•CHAPTER EIGHTEEN•

Background color
Font
Font size
Line height

Hinawakan ni Calvin ang kamay ni Quincy at nagsimula silang pumasok. Muling kumabog ang dibdib ng dalaga habang nakatingin sa malawak na event hall. Tingin niya'y para talaga siyang nasa maka-lumang panahon dahil sa ayos ng lugar. Ultimong ang malaking chandelier ay makaluma ang desenyo na mas lalong kinaganda noon.

Tumigil sina Atticus sa banko kung saan nakaharap sa lahat ng tao. Tumigil naman sina Cameron sa gitna ng red carpet para makuhaan ng litrato ang dalawa. Malungkot na tiningnan iyon ni Zanjoe, ramdam na ramdam niya ang kirot sa kanyang puso habang nakatingin sa dalaga. Niyaya niya ito kanina pero tinanggihan lamang siya ng dalaga.

Wala namang pakialam na nakatingin sa malayo si Cameron. Nang matapos ang pagpi-picture sa kanila, mabilis niyang inihatid si Eliana sa table nito, walang imik-imik na iniwan at pumunta sa table nila. Sumunod naman sa kanya sina Javion na may kasa-kasamang babaeng napulot lang nila sa kung saan. Ngiting-ngiti ang mga kaibigan niyang lumipat sa table nila nina Cameron matapos ihatid ang mga babae.

"Ayos ba?" natatawang tanong ni Javion sa pinsan.

"Para ko kayong mga alalay." nang-aasar na sagot ni Cameron at sinamaan siya ng tingin ng mga ito.

"Sobrang sama mo porket ang ganda lang ng suot mo, kulang nalang kunin ka ni Kamatayan." balik asar ni Javion at ngumisi lamang siya.

The next spot is for Kyle and Princess. They smile as they walk the red carpet.

"We're next Quin." nakangiting anas ni Calvin habang nakatingin sa kanilang harapan.

Because he was holding her hand, he could feel Quincy's trembling with nervousness.

"Relax. Lalakad ka lang Quin. I'm here okay?" mahinang bulong niya sa dalaga.

"Kinakabahan ako Cal."

"That's okay."

Mas lalo pa siyang kinabahan ng umalis na doon ang dalawa. Mahigpit na hinawakan ni Calvin ang kanyang kamay bago magsimulang maglakad papasok doon. Sumunod naman si Quincy at hindi niya maiwasang mahiya ng makitang halos lahat ng taong nandodoon ay nasa kanya ang tingin. Mabilis iyang yumuko para hindi na iyon makita.

Cameron didn't take his eyes off Quincy. Every step she took he did not miss. Spontaneously his lips smiled ng magtama ang paningin nilang dalawa. Mabilis siyang yumuko at napailing na lamang sa inasal niya sa dalaga. Nakita iyon ni Eliana at hindi niya maiwasang titigan si Quincy. Naiyukom na lamang niya ang dalawang kamay bago iniwas ang tingin sa kanilang dalawa.

Nang tumama ang paningin ni Quincy kina Atticus at Xavia, hindi niya napigilang tumawa ng makita kung paano siya ngitian ng dalaga. Dahan-dahan silang yumuko ni Calvin na parang nagbibigay galang sa hari't reyna.

"Good job Quin." nakangiting bulong ni Calvin ng makaalis sila sa gitna.

Hinabol ng tingin ni Cameron ang dalawa habang sa makaupo ito ng table na katabi lang naman ng kanilang table. Nang makapasok na ang lahat, mabilis ng nagsalita ang dalawang emcee.

"Good evening, ladies and gentlemen! Welcome to the magical land of Kings and Queens, Princes and Princesses, Fairies, Knights, and the like. Where your dreams do come true and your thoughts come to life. Good evening, SEU's! You look so gorgeous in this time of the occasion." masiglang panimula ng lalaking emcee.

"Good evening, Jimuel! You look so stunning tonight. This must be another once-upon-a-time in the storybook of our dearest Alma Mater wherein we bring reality to our every dream." ani ng babaeng emcee.

Panay ang pagbuntong-hininga ni Quincy habang nakikinig sa mga ito. Ilang minuto na lamang ay magsasayaw na siya sa harapan ng buong campus. Pakiramdam niya'y hindi niya kakayanin makatagal sa ganoong sitwasyon, baka mahimatay siya sa sobrang kaba na nararamdaman. Tiningnan niya si Calvin at ang kaibigan na masaya namang nakikinig sa sinasabi ng dalaga.

"Let our fancies fill the magical wonders of our hearts! Freshmens, sophomore, Juniors and Seniors, welcome to the Kingdom Hall!"

Sabay-sabay na nagsigawan ang lahat ng istudyante dahilan para umingay ang buong event hall.

"And to formally commence this event, please rise and feel a few moments of solemnity for an invocation to be led by Atticus Malachi Safstrom."

"Marunong palang magdasal ang kapatid mo." bulong ni Javion at parihas naman silang natawa ni Cameron sa kanyang sinabi.

"Marunong pa naman."

Sabay-sabay na tumungo ang lahat para sa panalangin. Pumikit si Quincy at lahat na ata ng santong alam niya ay tinawag niya para gabayan siya nito mamaya sa kanilang intermission number.

Nang matapos ang binata sa panalangin. Sunod naman nito ang pagkanta nila ng national anthem.

"This occasion will not be complete without someone who welcomes the Guests and Attendees of such, to finally make a point, Ladies and Gentlemen, we now call in Mr. Dalbert Nachreiner, our school Dean, for his welcome address."

"Tatay ko yan!" proud na proud na sigaw ni Javion dahilan para mapatingin sa kanya ang lahat.

Nang mapansin niya ito, nahihiya siyang ngumiti at kumamot sa ulo.

"Sorry na nadala lang."

Nagtawanan ang lahat ng istudyante pati narin ang sarili niyang ama. Ngumuso pa ito bago naupo sa sariling bangko.

"Papansin ka ano?" nang-aasar na wika ni Cameron at mabilis naman siyang inambangan ng binata.

"Proud na proud pero si Dean mukhang hiyang-hiya na sayo Pre." batos pa ni Dranreb.

"Oo nga, hindi ko nga ata narinig kay Dean na tinawag kang anak."

"Pwakanangina mo Dwight. Wag mong sirain ang gabi ko. Binabalaan na kita pwakanangina ka."

Habang nagsasalita ang kanilang Dean, tahimik lamang sina Calvin at Quincy. Nakikinig sila sa sinasabi nito, kahit mukhang kalmado ang mukha niya panay naman tambol ng kanyang dibdib dahil sa kabang nararamdaman. Parang gusto niyang lumubog sa lupa at mawala kahit isang araw lamang ng buhay niya.

"Kinakabahan ka parin ba?" nakangiting bulong ni Calvin sa kanya.

"Me-dyo."

Tumawa na lamang si Calvin at bahagyang ginulo ang buhok nito. Hindi niya pwe-pwede sirain ang magandang pagkakaayos nito.

"Thank you, Dean for those heart-warming words of welcome which added balance to the lightness of the present atmosphere, as we enjoy the night here. By the way, SEU's, what do you think is the essence of this event?" masayang tanong ng emcee lalaki.

"Well... in my own angle of vision, every Ball signifies the celebration of awards and achievements of our senior students and these legacies should be handed over to the deserving and trustworthy inheritors.....who else? The junior students!"

Nagsigawan ang lahat ng juniors kaya muling umingay ang buong hall. Narindi naman doon si Quincy kaya bahagya niyang natakpan ang dalawang tenga.

"Exactly! Aside from that, all the scholastic emblems held by seniors for one school year should be bequeathed to their honorable recipients----those symbols of academic victories, co-curricular triumphs and team-building upheavals."

Bahagyang sumandal si Cameron sa kanyang kinauupuan at pasimpleng sinulyapan si Quincy. Laking pasasalamat niya rito dahil hindi ito nakatingin sa kanya. Diretsong-diretso ang tingin nito sa emcee na mukha talagang nakikinig. Muli niyang pinasadahan ang istura ng dalaga, hindi niya maintindihan kung bakit ang ganda-ganda nito sa kanyang paningin. Pakiramdam niya'y nakatingin siya sa tunay na prinsesa.

"Before our ball starts, The Seniors have prepared something for us to watch. Aaahhh! This would be their last year in Senior college. How about if we take a glimpse one last time of what transpired in the fun-filled year that is 2020-2021! Let's go, Seniors!"

"Go bestie! Kaya mo yan!"

Hindi agad nagawang lingunin ni Quincy ang kaibigan dahil mas lalo siyang kabahan sa katotohanang sasayaw na sila. Hindi niya maintindihan ang sarili, para siyang maiihi na madudumi at masusuka.

Tumayo si Calvin at dahan-dahang nilahad ang kanyang kamay sa dalaga. Tiningnan iyon ni Quincy at nanginginig pa ang kamay na inabot iyon.

"You can do it Harley Quinn. Cheer ka namin."

"Goodluck Quincy." anas nina Javion sa kanya ng makaharap siya sa table ng mga ito.

Mabilis na tumayo si Cameron para puntahan ang kanyang partner. Nasa tabi ito ng table kung nasaan si Eliana, nagpatuloy ito sa paglalakad at hindi manlang nilingon ang dalaga. Mabilis niyang nilahad ang kamay sa pareha at naglakad papunta sa kanilang pwesto. Pilit na lamang na ngumiti si Eliana.

Bumuntong-hininga si Quincy at pinilit na maging normal. Ipinikit niya ang mga bago ulit huminga ng malalim. Iminulat niya ang mga mata at agad na nagtama ang tingin nilang dalawa ni Cameron. Nang magsimula tumunog ang tugtog, unti ng naglakad ang mga lalaki para hingin ang kamay ng mga babae.

"Go Quincy!" narinig niyang sigaw ng mga kaibigan ni Calvin.

Hindi niya maiwasang matuwa sa mga ito ng bahagya mahagip ng kanyang mata. Pare-pareho mga nakatayo at walang hiya-hiyang sinisigaw ang kanyang pangalan. Ngumiti si Calvin ng maramdaman niyang unti-unting nawawala ang panginginig ng kamay ng dalaga. Mabilis na silang naglakad para makagawa muli ng bulong sa malawak na gitna. Hinawakan niya ang kamay at tagiliran ni Quincy bago ngumiti sa dalaga.

"It feels different to dance with you while you're wearing a gown. It's like dancing with a real princess." nakangiting wika ni Calvin ng hindi inaalis ang tingin sa mata ng dalaga.

Wala siyang pakialam kung gaano karami ang nakatingin sa kanya. Ang gusto niya lamang ay maisayaw si Quincy.

Ngumiti naman ang dalaga dahil sa kanyang sinabi.

"Lalaki na masyado ang ulo ko Cal. Akala ko hindi ako kakabahan dahil akala ko madali lang tumayo rito sa harapan ng maraming tao pero ibang-iba pala ang pakiramdam kapag nag pra-practice sa mismong ball na. Pakiramdam ko lahat ng tao ay nakatingin sa akin." nakangiting sagot ni Quincy bago umikot at mukhang niyayakap siya ng binata.

"I'm happy because I'm your first dance. The night was very beautiful but you made it even more beautiful and special."

"Thank you dahil sobrang worth it ng first dance ko. Hindi ko nga alam kung bakit kailangan ako ang yayain mo. Maraming magagandang babae ang nandidito at mas deserve pero ako ang maswerteng babaeng yun."

Ngumiti si Calvin sa dalaga, inalis niya ang pagkakahawak niya sa tagiliran nito. Nakita niya ang hibla ng buhok na kumawala, dahan-dahan niya iyong hinawakan at inilagay sa likuran ng tenga ni Quincy. Muli siyang ngumiti at ibinalik ang pagkakahawak noon sa kanyang tagiliran.

"Tingnan mo ang dalawang yun? Mukhang may sariling moment, akala ata nila lumilipad sila sa ere." nakangising wika ni Race habang nakatingin kina Quincy at Calvin.

"Ano ka ba? Ito na ang best spot para sa "friendship" nila. Ito ang magandang moment para marealize nila na ang harot nila biglang magkaibigan." natatawang singit naman ni Dranreb.

"Bakit niyo nga naman pinipilit na may gusto talaga ang dalawang yan sa isa't-isa? Sa tingin ko lang huh, kilala natin si Calvin alam na natin ugali ng isang yan. Kapag gusto niya hindi na niya pinapatagal pa. Palibhasa mga chismoso kayo kaya big deal sa inyo ang lahat." nakangising pang-aasar naman ni Javion dahilan para lingunin siya ng kaibigan.

"Nahiya naman kami sayo JP. Ikaw nga tong pasimuno kapag may chismis. Sobrang kapal ng pagmumukha mo."

"Manahimik ka Dranreb, hindi kita kinakausap. Nakikita mo tatay ko? Kaya kang patalsikin ng isang yan ano mang oras ko gustuhin."

"Sino namang natakot sa sinabi mo? Kaya kung mabuhay kahit wala kayo."

"Ouch! Realshit! Masakit parang kagat lang ng T-Rex." kunwari pang umiiyak na wika ni Kyle habang ang kamay ay nasa kanyang dibdib.

"Joke lang. Siyempre ikakamatay ko kapag nawala kayo. Binibiro lang eh." pagbawi nito sa kanyang sinabi.

"Ang pangit mo magbiro kung ganon." asik ni Matthew. .

"You're so beautiful Quin. Ilang beses ko na bang nasabi sayo ang bagay na yan?" natatawang tanong ni Calvin bago ikutin si Quincy.

"Sobrang daming beses na at lumalaki na ang ulo ko Cal." natatawang sagot ni Quincy sa kanya.

Mabilis na siyang umikot at malapit niyang makasayaw si Cameron.

"Kahit sabihin ko yan sayo ng paulit-ulit, hindi matatapatan niyan kung gaano ka-ganda."

"Cal tama na, ang laki na ng ulo ko oh." tinuro niya pa ang sariling ulo.

Nakatingin man si Cameron sa kanyang kapareha, nahahagip parin noon si Quincy. Kumukunot ang kanyang noo habang nakatingin sa dalaga, nakikita niya kung paano ito ngumiti sa kaibigan. Umiling na lamang siya at mabilis na pinaikot ang kapareha dahilan para mapunta ito sa kanyang tabi.

Nang humarap siya, muling nagtama ang paningin nilang dalawa ng dalaga. Dahan-dahan sumilay ang ngisi sa kanyang labi ng hawakan niya ang kamay at tagiliran nito. Napalunok naman si Quincy sa reaksyon ni Cameron sa kanya. Nagbaba ang tingin mula sa sapatos nito pataas sa mukha ng binata.

"Mukhang pinaghandaan mo masyado ang ball na to." pinilit niyang maging pormal kay Cameron.

Inikot mula siya ni Cameron bago siya sagutin nito.

"Ofcourse. By the way, I like your looks Quincy Safara. Hindi ko aakalaing may igaganda ka pa pala." nakangising bulong ni Cameron sa kanya.

Quincy felt another tickle because of what Cameron said. Calvin also told her that she was beautiful but it felt different when it came from Cameron. Parang nagtatalon ang lamang loob niya sa sobrang saya. Bahagya pang tumatayo ang kanyang balahibo dahil sa mainit na kamay ng binata.

"Thank you. Why don't you wear black? Bagay na bagay pa naman yun sayo." sarkastikong sagot ni Quincy sa kanya.

"Dalawa ang ibig-sabihin niyan Quincy. Bagay ba sakin dahil mas makikita ang ka-gwapuhan ko o bagay sakin dahil kasing itim ng budhi ko?" nakangising tanong nito at bahagya naman siyang natawa.

"Yung pangalawa ang tamang sagot Cameron."

"Sadyang matabil ang dila mo."

Kumuyom ang kamao ni Eliana habang pinagmamasdan sina Quincy at Cameron. Pakiramdam niya'y ano mang oras ay pwedeng bumagsak ang kanyang luha. Nakikita niya sa labi ni Cameron kung paano siya ngitian nito noon. Pinaghalong sakit at inis ang nararamdaman niya ng mga panahon na iyon. Parang gusto niyang pigilan ang dalawa sa pagsayaw at ipamukha kay Quincy na dapat siya ang kasayaw ng dalaga at hindi ito.

Napatingin siya kanyang tabi ng maramdaman niyang may tumabi sa kanya. Tumigil si Zanjoe sa kanyang tabi ngunit diretso lamang ang tingin.

"Is that the man you are proud of?" mapaklang tanong ni Zanjoe habang ang tingin ay nasa binata.

"Pwede ba Joe? Ayoko ng away ngayon." inis na sagot ni Eliana sa kanya.

"Tsk. Hindi ako nakikipag-away Eliana, tinatanong kita. Ako ang nasasaktan para sayo. Nakakalungkot lang na nagkagusto ka lalaking walang pakialam sayo at walang pakialam sa nararamdaman mo. Aren't you tired of the fact that you should always be the one to understand? Don't you get tired of crying every night dahil lang sa walang kwentang nilalang?" mapaklang sunod-sunod na tanong ni Zanjoe sa kanya. "Kung wala kang pakialaman sa sarili mo, ibahin moko Eliana. Masakit sa part ko na ako yung nandidito para sayo pero iba ang hinahanap mo, masakit sa part ko na ako yung handang magmahal sayo pero hindi ako yung gusto mong magmahal sayo." dagdag niya pa dahilan para hindi makapagsalita ang dalaga.

"Joe. Hindi ito ang oras para pag-usapan ang bagay na yan." sagot niya at ngumiti na lamang ng pilit ang binata.

"What do you think of them Boo? Bagay sila hindi ba?" nakangiting bulong ni Xavia sa binata.

Pinagkrus ni Atticus ang kanyang mga braso bago tumingin sa kapatid pati narin sa kasayaa nitong si Quincy. Pinag-aaralan niya ang parihong galaw ng dalawa.

"Hmm. You really like her Boo."

"Yeah actually, i love her. Siya yung tipo ng babaeng gusto ko para kay Dekdek. I don't want Dekdek to end up with a woman who isn't deserving of his love." pagpapakatotoong sagot ni Xavia bago ngumiti sa kanya.

"He already knew what was best for him. I know he didn't really like Eliana but because of what happened he had to marry that woman."

"At hahayaan mong mangyari yun sa kapatid mo? Kayong dalawa nalang ang nandiyan para sa isa't-isa at alam kung ayaw mong nalulungkot ang kapatid mo. Hahayaan mo bang makasal siya sa taong hindi naman niya gusto?" seryosong tanong ng dalaga.

Unti-unti niyang nilingon ito.

Kapag kaligayahan ng kanyang kapatid ang pag-uusapan, gagawin niya ang lahat lang maging masaya si Cameron dahil mahal niya ang kapatid niya ngunit ibang usapin ang hinahanap nito ngayon. Kailangan niyang panagutan ang bata kung sakali mang kanya yun, ayaw niyang lumaki ang batang walang kinikilalang ama.

"You know how much I love Dekdek. As his older brother, I will do what is for his good but I will not tolerate him in something that is known to be wrong. If he was really the father of that child, he had no choice."

"I understand you Boo." ngumuti sa kanya si Xavia saka hinalikan ang kanyang pisngi.

Bumuntong-hininga na lamang siya bago tumingin sa kapatid.

"Cameron."

"Hmm?"

"Napapansin ko kanina na hindi mo manlang pinapansin si Eliana at nakikita ko rin kung gaano kalungkot ang mukha niya." mahinang bulong ni Quincy ng mahagip niya ang dalaga.

"For what? Masyado niyang pinapasakit ang ulo ko, wala akong balak isipin ang babaeng yun." seryosong sagot sa kanya ni Cameron.

Bumuntong-hininga naman si Quincy bago magbaba ng tingin. Tiningnan naman siya ni Cameron bago sinulyapan si Eliana, bigla itong ngumuti ng magtama ang paningin nilang dalawa. Huminga siya ng malalim ng makita si Zanjoe sa likuran nito.

"Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan mo yang tanungin sakin Quincy. Naapektuhan ka ba samin?"

"Hin-di. Medyo naawa lang talaga ako para sa kanya."

Ngumisi si Cameron sa kanyang sagot. Bahagya niyang inilipat ang kanyang mukha sa gilid ng mukha ng dalaga bago bumulong.

"Dapat nga mas kaawaan moko dahil pinipilit nitong gustuhin ko ang babaeng kahit kailan hindi ko naramdaman sa kanta ang salitang pagmamahal." natatawa pang sagot ni Cameron saka inilayo ang mukha niya rito.

"Ikaw naman kasi tong fuckboy. Kung hindi mo naman pala mahal bakit kailangan mong makipagtalik tapos ngayon ganyan ka. Bakit pa nga pala kita kinukwestiyon eh ganon ka naman talaga simula pa nong una." nakangising sagot ni Quincy.

"Masyado ka namang updated sa buhay ko Quincy, dinaig mo pa ang number one taga-hanga ko." pang-aasar ng binata dahilan para irapan siya ng dalaga.

"Sobrang kapal ng pagmumukha mo Cameron. Masyado kang sikat sa sarili niyong school baka nakakalimutan mo. Lahat ng nangyayari sayo, updated ang lahat ng tao."

Tumawa na lamang si Cameron at bahagya siyang inikot.

"May I ask something?"

"Sige."

"Are you happy on what happened last night? I mean, masaya ka ba nakasama mo ako?" paglilinaw pa nito at bahagya naman siyang natigilan.

Hindi niya alam kung anong isasagot niya kay Cameron.

"Masaya naman."

"Tsk parang napilitan ka ah." nakangising sagot ni Cameron. "Si Cameron to oh." turo niya pa sarili kaya natawa naman ang dalaga.

"Masaya nga. Hindi ko

You are reading the story above: TeenFic.Net