DALAWANG SALITA

Background color
Font
Font size
Line height

:LathaniMakata

Sabay bumuo ng pangarap na magkasama
Mga masasayang alaala hanggang doon na lang ba talaga?
Ang iyong alaala at ang sa aki'y pagaalaga
Sobrang saya kung itoy akin muling mabibigyan ng halaga
Salamat at ikaw ang sa akin ay ibinigay ng ating ama

Sinimulan sa pagpapakilala at muling nasilayan ang saya
Nagbigay ng paalala at ng pagtitiwala
Nasimulan ang una nating kabanata
At sa ating pagsasama
Salamat at ikaw ang aking naging kapareha

Dalawang Salitang sambit, animo'y saya sa damdamin
Sa aking paghiling ikaw ang naging dalangin
At sa pagtupad ng panalangin ako ang iyong iibigin
Humarap ako sa salamin
Kita ang saya na sa puso ko sayo'y may pagtingin

Mahal kita ang dalawang salitang narinig sayo
Sa aking pagibig ikaw lagi ang aking sinasamo
Ikaw lang palagi ang sigaw ng aking puso
Hanggang tumagal, panghawakan natin ang salitang "Tayo"
Kahit dumaan ang sakuna at maging problemado
Ikaw parati ang tanging hiling at dalangin ko

Sa paulit ulit na sambit ng Dalawang Salita
Ikaw lang palagi ang nais ibalita
Hinding hindi mo kayang mangaliwa
Sayo ako'y nagtiwala
Hindi moko binigo at hindi mo ito ginawa
Salamat at ikaw ang aking nakilala

Dalawang Salita kaya na bang mapakinggan?
Ang puso, ito na ba ang sanhi para matauhan
Sana ikaw pa din ang aking sasamahan
Ngunit tayo'y humantong sa hiwalayan
Hindi ko pa din alam kung kayang masilayan
Ang ganda ng gabi at ng kalayaan
PAALAM NA ang huling DALAWANG SALITA na ating binitawan

You are reading the story above: TeenFic.Net