66: Trust

Background color
Font
Font size
Line height

CHAPTER 66

Trust

MARKY's POV

LIMANG ARAW na ang nakalipas. Naging tahimik na rin ang lahat. Nakakapanibago at ang sarap sa pakiramdam na wala ka nang ikinabahala pa.

Limang araw na rin simula nang umalis ang pamilya Reyes. Nang nalaman nila ang ginawa ni Sarah kay Jenny, nagalit si tita at tito. At isa iyon sa kahihiyang nagawa ng anak nila sa iba. Umalis sila at iniwan ang kompanya sa isa nilang kamag-anak.

Sa Canada sila pumunta at doon din nila naisipang gamutin si Sarah at ibalik sa katinuan. Kahit na nangyari iyon kay Sarah, si Prince parin ang sinisisi niya sa lahat.

Hindi ito alam ni Prince. Hindi niya alam ang mga nangyayari lalo na kay Jenny. Nangako ako kay Jenny na hindi ko sasabihin kay Prince ang nangyari sa kanya.

Gusto kong ipaalam kay Prince ang lahat. Ang alam niya lang ay, pumunta ng Canada si Sarah at hindi matutuloy ang kasal nila sa susunod na taon. Masaya naman ako para sa kanya dahil magagawa na niya ang nais niyang gawin. Malaya na siya kung sino ang taong mamahalin niya.

Panatag na rin ang loob ko sa tuwing nakikita kong magkasama si Jenny at Tyler. Doon ko lang napansin na mahalaga si Jenny kay Tyler nang nakita ko kung paano protektahan ni Tyler ang kaibigan ko.

Gusto kong hindi pagdudahan si Tyler. Ngunit, meron paring isang bagay ang gusto kong kumpirmahin sa kanya.

Kung sino ang taong kausap niya kahapon na pinag-uusapan nila si Jenny.

Narinig ko iyon. Pero, hindi ako nagtagal sa pakikinig. Sa tuwing gusto ko siyang kausapin nang mag-isa, si Jenny ang ginagawa niyang palusot para hindi kami magkausap.

'Tyler, huwag mo sanang sirain ang pagiging panatag ko sa iyo at tiwala...'

Kapag mapapahamak si Jenny dahil sa'yo, ako mismo ang magpapabagsak sayo.

I really wanted Jenny to be safe. Na para bang, kapatid ko siya. Hindi ko maiwasan. Since the first time I saw her, she looks like Mom. May hawig sila ni Mama.

Alam kong nakakatawa iyong isipin.

"Marky! Patulong naman ako dito.." nagulat ako sa pagtawag ni mama sa akin.

Ngayon ko lang napansin na, tumutulong pala ako sa pag-de-desenyo dito sa labas ng pintuan. It's 15 days before Christmas. Ang dali ng panahon. Kumusta na kaya si Prince ngayon.

Naglakad ako papunta sa kinaroroonan ni mama. Kita ko sa mukha niya ang ngiti habang isinasabit sa christmas tree ang mga christmas balls.

"Ako na po diyan. Magpahinga na po kayo" ani ko rito.

"Wala naman akong gagawin ngayon. And diba nakausap mo na iyong private investigator? Kaya tutulong na lang ako dito sa bahay..." mahinahong sabi niya.

I sighed and smiled. "Ilalagay ko na ito doon..." kinuha ko yung star at inilagay sa itaas ng christmas tree.

"Mag-ingat ka anak."

Pagkatapos kong ilagay iyon, bumaba na ako at napansin kong naging malungkot na naman ang hitsura ni mama.

"Mom, bakit naman ganyan mukha ninyo? Malapit na mag-pasko. Wag na kayong malungkot" saad ko.

"Nag-overthink ako. Paano pag hindi natin makasama si Scarlet ngayong pasko? Marky, please. Tell me, ano nang balita sa paghahanap ninyo kay Scarlet?" hinawakan ko ang kamay ni mama bago nagsalita.

"Malapit na natin makita si Scarlet, Mom. Kailangan lang kumpirmahin ng private investigator na, siya ba talaga ang hinahanap natin." mahinahong sabi ko.

"Gusto kong malaman kung sino ang tao na gustong kumpirmahin ng private investigator na iyon"

"Kailangan lang natin ng oras para malaman kung sino. Baka may maka-alam na iba. Lalo na pag nalaman ng mga kalaban ninyo. Mom, trust me. Hinding-hindi ko kayo bibiguin. Makakasama natin si Scarlet bago mag-pasko." seryoso at mahinahon kong sabi.

Napabuntong hininga si mama at ngumiti ng bahagya.

"Sige anak. Naniniwala ako sa iyo. Kakausapin ko muna si Jane." tumango ako sa paalam ni mama bago ito umalis.

Sabik na kaming makita kung sino si Scarlet. Pangako, kapag nakita ko siya aalagaan ko siya bilang kuya niya.

Pagkatapos kong tumulong sa bahay, nagpaalam ako kay mama para pumunta kay chairman Mendez dahil sa pagpatawag nito sa akin.

'Bakit kaya gusto akong kausapin ni Chairman ngayon?...'

Pagdating ko sa kompanya ng mga Mendez, si Tyler agad ang nakasalubong ko na paalis.

"Uy, Marky. Bakit ka nandito?" nakangiti nitong tanong.

"Mag-uusap kami ni Chairman. Ikaw, bakit tila nagmamadali kang umalis?" tanong ko rin sa kanya.

Napabuntong hininga siya.

"Well, may pupuntahan kami ni Jenny ngayon. Kasi nitong mga nakaraang araw, ako laging kasama niya kaya... ayun, sobrang saya!" tuwang saad nito.

I smiled a bit. "Take care of her always. Alam kong malaki ang tiwala ni Jenny sa iyo kaya, huwag mo iyong sayangin." saad ko na ikina-ngiti niya.

"Don't worry about that. Magiging masaya si Jenny pag ako kasama niya. Kaya Marky, pakisabi na lang kay Prince na... hindi na niya kailangang bumalik." nakaramdam ako ng inis sa sinabi niya.

"Hindi na kailangan malaman ni Prince. He needs to focus on himself." giit ko.

"Well, siguro masaya na siya dahil hindi natuloy ang kasal nila ni Sarah. Well, good for him. Pero, hindi tayo sigurado kung hindi matutuloy. Sa ngayon hindi pa. Pero malay natin sa susunod na maraming taon, sila padin talaga ni Sarah ang para sa isa't isa." nakangising saad niya.

I just sighed. "Hindi natin hawak ang buhay ng tao kaya huwag kang magsalita nang hindi tapos. By the way, papasok na ako." ngiting paalam ko sa kanya.

Gusto niya parin ipamukha na, talo si Prince.

'Hays. Tyler. Kahit hindi ka tunay na Mendez, tinuring ka paring pinsan ni Prince...'

Nang nasa loob na ako ng opisina ni Chairman Mendez, nadatnan ko siyang umiinom ng wine habang may binabasa sa computer niya.

"Good afternoon, Mr. Chairman." bati ko rito.

"Mabuti naman at pumayag kang makipag-usap sa akin iho."

I smiled.

"Please, take your seat" aniya.

Umupo ako sabay ng paglagay niya nang wine sa cocktail glass na nasa lamesa.

"Chairman, bakit niyo ako pinatawag?" pauna kong tanong.

"I don't have any communication with Prince simula nang umalis sila ng Pilipinas. Kaya gusto kong malaman kung ano na ang kalagayan niya." naging mahinahon ang boses ni Chairman.

Talaga bang, gusto niyang kamustahin ang apo niya? Wow. This is the first time na narinig ko ang ganito.

'Akala ko pa naman, wala lang sa kanya si Prince...'

"Chairman, bakit hindi niyo na lang tanungin si Lisa? She's with her brother everyday. And I know that, you talked to her through social media." tugon ko.

"Pero, hindi ko magawang kumustahin si Prince. Alam kong malaki ang galit niya sa akin. Alam kong kinasusuklaman niya ako bilang lolo niya" saad ni Chairman bago uminom ng wine.

"Sorry to say this but, yes. You're right chairman. Malaki ang galit ni Prince sa inyo. Lalo na sa pagtulak sa kanya na mahalin si Sarah kahit hindi niya gusto. At sa pag, pigil sa mga bagay na gusto niyang gawin. Hindi niyo siya binigyan ng kalayaan para maging masaya sa paraan niya." paliwanag ko kay Chairman.

Natahimik siya at tila may iniisip.

I cleared my throat bago ulit nagsalita. "Chairman, ang gusto lang naman ni Prince noon pa lang ay suportahan ninyo ang gusto niya. He wanted to feel loved. Lalo na't gusto niya rin na magustuhan niyo siya bilang isang parte ng pamilya" paliwanag ko ulit.

Rinig kong napa buntong hininga siya.

"I think you're right, Marky. Masyado akong mahigpit sa kanya. Alam kong lumalayo na ang loob niya sa akin at mahirap akong patawarin." naging malungkot ang boses nito sabay hawak sa kanyang noo.

Mahirap talaga ang ganitong situwasyon sa pamilya. Kung ako nasa katayuan ni Prince, kailangan patunayan ni Chairman na karapat-dapat siya patawarin dahil lolo ko siya. Kinasusuklaman ko siya simula pagkabata kaya, hindi madali ang patawarin siya.

Pero, kung ako naman nasa katayuan ni Chairman. Wala na akong pag-asa na mapatawad ni Prince. Dahil sa malaking kasalanan ko sa kanya. Kaya, magbago ako at babaguhin ko ang pananaw sa pamilya. Hinding-hindi ako maghihigpit sa aking nag-iisang taga pag-mana.

Mga isang oras din kaming nag-usap ni Chairman tungkol kay Prince. Na-pag-usapan din namin si Tyler at sa mga bagay na gusto ni Chairman sa kanya. Sa pagkasabi ni Chairman, halatang si Tyler ang nakakasama niya sa buong buhay niya maliban kay Prince. Mas close sila ni Tyler maliban sa totoo niyang apo. Malaki rin ang tiwala ni Chairman kay Tyler.

Sinabi rin ni chairman sa akin ang tungkol kay Sarah at Prince. Ipa-pakasal niya parin ang dalawa pagdating ng tamang panahon. Hindi niya sinabi sa akin ang dahilan.

Ngayon, nagugustuhan na rin niya si Jenny. Nag-alala na siya kay Jenny. At sinabi niya din na, may gusto si Tyler kay Jenny.

Hindi naman ako nagkamali. Tama talaga ang hinala ko nung una palang. Tyler likes Jenny since the day he saw her.

'Babaero talaga ang loko. Pero nakikita ko na dahil kay Jenny, nagbago siya...'

Bago ako umuwi nang bahay, binisita ko muna ang caférial. Nabalitaan ko rin na, nagsimula nang magtrabaho yung bagong empleyado. Kahapon siya nagsimula. Gusto ko sanang makausap kaso, nagmamadali ako. Hindi ako nagtagal doon dahil may kailangan akong sabihin kay Mama. Tungkol ito sa offer ni chairman Mendez sa mga Imperial.

-•-

NATHALIE's POV

NAKARAMDAM AKO ng kakaiba these past few days. I don't know how say it but, there's someone who always following me wherever I go. Nakikita ko siya sa labas ng school at maging sa labas ng bahay namin. Kaya, natatakot akong lumabas ngayon.

Wala si Jenny dito dahil may trabaho siya. Ako at si Mommy lang ang nandito sa bahay. It's boring!

"Nathalie, bakit hindi ka sumama sa mga kaibigan mo?" napalingon ako kay Mommy.

"Wala lang." saad ko.

"Grabe, may kaibigan ka palang baliw? Mabuti naman at hindi ka nahawa" saad ni Mommy sabay tawa ng bahagya.

"Mom, hindi niya ginusto iyon. Naging baliw siya dahil na din sa lalaki" saad ko.

"Pfft. Same situation as mine. You know, muntik na din akong mabaliw sa isang lalaki. Mabuti na lang dahil, napasa-akin ang lalaking iyon. Dahil kung hindi, makakapatay din ako." napailing siya sa kanyang sinabi.

"Ah Mommy, nagkita na ba kayo ni Ma'am Stella? I mean, ng mama ni Jenny?---" pinutol niya ang sasabihin ko.

"Huwag mo ngang banggitin ang pangalan na iyan!" napahinto ako sa pagsigaw niya. "But the truth is, hindi pa niya ako nakikita. Hindi niya ako kilala pero siya, kilalang-kilala ko. Dahil, nakikita ko siya sa tv!" naiinis na saad ni Mommy.

I sighed. "Mom, after I saw Jenny in the hospital last Saturday, I felt so guilty." natahimik si Mommy. "Kasi, nadamay siya sa kabaliwan ni Sarah. She didn't even did anything towards Sarah. Mom, can we just stop doing anything that can harm Jenny?" mahinahong tanong ko na ikinagalit niya.

Tinapon niya ang baso na dala-dala niya.

Napahawak ako sa aking tenga.

"Argh! Don't you dare say that! Huwag mong hayaan na masira ang plano natin dahil sa konsensya mo! Pera na lang ang kailangan natin para makalayo dito." giit niya.

"Pero mommy, nabenta na po itong bahay! Nasa inyo na ang titulo ng bahay at lupa ni Daddy! Pati yung jewelry factory na na-sara, binenta na din ninyo! Hindi pa ba sapat lahat ng iyon!?" hindi ko napigilan ang sariling pag-taasan ng boses si Mommy.

Lumapit siya sa akin kaya napa-atras ako. "Don't you dare quit this plan. Kulang pa ang lahat ng nakuha ko para maka-alis tayo dito. At hindi rin ako aalis nang hindi nasasaktan ang babaeng sumira ng buhay ko. Magbabayad pa sila." mahinahon at seryosong saad niya.

Napabuntong hininga na lang ako at tumango. "Okay Mom. Sana, matapos na lahat ng ito. Dahil, gusto ko na kayong makasama nang walang anumang tao na sisira ng pagsasamahan natin." mahinahon ko ring sabi bago umalis.

Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Kasalanan ko rin. Sumang-ayon ako sa plano ni Mommy na ngayon ko lang naintindihan kung gaano kabait si Jenny para saktan.

Naisipan kong lumabas ng bahay para makapag-isip isip.

Lalabas pa lang ako ng gate ng biglang may sasakyan na huminto sa tapat ng bahay.

"Nathalie, nasaan si Jenny?!" paunang tanong ni Vince sa akin.

Lumabas ako ng gate.

"Ah kasi, may pinuntahan siya." tanging nasabi ko.

Hindi alam ni Vince ang tungkol sa pagtatrabaho ni Jenny.

"Kung meron man, dapat sinagot niya ang tawag ko." saad niya.

'Naiinggit ako kay Jenny. Dahil maraming tao ang nag-alala sa kanya...'

I cleared my throat. "Well, baka ka-date niya si Tyler?" palusot ko.

"Tsk. Okay. Pakisabi na lang kay Jenny na, ako ang susundo sa kanya bukas. Sabay na kami sa school ah!" aniya.

Tumango ako. Aalis na sana siya nang bigla kong naisipan na magtanong.

'Siguro naman, walang masama kung magtanong ako sa kanya...'

"Wait, can I ask something?"

He smiled. "Yes sure. But wait, huwag mong kunin ang number ko ah? Baka kasi maging textmate kita" saad niya na iki-na-inis ko.

"FYI. I'm not interested in your number."

"Tsk. I know right. Alam mo, kung hindi mo lang binantayan si Jenny nung na-himatay siya sa hospital, hindi kita kakausapin ng ganito." giit niya pa.

"Please, don't tell Jenny about it." tumango siya.

Hindi alam ni Jenny na, binabantayan ko siya nung nasa hospital siya. Ayaw kong malaman niya iyon.

"So, ano ang itatanong mo?" tanong niya sa akin.

"Bago ang lahat, pwede bang... huwag tayo dito mag-usap?" mahinahong sabi ko bago tumingin sa bahay.

Ayaw kong malaman ni Mommy. Baka magalit siya sa akin.

I saw Vince teasing me with his eyes.

"Ikaw ah.... anong balak mo sa akin?" tanong niya.

'Yuck. Ano bang nasa isip ng artistang hilaw na ito?...'

"Bahala ka nga." giit ko bago umalis.

Nagmamadali akong naglakad palayo sa bahay namin.

"Wait!" narinig ko namang sigaw ni Vince bago ako sinundan gamit ang kotse niya.

Mas mabuting sa malayo kami mag-usap para hindi mag-hinala si Mommy.

Gusto ko na habang maaga pa, kailangan kong ilayo si Jenny kay Mommy. Hindi ako maka-kapayag na makulong si Mommy habang buhay dahil sa gusto niyang maghiganti. Mas mabuti na iyong, hindi panghabang-buhay ang parusa sa kanya.

'I want a happy life with my Mom...'

Alam kong noon, gusto ko rin ipaghiganti si Mommy sa mga nanakit sa kanya. Pero, walang kasalanan si Jenny. Jenny treated me as her sister. And, I wanted to be her sister too.

Gusto ko rin humingi ng tawad kay Daddy. Dahil, sa kabila ng pagturing niya sa akin bilang isang anak, inisip ko pa na masama siyang tao. Gusto ko rin humingi ng tawad dahil, puro inggit ang nasa isip ko.

'I want to change myself. I want to be good, to be kind and I also want to feel love and to be loved...'

Napahinto ako sa harap ng malaking puno na nasa di kalayuan ng aming bahay. Hindi na ako mapapansin ni Mommy dito.

Napatingin ako sa may likuran. Nakita ko ring palabas na si Vince ng sasakyan niya.

"Oh, bakit ang layo? Grabe ka naman. Pinapahirapan mo pa ako!" reklamo niya.

I rolled my eyes to him. "Gusto kong malaman kung alam ba ng pamilya mo, ang tungkol kay Jenny at sa tunay niyang ina." natahimik siya at biglang naging seryoso ang mukha.

"Please, tell me. Alam kong hindi ko tunay na kapatid si Jenny---" he cut me off.

"Alam ko. Alam kong alam mo na. Dahil diba, pinahirapan mo si Jenny noon?" kunot-noo niyang saad na ikina-tahimik ko. "Nalilito nga ako eh. Kung alam ba ni Jenny na hindi mo siya tunay na kapatid. Dahil kahit na anong paghihirap mo sa kanya, tinuring ka niyang kapatid. Pati yang Mama mo! Tinuring niyang totoong ina! Pero alam kong hindi niya pa alam. Iyon ang nakakainis. Sana malaman niya." giit niya na may halong galit.

"Hindi niya alam ang lahat. Kaya, sorry. Alam kong nagkamali ako noon at sobrang sama ko sa kanya. Pati si Mommy. Kaya sana, mapatawad mo ako---"

"Bakit ka sa'kin humihingi ng tawad? Dapat kay Jenny diba? Wala kang kasalanan sa akin. 'Yung mama mo ay walang kasing-sama!"

"Huwag mo naman sabihan ng ganyan si Mommy!"

"Eh ikaw, alam kong na-konsensya ka na sa ginawa mo kay Jenny. Bakit hindi mo na lang sabihin sa mommy mo na, itigil na niya ang pagpapahirap sa kaibigan ko!" sigaw niya pabalik.

"Iyon na nga. Iyon yung problema---"

"O baka, nagpapalusot ka lang. Dahil ayaw mong mapahamak ang mama mo." pagputol niya ulit sa sinabi ko.

"Of course yes. Ayaw na ayaw kong mapahamak si Mommy. Kaya nga, gusto kitang kausapin para tulungan akong pigilan siya sa balak niya kay Jenny." wala na akong magawa kundi ang sabihin ito sa kanya.

'Sorry Mommy, I'm not a perfect daughter. But I promised, kapag naging tama ang lahat, hindi ka mapapahamak...'

Lumapit pa si Vince sa akin. "Balak? Anong balak ng Mama mo sa kaibigan ko?" seryosong tanong niya.

"Mom wants Jenny to be suffer. She knows everything about Jenny. Especially the real mother of Jenny." saad ko na ikinagulat niya.

"Alam niya kung sino ang tunay na ina ni Jenny? Kaya, posible ring alam mo kung sino." giit niya ulit.

Nagdadalawang isip akong tumango. Magsasalita na sana ako nang bigla niya akong inunahan.

"Hindi ko alam kung sino ang tunay na ina ni Jenny. Si Mommy at Daddy lang ang nakakaalam at pati si Tito Lee. Kaya, kung alam mo kung sino ang mama niya... sabihin mo sa akin."

Umiling ako. "Hindi ko sasabihin sa'yo dahil baka sabihin mo agad sa mama niya ang totoo. At ayaw kong mapahamak si Mommy kapag ginawa mo iyon." giit ko.

Tumango siya at napa-buntong-hininga. "Iyan ba ang gusto mo? Gusto kong tulungan si Jenny. Hindi naman ako agad magsusumbong kahit kanino." saad niya pa.

"Eh bakit hindi mo pa alam? Tanungin mo kaya ang mommy mo." wika ko.

"Ayaw ko nga! Matagal nilang inilihim iyon sa akin kaya ayaw ko nang magtanong. At hindi ko na kailangan gawin iyon dahil alam kong, sasabihin mo rin sa akin kung sino." taas kilay niyang saad.

Hinahamon ako ng lalaking ito. Bakit lahat na lang na kaibigan ni Jenny, gusto akong hamunin?

'Halata naman na sila ang nagtatanggol kay Jenny...'

"Sorry, Vince. Hindi ko pwedeng sabihin. Hindi pwede sa'yo. Dahil baka maging magulo lang ang lahat lalo na't isa kang sikat na artista."

"Eh ano naman kung artista ako?!I can do everything for my bestfriend!"

"Ang tigas ng ulo mo. Makinig ka na lang sa akin dahil mas matanda ako sa'yo." giit ko.

"Talaga ba?..." napa-atras ako sa biglaan niyang paglapit. "You know what? Ang ganda mo pala kapag ganito kalapit..." agad ko siyang tinulak sa ginawa niya.

"Huwag na huwag mo akong sasabihan ng mga ganyan dahil hindi iyan tatalab sa akin." he chuckled softly. "Tsk. Well, dahil magkakampi na tayo dito para kay Jenny, sasabihin ko sa'yo kung saan siya pumunta." saad ko.

-•-

VINCE POV

HABANG NASA loob ng sasakyan, hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni

You are reading the story above: TeenFic.Net