CHAPTER FORTY SEVEN

Background color
Font
Font size
Line height

"Balita ko'y ikaw pala ang katipan ni Quincy, napaka-guwapong bata." nakangiting wika ni Dante ng maupo sa tabi ni Cameron.

Kinuha niya ang bote ng red horse at mabilis iyong ibinigay sa binata.

"Pasensya ka na, hindi kaya ng bulsa ko ang mamahaling alak."

"Walang problema." nakangiting sagot ni Cameron bago kunin ang boteng inaabot nito.

"Bago pa lamang kayo, marami pa kayong pagdadaanan sa buhay." panimula ni Dante.

"Sobrang bait na bata ni Quincy, hindi man siya nanggaling sa akin, hindi niya pinaparamdam na iba ako sa pamilya niya. Itinuring niyang kapatid ang mga anak ko na parang iisa ang kanilang ama. Tinulungan kami kapag kapos sa pera at hindi mareklamong bata." pagkwe-kwento ng matanda at nakinig naman sa kanya si Cameron. "Maliit pa lamang ng maghiwalay ang mga magulang nila at dinala ni Theresa ang batang iyon rito. Akala ko nga'y hindi kami magkakasundo pero parang sa murang edad ng batang iyon ay naintindihan niya ang situwasyon ng magulang niya."

"Nakikita ko sa kanya nong una palang na talagang hindi siya basta-bastang babae. Sa tuwing nakikita ko silang magkasama ng kaibigan ko dati, nakikita ko ang ugali na meron siya. Ibang-iba sa mga babaeng nakakasalamuha ko kaya rin siguro ako nagkagusto sa kanya." nakangiting wika ni Cameron habang nasa malayo ang tingin.

"Masasabi ko Cameron na swerte kayo sa isa't-isa."

Tumango-tango naman si Cameron bilang pagsang-ayon sa sinabi nito.

"Anak."

Bumukas ang pintuan ng kwarto ng dalaga at pumasok ang kanyang ina. Nakangiti pa ito sa kanya.

"Tulog na po ba sina Isiah at Arya?" tanong ng dalaga habang pinupunasan ang kanyang basang buhok.

"Nagpapahinga na."

Umupo ang kanyang ina sa kama katabi niya. Nakangiti lamang ito habang pinagmamasdan siya sa kanyang ginagawa.

"Kumportable ba si Cameron sa kwartong ito? Pagpasensyahan mo na at medyo maliit."

"Walang problema yun kay Cameron, kaya niyang matulog kahit sa sahig." natatawang sagot ni Quincy sa ina.

"Pwede ba ako nalang ang gumawa niyan?" tanong ng ina nito sa kanya.

Kaaagad naman tumungo si Quincy at ibinigay ang tuwalya. Tumalikod siya kay Theresa saka ngumiti.

Ilang taon din bago niya maramdaman ang pag-aalaga ng isang ina.

"Natatandaan mo ba anak, araw-araw ko itong ginagawa kapag papasok ka sa eskwelahan. Pupunasan ang iyong mahabang buhok, ipupusod at lalagyan ng makukulay na hairpin para mas maging maganda ang buhok dahil ang sabi mo araw-araw kang pinupuri sa eskwelahan hindi ba?" natutuwang tanong ng kanyang ina habang patuloy sa pagpupunas ng kanyang mahabang buhok.

Napangiti naman ang dalaga ng maalala ang sinabi ng kanyang ina. Gustong-gusto niya iyon dahil araw-araw siyang pinupuri ng mga guro niya dahil sa ganda ng pagkakaayos ng kanyang mahabang buhok.

"Tanda-tanda ko pa Ma. Natandaan ko pa nga rin si Miguel. Yung kaklase ko nong grade two, umuwi akong umiiyak at huling-huli ang buhok ko dahil sinabunutan ako non." kunwaring pang nagmamaktol na ani Quincy.

"Sobrang pilyo nga ng batang iyon. Ki-lalaking tao, marunong manabunot."

Tumango-tango ang dalaga bago sila tumawang mag-isa.

"Mami-miss na naman kita anak, aalis narin kayo bukas. Hindi ko alam kung kailan ka ulit papasyal dito." nagsisimula ng maging emosyonal ng kanyang ina.

Umayos ng pagkakaupo ang dalaga at humarap dito. Hinawakan niya ang dalawang kamay ng ina bago ngumiti ng pagkalaki-laki.

"Babalik ako rito Ma bago mag-pasko kaya wag kayong mag-aalala."

"Ayos na sa akin kahit ilang oras lamang. Alam ko naman na gusto mo rin makasama ang ama mo kaya kaunting oras lamang ang hinihingi ko sa iyo."

"Opo Ma, pangako. Uuwi ulit kami ni Cameron rito."

"Aasahan ko yan anak."

Napatingin ang dalawa sa labas ng pintuan ng marinig ang yabag ng mga paa. Nakita nila si Cameron at akay-akay si Dante na nalasing dahil narin sa pagod.

"Nako, ito talagang si Dante. Alam na pagod siya, nagyaya pa ng inom." mabilis na tumayo si Theresa para tulungan ang binata.

Pumasok ang mga ito sa kanilang kwarto at tinulungan na mahiga ang matanda sa kama nila.

"Maraming salamat Cameron."

"Walang ano man po."

"Oh siya sige na, magpahinga na kayo at maaga ata kayong aalis kinabukasan."

Tumango ang binata bago lumabas ng kwarto. Pumasok agad siya sa kanilang kwarto at sinarado ang pintuan. Nakita niya ang kasintahan na humiga ng kama at sinenyasan siyang humiga sa tabi nito. Ngiting-ngiti namang naglakad si Cameron papalapit sa kama saka sumampa doon. Natawa pa si Quincy dahil padapa itong humiga habang ang kamay ay nakayakap sa kanyang bewang habang ang ulo nito ay nakahiga sa kanyang dibdib.

"Lasing ka ba?"

"Of course not. Mahina yung alak." mayabang na sagot ni Cameron dahilan para tawanan siya ng dalaga.

"Napagod ka ba?"

"Hindi. Kapag kasama kita, hinding-hindi ako nakakaramdam ng pagod Baby." bulong ni Cameron.

"Anong oras tayo aalis bukas?"

"Maaga."

"Magpahinga ka na. Sigurado akong mapapagod ka bukas dahil mukhang malayo ang biyahe natin."

Imbes na sumagot, umalis sa pagkakahiga sa kanyang ibabaw ang binata at humiga ng maayos sa kama.

"Cameron!" gulat na sigaw niya ng bigla siyang buhatin nito at ipinatong sa kanyang ibabaw.

"Better." kagat-labing wika ni Cameron at kumindat pa.

"Bitawan moko, baka pumasok si Mama makita tayo."

"Naka-lock ang pinto Baby. Wag mong gawing rason sakin yan dahil hindi na o-obra." nakangising sagot pa nito bago magsimulang gumalaw ang kanyang kamay.

Naka-short lamang si Quincy kaya ramdam na ramdam ng kanyang hita ang mainit na kamay ni Cameron na humahagod doon. Habang abala ang isang kamay sa kanyang hita ang isang kamay naman nito ay nasa kanyang likuran pababa ng kanyang bewang.

"You're so beautiful Baby, you know that?" seryosong tanong ng binata habang nilalabanan ang kanyang tingin.

"Alam ko pero bitawan mo na ako para makatulog tayo."

"Pwede naman tayong matulog ng ganito ang posisyon natin Baby."

"Tsk. Pabor na pabor talaga sayo ang ganito no? Hinding-hindi ka magrereklamo."

"Exactly Baby."

*Hok*

Hinapit ng binata ang kanyang bewang dahilan para maglapit ang kanilang mga mukha. Ngumiti ng pagkalaki-laki si Cameron saka inangkin ang labi ni Quincy. Wala namang nagawa ang dalaga kundi tugunan ang mainit na halik nito.

Nararamdaman na naman ni Cameron ang kanyang alaga na nagsisimula na namang gumising mula sa mahabang pagkakatulog kaya dali-dali niyang pinutol ang halik na iyon.

"Baby."

"Bakit?"

"May demonyong gumising sa katawan ko. Kailangan ko na namang pigilan." natatawang wika nito at unti-unting nakuha iyon ni Quincy.

Unti-unti siyang tumingin sa ibaba ni Cameron kung saan siya nakaupo, nararamdaman niya ang matigas na bagay na iyon kaya muli siyang tumingin kay Cameron.

"Quincy!" gulat na asik ni Cameron ng bahagya iginalaw ng dalaga ang kanyang balakang.

"Ano?" pa-inosenteng tanong ng dalaga habang tumatawa.

"Don't move or else magsisi ka." pagbabanta nito ngunit tumawa parin siya ng tumawa.

"Matulog na tayo Cameron. Inaantok na ako." akma siyang aalis sa ibabaw nito ngunit mabilis siyang napigilan ni Cameron.

"Diyan ka matulog." turo niya sa ibabaw niya.

Umirap-irap na lamang si Quincy at hinayaan na si Cameron sa kanyang gusto. Umayos siya sa pagkakahiga sa dibdib ng kasintahan habang kinuha naman ni Cameron ang kumot at ikinumot iyon sa kanilang dalawa.

"Goodnight Baby. I love you to the moon and back." malambing na bulong ni Cameron matapos halikan ang noo ng dalaga.

"Goodnight Cameron. I love you most."

"Sleep now."

Ngumiti si Quincy saka niya ipinikit ang kanyang mga mata hanggang sa tuluyan na silang makatulog sa ganoong posisyon.

Sana all pa-cuddle-cuddle lang.

"Hoy! Magsibangon na kayo!" malakas na sigaw ni Kyle at pinaghahampas ng unan ang mga kaibigan na natutulog pa.

Inis na inis namang iminulat ni Calvin ang kanyang mga mata at sinamaan ng tingin ang kapatid.

"Ang aga pa Kyle para manggising!" iritang sigaw din ni Dranreb.

"Anong maaga pa?! Kung ayaw niyong sumama, matulog ulit kayo." masungit na sagot pa nito bago lumabas sa kwarto.

Napagdesisyunan ng magkakaibigan na matulog sa rest house dahil bukod sa magkakasama na sila, mas magiging madali ang kanilang biyahe.

"Anong oras na ba?" pahikab-hikab pang tanong ni Matthew.

"Mag aala sais palang ng umaga." sagot ni Javion na kakarating lang at bihis na bihis na.

Bumuntong-hininga na lamang si Calvin at mabilis na bumangon. Pumunta sa banyo saka naligo. Nagpunta naman ang iba sa baba para mag-almusal at ayusin ang kanilang mga gamit.

Napatingin si Kyle sa labas ng makita ang black na kotse. Lumabas doon si Princess na mukhang excited narin sa kanilang lakad.

"Thank you Kuya Ben. Pakisabi kay Mom, wag na mag-alala. Iingatan ko ang sarili ko don at kasama ko naman si bestie."

"Yes Ma'am Princess."

Tumango na lamang ito at dali-dali ng naglakad papasok ng rest house.

"Good morning guys!" natigilan siya ng bahagya ng mapagtantong puro walang suot na pang-itaas ang mga tao-tao doon bukod kay Javion.

"I'm sorry." nahihiyang dagdag pa nito bago tumalikod.

"Tsk." asik ni Kyle bago tiningnan ang gamit nito.

"Wala ka na bang balak umuwi sa inyo at ganyan kalaki ang maleta mo?"

"Wala kang pakialam Kyle, gamit ko naman to." masungit na sagot ng dalaga habang nakatalikod parin sa kanila.

"Saan daw tayo magkikita-kita sabi ni Cameron?" tanong ni Dwight matapos humigop ng kape.

"Alabang." maikling sagot ni Javion.

"Paalis na ba sila?" tanong naman ni Jethro ngunit walang sumagot dito.

Kinapa-kapa ni Quincy ang kama ngunit wala siyang nakapang katawan ni Cameron kaya kaagad niyang iminulat ang kanyang mga mata. Tahimik ang lugar, nililipad ang kurtina ng hangin dahil nakabukas ang bintana.

Kaagad siyang bumangon doon saka lumabas ng kwarto. Pagbaba niya, nakita niya ang binata na bihis na bihis na at nakikipag-usap sa mag-asawa.

"Good morning Baby." malambing na bati ni Cameron. Hinalikan pa nito ang kanyang noo bago ngumuti sa kanya.

"Good morning."

"Good morning Ate." magiliw na bati naman ni Isiah sa kanya.

Ngumiti ang dalaga saka ginulo ang buhok ng kapatid.

"Mabuti naman ay gising ka na. Papasok na ako sa trabaho, ayaw ko pa sana kayong paalisin kaso mukhang may lakad pa kayo. Magiingat kayo mga anak." wika ni Dante sa dalawa. "Sa muling pagkikita Cameron."

"Nice to meet you Sir." pormal na sagot ng binata.

"Oh siya, ako'y mauuna na sa inyo."

Kumaway-kaway ang mga ito sa matanda hanggang sa tuluyan ng mawala sa paningin nila.

"Take your breakfast Baby."

Hinila ng binata ang bangko at doon siya pinaupo. Nilagyan niya ng pagkain ang plato ni Quincy bago kunin si Arya na kanina pa humahabol ng tingin sa kanya.

"Nag-almusal ka na ba?"

"Yeah. Don't mind me Baby. Just eat your meal and prepare yourself."

Tumango si Quincy saka tiningnan ang ina at si Isiah.

"Kain po tayo."

"Kumain na kami anak. Sige na, kumain ka ng marami para hindi ka magutom sa mahabang biyahe ninyo."

"Kailan po tayo aalis Kuya Cameron?" tanong ni Isiah ng makalabas kung nasaan ang kotse niya.

"Sa susunod nalang Isiah, aalis na kami ng Ate mo. Pagbalik ko, isasakay agad kita diyan." nakangiting tinuro pa ni Cameron ang sariling kotse.

"Ang bilis niyo naman pong umalis, akala ko magtatagal kayo ni Ate Quincy dito."

"May lakad kami ng Ate Quincy pero pagpunta namin rito sa susunod magtatagal na kami rito."

"Balik po kayo ah."

"Pangako."

Umupo si Cameron dahilan para magpantay silang dalawa ng bata. Matamis siyang ngumiti kay Isiah, dahan-dahan niyang itinaas ang hinliliit at hindi maiwasan ng bata na tingnan iyon.

"Ano po yun?"

"Itaas mo ang hinliliit mo." utos niya na mabilis naman nitong sinunod.

Muli siyang ngumiti at pinagsakop ang kapwa nila hinliliit.

"Ang tawag dito ay pinky promise. Tinuro to ng Kuya ko sakin na kapag nangako ako, gagawin ko to sa taong pinangakuan ko." paliwanag ng binata.

"Wow, may ganon po pala." namamanghang tugon nito at tumango-tango naman siya.

"Nangako ako sayo kaya tutuparin ko."

Nang matapos maligo ni Quincy, kaagad na siyang umakyat ng kwarto para magbihis. Nagsuot lamang siya ng formal summer maxi floral print dress. Pinatuyo niya ang kanyang buhok saka iyon pinusod. Sinuot niya narin ang kanyang low heels at ng makuntento na siya sa kanyang suot ay lumabas narin siya ng kwarto kasama ng gamit nila.

"Ang ganda-ganda naman ng anak ko." papuri ni Theresa ng makababa na ang anak.

Napatingin naman sa kanya si Cameron, sinumulan nitong pagmasdan ang kanyang itsura at bakas na bakas sa mukto ang pagkamangha sa kanyang ganda.

"Magiingat kayo dito Ma." pamamaalam na ng dalaga sa ina.

"Oo anak. Magiingat kayo sa biyahe niyo, tawagan mo ako kapag nakarating na kayo."

"Opo." bumaba ang tingin ni Quincy kay Isiah na namamasa na ang mata. "Wag ka ng umiyak Isiah, babalik rin sina Ate Quincy at Kuya Cameron bago magpasko."

"Opo, mami-miss na naman kita Ate Quincy." humihikbing wika nito bago yumakap sa kanya ng mahigpit.

"Mami-miss ko din naman kayo ni Arya kaya nga ako babalik bago mag-pasko."

"Babalik kayo ah. Promise?"

"Promise."

"Quin!"

Napalingon ang dalaga at muli niyang nakita ang mga kaibigan na papalapit sa kanya.

"Aalis na talaga kayo?" malungkot na tanong ni Aliza sa kanya.

"Oo Aliza. May naghihintay samin." nakangiting sagot nito saka tiningnan ang anak ng kaibigan na buhat-buhat ng kanyang ama na si Wakim. "Hi Edward na iyakin." natatawa pang bati nito at ginulo ang buhok ng bata.

"Sa muling pagkikita Tol." tinapik-tapik ni Sander ang balikat ni Cameron.

"Magiingat kayo sa biyahe." ani Wakim.

"We will Bro."

"Mami-miss ka na namin." malungkot na saad ni Agnes saka niyakap ang kaibigan.

"Tama na ang drama, babalik naman kami bago magpasko."

"Dapat lang na bumalik kayo."

"Sige na, baka kanina pa naghihintay ang kaibigan namin sa amin."

Tumango ang mga ito at muling yumakap sa kanya ng pagkahigpit-higpit.

Binuksan na ni Cameron ang pintuan ng passenger seat at tinulungang pumasok doon si Quincy. Sumunod narin ang binata sa kanya at kumaway-kaway kina Isiah.

"Ba-bye!" sigaw ni Quincy.

Bumisina ang binata saka nagsimulang lisanin ang lugar na iyon.

"Are you sad Baby?"

"Medyo, matagal ko na naman makakasama ang ina ko."

"That's okay."

Pinagmasdan ni Quincy ang suot ng kanyang boyfriend. Simple lamang ang suot nito, naka summer Hawaiian polo at white na short. Nakasuot rin ito ng white shoes, simple lamang pero angat na angat ang kagwapuhan ni Cameron.

"Bakit ang gwapo masyado ng boyfriend ko?"

"Dahil masyadong maganda ang girlfriend ko." proud na proud na sagot ni Cameron dahilan pa siya'y matawa.

"I love you Cameron."

"I love you too Baby."

Nang makarating sila sa Alabang, nandodoon na ang magkakaibigan na naghihintay sa kanila. Ibinaba ni Cameron ang windshield ng kotse at pinagtitinginan ang mga kaibigan.

"Kumpleto na ba?" tanong nito kina Javion.

"Kumpleto na, kayo nalang talaga ang hinihintay." sagot ni Race.

"Let's go, alas dos daw ang biyahe ng barko papunta sa isla."

Mabilis na nagsitanguan ang mga ito at sabay-sabay na bumusina. Naunang lumabas ang kotse ni Cameron at sinundan naman iyon ni Javion. Magiging madali lamang naman ang biyahe nila dahil sa SLEX sila dadaan.

"Saan daw nakasakay si Princess?" tanong ni Quincy.

"Sa kambal."

"Bakit nga pala hindi mo niyaya sina Eliana?"

Umawang ang labi ni Cameron at dahan-dahang nilingon ang dalaga.

"For what Baby? Kailangan nilang ayusin ang pamilya nila."

"Makapagbakasyon manlang. Ayaw mo na silang kasama?"

"Hindi na nila kailangan sumama, gumawa sila ng sarili nilang vacation trip. Hindi sila belong sa bakasyon natin." masungit na sagot nito.

Tumawa si Quincy dahil sa sinabi nito. Halatang hindi kumportable ang binata na makasama ang dalawang iyon sa kanilang magiging bakasyon.

Nang makapasok ang magkakaibigan sa SLEX, tuloy-tuloy na ang kanilang biyahe hanggang sa makarating ng Calamba. Tahimik lamang si Quincy habang pinagmamasdan ang mga punong nasa tabi ng kalsada.

"Are you excited Baby? Ngayon ka palang ba makakapunta ng probinsya?" tanong ni Cameron habang ang tingin ay nananatiling sa kanilang dinadaanan.

"Oo, hindi naman kami mahilig mag out of town nina Mama at palagi lang naming pinupuntahan ay amusement park." nakangiting tugon nito sa kanya.

"Sigurado akong mag i-enjoy ka sa pupuntahan natin." kagat-labing ani Cameron.

"Anong klaseng pag i-enjoy naman yan Cameron? Parang may gustong iparating."

"Nothing Baby. I'm just excited." patay malisya pang sagot nito bago tumawa ng tumawa.

Ngumisi naman si Quincy at hindi na nagsalita pa.

Lumipas ang isang oras ay narating na nila ang Calamba. Medyo traffic sa lugar na iyon kaya masyado silang matatagalan.

"Princess, nakikita mo yun?" turo  ni Kyle sa shitzu na aso na buhat-buhat ng kanyang amo.

"Yung aso?" inosenteng tanong ni Princess habang nakatingin rin doon.

"Oo."

"Ano namang gagawin ko sa aso Kyle?" masungit na tanong ng dalaga matapos na pagkrusin ang kanyang mga braso.

"Ang cute diba?"

"Cute nga."

"Ganyan ka ka-cute Prince-- aray!" malakas na sigaw niya ng hilahin ni Princess ang kanyang buhok.

"Wala ka talagang gagawin sa buong biyahe kundi asarin ako!"

"Bitawan mo ang buhok ko at masakit!" iritang sigaw ng binata at pilit na tinatanggal ang kamay ng dalaga.

Umiling-iling na lamang si Calvin. Masyado siyang naiingayan sa dalawang nasa  likuran ngunit wala siyang magawa. Hindi naman niya pwedeng pababain ang dalawa.

"Kapag ba binangga ko tong kotse ni Cameron, makukulong kaya ako?" bored na bored ng tanong ni Javion sa sarili.

"Malamang JP." sagot rin sa sarili ng binata.

Mga taong bored na bored na sa buhay HAHAHA.

Nagpatuloy lamang ang kanilang biyahe hanggang sa makapasok na sila sa Quezon. Malayo-layo pa ang kanilang biyahe bago pa makarating sa Atimonan kung saan sila sasakay ng barko.

"Gusto mo bang matulog Baby? Ilang oras pa bago tayo makarating sa

You are reading the story above: TeenFic.Net