CHAPTER EIGHTY TWO

Background color
Font
Font size
Line height

The private jet slowly landed on the ground. Victor went out there with his father and even Frederick and Thomas. Alejandro was in front of them, looking seriously at what they were going through.

They are already here in the Philippines.

The car door opened and they quickly entered there.

"What's your plan?" tanong ni Frederick kay Laurier.

"We had better rest first. We cannot think clearly if we are equally tired." seryosong tugon nito.

Tumango naman ang matanda at pinagmasdan ang kanilang dinadaanan. They returned to the Philippines for a little surprise to Atticus and Cameron.

"I think this is the last time we will go to the Philippines." anas naman ni Victor.

"Why?" tanong sa kanya ni Thomas.

"Because we won't go home to Spain until I see the body of those brothers." seryosong aniya.

"That is the reason why we are here." si Frederick.

Tumango-tango ang binata at hindi na nagsalita. Wala siyang nararamdaman kundi Galit magmula ng dalhin sa kanila ang bangkay nina Roa at Vincent. Walang ibang laman ang kanyang isip kundi ang maghinganti kina Atticus.

Napabuntong-hininga na lamang ang binata bago niya ipikit ang mga mata. Napapakunot pa ang noo nito sa tuwing makikita niya ang mukha ni Cameron.

"Be prepared for what you have done." bulong nito sa sarili.

"Quincy!" masayang sigaw ni Fayette ng makita ang dalawa.

"By the way, you have come home. Welcome back to Philippines." natutuwang tugon ng dalaga bago yakapin ang dalawa.

"You're getting married tomorrow, of course we have to go home." wika ni Avryll bago lingunin si Nathaniel na nakatingin sa kanila.

"Who is this child?"

Ngumiti ng pagkalaki-laki ang dalaga at kaagad na binuhat ang bata.

"Our son. He's Nathaniel, he's the one I'm telling you about, the boy we're helping."

"Oh my god! No one told us that you actually adopted that child." gulat na gulat na agad ni Fayette.

Tumawa naman si Quincy saka humarap sa bata.

"Kaya mo ba silang kausapin?"

Tumango-tango ang bata at ngumiti sa kanila.

"Hi Ate Fayette, Ate Avryll. I'm Nathaniel Quinlan Cain Safstrom. Nice to meet you po." magalang na wika nito dahilan para mapangiti lalo si Quincy.

"Nice to meet you too, handsome." tugon ni Avryll at pinisil-pisil pa ang pisngi ng bata.

"I didn't know you could speak English." natutuwang bulong ni Quincy sa anak.

"Pinag-aaralan ko pong magsalita ng English, Mommy Quincy." bulong ring sagot nito.

Muling tumawa ang dalaga at muling nilingon ang dalawa.

"You have eaten. My parents are coming too." pagyayaya pa nito kina Fayette at Avryll.

"Where are the boys?" tanong ni Fayette ng walang makitang lalaki sa mansion.

"They are all together. Boy's hangout, I think." sagot ni Quincy matapos maupo.

Bumuntong-hininga si Fayette bago muling magsalita. Nahihiya man siyang magtanong pero gusto niyang malaman.

"Are they with Calvin?"

Nilingon siya ng dalaga dahilan para kaagad siyang mapatungo.

"He was there. I just talked to him earlier. Why? Do you miss it?"

"OF COURSE N-OT!"

Parehas na napalingon sina Quincy at Avryll sa biglang pagsigaw ng dalaga.

"I mean, I miss him but I don't miss him."

"Really Fayette? Oh come on, here we go again. Remember that we did not go home to the Philippines just to find Calvin. We came home here because of Cameron and Quincy's wedding." umiikot ang matang anas ni Avryll bago magbaba ng paningin sa pagkain.

"What's wrong with my question? I just ask where he is because I want to know. That's it." masungit na tugon pa ng dalaga.

"You might even fight. You can call him if you want. He looks free today." singit ni Quincy habang inaasikaso ang anak.

Masamang tingin na lamang ang pinukol nila sa isat-isa bago mag-iwas ng tingin.

"After you eat, take a bath because Kuya Enrique will pick you up."

"Bakit po Mommy Quincy?"

"Hindi ba't gusto mong sumama kay Daddy Cameron?"

"Opo."

"Kaya maligo ka pagkatapos mong kumain. Mag bo-bonding kayong dalawa ni Daddy Cameron kasama ang mga kaibigan niya."

Parang nagningning ang mata ng bata dahil sa narinig nito. Kaagad siyang tumango at mabilis na kumain.

"Where is Princess? Isn't she going to be here yet?" tanong ni Avryll.

"He said he was just going to finish something and he was going to come here. By the way, my childhood best friends will come. I'm sure you'll be glad to be with them."

"Really? I am excited to see them." si Fayette.

Tumango-tango si Quincy at pinagmasdan na lamang kumain ang mga ito.

Pagkatapos noon, mabilis na umakyat ang dalaga kasama ang anak para liguan at bihisan ito. Pinaupo niya si Nathaniel sa gilid ng kama at kaagad siyang nagtungo sa walk-in closet para kumuha ng damit ng bata. Nakangiti siyang bumalik sa kwarto dala-dala ang cute na cute na damit.

"Hindi ka po ba sasama sakin?"

"Hindi, maraming asikasuhin si Mommy Quincy. Darating ang mama ni Mommy at mga anak niya. Kapag nakita mo si Isiah, sigurado akong magkakasundo kayo."

"Sino po si Isiah."

"Kapatid ko siya, Nathaniel."

"Talaga po?"

"Oo at magkasingtanda lamang kayong dalawa."

"Gusto ko na po siyang makita."

"Darating na sila."

Pagkatapos magbihis ng bata, bumaba na muli ang dalawa. Pagbaba nila doon ay nasa sala na sina Theresa na noon ay kakarating lamang.

"Nandidito na po pala kayo, kamusta ang biyahe?" masayang tanong ng dalaga matapos yakapin ang Ina.

"Maigi naman." nakangiting tugon nito bago magbaba ng tingin kay Nathaniel na bahagyang nakatago sa likod ng anak.

"Ma, may gusto akong ipakilala sa inyo." masayang wika ni Quincy at mabilis na nilingon si Quincy.

Tinanguan niya ang bata dahilan para dahan-dahang itong umalis sa kanyang likuran at humarap sa kanyang magulang.

"Si Nathaniel po. Anak namin ni Cameron. Siya po yung sinasabi ko sa inyong nakilala ko malapit sa pinagtra-trabahuan ko dati."

"Hello po."

"Kay gwapong bata mo naman ijo. Anong pangalan mo?"

"A-ko po si Nathaniel." nahihiya pang sagot nito habang nakatingin kay Isiah.

"Kinagagalak kung makilala ka, Apo. Ito nga pala si Isiah at Arya. Mga kapatid siya ng Mommy mo."

"Ibigsabihin, Tito ko po siya?" turo pa nito kay Isiah.

Nagtitigan ang dalawa na para bang inaalam nila ang isat-isa. Dahan-dahang umangat ang kamay ni Nathaniel para hagod-hagurin ang buhok ni Isiah.

"Ako nga pala si Nathaniel, anong pangalan mo?" inosenteng tanong ng bata.

"Ako si Isiah."

"Marami akong toys, gusto mo bang mag play?" pagyayaya ni Nathaniel dahilan para magning-ning ang mata ni Isiah.

"Halika." hinawakan ni Nathaniel ang kamay nito at nagtatakbo papalapit sa kanyang mga laruan.

"Nasaan nga pala ang ama mo?"

"Nasa kabilang mansion po. Nandodoon sina Cameron. Pupunta rito  si Alfred para sunduin sina Nathaniel." tugon nito. "Nasaan nga po pala sina Agnes? Bakit wala pa po sila?"

"Sabay-sabay kaming umalis pero ang sabi ay may pupuntahan lang daw sila."

Tumango naman ang dalaga at muling nilingon sina Nathaniel at Isiah na masayang naglalaro.

Lumipas ang ilang minuto at tuluyan nang dumating sina Agnes kasama si Xavia. Mabilis na tumayo ang tatlo para salubungin ang mga ito.

"Quin!" sigaw nina Agnes at masayang nagtatakbo papunta sa kaibigan.

"Oh my god! Ito na ba ang bahay niyo ni Cameron? Sobrang laki at sobrang ganda." namamanghang wika ni Aliza.

"Bakit hindi mo sinama ang anak mo?" tanong nito kay Aliza.

"Naku, hindi ko na sinama at alam mo na namamahay ang batang yun at mas gusto pang kasama ang lolo't Lola."

"Hi my name is Fayette, nice to meet you guys." nakangiting bungad ni Fayette sa mga ito.

"Agnes."

"Aliza."

"Wakim."

"Sander."

"I'm Avryll, nice meeting you."

"Nandidito na si Alfred para sunduin sina Nathaniel." nakangiting wika naman ni Xavia at tumango sa kanya ang dalaga.

Lumapit si Quincy kay Nathaniel at pinalapit sa mga kaibigan para ipakilala. Magiliw muli itong nagpakilala kina Agnes.

"Ang gwapo namang bata nito. Kamukha ni Cameron." natutuwang anas ni Sander bago guluhin ang buhok ng bata.

"Isasama ko na muna si Arya para naman hindi ka na mahirapan." wika ni Dante matapos Kunin ang anak mula sa Asawa.

"Sigurado ka ba? Baka mag-iyak lamang si Arya doon."

"Kasama ko naman sina Isiah. Hindi mo na kailangan mamoblema, Oras niyo naman ni Quincy ito." dagdag pa nito bago Kunin ang gamit ng anak.

"Sumama na kayo kay Kuya Alfred." ani Quincy sa mga bata.

"Hindi ka sasama Ate Quincy?" nakatingalang tanong ni Isiah.

"Hindi. Dito lang kami. Nandoon naman sina Kuya Cameron. Hindi nila kayo pababayaan."

Tumango ang dalawang bata at mabilis na lumapit kay Alfred dala-dala ang mga laruan ni Nathaniel.

"Magiingat kayo." aniya.

Pinagmasdan na lamang ng mga ito ang pag-andar ng sasakyan papalayo sa mansion.

"Paano? Asikasuhin na natin ang bridal shower mo?" excited na tanong ni Xavia.

"Hmm, hihintayin ko lang si Princess."

"Speaking of Princess."

Tumingin si Quincy sa pintuan ng bumukas iyon at pumasok si Princess at nasa likuran naman nito sina Ruby at Angeline.

"We're here. Sorry, medyo na-late. Ang hirap maging flight attendant." tumatawang sabi nito matapos yakapin ang kaibigan.

"Tsk."

"Hi Quincy, Hi girls." bati ni Ruby at Angeline sa mga ito.

"Nasaan sina Andrei at Lorenz?"

"Nagdiretso sa mansion ni Sir Atticus." sagot ni Ruby bago lingunin sina Xavia at ngumiti sa mga ito.

"So paano? Magsimula na tayo sa pagpre-prepare ng bridal shower mo? Excited na ako para sayo, Bestie." waring nagiging emosyonal pang anas nito habang nakayakap sa leeg ng kaibigan.

"Tsk, hindi pa oras para umiyak ngayon."

"Sige later nalang." tumatawa pang anas nito at napangisi naman ang dalaga.

Nakatingin lamang si Cameron sa langit at pinagmamasdan ang dahan-dahang paggalaw ng ulap. Halo-halo ang nararamdaman niya sa mga na iyon.

Wala na silang balita tungkol kina Laurier magmula ng mamatay si Roa na kinakabahala niya. Natatakot siyang baka may mangyari sa araw ng kanilang kasal ni Quincy.

"Hoy!" tawag ni Javion.

Nagtatakbo ang binata papalapit sa pinsan at inakbayan ito.

"Excited ka na ba sa kasal mo bukas?" nakangiti pang tanong nito.

"Natatakot ako."

"Saan naman?" kunot-noong tanong ni Javion.

Sinisipat-sipat pa nito ang mukha ni Cameron habang hawak-hawak ang baba.

"Natatakot akong baka mangyaring hindi maganda sa araw ng kasal namin ni Quincy. Ilang araw wala tayong balita kung nasaan si Laurier."

Umiiling-iling si Javion at tinapik-tapik ang balikat ni Cameron.

"Pwede ba? Ket isang araw lang, Insan. Alisin mo muna ang bagay na yan sa isip mo. Bukas ang kasal mo at hahayaan mo bang ma-stress ang sarili mo dahil lang sa kanila. Umayos ka nga."

Bumuntong-hininga ang binata, napatingin na lamang siya sa mga ibon na malayang lumalipad.

"Nandidito na ang anak mo."

Mabilis na napalingon si Cameron sa kanyang likuran ng marinig ang sinabi ni Dwight. Sumilay sa kanyang labi ang matamis na ngiti nang makita niyang nagtatakbo si Nathaniel papalapit sa kanya.

"Daddy Cameron." masayang pagtawag nito.

Umupo si Cameron para salubungin ng mahigpit na yakap ang bata.

"How are you, little Safstrom?" malambing na tanong niya rito matapos buhatin.

"Okay lang naman po. Kasama ko po sina Tito Isiah."

"Tito Isiah?" nakangiwing tanong ni Javion at kaagad na tiningnan ang bata na nakahawak sa polo ng ama. "Ang weird pakinggan." dagdag pa nito bago tumawa.

"Kamusta?" bati naman ni Efren kay Dante.

"Walang pinagbago, gano'n at gano'n parin." tugon naman nito.

Naglakad si Cameron patungo sa bench habang buhat-buhat parin si Nathaniel. Umupo siya doon at pinaupo naman sa kanyang hita ang anak.

"What is Mommy Quincy doing?"

"Kausap po yung mga kaibigan niya. Hindi ko po alam kung bakit ayaw niyang sumama rito."

Bahagyang ngumiti ang binata at inaayos ang makapal na buhok ni Nathaniel.

"That's really when a woman gets married. The man will first allow the woman to be with his female friends before the wedding."

"Ganon po ba yun?" inosenteng tanong ng bata at tumango-tango naman si Cameron.

"Tito Isiah!" masayang tawag ni Nathaniel nang si Isiah na nagtatakbo papalapit sa tayo nila.

Inalalayan ni Cameron ang bata na maupo ito sa kanyang tabi.

"Okay lang ba sayo na tinatawag mo siyang Tito Isiah kahit na magka-edad lang kayong dalawa?"

"I think there is no age in respecting a person. We are both the same age but he is Mommy Quincy’s brother and out of respect for him, I call him Tito."

Bahagyang natigilan si Cameron at hindi makapaniwalang tiningnan si Nathaniel. Hindi niya inaasahan na iyon ang magiging sagot ng bata sa kanya.

"God damn!" natatawa na lamang anas ni Cameron habang nakatingin sa anak. "Anak nga kita."

Napalingon si Calvin sa tayo ni Cameron. Panay ang tawa nito habang nakikipag-usap sa dalawang bata. Sinulyapan niya ang mga kaibigan na masayang nagkwe-kwentuhan bago mapagdesisyunan na lapitan ang kaibigan.

"Hi kiddo." bati nito dahilan para mapalingon sa kanya ang dalawa.

Sinulyapan naman siya ni Cameron bago ituon ang tingin sa kanyang anak.

"Hi Kuya Calvin." sabay na bati ng dalawa sa kanya.

Sumandal ang binata sa bench na inuupuan at pinaupo sa kanyang hita si Isiah.

"Masaya ba ang maging bata?"

"Anong klaseng tanong naman yan, Calvin Amedeus?" nakangiwing tanong ni Cameron sa kanya.

"I want to know."

"Ano namang alam nila sa pagiging bata? Wala naman ibang laman ang isip nila kundi maglaro."

"Hindi mo sigurado." nakangising anas nito bago ipukol ang tingin kay Nathaniel. "What do you want to do when you grow up?"

"I want to do a lot when I grow up. I want to graduate and fulfill my dream, Kuya Calvin."

"What dream?"

"I want to be an astronaut."

"Astronaut?" sabay na tanong nina Cameron at Calvin rito.

"Alam ko pong mababago pa yun pagdating ng araw pero sa tuwing nakikita ko ang kalangitan, pakiramdam ko po ay tinatawag nila ako." tugon nito habang nakatingala.

"Can you tell me what you know about the galaxy?" tanong ni Cameron.

Dahan-dahang tumango si Nathaniel bago magsimulang magsalita.

"Galaxies are enormous cosmic islands made up of stars, gas, dust, and dark matter that are kept together by gravity. Hubble's acute vision has uncovered precise features of galaxies' shapes, structures, and histories, whether they exist alone, in small groups, or within massive clusters. These discoveries allow astronomers to study the current features of galaxies as well as examine how they arose and developed over time, from supermassive black holes at galactic cores to gigantic spurts of star creation to titanic collisions between galaxies."

Napapanganga na lamang ang dalawa habang nakikinig sa sinasabi ni Nathaniel.

"I didn’t expect that would be your answer, Nathaniel. I can see your future." namamanghang anas ni Calvin matapos guluhin ang buhok nito.

"Base lang po yun sa nabasa ko."

"That's my boy."

"How about you, Isiah? What do you plan for your life when you grow up?"

"Gusto ko pong maging katulad ni Ate Quincy. Alam ko po kasing sa paraan na yun, matutulungan ko sina Mama at Papa pati narin ang pangangailan ni Arya."

"Family oriented." sabay pang sambit ng dalawa.

"I trust you two that you can do everything you dream of in life. Just study hard." nakangiting ani Cameron.

"Hoy! Kayong dalawa! Pumunta nga kayo rito!" sigaw ni Jethro dahilan para mapatingin ang apat sa kanila.

"Let's go?" pagyayaya ni Cameron sa mga bata.

Sabay na tumango ang mga ito at bumaba sa hita nilang dalawa at nagtatakbo papasok sa loob. Bumuntong-hininga na lamang si Cameron at Calvin saka pumasok.

"Ano namang pinag-uusapan niyo huh? Inuuto niyo ang mga bata ano?" anas ni Dranreb nang makalapit sa kanila ang dalawa.

"Kung may gumagawa man ng gano'n. Ikaw yun." sagot ni Cameron at mabilis na kinuha ang baso na naglalaman ng alak.

"Tsk."

"Congratulations to you, Dekdek." ani Atticus bago itaas ang hawak-hawak na bago. "Goodluck in married life and goodluck in your future family." dagdag pa nito.

"Thank you sa napaka-supportive kung kapatid. Mahal na mahal kita."

"Cheers!"

"Basta ipangako mo sa Amin, anak na wag na wag mong sasaktan ang Unica ija ko. Si Quincy nalang ang natira sakin kaya sobrang importante para sakin ang nararamdaman ng anak ko."

"Hindi po ako gagawa ng mga bagay na alam kung makakasakit sa kanya. Mahal ko po ang anak niyo, Tito Efren."

"Yan, mabuti na yung nagkakaintindihan tayo."

Sabay-sabay na tumawa ang mga ito at sabay-sabay na uminom ng alak.

"Wish ko lang sa inyo ni Quincy na maging masaya kayo sa tatahakin niyong daan teka wait, naiiyak ako." anas ni Javion at kunwaring pang pinupunasan ang kanyang mata. "Palagi mong tandaan Insan na nandidito lang ako para sayo argh wait, wisikan niyo yung mukha ko ng tubig para talagang umiiyak." dagdag pa nito at kumuha ng tubig.

"Hanggang ngayon gago ka parin ano?" tumatawang sambit ni Matthew habang winiwisikan ang mukha ng kaibigan.

"Ang pagiging gago ay dumadaloy sa ugat ko."

"Ang kayabangan ay minsan nang nakakamatay, Javion Pierce."

"Shut up, Atticus Malachi. Parehas lang naman kayo ng kapatid mong mukhang pusit."

"What did you say?"

"Aray!" malakas na sigaw nito matapos higitin pataas ni Atticus ang patilya nito.

"Pakiulit ng sinabi mo at parang nabinge ako." nakangisi pang wika ni Atticus.

"Nagbibiro lang naman ako Kuya Atticus. Bitawan mo na at masakit!" nagmamakaawa pang sigaw nito habang sinusunod ang ulo sa kung paano hilahin ni Atticus ang kanyang patilya.

"Parang ang sarap panuorin ni Javion na masaktan no?" si Brix.

"Parang deserve na deserve niya."

"Deserve niya talagang masaktan." pagsang-ayon pa ni Race kay Dranreb.

Nagtawanan na lamang ang mga ito at muling uminom ng alak.

"Congratulations on one of the most memorable days of your life! Best of luck for a happy and prosperous

You are reading the story above: TeenFic.Net