Pagusbong ng Haring Araw

Background color
Font
Font size
Line height

Latha ni: ikatlongibarra

Sa pagsilip ng haring araw
Kislap ng mga mata ang nais matanaw
Ganda ng kalangitan kitang kita ang paglitaw
Hampas ng hangin sa mga bulaklak na tila sumasayaw
Kay sarap mabuhay sa payapang paggalaw

Kita ang payapang lipunan
Ramdam ang pagkawala na ating tangan tangan
Bilang boses ng kabataan
Nais kong bigyang pansin ang mundo na ating ginagalawan
Tayo ay kikilos bilang tao at para sa bayan

"Kaunlaran" sigaw ng karamihan
Mga nakaupong kawani, ating hatulan
Hindi uunlad ang bayan, kung panay kuha sa buwis ng mamamayan
Karapatang sugpuin ang mga taong salot sa lipunan
Upang sa panibagong araw kita ang ating kalayaan

Uusbong na muli ang panibagong simbolo
Huwag tayong magpaapi at manggulo
Diretsong daan ang ating patungo
Hinding hindi tayo magpapadala sa anumang piso
Nandito tayo para sa pagunlad ng bawat puso

Sa paglipas ng panahon,
Nasan na nga ba ang salitang KAUNLARAN?
Tila nawaglit na ito sa ating mga kapalaran
Tutuloy pa ba tayo sa ating laban?
O Magpakatatag tayo para sa ating kapawa mamamayan?

Tama na ang pagupo, tumayo tayo at sumigaw
Gaya ng haring araw,
Tayo ay babangon at bibigyan ng panibagong saklaw
Ang ating mithiing nais matanaw
Ay hindi pwedeng basta basta lamang malulusaw

Bilang kabataan, may maiitulong tayo
Sundin lamang ang kanilang mga payo
Kung tayo ay magtutulong tulong
Ang ating bansa ay makakawala sa pagkakakulong
Sanhi ng KAUNLARAN na minsan na sa atin ay ibinulong

Para sa ikakaunlad ng bansang Pilipinas
Nais kong ipagpatuloy ang ating paglakas
Para sa bayan at para sa sinabing pagkaligtas
Tayo ang boses na nais lumabas
Itayo ang bagong mundo at alisin ang ating nakalipas

Mga bagay na nakakahadlang sa ating Kaunlaran
May susi para makamit muli ang ating binitawan
Pagbabago at pagtanggap ang tanging kagamitan
Para sa Pilipinas at para sa bayan
Gaya ng HARING ARAW tayo ay babalik sa ating nakasanayan.

You are reading the story above: TeenFic.Net