32: AMUSEMENT PARK

Background color
Font
Font size
Line height

Umupo ang magkakaibigan sa pinakatuktok para manuod ng laro ng volleyball. Hindi narin nila kasama sina Atticus dahil abala ang dalawa sa pakikipagusap sa mga bwesita este bisita.

Magkahawak ang kamay ni Quincy at Cameron habang nakatingin sa court. Ngiting-ngiti ang binata sa tuwing magbaba ang tingin niya sa kamay nilang dalawa.

"I'm sleepy Baby." bulong ni Cameron dahilan para siya'y lingunin ng dalaga.

"Matulog ka sa kotse. May kasunod na game pa ba kayo?" tanong nito at sinimulang hagurin ang buhok ni Cameron.

Umiling-iling naman ito bago isinandal ang ulo sa dibdib ni Quincy. Ipikit niya ang kanyang mata at pinakinggan ang tibok ng puso nito.

"May game ba tayo bukas fafa Cameron?" biglang tanong ni Kyle at tinaas pa ng kilay ang kaibigan ng makita ang pwesto ng magkasintahan.

"Wala." maikling sagot ng binata.

"Gala tayo bukas!"

"Tsk. Pumasok tayo kahit walang game!" sigaw ni Dranreb.

"Ayaw niyo bang magsaya? Puro nalang tayo stress nitong mga nagdaang araw! Pagod sa training, stress sa school papers! Bukas lang naman!"

"Saan naman tayo pupunta kung ganon?" kunot-noong tanong ni Calvin sa kakambal.

Dahan-dahang ngumuti ang binata, yung tipong sobrang creepy.

"Sa amusement park!"

"Wahhhh gusto ko yan Kyle!" pagsang-ayon ni Princess.

"Ano?" sabay-sabay na tanong naman ni Race.

"Pwakanangina! Matulog nalang tayo kesa sa pumunta sa ganong lugar." inirapan pa ni Javion ang kaibigan bago muling sumandal sa kanyang kinauupuan.

"Ang pangit niyo namang ka-bonding! Minsan na nga lang mag-aaya!" nagmamaktol pang asik nito.

"Do you want to go to the amusement park?" nakapikit na tanong ni Cameron sa kasintahan.

"Ikaw."

"Tara."

Biglang nagningning ang mata ni Kyle ng marinig ang sinabi ni Cameron.

"Ano Cameron? Papayag ka sa gusto nito?" nagugulat pang tinuro ni Dwight si Kyle na ngiting tagumpay.

"Hmm."

"Tsk. Do you think your brother will let us go there?" nakangising tanong ni Calvin.

"Of course! Hindi niya ako mahi-hindian." bumangon si Cameron sa pagkakahiga sa dibdib ni Quincy at taas kilay na tiningnan si Calvin. "Saka ako naman ang magpapaalam sa kanya, hindi ikaw."

Umiling-iling na lamang si Calvin at hinayaan na ang kaibigan. Alam niya lamang na magtatalo lamang silang dalawa kapag sinagot niya pa ito.

"Game na tayo! Pumayag na si fafa Cameron eh." wika muli ni Kyle sa mga kaibigan.

"Ano pa nga bang magagawa namin? Hindi namin kayang mabuhay kapag wala kayo." sarkastikong sagot ni Matthew.

"Yes!"

"Excited na ako!" tumiling anas ni Princess at nakipag-apir pa kay Kyle.

Tumawa na lamang si Quincy at muling tumingin sa mga baklang naglalaro.

Panay ang tawanan ng buong crowd dahil sa paglalaro ng mga ito. Bukod sa tilian, panay rin ang asaran ng magkaibang team sa tuwing nakakapuntos ang mga ito.

"Hindi ba tayo papagalitan kasi sa pagkakaalam ko ay may attendance parin tayo." biglang ani Quincy.

"Ako na ang bahala don Baby. Hindi mo na kailangang problemahin yun."

"Tsk. Siguraduhin mo lang at ayaw kung mapagalitan ng mga professor ko."

"Yeah. I love you baby."

"I love you too."

"Saan kayo pupuntang dalawa?" tanong ni Javion ng makitang tumayo ang pinsan pati narin si Quincy.

"Inaantok ako, matutulog lang ako."

"Ay hindi! Alam ko na ang galawan na yan Cameron. Kung matutulog ka lang bakit kailangan mo pang isama yang si Quincy. Walang aalis!"

Imbes na pansinin, ngumusi ang binata at nagpatuloy sa paglalakad.

"Wag na tayong umalis Cameron."

"Hindi ko kayang matulog sa ganito ka-ingay na lugar baby."

"Hayst."

Naiilang na tiningnan na lamang ng dalaga ang mga kaibigan bago sumunod kay Cameron.

"Ibang klase talaga ang lalaking yun." umiling-iling na wika ni Brix.

Nagtatakbo palabas ang dalawa. Tiningnan pa ni Cameron ang bawat kanto ng kanilang dinadaanan at nakangiting pumasok sa clinic. Nagpapasalamat pa siya sa lahat ng santo ng makitang walang nandodoon.

Ibinato niya bag sa table at mabilis na humiga sa hospital bed. Dahil hawak-hawak niya ang kamay ng dalaga, mabilis na napasunod si Quincy sa kanya.

"You alright? Wala akong gagawing masama sayo." natatawang bulong ni Cameron ng mapansing natitigilan ang dalaga.

"Tsk. Pwede ka naman kasing matulog ng hindi ako kasama eh. Tawagan mo nalang sana ako kung gising ka na." nagtataray na sagot ni Quincy.

Umupo siya sa tabi ni Cameron saka pinagkrus ang mga braso. Tumingin siya sa labas at pinagmasdan ang mga sanga na bahagyang sumasabay sa ihip ng hangin.

"Tsk. Baka may pumorma pa sayong lalaki kung hindi mo ako kasama. Mabuti na yung nandidito ka sa tabi ko." ngiting asong sagot nito at mabilis na hinapit ang kanyang bewang.

"Napakaseloso mo."

"Mahal kita eh."

Napatingin ang dalawa sa bulsa ng short ni Quincy tumunog iyon.

"Sagutin mo na." utos ni Cameron at mabilis na ipinikit ang mga mata.

Bumuntong-hininga naman si Quincy saka iyon kinuha at sinagot.

"Hello Ma?"

"Nabili na namin ng gamot ang kapatid mo anak. Maraming salamat daw sabi ni Isaiah."

"Walang ano man po. Kamusta na siya? Kumain ka na ba? Nakainom na ng gamot?" bakas parin ang pag-aalala sa tono ng pananalita ng dalaga.

Kumunot ang noo ni Cameron ng marinig ang usapan ng mag-ina. Dahan-dahan niyang binuksan ang mga mata at pinagmasdan ang dalaga.

"Ayos na siya anak, nakatulog na."

"Hmm. Pakisabi sa kanya, sa susunod wag na wag ng pababayaan ang sarili dahil sobrang hirap magkasakit ngayon lalo na't wala tayong sapat na pera."

"Oo anak, maraming salamat ulit."

"Magpahinga narin po muna kayo. Mamaya ko nalang ulit kayo tatawagan pag-uwi."

Pinatay ng dalaga ang tawag na iyon at dahan-dahang lumingon sa binata.

"Is your brother sick?" kunot-noong tanong ni Cameron at dahan-dahang namang tumango.

"Hmm. Kaya ako nawala kanina dahil nagpadala ako sa kanila ng pera." seryosong sagot ni Quincy habang nilalabanan ang tingin ng binata.

"Bakit hindi mo sinabi sakin? I am ready to help your family."

"Tsk. Hindi na. Kaya ko naman saka naka-sweldo narin ako kaya hindi mo na kailangan pang mag-aalala Cameron."

Gamit ang isang kamay, dahan-dahan niyang hinawakan ang pisngi ni Cameron. Inalis niya pa ang ilang hibla ng buhok nitong nakakalat sa kanyang noo saka ngumiti sa binata.

"Bakit ang gwapo mo?"

"Inborn." mayabang na sagot ni Cameron.

"Matulog ka na nga lang. Sumobra ang yabang mo, pinuri ka lang." nakangising ani Quincy saka umayos ng tayo.

Tumawa na lamang si Cameron at niyapos ang bewang ng dalaga. Nararamdaman na niya ang antok hanggang sa tuluyan na siyang makatulog.

Ngumiti si Quincy at pinagmasdan niya ang kasintahang mahimbing ng natutulog.

"Nasaan na kaya ang dalawang yun?" tanong ni Princess habang nakatingin sa paligid.

Tapos na ang game para sa araw na iyon ay unti-unting ng nauubos ang istudyante sa kanilang eskwelahan.

"Sinabi ko na sa inyo eh, nauna ng umuwi ang dalawang yun. Si Cameron pa ba?" nakangiwing si Jethro.

"Paanong umuwi eh nandiyan pa ang kotse!?" ani Dranreb at tinuro pa ang kotse ng kaibigan.

Nakita narin nila si Atticus at Xavia na naglalakad narin papalapit sa kanila.

"Where's Dekdek?"

"Walang may alam. Nandiyan ang kotse pero wala ang may-ari." sagot ni Javion sa dalaga.

"Nandiyan na ang hinahanap niyo."

Sabay-sabay na napatingin ang mga ito sa kanyang bahagi, magkahawak kamay ang dalawa na naglalakad habang ang tingin ay nasa isa't-isa.

"Hapon na't lahat, ang sweet parin ng dalawang to. Sana all." si Dwight.

"Where have you been?" tanong ni Atticus ng makarating sa kanilang pwesto ang kapatid.

"Natulog."

"Saan?"

"Sa clinic. Tapos na ba?" nakangising tanong pa ni Cameron habang iniisa-isang tingnan ang kaibigan.

"Tsk." umiling-iling na lamang si Atticus at pinagbuksan ng pintuan si Xavia.

"See you tomorrow baby Quincy." bumeso pa ito sa dalaga bago lingunin sina Dranreb. "Kayong mga bata kayo, magsi-uwi na okay? Wag na kung saan-saan pa pumunta."

"Aye aye captain!" parang batang sagot ng mga ito bago magsitawanan.

"Paano? Kita-kits nalang bukas Bestie."

"Mag-iingat kayo."

Kumaway ang mga ito sa isa't-isa bago sumakay ng kani-kanilang kotse. Nakangiti pang tiningnan ni Quincy si Calvin na nasa tabi ng kotse ni Cameron.

"See you tomorrow." kumindat pa ang binata bago pahaharurutin ang sasakyan papalayo.

"Tara na?" nakangiting yaya ni Cameron.

"Tara na."

"Anong susuotin natin baby?"

"Ano pa bang sinusuot Cameron?"

"Gusto ko couple tayo!"

Nakangiwing nilingon ni Quincy ang binata na nasa daan naman ang tingin.

"Uso pa pala yun sayo?"

"Syempre! Gusto ko lang makita ng iba kung gaano ako ka-proud na girlfriend kita." seryosong sagot nito at hindi niya alam kung matutuwa ba siya o kikiligin.

"Makakapunta tayo don ng hindi pareho ang suot-suot na damit."

Napanguso naman ang binata sa narinig mula sa kanya. Binilisan niya na lamang ang pagmamaneho para makauwi na sila agad.

Hindi siya papayag ng hindi sila pareho ng damit ni Quincy.

"Maaga akong pupunta dito bukas." wika niya ng mapagbuksan ng pintuan ang dalaga.

"Hmm. Sige. Magiingat ka pauwi."

"Pa-kiss muna." parang asong nauulol na ngumiti si Cameron habang nagtataas-baba ang kilay.

Bahagya namang natawa ang dalaga sa kanyang ginawa. Dahan-dahan siyang lumapit at mabilis na hinalikan ang labi ni Cameron.

"I love you baby."

"I love you too Cameron."

Matamis na ngumiti ang binata bago muling dumampi ang labi sa labi ng dalaga. Halos nasa limang segundo silang nasa ganoong posisyon hanggang siya na mismo ang kusang lumayo.

"Pasok ka na."

Binuksan ni Quincy ang pintuan ng kanyang kwarto at si Cameron na mismo ang nagsara noon.

Nagtatakbo siya pababa saka pumasok sa kanyang kotse. Nagdiretso siya sa mall para bumili ng damit nilang dalawa ng dalaga at masayang umuwi.

Pagpasok niya sa bahay, nakita niya ang pinsan na nasa sala na abala sa ginagawa nito.

"Nasaan sina Kuya?"

"Nagpapahinga siguro. Ikaw na magpaalam, wag mo akong idamay kung magagalit man sayo." nakangising bilin pa nito.

Hindi na lamang pinansin ni Cameron ang pinsan at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa itaas. Tahimik ang buong second floor dahil mga tulog rin ang taong nandodoon. Binuksan ng binata ang sariling pintuan ng kwarto at masayang tiningnan ang t-shirt nilang dalawa ni Quincy.

Simple lamang iyon.

Isang white t-shirt at isang black t-shirt na may cute na dinosaur na design.

Dali-dali siyang pumunta sa banyo para labhan ang damit at maligo narin.

"Ate Xavia."

Unti-unti niyang binuksan ang pintuan ng kwarto ng dalawa. Nakita niya ang dalaga na nakaupo sa gilid ng kama at nakangiti na sa kanya. Mahimbing naman ang pagkakatulog ni Atticus sa tabi nito.

"Dekdek."

Para siyang batang ngumiti at pumasok sa loob. Maingat siyang tumabi sa dalaga bago magbaba ng tingin sa kanyang kapatid.

"Magpapaalam sana ako." bulong ni Cameron.

"Magpapaalam?" kunot-noong tanong ni Xavia.

"Pupunta kaming amusement park nina Quincy."

"Amusement park? Hindi ba't Intramurals ng school?"

"Yeah I know pero wala naman kaming game para bukas saka date narin namin yun." bungisngis pang sagot nito.

"If I'm the one to be asked, I don't have a problem with that but ask your brother if he will agree." nakangiting sagot ni Xavia.

"Ikaw na magsabi. Please? Alam ko namang di papayag ang isang yan." turo niya pa kay Atticus.

"Dekdek."

"Please?" mabilis siyang nag-puppy eyes sa dalaga para maawa ito sa kanya.

Bumuntong-hininga naman si Xavia bago sumagot sa binata.

"Fine but just promise me you'll be careful there."

"Promise!" agad na itinaas ni Cameron ang kanang kamay bago ngumuti ng pagkalaki-laki.

Umangat ang tingin ni Javion sa hagdanan ng mapansin ang binatang bumaba doon. Panay ang mahinang pagkanta nito at ngiting-ngiti parang aso. Pinatay ng binata ang kanyang laptop saka sumandal sa inuupuan niyong single sofa.

"Bakit parang pinayagan ka na sa sobrang saya mo diyan?"

Dahan-dahan lumingon rito si Cameron at mas lumaki pa ang pagkakangiti niya.

"Sinabi ko na sayang malakas ako." natatawang sagot niya bago maupo sa tabi nito.

"Nakapagluto ka na ba?"

"Magluluto palang."

"Alright."

Pinagmasdan pa ni Cameron ang pinsan na naglalakad na papunta sa kusina bago siya humiga sa sofa.

Naputol ang magandang panaginip ni Quincy ng marinig niya ang tunog ng kanyang alarm clock. Binuksan niya ang kanyang mata para hanapin ang kanyang cellphone at patayin ang alarm clock.

Nakangiti niyang nilingon ang bintana kung saan nakikita na naman niya ang mga ibon na nakadapo sa linya ng kuryente.

"Umulan pala." humihikab na wika niya matapos buksan ang binata.

Mabilis siyang nagtungo ng banyo para maligo. Halos kalahating oras rin ang tinagal niya doon bago siya lumabas.

"Good morning baby." nakangiting bungad ni Cameron ng mabuksan niya ang pintuan.

"Good morni---." hindi na niya natapos pa ang sasabihin ng siilin na ng binata ang kanyang labi.

"I love you."

"Bakit naman sobrang hyper mo ngayon? Para kang bata." nakangising wika ni Quincy ng tuluyan silang makapasok sa loob ng kanyang kwarto.

"Nag-almusal ka na ba?"

"Hmm kakatapos lang. Magbibihis lang ako."

Akmang papasok sa loob ng banyo ang dalaga pero mabilis siyang napagilan ni Cameron.

"Pwede ka namang magbihis sa harapan ko baby saka may ipapasuot ako sayo." nakangiting ani Cameron.

"Ano?! Dito nalang ako magbibihis!"

"Tsk. Fine! Bakit kailangan mong manigaw?!" iritang bulong nito habang naglalakad papunta sa kama para kunin ang damot nito.

"Suot mo! Wag ka ng maraming tanong."

Bahagyang umawang ang labi ni Quincy ng padarag na isinara ng binata ang pintuan ng banyo.

Hindi na siya nagsayang pa ng oras at dali-daling nagpalit. Sinuot niya ang blue skinny jeans at kinuha ang damit na ibinigay ni Cameron. Dahan-dahan niyang ibinuka at pinagmasdan ang t-shirt na iyon. Masyado iyong malaki sa kanya kaya kailangan niyang lagyan ng sanriyo ang laylayan na iyon para magmukhang fit sa kanya.

Napalingon si Cameron sa pintuan ng banyo ng magbukas iyon at lumabas si Quincy. Napangiti siya ng makitang suot-suot nito ang t-shirt na ibinigay niya. Hindi pa nito napapansin na pareho ang kanilang suot dahil suot-suot niya parin ang kanyang jacket.

"You're so beautiful baby."

Umawang ang kanyang labi ng hindi manlang siya nilingon nito at nagpatuloy lang sa paglalakad hanggang sa makaupo. Kinuha ni Quincy ang puting rubber shoes at dali-daling isinuot iyon, nahihiya narin naman siyang paghintayin pa ng matagal ang binata kaya dumoble ang bilis ng kanyang kilos. Humarap siya sa malaking salamin at sinumulan ayusin ang kanyang buhok.

"Magkita-kita tayo sa MOA tapos sabay-sabay na tayo papunta sa Enchanted Kingdom." ani Cameron sa kaibigan si Dranreb.

"Alright."

Ibinaba ni Cameron ang tawag na iyon at muling pinagmasdan ang kasintahan sa ginagawa. Nilalagay nito ang mga hair pins na ibinigay ni Xavia sa kanyang ulo.

"Are you done?"

"Hmm."

"Beautiful." mabilis na naglakad si Cameron papalapit sa dalaga para halikan ang noo nito at para narin may ibigay.

Kinuha niya sa bulsa ng kanyang pantalon ang isang couple na kwintas.

"Ano naman yan Cameron?"

Imbes na sumagot, nakangiti niyang inilabas iyon sa bag at dahan-dahang isinuot sa dalaga. Unti-unting natigilan si Quincy ng makita ang kwintas ni Cameron na kaparehong-kapareho ng suot-suot niya.

"Let's go."

Magpapasalamat pa sana siya ngunit mabilis na itong nakalabas ng kanyang kwarto kasama ang gamit niya. Wala na siyang nagawa kundi isarado ang bintana, patayin ang kuryente at saraduhan ang pintuan.

"Thank you dito Cameron." nakangiting wika ni Quincy ng makapasok sa loob ng kanyang kotse.

"Basta't ikakaligaya mo." kumindat pa ang binata bago patakbuhin ang kanilang sinasakyan.

Ilang minuto rin sila sa daan bago makarating ng MOA. Nakita na nila sa parking lot ang mga kaibigan na naghihintay na sa kanila.

"Kanino sasabay si Princess?"

"Sa kambal." sagot ni Cameron at mabilis na ibinaba ang windshield.

"Ano tara na? Traffic na papunta sa Muntinlupa kaya kailangan nating bilisan." anas nito sa mga kaibigan.

Mabilis namang nagsitanguan ang mga ito at sumunod narin sa kanila.

Nakangiti ang lahat habang tinatahak ang daan papunta sa enchanted kingdom.

"Hindi ka ba muna matutulog? Malayo pa ang biyahe natin." nakangiting ani Cameron sa dalaga.

"Hindi pa naman ako ganong inaantok."

Tumango na lamang si Cameron at nag focus na lamang sa kanyang pagmamaneho. Panay naman ang ingay nina Kyle sa sariling kotse at naiirita na si Calvin sa dalawa ngunit wala siyang magawa. Tahimik naman sina Javion na sinusundan lamang ang kotse ng pinsan.

Halos ilang oras rin ng makarating sila sa Muntinlupa. Madali narin naman ang magiging biyahe ng mga ito papunta sa enchanted kingdom dahil NLEX ang kanilang daraanan.

Nakangiti habang nakatingin sa labas ng bintana si Quincy. Bahagyang nakabukas iyon kaya bahagyang nililipad ang kanyang buhok. Nakikita niya sa side mirror ang ilang kotse na nakasunod sa kanila. Ito nalang ulit ang pagkakataon na makakabalik siya sa ganoong klaseng lugar, sobrang tagal narin ng huli siyang nagpunta.

"Anong iniisip mo?" tanong ni Cameron habang ang tingin ay nasa daan.

"Wala naman. Nag e-enjoy lang ako sa dinadaanan natin." nakangiting sagot ni Quincy.

Tumigil ang sinasakyan nina Atticus at Xavia sa parking ng kanilang eskwelahan. Kunot na kunot ang noo ng binata ng hindi makita ang kotse ng magkakaibigan.

"Where are they?" nagtatakang tanong niya sa kasintahan.

"Atticus."

Sabay na napatingin ang dalawa sa di kalayuan ng marinig silang sigaw. Nagtatakbo ang coach nina Cameron papalapit sa kanila.

"What's the problem?"

"Nasaan ang kapatid mo?"

"Yun rin ang tanong ko."

"Guys." sabay na napatingin ang dalawa kay Xavia na hindi alam kung paano ngingiti sa kanila.

"What Boo?"

"Nagpaalam sakin si Dekdek na pupunta daw silang amusement park ngayon dahil wala naman daw silang

You are reading the story above: TeenFic.Net