CHAPTER 2: GROUPINGS

Background color
Font
Font size
Line height

Days have passed and today is July. Wala naman masyadong nangyari nitong mga nakaraang araw. Hindi naman kami perpektong estudyante kaya minsan napapagalitan din kami ng teachers namin paano kasi ang gugulo ng mga kaklase ko, normal naman 'yon pero parang sumobra naman yata sila kasi pati adviser namin naiistress na rin dahil lang sa amin.

Kasalukuyang nagd-discuss yung Filipino Teacher namin about course outline or topics for 1st quarter to 4th quarter, kaya todo kinig kami sa teacher namin dahil medyo istrikta siya, ba't kaya ganon basta Filipino Teacher matatapang.

"Ngayon, gagawa tayo ng grupo niyo para sa unang markahan. 1 to 8 ang bilang. Simulan mo mag bilang, Andallio." huling sinabi ni Ma'am Lugpitan bago magsimula magbilang si Andallio. Ngunit bago makapagsalita si Andallio nagsalita ulit si Ma'am kaya nagtawanan na naman kami.

"Teka, 1 to 8 lang ha?! 1 to 8! Sige simulan mo." dagdag na sabi ni Ma'am bago magsimula yung bilang.

Syempre sabi ko nga hindi kami perpekto, meron talaga kaming kaklase na hindi namin alam kung lutang lang ba siya o ano dahil nagsabi ng nine eh hanggang eight lang naman yung ginagawang grupo. Si Ma'am naman hindi mo malaman kung naiinis o natatawa dahil kapag merong nagkakamali nauuwi sa kantyawan, sinasabi niya na lang, "hanggang eight lang! Ilang ulit ko bang sasabihin?! Bilisan niyo ayusin niyo yan."

After 5 minutes natapos din ang pagbibilang. Kaya sabi ni Ma'am pag tinawag niya raw yung group number tatayo raw kami para malaman kung sino magkakagrupo.

"Tayo, pangkat isa." sabi ni Ma'am kaya agad akong tumayo nang marinig ko yung bilang kung saan ako gu-grupo. Ganoon na lang ang gulat ko nang tumayo rin si Harry mula sa upuan niya. The hell! Kagrupo ko siya?! Jusko naman lord ba't mo ako pinapakilig ng ganito 'di ko keri!

"Denorilla, ikaw ang leader ilista mo mamaya yung mga pangalan ng kagrupo mo sa isang 1/2 index card, bumuo na rin kayo ng bilog dito at magsama-sama na kayo." sabi ni Ma'am kaya pumunta kami sa unahan kung saan kami gagawa ng bilog at para isulat sa index card lahat ng names ng kagrupo namin.

"Gagi! Ba't ako pa yung leader?" agad na sabi ni Harry nang makaupo kami sa upuan. Kaya kaming magkagrupo walang ibang ginawa kung hindi matawa sa sinabi niya.

"Sinasabi ko sa inyo asahan niyong wala kayong maaasahan sa'kin." natatawang sabi ulit ni Harry kaya nagtawanan ulit kami. Joker din pala 'to!

"Hayaan mo na, nandyan naman si Ciam para tulungan tayo diba, Ciam?" tanong naman ng isa naming kagrupo, kung hindi ako nagkakamali Kyle yata pangalan nito. Nagulat naman ako sa sinabi niya kaya hindi ako agad nakapagsalita. Nakita ko pang tumingin sa akin si Harry nang sabihin yon ni Kyle. Kaya binaling ko ang tingin kay Harry. Nagulat ako nang maglahad siya ng kamay.

"Hello, Harry nga pala. Pasensya ka na pero pwede bang ikaw na lang magsulat ng names natin sa index? Pangit kasi sulat ko tsaka tutal naman ikaw makakatulong ko rito." nahihiyang nakangiting sabi sa'kin ni Harry. Bakit ang cute niya tignan sa part na yan? Nakakainis!

Hindi agad ako nakasagot nakita ko na lang siyang kumukuha ng ballpen at index card at kaagad niyang ibinigay sa akin 'yon. Wala naman akong nagawa kaya kinuha ko na lang.

"Eto oh, leader muna." sabi ni Harry sabay pakita ng I.D niya. Sinulat ko naman full name niya sa index at hindi ko maiwasang tumingin sa I.D picture niya. Ang gwapo niya talaga, kainis! Sinulat ko na rin yung names ng ibang member. Pagtapos kong magsulat ibibigay ko na sana kay Harry yung index ngunit nagulat ako nang kunin niya mismo sa akin yung index card kaya 'di sinasadyang magdikit yung kamay naming dalawa.

Hiling ko lang na sana hindi namumula yung mukha ko dahil kung oo, nakakahiya!

"Ah! Ako na magbibigay kay Ma'am, Ciam. Salamat nga pala." ngiti at may pagkamot pa sa ulo niyang sabi sa akin siguro nahihiya siya dahil ako pa ang nagsulat. Nang makuha niya na yung index card sa akin ibinigay niya na 'yon kay Ma'am at tsaka bumalik na ulit siya sa pwesto namin. Last subject namin ang Filipino kaya uwian na namin pagtapos.

Magt-time nang pabalikin na kami sa mga upuan namin. Inayos ko naman yung mga gamit ko dahil dinismissed na kami ni Ma'am. Nakita ko rin sina Claire at Mitchie na nag-aayos na rin ng gamit.

"Hoy, girl! Alam mo na ba? Parang may something kay Harry at Monica." agad na sabi sa akin ni Claire pagkatapos namin mag-ayos ng gamit.

"Ha? Anong something?" curious na tanong ko sa kanya.

"Hay nako! Hayaan mo na, sana mali ang kutob kong nililigawan ni Harry si Monica." sabi naman niya na ikinagulat ko.

"Sus! 'Di na yan imposible pustahan tayo, ano?" gatong naman ni Mitchie.

Si Harry nililigawan si Monica? Hindi na dapat ako magulat dahil posible naman talagang mangyari 'yon. Hindi ko rin maiwasang manlumo sa nalaman ko.

Uwian na't lahat pero si Harry at Monica pa rin ang nasa isip ko. Kung posibleng nililigawan nga ni Harry si Monica posible ring maging sila. Haays, ano na? Parang ang bilis naman yata.
ಥ╭╮ಥ

¥ ¥ ¥
Song recommendation for this chapter 📣🎶

Running On My Mind by Ali Gatie

I knew Ali Gatie because of his trending song on tiktok entitled "What If I Told You That I Love You" then I search for that song and nagandahan ako kaya yung mga iba pa niyang kanta pinakinggan ko na rin and then this song is one of my favorite. Please listen to this song and to his other songs uploaded on his yt channel. Thank you, mga lodi~ Enjoy reading!

You are reading the story above: TeenFic.Net