Kiss Series Finale (#2)

Background color
Font
Font size
Line height

(NARRATION MODE)

ABALA ang lahat sa pag-aayos dahil sa paparating na okasyon mamayang gabi samantala ang ilang kasapi ng Cosa Nostra ay naghahanda na din, malayo ang mga bahay nila sa kung saan ang venue ng nasabing reunion at anibersaryo.

"Who's excited to the party?" Masayang tanong ni Ella sa mga anak niya, malawak ang ngiti ni Dominus pati na rin si Carlos habang nilalaro ang mga tubig sa bathtub.

"Me!"

"Me!"

Mahinang tumawa si Ella dahil sa narinig.

"Momi, can you just get out? naliligo po kami." Reklamo ni Carlos dahil nakaupo ang mommy nila sa maliit na upuan habang binbantayan sila na naliligo, tumaas ang isang kilay ni Ella dahil sa narinig.

"Why? tutulongan ko lang naman kayo." Akmang lalapit siya ngunit kaagad na umatras ang dalawang lalaki, she pouted and Dominic out side the door chuckled.

"Cara mia, malaki na ang mga 'yan. Hindi mo na kailangang paligoan." Natatawang sabi ni Dominic mula sa labas ng pinto, Ella rolled her eyes.

Yeah, she get it. Malalaki na nga ang dalawa nilang anak, Carlos is now fourteen and Dominus is now eight.

"Okay, fine. You three win over me." She said and stood up quickly, nang lumabas sila sa loob ng banyo ay kaagad na naman nilang narinig ang mga reklamo ni Dominus dahil tinatapunan siya ng tubig ni Carlos sa mukha.

"I just missed that two, ilang buwan din akong nasa Pinas dahil sa importanteng fashion show na sponsored ng branch dito sa Milan at isang linggo palang dito." Sabi ni Ella at umupo sa coach, huminga ng malalim si Dominic sabay halik sa kanyang noo na nagpagaan ng kanyang puso. 

"Me too, I missed you so much." Ani Dominic, pinagsalikop niya ang kanilang mga daliri bago giniya patayo para tumungo sa kusina.

Maaga pa ngayon ang alis nila patungo sa Pinas dahil halos labing anim o buong araw talaga ang byahe pabalik gamit ang private plane ng asawa, mukhang mapapagod talaga sila.

As they are walking through the kitchen, Ella can't help but smile widely as she heard a little giggle of a kid. Naunang pumasok si Ella na may malawak na ngiti sa labi, natagpuan nila ang siyam na buwan nilang anak na babae.

Tumatawa ng mahina habang kinukulit ng katulong, sumisimsim sa gatas nito habang pumapalakpak. " "Danica..mama." Biglang ngumuso ang bata nang makita ang kanyang ina, she opened her arms and pouted like she really missed her mother.

"Hello, little angel." Bati ng mag-asawa, yumuko ang mga katulong. Kinuha ni Ella ang bottled milk ni Danica dahil kaaga na umayaw ang sanggol sa gatas nang makita siya, she smiled and kissed her forehead.

"Danica dada." Bati niya naman sa kanyang ama, mahinang tumawa si Dominic at hinalikan ang pisngi ng kanilang prinsesa.

"Do have any idea how beautiful are you, hmm? baby?" Humagikgik ang bata nang halik-halikan ni Dominic ang leeg nito at pinanggigilan ang mataba niyang pisngi, kagaya rin ito ng kuya Dominus niya dati na tulo laway at mataba.

Pero kung kamukha naman ni Dominic si Dominus, ngayon naman ay kamukhang kamukha ni Ella ang bunso nilang anak.

"Danica wood?" Bulol na tanong ng bata sakanila, ang g nito ay nagigong w minsan tsaka sinasambit niya parati ang kanyang pangalan bago ang gusto niyang sabihin.

"Yes, baby. You're so good." Sagot ni Ella bago umupo para kumain na tsaka sinusubuan ang anak ng mga malalambot at manipis na pagkain na makakaya nito, rinig naman nila mula sa sala ang maiingay na boses ng dalawang lalaking anak nakakatapos lang maligo.

"Mommy! Daddy!" Sabay na bati ng dalawa pagkatapos tumakbo at yakapin ang mga magulang nila.


PUMASOK sila sa private plane ni Dominic, buhat-buhat ni Ella ang bunsong anak habang si Dominic naman ay binbantayan sa harapan niya ang dalawang makukulit na batang lalaki.

Naglalaro ang mga ito, dala pa ang mga laruan nilang baril. "Okay, that's enough, boys." Saway ni Dominic pero hindi nakinig ang dalawang lalaki, bagkos tumakbo pa ang mga ito sa loob habang naghahabolan.

"Run, kuya! my gun will kill you." Humalakhak pa si Dominus na may kung anong ngisi sa labi habang hinahabol ang kuya niya, si Danica naman ay tumatawa at nakaclose open ang mga kamay na pinapanood ang mga kuya niya.

"Danica play?" Nakanguso na sabi ng bata sa kanyang ina, kaagad na umiling si Ella at sinabi kay Dominic na patigilin ang dalawa.

"No, baby. Hindi ka puwede sa ganyan."

"Hey! stop that, boys." Kaagad na tumahimik at tumigil ang dalawa nang marinig ang sinabi ng kanilang ama, sabay silang umupo sa upuan ngunit naghahampasan pa rin ng mahina.

"Gosh, I don't know what to do with that two. Aaminin ko na makulit kami nila Camila at Carina dati pero hindi katulad nila na subra na." Sabay upo ni Dominic pero tinirik lang ni Ella ang kanyang mga mata, ilang minuto pa habang nasa byahe sila ay nakatulog na ang mga bata kasama ang nanny nila.

Tumayo si Ella at pumasok sa isang hindi gaano malawak na silid sa loob, may kuna do'n kaya naman hiniga niya ang anak kasabay din ng pagpasok nila Carlos at Dominus na inaantok at binagsak ang mga katawan sa kama.

"Ako na po ang bahala sa mga bata, madam." Bati ni Aling Jelly, Pinoy na katulong nila sa mansyon.

"Okay, thank you." Lumabas siya mula sa silid at tumungo sa upuan niya, mabuti nalang dahil may lamesa ang ilang harapan ng upuan dahilan para makapagtrabaho rin siya.

Gumuguhit ng disenyo ay binabase sa email ng kliyente niya, ilang minutong gano'n lang ang ginagawa ni Ella hanggang sa narinig niya ang tikhim ni Dominic mula sa gilid niya.

"Hi there, mio caro." Malambing niyang bati para hindi na magreklamo si Dominic na puro siya trabaho, humagok naman ang lalaki at tumabi sa kanya.

"Kakatapos mo lang ng isang project at ngayon ay 'yan na naman ang ginagawa mo ngayon, sa gabi nalang ba talaga ang pahinga mo?"

"Yep, at tsaka wala naman akong magagawa. Ako ang gustong magdesign ni Mrs. Valish na asawa ng isang malaking negosyante sa Italy, matatapos ko rin 'to mamaya." Sabay kulay ni Ella, napaisip si Dominic na kaya pala panay tanong ng asawa ni Mr. Valish sa meeting nila kung avilable ba at kung nasa Italy si Ella.

Masaya naman si Dominic para sa asawa pero minsan ay nag-aalala na siya dahil minsan lang ang pahinga ni Ella, marami ang personal schedules nito.

Minsan na nga lang ang time nilang dalawa sa isa't isa dahil kahit siya ay busy din dahil sa mga kompanya niya, and holy shit! they can't even make love. It's been one year, gusto na at hindi makapaghintay si Dominic na gawin ang bagay na iyon ulit kasama ang mahal niyang asawa pero pagod naman silang dalawa sa gabi at natutulog kaagad dahil sa trabaho at gawain bilang mga magulang.

Napansin naman ni Ella ang asawa na natahimik lang sa tabi niya, she stopped and chuckled. Inangat niya ang mukha at kaagad na hinalikan ang pisngi nito, agad naman napakurap ang lalaki.

"Don't be sad, pangako pagnatapos ko ito ay mag-se-set ako ng vacation ko ng dalawang buwan. How's that, mio caro?" Masuyong tanong ni Ella, gumuhit ang ngisi sa labi ni Dominic at tumingin sakanya.

"Sounds great and I'm looking forward to it."


GABI NA, nakarating na rin sila sa Maynila at sa bahay nila. Naghahanda silang lahat dahil sa pupuntahang okasyon, ang mga bata naman ay humihiyaw na dahil sa subrang excited.

"I can't wait to play with them!" Masayang sabi ni Dominus habang inaayos ang kanyang pormal na suot, nakatuksedo sila ni Carlos na kulay itim katulad ng ama nila.

Habang si Ella naman ay nakasimpleng gown lang pati rin si Danica ay nakadress na kulay pula, masaya silang lahat na lumabas sa bahay para sumakay sa sasakyan nila.

"Magandang gabi." Bati ng driver, ngiti at tango ang sagot nilang lahat bago tumungo sa venue.

Sa isang five star hotel ang venue, ang mga taga Cosa Nostra lang ang nasa loob dahil nakaexclusive sakanilang lahat ang hotel.

Mula sa entrance ay may mga litratista na, mahinang tumawa ang mag-asawa nang kumaway sina Carlos at Dominus pero hindi man lang gumawang ngumiti sa mga photographer.

"Momi! sina Hudson oh!" Turo ni Dominus at nakita nila sina Zion at Zahava na bagong pasok lang din pala kasama ang mga anak nila.

Masayang lumapit sa isa't isa ang mga bata at nagyakapan, binati rin nila ang mga magulang nito.

"Welcome to the party!" Hiyaw ni Catrien nang pumasok sila, marami na ang mga tao sa loob at maingay ang paligid dahil sa background music.

"Good evening, Catty." Sabay nilang bati dito.

"Ready?" Naagaw ng mga tingin ni Ella ang boses ni Dominic mula sa likod niya, she smiled and nodded her head.

"Always, mio caro." Pinagsalikop nila ang mga daliri sa isa't isa at nakipag-interact sa mga kakilala, this gonna be a long night but honestly its fun and they will have their solo night moment later that Dominic is what looking forward about.


You are reading the story above: TeenFic.Net