•CHAPTER FOURTEEN•

Background color
Font
Font size
Line height

Nagising si Calvin dahil sa panay tunog ng kanyang cellphone. Nakapikit niyang kinapa iyon sa kanyang side table saka sinagot.

"Good morning."

Agad na naimulat ng binata ang kanyang mata at hindi makapaniwalang tiningnan ang screen ng kanyang cellphone.

"Qui-n." tawag niya sa pangalan ng dalaga.

"Nagising ba kita?" nakangiting tanong ni Quincy.

Bihis na bihis na si Quincy. Nagluluto narin siya ng almusal. Dahil susundin siya ni Calvin, napagdesisyunan niyang yayain ang binata at doon na lamang mag-almusal.

"No. Ofcourse not. By the way, good morning." nakangiting tugon niya rito bago bumangon.

Tiningnan niya ang orasan saka naglakad papunta sa kama ni Kyle. Maaga pa kaya mahimbing pa itong natutulog.

"Kyle." bahagya niyang inuga ang kakambal at bahagya naman itong gumalaw.

"Kyle Gabriel."

"Ano?!" iritang tanong nito.

"Tsk. Bahala ka sa buhay mo."

Narinig iyon ni Quincy kaya natawa siya sa binata.

"Dito ka na mag-almusal. Nakapagluto na ako."

Unti-unting bumalatay ang ngiti ni Calvin sa sinabi nito. Mabilis niyang hinila ang sariling tuwalya at nagtatakbo sa banyo.

"Alright. Bye." masiglang pahabol niya bago patayin iyon.

Dali-dali siyang naligo pati narin magbihis. Basta-basta niya nalang rin kinuha ang kanyang bag at nagtatakbo pababa.

"Oh anak? Mukhang magaa ka ngayon ah. Nasaan ang kakambal mo?" wika ng kanyang ina ng mapansin siya nito.

Mas lalo pa siyang ngumiti ng makalapit. Yumakap siya ng pagkahigpit-higpit rito saka hinalikan ang noo.

"Good morning Mom. Mauuna na ako. Pakisabi kay Kyle na papunta ako kay Quin, niyaya akong mag-almusal sa kanila."

"Ang anak ko pumapag-ibig na talaga. Oh siya, mag-iingat ka. Ako na ang bahala sa kakambal ko at sa tingin ko ay mahimbing pa ang tulog noon."

Tumango na lamang si Calvin at muling hinalikan ang noo nito. Mabilis siyang bumaba ng kanilang garahe at hindi natin nagtagal pa doon.

Napatingin si Quincy sa pintuan ng marinig na may kumatok rito. Sinulyapan niya pa ang pagkain bago naglakad papunta roon para buksan ito. Nakangiting si Calvin agad ang bumungad sa kanya. Dahan-dahan rin siyang tumugon sa ngiti ng binata.

"Tuloy."

"Anong sumagi sa isip mo't niyaya mo akong mag-almusal rito sa apartment mo?" nakangiting tanong ni Calvin ng makaupo siya.

"Masyado ng makapal ang mukha ko kung susundiin mo lang ako. Saka nakakalungkot na mag-almusal ng mag-isa no." tawang-tawa sagot ni Quincy sa kanya.

Nilapag niya ang plato sa harapan ni Calvin pati narin ang kutsara't tinidor. Akmang kukuha ang binata ng pagkain, mabilis na tumayo si Quincy at siya na mismo naglagay ng mga nito sa plato niyo.

"Thank you."

"Bakit nga pala hindi mo sinama si Kyle? Tulog pa ba?" tanong ni Quincy ng magsimula silang kumain.

"Tulog pa ang lalaking yun. Ayokong mamilit kaya bahala siya sa buhay niya. Malaki na siya at kaya na niyang pumasok mag-isa."

"Ano pa bang bago sa kakambal mo? Hindi ka pa sanay kay Kyle?"

"Sanay na sanay na at sawang-sawa na." nakangising sagot niya dahilan para siyang tawanan ng dalaga.

"Saka nga pala." biglang tumayo si Quincy sa kanyang kinauupuan ng may maalaala siya.

Mabilis siyang pumunta sa may study table niya. Bahagya siyang tumungo para kunin ang paper bag kung nasaan nakalagay ang tsinelas ni Kyle na pinahiram nito sa kanya. Muli siyang ngumiti ng makaupo sa harapan ni Calvin. Dahan-dahan niya iyong inabot at napatingin naman doon si Calvin.

"Thank you. May dala na akong tsinelas kaya hindi ko na yan magagamit."

Tumango naman si Calvin at kinuha ang paper bag na iyon sa kamay ng dalaga.

"Kailan ang unang sweldo mo?"

"Sa fifteen pa. Excited na akong makuha yun, may pinag-iipunan kasi ako. Uuwi na si Papa sa pasko kaya gusto ko siyang i-surprise." nakangiting sagot ni Quincy habang ang tingin ay nasa sariling pagkain.

"At babalik ulit siya abroad? Saan siya pupunta? May iba ng asawa ang mama mo hindi ba?"

"Napag-usapan namin na dito nalang siya tumuloy. Saka hindi na siya magiibang bansa ulit dahil binigyan daw siya ng kanyang amo ng maliit na pera pang negosyo."

"That's great. Sa wakas, makakasama mo na ulit ang papa mo. Alam kung gustong-gusto mo na siyang makasama." nakangiting ani Calvin.

Ibinaba ni Quincy ang hawak-hawak na kutsara't tinidor at tiningnan si Calvin. Ngiting-ngiti siya habang nilalabanan ang tingin ng binata.

"Thank you. Sa ilang taon na nating magkakilala, ngayon lang talaga tayo naging close at hindi ko inaasahang ikaw ang isa sa mga taong makakatulong sakin. Hindi ko inaasahang na magiging kaibigan kita Cal. Masyado kang mataas kumpara sakin. Hindi kita ganong mare-reach." natawa pa siya sa huling sinabi niya kay Calvin.

"Wala lang yun sakin Quin. Hindi mo yun utang na loob sakin at hindi mo kailangang magpasalamat ng magpasalamat dahil sa tulong na nagawa ko sayo. Masaya na ako dahil kahit na sa maliit na bagay nakatulong ako sayo."

"You're the best Cal."

Sabay silang tumawa at nag-apir pa. Natapos nila ang pagkain at dali-dali naring umalis ang dalawa papunta sa eskwelahan.

Bumukas ang mata ni Cameron. Napapangiwi siya dahil sa sakit ng kanyang likod. Pakiramdam niya'y binugbog siya ng sampung katao o higit pa. Tiningnan niya ang sariling orasan bago bumangon sa kama. Nagdiretso narin siya banyo para maligo at magbihis.

Lumabas siya ng kwarto at nagtungo sa kusina. Natigilan siya ng makita ang kapatid na nagluluto ng kanilang a-almusalin. Dahan-dahan naglakad si Cameron papalapit sa nakatalikod niyang kapatid. Naramdaman niyang bahagya itong nagulat ng yakapin niya mula sa likod ang bewang nito.

Unti-unting humarap si Atticus sa kanya. Ngumiti ito dahil sa bungad sa kanya ni Cameron. Tinugunan niya pa ang yakap nito sa kanya.

"Good morning Dekdek."

"Good morning Kuya."

Mula sa pagkakasubsob ng kanyang mukha sa dibdib ni Atticus, unti-unti siyang tumingala dahilan para magtama ang paningin nilang dalawa. Naipikit ni Atticus ang mga mata ng maramdaman ang halik ni Cameron sa kanyang noo, ilong, magkabilang pisngi at sa kanyang baba.

"I love you Kuya."

Parang hinagod ang puso ni Atticus muling marinig ang salitang iyon galing sa bunso niyang kapatid. Sobrang tagal na niya ng huling marinig iyon kay Cameron.

"Say it again Dekdek."

"I love you." pag-uulit nito at doon siya napangiti.

"I love you too."

"Tapos ka na ba? Nagugutom na ako eh."

"Yeah. Anong nangyari sayo at parang naligo ka ng asukal sa sobrang sweet mo ngayon. Tell me. May kasalanan ka o may kailangan ka? Kilala kita Dekdek."

"Gago ka ba? Ikaw na nga tong nilalambing." nagsusungit na sagot ni Cameron at tinawanan naman siya ng kapatid.

"Good morning mga insan!"

"Ingay mo!" sabay na sigaw ng magkapatid at natigilan naman si Javion.

"Magkapatid nga kayo. Kayo na nga tong binabati ng good morning kayo pa ang galit!" masungit na sigaw rin nito sa kanila.

Umupo ang tatlo at nagsimulang kumain.

"I have to go somewhere."

"Where are you going?" kunot-noong tanong ni Cameron kapatid.

"Airport."

"Anong gagawin mo don?"

"Gagayahing lumipad yung eroplano." pabalang na sagot ni Atticus at sumama naman ang tingin ni Cameron sa kanya.

Pigil na pigil naman ang tawa ni Javion habang kinakagat ang hotdog.

"Susundin ko si Xavia. Baka dumaan kami sa school bago umuwi."

"Hmm. Alis na kami."

Mabilis na tumayo si Cameron. Naglakad siya sa banyo para magsipilyo. Kunot na kunot naman ang noo ni Javion ng matapos iyong sabihin ng pinsan.

"Nakikita mo ugali ng kapatid mo Atticus? Sobrang bastos. Kumakain pa ako, walang respeto." kunwaring naiinis na ani Javion rito.

"Tsk. Bakit iisang kotse lang ba ang sasakyan niyo at ganyan ka nalang kung magalit?"

"Hi-ndi."

"Hindi naman pala."

Simangot na tumayo si Javion sa kanyang kinauupuan at dali-dali naring nagsipilyo. Muling lumapit si Cameron sa kapatid saka muling yumakap dito.

"See you later Kuya. I love you." bulong nito at muling hinalikan ang kanyang noo.

Kahit na medyo nagtataka si Atticus sa inaasal ni Cameron, hindi niya mapigilang matuwa sa kapatid. Once in a blue moon lamang ganito ang binata.

"Anong kagagohan yun Cameron?" nakangising tanong ni Javion ng makita ang ginawa ng pinsan.

"Wala ka na don inutil. Palibhasa wala kang kapatid."

"Aray Cameron! Ouch! Masakit!" sumenyas pa ito na waring inaatake pa sa puso. "Kapag ako magkapatid who u ka sakin pwakanangina mo!"

"Paano ka pa magkakaroon ng kapatid, menopause na magulang mo inutil."

"Sumusobra ka na!"

Ngumisi na lamang si Cameron at mabilis na sumakay sa kanyang kotse.

Tumigil ang kotseng sinasakyan ni Calvin at Quincy. Sabay na napatingin ang dalawa sa katabing slot ng tumigil doon ang kotse ng pagpinsan. Naunang lumabas si Calvin para pagbuksan ang dalaga.

"Good morning Calvin Amadeus." nakangising bati ni Javion ng tuluyan siyang makababa roon.

"Good morning Javion Pierce."

"Good morning Quincy. Mukhang may nakikita akong puso sa pagitan niyong dalawa ah." nang-aasar na gumawa pa ng heart shaped si Javion gamit ang magkabilang hintuturo.

Tiningnan ni Cameron ang dalaga bago lampasan ang kaibigan. Nagkatinginan naman ang tatlo bago sumunod rito.

"Nasaan si Kyle? Bakit parang hindi kayo magkasama? Nag-away kayo?"

"Hindi." maikling sagot ni Calvin.

Tiningnan niya si Quincy na nanahimik lamang habang nakikinig sa kanila. Ngumiti siya at dahan-dahang umangat ang kamay nito at hinawakan ang balikat ng dalaga.

Bahagyang nagulat si Quincy dahilan para umangat ang tingin niya kay Calvin. Maraming istudyante ang nakakakita sa kanila at maraming istudyante ang napansin ang payakap nito sa kanya.

"Cal."

"Why?" painosenteng tanong nito habang pinipigilan na wag tumawa.

"Yung kamay mo, maraming istudyante ang nakakakita satin." nahihiyang sagot ni Quincy.

Tumawa na lamang si Calvin at mabilis lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap niya rito.

"Saan tayo kakain mamayang lunch break?" tanong ni Javion kay Cameron.

"Sa plato."

"Pwakanangina mo! Expired na ba pagiging sweet mo kaya bumabalik ka na sa walang kwenta mong ugali?"

"Pumasok ka na JP, wag kang marami pang sinasabi. Dumiretso na kayo mamaya sa cafeteria." tinapik-tapik ni Cameron ang balikat ni Javion ng madaanan na nila ang sariling building.

"See you later." kumaway si Calvin sa kaibigan bago sumunod sa binata.

Marami ng istudyante ang nasa court ng makarating sila. Inilapag nina Cameron ang sari-sariling bag sa table saka naupo sa bench.

"Magpapalit ka na ba ng suot-suot mo?" tanong ni Calvin habang nakatingin sa paa ni Quincy.

Medyo masakit pa ang talampakan ni Quincy kaya napag-isipan niya na munang mag tsinelas papasok.

"Start na tayo ng limang minuto." wika ng professor at mabilis naman nilang tinanguan.

"Magpapalit na ako."

Akmang tatayo si Quincy para kunin ang kanyang heels pero pinigilan siya ng binata.

"Ako na."

Tumayo si Calvin saka naglakad papunta sa lamesa. Kinuha niya ang paper bag at muling bumalik sa kanilang pwesto. Umugong na naman ang pang-aasar ng ilang istudyante ng muling umupo si Calvin sa harapan ng dalaga. Hinubad nito ang tsinelas na suot-suot ni Quincy at isinuot ang heels nito.

Nakatingin lamang si Cameron sa dalawa, kunot na kunot pa ang kanyang noo. Bumuga na lamang siya ng hangin at iniwas ang tingin sa dalawa. Tumayo narin siya at pinuntahan ang kanyang kapareha.

"Thank you Cal."

"Let's go?"

Tumayo si Calvin sa kanyang harapan, inilahad nito ang kamay sa dalaga na mabilis namang kinuha ni Quincy. Hawak-kamay silang naglakad hanggang sa makarating sa kanilang pwesto. 

Ang lahat ay nakikinig sa sinasabi ng professor na nagtuturo sa kanila. Nanatiling tahimik sina Cameron, tahimik ang lahat ng istudyante at nagsisilbing ingay lamang sa buong court ay ang ingay ng professor.

"Go to your position now. Let's start from the top again. Marami paring nalilito kaya hindi tayo aalis diyan hangga't hindi niyo nagagawa ng maayos. Move now." utos nito at mabilis naman nilang sinunod.

Nang tumunog ang waltz song, gumalaw narin ang mga istudyante. Tumungo si Calvin ng tumigil siya sa harapan ng dalaga. Nakangiti niyang nilahad ang kamay at kinuha naman iyong ni Quincy. Unti-unti na silang naglakad hanggang sa makarating sa gitna at makabuo ng bilog.

"I can't wait to see you wearing a gown and I can't wait to dance with you all night Quin." bulong ni Calvin.

Napangiti naman si Quincy sa sinabi ng binata sa kanya.

"Dapat ako ang nagsasabi niyan sayo Cal. Ano kayang itsura mo kapag nakasuot ka ng pang prinsepeng kasuotan? Lalo ka sigurong gwa-gwapo noon." nakangiting sagot ni Quincy sa kanya.

"Wala namang magbabago sa itsura ko Quin. Suot oo pero yung pagiging gwapo inborn na."

Sabay na natawa ang dalawa dahil sa sinabing iyon ni Calvin.

"Papalit na naman tayo ng partner. Mukhang hindi ka ganon ka-kumportable kay Cameron."

"Hmm hindi ko lang kayang tagalan ang titig ng isang yun saka ayaw ko ng masyadong nalapit sa kanya dahil ayaw kung magalit na naman sakin si Eliana."

"Hindi naman niya kailangan magalit sayo."

"May anak na sila ni Cameron, maiintindihan ko naman siya kung bakit ganon siya sakin."

Tumango na lamang si Calvin at mabilis na inikot si Quincy dahilan para pumunta na ito kay Cameron. Nagkatinginan pa silang dalawa at kinindatan niya pa ito bago tiningnan ang bagong kapareha.

Naramdaman na naman niya ang pagka-ilang ng magtama ang paningin nilang dalawa ni Cameron. Titig na titig na naman ito sa kanya.

"Cameron, wag ka ngang tumitig ng ganyan. Naiilang ako."

"Really? Bakit nong nagtititigan kayo ni Fernandez hindi ka naiilang? May favoritism ka ba?" nakangising tanong ni Cameron ng hindi manlang naalis ang tingin sa dalaga.

"Favoritism na pinagsasabi mo? Matino naman si Calvin kumpara sayo." seryosong ani Quincy at mas lalong napangisi si Cameron.

"Hindi ko lang talaga nilalabas ang kabaitan ko, paano kapag nilabas ko baka pati demonyo mahiya sa pagiging anghel ko."

"Kapal naman ng pagmumukha mo. Sinong may sabi sayong tatanggapin ka bilang anghel eh kulang nalang sayo sungay para magmukha ka ng demonyo."

"Tsk. Ang tabil ng dila mo." nakangising bulong ni Cameron at mabilis na inikot si Quincy.

"Nagsasabi lang ako ng totoo Cameron."

"Alam mo? Ang pangit niyo ni Calvin. Ang sakit-sakit niyo sa mata. Kung ganyan lang ang tratuhan ng magkaibigan, hindi na ako mag gi-girlfriend."

Sumama naman ang tingin ni Quincy at pasimpleng hinigpitan ang pagkakahawak niya sa kamay ni Cameron.

"Hanggang ngayon hindi mo parin tinuturing na girlfriend si Eliana? May magiging anak na kayo."

"Tsk. Kahit mamatay ako ora mismo, hindi ko yun papatusin." nakangising sagot ni Cameron bago inilapit ang mukha sa tenga ng dalaga. "At sinong may sabi sayong anak ko yun?"

Bahagyang natigilan si Quincy sa sinabi ni Cameron sa kanya. Pinaghalong gulat at pagtataka ang naramdaman niya sa huling sinabi ng binata.

"A-nong ibig mong sabihin?"

Ngumiti si Cameron sa kanya at binitawan na ang kanyang kamay at muli silang nagharap ni Calvin. Sinundan niya pa iyon ng tingin bago tiningnan ang kasayaw.

"What's the problem?" kunot-noong tanong ni Calvin sa kanya.

Umiling-iling na lamang siya.

"Bakit ang tagal ng mga yun? Kanina pa breaktime ah." wika ni Javion habang panay ang tingin sa labas ng cafeteria.

"Bakit kailangan mong hintayin?" nakangising tanong naman ni Dranreb sa kanya.

"Nagugutom na kasi ako."

"Bakit? Na kay Cameron ba ang bibig mo at hindi mo magawang kumain?" pabalang na tanong ni Dwight.

"Pwakanangina niyo!"

"Nandiyan na sila."

Napatingin ang mga ito sa entrance ng sabay-sabay na pumasok ang tatlo kasama na si Eliana. Nagpaalam narin ang dalaga na pupunta na siya sa table nila ni Princess at mabilis namang tumango si Calvin sa kanya. Si Eliana naman ay sumunod kay Cameron hanggang sa makaupo sila sa table ng magbabarkada.

"Kamusta ang practice?" si Matthew.

"Boring." sagot ni Cameron.

"Hoy Calvin Amadeus Fernandez! Bakit mo ako iniwan kanina? Napakasama mong nilalang. Hindi mo manlang ako sinama sa breakfast date niyo ni Harley Quinn!"

Halos mapalayo ang mukha ni Calvin dahil sa malakas na sigaw ng kanyang kakambal sa mismong mukha niya.

"A breakfast date?" sabay-sabay na tanong nina Javion sa binata.

"Easy." sinamaan niya ng tingin ang mga kaibigan bago pinagkrus ang mga braso. "Ginising kita kaya wag mo akong sigawan! Saka isa pa, bakit kita isasama kung ang date ay para lang sa dalawa?"

"Gago ba u? Hindi lahat ng nag de-date dalawa, yun iba tatlo. Third wheel kumbaga yung isa."

"Hindi ka ba titigil?" seryosong tanong ni Calvin at mabilis na kinuha ang bote ng tubig.

"Uwu. Sowwy po."

Napanganga na lamang si Calvin dahil sa ginawa ng kakambal niya. Parang babae niyang sinabi iyon habang pinagdikit pa ang magkabilang hintuturo.

"Ang cute mo Kyle. Mukha kang bakla na nagtrabaho sa pornhub." ani Javion.

"Omsim pare." tatango-tango namang wika ni Jethro.

"Pak-u kayong lahat!"

Nagtawanan na lamang ang mga ito at nagsimulang kumain.

"Hoy bestie. Tuloy tayo bukas huh. Ako na bahala if kulang ang money mo. Sagot ko na ang iba." masayang anas ni Princesa sa kaibigan.

Si Quincy naman at nanatiling nakatulala. Iniisip niya parin ang sinabi ni Cameron sa kanya. Alam niyang hindi big deal yun pero gusto niyang malaman kung bakit iyon nasabi ni Cameron. Umiling-iling na lamang siya bago tiningnan ang kaibigan.

"Alam mo kanina pa kita napapansin na para kang lutang. Ano bang nangyayari sayo bestie? Wala kang kibo tapos pinaglalaruan lang pagkain mo. What's the problem? May nangyari ba? May problema ka ba sa family mo? Tell me."

"Wala. Napaisip lang kasi ako sa sinabi ni Cameron kanina tungkol sa kanila ni Eliana." mahinang sagot ng dalaga rito.

Bahagya niyang inikot ang tingin sa mga katabing table bago isiniksik ang mukha sa kaibigan.

"Anong meron?"

"Nagpag-usapan namin kanina yung tungkol sa kanila ni Eliana. Tinanong ko kasi kung hanggang ngayon ay hindi parin girlfriend ang tingin niya kay Eliana tapos sabi ko pa magkaka-baby na sila tapos ganon parin siya. Ang sinagot niya sakin kahit daw mamatay siya hindi niya magugustuhan si Eliana." chismis ni Quincy sa kaibigan. Huminga pa siya ng malalim bago magsalita ulit. "Yung

You are reading the story above: TeenFic.Net