CHAPTER FIFTY FIVE

Background color
Font
Font size
Line height

A few days passed without Quincy hearing any news about Cameron and Javion. Even about Monzanto's death, no news has been released on it.

Bumuntong-hininga si Quincy at tuluyan ng pumasok sa loob ng campus. Nakita niya sa waiting shed ang mga kaibigan na naghihintay sa kanya.

"Good morning Quincy." bati nina Dranreb sa kanya ng tuluyan siyang makalapit sa mga ito.

"Good morning." pilit ngiting tugon niya.

Tiningnan niya isa-isa ang mga ito at tanging wala doon ang magpinsan. He also looked in the parking lot and he did not see Cameron and Javion's car.

"Bestie, tara na." yaya sa kanya ni Princess.

Tumango na lamang ang dalaga at nagsimula na silang maglakad papunta sa kanilang building. Wala sino man sa mga ito ang magbubukas ng topic tungkol sa nangyari iyon dahil ayaw narin nilang pag-usapan pa.

"Kita nalang tayo Babe mamaya." pamamaalam ni Kyle sa kasintahan.

"Hmm. See yah later." yumakap ang dalaga sa binata pati narin kay Quincy bago tumakbo papunta sa kanyang building.

"Paano? Kita-kita nalang mamayang breaktime?" tanong ni Dranreb habang tinatapik-tapik ang balikat nina Kyle.

"Hmm. Mauna na kami." wika ni Calvin at mabilis na hinawakan ang kamay ni Quincy.

Gustong magtanong ng dalaga sa mga ito kung nag-uusap ba sila nina Cameron ngunit wala siyang lakas ng loob. Hindi niya rin maiwasang mag-alala sa kalagayan ng kasintahan. Hindi niya rin alam kung nasaan ba ito at wala rin siyang natatanggap ni isang tawag o message galing rito.

"Are you okay?" biglang tanong sa kanya ni Calvin.

"Sa totoo lang, hindi ko alam." mahinang sagot ni Quincy.

"I Know you're still can't forget what happened. Well, it's normal for us to think such a thing but maybe it would be better if we could talk to them now."

"A-lam mo ba kung nasaan sila?"

"We also have no idea. They don’t answer all our calls, even Dean doesn’t know where the two are."

Nakaramdam ng lungkot ang dalaga ng marinig ang balitang iyon. Gusto niyang umiyak ng umiyak ngunit wala ng lumalabas na luha sa kanyang mata.

"Sa tingin mo ba? Nasaktan natin sina Cameron? Lalo na ako. Alam kung may mga nasabi ako na alam kung mali. Nadala lang ako sa emosyon ko."

Bumuntong-hininga si Calvin at pilit na ngumiti sa dalaga. Bahagya niyang ginulo ang buhok nito bago niyakap.

"Don't even think about that. Everything will be alright." bulong ng binata.

Pagpasok nina Dranreb ng kanilang classroom, inaasahan nilang makikita nila sina Cameron at Javion ngunit blanko ang upuan ng mga ito. Tahimik ang mga ito na naupo sa kanilang table at panay lingon sa pintuan at hinihintay na pumapasok ang dalawa. Maya't-maya nilang ginagawa iyon hanggang sa dumating ang kanilang professor.

"Good morning class."

"Good morning Sir. Martinez."

"Where's Mr. Safstrom and Mr. Nachreiner? Kababalik lang ng klase, wala agad sila?" tanong nito ng makitang wala ang dalawa.

Nagkatinginan ang mga magkakaibigan at nagkibit-balikat na lamang.

"Nasaan na kaya ang dalawang iyon?" tanong ni Matthew.

"Baka galit satin." malungkot na sagot naman ni Brix.

"Kahit naman galit sila, papasok sila pero hindi tayo papansinin." nakangiwing singit naman ni Race.

"Hindi naman tayo galit diba?" ani Jethro.

Walang nakasagot sa mga ito sa tanong na iyon ni Jethro. Hindi rin nila maintindihan ang sarili nila kung ano ba dapat ang maramdaman nila kina Cameron at Javion. Ang alam lang nila ay gusto nilang makita ang dalawa.

Nagpatuloy ang klase ng walang dumating na Cameron at Javion.

"Dekdek."

Dahan-dahan lumingon si Cameron ng marinig niya ang boses ng kapatid niya. Unti-unting namasa ang kanyang mata ng makita si Atticus na papalapit sa kanyang tayo.

"Kuya." halos pabulong nalang ang pagtawag ng binata sa kapatid matapos bumagsak ng kanyang luha.

Tiningnan ni Atticus si Javion na nakaupo sa tabi nito.

Kasalukuyang nasa puntod sila ng magulang ng dalawa para makapagpahinga.

"Don't cry, Dekdek. Nandidito na si Kuya." malungkot na niyakap ni Atticus ang kapatid bago tiningnan ang lapida ng kanilang ama't ina. "Sorry natagalan si Kuya." pahabol pa nito.

"Kuya." muling pagtawag ni Cameron sa kanya.

"Shhh." hinagod-hagod ng binata ang likuran ng kapatid bago sulyapan si Javion na tahimik lamang na nanunuod sa kanila.

"Gusto ko munang magpakalayo-layo, Kuya." humihikbing wika ni Cameron.

Bumuntong-hininga si Atticus, hinawakan niya ang baba nito at bahagyang i-tiningala. Nakaramdam siya ng kirot sa kanyang puso ng makita ang patuloy na pagbagsak ng luha sa pisngi ni Cameron.

Gamit ang hinlalaki, dahan-dahan niyang pinunasan ang luha nito bago niya halikan ang noo nito.

"It's okay, Dekdek. Kung hindi mo kaya, magpahinga ka. I know you Dekdek, matapang kang tao."

Hindi sumagot si Cameron at nanatiling lamang itong nakatingin sa mata ng kapatid.

"Hindi kayo pumasok?"

"Hindi, ayokong iwanan mag-isa rito si Insan." seryosong sagot ni Javion sa kanya.

"Hindi parin ba kayo nakakapag-usap?"

"Hmm. Sa ngayon, nakakapagod magpaliwanag lalo sa mga taong hindi ka naiiintindihan."

"Galit ka ba sa kanila?"

"Hindi. Naiintindihan ko sina Dranreb kung magagalit sila samin pero hindi ibig sabihin no'n na hindi rin ako nasaktan sa mga pinagsasabi nila." seryosong sagot ng binata habang ang tingin ay nasa asul na langit.

"They called me the other day. I talked to Calvin and I think they are ready to talk to you two again."

"Okay lang ba si Quincy?"

Sabay na napatingin si Atticus at Javion kay Cameron ng magtanong ito tungkol sa dalaga.

"Hindi ko pa siya nakakausap." tugon ni Atticus.

Pinunasan ni Cameron ang kanyang luha at tumingin sa kanyang cellphone. Gustong-gusto niyang tawagan ang dalaga ngunit may parte ng katawan niya ang pumipigil sa kanya. Ayaw na niya na mahusgahan ulit ng dalaga. 

"Pumasok kayo." utos nito ngunit mabilis na umiling ang dalawa.

"Gusto ko munang ipahinga ang pagkatao ko, Atticus. Sa panahon ngayon, tayo-tayo muna ang nagkakaintindihan." wika ni Javion.

Wala namang nagawa ang binata kundi tumango na lamang. Muli niyang tiningnan ang kapatid na malungkot na malungkot ang mukha habang nakatingin sa lapida ng kanilang ina.

"I'm going to school today to talk to them."

"Bahala ka." walang ganang sagot ni Cameron sa kanya.

Kumunot ang noo ni Atticus ng mapansin ang pamamayat ni Cameron.

"Kumakain ka ba?"

"Pagalitan mo ang isang iyan, ang sabi niyan magpapahinga. Ibang pagpapahinga ata ang gusto niyang gawin." nakangising sagot ni Javion dahilan para mas lalong kumunot ang kanyang noo.

"Kumakain ka ba?" pagtatanong niyang muli pero wala siyang nakuhang sagot.

"Aray!" sigaw nito matapos niyang pitikin ang ilong nito.

"Ilang beses ko bang uulitin ang tanong ko bago ka sumagot kung kumakain ka ba?!" galit na tanong ni Atticus at natigilan naman si Cameron.

"Wala akong ganang kumain."

"Siraulo ka ba?"

Muling umawang ang labi ni Cameron matapos masaktan ng muling pitikin ng kanyang kapatid ang kanyang ilong.

"Kapag brokenhearted, brokenhearted lang hindi mo kailangang patayin ang sarili mo!"

"Wala nga akong ganang kumain!"

Umiling-iling na lamang si Javion ng magsimulang magsigawan ang dalawa. Hinayaan niya na lamang ito at mabilis na tumayo.

"Sabihin niyo lang ako kapag tapos na kayong mag-away. Nasa kotse lang ako." nakangising wika pa nito bago mag-lakad papunta sa kanyang kotse.

"Did you break up with Quincy?" tanong ni Atticus at dahan-dahang nalungkot ang mukha ni Cameron.

"Hindi ko alam."

"Bakit hindi mo alam?"

"Ayaw niya sa mamamatay tao. She said she would never love a criminal." mapaklang sagot nito.

Sa tuwing naalala ni Cameron ang mga katagang iyon, ramdam na ramdam niya ang pagbagsak ng kanyang mundo. Pakiramdam niya'y wala ng taong tatanggap sa isang kriminal na katulad niya.

"Hmm, hindi pa ba kayo nakakapag-usap ulit?"

"Hindi. Nasaktan ako sa sinabi niya Kuya. Kung ayaw niya taong katulad ko." bahagyang tumigil si Cameron sa kanyang pagsasalita at dahan-dahang tiningnan ang kalangitan. "She's free to find her another moon."

"Tsk. Kapag mahal mo, ipaglalaban mo."

"Hindi lahat ng mahal ay kailangang paglaban Kuya. Paano ko ipaglalaban ang taong ayaw sa taong katulad ko?" pilit na ngumiti si Cameron habang sinasabi ang mga salitang iyon.

"Ganyan din naman ang ang Ate Xavia mo. Hindi ko siya pinilit na maintindihan agad kung anong ginagawa natin. I let her to think until she understood that there was a reason why we need to kill." sagot ni Atticus sa kanya.

Bumuntong-hininga si Cameron bago magbaba ng tingin sa damo.

"Hindi naman lahat magiging ganoon ang pag-iisip. Naiintindihan ko si Quincy kung magiging ganoon ang tingin niya sa'kin, satin at kung dumating man iyong panahon na hihiling siya sakin ng kalayaan."

"Ibibigay mo?" nakangising tanong ng binata at dahan-dahang naman siyang tumango.

"Quincy loves you, I see that Dekdek and I believe she can understand us."

"Iyon rin ang hinihiling ko gabi-gabi Kuya."

"Wag ka ngang mawalan ng pag-asa. Hindi iyan ng kapatid na nakilala ko." tinapik-tapik ni Atticus ang balikat ng kapatid bago niya yakapin ito ng pagkahigpit-higpit.

"Ikaw nalang talaga ang meron ako ngayon, Kuya. Salamat." mahinang bulong ni Cameron sa kapatid.

"Tayo lang rin talaga ang magdadamayan sa ganitong klaseng sitwasyon."

Ngumiti si Cameron. Kahit papaano'y nabawasan ang sakit na nararamdaman niya dahil sa kapatid. Alam na alam niyang maaasahan niya ito sa ganitong bagay.

"I love you Kuya."

"I love you more Dekdek."

Muling ngumiti ang binata bago ipinikit ang kanyang mga mata.

Nang tumunog ang bell, sabay-sabay na lumabas ang tatlo ng kanilang classroom.

"Quin." natigilan sa paglalakad si Quincy ng tawagin siya ni Mariyah.

"Bakit?"

"LQ kayo ni Cameron? Parang hindi ko siya nakikita pati narin si JP." wika nito.

Nagkatinginan ang tatlo bago muling tiningnan ang dalaga.

"Ahh busy lang sila siguro." pilit na ngiting sagot ni Quincy.

"Gano'n ba? Akala ko LQ kayo eh." tumatawa pang sagot ni Mariyah at muling ngumiti ang dalaga.

"Mauuna na kami Mariyah. Naghihintay na sina Dranreb sa cafeteria." pamamaalam ni Calvin bago hawakan ang braso ni Quincy.

"Oh sige sige."

Kumaway ito sa kanila at tinugunan naman iyon ng tatlo. Nakarating sila sa cafeteria at naghihintay na sina Dranreb sa kanilang table. Muling nalungkot ang dalaga ng wala parin siyang nakitang Cameron.

Naglakad ang mga ito papalapit doon saka naupo. Napatingin pa si Quincy sa katabing upuan kung saan naka-pwesto si Cameron.

"Quincy."

Umangat ang tingin ni Quincy ng marinig niya ang boses ni Eliana na tumatawag sa kanya. Masaya ito na naglalakad patungo sa kanila.

"Eliana."

"Hi boys, Hi Race. Belated happy birthday. I'm sorry I didn't go to your birthday. Panay iyak ang anak ko." nakangiting wika nito sa binata.

"Ayos lang, wala namang problema. Salamat." pilit ngiting sagot niya.

"Nasaan pala sina Cameron?" takang tanong nito ng makitang wala ang binata.

"Hindi sila pumasok." sagot ni Dranreb.

"Bakit naman?"

Nagkibit-balikat silang lahat at inilayo na lamang ang usapan.

"Bakit ka nga pala naparito?" tanong sa kanya ni Quincy.

"Ibibigay ko lang sana sa inyo ni Cameron pero absent pala siya kaya sayo nalang."

Napatingin si Quincy sa kamay nito na may hawak-hawak na katamtamang laki ng paper. Kinuha niya iyon bago muling nagsalita.

"Salamat rito, nag-abala ka pa."

"Walang ano man."

Tumango si Quincy.

"Oh siya na, balik na ulit ako sa table namin." pamamaalam nito.

"Nagugutom na ako, kain na tayo." wika ni Kyle at mabilis na binigyan ng pagkain ang kasintahan niyang si Princess.

"Let's eat." yaya sa kanya ni Calvin at tumango naman si Quincy.

Ang binata na ang naglagay ng pagkain sa kanyang plato na madalas gawin ni Cameron sa kanya. Pilit man niyang wag isipin ang binata ngunit hindi ito mawala sa kanyang isip. Maya't-maya siya tumitingin sa upuan nito pati narin sa labas ng cafeteria.

"Si Kuya Atticus ba yun?" biglang tanong ni Dwight habang nakaturo sa labas.

Mabilis na napatingin si Quincy doon at kaagad siyang nanlumo ng hindi nito kasama si Cameron.

Seryoso ang tingin ni Atticus ng makapasok siya ng cafeteria. Mabilis na nagsitayuan ang mga istudyante para lamang bumati sa kanya.

"Take your seat." ma-awtoridad na utos nito.

Dahan-dahan niyang tiningnan ang table ng magkakaibigan at mabilis na nagtama ang paningin nilang dalawa ni Quincy. Bumuntong-hininga ang binata bago magpatuloy sa kanyang paglalakad.

"Kuya Atticus." tawag nina Jethro sa kanya.

"Long time no see. I’ve only been gone a few days and a lot has already happened." seryosong sagot nito habang nakatingin sa kanilang magkakaibigan.

"Alam mo ba kung nasaan sina Cameron at JP?" hindi na napagilan ng dalaga na magtanong tungkol sa dalawa.

"Finish your meal first. Come to my office after lunchbreak." ani Atticus bago tumalikod.

Nagkatinginan ang magkakaibigan at dali-daling nagtapos ng kanilang pagkain.

"Parang galit si Sir Atticus." bulong ni Princess sa kaibigan habang naglalakad sila papunta sa opisina nito.

Tumango-tango naman si Quincy bilang pagsang-ayon sa sinabi ng kaibigan.

"Baka sasabunin tayo ni Kuya Atticus. Kilala naman natin yun, kapag usapan ay kapatid niya walang sinasanto kahit sino." bahagyang kinakabahang wika pa ni Matthew sa mga kaibigan.

"Right now, he seems to be what we need so we can understand everything." seryosong anas naman ni Calvin.

"Tama ka Calvin." pagsang-ayon ni Dranreb.

Tumigil ang magkakaibigan sa harapan ng pintuan ng opisina ni Atticus. Bumuntong-hininga si Calvin bago kumatok ng tatlong beses.

Bumukas ang pintuan at bumungad sa kanila si Alfred. Seryoso ang tingin nito habang pinagmamasdan sila isa-isa.

Senenyasan niyang pumasok ang mga ito sa loob na mabilis namang sinunod ng mga ito. Nakita ni Quincy si Atticus na nakaupo sa kanyang upuan, diretsong-diretsong ang tingin nito sa kanila.

Kaunti na lamang ay kakainin na sila ng buong-buo sa paraan ng pagtingin ng binata sa kanya.

"They're here Mr. Superior." mahinang wika ni Alfred.

Sabay-sabay na nangunot ang noo ng mga ito ng marinig ang pagtawag ni Alfred sa binata.

"Mr. Superior?" pabulong na tanong ni Matthew sa mga kaibigan.

"Maupo kayo." ma-awtoridad na sambit ni Atticus.

Umupo ang mga ito sa mahabang sofa na nandodoon. Hindi malaman ni Quincy kung bakit ang lakas-lakas ng kabog ng kanyang damdamin sa mga oras na iyon. Hindi siya mapakali sa kanyang kinauupuan at kating-kati siyang malaman kung nasaan si Cameron.

Bumuntong-hininga si Atticus bago tumayo sa kanyang kinauupuan. Naglakad ito at sumandal sa kanyang lamesa. Pinagmasdan niya isa-isa sina Calvin hanggang sa tumigil ang kanyang tingin kay Quincy.

"Nabalitaan ko ang nangyari no'ng birthday mo Race Pablo." panimula nito. "At hindi ko nagustuhan ang mga narinig ko mula sa inyo." dagdag pa nito dahilan para mapatungo ang mga ito.

"First of all, you called my brother and cousin a criminal right?" dahan-dahang ngumisi si Atticus matapos itanong ang bagay na iyon.

"Do you want to know the truth?"

Pinagkrus ni Atticus ang kanyang braso at nagsimulang magkwento.

"There were people who killed our family. They killed our parent unopposed. Cameron was only a few years old that day. Our family was happy and no problem. My family even helps out when needed." mapaklang wika ni Atticus. "Our family was happy until the day came when heartless people shot my parents. We can't think of any reason why such a thing should happen to them. We tried to approach the police but they did nothing to even find out who it was."

Natigilan si Quincy ng makita niya ang dahan-dahan pamamasa ng mata ni Atticus habang magkwe-kwento tungkol sa kanilang pamilya.

"Lumaki kaming dalawa ni Cameron na kaming dalawa ang bumubuhay sa isa't-isa. Nandiyan sina Tito Dalbert na siyang tumulong sa aming magkapatid." seryosong wika pa nito at mabilis ng pinigilan ang luhang akmang babagsak sa kanyang pisngi. "Nangako kami sa isa't-isa ni Cameron na pagbabayaran ng mga taong pumatay sa mga magulang namin."

"Mali ang pumatay Kuya Atticus." mahinang ani Jethro.

Ngumisi si Atticus sa sinabi ng binata.

"Kung mali ang pumatay bakit nila binawian ng buhay ang mga magulang ko ng walang kahit anong dahilan?" tanong niya rin at hindi naman ito nakasagot sa kanya.

"Hindi kami kriminal. Pumapatay kami dahil may dahilan. Buhay ang kinuha sa amin kaya buhay rin ang magiging kapalit. Nararapat lamang na mapunta sila sa imperyo."

"We can't understand kuya Atticus why you still have to do that thing. You know Tito won't be happy with what you're doing. We understand that you are angry but it doesn't seem like it's enough for you to do that to make them pay for what they did." si Dwight.

"I understand that you still do not understand what we are fighting for. Our family was destroyed, not your family. You have no right to judge who we are especially in the way we live in the world."

Natigilan ang lahat ng bumukas ang pintuan at pumasok si Xavia. Seryoso rin ang mukha nito ng magtama ang paningin nilang dalawa ni Quincy.

"Boo."

"What are you doing here?" takang tanong ni Atticus sa kasintahan.

"Nandidito ako para damayan si Dekdek." walang emosyong sagot ng dalaga at nagpatuloy sa paglalakad papalapit sa kanila.

Hindi maintindihan ni Quincy kung bakit nahiya siya kay Xavia. Napatungo na lamang siya napahawak sa braso ng kaibigan.

"Where is he?"

Imbes na sagutin ni Atticus ang tanong nito. Hinawakan niya ang kamay ng dalaga at muling tumingin kina Quincy.

"As a friend and you are important to my brother. I ask that you understand that we are not doing anything wrong. It may be wrong in your eyes but it is right in the eyes of our family. I hope you don't change your mind about how you met Cameron and Javion. Please don't forget that the two of you are friends who didn't leave you until the end and even took care of you just to be safe.  Hindi ko hinihiling na tanggapin niyo ang ginagawa namin pero sana hindi magbago ang tingin siya sa kanilang dalawa." mahinang sambit pa ng binata bago tumalikod.

"Kakausapin ko lang si Tito." pamamaalam nito at tumango naman ang kanyang kasintahan..

"Are you okay guys?" nag-aalalang tanong

You are reading the story above: TeenFic.Net