CHAPTER FORTY TWO

Background color
Font
Font size
Line height

Paglabas na paglabas pa lamang nina Cameron at Quincy sa kotse ay mabilis na humarang ang mukha ng kaibigan niyang si Princess.

"Totoo ba ang news tungkol kay Eliana?" gulat na gulat na tanong niya.

"Ang aga-aga Princess." nakangising sagot sa kanya ng kaibigan.

"How's the baby?"

"Ang cute niya."

"Ahhhhh hindi siguro nagmana kay Eliana."

Bumuntong-hininga na lamang si Cameron at tiningnan ang mga kaibigan nakatambay sa waiting shed.

"Good morning Harley Quinn." parang batang binati ni Kyle ang dalaga ng makarating ito sa tayo nila.

Nang magtama naman ang tingin nilang dalawa ni Princess, unti-unting sumama ang paraan ng tingin nila sa isa't-isa.

"Good morning." masayang bati ng dalaga sa mga ito.

"Let's go." seryosong pagyaya ni Cameron sa mga kaibigan.

Nauna ng tumayo si Javion at sinundan naman ito nina Dranreb. Tumabi naman si Calvin kay Quincy saka tiningnan ang mga kaibigan.

"See you later Baby. I love you." malambing na bulong ni Cameron at hinalikan pa ang noo nito.

"I love you too. Aral mabuti."

"Hmm para sa future nating dalawa." kumindat pa ang binata bago siya tinalikuran.

"Kita-kits nalang mamaya Bestie." mabilis na lumapit si Princess sa kaibigan para halikan ang pisngi nito.

"Sige."

"Bye Cal."

"Bye."

Tumapat ang dalaga sa kakambal nito at muling sinamaan ng tingin at mabilis na tinalikuran.

"Ang pangit mo." mahinang bulong ni Kyle saka umirap-irap.

"Tsk let's go. Male-late na tayo." pagyaya ni Calvin at mabilis namang tumango sa kanyang si Quincy.

Sabay-sabay na lumakad ang mga ito sa kanilang building saka pumasok sa kanilang classroom.

Kalat sa buong campus ang tungkol sa pagsilang ng sanggol ni Eliana. Magkahalong negative at positive ang mga comments ng mga istudyante patungkol sa kanya pati narin sa bata. Hindi na lamang iyon pinagtuunan ng pansin ni Cameron. Ayaw niyang pag-usapan ang tungkol sa bagay na iyon.

"Congratulations Cameron."

"Potangina." hindi napigilang magmura ng binata ng marinig ang sinabi ng kaklase.

"Relax, puso mo." nakangising bulong ng pinsan niyang si Javion.

"Kini-congrats ka nga, galit ka pa." nang-aasar pang sambit ni Dwight.

"Hindi ko alam kung pang-iinsulto ba yun o kung ano. Naiirita ako." kunot-noong asik nito.

"Maraming salamat daw." nakangiting pasasalamat ni Matthew sa kaklase.

Tumango-tango naman ito at mabilis naring naupo sa kanyang table.

"Galit na galit gustong manakit." ani Jethro.

"Hindi ka ba mananahimik?" nagbabantay tanong ni Cameron sa kaibigan at mabilis naman niyang itinaas ang dalawang kamay bilang pagsuko.

"Alam na ba ni Atticus?" tanong ni Javion.

"Bakit kailangan niya pang malaman?"

"Hindi niya lang ba malalaman na lumabas na ang pamangkin niya?"

"Fuck!" malakas na sigaw niya dahilan para lingunin siya ng lahat ng istudyanteng nandodoon.

"Yari ka JP." pananakot pa ni Brix.

"Nagbibiro lang naman ako Insan." kunwari pang natatakot na wika ni Javion at hinagod-hagod pa ang balikat ng binata.

"Mukha ba akong nakikipagbiruan sa'yong pisting yawa ka?" bwesit na bwesit na tanong ni Cameron at hindi naman agad siya nakasagot.

"Sabi ko nga tatahimik na ako. Wag na magalit." panunuyo pa nito ngunit hindi naman siya pinansin ni Cameron.

Pumasok narin ang kanilang professor dahilan para matigilan silang lahat. Mabilis na umayos ang mga ito ng pagkakaupo bago tumayo para bumati rito.

"Are you okay?" nakangiting tanong ni Calvin kay Quincy.

Nakatingin ito sa hawak-hawak na libro at hindi sa kanya.

"Okay naman ako bakit mo naman natanong?" nakangiting sagot naman ng dalaga habang ang tingin ay nasa kanya.

"Are you sure?"

"May dahilan ba Cal para hindi maging okay?"

Muling ngumiti ang binata. Isinara niya ang hawak-hawak na libro at tiningnan siya ng diretso. Bahagya pa siyang nagtaka sa paraan ng tingin nito ngunit hindi na lamang niya binigyan ng pansin.

"Hindi ka manlang nakakaramdam ng takot or something about the child?" nakangiting ngunit seryosong tanong sa kanya nito. "Don't answer it if it's too personal." pabahol pa nito.

Bumuntong-hininga muna ang dalaga. Isinandal niya ang kanyang likuran sa sandalan bago pinagkrus ang mga braso. Dahan-dahan niyang nilingon si Calvin.

"Hmm ang tungkol sa bagay na yun. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kung maramdaman Cal. Wala akong kahit anong nararamdaman sa bata, basta alam ko lang masaya ako dahil nandidito na siya ngayon. Wala sa utak ko na magalit sa kanya kung si Cameron man ang ama niya." seryosong sagot nito dahilan para mapangiti si Calvin.

Dahan-dahan niyang inangat ang kanyang kamay para guluhin ang buhok ng dalaga.

"I know you're already understand the situation between the four of you. Hindi parin mawawala si Cameron sayo ano man ang mangyari."

Tumango-tango naman ang dalaga bilang pagsang-ayon sa sinabi nito.

"Mas magiging kumplikado kung gagawin pa nating kumplikado ang isang kumplikadong sitwasyon." natatawang sabi ng dalawa at natawa narin si Calvin sa kanya.

The black car stopped in the abandoned area. Victor took off his shades before getting out of his car. He looked around seriously. He went to the place where the body of his friend Langston was found. Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa abandonadong gusali, nagbabakasali siyang may mahahanap siyang kahit anong bagay na pwe-pwede niyang gamitin para malaman kung sino ang mga taong nandodoon bago matagpuan ang labi ni Langston.

"Take a look at the whole place and find something strange." seryosong utos nito kina Alejandro at Daniel.

Mabilis namang tumango ang dalawa at nagsimulang umikot-ikot sa buong lugar. Muli siyang naglakad hanggang sa makapasok siya sa loob ng abandonadong gusali. Tahimik at walang kahit anong bagay ang gumagawa ng ingay. Tiningnan niya ang bawat sulok bago umakyat sa pangalawang palapag. He immediately looked at the floor where Langston's blood was splattered. He looked even more serious as he studied that. He didn't see anything there.

Umihip ang malakas na hangin dahilan para liparin ang mga tuyong dahon. Pakiramdam niya'y niyakap siya ng kanyang kaibigan at humihingi ng tulong sa kanya.

"Master." tawag ni Alejandro sa kanya.

Dahan-dahan niyang nilingon ang dalaga na walang karea-reaksyon ang pagmumukha. Naglakad ito papalapit sa kanya at tiningnan rin ang dugo na nagkalat.

"We didn't find anything that could identify who killed Mr. Miliano." mahinang bulong nito.

"Masyadong matatalino ang mga taong gumawa nito sa kanya. Malinis at mukhang walang balak magpahuli." sarkastikong sagot ni Victor.

Hindi naman sumagot si Alejandro at nanatili lamang tahimik.

"Master." tawag naman ni Daniel at mabilis na napalingon ang dalawa sa kanya. "Sr. Marshall is calling and he's looking for you."

Mabilis na inabot nito ang cellphone na mabilis naman niyang kinuha. Dumistansya pa siya ng bahagya sa dalawa bago sagutin ang ama.

"Dad." seryosong bungad nito sa kanya.

"Where are you?" his father asked seriously.

"I just went somewhere. Why did you ask?" nakangising tanong niya sa ama.

Nagsimula siyang maglakad palabas ng gusali at sumunod naman sa kanya sina Alejandro at Daniel. Senenyasan niyang buksan nito ang pintuan ng kotse na mabilis namang sinunod ni Daniel. Mabilis siyang pumasok doon at itinapon ang suot-suot na shades sa katabing upuan.

"How is the case with Langston? Have you found any information about who killed him?"

He sighed before answering that question.

"Until now I still can't find any information on that matter Dad."

Hindi naman nagbago ang reaksyon ni Marshall. Nanatili itong seryoso habang nakatingin sa kung saan. Inaasahan na niyang iyon ang magiging sagot ng anak sa kanyang tanong.

"Go home, we need something to talk about." makapangyarihang utos nito.

"I will."

Mabilis na ibinaba ni Victor ang tawag na iyon. Ipinatong niya ang kanyang cellphone sa arm rest ng sariling kinauupuan. Ipinikit na lamang niya ang mga mata dahil pakiramdam niya'y sumasakit ang sintido niya.

"Are you alright Master?" tanong ni Alejandro.

"I'm okay, don't mind me." pikit-matang sagot nito sa kasama.

Tumango-tango na lamang si Alejandro at hindi na nagbalak pang magsalita.

Tumunog ang bell at mabilis na nagsitayuan sina Cameron sa kani-kanilang tayo. Nauna narin siyang lumabas at nagtatakbo papunta sa building ng kasintahan. Wala atang kahit anong pumasok sa utak niya dahil panay ang lipad non sa kung saan.

"Cameron! Hintayin mo kami!" sigaw ng pinsan niyang si Javion pero hindi manlang niya ito nagawang lingunin.

Halos madulas siya sa hagdanan sa sobrang pagmamabilis na makababa ng kanilang building.

"Baby!" masayang sigaw niya ng saktong kababa lang rin ng hagdanan ni Quincy kasama ang kambal.

"Cameron." malambing na pagtawag ng dalaga sa binata.

"Na-miss kita agad." kagat-labing bulong nito sa mismong tenga ni Quincy.

Bahagya naman siyang natawa dahil sa inasal nito. Inilapit niya ang kanyang labi sa pinsgi ni Cameron para halikan iyon. Ngiting tagumpay naman ang binata dahil sa kilig na nararamdaman.

Kaagad nitong hinawakan ang bewang ni Quincy ng magsimula na silang maglakad. Mabilis naman nakasalubong ng mga ito ang kaibigan sina Javion.

"Bakit hindi pa kayo dumiretso sa cafeteria? Ang tatalino niyo ring mag-isip." nang-aasar na ani Cameron habang iniisa-isang tingnan ang mga kaibigan.

"Anong malay namin Cameron?" masungit na tanong ni Dwight sa kanya.

Ngumisi na lamang si Cameron at hindi na pinanasin pa ang mga ito. Mabilis silang nakapasok ng cafeteria at dali-daling naring umupo sa kanilang table. Nagdire-diretso naman sina Javion sa counter para umorder ng kanilang pagkain.

"Kamusta ang school?" tanong ni Cameron kay Quincy ng matapos niyang akbayan ito.

"Gano'n at gano'n parin naman. Puro discussion and quiz syempre." humihikab na sagot ng dalaga.

"May nakikita na naman akong nakakapagpainit ng dugo ko." masungit na asik ni Kyle ng makita na naman na magkasama sina Princess at Mikey.

Masayang nagtatawanan ang dalawa habang pumapasok sa loob ng cafeteria. Lumapit pa si Princess sa binata para yakapin ito at magpaalam ng pupunta na sa table ng mga kaibigan.

"You're jealous huh." nakangising nang-aasar na bulong ni Calvin sa kakambal.

"Paanong hindi magseselos, daig pa nilang dalawa ang mag girlfriend-boyfriend."

"Umamin ka rin."

Unti-unting natigilan si Kyle at unti-unting napagtanto ang kanyang sinabi. Dahan-dahan pang nanlaki ang kanyang mga mata habang unti-unting nililingon ang kakambal.

"H-indi ako nagseselos."

"Wag mo ng itanggi Kyle Gabriel, huling-huli ka na." nakangising sagot pa ni Calvin at mabilis na tiningnan si Princess na kakarating lang ng kanilang table.

"Magkasama na naman kayo ni Mikey." nakangiting wika ni Quincy.

"Ahm yeah? Hinintay niya akong matapos ang klase ko." kinikilig na sagot ng dalaga matapos maupo sa tabi niya.

"Nililigawan ka na ba?"

"Hoy Cameron, hindi kaya. Friends lang kami."

"Friends?"

Ang lahat ay napatingin kay Kyle dahil sa sarkastikong pagkakatanong nito sa dalaga. Tumaas naman ang kilay ni Princess at mabilis na pinagkrus ang kanyang mga braso.

"Ano na namang problema sayo Kyle at parang bitter na bitter ka na kaibigan ko si Mikey?"

"Kaibigan ba yun? Yuck! Ano? Friends with benefits lang? Mandiri ka Princess, hindi bagay sa inyo yun." taas-kilay habang umiikot pa ang eyeball na pagkakasabi ng binata.

"Hoy! Anong friends with benefits? Pinagsasabi mo? Ang sabihin mo nagseselos ka saming dalawa ni Mikey."

"EXACTLY!" sabay-sabay na sigaw nina Dranreb dahilan para matigilan sina Kyle at Princess.

Tawang-tawa naman si Quincy habang pinagmamasdan ang dalawa na magkatitigan. Hindi alam ng mga ito kung paano magsasalita sa isa't-isa. Parang hindi alam kung sino ang mag fi-first move para magtanong.

"Ka-pal ni-yo na-man! Ak-o? Magse-selos? Kwen-to ni-yo s-a lo-lo ni-yo! Hin-di ya-n ma-ngyayari!" pautal-utal na sigaw ni Kyle at muling tumawa ng tumawa si Quincy sa kanya.

"Harley Quinn naman eh." dagdag pa nito at nagmamakaawang tigilan na siya ng binata.

"Wala akong ginagawa Kyle. Natutuwa lang ako sa inyong dalawa. Bagay na bagay kayo ng kaibigan ko."

"Yuck!" maarteng sigaw ni Princess at umaarte pang nasusuka.

"Bakit ba hindi niyo subukan ang isa't-isa Kyle at Princess? Bagay nga naman talaga kayo, parehong isip bata." natatawang sabi ni Javion at agad siyang sinamaan ng dalawa.

"Try niyo, wala naman masama kung susubukan. Hindi nakakamatay ang pagmamahal." nang-aasar pang saad ni Dranreb.

"Nakakabaliw lang." nakangising singit ni Calvin..

"Tigilan niyo kami!"

Tumawa-tawa na lamang ang magkakaibigan at hindi parin naman huminto sa pang-aasar sa dalawa.

Napatingin si Quincy sa kanyang kamay ng maramdaman niya ang mga daliri ni Cameron na sinasakop iyon. Matamis na ngumiti ang binata bago bumulong sa kanyang tenga.

"Mahal na mahal kita Baby."

"I love you too Cameron."

Nagsimulang kumain ang magkakaibigan at hindi parin nila maiwasang hindi makarinig ng tsismis tungkol kay Eliana pati narin sa bata. Hindi na lamang iyon pinansin pa ni Cameron dahil ayaw niyang manakit ang sintido sa kakaisip ng bagay na iyon.

"I heard that the class has been cut for this afternoon."

"Sino namang may sabi sayo Brix?" nakangising tanong ni Matthew sa kaibigan.

"Narinig ko nga diba? Ang bobo mo naman listeners." pabalang na sagot naman ng binata.

"Totoo ba JP?"

"Tanong niyo sakin? Anong malay ko sa bagay na yun?" masungit na sagot ni Javion habang panay ang kain ng chips.

"Alam mo? Wala kang kwentang anak ng Dean. Halatang wala kang kaalam-alam sa galaw ng eskwelahan. Nakakahiya ka."

"Wag mo akong simulan Jethro. Mainit ang ulo ko."

"Aling ulo?"

Napangisi naman si Javion at dahan-dahang tiningnan ang parteng ibaba niya. Kaagad naman iyong nakuha ni Jethro kaya hindi nito maiwasang matawa sa kaibigan.

"Gala nalang tayo kapag tunay ngang wala." singit ni Race.

"Saan mo gustong pumunta Baby?"

Mula sa pagkakatingin sa kinakaing chips, dahan-dahan umangat ang tingin ni Quincy sa kanyang boyfriend.

"Ikaw, kung saan mo gustong pumunta don rin ako."

"Sigurado ka?" dahan-dahang ngumusi si Cameron dahilan para unti-unti namang mangunot ang noo ng dalaga.

Hindi siya nagtitiwala sa paraan ng pagngiti ni Cameron.

"Dapat na ba akong kabahan diyan sa ngiti na yan Cameron?"

"Why?" painosenteng tanong naman nito.

Inirapan na lamang ni Quincy ang binata at kaagad na inilihis ang tingin. Tumawa-tawa naman ang binata dahil may naiisip siyang gusto niyang puntahan kasama ang kasintahan.

Habang abala ang mga ito sa kanilang pagkain, sabay-sabay na tumingin ang mga istudyante sa speaker ng biglang tumunog iyon.

"Good afternoon to all students. We are announcing that there will be no classes for this afternoon because all the professors have a general meeting. All students are asked not to stay inside the school. You can go home after your lunchbreak. Thank you very and god bless."

Nang matapos sabihin iyon, masayang-masaya naman ang lahat ng istudyante dahil makakauwi na sila ng maaga.

"Sabi ko naman sa inyo." nakangisi pang Brix.

"Saan tayo? Ayoko pang umuwi sa bahay. Boring." ani Kyle.

"Mauna na kayo."

"Saan ka pupunta?" takang-taka na tanong ni Quincy ng matapos iyong sabihin ni Cameron.

"May pupuntahan lang ako, babalik agad ako Baby. Nandiyan ang mga kaibigan ko at alam kung hindi ka nila pababayaan." mabilis na niyakap ng binata ang dalaga bago hinalikan ang noo nito.

Hindi naman alam agad ni Quincy kung anong magiging reaksyon siya ginawa nito.

"Take care of her, Calvin."

"I will." sagot ng binata kay Cameron.

"Sige na." kumindat pa si Cameron sa dalaga bago maunang maglakad sa kanila.

"Princess!"

"Mikey."

"May pupuntahan ka ba? Yayain sana kita ng date."

Umigting ang paa ni Kyle ng marinig niya ang sinabi ng binata kay Princess.

"Date?" hindi naman makapaniwalaang tanong ni Princess.

"Yeah? Bawal ba?It's okay if you don't want to and you're going somewhere."

"No, sumama ka nalang samin."

"What?!" hindi napigilang asik ni Kyle.

Tumaas naman ang kilay ni Princess habang nakatingin sa kanya.

"Bakit? Bawal ba? Pwede ko naman siyang isama sa lakad natin diba guys?" tanong ni Princess kina Dranreb.

"Join us." nakangiting wika ni Calvin dahilan para agad siyang lingunin ng kapatid.

"Brother!"

"Why? He seems to know how to get along with other people so why don't we let him go with us? Right Mikey?" nang-aasar pang tanong nito sa binata.

"I don't think your twin is comfortable with me. Maybe next time I'll just send Princess on a date."

"Pre, tara na. Wag mo pansinin ang lalaking yan. Nagseselos lang yan sayo." mabilis na inakbayan ni Dranreb ang binata at mabilis na nagsimulang maglakad.

Nagdadabog namang sumunod si Kyle sa mga ito dahil wala na siyang makakagawa kundi mairita habang nakikitang magkadikit ang dalawa.

Tumawa-tawa na lamang si Quincy habang nakatingin sa mga kaibigan.

"Alam mo ba kung saan tayo pupunta?" tanong niya kay Calvin na sinasabayan ang paglalakad niya.

"Somewhere over the rainbow." natatawang aniya.

Alam niya ang binabalak ng kaibigan. Tingin palang ni Cameron sa kanila ay halatang-halata ng may gusto iparating. Pasimple nitong kinausap ang pinsan na mabilis naman sumang-ayon sa kanyang gusto.

"Maglalakad lang tayo?"

"Gumapang ka Dwight kung kaya mo."

Imbes na sumagot, mabilis na tumakbo si Dwight para maabutan si Javion na mabilis rin namang nakatakbo papalayo sa kanya.

Umugong pa ang tawanan ng mga ito sa labas ng school.

"Hindi ka ba naiilang?" tanong ni Princess kay Mikey ng napapansin niya na tahimik ito.

"No, I can handle it Princess Noreen."

"Baho niyo." diring-diri bulong sa sarili ni Kyle.

Pinaggitnaan nilang dalawa ang dalaga kaya narinig niya kung anong sinabi nito kay Mikey.

Habang naglalakad ang magkakaibigan, rinig na rinig ang sigawan ng mga ito. Nahihiya na lamang si Calvin dahil sa mga pinaggagawa ng kaibigan.

"Quin."

"Hmm?"

"Palit tayo ng pwesto." bulong nito.

Mabilis na pinagpalit ni Calvin ang tayo nilang dalawa. Si Quincy na

You are reading the story above: TeenFic.Net