PATAWAD

Background color
Font
Font size
Line height

:LathaniMakata

Sa dinami raming desisyon
Ikaw pa din ang aking naging inspirasyon
Sa lawak ng ating kominikasyon
Tila ikaw at ako pa din ang kombinasyon
Ngunit nawala kita at hindi kita naiahon

Salat man sa salitang MAHAL KITA
Nagsisi akong iniwan kita
Sa mundong itong binitawan ka
Sana sa susunod na pagkakataon makakapit ka pa
At sa panahon na yun hinding hindi na kita pakakawalan pa

Pagsisi ang gumugulo at bumabalot saking utak
Mga luha na galing sa mata ay naguunahang pumatak
Pasensya ka na kung ang puso mo ay aking nabiyak
Ngunit sa puso ko ikaw pa din ang hinahatak
Sana sa panibagong yugto ikaw pa din ang aking tangan

Patawad sa mga nagawang kasalanan
Iyong kapatawaran ang aking kailangan
Sa mundong puno ng kahinaan
Ako pa din sana ang iyong tangan
Para sa susunod na libro ikaw pa din ang nais kong makasama

Bigyang pagkakataon, ikaw na ulit ang aking ipaglalaban
Ikaw ang taong aking mamahalin sa saya at kahirapan
Patawad kung noong una ikay aking binitawan
Sa pagkakataon na'to hinding hindi na kita muling bibigyan ng kalayaan
Sapagkta hindi ko pala kaya pag ika'y iniwan

Muli natin buksan ang pahina
Simulan natin muling isulat ang simula
Isasama muli kita sa kwentong aking nasimulan
Sa pagkakataon na ito ikaw na muli ang magiging pangunahing karakter ng ating kwento
At sana muli mo akong samahan sa pagbuo ng ating libro
Hanggang marating ang katapusan ikaw pa din ang nanaisin ko.

You are reading the story above: TeenFic.Net