37. INTRAMURALS

Background color
Font
Font size
Line height

Nakangiti habang pinagmamasdan ng dalaga ang binatang mahimbing pang natutulog sa kanyang tabi. Sobrang higpit ng yakap ni Cameron sa kanyang bewang dahilan para siya'y mahirapan kumilos.

"Baby." malambing na tawag nito habang nanatiling nakapikit.

Naramdaman niya ang dalaga dahilan para bumalik ang kanyang diwa. Unti-unting iminulat ni Cameron ang kanyang mata at mabilis na nagtama ang tingin nilang dalawa.

"Good morning Cameron."

"I love you Quincy." matamis na bulong ng binata bago siilin ang labi niya.

Natawa na lamang ang dalaga sa ginawa nito. Ilang segundo ring inangkin ni Cameron ang kanyang labi bago iyon bitawan.

"I'm so addicted to you Quincy. Ano bang ginawa mo sakin?" nakangising tanong ni Cameron na hindi manlang kumukurap habang nakatingin sa mata ni Quincy.

"Wala akong ginagawa sayo Cameron. Mahal mo lang talaga ako." natatawang sagot niya.

"Mahal na mahal."

"Bumangon ka na diyan at kailangan kung pumasok sa trabaho."

Akmang tatayo si Quincy ngunit mabilis na hinapit ni Cameron ang kanyang bewang at muli siyang napahiga sa tabi nito.

"Wag ka ng pumasok. Ako na bahalang magsabi kay Calvin."

"Tsk. Paano mo naman yun gagawin? Hindi pa nga kayo okay ni Cal." masungit na sagot ni Quincy.

"Who told you that? We're okay now, nag-usap na kami kahapon." nakangising ani Cameron.

"Talaga?"

Tumango-tango ang binata at muli siyang niyakap. Hindi na lamang gumalaw si Quincy dahil gustong-gusto niya ang mahigpit na yakap ng kasintahan.

Ngumiti ng pagkalaki-laki ang binata habang ang labi nito ay panay ang dampi sa balikat ni Quincy.

"Umuwi ka na kaya? Baka kanina ka pa hinahanap ni Kuya Atticus." biglang wika ng dalaga ng maalala niya ang kapatid nito.

"Don't think about him. He knows where I am."

Nagkibit-balikat na lamang si Quincy at hindi na pinansin pa ang binata. Kumuha lamang siya ng tiyempo at dali-daling bumangon sa kanyang kama. Napaawang na lamang ang labi ni Cameron at tinawanan naman siya ng dalaga.

"Where's Dekdek, Javion?" humihikab pang tanong ni Xavia ng makababa ito ng hagdanan.

"Wala sa kwarto niya, malamang sa malamang nandodoon yun sa girlfriend niya." nakangising sagot ng binata.

"Oh my god! Did they sleep in the same room?" gulat na tanong pa nito dahilan para muli niyang lingunin. "I think Atticus's nephew is coming."

"What?" umawang pa ang labi ni Javion dahil sa sinabi nito.

"What?" pagbabalik na tanong ni Xavia sa kanya.

"Imbes na magalit ka, natuwa ka pang magkasama sila sa iisang kwarto. Supportive?"

Umikot ang mata ni Xavia saka niya pinagkrus ang braso. Naglakad siya papalapit sa binata at naupo sa harapan nito.

"What's wrong with that? They're in love so it's okay even if Dekdek gets Quincy pregnant."

"Naririnig mo ba sinasabi mo Ate Xavia? May problema pa nga ang isang yun kay Eliana tapos gusto mo namang mabuntis non si Quincy."

"Basta." iyon na lamang ang naisagot ng dalaga sa kanya.

Umiling-iling na lamang si Javion at nagpatuloy sa kanyang pagluluto.

Ilang minuto rin ang lumipas bago bumaba si Atticus mula sa kanilang kwarto. Mabilis itong lumapit sa kasintahan at mabilis ring hinalikan ang labi ng dalaga.

"Good morning Boo. I love you."

"Good morning Boo. I love you too."

Kumindat pa ang binata bago lingunin ang pinsan. Napansin niyang wala ang kapatid kaya agad niyang inikot ang paningin sa buong lugar.

"Where's Cameron?"

"I'm here!" masiglang sigaw ni Cameron ng makapasok siya sa loob ng bahay.

Parang batang nagtatakbo ito papalapit sa kapatid. Mabilis niyang niyakap si Atticus at hinalikan ang noo, ilong, dalawang pisngi pati narin ang baba nito.

"Good morning Kuya."

"Saan ka galing?" kunot-noong tanong ng kapatid niya.

Bago pa man siya sagutin nito, mabilis na niyakap ni Cameron si Xavia at bumati rin rito.

"Sa girlfriend ko." nakangising sagot niya bago maupo sa tabi ng pinsan.

"Are you and Quincy okay?" seryosong tanong nito ng makaupo sa sariling bangko.

"Of course. Mahal na mahal ko ang girlfriend ko Kuya kaya hindi ko kayang tiisin."

"Did you and baby Quincy make love?" kinikilig na tanong ng dalaga.

Mabilis na naibuga ni Cameron ang tubig na nasa kanyang bibig at hindi makapaniwalang tumingin kay Xavia. Nakaawang naman ang labi ni Atticus at Javion na napatulala rin sa kanya.

"Boo." hindi makapaniwalaang tawag ni Atticus.

"Ate Xavia."

"What? I'm just asking." masungit na sagot naman nito.

"Walang nangyaring ganon. Natulog lang kami." depensa ni Cameron bago muling naupo.

"Bakit wala?"

"So gusto mo meron?" nakangising tanong ni Atticus. "Hindi ako papayag na mauunahan ako ng isang yan magkaroon ng anak." turo pa nito gamit ang kutsilyo.

"Sayang naman kung ganon." parang nanlunong ani Xavia sabay tusok sa bacon na nasa sariling plato..

"Matagal pa yun Ate Xavia. Saka alam kung ayaw pa ni Quincy. Gusto ko muna pating makilala ako ng magulang niya bago ang lahat." seryosong anas ng binata.

"Why don't you go to her mother? As far as I know, her father is the only one in another country to work there." ngumuyang sambit ni Atticus.

"Ang sabi ni Quincy, pupunta kami sa nanay niya kapag hindi na kami busy sa school."

"That's good. Mabuti naman ay may balak siyang ipakilala ka sa pamilya niya dahil kung ako si Quincy, saka nalang kita ipapakilala kapag nagtino ka na."

"Kuya!"

"What?"

"Mukha pa ba akong hindi matino? You see, I no longer go to the bar to find a girl and have sex with them, and not any other girl I was with at school. Nagbago na ako para sa girlfriend ko because I love her." nakangusong asik nito dahilan para ngitian siya ni Xavia.

"I'm so proud of you Dekdek. You really a man now." tumayo pa ito para lamang yakapin si Cameron.

"Tsk. Sana noon mo pa yan naisipan kahit hindi ka pa inlove sa iisang babae. Maganda sana ang imahe mo sa ibang tao." pagpra-pranka ni Atticus sa kapatid.

Sumama ang tingin ni Cameron sa kapatid. Hindi na lamang siya umimik at pinagpatuloy ang kanyang pagkain. Mahalaga sa kanya ngayon binago niya ang sarili niya para sa dalaga.

"Good morning." hinihingal na wika ni Quincy ng makapasok siya ng restaurant.

Muntik na siyang ma-late sa trabaho dahil kay Cameron. Pinaalis niya lamang ito ng apartment bago siya nag-ayos para makapunta sa trabaho. Alam niyang gusto ng binata na makapagpahinga siya ngunit mas gusto niya ang pumasok dahil nanghihinayang siya sa swe-swelduhin para sa araw na iyon.

"Good morning Quincy. Muntik na tayong ma-late ngayon ah." nakangiting bati ni Lorenz sa kanya.

"Oo nga eh. Ang tagal kasing umalis ni Cameron sa bahay."

Unti-unti siyang natigilan sa pagaayos ng buhok ng mapansing wala siyang sagot na nakuha. Dahan-dahan niyang nilingon sina Ruby at bakas na bakas ang gulat sa mukha.

"Ang aga-aga magkasama kayong dalawa? Magkasama kayong natulog ano?" tanong ni Ruby.

Bahagya siyang napaliyad ng tusok-tusikin nito ang kanyang tagiliran.

"Tigilan niyo nga ako. Natulog lang kami." pagdedepensa ng dalaga at bahagya pang lumayo sa mga ito.

"Asos marami ng na-scam sa dahilan na yan." pang-aasar pa ni Angeline.

"Natulog lang talaga kami."

Nagtawanan na lamang ang mga ito bago magpatuloy sa kanilang trabaho.

"Quin."

Kaagad na napatingin si Quincy sa entrance ng marinig niya ang pamilyar na boses.

Nandoon ang kambal at nakangiti sa kanya. Tinugunan niya rin naman ang ngiting iyon bago lumapit bsa dalawa.

"Good morning Harley Quinn." magiliw na bati ni Kyle.

"Good morning Kyle, Cal."

"Did I think you weren’t going to go to work? Cameron told me you need a break." kunot-noong anas ni Calvin.

"Okay lang ako Cal saka nasasayangan ako sa isang araw." nakangiting sagot ng dalaga. "Bakit nga pala kayo nandidito?"

"Dad is busy so we are here to do his job." sagot ni Kyle.

Tumango-tango na lamang si Quincy at sinundan ang dalawa.

"Good morning my fellow Filipino." parang batang pagbati ni Kyle habang kumakaway kina Angeline.

"Good morning Sir Calvin, Sir Kyle. Iba talaga pagiging hyper nitong ni Sir Kyle. Nakakaganang magtrabaho." kinikilig na ani Angeline.

"Syempre dapat mag smile lang tayong lahat. Ang pangit naman kung lagi tayong sinamangot, right Kuya?"

Tumango-tango naman si Calvin at bumati narin sa mga ito.

Nang makita ni Quincy na may paparating na customer, mabilis siyang nagtatakabo sa pintuan para pagbuksan ang mga ito.

"Good morning. Welcome to Biryani's Restaurant." masiglang bati niya sa buong pamilya.

Umupo si Calvin sa lamesa saka nito pinagkrus ang mga braso. Dahan-dahan siyang ngumiti ng simulan niyang pagmasdan ang galaw ng dalaga. Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa makarating sa table na pag-uupuan ng customer. Ultimong pagbibigay ng menu ng dalaga ay hindi nakalampas sa mga mata niya.

"Tulala ka na naman Kambal." bulong ni Kyle ng mapansin ang kapatid.

"Tsk. Umakyat ka na nga sa office ni Dad. Wala ka namang gagawin dito kundi manggulo." masungit na asik nito.

"Ano? Tingin mo sakin walang kayang gawin sa negosyo ng pamilya natin?"

"Wala akong tiwala sayo."

"Ah ganon? Wash and learn." masungit na pahabol pa nito bago magpunta sa counter.

"Wash and learn? Unbelievable." napapailing na lamang ang binata sa kapatid.

Muli niya pang sinulyapan si Quincy bago umakyat para puntahan ang opisina ng ama.

"Kyle anong ginagawa mo?" natatawang tanong ni Quincy ng kunin niya ang paper kung saan nakalagay ang order ng customer.

"Ipapamukha ko sa kapatid kung ma-attitude na kaya ko." umirap pa ang mata nito bago siya talikuran.

Natawa na lamang muli ang dalaga pati narin sina Ruby sa inasal ni Kyle.

"Ang cute-cute talaga ni Sir Kyle no?"

"Crush mo kasi."

"Oy Ruby! Hin-di kaya. Cute lang talaga si Sir Kyle." depensa nito sa sarili.

Napatingin si Quincy sa bulsa ng kanyang pantalon ng bigla itong tumunog. Dali-dali niyang kinuha iyon at tiningnan ang tumatawag.

"Excuse me guys, sasagutin ko lang ang tawag ng kaibigan ko." nakangiting paalam nito bago nagtatakbo palabas ng restaurant.

"Bestie?!"

Halos lumayo ang kaluluwa ng dalaga dahil sa malakas na sigaw ni Princess sa kanya.

"Bakit ka ba naninigaw?"

"I'm sorry. Nasa work ka ba ngayon?" tanong ni Princess.

"Oo, bakit?"

"Puntahan kita diyan. Nandidito kasi kami sa mall ni Mamshie, sakto malapit lang naman ang restaurant nina Cal kaya pupuntahan na kita."

"Noreen, let's go. We have to pay." wika ng kanyang ina dahilan para lingunin niya ito.

"Alright. I'm coming." nakangiting sagot nito. "See you later Bestie."

"Hmm sige, magiingat kayo."

Tumango ang dalaga saka iyon pinatay. Parang bata itong nagtatalon papalapit sa kanyang ina.

Bumuntong-hininga ang dalaga at muling pumasok sa loob ng restaurant para gawin ang kanyang trabaho.

Kakalabas lamang ni Cameron sa sariling banyo, tumutulo pa ang basang-basa nitong buhok. Mabilis siyang pumasok sa kanyang walk-in closet at mabilis naring nagbihis. Lumabas siya ng kanyang kwarto at nagdire-diretso sa baba. Nakita niya si Xavia na busy na panunuod at nasa tabi naman nito ang kapatid na busy sa ang pangangalikot sa sariling laptop.

Umupo siya sa tabi nito at mabilis na isinandal ang ulo sa balikat ni Atticus.

"What Cameron?" nakangising tanong ni Atticus ngunit hindi naaalis ang tingin sa ginagawa.

"Wala naman. Nasaan si JP?"

"His father sent his home. Something to talk about maybe, I guess."

"Mabuti naman ay umuwi ang isang yun. Magtatampo na ang ama niya." nakangising aniya.

"Hmm."

Tumingin si Cameron sa malaking flat screen tv at tiningnan ang pinapanuod ng dalaga. Mas lalo pa siyang napangisi ng makitang ang iba't-ibang klase ng wedding gown.

"I think you are planning your wedding."

"Hmm yeah." maikling sagot ng Kuya niya.

"Dekdek."

"Yes Ate Xavia?"

"I want Quincy to be a flower girl."

Napaawang ang labi ng magkapatid ng marinig ang sinabi ng dalaga. Hindi makapaniwala tumingin si Cameron rito bago magkaroon ng lakas ng loob na tumawa ng paglakas-lakas.

"Seryoso ka diyan?"

"Yeah. Why?"

"Quincy is no longer a child Boo and I'm sure she won't allow herself to be a flower girl either." seryosong ani Atticus.

Ngumuso naman ang dalaga dahilan para muling matawa si Cameron sa kanya.

"Sumasang-ayon ako kay Kuya."

"Pwede parin siya because she's my baby."

Umiling-iling naman ang kasintahan nito bago siya tawanan.

"Masaya na ang girlfriend ko na pumunta sa kasal niyong dalawa."

"Hayst."

"Your wedding will be held in France, right? Can I propose to Quincy too?" biglang tanong ni Cameron at agad siyang nilingon ng dalawa.

"Oh mon Dieu! Est-ce vrai?" gulat na gulat na tanong ni Xavia at napatayo pa.

Trans: Oh my god! Is it true?

"Don't make a scene Cameron. It's too early for you to do that." pinatay ni Atticus ang kanyang laptop bago sumandal sa kinauupuan.

Seryoso niyang tiningnan si Cameron.

"Bakit naman? Sinabi ko na sayo na sigurado na ako sa kanya."

"Finish your studies and I will let you do whatever you want."

"Boo."

"Final."

"Hayst." naiinis na umiling si Cameron bago muling magsalita. "Hindi ko alam Kuya kung suportado ka ba sa relasyon namin, nakakasama ka ng loob."

"I am the boss in our family so you will follow everything I say."

"I'm the law so it doesn't matter if you're the boss." nang-aasar na tugon nito.

Ngumusi ang binata saka sinulyapan ang kasintahan. Hinawakan niya ang bewang nito saka hinalikan ang labi.

"Bestie!" malakas na sigaw ni Princess ng makapasok siya ng restaurant.

Napatingin pa sa kanya ang ilang mga taong nandodoon dahilan para bahagya siyang mailang.

"I'm sorry."

"Ano namang ginagawa mo dito Princess na hindi naman mukhang prinsesa?." masungit na bungad ni Kyle ng makita niya ang dalaga.

"Ano namang ginagawa rito ng feeling gwapo hindi naman gwapo?" pinagkrus ni Princess ang braso bago itaas ang sariling kilay.

"Hello? Pagmamay-ari namin ang restaurant na'to."

Inirapan na lamang ni Princess ang binata at tiningnan si Calvin na nasa katabi naman nito.

"Good noon Cal."

"Hmmm."

"Bakit hindi mo sinama ang magulang mo?" tanong ni Quincy ng matapos yakapin ang kaibigan.

"Hay nako. Ang dami niyang pinamiling clothes kaya umuwi na. By the way, kain tayo."

"Saan?"

"Dito nalang. Ako na bahala sa bills." kinawit ni Princess ang kanyang braso sa braso ng kaibigan at nagsimulang maglakad.

"Sila ba yung mga ka-close mong friends?" turo ng dalaga kina Ruby.

"Hmm. Halika papakilala kita."

Tumango ang dalaga at malaking ngiti ang binungad ng tuluyang makalapit sa mga ito.

"Good noon. Welcome to Biryani's Restaurant." bati ni Ruby.

"Ruby, si Princess nga pala. Kaibigan ko." pormal na pagpapakilala ng dalaga rito.

"Hi, I'm Princess nice to meet you Ruby." bumeso pa siya sa dalaga bago lumingon kina Angeline.

Nagpakilala rin ang mga ito sa kanya.

"Join us for lunch so I can get to know you better."

Nagkatinginan naman ang apat bago tumango sa kanya. Umakyat narin ang mga ito para makapag-order ng kakainin nila.

"Bati na ba kayo ni fafa Cameron?"

"Hmm. Kagabi lang."

"Sabi naman kasi sayo, hindi ka matitiis ng boyfriend mo." nang-aasar na tinusok-tusok ni Princess ang tagiliran ng kaibigan kaya napa-igtad naman ito. "Bakit hindi mo yayain pumunta rito si fafa Cameron?"

"Wag na, hindi nga niya alam na pumasok ako." sagot ni Quincy.

"What?"

"Masyadong makulit ang lalaking yun. Gusto kung pumasok." dagdag niya pa bago tiningnan si Calvin.

"Ilang days nalang rin ay patapos na ang Intramurals natin. Sigurado naman akong kayo parin ang champion." panimula ng topic ni Princess ng magsimula silang kumain.

"Hindi rin natin sure, malaki na ang pinagbago ng mga players from other schools no." ngumunguyang sagot ni Kyle sa kanya.

"May tiwala naman ako kina Cal na ipapanalo nila ang game."

Hindi na sumagot pa ang dalaw at nagpatuloy na lamang sa pagkain. Nagsimulang magkwentuhan sina Princess at hindi maiwasang mangiti ni Quincy dahil mabilis na nagkasundo ang mga ito. Parang taon na magmula ng makita sila sa sobrang palagay ng mga ito sa isa't-isa.

"Bakit hindi mo ligawan si Princess Sir Kyle? Bagay kayo." nanunuksong wika ni Ruby.

"Yuck! Ew! Kadirdir!" sabay na sigaw ng dalawa.

Mabilis na nagkatinginan ang dalawa at masamang tingin ang tinuon sa isa't isa.

"Bakit naman diring-diri kayo sa isa't-isa?" natatawang tanong ni Lorenz.

"Hindi kaylan man pumasok sa isip ko Renz na magustuhan ang babaeng yan. Ang pangit niya." parang batang asik nito.

"Coming from you! Mas pangit ka!" naasar na tugon ni Princess.

"Kung pangit ako, pangit din kakambal ko."

"Bakit naman nadamay ako sa away bata niyo?" nakangising tanong ni Calvin matapos sumandal sa sariling bangko.

"Gwapo si Cal, ikaw lang talaga 'tong feeling pogi."

"Tsk. Hindi mo ba ako pagtatanggol Kambal?" taas-kilay na tanong ni Kyle sa kakambal.

"Hindi. Kaya mo na yan." nang-aasar na sagot ni Calvin dahilan para siya'y manlumo.

Tumawa-tawa naman sina Quincy habang nakatingin sa tatlo.

"Kayo talaga pagdating ng araw Princess at Sir Kyle. Bagay talaga kayo, isip bata sa isip bata."

"Nice Andrei." mabilis na tumayo si Calvin para makipag-high five sa binata.

Muling nagtawanan ang magkakaibigan ng makita na ngumuso ang dalawa. Nagkatinginan pa ang mga ito bago umirap.

*PHONE RINGING*

Kinuha ni Quincy ang kanyang cellphone at sinagot ang tawag ni Cameron. Makahulugan niyang tiningnan ang mga kaibigan na tumahimik bago sumagot sa kasintahan.

"Baby." masiglang bati ni Cameron.

"Kumain ka na?" nakangiting tanong ni Quincy.

Gamit ang chopsticks, kinuha niya ang karne saka iyon sinubo.

"Yeah. I miss you."

"I miss you too."

Nakagat ni Cameron ang sariling labi ng maramdaman na naman niya ang nagkakagulong paru-paro sa loob ng tiyan niya.

"I was just called to remind you to eat and rest. I want to go to you but you

You are reading the story above: TeenFic.Net