67: The Truth

Background color
Font
Font size
Line height

CHAPTER 67

The Truth

NATHALIE's POV

WHAT SHOULD I do para hindi mahalata ni Mommy ang gagawin ko?

Tatlong araw na ang nakalipas, hindi ko parin magawang sabihin kay Jenny ang totoo. Pinipigilan din ako ng sarili ko na sabihin kay Marky at kay Vince. Pinipilit ako ni Vince na sabihin sa kanya pero hindi ko magawang sabihin.

"Nathalie, bakit hindi ka pumasok sa Harvend?" tanong ni Mommy sa akin.

"Medyo, hindi maganda ang pakiramdam ko..." mahinahong sabi ko at nagkunwaring umu-ubo.

Hindi ako pumasok ngayon dahil may gusto akong puntahan na lugar. Nadaanan ko iyon kahapon at, doon pumupunta yung taong sumusunod sa akin nitong mga nakaraang araw.

"Oh well, may ipapakilala ako sa 'yo. Kaya, bumaba ka na diyan at ayusin mo ang sarili mo" ngiting sabi niya.

Tumango ako at bahagyang ngumiti. "Yes, Mom."

Tumango siya at lumabas ng kwarto.

Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko. Hindi na talaga ako ang dating Nathalie na, kakampi ni Mommy. Mommy, did everything for me. Pero ang isusukli ko lang ay kataksilan. But, I also have reasons kung bakit ko ito ginagawa. Gusto kong, mapababa ang kasalanan ni Mommy. Ayaw ko siyang mawala sa akin ng habangbuhay.

Nag-ayos ako ng sarili at bumaba ng kwarto. Pagbaba ko ng hagdan, nadatnan ko si Mommy na may kausap na mga lalaki.

Dalawang lalaki ang kausap niya.

"Mommy!" tawag ko sa kanya.

Napa-baling sa akin ang atensyon nila.

"Nathalie, come here. May gusto akong ipakilala sa iyo..." saad ni Mommy.

Lumapit ako sa kanila. Napatingin ako doon sa mga lalaki. They are so weird.

'Hindi maganda ang pakiramdam ko sa kanila...'

"Mom, sino sila?" tanong ko kay Mommy.

Mom smiled widely. "Sila ang mga taong kinuha ko para tutulong sa atin. Alam ko kasi na, nakokonsensya ka na diyan. But don't worry, sila na ang bahala sa dapat na gawin mo." saad niya na ikinagulat ko.

"No! I mean, ako na ang bahala kay Jenny. Mas may magagawa ako---"

"What?" pagputol niya. "Kaya mo bang patayin si Jenny?" tanong niya na i-kina-tahimik ko. Tumawa si Mommy. "See? Noon, gustong-gusto mong patayin ang batang iyon pero ngayon... nakokonsensya ka na!" sigaw nito sa akin.

Napapikit ako sa sigaw na iyon.

"Boys, sa labas muna kayo. Hayaan niyo muna kami ng anak ko na mag-usap." seryosong utos niya sa dalawa. "Oh by the way, may darating na truck mamaya. At papasukin niyo sa gate." utos pa ni Mommy sa kanila.

"Yes, Ma'am." umalis ang mga lalaki.

Napatingin ako kay Mommy na may galit sa puso ko.

'Sobrang laki na ng pinagbago niya simula nang napasa-kanya lahat ng pera at ari-arian ni Daddy...'

Kailangan kong maka-alis ngayon dito.

"Mommy, bakit naman may truck na darating?" tanong ko sa kanya.

"Ibebenta ko na ang mga gamit na maari kong pakinabangan dito sa bahay. Wala nang kwenta lahat ng nandito dahil, aalis din naman tayo." giit niya.

"How about si Jen---"

"Nag-alala ka na talaga sa kanya ano?"

"No Mom. Magtiwala kayo sa akin, ako na bahala sa kanya. Huwag na kayong mag-utos ng iba para---"

She cut me off. "Do you think maniniwala ako? Huwag mong hayaan na mawala ang tiwala ko sa'yo, Nathalie. Dahil kahit anak kita, magagawa ko sa'yo ang hindi dapat gawin ng isang ina." I felt angry and the same time, fear.

"Mom, talaga bang gagawin mo ang lahat para lang sa ikakabuti mo? You're so unfair, Mom. How about me, na anak ninyo?! I just need your attention and love towards me. Pero hindi niyo magawa dahil lang sa paghihiganti ninyo sa ina ni Jenny!" I shouted before leaving her alone.

"Ma'am, susundan ko ba?" rinig kong tanong ng tauhan niya.

"No need. Babalik din siya." rinig ko ring giit ni Mommy.

Napailing na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad paalis hanggang sa nasa labas na ako ng gate.

'Ito na ang pagkakataon ko para makapag-isip ng mag-isa...'

Habang naglalakad, inisip ko parin si Mommy. She's still my mom. I don't wanna betray her but, this is the best for everyone.

Biglang tumaas ang balahibo ko sa nararamdaman ko na may sumusunod sa akin.

'No way. Baka tauhan iyon ni Mommy...'

Nagmadali ako sa paglalakad. Nakakatakot. Talagang, sinundan ako!

"Saglit lang!" sigaw nito na mas lalo kong ikinatakot.

Hindi ako lumingon sa likod pero tiyak ako na galing sa lalaki ang boses na iyon.

Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa nahabol niya ako at hinawakan ang kamay ko dahilan ng aking pagtigil.

"Huwag kang tumakbo." saad nito sa akin.

"Tulong!---"

"Hindi mo kailangang sumigaw. Hindi ako masamang tao" pagputol niya sa akin.

Dahan-dahan akong lumingon sa kanya. "Si-sino ka? Kung hindi ka masamang tao, bakit mo ako sinusundan? Bakit lagi mo akong sinusundan!?" sigaw kong tanong rito.

Ang taong ito, ay mas matanda sa akin. Pero hindi masyadong malayo ang edad namin.

"Ikaw si Nathalie diba?" tanong niya.

'Kilala niya ako?...'

Hindi ako tumango. "Bakit? At bakit ko kailangang sagutin ang tanong mo?" giit ko.

"Alam kong ikaw si Nathalie. Ang anak ni Tito Harry." natahimik ako at nagtaka dahil sa sinabi niya.

"Excuse me, I don't know who you are. So please, stop talking to me. I don't talk to strangers" ani ko sabay ikot ng mata sa kanya.

"Bakit ganyan ka makipag-usap sa pinsan mo, Nathalie?" napatingin ako sa may likuran ko.

Isang babaeng nasa 40's na ang edad.

Napatawa ako ng bahagya. "Sino ba kayo?! Bakit niyo ako kilala? This is crazy! HAHAHA" saad ko na may pagtataka parin.

Napahinto ako sa biglaang pagyakap sa akin nung babae.

"Sobrang tagal ka naming hindi nakita. Bata ka pa noon, at ngayon... sobrang ganda mo na. Matagal kang hinihintay ni kuya, ang iyong ama. Kaya, bumalik ka na sa amin..." wika nito na mas lalo kong ikinataka.

Maraming bagay ang pumapasok sa isip ko ngayon. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako, o hindi sa mga sinasabi nila. Kilala nila ako at, kilala rin nila kung sino ang tunay kong ama. Kaya, walang masama kung malaman ko ang totoo tungkol sa akin.

Dahan-dahan kong kinalas ang yakap ng babae. "Kung kilala niyo ako, bakit ngayon lang kayo nagpakita sa akin?" tanong ko sa kanila.

Biglang nagsalita ang lalaki. "Mama, wala nang oras. Kailangan na niyang makita si Tito Harry." mahinahong sabi nito.

"Teka... ang sabi ni Mommy sa akin, wala na akong ama. Kaya, bakit kailangan ko pang makita ang sinasabi ninyo? Kung patay na ang aking ama?" tanong ko sa kanila.

Napailing yung babae. "Napakasama ni Veronica. Hindi niya pinaalam sa iyo ang totoo." hinawakan niya ang kamay ko."Hindi pa patay ang papa mo. Pero, ngayon... nasa hospital siya. At may taning na ang buhay niya..." malungkot na saad nito sa akin.

Napailing ako at sa hindi malamang dahilan, biglang tumulo ang mga luha ko.

Sobrang sakit. Sobrang sakit sa loob. All these years. Niloloko lang ako ni Mommy.

'Bakit? Bakit nangyayari ang ganito sa akin? Bakittttttttttt...'

-•-


VINCE POV

PAANO KO sasabihin kay Jenny ang totoo?

"Hey, Vincetot!" nagulat ako sa biglang pagtalon ni Jenny na nasa may likuran ko.

Napahawak ako sa aking dibdib bago siya nilingon at kunwaring nainis sa ginawa niya.

"Grabe ka naman! Muntik na akong atakihin sa puso" pagsisinungaling ko.

Agad niya akong binatukan. "Timang ka talaga. Uy Vince, alam mo? Malapit na ang pasko kaya masaya ako dahil makakasama pa kita hehe." aniya na sabay ngumiti.

I felt guilty right now. Malapit na ang pasko pero hindi ko parin masabi sa kanya ang totoo tungkol sa ina niya.

Hindi alam ni Nathalie na, alam ko na ang totoo. Pinilit ko si Mommy na sabihin sa akin. At hindi ako makapaniwala na, sobrang yaman ng totoong ina ng bestfriend ko.

Gusto kong sabihin kay Marky. Kaya, naghahanap ako ng tamang timing.

Naalala ko yung sinabi ni Mommy tungkol sa mga nangyayari noon.

Kaya pala kinuha ni tito Lee si Jenny at inilayo sa tunay na ina nito dahil, naging magulo ang buhay nila noon.

Naging bunga si Jenny ng maling pagmamahalan sa maling panahon.

Maraming tao ang gustong pabagsakin ang ina ni Jenny dahil sa yaman nito at larangan sa pagnenegosyo.

Kung hindi inilayo ni tito Lee si Jenny, baka nadamay si Jenny sa gulo.

Hinanap ni Tito Lee ang ina ni Jenny ngunit, lumayo na ito at pumunta ng ibang bansa. Kaya naman, si Tito Lee ay hindi nakayanan ang lungkot. Nakilala niya si Tita Veron upang may katuwang siya sa buhay.

Kaya, ayaw kong maging malungkot si Jenny sa malaman niya.

'Paniguradong iiyak siya pag nalaman niya ang totoo. Nakakainis. Hindi ako mabuting kaibigan...'

Nabigla si Jenny sa pagyakap ko sa kanya.

"Uyyy... Ang clingy mo" reklamo niya kasabay ng pagtawa.

"Sorry agad. Gusto ko lang naman na maging masaya ka..." mahinahong sabi ko.

"Huh? Para kang ewan. Ang weirdo mo!" saad niya sabay tulak sa akin.

Napakamot ako ng ulo at ngumiti na rin.

'Sana, ganito siya palagi. 'Yung masaya...'

Kahit may masama siyang ina-inahan, alam kong sasabihin ni Nathalie sa kanya ang totoo. Mabuti si Nathalie. Hindi niya hahayaan na may mangyayaring masama kay Jenny.

Sinundo ko si Jenny sa kanilang bahay ngayon. Gusto ko sanang kausapin si Nathalie pero, nagdadalawang isip ako dahil sa dalawang maskuladong lalaki na nasa may gate ng bahay nila.

"Bakit may dalawang lalaki diyan?" takang tanong ni Jenny habang pababa ng sasakyan.

"Jenny, text mo ako kung magkaproblema ka ha?" ngiting sabi ko sa kanya.

Tumango siya at ngumiti. "Sige, babye!" paalam niya sa akin.

Tiningnan ko muna siya para makasigurado na ligtas siyang makapasok sa loob ng gate nila. Bago ako umalis. Pero diko parin maiwasang isipin yung dalawang lalaki kanina.

Mukha silang mga kontrabida sa isang pelikula. Nakapagtataka.

Pagdating ko ng bahay, sinalubong ako ni Mommy.

"Anak, nasabi mo na ba kay Jenny?" pauna niyang tanong.

Umiling ako kaya nabuhayan siya ng loob. "Salamat naman. Halika na sa loob" anyaya niya sa akin.

Pagpasok ko sa loob ng bahay nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita.

Umuwi na pala si tito Lee.

-•-

NATHALIE's POV

UMUWI AKO NG bahay habang hindi mapigilan ang sariling umiiyak. Malapit na mag-gabi. Natagalan ako sa hospital kung saan, nandoon ang aking tunay na Ama. Nakahiga lang sa kama at hinihintay ako.

Sobrang sakit sa pakiramdam. Parang dinurog ang puso ko sa sinabi niya sa akin. Handa na raw siyang mawala dahil nakita niya ako. Paano naman ako? Hindi pa ako handang mawala siya. Hindi ko siya nakasama buong buhay ko. Ni hindi ko man lang siya nakasama kumain.

May stage 4 cancer siya. At ang sabi, isang araw na lang ang itatagal niya.

"Bakit ngayon ka lang!? Gabi na! Mas nauna pa si Jenny sa'yo!" galit na galit si Mommy nang makita ako.

Nilapitan ko siya at hindi ko napigilan ang sarili ko na sumigaw. "Anong klase kang ina!? Nilihim niyo sa akin na meron palang ama na naghintay sa akin! Meron pala akong Papa!" pagkatapos kong isigaw iyon, binalot ng luha ang buo kong mukha.

"Huwag mo akong i-daan sa ka-dramahan mo! Saan ka galing!?" sigaw niya ulit sa akin.

Wala siyang pakialam sa nararamdaman ko.

"Gusto mo talagang malaman? Pwes, pinuntahan ko si Harry! Kilala mo ba siya!?" galit kong sigaw sabay punas sa luha ko.

Agad siyang umiling na mas lalo kong ikinagalit.

"Hindi ko siya kilala---" agad kong pinutol ang sinabi niya.

"Wala kayong puso. Nagdusa si papa sa sakit niya habang ikaw, nandito. Gustong maghiganti para lang sa sarili mo. Pera lang ang mahalaga sa inyo. Hindi ko inisip na, kasuklaman kayo. Pero ngayon, magagawa ko na. I hate you. Sana hindi na lang ikaw ang naging ina ko...." she slapped me para lang matahimik ako.

"How dare you! Anak lang kita. Hindi kita sinabihan na pumunta sa walang kwenta mong ama!" sigaw niya sa akin.

Hindi ko naramdaman ang sampal niya dahil sa galit ko.

"Ikaw ang walang kwenta! Hindi ba kayo naaawa kay Papa? Bukas na lang ang itatagal niya sa mundong ito. Nasaan ang konsensya niyo?! Kung gusto niyong maghiganti sa mama ni Jenny, sana hindi niyo na lang ako dinamay! Sana, hinayaan niyo akong sumama sa tunay kong ama! At sana, naalagaan ko siya! Sana, nakaramdam ako ng tunay na pagmamahal ng isang tunay na ama!" sigaw ko pabalik na i-kina-tahimik niya.

I sighed deeply. "You lied to me. All these years, akala ko patay na ang tunay kong ama kaya gusto ko ng atensyon ni Daddy! Kaya ko inagaw ang dapat kay Jenny dahil akala ko, wala nang ama ang nagmamahal sa akin. You know what, Mom? Kahit isang beses ko lang nakita ang ama ko, pagmamahal agad ang ibinigay niya sa akin. Pagmamahal na walang katumbas. Pagmamahal ng isang ama sa kanyang anak. Na kailan man, hindi ko naramdaman kay Daddy. Mom, kung may puso pa kayo. Itigil niyo na ang lahat ng mga ginagawa ninyo. Lalo na kay Jenny. Huwag niyong iparanas kay Jenny ang naranasan ko sa kamay ninyo." paliwanag ko sa mahinahong paraan.

Napailing si Mommy. "Walang makakapigil sa gusto ko. Pumunta ka na sa kwarto mo!" utos niya sa akin.

Napatingin ako sa kanya ng masama bago umakyat ng hagdan.

Napahinto ako sa gitna ng hagdan dahil sa taong nasa gilid ng pintuan.

Nakatingin siya sa akin at kita ko sa mga mata niya ang luha.

"Jenny..." tumakbo siya papunta sa kanyang kwarto kaya tumakbo na rin ako para sundan siya.

May nalaman siyang hindi niya dapat malaman.

"Jenny, open the door." mahinang sigaw ko mula sa labas ng kanyang kwarto.

Hindi dapat kami marinig ni Mommy.

Narinig ko siyang humi-hikbi sa loob. "Hindi ko alam kung tama o totoo yung pinag-uusapan ninyo ni Mommy... Pero..." hindi niya natapos ang sasabihin.

Rinig ko ang paghikbi niya.

"Jenny, let me explain. Please, open the door. Baka marinig tayo ni Mommy... Kapag ganito tayo mag-uusap" mahinahong sabi ko.

"Promise me na sasabihin mo sa akin ang totoo" sabi niya mula sa loob.

"I promised." seryosong sabi ko.

'Siguro, oras na para malaman ni Jenny ang totoo...'

Dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan. Pumasok ako at siniguradong ni-locked iyon.

"Jenny..." umatras siya sa paglapit sa akin.

"Sabihin mo sa akin ang totoo, Nathalie. Sino ang tinutukoy mong ama? At ano ang binabalak ni Mommy na iparanas sa akin?" pagputol niyang tanong.

"Jenny---" she cut me off.

"Sabihin mo na kasi! Bakit kailangan niyo pang magsinungaling sa akin?!" sigaw niya kasabay ng pag-iyak.

"Sorry... Sorry kung nagsinungaling ako..." dahan-dahan akong lumuhod sa harapan niya.

"Nathalie, tumayo ka. Sabihin mo sa akin... Maawa ka naman. Na-we-weirdohan na ako sa ginagawa mo." saad niya bago ako inalalayan na tumayo.

"Hindi tayo magkapatid. Hindi tayo magkadugo..." natahimik siya sa sinabi ko.

Nakaramdam ako ng lungkot.

'Tatanggapin kaya ako ni Jenny kapag nalaman niyang isa ako sa dahilan kung bakit siya nahihirapan?..'

"Bakit Nathalie? Papaano---" hinawakan ko ang kamay niya.

"Jenny, si Mommy at ako ay hindi mo kadugo. Hindi ka ampon sa pamilyang ito. Kami lang ang hindi parte ng pamilya mo." malungkot kong sabi sa kanya.

Napa-atras siya at napaupo sa kama.

"Hindi 'yan totoo. Magkapatid tayo---"

"Jenny, nagbulag-bulagan ka ba? Alam mo namang hindi tayo magka-apelyido. Tapos iniisip mo na magkapatid tayo?" tanong ko sa kanya.

Umiling-iling siya. Hindi siya nagsalita kaya nagpaliwanag ulit ako.

"Jenny, sorry. Hindi ako---"

Nagsalita siya kaya natahimik ako. "Kaya ka ba galit sa akin noon dahil hindi tayo magkapatid? Pero Nathalie, bakit mo sinasabi sa akin ito ngayon? Ginagamit niyo ang pagiging inosente ko sa pamilyang ito." may halong galit sa boses niya. "Naalala ko yung sinabi ni Daddy. Ang mahalaga, pamilya tayo. Kahit hindi tayo magka-apelyido, pamilya tayo. Kaya, wala akong suspetsa sa pamilya ko. I thought I have a complete family. Akala ko, buo tayo..." mahinahon at malungkot niyang pagpatuloy.

"Jenny, I'm really sorry. Patawarin mo kami ni Mommy."

"Nathalie, sabihin mo. Anong binabalak ninyo ni Mommy?"

"Gusto kong tulungan ka na maka-alis sa bahay na ito Jenny."

"Iniiba mo ang usapan. Sabihin mo sa akin kung ano ang binabalak ninyo ni Mommy." saad niya.

"Noong una, gusto kong tulungan si Mommy sa balak niya sa'yo. Dahil akala ko, siya lang ang naniniwala at nagmamahal sa akin. Balak niyang maghiganti sa tunay mong ina. Dahil sa galit ko sa'yo noon, nagawa kong tulungan si Mommy." napabuntong hininga ako bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Pero nang na-realize ko na, mali ako. Doon ako nagbago. Nagbago ang pakikitungo ko sa'yo. Dahil sa pagmamahal at pagiging mabait mo sa akin, nabago ako. Ayaw ko nang tulungan si Mommy sa balak niya." paliwanag ko sa kanya.

"Kung hindi ko narinig ang pinag-uusapan ninyo kanina, sasabihin mo ba sa akin ang totoo?" tanong niya.

Tumango ako. "Oo. Naghihintay lang ako ng tamang oras na sabihin sa'yo---"

"Bakit, hindi pa ba tamang oras yung araw na... nagku-kuwentuhan tayo? Ha?! Ano pa bang gusto mong patunayan sa sarili mo, Nathalie?"

"Oo na! Dahil Jenny, gusto ko rin may malaman pa sa pagkatao ko bago mahuli ang lahat. Nalaman kong, meron pala akong ama na matagal nang inilihim ni Mommy sa akin. Buong akala ko, si Mommy lang nagmamahal sa akin. Kaya, sorry. Sorry kung hindi ko sinabi agad." pagmamakaawa ko sa kanya.

Napasinghap siya. "Ngayon, naintindihan ko na. Mahirap magpatawad ng isang taong halos buong buhay mong nakasama. Bigyan mo ako ng dahilan Nathalie, na magtiwala ulit sa iyo." wika niya.

"Ganito, itatakas kita sa bahay na ito at pumunta ka sa bahay ni Vince. Magtiwala ka sa akin Jenny. Aalis ka sa bahay na ito." mahinahong sabi ko.

Umiling siya. "No, Nathalie. Hindi ako aalis habang nandito ka. Kahit hindi tayo magkapatid, mahal kita bilang kapatid ko. Susunod ako sa gusto mo pero, gusto ko... magtutulungan tayong maka-alis dito. Kung galit si Mommy sa akin, magagalit din siya sa'yo pag nalaman niyang tutulungan mo ako. Kaya, sabay tayong aalis." nakaramdam ako ng saya sa puso dahil sa sinabi niya.

Niyakap ko agad siya. "Salamat, Jenny. Tama ka. Magtutulungan tayo na maka-alis dito." ngiting sabi ko sa kanya.

"Ate..." niyakap niya ako. I hugged her back.

Ngayon ko lang ulit siya narinig na tinawag akong ate.

Biglang may malakas na katok sa pintuan dahilan ng pagtigil namin.

"Nathalie, Jenny! Open the door!" galit na boses ni Mommy galing sa labas.

Biglang nakaramdam ng takot si Jenny. "Don't be afraid. I'm here to protect you." mahinahong sabi ko sa kanya.

She nodded.

"Mom, matutulog na po kami---"

"Really?..." di kalaunan, biglang bumukas

You are reading the story above: TeenFic.Net