•CHAPTER ELEVEN•

Background color
Font
Font size
Line height

"Magiingat kayo." wika ni Calvin habang nakatingin sa mga kaibigang nakasandal sa sarili-sariling kotse.

Nakatungo lamang si Quincy, hindi niya alam kung paano haharapin si Cameron. Hiyang-hiya siya sa binata dahil sa nangyari kanina sa may comfort room. Wala rin namang kibo si Cameron at hindi rin niya magawang lingunin ang dalaga.

Dahan-dahan lumapit si Calvin kay Quincy at isinuot dito ang kanyang jacket. Ngumiti pa ito bago niyakap ng pagkahigpit-higpit ang dalaga.
Sabay-sabay na umawang ang labi nina Javion habang nakatingin sa dalawa. Sinulyapan na lamang iyon ni Cameron bago naunang pumasok sa kanyang kotse.

"Take care. Magpahinga ka." mahinang bulong ni Calvin rito.

Tumango na lamang siya at bahagyang niyakap ang binata. Dumating narin ang sundo nila.

"Thank you Calvin. Happy birthday. Pakisabi narin kay Kyle happy birthday ulit." pamamaalam ni Princess at bumeso pa kay Calvin.

"Makakarating."

Tinulungan nitong pumasok ang dalawa at siya narin ang nagsarado ng pintuan. Bahagya niya pang tinapik ang bubong ng kotse bago umabante. Sabay-sabay namang bumisina ang mga ito sa kanya at hindi narin nagtagal pa doon.

Nang tuluyan ng mawala sa kanyang paningin ang mga ito ay pumasok narin siya sa loob ng kanilang pamamahay. Tahimik na ang buong kabahayan at bahagya pang nagkalat ang ibang regalo na para sa kambal. Nagpapahinga narin ang magulang nito at tanging siya na lamang ang gising. Mabilis niyang hinahanap ang paper bag kung nasaan nakalagay ang regalo sa kanya ni Quincy. Nakapangiti siya ng makita iyon. Mabilis niyang kinuha ang paper bag saka nagtatakabo papunta sa kwarto nilang dalawa.

Dahil natutulog na ang kakambal dahil sa sobrang kalasingan, maingat niyang isinara ang pintuan at maingat rin sumampa sa kanyang kama. Binuksan niya pa ang lampshade na nakapasok sa kanyang side table at binuksan na ang paper bag na iyon. Nakita niya ang dalawang box at kinuha ang box kung saan nakapangalan sa kanya.

Nang maibaba niya iyon sa kanyang kama, ipinatong ni Calvin ang paper bag sa side table ng kambal bago muling pumunta sa sariling higaan. Binuksan niya iyon at hindi niya maiwasang matuwa ng mapagtantong explosion box iyon. Isa-isa niyang binasa ang mga letter doon ni Quincy hanggang sa makarating siya sa pinakamaliit na box kung nasaan ang necklace na ginawa ng dalaga para sa kanila.

"Hope you like it Calvin. Happy birthday again." basa niya sa nakasulat doon.

Excited niyang binuksan iyon at natigilan niya ng makita ang laman nito. Dahan-dahan niyang kinuha ang nakaayos na kwintas at tiningnan ang pendant nito kung saan nakalagay ang unang initial ng kanyang pangalan.

"It's so beautiful."

Nagtatakbo siya sa malaking salamin at dahan-dahan iyong isinuot. Natuwa pa siya lalo ng bumabagay iyon sa kanya.

Bumagsak ang katawan ni Cameron sa malambot na kama. Kakarating lamang nilang dalawa ng pinsan at nagdiretso na agad siya sa sariling kwarto. Nakatingin lamang siya sa kisame at pinipilit na matanggal sa kanyang isip ang nangyari sa pagitan nila ni Quincy. Ramdam na ramdam niya parin ang labi ng dalaga at hindi niya maiwasang mapapikit sa halo-halong emosyong nararamdaman.

"Dekdek." napatingin siya sa pintuan ng dahan-dahang magbukas iyon.

Pumasok ang kanyang kapatid kasunod ang kanilang pinsan. Sabay na humiga ito sa kanya at yumakap. Humalik pa si Atticus sa noo ng kapatid bago pinag-aralan ang mukha nito.

"Kamusta ang party?"

"Nothing changed kuya."

"Malungkot si Cameron dahil walang nakama'ng babae." nakangising ani JP at bahagya niya naman itong siniko.

"Kinulang ka pa ba kagabi?"

"Bitin." nakangising sagot ni Cameron sa kanyang kapatid.

"Kapal ng mukha mo. Nakita ko nga katas mo, sobrang dami tapos bitin ka pa."

"Ano bang pakialam mo Javion kung bitin nga ako? Palibhasa wala kang naikama." nang-aasar tiningnan nito ang pinsan at bahagya pang dumila.

"Xavia is going home." wika ni Atticus dahilan para mapatingin ang dalawa sa kanya.

"Talaga? Kailan? Alam niya bang matagal ka ng nakauwi ng Pilipinas?" tanong ni Cameron.

"Ofcourse she knows it."

"Oh bakit nga uuwi?"

"Tsk. You forgot about the ball Dekdek."

"Potangina. Dalawang beses ko ng narinig ang pangalan na yan at dalawang beses narin akong nagtitimping saktan ka Kuya."

"What's wrong? Ang liit-liit na bagay, parang ang laki-laki ng epekto sayo. Hanggang ngayon isip bata ka parin." taas-kilay na tugon ni Atticus at hindi naman maiwasang ngumuso ng kapatid sa kanya.

"Cameron nga kasi."

"Dekdek."

"Kung magpapatayan kayo, sabihin niyo na sakin para naman maihanda ko baril niyo." ngiting-ngiti sabi ni Javion.

Tumingin sila rito at sabay na itinaas ang gitnang daliri.

"Kuya." biglang tawag ni Cameron.

Dahan-dahan siyang lumingon sa kapatid at pinag-aralan ang mukha nito. Nakikita niya sa mukha ng kapatid ang pagdadalawang-isip kaya hindi niya maiwasang ngumisi rito.

"Say what you wanted to say earlier."

"Javion lumabas ka nga muna. Usapang magkapatid to." masungit na pagpapaalis ni Cameron sa pinsan at tinaasan naman siya ng kilay nito.

"At bakit? Sobrang personal na ba niyan at kailangan ko pang umalis?" mas masungit na tanong ni JP. Pinagkrus niya pa ang mga braso.

"Hindi naman pero madaldal ka kaya sigurado akong makakarating tong sasabihin ko kina Calvin!"

"What is it?" tanong ni Atticus.

"Palabasin mo muna si Javion."

"Ayoko."

"Kuya." nagmamakaawa itong tumingin sa kanya.

Unti-unti namang naningkit ang mata ni Atticus dahilan para mas lalong ngumusong parang bata si Cameron.

"What is that? You look like a fool Cameron Declan Nile."

Bumuntong-hininga na lamang si Cameron. Sinamaan niya ng tingin si Javion biglang pagbabanta. Tumingin sa kapatid at nagsalita.

"I accidentally ki-ssed Quincy."

"What?" kunot-noong tanong ni Atticus.

"Gago! Ano Cameron? Pakiulit." gulat na gulat na pag-uulit pa ni Javion dahil para siyang nabingi sa sinabi nito.

"Potangina mo sabi ko!"

"Why did you do that? Damn! What if someone saw you? Panibagong issue na naman." napahawak sa sintido si Atticus ng maramdaman ang pananakit noon dahil sa sinabi ni Cameron.

"Accidentally kissed nga! Ibig-sabihin hindi ko sinasadya!" sigaw niya.

"Paanong nahalikan mo yun? Hindi nga sila mapaghiwalay ni Calvin. Paano Cameron?"

"She was going to the comfort room and then I was also going there and then I saw her walking and namali ata yung pagtapak niya kaya na out of balance siya."

"Tapos sinalo mo tapos bigla nalang kayong naghalikan. Ulol! Walang ganon Cameron. Kilala kita!"

"Tingin mo sakin Javion may pagnanasa sa babaeng yun? Mas ulol ka! Hindi ko naman aakalaing mapapasobra yung lapit ng mukha ko sa kanya dahil hindi siya magaan." pagpapaliwanag pa nito pero hindi kumbinsido ang binata sa kanyang sinabi.

Nanliliit parin ang tingin ni Atticus at pinag-aaralan ang kapatid kung nagsasabi na talaga ito ng katotohanan. Alam na alam na niya kapag nagsasabi o nagsisinguling si Cameron.

"Kapag may narinig akong kumakalat na balita tungkol doon, wag ka ng magpapakita sakin." pagbabanta ni Atticus.

Mas lalo pang ngumuso si Cameron at mabilis na pumatong sa kapatid at nagiyak-iyakan pa para lamang nagpaawa.

"Hindi ko sabi sinasadya. Magalit ka kung ginusto ko yun eh hindi naman eh." nagmamaktol pang anas nito pero hindi siya pinakinggan ng nakakatandang kapatid.

"Malambot ba labi Cameron?"

"What the fudge is that Javion Pierce?" nakaawang ang labing tanong ni Cameron.

"Imposibleng hindi mo nalaman kung malambot ba ang labi non kung talagang nahalikan mo. Saka bakit ka ba nagagalit nagtatanong lang naman ako." nakangising nagtataas-baba ang kilay ni Javion at mas nainis ang binata sa ginagawa nito.

Hindi niya maiwasang balikan ang pagkakataon na iyon na maramdaman niya ang labi ni Quincy. Alam na alam niya kung gaano iyon kalambot at malayong-malayo sa mga babaeng nahalikan niya kasama na doon si Eliana.

"Ano?"

"Ma-lay ko! Segundo lang yun!"

"Bakit parang nasa tono ng pananalita mo ang pagkabitin? Bakit hindi mo na sinulit? Mukhang ikaw pa naman ang first kiss non."

Hindi na nagsalita pa si Cameron dahil sa huling sinamabit ni Javion. Hindi niya alam kung anong magiging reaksyon niya kung siya nga ang first kiss ng dalaga.

Nakatingin lamang si Quincy sa puting kisame. Tulog na si Princess, gusto niya mang magpahinga ay hindi niya magawa dahil bumabalik sa kanyang isipan ang nangyari sa pagitan nilang dalawa ni Cameron. Humawak siya sa kanyang labi at hindi niya maiwasang mainis dahil si Cameron ang unang lalaking humalik sa kanya.

"Argh!" nagpapadyak siya sa sobrang inis sa binata.

Ilang segundo silang nasa ganoong posisyon bago pa lumayo sa kanya si Cameron. Laking pasasalamat niya dahil tanging silang dalawa lamang ang nandodoon dahil kung may nakakita sa kanila ay siya na mismo ang maglilibing sa kanya sa lupa.

Anong oras na at gusto niyang magpahinga. Bumangon siya sa pagkakahiga sa tabi ng kaibigan at hinahanap ang Teddy bear na ibinigay ni Calvin sa kanya. Kinuha niya iyon at muling humiga. Nilagay niya pa iyon sa pagitan nilang dalawa bago niyakap. Kahit hindi maalis sa isip niya ang nangyari, pinilit niyang matulog.

Kinabukasan, nag-almusal lamang ang dalaga at napagdesisyunan ng umuwi. Nahihiya narin siya sa kaibigan na manatili pa doon ng matagal. Hindi rin ganoong nakapagpahinga kaya mas gusto na niyang umuwi. Tumigil ang kotse sa harapan ng apartment. Hindi na niya hinintay pang bumaba ang driver ng kaibigan dahil nauna na siyang bumaba rito.

"Maraming salamat sa paghatid. Thank you din sa pagpapatira at paghihiram ng damit. Kita nalang tayo bukas." pamamaalam nito sa kaibigan.

"Ano ka ba? Wala yun. See you tomorrow bestie."

"Hmm magiingat kayo."

Kumaway na lamang ang kaibigan at pinagmamasdan niya na lamang ito hanggang sa makalayo. Kinuha niya ang kanyang gamit at pumasok narin sa kanilang apartment. Nagmamadali na siyang pumasok ng kanyang kwarto dahil gusto niyang matulog. Inilapag niya ang bag sa kanyang lamesa at nagtatakbo papunta sa kanyang kama. Ibinagsak niya ang sariling katawan sa higaan at dahan-dahang ipinikit ang mga mata hanggang sa makatulog.

"Bakit ang tagal ni Harley Quinn?" kunot-noong tanong ni Kyle habang tinitingnan ang upuan ng dalaga.

"Bakit hinihintay mo?" nakangising tanong ni Calvin sa kakambal.

"Wala naman. Gusto kung mag thank you sa kanya. Ang sweet ng mga message niya tapos ang ganda pa ng kwintas na suot-suot natin. Sobrang effort niya masyado, baka ma-inlove ako." tawang-tawa sagot nito habang hawak-hawak ang suot na kwintas na binigay ng dalaga sa kanila.

Ngumisi na lamang si Calvin at hinawakan din ang kanyang kwintas. Sinuot na niya iyon at hinding-hindi na niya aalisin sa katawan niya. Gusto niyang makita ng dalaga na suot-suot niya iyon lalo na't araw-araw silang nagkikita.

Napatingin ang dalawa sa pintuan ng bumukas iyon. Sabay pa silang napangiti ng pumasok si Quincy. Ngumiti rin sila rito bago nagsimulang maglakad papalapit sa kanila.

"Good morning." nakangiting bati niya bago matigil ang paningin sa parehong leeg ng dalawa.

"Good morninggggggg Harley Quinnnnnnn! Thank you sa gift mo. Masyado mo naman kaming pinag-effort-an ni kambal."

"Wala iyon. Special day niyo yun kaya kailangan special rin ang ibigay sa inyo." wika niya bago tiningnan si Calvin.

Umupo sa kanyang table at tiningnan si Mariyah. Hindi niya ito nakakita sa party nina Calvin kaya hindi niya maiwasang magtanong.

"Hoy. Bakit wala ka sa party kagabi?"

"Hay nako Quin. Hindi ako pinayagan ng boyfriend ko. Niyaya kung sumama dahil ok lang naman kina Calvin pero masyadong pabebe ang lolo mo. Mag-rest nalang daw kami."

"Iba talaga kapag may boyfriend." natatawang ani Quincy rito.

"Sinabi mo pa."

"We have to go to the auditorium at nine am."

Napatingin siya kay Calvin ng magsalita ito.

"Paraan saan?" nagtatakang tanong niya.

Hindi niya tiningnan ang bulletin board kaya hindi niya alam kung anong meron para sa araw na iyon.

"Law students have a debate. We are required to go there."

"Okay." nakangiting sagot niya bago magbaba muli ng tingin sa leeg ng binata. "Hindi ko inaasahan makikita ko yang susuotin niyo."

"Ofcourse. Masyadong maganda ang bagay na to kaya dapat makita ng mga tao. Thank you for this Quin."

"Wala yun. Ako pa nga dapat ang mag-thank sayo dahil sa ginawa mo."

"Wag mo ng isipin yun." ginulo ni Calvin ang buhok ni Quincy bago ngumiti rito.

Humihikab pa habang naglalakad ang magpinsan papunta ng kanilang building. Antok na antok pa ang mga ito dahil anong oras narin sila nakauwi galing sa bar. Naparami din ang inom nila kaya may hangover pa si Javion. Walang gana namang nakatingin sa malayo si Cameron at hindi pa man nag-uumpisa ang klase ay uwing-uwi na siya.

Nakita nila sina Dranreb na hinihintay sila sa hagdanan. Nakaupo ang mga ito sa bawat baitang noon at nakatingin sa kanila. Pagdating ng dalawa sa harapan ng mga kaibigan, tumayo sina Dranreb at tinapatan si Javion. Nagkatinginan ang mga ito sabay...

"SAMALAMIG SAMALAMIG!" biglang kanta ng mga ito habang parang lasing na sumayaw.

Napapanga na lamang si Cameron at hindi makapaniwalang tumingin sa kanyang mga kaibigan. Napatingin pa siya sa paligid at maraming napatingin kina Javion. Umiling-iling na lamang ang binata bago nag-lakad paakyat.

"Mga baliw."

Narinig niya pa ang tawanan ng mga kaibigan bago marinig ang yabag ng mga sapatos nitong tumatakbo papalapit sa kanya.

"Watshawt dabarkads. Pogi na ENGR ay nandidito na." proud na proud na sigaw ni Javion.

"Magbigay pugay!" sakay ni Brix sa kaibigan.

Nagtawanan naman ang mga kaklase niyo at pinagbabati ang walo. Mabilis na umupo si Cameron sa kanyang upuan at hindi na pinagpapansin sina Dranreb.

Dahil wala pa ang kanilang professor, ito na ang pagkakataon para mag-ingay sila sa buong classroom. Mabilis na kinuha ni JP ang mga school organ nasa ilalim ng table nila at pinagbibigay sa kaibigan. Nirolyo pa nila iyon at nagsimula maghabulan. Wala na lamang nagawa si Cameron kundi pagmasdan na lamang sina Javion na pasimuno sa kalokohan.

"Ki-aga-aga mga nakatira ng katol." naiinis na bulong ni Cameron saka tumingin sa labas ng bintana.

"Cameron salo!" sigaw ni JP ng bigla niyang itapon ang school organ sa binata.

Halos mapapikit siya ng saktong tumama ang diyaryo na iyon sa kanyang mukha. Unti-unting nawala ang ngiti ni JP at bahagyang napaatras.

"Yari ka pre. Tumakbo ka na." ani Dwight.

"Lagot ka Javion." si Dranreb.

"Bibitayin ka na ngayon." pananakot naman ni Race.

Nanlilisik ang mata ni Cameron ng tumingin sa kanyang pinsan. Mabilis siyang tumayo at pinulot ang diyaryong nahulog sa sahig.

"Joke lang yun Cameron."

"Joke?" nanggagalaiting tanong ni Cameron saka siya nagsimulang maglakad papalapit dito.

"O-o. Wag ka n-g magalit. Si-ge kapag sinaktan mo ak-o may ibu-bunyag ako rito." pananakot niya habang paatras ng paatras ang paglalakad.

Wala namang pakialam si Cameron at mas binilisan pa ang paglalakad papalapit kay JP.

"Cameron!" sigaw nito saka nagtatakbo paikot ng kanilang classroom.

Senenyasan ni Cameron ang mga kaibigan at mabilis naman siya nitong tinanguan. Nagtatakbo sila para habulin ang binata.

"Madaya kayo! Bakit niyo ako pinagkakaisahan?" waring natatakot na sigaw ni Javion ng ma-corner na siya ng mga kaibigan.

Akmang lalapit si Cameron ngunit pumasok na ang kanilang professor. Nakahinga ng maluwag si JP at nang-aasar pang tiningnan ang mga kaibigan.

"Good morning Sir. Tamang-tama ang dating niyo. Muntik ko ng makita ang impyerno." tawang-tawa bungad nito habang kumakaway pa.

"We are not done yet." nagbabantang bulong ni Cameron bago naupo sa kanyang kinauupuan.

Dumila na lamang si JP sa pinsan.

Nang tumunog ang bell, nauna ng lumabas sina Quincy. Alas nueve na ng umaga at kailangan na nilang pumunta sa auditorium. Sabay-sabay sila nina Mariyah na nagtungo doon at agad-agad namang hinahanap ng dalaga ang kaibigan niyang si Princess. Nakapila ang lahat habang unti-unting pumapasok ang mga istudyante.

"Bestie!" sigaw ng dalaga ng makita na ang kaibigan.

Nagtatakbo ito papalapit sa kanya saka yumakap. Bumati rin ito sa tatlo bago tumabi kay Quincy.

"Pareng Calvin at Kyle."

Lumingon ang kambal sa kanilang likuran ng marinig ang tawag ni Jethro. Naglalakad ang mga ito papalapit sa kanila. Agad namang nagtama ang paningin nina Cameron at Quincy kaya hindi niya maiwasang mailang rito.

Bumalik na naman sa isip niya ang nangyari doon sa party ng kambal.

Iniwas niya ang tingin rito at kumilos na lamang na parang walang Cameron malapit sa kanya. Pumasok na sila at nagdire-diretso sa itaas dahil doon na lamang ang bakanteng upuan. Inaalalayan ni Calvin ang dalawa hanggang sa makaupo iyo. Napabuntung-hininga na lamang si Quincy ng mapagtanto niyang nasa kanang bahagi niya para si Cameron. Muli siyang pinaggitnaan ng dalawa.

"Saan ka uupo?" tanong ni Zanjoe kay Eliana ng makapasok sila sa lugar.

"Doon nalang ako sa taas."

"Masyadong malayo, baka mahirapan ka." nag-aalalang ani binata.

"I'm okay Joe. I'm just going to Cameron."

Hindi na hinintay pa ng dalaga na sumagot ito dahil dali-dali na siyang umakyat. Inikot niya ang kanyang paningin doon at dahan-dahang tumigil iyon sa binata. Kumuyom ang kanyang kamay ng makita kung sinong katabi nito. Binilisan niya ang pagtaas hanggang sa makarating siya pwesto ni Cameron.

"Cameron." mahinang tawag niya at dahan-dahang lumingon ang magkakaibigan sa kanya.

Senenyasan ni Cameron ang pinsan na lumipat sa bakanteng upuan para makaupo ang dalaga sa kanyang tabi. Ngumiti pa si Eliana sa binata bago naupo sa tabi nito. Bahagya naman niyang tiningnan si Quincy na nasa stage ang tingin.

"Hindi ka na dapat umakyat dito. Baka kung mapaano ang bata." seryosong bulong ni Cameron at napalingon naman siya rito.

"Okay lang. Hindi naman ganon kataas ang pwesto niyo at gusto rin kitang makasama kahit ilang minuto lang." pahina ng pahingang sagot ni Eliana.

Tumango-tango na lamang ito saka iniwas ang tingin sa kanya.

"Nandiyan ka pala Eliana. Kamusta ang imong child?" biglang tanong ni Kyle kaya nilingon naman niya ito.

Peke siyang ngumiti bago magbaba ng tingin sa kanyang tiyan.

"He's okay. Medyo malikot lang tuwing gabi. Masyado siyang excited lumabas sa mommy niya."

Tumungo si Quincy ng marinig ang boses ng dalaga. Pumasok sa isip niya na mas lalo magagalit itong magagalit sa kanya kung malalaman nito na nahalikan siya ni Cameron. Bahagyang humigpit ang pagkakahawak niya

You are reading the story above: TeenFic.Net