CHAPTER FIFTY THREE

Background color
Font
Font size
Line height

Nakatingin si Quincy sa sariling repleksyon sa salamin. Hinihintay niya na lamang si Cameron para siya'y sunduin.

Pinagmasdan niya ang mahabang dress na abot hanggang sahig. Mataas rin ang heels na kanyang suot-suot at bahagya ring lumalabas ang kanyang mahabang hita.

Pormal na selebrasyon ang kanilang dadaluhan sa isang private event venue na pagmamay-ari ng ama ni Race. Marami ang dadalo kaya napag-isipan doon na lamang ipagdiwang ang kaarawan ng binata.

Napatingin si Quincy sa labas ng kanyang apartment ng marinig ang sunod-sunod na busina ng kilalang kotse. Mabilis siyang lumapit sa kama kung nasaan ang kanyang mini bag at mabilis na lumabas ng kanyang kwarto.

"Baby." unti-unting natigilan si Cameron ng makita ang dalaga.

Bakas na bakas sa itsura nito ang pagkamangha sa ayos ni Quincy. Napanganga pa ito habang lumalakad ang dalaga papalapit sa kanya.

"Wow." wala sa sariling wika ni Cameron ng tuluyan ng makalapit sa kanya ang dalaga.

"It was as if I was looking at an angel." papuri ng binata at mabilis na hinalikan ang labi ni Quincy.

"Ikaw talaga, tara na." pagyaya pa niya dito na mabilis namang tumayo.

Nilahad ni Cameron ang kanyang kamay sa dalaga at mabilis naman nitong kinuha. Sabay na naglakad ang dalawa at hindi maiwasang pagtinginan ng mga taong kanilang nadadaanan. Binuksan ni Cameron ang pintuan ng kotse at maingat na pinapasok si Quincy. Dali-dali naman itong umikot at pumasok sa driver seat.

"Let's go?" nakangiting tanong ni Cameron sa kanya.

Kaagad na tumango si Quincy at bahagyang kumaway ng makita si Mang Toto.

"Nasaan na daw ang kaibigan mo?"

"They are going too." sagot ni Cameron habang nasa daan ang tingin.

Dahil malapit lang naman iyon sa apartment ng dalaga, wala pang kalahating minuto ay nakarating na sila. Nakita ni Cameron ang kotse na mga kaibigan na magkakatabi. Mabilis niyang itinigil ang kanyang kotse sa tabi ng pinsan at mabilis na lumabas para tulungan si Quincy.

"This way Sir Cameron." wika ng guard makalapit sila sa entrance.

Magkahawak-kamay ang dalawa na pumasok doon at nagsimulang lumakad sa mahabang hagdanan. May red carpet pa iyon kaya ramdam na ramdam ni Quincy ang pagiging prinsesa. Maraming tao ang nakakasalubong nila ngunit hindi naman nila kilala. Ang iba ito ay mga malalapit na kaibigan ng magulang ng binata.

Kinuha ni Cameron ang kanyang cellphone para tawagan si Javion. Wala pang dalawang ring ay sinagot na ng binata.

"Where are you?" tanong nito habang iniikot ang paningin sa buong venue.

"Itataas ko ang kamay ko." sagot ni Javion at mabilis na itinaas ang kamay.

Hinanap iyon ng binata at ng matagpuan na ay mabilis ilang lumakad papalapit sa table nila.

"Nandito na pala kay----- wow!" natigilan si Dranreb sa pagsasalita ng tuluyan niyang makita si Quincy.

"Is that you, Quincy?" namamanghang tanong ni Matthew habang pinagmamasdan ang dalaga.

"Kayo talaga." nahihiyang wika ni Quincy at mabilis na tiningnan ang kaibigan.

"Bestie!" tumayo si Princess sa pagkakaupo sa tabi ni Kyle at niyakap ang dalaga.

"Ang ganda-ganda mo talaga. Bagay na bagay sayo ang suot mo." papuri nito habang pinag-aaralan ang kanyang suot.

"Mas maganda ka." natatawa namang sagot ni Quincy sa kanya.

Nilapitan ni Quincy ang mga binata at pinagbabati. Natigilan lamang siya ng makita na si Calvin. Nakangiti ito sa kanya na waring proud na proud sa nakikita.

"You're so gorgeous Quin." papuri ni Calvin bago siya nito yakapin.

"Thank you Cal. Bagay na bagay sayo ang suot mo. Sumobra na ang ka-gwapuhan mo."

Bahagyang tumawa ang binata at ginulo ang kanyang buhok.

"Cameron, we need to talk." seryosong bulong ni Javion dahilan para mapatingin sa kanya ang pinsan.

"About what?" kunot-noong tanong ng binata.

"Excuse us, may importante lang akong sasabihin kay Cameron." wika ni Javion sa mga kaibigan matapos tumayo mula sa kanyang kinauupuan.

Nagkatinginan sina Cameron at Quincy. Senenyasan na lamang siya ng dalaga na sumunod sa pinsan bago siya maupo sa bakanteng upuan.

Tumigil ang dalawa sa pinakasulok at malayo sa mga tao. Seryosong tiningnan ni Javion ang pinsan.

"What's the problem?"

"They're here."

"Who?" kunot-noong tanong ni Cameron.

"Nakita ko ang dalawang Monzanto kanina." seryosong sagot ni Javion dahilan para mabigla si Cameron.

"Wha-t?"

"Nandidito si Monzanto pati ang anak niya." pag-uulit nito at mabilis na nakaramdam ng kaba ang binata.

"Teka? H-ow? Kilala sila nina Tito Dominic at Tita Dawn?"

"Maybe? They won't come here if they don't know our friend's family." nakangising sagot ni Javion.

"Nasaan sila?"

Unti-unting nilingon ni Javion ang table kung saan nakaupo ang dalawa. Tumingin rin doon si Cameron at unti-unti niyang nararamdaman ang pag-iinit ng kanyang dugo.

"Tell me you have nothing to do, Cameron."

"Hindi ko maipapangako JP." seryosong sagot ni Cameron habang nanatili ang tingin sa dalawang Monzanto na abala sa pakikipag-usap sa magulang ni Race.

"It’s dangerous no matter what you’re planning, Cameron. Our friends are here and many people can be affected."

Hindi agad sumagot si Cameron sa pinsan. Mabilis niyang pinag-aralan ang buong lugar habang nag-iisip ng magiging plano. Abala din ang kanyang kamay sa pagta-type sa kanyang cellphone.

"Don't take your eyes off them." utos ng binata at mabilis na naglakad papalayo.

"Teka Cameron! Sandali! Pwakanangina!" wika pa ni Javion ng hindi na siya pansinin pa ng pinsan..

Lumapit ang dalawa sa kanilang table na parang walang nangyari. Pilit na ngumiti si Cameron kay Quincy at muling tiningnan si Javion na naupo sa kanyang tabi.

Magsisimula na ang party dahil dumating na ang celebrant. Umakyat narin sa mini stage ang dalawang emcee para simulan ang party. Ang lahat ay nagsitayuan para lamang sa pagpasok ni Race.

"Tonight, we are gathered here to celebrate the gift of life, most especially the gift of life that He has given to Race Pablo Molina, who is celebrating his birthday today." wika ng lalaking emcee habang iniikot ang paningin sa buong venue.

"Good evening Paul!"

"Good evening Patricia!"

"Good evening evening everyone!" masayang pagbati ng dalawa sa lahat ng nandoon.

"And welcome to the most awaited party of the year, Race 22th birthday party!" masiglang sambit naman ni Patricia.

"So, without much further ado, let us put our hands together for the entrance of our celebrant!"

Unti-unting bumukas ang pintuan at dahan-dahan nag-lakad papasok si Race. Nagsimula ng mag-ingay sina Dranreb dahilan para maagaw ng mga ito ang atensyon ng kaibigan maging ang ibang bisita. Tumawa-tawa pa si Race bago magpatuloy sa paglalakad.

"Kaibigan ko yan!" sigaw pa ni Dwight habang pumapalakpak.

"Ang supportive naman ng kaibigan ng ating celebrant, Paul. Sana all diba may ganyang klase ng friends." natatawa pang wika ni Patricia at tumango-tango naman ang kanyang kasama.

Seryoso lamang ang tingin ni Cameron habang nakatingin sa unahan. Bahagyang madilim ang loob ng venue kaya malaya niyang napagmamasdan si Monzanto na hindi naman nalalayo ang kinauupuan sa kanila. Bahagya ring tumatago si Javion para hindi siya makita ni Natasha.

"Once again, let us welcome our star for the night, Race Pablo Molina!"

Bahagyang tumungo ang binata para magpasalamat sa lahat ng dumalo sa kanyang kaarawan. Umupo ito sa pagitan ng kanyang mga magulang at muling ngumiti ng paglaki-laki.

"Time check, it’s already eight o'clock in the evening and it’s already time for us to take our dinner. We will just continue with the rest of our program right after. At this juncture, let me call on Mr. Manabat to lead the prayer before meal."

Umawang ang labi nina Cameron at mabilis na tumungo para makisabay sa dasal ng binata. Tiningnan niya ang kasintahan na nasa kanyang tabi na nakatungo din ata tahimik na nagdadasal. Pasimple niyang hinawakan ang kamay nito dahilan para lingunin siya ni Cameron.

Peke siyang ngumiti bago iniwas ang tingin.

"Happy eating everyone. Enjoy your meal!!!" sigaw ni Patricia ng matapos ang pagdadasal.

Mabilis na nagsi-upuan ang magkakaibigan. Nag simula namang mag-flash ang isang video clips tungkol kay Race.

"Hindi pa ba kayo kukuha ng pagkain? Mukhang malalasing tayo dito." natatawang wika ni Brix bago tumayo sa kanyang pagkakaupo.

"Mauna na kayo." seryosong sagot ni Cameron sa kanya.

"Pareng Race!" sigaw ni Javion ng makitang papalapit sa kanila ang kaibigan.

"Kamusta? Okay lang kayo diyan? Nagpahanda ako kay Dad ng mga drinks para sa inyo. Baka sabihin niyo pa ang kuripot ko dahil wala akong pa-inom." biro pa nito bago tumawa.

"Yan ang gusto namin sayo, Kaibigan. Mapagbigay." tinapik-tapik pa ni Javion ang braso ng kaibigan..

"Happy birthday Race." sabay na bati ni Quincy at Princess.

"Ang swerte ko naman, binati ako ng dalawang naggagandahang kababaihan." papuri nito dahilan para mamula si Princess.

"Happy birthday." inabot ni Quincy ang paper bag kung nasaan ang kanyang regalo at lumapit sa para siya'y yakapin.

Pinagbabati nina Cameron ang kaibigan bago umalis ang mga ito para kumuha ng pagkain.

Kailangan rin munang umalis ni Race para kausapin ang iba pang bisita ng kanyang ama't ina.

Tumunog ang cellphone ni Cameron dahilan para tingnan niya iyon. Nagkatinginan ang magpinsan at makahulugan siyang tiningnan ni Javion.

"I'm going to answer this call, Baby. Excuse me." pamamaalam ng binata at mabilis na lumabas.

"Hello?"

"Nandidito na kami Sir Cameron." sagot ni Alfred.

"Good. Study the whole place. Find the car that Monzanto's family is riding in. You should also be careful in your actions because Monzanto may have security guards with him." mahinang sagot ni Cameron habang pasimpleng tiningnan ang mga taong dadaan sa kanyang harapan.

"Roger."

Pinatay ni Cameron ang tawag na iyon, tiningnan niya ang paligid kung may kahina-hinalang mga nilalang ngunit wala naman siyang nakikitang kakaiba. Muli siyang pumasok sa loob at imbes na pumunta sa kanilang table ay mabilis siyang naglakad papalapit sa table nina Monzanto. Puwesto siya sa tabi kung nasaan ang crew na may hawak-hawak ng alak.

Kumuha siya ng isang baso at mabilis na ininom iyon.

Panay naman ang kabog ng dibdib ni Javion. Hindi niya alam kung anong pina-plano ni Cameron pero nasisigurado siyang may ginagawa na itong plano. Hinahanap ng kanyang mata ang pinsan ngunit hindi ito matagpuan.

Kumakain man si Quincy ngunit hindi nito maiwasang hanapin si Cameron. Ilang minuto na ang nakalipas ngunit hindi pa ito bumabalik. Tiningnan niya si Race ngunit wala siyang nakitang Cameron na kausap nito kaya mabilis niyang tiningnan si Javion.

"Nagpaalam ba sayo kung saan pupunta si Cameron?"

"Nandiyan lang yun sa tabi-tabi Quincy. Hindi iyon kukunin Lord." birong sagot ng binata dahilan para naman siya'y matawa.

"Sira ka talaga. "

"Biro lang."

Nagpatuloy na lamang siya sa pagkain at nakipag-usap sa mga kaibigan.

Wala rin sa table nila ang iba dahil mga umiinom na ito ng alak kasama ng ibang bisita ng kaibigan.

"Baby." mahinang tawag ni Cameron ng makarating siya aa kanilang table.

"Saan ka galing?"

"Kinamusta ko lang sina Tito." pagsisinungaling ng binata bago magbaba ng tingin sa pagkain niya.

Kinuha ng binata ang hawak na tinidor ni Quincy at tinusok ang karneng nasa plato niya at isinubo iyon.

"Dad, I want to drink." nakangusong wika ni Natasha sa kanyang ama.

"I said no, Natasha. We are not in our own country. It is dangerous if we are open to other people here." ma-awtoridad na sagot ng kanyang ama dahilan para mas lalo siyang mapanguso.

Bored na bored na ang dalaga at gusto niyang uminom ng alak. Kanina niya pa sinusundan ng tingin ang mga crew na may dala-dala noon ngunit wala lang magawa kundi tingnan na lamang.

Iyong party na iyon ang pinunta nila sa Pilipinas. Naging partners si Monzanto at ang ama ni Race na si Dominic pagdating sa negosyo hanggang sa naging magkaibigan ang dalaga ngunit walang alam si Dominic sa kung anong pagkatao ng matanda.

"Where's Carlos and Daniel?" tanong niya pa sa ama.

"They're on outside." maikling sagot ng matanda bago isubo ang pagkaing nasa kanyang plato.

"What time do we go home?"

"Before the party ends."

Bumuntong-hininga na lamang ang dalaga at hindi na nagsalita pa.

"I guess, everybody has already dined well. Thank you so much mam Dawn for inviting us tonight. Indeed, tonight, we can say that “happy na, birthday pa."

Napatingin ang lahat ng muling magsalita ang babaeng emcee.

Bahagyang sumandal si Cameron sa kanyang kinauupuan at niyapos ang bewang ng kasintahan. Bahagya lamang siyang tiningnan ni Quincy at muli na ulit tumingin sa stage.

"And since it’s your birthday today, we cannot afford to let this party end nor proceed with the rest of the program without giving you first a special moment where you can make your birthday wish and blow your birthday candle."

Tumayo si Race sa kanyang pagkakaupo at dahan-dahang naglakad papalapit sa magarbo niyang cake. Muli na namang nagsisigaw sina Dranreb para asar-asarin ang kaibigan.

"Happy birthday to you... Happy birthday to you happy birthday happy birthday happy birthday to you.." malakas na kantahan nina Javion.

"I would like to request our birthday celebrant, Race to come forward. You may now make your wish ma’am and blow your birthday candle. May your wish do come true."

Dahan-dahang ipinikit ni Race ang kanyang mata at nagsimulang wish. Nang matapos niya iyon ay dahan-dahan siyang ngumiti at hinipan ang kandila.

"Everybody, let us say, ” Happy Birthday Race Pablo!!!

"Happy birthday inutil!" walang hiya-hiyang sigaw ni Cameron dahilan para lingunin siya ng mga kaibigan.

Pigil na pigil ang tawa ni Javion habang nakatingin sa pinsan.

"Nakakahiya ka, hindi ka namin tropa." nakangising bulong ni Calvin sa binata.

"Shut up." masungit na sagot ni Cameron sa kanya.

Nang matapos ang pag blo-blow ng candle, iyon naman ang oras para magbigay ng message para kay Race.

"Celebrating one’s birthday is wonderful. But it becomes even more wonderful when you can hear birthday messages coming from beautiful people. And the first one to give his birthday message is a beautiful woman not just outside but also in the inside. A woman, close to the heart of our celebrant. And the woman that I’m referring to is no other than Mam Dawn Molina. Let’s welcome her with a big hand."

Nagpalakpakan ang lahat ng tumayo ang ina ni Race. Dahan-dahan itong naglakad papalapit sa emcee para kunin ang microphone. Wala pa man itong sinasabi sa anak ay bumubuhos na ang luha nito.

"Hi anak, You're twenty-two tonight. Time is so fast, you used to be small and now you are a full -fledged man. You are the only child of your daddy and I am happy because you are what God gave us. You are a very sensible child, you are an obedient child to us and you do not give us a headache." natatawang panimula nito habang patuloy ang pagbagsak ng kanyang mga luha.

Nagpatuloy ang speech ng kanyang ina at nanatiling tahimik sina Cameron.

Hindi mapigilan ng binata na malungkot at mainggit habang pinagmamasdan niya ang ina ng kaibigan. Pumasok sa isip niya na, kung buhay pa ang kanyang ama't ina ay mararanasan niya rin ang ganoong bagay.

Natapos ang message ng kanyang ina at mabilis na yumakap si Race rito.

Sumunod naman ang kanyang ama na nagbigay ng word of wisdom, paalala, biro at marami pang iba.

"Ang susunod na magbibigay ng message para sa ating celebrant ay ang mga number one at mga tunay na kaibigan. Mukhang excited na sila para magbigay ng message sayo Sir Race." natatawang wika ng lalaking emcee habang nakatingin kina Dranreb.

Ngumisi-ngisi naman si Race, alam na niya ang sasabihin ng mga ito sa kanya.

"Pakitawag na kami please!" sigaw ni Jethro dahilan para matawa ang lahat ng bisita.

"Alright, wag na nating patagalin pa. Let's us welcome his friends."

"Galingan niyo ah." natatawang bulong pa ni Princess bago pumapalakpak.

Tinanguan rin ni Quincy si Cameron para ito itaboy papunta sa mga kaibigan.

Naunang kinuha ni Dranreb ang microphone at malaking ngumiti sa kaibigan.

"To those who don’t know me, I’m Dranreb Nasir Cabrera. One of Race's friend Pablo Molina. I've known Race for a long time, it's been a few years since we met destiny and I can really say that he is a good friend." wika ni Dranreb na animo'y nagkwe-kwe to. "I will not extend my message to you. I just want to tell you that we are very proud of you because you are our friend. You are one of the best the Lord has ever done. Hopefully when the day comes, nothing will change in us. We will remain friends. That's all, we are not in mmk so I will not prolong my speech. Happy birthday Race." natatawa pang dagdag nito at mabilis na ibinigay ang mic kay Calvin.

"Gago ka talaga." natatawang wika ni Race sa sarili.

"Happy birthday Race. This is the most special day for you and I am happy because we are here and you are celebrating with us. I just want to thank you for being a good friend and dependable when needed. I just wish you to be successful when the day comes and be good in the life you lead." nakangiting wika ng binata bago ibinaba ang microphone.

"Hi Race Pablo Molina. It's your birthday. Nagpapasalamat ako kina Tito Dominic at Tita Dawn dahil pinalaki ka nila. Salamat sa Cherifer." seryosong wika ni Kyle dahilan para magsitawanan ang mga nakikinig sa kanila. "Hindi, biro lang. This is it na talaga."

"Parang timang talaga tong si Kyle." naiinis na wika ni Princess at tumawa naman sa kanya si Quincy.

"Happy kami dahil alam namin happy ka. Maging successful ka lang sa buhay, magiging masaya na kami. Nandidito lang kami palagi para sayo bilang kaibigan mo at bilang kapatid natin. Mahal na mahal ka namin Pre." kumindat pa ang binata bago inabot ang mic kay Brix.

"Happy birthday."

"Yun lang?" taas-noong tanong ni Race at mabilis namang tumango si Brix.

"Bwesit, walang ambag sa luha." natatawang ani Race.

"Wala na kasi akong maisip. Bawi nalang sa next year." nakangiwi pang sabi ni Brix bago iabot ang microphone kay Jethro.

"Happy birthday Race at sana magka-girlfriend ka na. Binulong sakin ni Tita."

Mabilis na tumingin ang binata sa kanyang ina kaya tumawa naman ito ng tumawa. Nag thumbs up pa ito kay Jethro.

"Good health lang. Tutuparin pa natin ang pangarap nating magkakaibigan. Enjoy your day Pre." pahabol pa nito bago sumaludo sa kaibigan.

Ibinigay ni Jethro ang microphone kay Dwight at mabilis naman itong nagbigay ng

You are reading the story above: TeenFic.Net