CHAPTER FORTY FOUR

Background color
Font
Font size
Line height

Tumigil ang kotse nina Cameron at Calvin sa tapat ng bahay ni Princess, nauna ng lumabas si Kyle na mabilis namang sinundan ng kanyang ka-kambal. Tinulungan naman ni Cameron ang kasintahan na lumabas mula sa loob ng kotse niya at sabay-sabay silang naglakad papunta sa malaking pintuan. Bumukas ang pintuan at bumungad agad ang mukha ng ina ng dalaga.

"Good evening Tita Dionne. Bibisitahin lang po sana namin si Princess." nakangiting bungad ni Quincy.

"Good evening Mrs. Herrera." pormal na bati ng tatlong binata.

"Nako Quin, mabuti naman ay nagpunta ko dito. Awang-awa nga ako kay Noreen, sobrang taas ng lagnat. Ayaw niya namang magpunta sa hospital." may bahid na pag-aalalang tugon nito sa kanya.

"Pwede ko na po ba siyang makita?"

Unting-unti nilingon ni Dionne si Kyle na bakas ng bakas na ang pag-aalala sa kanyang mukha. Unti-unting ngumuti ang ina ni Princess at kaagad na tumungo.

"Pwede bang ikaw nalang ang maghatid sa kanila sa taas, Quin? May niluluto pa ako sa kusina."

"Walang problema Tita Dionne."

Tumango naman ang tatlo bilang pamamaalam sa kanila. Sabay-sabay silang naglakad paakyat ng hagdanan. Nauna si Quincy habang nakasunod sa kanya sina Cameron. Tumigil ang apat sa harapan ng pintuan at kumatok ang dalaga ng tatlong beses.

"Princess."

Wala siyang narinig na tugon kaya dahan-dahan niyang hinawakan ang doorknob at pinihit iyon. Nagbukas ang pintuan at tahimik na paligid ang bumungad sa kanila. Napatingin agad si Kyle sa pink na pink na kama kung saan nakahiga ang dalaga. Pikit na pikit ang mata nito, halatang nasa mahimbing na pagkakatulog.

Maingat na ibinaba ni Kyle ang bag niya sa pink na table at naglakad papalapit sa kama. Umupo siya sa gilid noon saka hinawakan ang noo ni Princess. Kaagad namang nagising ito nang maramdaman ang kamay na iyon sa kanyang noo.

"Kyle." gulat na gulat na tawag niya dito.

"How are you feeling?" nag-aalalang tanong niya sa dalaga.

"Okay lang ako. Anong ginagawa mo dito?"

Umayos siya ng tayo sa kama at nilingon sina Quincy na nakatingin sa kanilang dalawa.

"Kumain ka na ba at uminom ng gamot?" tanong muli ni Kyle dahilan para lingunin niya nito.

"Hindi pa."

"Sobrang init mo, hindi ka ba magpapadala sa hospital?"

"Hindi na. I can handle it Kyle. You don't need to worry."

"Nasaan ang banyo mo?"

"Don." nguso ni Princess sa isang pintuan.

Kaagad na tumayo ang binata at mabilis na pumasok doon. Lumapit naman agad si Quincy sa kaibigan, umupo naman sina Cameron at Calvin sa swivel chair na kinuha nila sa study area.

"Sure ka nang hindi ka na magpapadala sa hospital?"

"Ano ka ba Bestie? Okay lang ako, alam mo namang strong ako." nakangiting sagot nito sa kanya. "Nag-abala pa kayong pumunta rito, medyo nakaka-touch yun." dagdag pa nito bago tumawa.

"My brother is worried about you." nakangiting wika ni Calvin sa kanya.

Bahagya namang natigilan si Princess, hindi niya alam kung anong magiging reaksyon niya sa sinabi ni Calvin.

"Talaga? Bago ata yun sa pandinig ko."

Kahit na sarkastiko ang tono ng pananalita ng dalaga, hindi niya maitanggi na natutuwa siya na may ganoon palang pakiramdam ang binata sa kanya.

Napatingin ang apat ng bumukas ang pintuan at lumabas si Kyle na may dala-dala planggana na may lamang tubig pati narin face towel. Pinatong niya iyon sa side table at muling umupo sa tabi ni Princess.

"Humiga ka." utos nito.

Mabilis namang sumunod si Princess sa binata.

Kinuha nito ang basang face towel at bahagyang tinupi at inilagay sa noo ni Princess.

"Anong nakain mo Kyle at bakit ang sweet mo ngayon?" hindi naiwasang itanong ng dalaga sa kanya.

"I'm worried about you and I don't want you to get sick." mahinang sagot nito habang nakatingin sa kanyang mga mata.

"Ta-la-ga?" namumula ang mukhang tanong muli ng dalaga.

"Yeah."

"May gusto ka siguro sakin kaya ka nag-aalala." nang-aasar na sambit ni Princess ngunit nanatiling tahimik ang binata.

Sabay-sabay namang ngumiti ang tatlo habang nakatingin sa dalawa na kulang na lamang ang spark.

Bumukas ang pintuan at pumasok ang ina ni Princess kasama ang mga kasambahay na may dala-dala tray na naglalaman naman sabaw na para kay Princess at dessert at drinks para sa apat.

"Mom."

"You're awake Baby. Kamusta ang pakiramdam mo?"

"Thank you po." pasasalamat nina Quincy ng bigyan sila ng pagkain nito.

"Ito na ba ang boyfriend mo anak?"

Sabay-sabay na naglaki ang mata nina Kyle at Princess dahil sa tanong ng kanyang ina. Hinawakan pa nito ang balikat ni Kyle matapos na itanong yun.

"Ti-ta I'm not. I'm just h-er friend." nauutal na sagot ni Kyle kay Dionne.

"Bakit friends lang kayo? Sino ba yung kinukwento mo anak na lalaking sobrang kul--." hindi na natapos ni Dionne ang kanyang sasabihin ng takpan ng kanyang anak ang bibig.

"Mom, stop it." nahihiyang asik ng kanyang anak.

"Why? Siya ba yun?"

"Argh! Basta shhhhh." nilagay pa nito ang hintuturo sa pagitan ng kanyang labi.

Nagtawanan naman sina Quincy dahil alam na ng mga ito na si Kyle nga ang tinutukoy ng ina ng dalaga.

"O sige na, behave nalang ako." pagsuko ng ina sa kanyang anak.

Nakahinga naman ng maluwag si Princess at nahihiyang tiningnan si Kyle na bahagyang naiilang rin.

"Grabi tong kwarto mo Princess, hindi ba nananakit ang mata mo kapag tinitingnan gamit mo? Puro pink." ngumunguyang tanong ni Kyle habang iniikot ang paningin sa buong kwarto.

"Favorite color ko ang pink Kyle, sa kanya-kanyang trip yan. Gawin mo ang trip mo sa buhay." masungit na sagot naman ng dalaga.

"Tita, pinaglihi niyo ba ang anak niyo sa sama ng loob? Lagi nalang galit." nakangusong ani Kyle dahilan para tawanan siya ni Dionne.

"Ganyan lang talaga ang batang yan Kyle."

"Sa tingin ko nga Tita. Hindi pa ba ako masasanay sa babaeng yan?" umikot pa ang eyeball ni Kyle ng magtama ang paningin nilang dalawa ng dalaga.

Ngumisi naman si Calvin dahil sa ginawa ng kapatid.

"Sino naman diyan ang boyfriend mo sa dalawa, Quin? Saka magkambal ba kayo?" tanong ni Dionne.

Ngumiti naman si Quincy at dahan-dahang nilingon si Cameron na normal naman ang reaksyon habang nakatingin sa ina ni Princess.

"Boyfriend ko po Tita Dionne, si Cameron." proud na proud na sagot ng dalaga.

"Bagay na bagay naman talaga kayo saka ikaw diba ang may ari ng school kung saan pumapasok si Princess?"

"No Mrs. Herrera. My brother is." pormal na sagot ni Cameron.

"That's great. How about you?" sabay lingon nito kay Calvin.

"I'm his twin Mrs. Herrera but I'm the older." pormal na sagot naman ni Calvin.

"Kaya pala magkamukhang-magkamukha kayong dalawa. Parehong gwapo."

"Maliit na bagay Tita." tatawa-tawang singit ni Kyle.

"Kapal." bulong ni Princess ngunit narinig naman iyon ng binata.

Nagtawanan na lamang ang mga ito at nagpatuloy sa pagkwe-kwentuhan.

Ang lahat ay nagulat ng tumigil ang pamilyar na kotse, dahan-dahan bumukas ang pintuan at lumabas ang dalaga na nakangiti.

"Sis!" sigaw ni Ashley at Nicole ng makita ang kaibigan.

Dali-dali nagtatakbo ang mga ito papalapit kay Eliana at mahigpit na niyakap.

"Si Eliana yun diba?" nguso ni Dranreb ng makita ang dalaga sa hindi kalayuan.

Unti-unting napalingon sina Cameron sa tayo nito. Bumuntong-hininga na lamang si Quincy at dahan-dahang naglakad.

"Where are you going Baby?" mabilis na hinawakan ni Cameron ang kanyang kamay dahilan para matigilan ito sa paglalakad.

"Kakausapin ko lang."

"I'll go with you."

"Hindi na mabilis lang ako." ngumiti ang dalaga at muling nagpatuloy sa kanyang paglalakad.

Nang mapansin siya ni Eliana, senenyasan niya ang kaibigan na mauna na sa pagpasok na mabilis naman nitong sinunod. Matamis siyang ngumiti nang muling magtama ang paningin nila ni Quincy.

"Nice to see you again Quincy."

"Hmm, mabuti naman ay nakapasok ka na. Hindi ba yan makakasama sa kalusugan mo?" may bahid na pag-aalalang tanong sa kanya ng dalaga.

"No, I'm okay. Tinatanong ko naman ang doctor ko kung pwe-pwede na akong pumasok and um-oo naman siya. Just know my limits." sagot nito.

"Sino nag-aalaga kay Ezequiel?"

"My parent. Masyado ng mahaba ang bakasyon ko at gusto ko ng pumasok ulit, that's why I'm here."

"Mabuti naman. Welcome back."

"Thank you Quincy. I really miss this place. The atmosphere and all the toxic students." natatawang sagot pa ni Eliana.

"Nandiyan naman si Zanjoe, alam kung hindi ka niya pababayaan."

"Of course he is."

"Baby."

Napatingin ang dalawa sa likuran ni Quincy ng marinig nila ang boses ni Cameron. Kasunod nito ang mga kaibigan na nakangiti naman kay Eliana.

"Welcome back Eliana." nakangiting bati ni Dwight sa kanya.

"Thank you."

"Nasaan si Baby Ezequiel?"

"Nasa bahay Jethro, inaalagaan nina Mom and Dad."

"Oh that's great."

"Na-miss ko ang kaingayan niyong magkaibigan, I'm happy dahil maririnig ko na ulit yan araw-araw." natatawang sambit ni Eliana habang tinitingnan ang magkakaibigan.

"Papuri ba yan o insulto?" halakhak na pagkakatanong ni Javion.

"Maybe both?"

Nagtawanan naman ang mga ito dahil sa sinagot ni Eliana.

"Eliana."

"Joe."

"Mukhang nagkakasayahan kayo."

"Nagkakamustahan lang." sagot ni Cameron sa kanya.

"Yeah, how's my son?"

"His son? Lakas mang-angkin. Sigurado ba siyang sperm niya yung pumasok kay Eliana?" bulong ni Kyle sa mga kaibigan.

"Hayaan mo na, buti nga inaangkin na eh." batos naman ni Race.

"He's good Joe."

"Mauuna na kami sa inyo." pamamaalam ni Cameron.

"Hmm yeah. Thank you."

Tumango na lamang ang binata at mabilis na hinawakan ang bewang ni Quincy. Tumango na lamang ang dalaga sa dalaga bago magsimulang mag-lakad papalayo. Nagpaalam narin sina Javion kina Eliana bago sumunod sa dalawa.

"Mag-aral kang mabuti." nakangiting bulong ni Cameron ng tumigil sila sa harapan ng building nina Quincy.

"Ikaw ang mag-aral ng mabuti Cameron. Wag mo akong intindihin."

"Alright scholar." nang-aasar pang sagot nito at tumawa naman ang binata.

"I love you."

"I love you to the moon and back Baby." mahinang bulong ng binata matapos humalik sa kanyang noo.

"Tama na ang ka-sweet-an. Mauuna kami sa inyo."

"Aray JP!" malakas na sigaw ni Cameron ng bigla siyang kaladkarin ng pinsan papalayo sa tayo ng tatlo.

"Tara na!"

"Kaya kung maglakad mag-isa, bitawan mo ako dahil kung hindi masasaktan ka talaga!" nagbabantang sagot nito ngunit hindi siya pinansin ng pinsan at pinagpatuloy ang pagkaladkad sa kanya.

"Tsk. Let's go." wika ni Calvin at inalalayan si Quincy paakyat ng hagdanan.

"Good morning." nakangiting bati ni Quincy ng makaupo sa tabi ni Mariyah.

"Good morning beks! Ang ganda-ganda natin ngayon ah. Ganyan ba talaga kapag alagang-alaga ni Cameron."

"Ikaw nga tong araw-araw maganda."

"Inspired kasi." natatawang sagot nito at natawa rin naman siya. "By the way, nakita ko si Eliana kanina. Nag-usap na ba sila ni Cameron?" pagbubukas nito ng topic.

"Hmm oo nag-usap na naman sila. Bakit?"

"Wala lang, siguro naman napag-usapan na nila yung about sa baby nila hindi ba?"

Bahagyang natigilan ang dalaga ngunit hindi na lamang niya masyadong ipinahalata. Sumandal siya sa kanyang kinauupuan saka muling tiningnan ang kaklase.

"Napag-usapan na nila yun magmula ng manganak si Eliana."

"Ang gwapo ba ng anak nila?"

"Hmm. Sobrang gwapo, para siyang anghel lalo na kapag ngumingiti." sagot ni Quincy habang inaalala ang mukha ni Ezequiel.

"Nagmana siguro kay Cameron. Ang lakas kaya ng dugo ng mga Safstrom."

Tumango-tango naman si Quincy bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Mariyah.

"Okay lang ba sayo?"

"Na ano?"

"Na pinag-uusapan natin ang about sa kanila lalo na't boyfriend mo si Cameron." parang nahihiyang ani Mariyah.

"Oo naman, wala namang problema sakin yun."

"Naks naman. Sobrang swerte talaga ni Cameron dahil may maintindihan, matalino, mabait, maganda, masipag siyang girlfriend na kagaya mo."

"Tama na baka masyadong lumaki ang ulo ko." natatawang sagot ni Quincy sa kanya.

"Totoo naman beks. Rare nalang ang ganyan ngayon."

"Ganon naman talaga kapag mahal mo, maiintindihan mo kung ano man ang sitwasyon na pinagdadaanan niyo."

"Philosopher once said."

Sabay na tumawa ang dalawa at nag high five pa.

Chamberlain's door opened and one of the highest ranks entered. Marshall was accompanied by his son Victor. Both had serious faces as they looked at the people around them.

Sabay-sabay na tumungo ang lahat para magbigay galang sa kanilang dalawa.

"Sr. Marshall." tawag ni Alejandro sa matanda.

"Speak." makapangyarihang utos nito sa kanya.

"They are on their way." seryosong sagot nito at mabilis naman niyang tinanguan.

Hindi naman nagsasalita si Victor na nanatiling nasa tabi ng ama. Kakarating lamang niya ng Espanya at gusto niyang magpahinga.

"Where are you going Victor?"

"I need to rest Dad. Mamaya na tayo mag-usap." walang ganang sagot nito at nagpatuloy sa paglalakad.

Bumuntong-hininga na lamang ang kanyang ama at hinayaan na siya. Mabilis na naglakad ang binata palabas ng lugar na iyon, sobrang napagod ang kanyang katawan sa kanyang biyahe, idagdag pa rito ang kawalan ng impormasyon sa pagkamatay ng kanyang kaibigan. Ayaw pa sana ng binatang lisanin ang Pilipinas ngunit kailangan niya ng bumalik ng Spain.

Victor dropped his own body on the soft bed. He looked at the expensive chandelier hanging from the ceiling, he just stared at it as his mind continued to fly.

Tumunog ang isang magandang waltz song kasabay ng pagpasok ng apat na kung titingnan ay nasa singkwenta anyos na. Makapangyarihan ang mga itong naglalakad sa red carpet. Tanging mga yabag lamang ng kanilang sapatos ang maririnig sa buong hallway. Bumukas ang malaking pintuan at bumungad sa kanila ang pagkahaba-habang lamesa na punong-puno ng masasarap sa pagkain.

Nasa dulo naman nito si Marshall na seryoso ang mukha habang nasa likuran sina Alejandro.

"Welcome back." nakangising bati ng matanda sa apat.

"It's nice to see you again, Marshall." wika ni Xavier sa kanya.

"Monzanto, hindi ka parin nagbabago." anas ni Marshall matapos kunin ang baso na naglalaman ng alak.

"How's your life Marshall? Kay tagal nating hindi nagkita-kita." pormal na wika naman ni Alfonso.

"Walang pagbabago sa takbo ng buhay ko. Masyado paring kumplekado." sarkastikong sagot nito.

Ibinaba ni Marshall ang kanyang hawak-hawak na baso. Itinuon niya ang dalawang siko sa lamesa saka pinagsakop ang mga daliri.

"Bakit hindi kayo maupo para naman maging maayos ang ating pag-uusapan." inilahad ng matanda ang mga upuan na nasa kanyang harapan.

Mabilis namann tumungo ang mga ito at naupo sa kahit saang upuan na nandodoon.

"There is so much going on in Society, we have no idea that we are slowly running out. Should we be afraid?" nakangiti man, bakas na bakas sa tono ng pananalita ni Frederick ang pagka-seryoso.

"Natatakot ka na ba Whitlock?"

"May dapat ba akong katakutan, Marshall? Sa tingin ko ay wala. Umabot ako sa ganitong edad na sinusuong ang lahat."

Tumango-tango naman si Marshall sa sinabi nito. Kinuha niya ang kutsilyo at sinumulang hatiin ang karne na nasa kanyang plato.

"Where's your son?" pormal na tanong naman ni Thomas.

"Resting in his room, he had just arrived from the Philippines. He visited Langston's grave."

"Really?"

Marshall just nodded.

"What's your plan Marshall?"

"About what Alfonso?"

"About the death of high ranks."

"About that?"

Binitawan ni Marshall ang kubyertos saka sumandal sa kanyang kinauupuan. Tiningnan niya isa-isa sina Frederick na nakatitig din naman sa kanya.

"We will not take any action lightly. Their deaths are very mysterious and so far we still have no suspected suspects in what is happening." bumuntong-hininga pa ito matapos sabihin ang mga salitang iyon.

"Kailan ka ba kikilos? Kapag patay na tayong lahat?" sarkastikong tanong sa kanya ni Thomas.

"Sa sobrang dami ng dugo ang dumanak sa mga kamay natin, sino sa kanila ang dapat nating balikan?" ani Frederick.

Natahimik ang lahat sa tanong ng matanda, hindi rin nila alam kung paano sasagutin ang bagay na iyon dahil wala silang kahit anong bagay impormasyon tungkol sa mga taong umuubos sa kanila.

"Matalino ang mga taong yun, malinis gumawa at walang bahid ng pagkabigo. If they are smart, shouldn't we be smarter? We are the number one thing the country fears."

"That is not enough reason for us to be afraid, we are still human and our bodies are not made of iron Zavier." seryosong tugon ni Alfonso sa matanda.

"Alam ko ngunit may kapangyarihan tayo para malaman kung sino ang mga taong sumisira ng society na mayroon tayo."

Nanatiling tahimik si Marshall habang nakikinig sa pagtatalo ng apat. Alam niyang mahihirapan sila tungkol sa bagay na iyon at ayaw niyang gumawa ng ikakapahamak ng buong society.

"Stop that. As long as we don't have information about those people we will do nothing. Let's wait for the right time to do the right thing. I will not let the society we have be ruined just because of those people." ma-awtoridad na singit ni Marshall dahilan para matigilan ang apat sa kanilang pagsasagutan.

Bumuntong-hininga na lamang si Alfonso at natahimik na lamang. Alam naman nilang wala silang magagawa kapag nagsalita na ang pinakamataas na namumuno ng kanilang Society.

"Wag niyo munang isipin ang bagay na yan, kailangan niyo munang gawin kung ano ang nakapatong sa mga ulo ninyo." dagdag pa nito at tumango-tango naman ang apat sa kanya.

"Dad."

Mabilis na lumingon si Marshall sa pintuan at nakita ang anak habang nasa tabi nito ang anak ni Zavier. Nakapulupot ang kamay ng dalaga sa braso ng binata na halatang-halata hindi nagugustuhan ang ginagawa nito sa kanya.

"Finally you're here. Hindi ko alam na kasama mo pala ang anak mo, Zavier."

"She wants to see your son Marshall."

"Let me go, Natasha." iritang bulong ng binata.

"Why? Didn't you miss me?" malanding tanong nito habang kinakagat-kagat pa ang ibabang labi.

"Of course not."

Padarag na tinanggal ni Victor ang kamay nito at

You are reading the story above: TeenFic.Net