•CHAPTER FOUR•

Background color
Font
Font size
Line height

Nakatingin lamang si Cameron sa labas ng bintana habang patuloy naman ang pag di-discuss ng kanilang professor. Tinatamad siyang makinig sa mga pinagsasabi nito.

"Ano namang iniisip mo?" tanong ni JP sa binata.

"Nagugutom ako."

"Tanga ka kase. Pinapakain kita kanina, hindi ka naman kumain tapos ngayon rerekla-reklamo ka diyan." masungit na sagot ni JP pero tanging masamang tingin na lamang ang sinagot ni Cameron sa pinsan.

Nakangiti habang pinagmamasdan ni Calvin si Quincy na nagsasagot ng math problem sa harapan. Hindi niya maiwasang pagmasdan ang dalaga, simula sa paggalaw ng kamay nito hanggang sa pagbaba ng tingin sa sariling notebook.

"Kambal, umamin ka nga sa'kin." seryosong tiningnan ni Kyle ang kakambal. "Do you like Quincy?"

"No." mabilis na sagot nito sa kanya.

"Bakit ganyan ka kung makatingin sa kanya? Kahapon pa kitang napapansin kapatid." tumaas ang kilay nito bago pinagkrus ang sariling braso.

"Pwede ba? Don't give malice everything I do to her, Kyle. Baka bantukan kita." seryosong sagot ni Calvin bago muling tumingin kay Quincy na tapos na pala sa kanyang pagsasagot.

Ngumiti si Quincy ng mapansing nakatingin sa kanya si Calvin. Mahina pa siyang tumawa ng kindatan pa siya nito. Nang makaupo si Quincy sa kanyang kinauupuan, pasimpleng tumayo si Calvin at mabilis itong lumipat sa tabi niya.

"Wala daw gusto. Kwento niya sa nanay niya araaaaaaay naman!" mahinang sigaw niya ng pasimpleng kurutin ng kakambal ang kanyang tagiliran.

"Okay, the answer is correct. Next Miss Castro." nakangiting ani guro.

"Nice." si Calvin.

Tumawa na lamang si Quincy bago tiningnan ang sariling notebook.

Nang tumunog ang bell, mabilis na tumayo si Calvin para kunin ang kanyang gamit.

"Tulungan na kita." dahan-dahang umangat ang tingin ni Quincy sa binata ng bigla nitong kunin ang kanyang gamit.

"Wag na, Cal. Hindi naman mabigat." akmang kukunin ng dalaga iyon pero mabilis na nailayo ito ni Calvin.

Ngumiti na lamang ito bago naglakad papalayo.

"May dapat ba akong ma-knows sa inyong dalawa ni kambal?" tanong ni Kyle habang pinagmamasdan ang likuran ng kakambal.

"Ano naman yun Kyle?"

"I don't know, that's why I'm asking you duh Harley Quinn." nang-aasar na sagot nito na kinatawa naman ng dalaga.

Medyo naiilang siya dahil marami ang nakatingin sa kanila lalo na sa kanilang dalawa. Bitbit ni Calvin ang kanyang gamit kaya hindi maiwasang magbulungan ng mga istudyante.

"Don't tell me guys, nililigawan siya ni Calvin?" maaarteng tanong ng babaeng nasa kabilang dinadaanan.

"Parang sinabi mo naring walang ka-amor-amor si Calvin, Diana. Ofcourse not, hindi siya magkakagusto sa mga babaeng umaasa lang sa scholarship." sagot naman ng kausap nito.

Bahagyang tiningnan ni Cal si Quincy na nakatungo, bumuntong-hininga na lamang siya at dahan-dahang inakbayan ang dalaga dahilan para mas lalong mag-ingay ang mga kababaihang kanilang nadadaanan.

"Don't mind them okay?" nakangiti ngunit nando'n ang pagkaseryoso sa tono ng kanyang pananalita.

"Dumaan muna tayo sa locker, masyadong mabigat yan para dalhin mo hanggang cafeteria." ani Quincy at mabilis naman niya itong tinanguan.

Sinulyapan niya ang ka-kambal na nasa cellphone naman ang tingin. Wala siyang pakialam sa mga nagbabanggang kapwa istudyante.

"Mauna ka na sa cafeteria."

"Why?"

"Tsk wag ng maraming tanong!" iritang sigaw nito.

Ngumuso na lamang si Kyle bago pa tumango. Nagsimula siyang maglakad ng mabilis na may kasamang pagdadabog. Napailing na lamang si Cal sa inasta ng kakambal.

"Isip bata." natatawang ani Quincy.

"Exactly." pagsang-ayon ni Calvin sa kanyang sinabi.

Tumawa na lamang ang dalawa saka tinungo ang daan patungong locker.

Sabay-sabay na umupo sa kanilang table sina Cameron. Walang ganang tiningnan ng binata ang mga pagkaing nasa kanyang harapan, ramdam na ramdam niya ang kawalan ng gana sa lahat. Gusto niya ng kapayapaan, wala siyang taong nakikita kundi siya lamang, gusto niyang ipahinga ang buong katawan.

Nakatingin lamang sa kanya si Eliana, hindi niya maiwasang malungkot dahil kanina pa siya hindi pinapansin ng binata. Parang wala itong pakialam sa kanyang presensya. Bumuntong-hininga na lamang ang dalaga bago hawakan ang isang kamay ni Cameron na nasa ilalim ng lamesa.

Naramdaman ni Cameron ang paghawak ni Eliana doon dahilan para unti-unti niyang lingunin ang dalaga.

"Are you okay? Aalis nalang muna ako kung ayaw mo akong nandidito." kahit na nakangiti sa kanya ang dalaga, ramdam na ramdam niya ang pait base narin sa pananalita nito.

"Do whatever you want Eliana." seryosong sagot niya bago kunin ang sariling kamay.

Mas karamdaman pa siya ng lungkot dahil sa sinagot sa kanya ni Cameron. Inaasahan niyang pipigilan siya nito ngunit naman iyon ang nangyari.

"Okay okay. I'll just sit at my friends' table." malungkot na bulong pa nito bago tumayo.

"Saan ka pupunta?" ngumunguyang tanong ni JP sa kanya.

"Do'n muna ako sa table ng mga friends ko." pilit siyang ngumiti rito kahit na unti na lamang ay babagsak na ang kanyang luha.

"Ok." mabilis na sagot ni Javion at muling nagpatuloy sa pagkain.

"Good morning m*therf*ckers!" masiglang bati ni Kyle ng makarating siya sa table nila.

"Ki-aga-aga nagmumura ka na. Minus points ka na sa langit tanga." asar ni Dranreb at tanging dila nalang ang sinagot ni Kyle sa kaibigan.

"Na'san si Cal?" tanong ni Jethro.

"Pumunta sa locker! Alam niyo, may kwento ako!" mabilis na umupo si Kyle sa kanyang pwesto bago tiningnan ang ka-grupo. "I think my brother likes Harley Quinn."

"Who's fucking Harley Quinn?" sabay-sabay na tanong ng mga ito maliban kay Cameron.

"Duh! It's Quincy."

"T*nginang yan, pauso." nakangiwing si JP.

"Bakit mo naman nasabi yun Kyle? Kilala mo naman ang kakambal mo, masyadong mabait sa mga babae."

"Kwe-kwento ko na nga di'ba Matthew, inuunahan niyo lang ako." masungit na sagot nito habang umiirap pa. "Napapansin ko na yun kahapon palang, I feel something strange about my brother. The way he looked at that woman, ibang-iba sa paraan ng pagtingin sa other girls. Bigla nalang ngumingiti kapag tinitingnan siya ni Quin."

"Baka naman gano'n talaga treatment nila sa isa't-isa. Sobrang ma-issue mo naman." si Dwight.

"Kahapon, dinala namin sila ni Princess sa house dahil may kwento daw ang Harley Quinn and then sabi ni brother, gusto niya daw tulungan." dagdag pa nito bago inikot ang paningin sa mga kaibigan.

"Sweet. Sanaol." ani Race.

Sabay-sabay na napatingin ang walo sa entrance ng sabay na pumasok sina Calvin at Quincy. Bahagya pang tumigil ang mga ito bago naghiwalay ng landas. Naniningkit ang paningin ng walo ng makita kung gaano kalaki ang ngiti nito.

"I think you're right, Kyle."

"I told you Brix."

Tumaas ang kilay ni Calvin ng makitang nakatingin sa kanya ang mga ito. Hindi lamang iyon simpleng tingin kundi tingin na nagtatanong. Umupo siya sa kanyang kinauupuan bago magtanong sa mga ito.

"May nagawa ba akong kasalanan sa inyo at ganyan nalang kayo kung makatingin sa'kin?" masungit na tanong niya habang tinitingnan isa't-isa ang walo.

"May gusto ka talaga sa babaeng yun?"

"What the hell is that Jethro?"

"Nagtatanong lang naman ako! Bakit kailangan mo akong murahin? Pinapalamo-." hindi na niya natapos pa ang sasabihin ng maramdaman niyang tumama sa mukha niya ang bote ng tubig.

"Wag niyo akong simulan."

Ibinagsak ni Cameron ang hawak-hawak na kutsara't tinidor dahilan para lingunin siya ni Calvin. Pinagkrus niya ang mga braso bago sinulyapan ang bagong dating.

"Chini-chismis ka ng kakambal mo."

"Argh! Cameron!"

"What is it?" taas-kilay na tanong ni Calvin sa kakambal.

"He told us that you have a feelings for her." pagtukoy ni Cameron kay Quincy.

Ngumisi na lamang si Calvin at ginaya ang tayo ni Cameron. Pinagmasdan niya ang mga kaharap bago samaan ng tingin ang kakambal.

"Linawin mo nga sa'min Cal, medyo magulo ang takbo ng buhay mo. Ano ba talagang trip mo sa babaeng yun?" tanong sa kanya ni Javion.

"Ano bang trip ang sinasabi niyo? Sinabi ko na sa inyo na wala akong gusto sa kanya. Hindi pa ba sapat?!"

"Bakit parang kasalanan ko?" panggagaya ni JP kay Bea Alonzo dahilan para magsitawanan ang mga ito.

"I just want to help her. She told us about her life story and I want to help her, yun lang."

Biglang tumayo si Race dahilan para mag-angat ng tingin ang mga ito sa kanya. Dahan-dahan siyang ngumiti bago tiningnan si Calvin.

"Kung si Calvin ay tumutulong sa mga kababaihan, ano si Calvin?"

"Matulungin!" unang sagot ni Kyle kay Race.

"Maawain." sunod namang sagot ni Matthew.

"Mabait!" taas-noong sagot naman ni Brix.

"Malandi." nakangising ani Cameron dahilan para lingunin siya ni Calvin.

"The f*ck." mabilis na tumayo si Calvin para kunin sana ang boteng tinapon niya ngunit mabilis na iyong naabot ng kakambal.

"Sige subukan mo'ng ipalo yan sa ulo ko, palakol ang gagamitin ko pampalo sa bungo mo." nagbabantang pangunguna ni Cameron sa kanya.

"Game! Fight!"

"Sa pula sa puti!" pagbabatos pa ng mga kaibigan sa dalawa.

Ngumisi na lamang si Cameron bago tumayo sa kanyang kinauupuan. Makahulugan pa siyang sumulyap kay Calvin bago naglakad papalayo sa grupo.

Nang makita ni Zanjoe ang pag-alis ni Cameron, mabilis siyang tumayo para puntahan si Eliana sa kanilang table. Tiningnan pa ito nina Ashley bago siya makaupo sa tabi ng dalaga. Kanina niya pa ito pinagmamasdan at kitang-kita nito ang lungkot sa mukha ni Eliana. Nasasaktan siya sa tuwing makikita ito sa ganoong itsura.

"Sinaktan ka na naman ba niya?" mahinang tanong ng binata dahilan para unti-unti siyang lingunin ng dalaga.

"Ofcourse not, umalis ka na Zanjoe. Baka makita pa tayo ni Cameron."

"Wala akong pakialam sa kanya."

Bumuntong-hininga na lamang si Eliana bago tiningnan ang mga kaibigan.

"Kamusta si Baby?" pag-iiba ng usapan ni Zanjoe.

Alam na naman ito ng mga kaibigan ng dalaga kaya hindi na kailangan pang lumayo sa mga kaibigan nito para lamang matanong sa bahay na iyon.

"Medyo nahihilo ako pero ok lang ako, don't worry."

"Gusto mo na bang umuwi? Kakausapin ko si Cameron."

"Hindi." mabilis na pigil ni Eliana kay Zanjoe. "I can handle it, Joe. Salamat sa pag-aalala."

"Are you sure?" nag-aalalang tanong nito at mabilis naman niyang tinanguan.

Maingat na binuksan ni Cameron ang music room, binuksan niya ang lahat ng ilaw doon dahilan para magliwanag ang buong lugar. Nandodoon lahat ng instrumentong ginagamit ng banda ng eskwelahan. Napangiti na lamang siya ng makita ang gitara, dahan-dahan siyang lumapit doon at kinuha iyon. Umupo siya sa mini stage bago itono ang hawak-hawak na gitara.

Ang ama niya ang nagturo sa kanya kung paano maggitara. Sa katunayan, pamilya sila ng mang-aawit. Maganda ang boses ng kanyang ina na talagang gusto niyang marinig sa tuwing hinehele siya nito sa gabi. Malamig naman ang boses ng ama niya na kanyang namana. Ganoon rin naman sa kapatid niya na piano naman ang kinahiligan pagdating sa mga instrumento.

Naglalakad sina Quincy papunta sa kanilang susunod na subject ng makita nila ang nagkakagulong istudyante sa labas ng music room.

"Tara puntahan natin." hindi na siya nakapagsalita pa ng bigla siyang hilahin ni Princess papunta doon.

Kahit ayaw na niyang makisawsaw sa mga istudyanteng nagkakagulo doon, wala naman siyang magawa dahil ayaw siyang pakawalan ng kaibigan.

"Excuse me." hinawi ni Princess ang ilang babaeng nakaharang sa pintuan at doon niya nakita si Cameron na kumakanta.

"Owshi. Hinaharana ako ni Fafa Cameron." kinikilig na bulong nito sa kaibigan habang ini-imagine na siya ang kinakantahan ng binata.

Bahagya sumilip si Quincy sa nakabukas na pintuan, nakita niya si Cameron na nakapikit habang busy ang kamay sa paggalaw ng string sa hawak-hawak na gitara.

I don't need a lot of things
I can get by with nothing
With all the blessings life can bring
I've always needed something
But I've got all I want
When it comes to loving you
You're my only reason
You're my only truth

Lahat ng babaeng nandodoon ay kinikilig habang kumakanta ang binata na wala namang pakialam sa kanilang presensya. Patuloy lamang siya sa kanyang ginagawa habang nanatiling nakapikit.

"Anong nangyayari rito, bakit may kaguluhang nagaganap?"

Napatingin ang lahat sa kanilang likuran ng marinig ang boses ni JP. Nakahanap ang mga ito habang nakatingin sa lahat ng kababaihan nandodoon. Tumama agad ang paningin ni Quincy kay Calvin na nakatingin rin sa kanya.

Bahagya lamang itong ngumiti bago sumilip sa loob ng music. Binuksan iyon ni Javion at sunod-sunod na silang pumasok.

I need you like water
Like breath, like rain
I need you like mercy
From heaven's gate
There's a freedom in your arms
That carries me through
I need you

You're the hope that moves me
To courage again, oh yeah
You're the love that rescues me
When the cold winds, rage
And it's so amazing
'Cause that's just how you are
And I can't turn back now
'Cause you've brought me too far

Natigilan si Cameron sa kanyang pagkanta ng makita ang mga binatang nakangisi habang pinagmamasdan ang lahat ng galaw.

"Madaya ka! Bakit hindi ka nagyaya?" nakangising tanong ng kanyang pinsan pero wala siyang sinagot rito.

"Tutugtog ba ang banda?" masayang tanong ni Dranreb na mabilis namang tinanguan ni Brix.

"Yon!"

"Kahit kailan, panira ng momentum." nakangising bulong ni Cameron.

Ibinaba niya ang hawak-hawak niyang gitara at akmang lalakad palabas ng bigla siyang pigilin ng pinsan.

"Saan ka naman pupunta?"

"Kung gusto niyong mag cutting, mag cutting kayo. Papasok ako." masungit na sagot nito.

"Bobo. Cutting mo mukha mo! May meeting ang mga professors ngayon." nakangising sagot nito. "Tara? Minsan nalang tayo mag bonding as a band, wag kang killjoy."

Bumuntong-hininga na lamang si Cameron rito bago tumango. Ngiting-ngiti naman ang binata at mabilis na lumapit sa glass window at binuksan yun.

Mas nagtilian ang mga babaeng nanunuod ng puwesto na ang mga ito sa kani-kanilang tayo.

Ang kanilang bansa ay binubuo ng limang miyembro. Si Calvin na siyang bassist ng banda. Si Race naman ang drummer habang si Javion naman ay guitarist. Si Dwight naman ang tumatayo bilang pianist at si Cameron ang vocalist ng banda.

Kumakanta lamang ang banda tuwing may event sa kanilang eskwelahan ng mga ball, Valentine's day at tuwing anibersaryo ng school.

"Hey, come in." yaya ni Kyle sa dalawa.

"Wag nalang kaya, Princess." nahihiyang wika ni Quincy pero hindi manlang siya sinagot ng kaibigan.

Pumasok sila doon at naupo sa tabi nina Kyle.

Nanlilit ang mata ni Cameron ng dumapo ang kanyang paningin kay Quincy. Ngumisi na lamang siya at mabilis na binaling ang tingin kay Eliana na nakatayo sa gilid ng pintuan at nasa likuran ni si Zanjoe.

Nagsimula tumugtog ang banda dahilan para mas lalo pang umingay ang mga nanunuod. Tahimik lamang sina Quincy at naghihintay lamang kumanta si Cameron.

Maybe it's intuition
But some things you just don't question
Like in your eyes, I see my future in an instant
And there it goes
I think I found my best friend
I know that it might sound
More than a little crazy but I believe

"Ang ganda talaga ng boses ni Cameron. Nakakainlove." bulong ni Princess kay Quincy at sumang-ayon na lamang siya.

"May crush ka kay Cameron?" biglang tanong ni Matthew.

"Huh?" kinakabahang tanong ni Princess at tumawa naman naman ang binata sa kanya.

"May crush ka nga."

"Stop it, Matt." saway nito.

Ramdam na ramdam niya ang pamumula ng mukha kaya hindi niya mapigilang isiksik yun sa likuran ng kaibigan.

"I knew I loved you before I met you." kanta ni Cameron habang nakatingin kay Eliana.

"OMG! Guys!"

"Nakita niyo ba yun?"

"Bakit kailangan tumingin kay Eliana? Medyo nakakaselos ah."

Nakagat ni Eliana ang ibabang labi dahil kinikilig siya sa ginawa ni Cameron. Bahagya pa siyang tumango para doon ilabas ang ngiting gusto ng kumawala.

Walang kaide-ideya ang dalaga na ginawa lamang iyon ng binata para asarin si Zanjoe.

I think I dreamed you into life
I knew I loved you before I met you
I have been waiting all my life

There's just no rhyme or reason
Only the sense of completion
And in your eyes
I see the missing pieces I'm searching for
I think I've found my way home
I know that it might sound
More than a little crazy but I believe

Unti-unting kumuyom ang kamao ni Zanjoe dahil sa sakit na nararamdaman. Kitang-kita niya sa mata ng dalaga ang pagmamahal sa binata na kailan man ay hindi niya nakita sa sarili niya. Nasasaktan siya sa katotohanan mahal ni Eliana si Cameron at hindi siya.

Dahan-dahan siyang tumalikod at naglakad papalayo sa lugar na iyon. Nang mapansin iyon ni Cameron, hindi niya maiwasang ngumiti ng mag tagumpay ang kanyang plano. Iniwas na niya kay Eliana at paningin at dahan-dahang dumapo iyon kay Quincy. Pinagmasdan niya ang dalaga na nakatingin rin sa kanya, pakiramdam niyang unti-unting nawawala ang lahat ng tao at tanging silang dalawa lamang ang kanyang nakikita.

Hindi rin naman masisisi ni Quincy kung talagang maraming nagkakagusto sa binata. Halos lahat na ng talent sa mundo ay sinalo nito sadyang natulog lang kung kailan umulan ng kabaitan.

"Sayang talaga 'tong si Cameron. Kung mas pinili niyang maging anghel edi sana walang may galit sa kanya." narinig ni Quincy ang bulong ni Dranreb dahilan para mapatingin siya sa kaibigan nito.

"Tsk. Perfect na siya masyado, Reb kung pati ba naman magandang ugali ay sinalo niya."

"Truelala Brix. Saka isa pa, kahit naman ganyan ang ugali niya marami mababago niya yan kung talagang darating na ang kanyang the one. I believe in the saying that, if you love a person saktan mo."

Napatingin ang anim kay Kyle dahil sa huling sinabi nito. Mahina naman siyang tumawa at dahan-dahang

You are reading the story above: TeenFic.Net