CHAPTER FIFTY SEVEN

Background color
Font
Font size
Line height

Natapos ang klase at nasa locker sina Cameron para ilagay ang kanilang gamit doon.

"May short film making competition daw bukas ng hapon. Mag pe-perform daw ang banda." wika ni Dwight.

"Alam mo ba yun Insan?" kunot-noong tanong ni Javion at tumango naman si Cameron.

"Only one song will be sung." walang ganang sagot niya.

"Walang practice-practice ba to?" nakangising tanong ni Race.

"Bukas ng umaga, pumasok kayo ng maaga. Tapos ang usapan." seryosong sagot muli ni Cameron at halos ibalibag ang pintuan ng kanyang locker.

"Ihahatid mo ba si Quincy?"

Tiningnan ng binata ang kanyang pinsan bago bumuntong-hininga. Inilagay niya ang kanyang dalawang kamay sa magkabilang bulsa ng kanyang pantalon saka naglakad.

"Mauna ka ng umuwi." pahabol niya pa kay Javion bago tuluyang nilisan ang locker room.

"Hindi ko na talaga alam ang takbo ng bituka ng isang iyon."

"Hayaan mo na. Hindi pa tayo sanay kay Cameron." nakangiwing tugon ni Dranreb kay Javion.

Umakyat si Cameron sa building nina Quincy. Sumandal siya sa railings at pasimpleng sinulyapan ang dalaga sa loob ng classroom nito. Bahagya siyang lumiyad saka pinagkrus ang mga braso.

Nang tumunog ang bell, mabilis na nagsitayuan ang mga istudyante sa loob.

"Hinihintay ka na ni Cameron." bulong ni Mariyah at bahagya pang tinuro ang binata.

Mabilis namang napatingin doon si Quincy at nakita nga niya si Cameron.

Tiningnan niya sina Calvin na nag-aayos ng gamit bago niya ayusin ang gamit niya.

Paglabas nilang dalawa, kaagad na nagtama ang paningin nilang dalawa.

"Hintayin nalang namin kayo sa parking lot." pamamaalam ni Calvin at bago pa niya iwanan ang dalawa ay ginulo pa nito ang buhok ng dalaga.

Tumango lang sa kanya si Cameron.

Kinuha ng binata ang kanyang bag at siya na mismo ang nagdala noon. Hindi naman mapagilang matuwa ng dalaga sa ginawa nito.

"Ihahatid mo ba ako?"

"Hmm."

"Talaga?" parang kuminang ang mata ni Quincy sa sagot na iyon ni Cameron.

"Hmm." tipid na sagot ulit nito.

Ngumiti si Quincy at dahan-dahang hinawakan ang kamay ni Cameron. Pinagsakop niya pa iyon dahilan para lingunin siya ng binata.

Naramdaman na naman ng binata ang mga paru-paro sa loob ng kanyang pagkatao. Gustong-gusto niyang gumawa ng aksiyon pero pinipigilan niya na lamang iyon. Iniwas niya ang tingin sa dalaga at bahagyang kinagat ang labi para mapigilan ang ngiting gustong kumawala sa kanya.

Dumating sila sa parking at nandodoon na ang mga kaibigan niya. Bahagya pang natigilan ang mga ito ng makitang magkahawak kamay ang dalawa.

"Hindi ba't sinabi kung mauna ka ng umuwi? Bakit niyo pa kami hinintay?" kunot-noong tanong ni Cameron sa mga ito.

"Gusto ka naming hintayin, bakit ba?" nakangising tanong rin ni Javion sa kanya.

"Tsk."

Binitawan ni Cameron ang kamay ni Quincy at naglakad papunta sa passenger ng kanyang kotse at binuksan ang pintuan noon.

"Bye bye Bestie, see you tomorrow." niyakap ni Princess ang kaibigan bago lumapit sa kanyang kasintahan.

"Hmm, magiingat kayo sa pagmamaneho."

Tumango sa kanya ang mga ito. Tiningnan niya si Calvin na ngumiti sa kanya at tinugunan naman niya iyon. Pumasok na siya sa loob ng kotse at sumarado ng binata ang pintuan. Sumunod narin ito sa kanya, magbusina pa ito bago maunang lumabas sa parking lot.

Hindi nagsalita si Cameron sa buong biyahe nila hanggang sa makarating sa harapan ng apartment ng dalaga.

"Hindi ka na ba bababa?"

"Hindi na." tugon nito habang nakatingin sa malayo.

Tumango-tango si Quincy at kinuha ang kanyang bag. Inalis niya ang seatbelt saka tiningnan si Cameron. Dahan-dahan siyang lumapit sa mukha nito at hinalikan ang labi ng binata.

"I love you Baby." bulong ni Quincy.

Bahagya namang nagulat si Cameron sa ginawa nito kaya hindi niya napagilan ang sariling lingunin ang dalaga. Ngumiti na lamang ito sa kanya saka lumabas ng kanyang kotse. Kumaway-kaway pa ito kay Cameron bago tumalikod.

I love you Baby

I love you Baby

I love you Baby

I love you Baby

Nagpaulit-ulit iyon sa kanyang isip. Habol tingin pa ang ginawa niya kay Quincy bago siya maka-recover sa ginawa nito sa kanya.

"Damn." wala sa sariling wika ni Cameron bago pahaharurutin ang kotse papalayo sa apartment nito.

Pumasok sina Cameron sa music para para ihanda ang kanilang mga instruments na gagamitin para sa event na gaganapin mamayang hapon.

"Sana all sa limang to na excuse na sa klase." naiingit na wika ni Dranreb habang nakaturo sa lima.

"Wag kang pumasok. Liit-liit na bagay, pinapalaki mo." pabalang na sagot sa kanya ni Cameron.

"Hindi mo ba pupuntahan si Cameron?" tanong ni Calvin habang naglalakad sila papasok ng building.

"Mamaya nalang siguro." sagot ni Quincy.

Binuksan ng dalaga ang pintuan saka pumasok doon. Nagdire-diretso narin siya sa kanyang kinauupuan at tumahimik na lamang.

Wala siyang natanggap na kahit anong message galing sa binata kaninang umaga. Hindi rin siya sinundo nito kaya wala siyang pagpipilian kundi mag-lakad papunta sa eskwelahan.

"Galingan mo." wika ni Quincy kay Calvin.

"Yeah. Hoy Kyle Gabriel!"

"Yes my beloved brother?"

"Ikaw na muna bahala kay Quincy." bulong nito at mabilis namang tumango ang binata.

"No problem. She's in the right hand." kumindat pa si Kyle bago ngumiti ng pagkalaki-laki kay Calvin.

"Mauuna na ako."

Sabay na kumaway ang dalawa sa binata hanggang sa makalabas ito ng kanilang classroom.

"Nandiyan na pala si pareng Calvin." wika ni Race ng makitang pumasok sa loob ng music room ang kaibigan.

"Good morning." pormal na bungad nito sa kanila.

"How is she?" tanong ni Cameron habang tinutono ang gitara.

"Same old." nakangising tugon nito bago ibinaba ang bag sa lamesa.

"Paano? Kita-kits nalang mamaya, ayaw namin pumasok pero hindi pwede."

"Anong ayaw pumasok Brix? Idadamay mo pa kami sayo." mabilis na anas ni Jethro.

"Ay gusto mo bang pumasok?"

"Syempre!"

"Sorry, sorry."

"Umalis na kayo, ang ingay-ingay niyo." masungit na utos ni Cameron sa mga ito.

"Alis!" sigaw pa ni Javion.

Sabay-sabay na itinaas nina Dranreb ang kanilang gitnang daliri sa lima at binalibag pa ang pagkakasara sa pintuan.

"Kahit kailan naman talaga oo." umiling-iling na sabi ni Calvin.

"Puntahan ko lang si Dekdek." sabi ni Atticus kay Xavia.

Nasa loob ang dalawa ng auditorium. Tumutulong ang dalaga sa pag-aayos ng stage habang si Atticus naman ay nakatayo lamang sa tabi ni Dean.

"Sure, tutulungan ko lang ang ibang students sa pag-aayos dito." nakangiting tugon nito sa kanya.

Tumango ito bago hinarap si Dalbert.

"Puntahan ko muna ang kapatid ko."

"Go ahead ijo."

Tinapik-tapik ng matanda ang balikat ni Atticus at senenyasan na itong umalis.

Mabilis na naglakad palabas ng auditorium ang binata at nagtungo sa music room. Tahimik lamang ang buong paligid dahil may mga klase ang bawal building. Wala ding pakalat-kalat na istudyante sa paligid.

Tahimik lamang siyang naglalakad hanggang sa makarating siya ng music room. Pagbukas niya ng pintuan ay sumalubong agad sa kanya ang pagtugtog ng banda.

Nagtama ang tingin ng magkapatid ngunit senenyasan niyang magpatuloy ang mga ito sa kanilang ginagawa. Umupo siya sa bakanteng upuan at pinanuod ang kapatid. Dahan-dahan ngumiti si Atticus habang pinagmamasdan si Cameron. Nakapikit ito na waring dinadama ang bawat lyrics ng kanta. Tiningnan niya rin sina Javion na seryoso din ang expression ng mukha habang tumutugtog ng kani-kanilang instrumento.

*Clap* *Clap* *Clap*

"Good job, Dark Spawn." papuri na anas nito at tumayo pa sa kanyang kinauupuan.

Binitawan ni Cameron ang mikropono at naglakad papalapit sa kanya. Mabilis nitong niyakap ang bewang ng kapatid at isiniksik ang ulo sa dibdib.

"Great job Dekdek."

Nakangiti niyang niyakap ang kapatid habang hinahagod-hagod ang buhok nito.

"Sama ako." nakangusong ani Javion at nagtatakbo papalapit sa dalawa at yumakap din sa binata.

"Tsk." nakangising tugon ng binata.

Tumawa si Atticus at parehas na hinalikan ang ulo ng dalawa. Umangat ang ulo ni Cameron at hinalikan nito ang noo, ilong, dalawang pisngi at baba ng kapatid na na-miss niyang gawin kay Atticus.

"Nagugutom ako Kuya."

"You ate before going to school, didn't you?"

"Nagugutom parin ako."

"Tsk. Gusto mong magpadala ako rito ng pagkain kina Alfred?"

Tumango-tango ang binata bilang sagot sa kanyang tanong.

Kinuha ni Atticus ang kanyang cellphone para tawagan si Alfred. Bumaba naman ng stage sina Calvin at naupo sa lamesa na malapit sa tatlo.

"Anong oras ba gaganapin ang event Kuya Atticus?" tanong ni Race.

"After lunch."

"Kayo din ang judge?"

"Hmm, pati head teachers."

"Where's Ate Xavia?"

"Nasa auditorium."

Tumango-tango naman si Cameron at muling niyakap ang kapatid.

"Umalis ka nga, JP. Akin lang sabi kapatid ko nakikisali ka pa." iritang smabit ng binata ng nahihirapan siyang yakapin ang kapatid dahil kay Javion.

"Oh bakit? Bawal bang makisali? Damot-damot mo." taas-kilay na tugon nito at mas lalong sumama ang tingin ni Cameron.

"Umalis ka sabi!"

"Pwakanangina! Seloso ka na nga madamot ka pa!"

Humalakhak ng malala si Atticus dahil sayang-saya siya na pinag-aagawan siya ng dalawa. Hinayaan niya lamang ang mga ito magsagutan hanggang sa lumayo na sa kanya si Javion.

"Sabihin mo sa magulang mo gumawa na nga ng bago para naman hindi ka nakikihati sa kapatid ng may kapatid."

"Foul yun." nang-aasar na tumawa si Dwight dahilan para samaan siya ng tingin ni Javion.

"Madamot!"

Pagkalipas ng ilang minuto ay dumating narin si Alfred dala-dala ang pagkain ng mga ito.

"Thank you." nakangiting pasasalamat ni Cameron at nakipag-high five pa rito.

Tumango si Alfred at nagpaalam narin sa mga ito dahil may importante pa siyang inaasikaso.

"Hindi mo parin ba kakausapin ng maayos si Quincy? Ikaw din baka maghanap yun ng iba." pang-aasar pa ni Race habang ngumunguya.

"Hindi gano'n mahal ko. Hindi yun basta-basta hahanap ng iba dahil mahal niya ako."

"Yan tayo eh. Kaya tayo gumagawa ng bagay na kahit alam nating makakasakit sa kanila ay ginagawa natin dahil alam nating mahal tayo ng tao at hindi agad makakakapaghanap ng bago."

Natigilan si Cameron at dahan-dahang inangat ang tingin sa kanyang pinsan na nasa pagkain naman ang tingin.

"Ano? Tama naman diba?" nakangisi pang tanong ni Javion at mas lalong sumama ang tingin ni Cameron.

"Hindi ko naman ginagawa ang bagay na to ng walang dahilan."

"Pero nakikita mo naman hindi ba? Sa tingin mo ba gagawin ni Quin ang mga ginawa niya sayo ng muli ka niyang makita kung galit pa siya sayo?" tanong naman ni Calvin.

Hindi agad sumagot ang binata sa mga ito. Muli niyang naalala yung sinabi ng dalaga sa kanya kahapon.

Dahan-dahan siyang sumimangot at tiningnan ang kanyang kapatid.

"Pinipilit ko lang ang sarili ko na gumawa ng aksyon pero gustong-gusto ko na siyang kausapin. Sadyang natatakot lang ako sa judgement na manggagaling mismo sa kanya."

"Yan parin ang pino-problema mo? Mabait naman si Quincy at mukhang hindi nagtatanim ng sama ng loob kaya imposibleng galit parin siya sayo. Ikaw na nga mismo ang nagsabi na mahal ka niya kaya naniniwala akong kapag mahal mo ang isang tao, maiintindihan mo siya." tugon ni Dwight sa kanya.

"Kuya."

"Oh? Bakit mo ako tinatawag?" nakangising tanong ni Atticus sa kanya.

"Wala lang. Mahal lang kita." humalakhak na sagot naman nito.

"They're right Dekdek. Sang-ayon ako sa lahat ng sinasabi nila. Hindi porke't alam mong mahal ka ni Quincy ay kailangang mo ng gawin yan. Sarili mo lang naman ang pinapahirapan mo. Kilala ko ang buong pagkatao mo at alam ko na gustong-gusto na ng kaluluwa mo'ng makasama si Quincy sadyang pinapairal mo lang ang pride mo."

"Gusto ko na naman talaga n---."

"Kung talagang gusto mo, wala ka na sa harapan namin ngayon. Kanina mo pa dapat pinuntahan si Quincy."

"Tama-tama. Ikaw pa ba? Inlove na inlove ka pa naman kay Quincy." pagsang-ayon ni Race.

"Hayst." umiling-iling na lamang si Cameron at mabilis na isinubo ang kanyang pagkain.

Pinagtitinginan naman siya ng mga kaibigan pati na ang kanyang kapatid.

"Wala talaga ito. Hindi marunong mag first move." nang-aasar pang bulong ni Javion bago tumayo sa kanyang pagkakaupo at naglakad papunta sa kanyang bag.

Tumunog ang cellphone ni Quincy kaya dali-dali niyang kinuha iyon. Bahagya siyang nanlumo ng message ni Calvin ang nandodoon.

We're here in cafeteria.

11:37am

Bumuntong-hininga siya at tiningnan si Kyle na nag-aayos na ng kanyang gamit.

"Let's go na Harley Quin." pagyaya sa kanya ng binata.

Tumango siya at kinuha ang kanyang bag pati na ang box kung saan nakalagay ang regalo ni Eliana kay Cameron. Sabay silang lumabas ng kanilang classroom at halos takbuhin ng dalawa ang cafeteria makarating lamang doon ng maaga.

"Babe!" malakas na sigaw ni Kyle dahilan para lingunin siya ng ibang istudyante.

Unti-unti namang sumama ang tingin ni Princess sa kanya.

"Bakit kailangan mo pang sumigaw ha?" taas-kilay na tanong nito ng makalapit ang dalawa.

"Para malaman nila na akin ka. Pa-kiss nga." parang batang tugon nito at mabilis na hinalikan ang pisngi ng dalaga.

"Maupo ka na." utos ni Cameron kay Quincy.

Tumango naman ito at walang sali-salitang umupo sa kanyang tabi.

"Ito nga pala yung ipinabibigay sayo ni Eliana." ipinatong ni Quincy ang box na iyon sa harapan ng binata.

Tumango naman si Cameron at walang ganang kinuha iyon at inilagay sa bulsa ng kanyang bag.

"Diretso na ba tayo sa auditorium?" tanong ni Matthew.

Tumango-tango ang lima bilang tugon sa tanong nito.

"Nasaan na sina Atticus?" tanong naman ni Javion.

"Susunod sila rito." tipid na sagot naman ni Cameron. "Mag-order na kayo ng pagkain."

Tumayo sina Javion at Matthew at nagtatakbo papunta sa counter.

Dahan-dahan nilingon ni Cameron ang dalaga na nakatingin naman sa kanya. Kitang-kita niya sa mata nito ang magkahalong emosyon habang nakatingin sa mga mata niya. Gumalaw ang kamay ni Cameron na nasa ilalim ng lamesa at hinawakan ang kamay ni Quincy.
Bahagyang natigilan ang dalaga ng maramdaman ang higpit ng pagkakahawak nito sa kanyang kamay. Tinugunan niya iyon at hindi niya napigilang ang sariling yakapin ang binata.

"Bati na kayo?" nakangiting tanong ni Princess pero wala siyang nakuhang sagot mula sa dalaga.

Nasa ganoong sitwasyon lamang ang dalawa hanggang sa dumating sina Xavia at Atticus. Mabilis na umayos ng pagkakaupo si Cameron at binitawan ang kamay ng dalaga.

"Hello students." magiliw na bati ni Xavia sa mga istudyante na nandoon.

"Baby Quincy!"

Parang bata itong nagtatakabo papunta sa dalaga at niyakap ito ng sobrang higpit.

"How are you? You're so beautiful. Ang blooming-blooming mo ngayon." papuri nito matapos halikan ang pisngi ng dalaga.

"Mabuti naman Ate Xavia saka mas maganda ka." pilit ngiting tugon nito sa kanya.

Tumawa si Xavia at pinagtitinginan sina Dranreb. Pinaupo siya ni Atticus sa tabi nito at muling tumingin sa kanilang lahat.

"Malapit na ang kasal niyo Kuya Atticus diba tapos sa France pa gaganapin?" biglang tanong ni Kyle ng maalala niya ang kasal ng dalawa.

"Yeah. Excited akong makilala kayo ng mga kaibigan ko lalo ka na Baby Quincy. Siguro akong makakasundo kayo."

Ngumiti lamang si Quincy sa kanya. Hindi niya alam kung anong isasagot sa sinabi nito.

"Tsk, ang ligalig ng mga kaibigan mo, Boo. Walang ginawa kundi mag panay dikit sakin." nakangiwing singit ni Atticus at tumawa naman si Xavia.

"Hindi ka pa sanay sa kanila? Gano'n naman talaga ang mga yun kapag nakikita ka."

"Invited po ba kami?" masayang tanong ni Princess.

"Ofcourse Princess. Hindi ako magiging happy kung hindi ko kayo makikita doon lahat."

"Sa wakas, makakaalis na ulit ng bansa. Tagal ko ng hindi umaalis ng Pilipinas." pumapalakpak pang sambit ni Jethro.

"Ilang araw tayo don Kuya?"

"Dalawa." mabilis na sagot ni Atticus.

Tumango-tango si Cameron at pasimpleng tiningnan si Quincy.

"Marami bang shawty don?"

Lahat ay napatingin kay Javion. Ngumisi si Cameron rito at iniwas na agad ang tingin sa pinsan.

"Bakit ka pa maghahanap don kung pwede naman dito nalang."

"Mas maganda ang foreigner."

"Mas maganda ang Filipina." pagtatama ni Calvin.

"Tsk, eh di kayo na." umiikot-ikot pa ang eyeball nito at mabilis na nilapag ang tray sa lamesa.

"Nasaan sayo?" nagtatakang tanong ni Quincy ng makitang walang plato ang harapan ni Quincy.

"Hati tayo." seryosong sagot nito at mabilis na kinuha ang tinidor.

"Sige." pasimpleng ngumiti si Quincy.

Tiningnan naman silang dalawa ni Atticus at Xavia bago ngumiti sa isa't-isa.

"Eat." utos ni Cameron ng bigla niyang subuan ang dalaga.

Wala namang si Quincy kung nguyain ang sinubo ng binata sa kanya.

"The competition is going to start any minute from now. All the contestants and the guests are invited to come inside the hall and take your seats." wika ng emcee.

Sabay-sabay na naupo sina Quincy sa mataas na bahagi ng upuan kung saan kitang-kita ang stage. Nagdire-diretso naman sina Cameron sa backstage para ayusin ang kanilang gagamiting instruments. Naupo narin sina Atticus at Xavia sa unahan kung saan katabi nito si Dalbert.

Marami na ang istudyanteng pumapasok doon at paunti-unti ng napupuno ang loob ng auditorium. Bahagya naring umiingay sa dami ng istudyante.

"Anong kakantahin nina Fafa Cameron?" tanong ni Princess.

"Hindi namin alam." sagot sa kanya ni Dranreb.

Nakatingin lamang si Quincy sa stage at pinag-aaralan ang bawal sulok ng stage. Gusto na niyang makita muli si Cameron na kumanta sa stage.

"Good morning to all of you. On behalf of the organising committee, we are pleased to welcome all of you to our school who is responsible for this year competition. This is the least we can do within the short period of time." masayang paninimula ng babaeng emcee.

Sabay-sabay na nagsitayuan ang lahat ng istudyante para sa prayer pati narin sa national anthem. Tahimik lamang ang magkakaibigan habang nakatingin sa unahan.

Mula sa likod, bahagyang sumilip si Cameron para lamang tingnan ang kasintahan. Malaya niyang napagmasdan ito dahil

You are reading the story above: TeenFic.Net