CHAPTER FORTY THREE

Background color
Font
Font size
Line height

Nakangiti habang pinagmamasdan ni Eliana ang buhat na buhat na anak. Matapos ang ilang araw na pananatili sa hospital ay pwe-pwede narin silang makauwi sa kanilang bahay.

"Wala pa ba si Joe anak?" tanong ng kanyang ina sa kanya.

"Hindi daw siya makakapunta, may kailangan daw siyang asikasuhin. I understand that he does a lot of school works." nakangiti namang sagot ng dalaga.

Bahagyang gumalaw si Ezequiel dahilan para lingunin niya ito. Hindi niya mapigilang ngumiti ng makita ang matamis na ngiti ng kanyang anak.

"That beautiful smile Ezequiel." malambing na bulong ni Eliana matapos halikan ang noo ng bata.

Bumukas ang pintuan ng kanyang kwarto at hindi niya inaasahang kung sino ang makikita niya. Seryoso ang mukha nito habang nakatingin sa kanilang dalawa.

"Wh-at a-re y-ou doing he-re?" nauutal na tanong niya kay Cameron.

Sinara ni Cameron ang pintuan at dahan-dahan nag-lakad papalapit sa kanilang mag-ina. Umupo ito sa hospital saka tiningnan ang bata.

"Zanjoe begged me to come here and take you to your house." seryosong sagot nito at nanatili paring nakatingin sa sanggol.

"Okay lang naman kung ayaw mo pumunta dito, nandiyan sina Mom and Dad." nahihiya paring aniya.

"Can I hold him for a second?"

"Su-re."

Dahan-dahang tumayo si Eliana mula sa pagkakaupo sa hospital bed at maingat na ibinigay ang anak sa kanlungan ni Cameron. Ingat na ingat naman ang binata na niyapos ang sanggol at dahan-dahang tiningnan ang maamong mukha ni Ezequiel. Unti-unting umangat ang hintuturo ni Cameron para hagurin ang pisngi ng bata, muli itong ngumiti dahilan para mahawa siya rito.

"He's so handsome."

"Ikaw kasi ang pinaglihian ko." biro niya at natawa naman ang binata.

"Alam ba ni Quincy na nandidito ka?" pagbabasag ni Eliana sa katahimikan na bumabalot sa kanilang dalawa.

"No, hindi naman siya magagalit kahit hindi ko sabihin sa kanya."

"Sabihin mo parin."

"Hmm."

Napatingin ang dalawa ng magbukas muli ang pintuan. Sabay na pumasok ang mag-asawa at natigilan ito ng makitang buhat-buhat ni Cameron ang kanilang apo.

"Everything is okay. Can we go home now?" nakangiting tanong ng ina ni Eliana.

"Yes Mom."

Maingat na tumayo sa pagkakaupo ang binata at imbes na ibigay niya ang sanggol kay Eliana, binuhat niya ito gamit ang kaliwang kamay at ang isa naman ay kinuha ang gamit ng bata.

"Ako na magdadala ng gamit ni Baby. Baka nahihirapan ka."

"It's okay. Bawal sayo ang magbuhat ng mabibigat na bagay. I can handle it Eliana." tugon ni Cameron bago mag-umpisang mag-lakad papalabas ng kwarto.

Napapangiti na lamang ang dalaga habang pinagmamasdan ang likuran ni Cameron. Hindi narin sila nagtagal pa doon at mabilis na pumasok ng elevator. Walang kahit sino sa mga ito ang bumabasag ng katahimikan habang nasa sa loob noon.

Nang makarating sa parking lot, mabilis na binuksan ng ama ni Eliana ang compartment ng kotse at inilagay doon ang gamit ng anak at ng kanyang apo.

"Saan ka sasakay?" tanong ng dalaga.

"Sa kotse ko. Susunod nalang ako sa inyo." sagot ni Cameron at kaagad siyang tinulungan na makapasok sa backseat.

Ibinigay niya si Ezequiel sa ina bago tapikin ang likuran ng kotse nito. Pinaandar na ng ama ni Eliana ang kotse at mabilis naman iyong sinundan ni Cameron.

"WELCOME HOME MAAM ELIANA!" halos mapaatras ang dalaga dahil sa gulat.

Tiningnan niya ang buong sala at nagkalat ang iba't-ibang klase ng balloons. May nakasulat rin doon bilang pagwe-welcome sa kanya pati narin sa bata.

"Salamat, nag-abala pa kayo."

Sinulyapan na lamang iyon ni Cameron at hindi na pinagtuunan ng pansin.

"Umakyat na muna kayo, mukhang kailangan ng pahinga ni Ezequiel." nakangiting wika ng ina nito.

"Yes Mom."

Nagtama ang tingin nina Cameron at magulang nito at tumango na lamang siya. Mabilis na umakyat ang dalawa sa taas at pumunta sa kwarto ng bata. Si Cameron na mismo ang nagbukas ng pintuan para hindi na mahirapan ang dalaga.

Dahan-dahan inihiga ni Eliana ang anak na mahimbing na natutulog sa crib. Bahagya niya pang inuga-uga ito bago maupo sa bangkong nasa tabi noon. Ibinaba naman ni Cameron ang mga bag na dala-dala saka lumapit sa mag-ina. Nakita niya ang mukhang box kaya mabilis niya itong kinuha at binuksan.

Nang tumunog ang isang lullaby, ibinaba iyon ng binata sa side table at tiningnan ang batang natutulog.

"I don't expect you to even take us all the way here at home Cameron." nakangiting panimula ni Eliana.

"Hmm. I promise to your boyfriend that you can go home safely."

"Thank you. Akala ko ay hindi mo na kami bibisitahin magmula no'ng huling punta mo."

Hindi naman agad sumagot si Cameron. Nakatingin lamang siya kay Ezequiel, pinag-aaralan niya ang itsura ng mukha ng bata. Hindi niya maiitanggo sa sarili niya na natutuwa siya sa maliliit nitong daliri na minsan ng hinawakan ang kanyang kamay ng pagkahigpit-higpit.

"Nabalitaan ko na alam na pala ng buong campus ang tungkol sa panganganak ko. Alam kung may nasasabi sila tungkol sakin kagaya ng----."

"Cut that word Eliana. Hindi mo na kailangan isipin ang sinasabi ng iba. Ang importante ngayon, alagaan mo ang anak mo." pagpuputol ni Cameron sa sasabihin nito.

"Yeah. I want to say sorry dahil alam kung nadadamay ka."

Bumuntong-hininga naman si Cameron at seryosong tiningnan ang dalaga. Ayaw niyang magbubukas ng usapan tungkol sa bagay na iyon.

"I said enough. Hindi ko naman ikakahirap ang mga sinasabi ng ibang tao."

"Yea-h I know." nahihiyang tugon nito saka dahan-dahang tumungo.

"Aalis na ako."

"Hindi ka manlang ba kakain rito? It's already late."

"Hindi na."

Mabilis na tumayo si Cameron sa pagkakaupo at muling sinulyapan ang bata. Itinuon niya ang dalawang kamay sa crib at dahan-dahang lumalapit ang mukha sa noo ng bata. Hinalikan niya iyon bago bumulong sa tenga nito.

"Sleep tight sweet angel. See you soon." aniya.

Walang lingon-lingon na binuksan ni Cameron ang pintuan at kaagad nating bumaba ng hagdanan.

"Cameron." tawag sa kanya ng ama ni Eliana.

"I'm going Mr. CariΓ±o."

"Thank you for keeping us safe."

"Hmm. Mauna na ako."

Tumango-tango naman ang matanda at tinapik ang kanyang balikat. Hindi narin agad siya nagtagal pa sa pamamahay ng mga ito at dali-daling tinahak ang daan pauwi.

"What the fuck are you doing here?" taas-kilay na tanong ni Cameron ng bumungad sa kanya ang mga kaibigan na nag-iinom sa sala.

Sabay-sabay naman na tumingin ang mga ito nang-aasar pang kumaway sa kanya.

"Patambay muna kami sa mansion mo Cameron. Masyadong tahimik, pa-ingayin natin." nakangising sagot sa kanya ni Dwight.

"Tsk."

Ibinato niya ang susi ng kotse sa low cabinet at masamang tiningnan si Javion. Painosente naman itong nagkibit-balikat bago uminom ng alak.

"May pasok tayo bukas, bakit ngayon niyo pa naisipang pumunta rito. Ang linis-linis ng pamamahay ko tapos du-dumihan lang ng mga lalaking katulad niyo."

"Wow huh! Sorry Pre, kami lang to! Kaibigan mo kami oh." nangungusensya pa singit ni Dranreb.

Sumama naman ang tingin ni Cameron at mabilis na naupo sa single sofa. Nakita niya ang bote na hindi pa nababawasan kaya kinuha niya iyon at mabilis na nilag-ok.

"Saan ka nga pala galing?" tanong ni Calvin sa kanya.

"That's not your business Fernandez."

"Tsk."

"Bakit nga ba kayo nandidito?"

"May problema tong si Kyle. May gusto talaga to kay Princess nahihiya lang umamin."

Halos mabuga ni Kyle ang alak na nasa loob ng kanyang bibig dahil sa sinabing iyon ni Matthew.

"Sinong nagsabi sayo? Hindi pa naman maluwag ang turnilyo ng utak ko para magkagusto sa isang yun. Medyo nakakadiring isipin!" nanginginig pang kunwaring sigaw nito sa kaibigan.

"Pero nagseselos ka sa kanila hindi ba?"

"Calvin!" mas malakas na sigaw pa nito.

"Nagseselos ka naman pala, ibig-sabihin may gusto ka nga sa kanya." natatawang singit ni Jethro.

"Hindi nga ako nagseselos!"

"Ginawa mo pa akong sinungaling." nakangising wika ng kanyang ka-kambal na si Calvin.

"Bakit ba hindi mo ligawan Kyle? Single ka, single si Princess. Wala namang sigurong masama kung magkakabutihan kayo. Same vibes pa nga kayo diba?" si Javion.

"Yuck! Mandiri kayo. May delikadesa' pa ako."

"Kung hindi ka marunong manligaw, ano pang silbi naming mga kaibigan mo? Tutulungan ka namin gaya ng pagtulong natin don sa date ni Quincy at Cameron." suportadong ani Brix.

"Mabait si Princess." si Race.

"Masayang kasama." si Matthew.

"Malakas rin ang trip sa buhay." ani Dranreb.

"Matalino." papuri naman ni Javion.

"Ideal type of person." si Calvin.

"Sexy." tawang-tawa sambit ni Dwight.

Ngumisi-ngisi naman si Cameron habang pinag-aaralan ng tingin si Kyle na ngusong- nguso naman sa kanila.

"Wag kang mahihiyang magsabi samin Kyle. Susuportahan ka namin kung gusto mo talagang ligawan si Princess."

"Basta sabihin mo lang Ror or Uwu, matik na yun samin."

"Yuck Jethro!" parang babaeng payat na asik muli ng binata.

"Sowie na wag ka na galit Uwu!" sabay-sabay na wika ng magkakaibigan bago tumawa ng pagkalakas-lakas.

πŸ‘‰πŸ˜šπŸ‘ˆ

Mga baliw!

Tumunog ang alarm clock ni Quincy dahilan para unti-unti bumukas ang kanyang mga mata. Kaagad niyang nakita ang sing-sing na bigay ni Cameron at hindi agad niya napigilang ngumiti. Nilapitan niya iyon sa kanyang labi saka yun hinalikan ng dalawang beses.

Matapos niyang reply-an ang message ng kasintahan, kaagad narin siyang bumangon ng kama para maligo at magluto ng kanilang almusal. Gusto niyang makasabay muli ang binata sa pagkain.

Wala pang kalahating oras, may sunod-sunod na katok na sa labas ng pintuan ni Quincy. Masaya siyang naglakad papalapit doon saka iyon binuksan. Mahigpit na yakap agad ang bumungad sa dalaga galing kay Cameron.

"Good morning Baby." malambing na pambati ni Cameron sa dalaga.

"Good morning Cameron. Mukhang good mood ka ngayon ah." nakangiting ani ng dalaga matapos halikan ang labi nito.

"Ikaw naman naman na makakakita ka ng magandang babae tapos pagmamay-ari ko pa, sinong hindi mago-good mood?"

"Bolero."

"No I'm not." natatawang depensa nito.

"Halika na. Naghihintay na ang pagkain."

Tumango naman ito at mabilis na pumasok sa loob. Umupo agad ito sa bangko at tiningnan ang mga pagkaing nasa harapan.

"Baby."

"Hmm?"

"I love you."

"I love you too."

"Dito ka umupo." nginuso ni Cameron ang kanyang kandungan dahilan para tingnan iyon ni Quincy.

"Bakit diyan pa? Pwede naman akong maupo sa bangko Cameron." nagsusungit kunwaring sagot ni Quincy.

"Mas maganda kumain kapag nakaupo sakin." kagat-labing aniya at mabilis na hinikit ang dalaga.

Tuluyan namang napaupo si Quincy sa kanyang kandungan dahilan para ngumiti ng pagkalaki-laki ang binata.

"Much better Baby."

"Bitawan moko Cameron!" nagsimula siyang magpumiglas pero mas malakas sa kanya ito.

"Wag ka ng pumalag. Kakain tayo sa ganitong posisyon." tawang-tawa aniya.

Wala na lamang nagawa si Quincy kundi sundin ang gusto ng kasintahan. Kinuha nito ang kutsara at mabilis na nilagyan ng pagkain.

"Eat it." utos ni Cameron.

Unti-unting bumuka ang bibig ng dalaga at tuluyan namang pumasok sa bibig nito ang kutsara.

"Ang sweet ko."

"Sino namang may sabi sayo?"

"Hindi ba ako sweet?"

"Minsan."

"Ano? Minsan lang?"

Tiningnan ni Quincy ang reaksyon ng mukha ni Cameron at hindi niya napigilang tumawa dahil sa kunot na kunot na noo nito habang nakatingin sa kanya.

"Biro lang. Sobrang sweet mo nga, sobra-sobra."

"Mabuti na yung nagkakaunawaan tayong dalawa." nakangising sambit ng binata.

Muli na lamang tumawa si Quincy bago halikan ang pisngi ni Cameron.

"Wag kang masyadong malikot, baka kapag may tumayo diyan sisihin mo pa ako." natatawang saad ni Cameron ng maramdaman niyang bahagyang gumigiling ang dalaga sa kanyang ibabaw.

"Ikaw tong malikot, kung saan-saan gumagapang ang kamay mo."

"Nanahimik ang kamay ko Baby."

"Wag mo nga akong gawing sinungaling."

Humalakhak ang binata at binitawan ang kutsara hawak-hawak. Niyapos niya ng pagkahigpit-higpit ang bewang ni Quincy at isinandal niya ang ulo sa likuran nito.

"Mahal na mahal kita alam mo ba yun?"

"Alam ko. Halatang-halata namang mahal moko Cameron."

"Mahal pa sa mahal Baby."

"Mahal na mahal rin kita Cameron."

Matamis na ngumiti ang binata sa kanyang narinig.

Hindi narin sila nagtagal pa doon dahil mahuhuli na sila sa klase. Lumipas lamang ang sampung minuto ay narating na nila ang parking lot ng eskwelahan.

"See you later Baby. Mag-aral kang mabuti." niyakap ng mahigpit na mahigpit ni Cameron ang dalaga ng tumigil sila sa harapan ng classroom ni Quincy.

"Mag-aral ka ring mabuti Engr."

"I will. Sige na, pumasok ka na."

Binuksan ni Cameron ang pintuan at hinintay na makapasok si Quincy sa loob. Kumaway-kaway pa ito bago tuluyang saraduhan ang pintuan.

"Cameron."

Natigilan sa paglalakad ang binata ng marinig niya ang pamilyar na boses. Unti-unting siyang lumingon sa kanyang likod at nakita niya si Zanjoe. Tumigil ito sa paglalakad sa kanyang harapan.

"Thank you sa paghatid sa mag-ina ko." may pagka-sinseridad na pasasalamat nito sa kanya.

"Walang ano man."

"Good morning Harley Quinn." parang batang pagbati ni Kyle sa kanya ng makaupo sa sariling table.

"Good morning Kyle, good morning Cal."

"Good morning." umangat ang kamay ng binata at mabilis na ginulo ang kanyang buhok.

"Where's Princess?"

"Bakit?"

"Nothing. Hindi ko siya nakita kanina sa waiting shed." sagot ni Calvin at makahulugang tiningnan ang ka-kambal.

Umiling-iling na lamang ito matapos samaan ng tingin ang kapatid.

"Ang sabi niya sakin ay masama ang pakiramdam niya."

"Masama ang pakiramdam?" biglang tanong ni Kyle dahilan para lingunin siya ni Quincy.

"Oo. Naulanan daw siya nong pumunta sa mall kahapon. Sabi ko, wag pilitin pumasok kung hindi kaya."

"A-lright." may bahid ng pag-aalalang sagot ni Kyle.

"Gusto mo bang kausapin? Wala naman ang prof natin."

"Pwede ba?"

"Oo naman."

Kinuha ni Quincy ang cellphone sa bulsa ng kanyang palda at ibinigay iyon sa binata. Itinuro niya ang number ni Princess at kaagad naman iyong tinawagan ng binata.

"Tsk. Hindi pala gusto ah." natatawang bulong ni Calvin.

"Princess." nag-alalang pagtawag ni Kyle ng masagot ng dalaga ang kanyang tawag.

"Kyle?" kunot-noong tanong nito. "Bakit nasa sayo ang cellphone ni Bestie?"

"I heard you were sick. You alright?" bakas ng pag-aalalang tanong muli nito sa kanya.

"Hmm. Nilalagnat ako ngayon. Gusto kung pumasok pero hindi kaya ng katawan ko."

"Bakit mo ba kasi pinapabayaan ang sarili mo?!"

Sabay na tumingin ang dalawa sa binata ng bahagya itong magtaas ng boses.

"Malay ko bang magkakasakit ako? Saka bakit ka ba nagtatanong? Wala ka naman pakialam sakin hmp!" masungit na sigaw rin nito sa kabilang linya.

"Hindi mo nararamdaman na nag-aalala ako sayo?"

"Ano naman ngayon kung nag-aalala ka? Gusto mo mag thank you ako?"

"H-indi. Gusto ko lang naman malaman kung okay ka." mahinang aniya.

"Hindi nga ako okay."

"Gusto mo puntahan kita pagkatapos ng klase namin? Aalagaan kita."

Sumilay ang matamis na ngiti ni Quincy ng marinig niya ang sinabi ni Kyle. Hindi niya alam na magiging ganon ang reaksyon ng binata matapos malaman ang kalagayan ng kaibigan.

"Ky-le ik-aw b-a y-an?" hindi makapaniwalang tanong ni Princess.

"May iba ka pa bang kilalang Kyle huh?"

"Ba-kit kai-la-ngan m-o p-ang pumu-nta ri-to pa-ra la-ng ala-gaan ak-o?" nauutal na tanong muli ni Princess.

"Gusto lang kitang alagaan. Bawal na ba?"

Hindi naman kaagad nakasagot ang dalaga. Hindi niya mapaniwala sa mga naririnig mula sa binata.

Ngumisi-ngisi naman si Calvin at hinayaan na mag-usap ang dalawa.

Nang pumasok ang kanilang professor, mabilis na tinapos ni Kyle ang tawag na iyon at ibinalik ang cellphone kay Quincy.

"Thank you. Bigay mo sakin address ng bahay nina Princess pupuntahan ko siya pagkatapos ng klase." seryosong sambit nito bago bumalik sa sariling table.

"Good morning students." seryosong bati ng professor sa kanila.

"Good morning Sir."

Nang sumenyas itong magsi-upo ang lahat, mabilis namang sumunod sina Quincy. Nagsimula narin ang discussion para sa umagang iyon.

You gave me a reason for my being
And I love what I'm feeling
You gave me a meaning to my life
Yes, I've gone beyond existing
And it all began when I met you

Panay ang pagngiti ni Cameron habang nakikinig ang music. Nag di-discuss ang kanilang professor habang siya naman ay walang pakialaman sa sinasabi nito.

You taught me how to love
You showed me a tomorrow and today
My love, that's different from the yesterday I knew
You taught me how to love
And darling, I will always cherish you
Today, tomorrow, and forever

Nakagat niya ang ibabang labi ng maalala niya ang nangyari sa simbahan. Gustong-gusto niyang pumunta muli sa lugar na iyon ngunit sa pinaka-special na okasyon ng buhay niya.

Ang pag-iisang dibdib nilang dalawa ni Quincy.

And I'm sure when evening comes around
I know, we'll be making love like never before
My love, who could ask for more?

You gave me a reason for my being
And I love what I'm feeling
You gave me a meaning to my life
Yes, I've gone beyond existing
And it all began when I met you
When I met you

"Masyadong in-love si Cameron mga Pre." nakangising bulong ni Dranreb habang nakatingin sa kaibigan nakatulala sa sariling papel.

"Wala namang bago pagdating diyan, masyadong mahal na mahal si Quincy."

"Ano pa nga bang bago sa bagay na ito?" nakangiwing tanong ni Javion.

Magsasalita pa sana ang kanilang professor ngunit tumunog na agad ang bell. Mabilis na nagsitayuan ang mga ito para lumabas ng classroom.

"Hoy!" tinapik-tapik ng kanyang pinsan ang kanyang balikat dahilan para lingunin siya nito.

"What?"

"Tara na."

"Tapos na?"

"Mukha bang hindi pa?" pabalang na

You are reading the story above: TeenFic.Net