PROLOGUE

Background color
Font
Font size
Line height

I'm on my way to St. Robert University where I will spend my 10 months to study. Marami-rami na rin akong nakikitang mga estudyante na kanya-kanyang pumupunta sa kanilang mga classrooms, gaya ko. Yung iba naman parang ayaw pang pumasok marahil tinatamad pa. Kung ako tatanungin, tinatamad din ako pero mas nangingibabaw ang excitement sa loob ko dahil...

Panibagong araw, panibagong crush na naman. Olrayt!!!

Tuluyan ko ng nakita ang magiging room ko at hindi na ako magtataka nang makita kong kaunti pa lang kami. Ano pa bang ie-expect ko? Wala ng bago. Halos 6 years na rin akong nag-aaral dito kaya nasanay na ako. Some of my classmates are familiar to me because some of them became my classmates.

Napangiti ako ng wala sa oras nang makita ko yung kaibigan kong nakaupo sa last row, kaya agad akong naglakad papunta sa kanya. Namiss ko 'tong bruha na 'to!

"Hoy, bruha! Kumusta? 'Di pa rin ako makapaniwalang grade 10 na tayo ngayon. Kalokaaa!" agad na sabi ni Claire sa akin at nagflipped hair pa.

"Okay lang. Mas hindi kapani-paniwalang magm-moving up tayo at grade 11 na next school year, noh!" natatawang sabi ko naman sa kanya at umupo sa tabi niya.

"Taray excited lang, girl? Grade 11 agad? Tanungin mo muna kung magm-moving up tayo." natatawang sabi naman niya at nakitawa na rin ako.

As of now marami-rami na rin kami rito. Nandito na rin yung adviser namin, hinihintay na lang siguro namin yung iba bago mag simula. Tinignan ko naman yung mga magiging kaklase ko for this school year, sabi ko nga kanina yung iba familiar na sa akin at pati na rin ugali nila. Kahit saan mo naman tignan meron at merong estudyante na malala yung ugali, hindi na maaalis yon sa isang paaralan. Sa 6 years na nandito ako, natutunan kong kumaibigan ng totoo yung kahit na anong estado pa ng pamumuhay nila basta ba totoo siya sa sarili niya at sa kaibigan niya, okay sa akin yon pero mukhang bilang na lang yata yung gano'ng tao rito sa school na 'to. Karamihan kasi rito may kanya-kanyang mundo na, kanya-kanyang grupo, kanya-kanyang tropa. Syempre mahirap makisama sa mga grupong hindi ka belong tsaka bakit mo naman ipagsisiksikan sarili mo sa kanila kung pwede ka naman gumawa ng grupo o kaya kahit kaunting kaibigan basta totoo.

Naramdaman kong may kumalabit sa akin kaya nilingon ko kung sino. Si Claire lang pala na nakatingin at nakaturo sa pinto kaya tinignan ko kung anong meron.

"Wag mong sabihing kaklase natin siya? 'Di ba yan yung may kambal na magaling kumanta at may banda?" gulat na tanong ni Claire sa akin.

Tumango na lamang ako sa kanya dahil hindi ko maalis yung tingin ko sa bagong papasok na kaklase namin. Kaklase namin siya? For real? Ngayon lang kasi ako nagkaroon ng kaklaseng sikat, may banda kasi sila ng kambal niya at sikat 'yon dito sa school, kaya hindi ako makapaniwala.

"Okay class, let's start your first day being grade 10 students." nakangiting sabi ng adviser namin. Hindi ko namalayan na time na pala at simula na ng klase. Umupo ako ng maayos at nakinig, ganoon rin si Claire.

"Alam ko at alam niyo na rin kung ano ba ang dapat gawin kapag first day sa klase, hindi ba?" panimula ng adviser namin, "syempre walang katapusang introduce yourself." natatawang dugtong pa niya at sinabayan ng hiyawan ng mga kaklase ko. Jusko! Eto na nga ba! Kinakabahan na ako. Walang katapusang intro, jusme! Ba't ba kasi magpapakilala pa kung kilala na namin halos lahat ang isa't isa.

"You introduce yourself here in front. Boys first and followed by girls. I'll give you 5 minutes then we'll start." saad ng adviser namin. Ako naman nag-isip na ng sasabihin. Wala naman sinabing mahaba ang intro kaya name, age, at nickname na lang sasabihin ko.

5 minutes had past then nag start na yung introduction. Nakikinig lang ako sa taong nagsasalita sa harap, yung iba may pagkapilyo kaya napupuno ng tawa ang loob ng classroom namin. In fairness, ang gwapo ng mga kaklase kong lalaki. Kakilig!

"Hello, mga kapatid! I'm Harry Elton Denorilla, Harry for short. 16 years old. Alam kong alam niyo na may banda kami ng kambal kong si Harris so, 'yun support na lang mga kapatid! And let's be friends." natatawang sabi ni Harry. Opo, siya yung kaninang sinasabi ni Claire. Grabe! Bakit ang gwapo niya? Kainis!

Marami pang nag-intro at hinihintay ko na lang yung turn ko. Tignan mo nga naman, miski yung mga babae kong kaklase halos lahat magaganda. Mapapa-sana all ka na lang talaga.

"Hello vlog, welcome to my guys!!! HAHAHA char! Hello, everyone. My name is Mitchie De Leon. You can call me Mitch or Chie. I'm 17. Soon, I will create my yt channel so, support me my Chichiz. Thank you!!!" nakakatawang intro ni Mitch, alam ko new student siya here in SRU. Ang jolly niya lang tapos ang tangkad pa. Ang cutie!

"Hi guys! I'm Monica Philia. 16 years of age. Please vote me for Vice President. Thank you!" ngiting sabi naman ni Monica. Kung hindi ako nagkakamali, singer din 'to. Mukhang araw-araw may concert dito sa room namin ah. Astig! Can't wait.

"Hi, I'm Claire Ramirez. 16. Ang masasabi ko lang, mag tulungan sana tayo as family." ngiting sabi naman ni Claire. Taray ni ate mo girl! Para sure ball na makakapagmoving up. Iba rin!

"Hoy! Anong ningingiti mo riyan? Ikaw na po ang next. Lutang lang, girl?" sabi ni Claire pagkabalik niya sa upuan.

'Di ko namalayan na ako na pala ang sunod. Tae! Ba't ba ako kinakaban? Relax lang, inhale exhale. Let's get it, Ciam!!!
ᕙ(  • ‿ •  )ᕗ

¥ ¥ ¥

You are reading the story above: TeenFic.Net