◇ Chapter 3 "Déjà vu"

Background color
Font
Font size
Line height

༻✦༺

╔═══════════════╗

▪ALEXIA▪

Umatras ako palayo nang tuluyan itong maglakad papunta sa'kin.

The bright light from the moon is slowly revealing him, as the shadows of the tree are slowly leaving his body.

A tall and masculine guy.

He's wearing an all-black suit with a black necktie. He has a unique mix of fair and tan skin color. Not too white but not too tan either. His shoulders are wide and lean, and seeing that defined Adam's apple and long slender fingers made my jaw drop internally.

"Miss, do I know you?"

As I stared at his face, piercing eyes and a perfectly pointed nose greeted me. He has thin and pinkish lips while his fluffy black hair is brushed down making him look hella mysterious.

And oh, those eyes... how wonderful yet dangerous pair of eyes he has. Battling a stare with him is impossible for anyone to handle.

Never in my whole life have I seen a guy this beautiful.

"Do I have something in my face or what?"

Nabalik lang ako sa reyalidad nang magsalita ulit siya. That soothing and manly voice-- argh!

Calm down, Alexia. He's just a damn guy!

"Yeah actually, it's your ugly ass."

I tried to roast him.

I was expecting a butt-hurt expression but instead, he smirked even more.

"Oh really? You looked like you were mesmerized by me."

He confidently said. I broke our stare. 

"Excuse yourself, won't you? Ang taas naman ng tingin mo sa sarili mo! Tsk." Shit. I almost stuttered.

This is the first time in history that I get flustered over a freaking guy.

"If I'm wrong, why can't you look at me then?" He asked.

Aba, hinahamon niya ba ko?

I immediately looked at him as I saw his face again.

I stared at his eyes intently and he didn't hesitate to stare back. I walked towards him and kept three inches apart.

"Mr. Black Guy. Ako ba ay hinahamon mo?"

I asked him. He delicately raised his brow at me. "Am I not?"

We stared for about a minute.

Argh.

Huwag kang magpapakabog sa lalaking 'yan, Alexia! He has to know that you're a boss and a bitch, the kind of woman who is not easily impressed by a handsome-only guy.

Who knows baka wala pala siyang personality diba?

"Saan ang pakikitunguhan ng ating pagtititigan, Mr. Black Guy?" I asked him.

"Why? Are you giving up?" He asked back.

"Course not. Do you want me to show you how crazy I can be?" I closed the gap between us and smiled innocently. "We can stare at each other until the sunrise, you have to beg me to stop," I whispered my last words. He smirked.

"I'm shivering." He sarcastically said. That made me offended.

Hindi niya ba ko sineseryoso?!

"Am I a joke to you? Totoo ang sinasabi ko ha. I'm a queen and you don't know how crazy I can be!" I almost shouted.

He laughed, the kind of laugh that is judging me.

"That is the most self-absorbed line I've heard." He said, he still can't stop laughing. I'm so offended right now!

"Umalis ka na sa harap ko please?! Argh, nakakainis ka." I raised my voice.

"Missy, sa pagkakaalam ko ako ang nauna dito." He said. I just rolled my eyes.

"At wala akong pake. Now, get out of my sight." I commanded him.

"If I didn't?"

"I'm gonna kiss you."

Wait.

What did I just say?

Now I felt extreme embarrassment. Oh fuck, shit, shit. Hindi ko alam pero parang gusto ko nalang maglaho sa harap niya. 

Anong katangahan 'to, Alexia?!

"I dare you." He suddenly said.

And that made my cheeks hot.

Shit. This ain't going good. Gusto kong may lumipad na sapatos at sumapul 'yon mismo sa mukha niya tsaka ako tatakbo. Please, someone throw a shoe right now!

And the worst is, why am I blushing? Why am I overthinking right now? Why do I want to disappear in front of a guy? This feeling seems new to me.

"So where is the queen that I don't know how crazy she can be?" He teasingly asked.

"Alam mo, Mr. Black Guy? My lips are so precious that I reserve my first kiss for someone worthy enough. Now, why would I kiss you when I don't even know you?"

"You reserve your first kiss for someone worthy enough? Wow, hammer pala ni Thor 'yang labi mo." He teased. I gritted my teeth because of annoyance.

Worst part is na-gets ko yung reference niya!

"Buwisit ka, buwisit ka! Umalis ka nga sa harapan kong hayup ka!"

This time, he laughed loudly. "Mjolnir pala ang labi." He said.

"Alis! Buwisit ka talaga--"

"Alexia?"

Someone stopped me from talking.

Nanggagaling ang boses niyon sa likod ko.

Agad akong lumingon sa likod ko at lumingon din si Mr. Black Guy.

"Who is he?" Bumungad sa harapan ko si Mark.

Agad akong nagulat. Why is he in here? He is also wearing an all-black suit too, kagaya ng suot ni Mr. Black Guy.

Both pulled it out differently but somehow, this conceited ass I just met looked much better on it in my opinion.

Argh, what am I saying?

"Bakit ka nandito, Mark?" Nagtataka kong tanong.

"Same to you, Alexia. Why are you here? Who is he?" Tanong saakin ni Mark as he held my waist. It made me feel awkward for an unknown reason.

Mark gave Mr. Black Guy a judgemental look. "I just met him," I said the truth.

"What did he do to you?" He asked again.

Argh. Nakakainis naman, ang daming tanong. He made it seem like he is my boyfriend kung makatanong siya. Tsk! Eh wala nga kaming label.

"Dude you already cheated and you still care for her like a douchebag?" Mr. Black Guy suddenly said.

Oh my gosh. Anong pinagsasasabi ni Mr. Black Guy? Sa tingin niya ba umiyak ako kanina dahil may nag-cheat saakin?! Putangina.

"Cheated? Who cheated?" Mark seriously asked.

"I saw her crying earlier and she looks like she's heartbroken. You seemed to be the reason why."

I signaled this guy to shut the fuck up. Now, Mark's going to think I'm flirting with someone else! Argh!

"Really? Who hurt you?"

I was expecting a confused and mad reaction from Mark but instead, he asked me for reassurance.

"Wala! He's just bluffing like a fucker. Nagdadrama lang ako dahil nawala yung diamond bracelet ko. It cost million dollars kasi." Palusot ko.

"You cried like you lost a father." 

Mr. Black Guy whispered in the corner. Hindi ko masyadong naintindihan ang sinabi niya.

Mark ignored what he said and glanced at me. "Don't worry, baby. I'm gonna buy you that jewelry." Mark assured.

I don't need one. Pero hinayaan ko nalang siya sa gusto niya. Tumango nalang ako.

Lumingon si Mark kay Mr. Black Guy.

"Next time, don't assume as if you know everything." Mark said to him. Ngayon ko lang napansin na mas matangkad si Mr. Black Guy kaysa kay Mark.

This conceited ass smirked.

"I don't give a damn." He responded.

They battled a stare for a second. Mark has a serious expression while Mr. Black Guy is smirking like a boss. It was a heated stare.

They look dumb, to be honest.

Si Mark na ang unang pumutol ng pagtititigan nila. "So, let's go inside?" He asked me.

Hindi ko alam pero parang may pumipigil saaking sumama kay Mark.

Something's telling me na gusto ko pang makausap si Mr. Black Guy. Hell, I don't even know his name!

Wait. Why do I want to know his name? Ampangit pangit niya kaya! Ew. Ano bang nangyayari sa'kin?

"Sige." I said to Mark. I had no choice. Ayoko namang mag-mukhang uhaw kay Mr. Black Guy. Especially not infront of Mark.

Hinawakan na ni Mark ang kamay ko at dahan dahan kaming naglakad paalis.

Lumingon ako kay Mr. Black Guy and he's looking at me back. I rolled my eyes at him bago ko binawi ang tingin.

■ ■ ■ ■

Trigger warning. Read at your own risk.

"Alexia! Alexia!"

Dahan dahan akong bumangon sa aking pagkakatulog.

May narinig akong boses na tumatawag sa pangalan ko.

Lumingon ako sa paligid nang tuluyan kong minulat ang aking mga mata. Nasaan ako? Hindi ko alam ang lugar na 'to. Hindi ko din alam kung bakit nandito ako't natutulog.

"Alexia!"

Napalingon agad ako sa likod kung saan nanggagaling ang boses...

Si Dad 'yon!

"Dad?!"

Malakas kong tawag.

Hindi ako nagkakamali, kaboses na kaboses 'yon ng tatay ko.

Tuluyan akong tumayo sa pagkakaupo at naglakad pumunta sa kinaroroonan ng boses ni Dad.

"Dad! Nandito ako!" Sigaw ko. Tinawag ko siya nang tinawag.

Baka sakaling makita ko pa ulit si Dad, kahit sa huling pagkakataon.

"Alexia, anak..."

Napatigil ako sa pagsisisigaw nang makita ko si Dad sa harapan ko. Mismong katapat ko, at mismo kong nakikita ngayon.

Totoo ba ito? O isa nanamang panaginip?

"Anak, tulungan mo ko."

Nagulat ako sa sinabi ni Dad.

Agad akong naglakad papalapit sa kaniya pero umatras ito saakin palayo. Napatigil ako.

"Huwag kang lalapit saakin, Alexia. Diyan ka lang." Saad ni Dad.

"B-bakit po? Ayaw niyo ba kong mayakap? Ayaw niyo ba kong mahawakan?" Mangiyak ngiyak na tanong ko.

"Lagi tayong nagkikita sa iba't ibang lugar, Dad. Hindi ko din mapaliwanag kung isa nanaman 'tong panaginip. Pero lagi mo akong tinutulak palayo. Tila bang ayaw mo akong hagkan bilang iyong anak." Saad ko at saka tumulo ang aking mga luha.

"Alexia, may sasabihin ako sayo. At kailangan mong makinig nang mabuti." Bilin ni Dad saakin ng mabuti. Pinunasan ko ang aking mga luha.

"Hindi ako ang ama mo, Alexia. At hindi din ikaw ang anak ko. Iyon ang rason kung bakit ayaw kitang palapitin sa'kin..."

Nagulat ako sa aking narinig.

Ano ba itong pinagsasasabi ni Dad?

"D-dad, ano bang sinasabi mo--"

"Pero hindi lang 'yon ang rason kung bakit ayaw kitang hagkan..." Pagputol saakin ni Dad. "Bawal kitang hawakan o lapitan dahil may nag-mamanman dito." Dagdag pa niya.

Agad akong naguluhan.

"Kaya humihingi ako ng tulong sayo, anak. Tulungan mo kong makalabas dito sa lugar na 'to. At ikaw... kailangan mong manatili dito. Pakiusap." Pag-mamakaawa niya.

"Hinding hindi kita iiwan dito at bakit ko naman gagawin 'yon? Sino ba ang nag-mamanman sa'tin? Gusto ko siyang makaharap." Sunod sunod kong tanong.

"Hindi mo siya kaya, Alexia. Higit na mas malakas ito kaysa sa'kin at lalo na sayo. Gawin mo nalang ang sinasabi ko, anak."

Gulong gulo pa din ang isipan ko.

Hindi ko mawari ang nagaganap ngayon. Bakit naman ako lalayo kay Dad? Kay tagal ko siyang hindi nakita at ngayong nagkita na kami, pinapakiusapan niya kong lumayo sa kaniya.

"Duke Laurel! Nasaan ka na! Ipakita mo sa'kin ang anak ko!"

Isang galit na galit na boses ng lalaki ang narinig namin mula sa malayo.

Nakita kong agad na naalarma si Dad kaya kinabahan din ako.

"Umalis ka na, Alexia! Iwan mo na ko dito, ako na ang haharap sa kaniya. Basta lumayo ka nalang dito."

"'Yan ang hinding hindi ko gagawin! Nasaan na ba ang lalaking 'yon? Harapin natin at labanan nang magkasama--"

"Hindi natin kaya ang tatay mo! Umalis ka na pakiusap!" Sumigaw si Dad.

"Tatay ko? Hindi ko siya tatay! Ikaw ang tatay ko!" Turo ko sa kaniya habang humahagulgol.

Hinawakan ni Dad ang magkabila kong mga braso habang naiyak din. "Gawin mo ito alang alang sa'kin, sayo, at sa nanay mo. Gawin mo ito para sa pamilya natin anak..." Humagulgol na din si Dad kaya mas lalo akong naiyak.

"S-sumama ka na sa kaniya. Sumama ka na sa tunay mong pamilya."

Agad akong nalungkot sa naisip.

Naiisip ko tuloy kung tunay ba kong mahal ni Dad dahil hindi niya ako pagtutulakan nang ganito.

"Hindi ako sasama. Sabihin na nating malakas yung lalaking 'yon pero handa akong kalabanin siya hanggang mamatay pa ko!" Sigaw ko.

"Ganiyan kita pinalaki, natutuwa akong lumaki kang isang matapang, anak. Pero iba ang sitwasyon natin ngayon. Buhay nating dalawa ang nakasalalay dito."

Pero, diba patay na si Dad?

Bakit umaasta itong parang buhay pa siya? Gusto ko mang paniwalaan pero naguguluhan na talaga ang isip ko. Maraming tanong na hindi masagot sagot.

"Paalam, Alexia."

Nabalik ako sa reyalidad nang magsalita ulit si Dad.

Paalam?

"Minsan ka na ding nagpaalam sa'kin, Dad. Iyon nga lang ay hindi mo ito nasabi dati, kundi naglaho ka nalang. Nawala ka nalang nang hindi pa ko handa."

Napapiyok ako. At saka umagos ang luha ko.

Naguguluhan ang ekspresyon niya. Parang hindi nito alam ang nangyari sa kaniya.

"Kaya huwag mong asahan na aalis ako sa tabi mo. Nahanap na kita, nakikita na kita ngayon. Kaya huwag mong ipagkait sa'kin ang pagkakataon na 'to."

Umiyak na din si Dad at dahan dahang ngumiti. "Hindi ko alam kung anong sinasabi mo, anak. Parang ito na ang huli nating pagkikita kung makasalita ka." Saad niya.

Dahan dahang pinunas ni Dad ang mga luha sa aking pisngi, kaya ngumiti ako ng sinsero.

Kay tagal kong inasam na muli siyang makapiling at hindi ako makapaniwalang nararamdaman ko na ang mga haplos ng aking ama ngayon.

Sa gitna ng nangyayari ngayon, may isang tahanan ang aking sinasandalan.

Kaya lahat ng takot na nararamdaman ko ngayon ay agad napawi,

Nang maramdaman ko ulit ang pagmamahal ng aking ama.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

"Sa wakas, nahanap din kita."

"Ah!"

Agad bumilog ang mga mata ko sa aking nakita.

"A-alexia..."

Nanghihinang saad ni Dad.

Nahulog ang mga palad nito na nasa pisngi ko at nawalan ng balanse, kaya agad ko itong sinalo. Doon ko lamang nakita ang mga dugo sa kamay ko...

"Dad!"

Lahat ng bigat ni Dad ay nahulog sa akin kaya sinubukan ko ang makakaya ko para hindi siya mahulog sa sahig.

Tsaka ko nakita ang sugat ni Dad, hindi, isang malalim na taga sa kaniyang dibdib! Napasigaw ako sa gulat.

"Dad! Gumising ka!"

Naiiyak kong sabi dahil pumipikit na ito at namumutla.

Hindi. Hindi ko hahayaang mangyari ito ulit. Hindi!

"Dad, please! Gumising ka!"

Paulit ulit kong sambit. Isang pamilyar na hapdi sa aking dibdib ang aking nararamdaman.

Hindi na din kinaya ng katawan ko at agad bumagsak ang aking mga tuhod habang hawak hawak si Dad. Wala na itong malay.

Agad kong tiningnan ang lalaking gumawa nito sa Dad ko. Isa siyang matipunong lalaki na mukhang kaidaran lang ng tatay ko, lahat ng suot niya ay itim.

Ngunit malabo ang mukha nito. Sobrang labo na hindi ko makita kung sino siya.

Lumingon ulit ako kay Dad at humagulgol nang malakas.

"Dad! Please!" Malakas kong sigaw habang niyayakap ang katawan nito.

Sigaw nang sigaw kahit mawalan pa ng boses, dahil baka sakaling magising pa ito.

Pait at pighati ang tanging nakikita nang aking mga mata.

"Dad!!"

"DADDDD!!!"

"Alexia! Alexia! Gumising ka!"

Agad akong napabalikwas at nagising.

Nandito ako ngayon sa kuwarto ko.

Nakahiga sa aking kama at may bahid ng mga luha saaking magkabilang pisngi.

"M-ma'am Alexia! Anong pong nangyari sa inyo?"

Nag-aalalang sigaw ni Manang Criselda sa tabi ko.

Anong nangyari sa'kin?

Teka, kanina lang ay na sa mga braso ko pa si Dad, may saksak siya sa kaniyang dibdib at... m-may sumaksak sa kaniya! Isang lalaking hindi ko kilala.

Panaginip ba ulit 'yon? 

Parang totoong totoo iyon. Tumingin ako kay Manang Criselda na mukhang kanina pa nag-aalala.

■ ■ ■ ■

"Patawad, Alexia, kung pumasok ako sa kuwarto niyo nang walang paalam. Nandoon lang ako para maglinis nung marinig kong may sinasabi kayo sa pagtulog niyo.

Umiiyak din ho kayo, parang may napaniginipan kayong masama sa oras na iyon. 'Nong huli ay nagpawis na kayo nang husto at sumigaw nang sumigaw."

Pagpapaliwanag saakin ni Manang.

Nilunok ko ang kinakain ko at saka uminom ng tubig mula sa baso.

Nakaligo't nakabihis na ko.

Habang kumakain ay iniisip ko pa din ang panaginip na 'yon. Habang patagal ay unti-unti ko na ding nalilimutan ang bawat detalye.

"That's nothing, Manang Criselda. Kalimutan niyo na ang nangyari kanina," Saad ko dito. "Nasaan si Mom?"

Nag-aalinlangan kong tanong.

"Kakauwi lang po ni Madam Cynthia kaninang alas-tres at hindi rin nagtagal at umalis ulit siya. Sadyang babad na babad talaga sa trabaho ang iyong ina...

Kaya sana huwag mo na siyang awayin at ipag-tabuyan lagi."

Agad kong hinigpitan ang hawak sa tinidor ko.

Siya naman ang may gusto niyan. Gusto niyang mag-babad sa trabaho lagi. Simula pagkabata ko't hanggang ngayon 'yan pa din ang inuuna niya. Kaysa sa'kin.

Tulad nalang kanina, nung mga sandaling binabangungot ako at halos hindi na makagising, nasaan siya? Ni minsan ay wala siya sa'king tabi.

Hindi ko nga alam kung kahit ang paborito kong pagkain ay naalala niya pa din. Kaya ngayon niya ako bigyan ng magandang rason para hindi siya ipagtabuyan at kamuhian.

"Bakit parang ibang luto 'to? Nag-order ba kayo or what?"

I coldly asked at sumubo ulit ng sinigang na hipon.

Nakita ko sa peripheral vision ko na dahan dahang ngumiti si Manang Criselda.

At bakit naman siya nangiti?

"Alam mo ba, Alexia? Pagkauwi't pagkauwi ng iyon ina, agad itong nagsuot ng apron at tumungo ng kusina. Nagluto siya ng napakaraming putahe at nakatitiyak akong mga paborito mong pagkain ang niluto niya..."

Hinawakan nito ang kanan kong balikat. Agad akong napatingin sa buong lamesa sa sinabi niya.

Sinigang na Hipon, Adobong Manok, Chicken Curry, Pritong isda at marami pang iba. Iyon ang mga paborito kong ulam.

Kaya pala iba ang lasa ng mga nakakain ko ngayon.

It tastes like... home.

A home I never experienced again after our family fell apart.

Binitawan ko ang kutsara't tinidor ko.

"Tinanong ko si Madam Cynthia kung para saan ang mga niluluto niya. Ang sabi niya ay gusto niyang humingi ng tawad sayo dahil sa away niyo kahapon.

Kaya Alexia, sa tingin ko naman ay hindi masama ang 'yong ina gaya nang iniisip mo. Bigyan mo pa siya ng pagkakataon, hija."

Nginitian niya ko sabay pag-himas sa aking braso. Kaya napaisip ako.

Bigyan siya ng pagkakataon? Pero nag-cheat siya kay Dad, sa amin, at talagang sa araw pa 'yon mismo ng kamatayan ni Dad. Anong maipapaliwanag niya doon?

Pilit ko mang patawarin siya, pero sa tuwing naalala ko ang ginawa niyang 'yon ay nadudurog ang puso ko't nagagalit ulit.

"Hindi ko siya kayang pagbigyan ulit. Kagaya na lamang ng tawag ko sayo, Manang. Isa ka lang katulong dito sa pamamahay na 'to. Huwag kang lalagpas sa linya mo."

Matigas kong saad sa kaniya.

Nawala ang ngiti ni Manang Criselda at binawi ang kamay niyang nakapatong sa braso ko.

Bumuntong hininga ito. "Ayos lang na ipagtulakan mo ako, Alexia. Masaya akong nakapaglingkod sayo simula pa nung pagkabata mo." Saad nito.

Hindi pa din ako natingin sa kaniya at nanatili akong

You are reading the story above: TeenFic.Net