pala nagpunta si Cameron?"

"Umalis ba?" kunwaring walang alam na tanong ni Princess.

"May letter kasama ang pagkain na ito. Nagpaalam siya sakin na may pupuntahan lang daw siya."

"Hindi ko knows." sagot pa ni Princess.

Tumango-tango na lamang si Quincy at tinapos ang kanyang pagkain.

Kinuha niya ang plastic bag na dala ng kaibigan at binuksan iyon. Kinuha niya ang ang two piece na iyon bago tiningnan ang kaibigan.

"Alam ko naman na medyo conservative ka, kaya yan ang binili ko." kumindat pang wika ni Princess sa kaibigan.

"Mabuti naman at alam mo."

"Hoy! Calvin Amedeus! Hindi ka manlang ba lalangoy? Ayaw umitim?" nang-aasar na tanong ni Dranreb na kasalukuyang nakababad sa dagat.

"Makakalangoy ka naman ng wala ako." pabalang na sigaw pa nito.

"Killjoy!"

"Babe!" sigaw ni Kyle ng makita ang kasintahan papalapit sa kanila.

"Si Quincy ba yun?" gulat na tanong nina Matthew ng makita kung sino ang kasama nito.

Dahan-dahang nilingon ni Calvin ang gawi ng dala at maging siya ay natigilan ng makita ang dalaga. Dahan-dahang niyang inalis ang suot na sunglasses at pinagmasdan si Quincy.

"Wala na, inlove na naman si Calvin niyan."

"Sayang hindi makikita ni Cameron kung gaano kaganda ang view." tumatawa pang sambit ni Race bago ibinato ang hawak na bola kay Brix.

"Ikaw ba yan Harley Quin?" nahihiwagaang tanong pa ni Kyle habang pinag-aaralan ang mukha ni Quincy.

"Tumigil ka. Nakikita mo tingin ng girlfriend mo sayo?" nginuso ni Quincy ang kaibigan na simangot na simangot dahil hindi manlang ito pinuri ng kasintahan.

"Hi Babe! Ang sexy natin ah."

"Ang pangit mo!" iritang sigaw nito at nagdadabog na lumusog sa dagat.

"Hoy! Hintayin moko! Ang ganda-ganda mo nga eh!" nununuyo pang sigaw ng binata bago sundan ito.

"Nice outfit Quincy." papuri ni Matthew.

"Thank you."

"Hindi ko alam na nagsusuot ka pala ng ganyan."

Dahan-dahang bumaba ang tingin ng dalaga kay Calvin na nakaupo habang nakangiting nakatingin sa kanya.

"Hmm, minsan lang naman."

"You look so beautiful Quin."

"Uupo ka lang ba diyan? Hindi ka lalangoy?" nakangiting tanong at dahan-dahang inalok ang kamay sa binata.

Walang pagaalinlangan namang iyon kinuha ni Calvin at nauna pang maglakad.

"Wala ito si Calvin! Si Quincy lang pala makakapagpaangat ng pwet nito." nang-aasar na ani Jethro matapos makita ang kaibigan naglalakad papalapit sa kanila.

Nagtatakbo si Dranreb papalapit sa kaibigan at pasimpleng bumulong rito.

"Ito, payong kaibigan lang ah. Kung ako sayo pre, susulitin ko na ang mga sandaling wala pa si Cameron." tinapik-tapik pa ng binata ang balikat ni Calvin habang nagtataas-baba naman ang kilay nito.

"Shut up. Wag mong dine-demonyo ang utak ko. Ayaw kong mapunta sa impyerno."

Kaagad na hinawi ni Calvin ang kaibigan at nilampasan ito. Tumawa naman ang dalaga bago sundan ang binata.

"Are you okay with us or do you want to ride a jet ski?"

"Marunong ka?"

"Of course."

"Tara."

"Alright. Wait for me here."

Tumango si Quincy at pinagmasdan ang pagtakbo ng binata papalayo sa kanya. Pinagmasdan niya ang magkakaibigan na masayang nagbabatuhan ng bola. Abalang-abala naman magkasintahang sina Princess at Kyle sa pagkuha ng litrato ng isat-isa.

Kinaway siya ni Calvin dahilan para mapalingon siya rito. Kaagad na umahon ang dalaga at

You are reading the story above: TeenFic.Net