CHAPTER 1: FIRST DAY

Background color
Font
Font size
Line height

Tumayo na ako para pumunta sa harap. Nakita ko naman yung tinginan sa akin ng mga kaklase ko. Teka mag-iintro lang naman ako ba't parang kakainin na nila ako? Mga tinginan akala mo mangangain. Tuluyan na akong nasa harap at nakita ko silang hinihintay na magsalita ako. Kaya wala na akong choice kun'di magsalita na dahil kailangan.

"Hello, I'm Janine Sizon. 16. You can call me Jan, Ciam, or whatever you want basta yung hindi nakakabastos. Please be good to me not just only to me but to others also. Matanda na tayo, I mean hindi literal na matanda pero alam na natin yung tama at mali. 'Yun lang share ko lang din." nahihiya na may pagkamot pa sa ulo kong sabi sa harap. Lahat sila nakatingin lang sa akin na para bang may sinabi akong mali o ano. Nakita ko yung adviser ko na nakangiting naka tingin sa akin marahil nagustuhan niya yung sinabi ko kaya ngumiti rin ako pabalik.

Bumalik na ako sa upuan pero hindi rin naka ligtas sa paningin ko si Harry na nakatingin sa akin hanggang ngayon. Simula pa nung pag tayo ko sa upuan nakatingin na siya sa akin. So, anong ibig sabihin no'n? Ngayon lang ba siya nakakita ng dyosa? Char! 'Wag kang tumingin sa akin, kinikilig ako! Baka gano'n talaga siya. Atleast diba, may respeto siya at nakikinig siya sa taong nagsasalita sa harap o kaya naman baka interesado talaga siya sa akin? Nako ha! Turn on, Harry Elton!

We spend the rest of our time to select our officers and yes, vice president si Monica. Yung president naman namin is napagtripan lang ng mga boys, mga siraulo talaga and the rest deserve naman nila yung position. Sinabi na rin sa amin kung sino magiging teacher namin sa bawat subject. Ewan ko ba pero kanina pa ako hindi mapakali. Ginugulo ni Harry ang isip ko. Ba't ba napakagwapo ng isang 'to? Kainis! Hanggang sa nag-uwian na kami si Harry pa rin laman ng isip ko.

FAST FORWARD ⏩

Ilang araw na rin ang nakalipas simula nung unang araw ng klase. Nagsisimula na rin kaming magdiscuss ng lessons for the first quarter kaya busy na kami ngayon, minsan lang din kami nakakalabas ng ganito kaya ngayon may free time kami dahil kinabukasan wala naman pasok. Nandito kami sa fast food na paborito namin ni Claire napagdesisyonan kasi namin na kumain muna bago umuwi pero hindi lang si Claire ang kasama ko ngayon, kasama rin namin si Mitchie the cutie. Madali lang din namin siyang nakaclose dahil makulit din ang isang 'to.

Kumakain kami nang maalala ko yung kanina. "Sabihin mo nga sa'min, may gusto ka kay Josh, noh?" tuksong sabi ko kay Claire. Nakita ko kasi siya kanina na nagnanakaw ng sulyap kay Joshua.

Nabulunan naman siya at agad naman siyang binigyan ng maiinom ni Mitchie na tawang-tawa, kaya uminom muna siya bago niya ako sinagot. Napangisi naman ako ng wala sa oras. Huli ka pero 'di ka kulong.

"Obvious ba? Oo, crush ko siya, ewan ko nga eh basta!" mabilis na pag-amin naman ni Claire at tsaka siya nagpatuloy sa pagkain. Umiiwas pa sa topic. Sows!

"'Di ako makapaniwalang dalaga ka na, Claire!" asar na sabi ko naman sa kanya, sinamahan ko pa ng tawa kaya napasimangot naman siya. Dinedeny pa niya kanina eh kitang kita ko kung paano niya kausapin si Josh. Kinausap niya talaga 'di na nasiyahan sa pagsulyap lang. Masyado siyang halata kaya alam kong alam na rin ni Josh.

"Ewan sayo! Suportahan mo na lang ako." sabi naman niya. Tapos na rin kaming kumain at maya-maya uuwi na rin kami.

"Oo na lang. Pero I'm happy for you, may inspirasyon ka na sa pag-aaral." sabi ko sa kanya habang nag-aayos para makauwi na kami medyo madilim na rin kasi kailangan na namin umuwi.

"Sana all may lovelife." biglang sabi ni Mitchie may pag-irap pa nang makalabas na kami sa fast food na kinainan namin.

"Anong lovelife? Wala pa nga eh." sabi naman ni Claire, at tumingin sa akin. "Sus! 'Wag ako! Ikaw din kaya." dugtong pa niya na dinuduro-duro pa ko. Inirapan ko lang siya bago kami naghiwalay ng daan, narinig ko pa silang tumawa bago maglakad pauwi. Bwisit! Alam na rin nila sigurong may crush ako kay Harry. Na-back to you ako ro'n ah!
(((;ꏿ_ꏿ;)))

¥ ¥ ¥
Song recommendation for this chapter 📣🎶

Bankrupt by Russ

Naisipan kong maglagay ng song recommendation bawat chapter since connected din naman siya sa music tsaka gusto ko lang din talaga kasi may mga lines akong inilagay rito na kinuha ko sa kanta, mahilig din ako sa music kaya why not maglagay ako. Please listen to the songs that I will recommend every chapter. Thank you for adding this story to your library. I hope you will read this until the end. Enjoy reading, mga lodi! 👌🏻

You are reading the story above: TeenFic.Net