ABRIL DISINUEBE

Background color
Font
Font size
Line height

Latha ni: ikatlongibarra

Araw na minsang inisip kong hindi ako sapat
Nakaramdam na hindi ako karapat dapat
Binanggit ang salitang salamat
At tuluyang iniwan na may lamat

Masaya nung unang mga tagpo
Lahat ng ito ay kita sa ating mga pangako
Kita sa mga mata ang kislap ng mga ito
Mga ngiti sa labi ay matatagpuan mo

Tumagal ang mga araw
Akala ko hindi na kita matatagpuan at matatanaw
Masaya tayong naglalakbay,
Ang isa't isa ay ating nagiging gabay
Sa pagtuklas ng daan tungo sa magandang tanglaw

Ilan pang mga araw ang lumipas
Ang mga ngiti at paggalak ay unti unti ng kumukupas
Ang pagiyak ay uti unti ng lumalabas
Puso ay nagkakaroon na din ng bangas

Abril Disinuebe araw ng pangiiwan
Pangako natin akala ko'y walang hangganan
Mga galak at pagmamahal na ating inilalaban
Nauwi lahat sa "ayoko na, hindi na kita kayang ipaglaban"

You are reading the story above: TeenFic.Net