61: Something between Them

Background color
Font
Font size
Line height

CHAPTER 61

Something Between Them





SARAH's POV

"YOUR MINE ONLY, Prince Cortes."

I laughed and laughed. Sobrang saya ko sa araw na ito. And I know that I'm so very lucky today. Lahat ng gusto ko, makukuha ko. And, finally, Prince Cortes is mine.

I smiled while looking at the mirror. "Sarah, you're really smart." ngiting sabi ko sa aking sarili.

Wala nang kawala ang Prince na 'yon. Sa akin na siya.

Napahinto ako sa ginagawa dahil sa taong kumatok.

"Sarah! Open the door!"

Oh gosh! It's Tyler! Ano na namang balita ang dala ng bwisit na ito!?

Naglakad ako papuntang pintuan at binuksan iyon.

"Halika nga dito!" he suddenly grab my hands.

"Hey, stop! Nasasaktan ako!" sigaw ko dahilan ng paghinto niya. "What is your problem!? Why are you here? Bakit ka pinapasok ng guard namin!" I shouted again.

He's laughing. "Don't act like you don't know anything! Alam kong ikaw ang may pakana ng lahat!" sigaw niya.

"What?"

"Huwag mo akong subukan Sarah. Kung tuso ka, mas tuso ako." seryosong sabi niya na ikinatawa ko.

"HAHAHAHA! Of course, because we're cousins! Ano ka ba naman, Tyler. Hindi ka pa ba nasanay?" ngiting sabi ko.

"Don't make me stupid! Anong karapatan mo para sabihin kay lolo na alisin si Jenny sa Harvend!?" mas lalo siyang nagalit.

Nakakatawa siya. Nalaman niya na pala ang balita.

"Oh, are you scared na mawala si Jenny sa buhay mo? HAHA!"

"Stop laughing! Tell me, bakit mo ginawa yun? Wala namang ginawa sa'yo ang taong iyon!"

"I have reasons. So many, many reasons. And don't worry, ginawa ko lang naman iyon para ilayo si Jenny kay Prince!"

"Ano naman ang kinalaman ni Jenny kay Prince?" he asked.

"Poor Tyler. Sa bagay, hindi mo pa siya kilala. You know? It's obvious na may gusto si Jenny kay Prince. At hindi ako papayag na magkakagusto si Prince sa kanya! You understand!?" giit kong sigaw sa kanya.

Umiling siya. "Hindi 'yan totoo. Hindi magugustuhan ni Jenny ang Prince na 'yon. Kaya ikaw, tumigil ka na sa kabaliwan mo. Gagawin ko ang lahat para manatili si Jenny sa Harvend kasama ako."

"Oh, sa Harvend ka na pala mag-aaral. Well, I see. It's because of Jenny na nakita mo lang naman sa party."

Napabuntong hininga ako. "Diba marami ka namang jowa, Tyler. Bakit si Jenny pa ang napili mong gustuhin? Hindi natin ka-level si Jenny. At hindi kayo bagay!" tawang sabi ko.

"Shut up. Higit pa siya sa alam mo. Kapag napatunayan ko na tama ang hinala ko, higit pa sa ginto ang makukuha ko." nakangiting sabi niya pa.

"Mas baliw ka pa pala sa akin. Wala kang makukuha sa Jenny na 'yun. She's just nothing. At tama lang din ang ginawa kong pagpapaalis sa kanya sa Harvend---"

"Alam kong ginagamit mo lang si Jenny para hindi umalis si Prince. Alam ko na yan Sarah. Ganito na lang, let's have a deal."

"A deal? What kind?"

"Bawiin mo ang sinabi mo kay Lolo. Mananatili si Jenny sa Harvend dahil nandoon ako. At si Prince naman, gawan mo ng paraan para umalis sa Harvend. Mag-aral kayo sa ibang bansa para doon kayo magpapakasal." napahinto ako sa sinabi niya.

Sa ibang bansa?

Nice idea. May kwenta din pala ang isip ng Tyler na 'to.

"Good idea. Gagawan ko ng paraan. Don't worry, bukas na bukas din, nakakapag-aral na si Jenny sa Harvend." ngiting sabi ko.

"Dapat lang na gawan mo ng paraan. Dahil ako lang ang kakampi mo dito." sabi niya bago umalis.

Akala ng Tyler na 'yon, magiging kakampi niya ako para makuha niya ang loob ni Jenny. Well, I don't like Jenny na maging parte ng pamilya. Pasalamat lang siya dahil, gusto siya ni Tyler.

And Tyler, so kawawa. Ano naman ang mapapala niya kay Jenny? Wala! Alam kong si Tyler ang nagbura nung picture sa gallery ko. Binura niya yung litrato ni Prince na karga si Jenny habang nasa eskwelahan!

'Arghhh! Sa tuwing naalala ko iyon, gusto kong pumatay!..'

Sayang lang. Dahil hindi namatay si Jenny doon sa party. Bwisit na Tyler. Niligtas niya ang babaeng hindi niya naman kilala.



NATHALIE's POV

"Mom, are you serious? Kilala mo ang tunay na Mommy ni Jenny?!" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.

Masaya ako dahil wala na si Jenny sa bahay. Wala na akong kahati sa lahat. But still, Jenny is always our topic! Kahit wala na siya, hindi parin siya nawawala sa pamilyang ito.

Well, she's not part of this family. Wala si Daddy, kaya hindi na siya parte ng pamilya. At sana, namatay na lang si Jenny doon sa party.

Kahit wala siya sa school, siya parin ang laging bukambibig ni Marky. And because of her, galit si Marky sa akin. Ano bang meron kay Jenny!? Bakit lahat na lang, mabait sa kanya!? Sobra ko na bang masama!?

"Nathalie, gagamitin natin si Jenny para makakuha ng pera sa mama niya. At para na rin maka-alis tayo sa bansang ito" nabigla ako sa sinabi ni Mommy.

"You mean, aalis tayo ng Pilipinas? But mom, nandito sa Pilipinas ang taong gusto ko!"

"Hindi mo siya pwedeng gustuhin. Dahil ang Marky na 'yun, ay hindi karapatdapat sa iyo!"

Hindi ganito si Mommy nung nakaraan. Pagkatapos niyang pumunta ng school at kinausap si Ms. Imperial, kakaiba na siya kung mag-salita.

"Mommy, diba sabi mo sa akin, gagawin ko ang lahat para makuha si Marky? Dahil mayaman siya at nasa kanya na lahat ng gusto ko sa isang lalaki!" giit ko.

"Hindi nga pwede! Iba na lang ang gustuhin mo! Basta, huwag lang ang taong iyon!" sigaw niya sa akin.

Tumayo ako.

"I hate this! Ano bang meron, sabihin niyo nga sa akin!"

"Nathalie..." lumapit siya sa akin. "Ginagawa ko ito para sa iyo. Noon, galit na galit ako kay Lee dahil mas mahal niya ang mommy ni Jenny. Hindi ko kilala kung sino ang babaeng karibal ko pero ang alam ko, mayaman siya at mahal nila ang isa't-isa. Lahat ginawa ko, para mahalin lang ni Lee. Pero ang pagmamahal na dapat sa akin, binigay niya kay Jenny. Sa anak nila nung babaeng iyon!" nakita kong may luhang tumulo sa mga mata ni Mom.

I hugged her immediately. "Sorry Mom. Gagawin ko na po ang gusto niyo."

"Ngayong alam ko na kung sino ang babaeng iyon, hindi niya malalaman na buhay ang anak niya hangga't ako ang ituturing na ina ni Jenny. Gagawin ko ang lahat para masira ang relasyon nilang dalawa bago nila malaman na, mag-ina sila." dahan-dahan niyang kinalas ang yakap.

"M-mommy, tell me. Sino ang totoong ina ni Jenny? Para matulungan ko kayo na pag-awayin silang dalawa." ngiting sabi ko.

I love war. At ang planong pag-awayin ang mag-ina ang pinakamagandang gagawin ko.

"Si Stella."

"Sinong Stella?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Ang ina ni Marky. Kaya ikaw, huwag na huwag mong mahalin si Marky. Dahil ang malandi niyang ina ang dahilan kung bakit galit ako sa mundo!" galit nitong sabi bago umalis.

Napaupo ako sa sofa dahil sa biglaan kong nalaman.

Nakaramdam ako ng sakit sa dibdib at biglaang kaba.

'Si Marky at Jenny ay magkapatid?!..'

At si Miss Stella Imperial ang tunay na ina ni Jenny!? Bakit!? Bakit si Jenny!?

Ibig-sabihin nito, siya ang nawawalang anak ni Ms. Stella na hinahanap ni Marky at ng buong Seventeens!

"Arghhhhh!" ginulo ko ang buhok ko dahil sa inis.

Galit ako sa sarili ko. Bakit ganito!? Bakit ako napasok sa ganitong situwasyon!

Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko.

"Hindi dapat ako magalit sa sarili ko. Susundin ko ang utos ni Mommy. Si Stella Imperial ang dahilan kung bakit hindi kailanman minahal ni Daddy si Mom. Kaya, gagamitin ko si Jenny para masaktan ang sarili niyang ina. Tignan natin kung maging masaya pa sila."


TYLER's POV

"Sir, heto na po yung mga litrato ng pamilya niya. Nandyan na din po yung mga informations" mahinahong sabi sakin ng private investigator na kinuha ko.

I smiled. "That's good. Basta sabihin mo sakin ng deretso kung ano pa ang mga nalalaman mo tungkol sa kanya."

"Yes sir. 'Wag kayong mag-alala dahil hindi ako papalpak sa trabahong ito" diretsong saad nito.

"Aba, dapat lang. Dahil masasayang lang ang binabayad ko sa'yo kung papalpak ka!" sigaw ko. "You can leave now. At huwag kang magkakamaling sabihin sa iba ang nalaman mo. Dahil, papatayin kita. Understand?" tanong ko sa kanya.

He nodded. "Yes sir. Bye!" paalam nito.

Agad ko namang binuksan yung envelope na nasa lamesa. Ngayon, malalaman ko na kung sino ba talaga si Jenny Kim.

Ngayon lang ako nagkaganito sa isang babae. Yes. Una ko pa lang siya nakita. Pero dahil, matalas ang mga mata ko, hindi ko na pinalampas nung napansin ko ang isang magandang kuwintas na sa kanya ko lang nakita.

May naalala akong tao na nagsuot ng ganoong kwintas noong nasa press conference. And it's Miss Imperial. Kaya nagtanong ako sa kanya tungkol doon sa nawawala niyang anak. It's so easy to identify who is Scarlet.

Pero noon, hindi pa ako sigurado kaya nag-hire ako ng private investigator para lang patunayan ang hinala ko. At kapag napatunayan, hinding-hindi ko na sasayangin ang ganitong pagkakataon. Hindi ko na papakawalan si Jenny.

Nagsimula na akong basahin ang lahat ng impormasyon tungkol sa kanya at pamilya niya ngayon.

Bakit hindi naisip ni Jenny na may kakaiba sa pamilya niya?

Una kong binasa ang impormasyon tungkol sa kinikilala niyang mama.

Dati palang pokpok ang mama niya. Salvador and her sister is also a Salvador. It's so obvious na anak ng mama niya ang kapatid niya. Pero bakit parang wala lang kay Jenny iyon?

Merong jewelry factory ang Dad ni Jenny. Pero nalulugi ito kaya kailangan niyang pumunta ng ibang bansa. Kaya lang hanggang ngayon, hindi pa umuuwi ang papa niya at wala ring balita ang pamilya tungkol dito.

Napahinto ako habang binabasa ang impormasyon tungkol sa papa niya. So, si Jenny lang ang anak ng papa niya. And the name of her father is familiar to me.

Lee.

I heard that name already. Iyan ang pangalang nabanggit ni tita Dahlia kay tita Stella noong nandito sila sa bahay. And lolo knows it because, Lee is one of my father's friend.

Awesome. Alam ko na ngayon. Ano kayang mangyayari kapag nalaman ni Prince na si Jenny pala si Scarlet. Well, no. Hindi nila dapat malaman.

May plano ako.







MARKY's POV

Nagpaalam ako kay mama na pumunta kina Prince. Doon na rin ako matutulog ngayong gabi. Para sabay na kami pumasok ng paaralan bukas. Nag-text siya sa akin kanina na umuwi na sila. And yeah, I also texted Jenny. She's fine right now lalo na't nandoon siya sa kaibigan niya.

Ewan ko ba kung bakit gusto kong maging ligtas si Jenny. I always wanted her to be safe and happy. Para ko na kasi siyang kapatid. Tama talaga siya. I just liked her because, she's like a sister to me.

Malapit ko na rin malaman kung sino ang taong may gawa nung pangyayari sa party. Balak ng taong 'yun na si Jenny ang mahulugan nung bagay na iyon. Pag nalaman ko kung sino, sinisigurado ko na magbabayad siya.

Simula nung wala si Jenny at Prince sa Harvend, ang daming nagbago. Sumosobra na rin si Sarah sa mga maling pinagsasabi niya. Ipinaalam niya talaga sa lahat na, ikakasal silang dalawa ni Prince.

Pasalamat na lang ako dahil, binawi ni Chairman kanina lang yung statement niya na paalisin si Jenny sa Harvend. Hindi ko alam ang rason kung bakit niya sinabi at binawi agad.

Hindi ako papayag na paalisin na lang si Jenny sa Harvend dahil wala naman siyang ginagawang masama.

Isa sa dahilan kung bakit kailangan kong kausapin si Prince ay dahil sa statement ni Chairman. O kung nalaman na ba niya.

Hindi ako nakapunta agad sa bahay nila kanina dahil may pinuntahan kami ni mama. May mga nagpakilala kasi na sila si Scarlet pero hindi naman. Ang dami nang manloloko. Ginagawa nila iyon para lang makuha yung 10 million reward sa makakita.

Malapit na mag-december. At sa december ang birth month ni Scarlet. Sana man lang sa pasko, makasama na namin siya.

Nakarating na ako sa bahay ng mga Cortes. Huminto ang sasakyan ko sa garahe nila.

"Si Prince?" tanong ko sa kasambahay.

"Nasa loob po, kasama si Ma'am Lisa" tumango ako at nagmamadaling naglakad papasok sa bahay nila.

Pagpasok ko, nadatnan ko si Prince na nakaupo sa may sofa.

Lumapit ako. "Yo, bro!" nakita kong may mga inumin sa mesa.

Naalala ko yung gabi na pumunta din ako dito at uminom na rin. Hindi niya ako iniwan. Pinakinggan niya lahat ng hinaing ko.

At ngayon, siya na naman ang umiinom.

"Bro~" parang may mali sa boses niya.

"Hey, what happened? Kakauwi mo lang tapos naglalasing ka na? May pasok pa tayo bukas" ani ko rito.

Uminom parin siya. "Wala akong pakialam sa mangyayari bukas."

"Hayst!" umupo ako sa kabilang sofa. "Kumusta naman yung almost one week vacation niyo?" tanong ko rito.

"Well, ayos naman" aniya sabay na uminom.

Biglang dumating si Lisa. "Kuya, tama na yan!" saway ng kapatid niya sa kanya.

"Huwag mo akong pigilan! Matulog ka na lang!" sigaw ni Prince kay Lisa sabay na uminom.

"Bahala ka nga!" napaupo si Lisa sa sofa.

Mahirap pigilan si Prince sa pag-inom lalo na kung may problema siya. Buti na lang, hindi siya malalasing agad.

"Lisa, anong nangyari sa kuya mo?" tanong ko sa kanya.

"Nalaman niya kasi yung sinabi ni lolo kanina. Alam mo ba kuya, nung umuwi siya dito... ang pangit ng bungad sa kanya. Sinabihan agad siya ni lolo tungkol sa alam mo na..." mahinahong sabi ni Lisa sa akin.

"Naintindihan ko. Nga pala, nasaan si tito at tita?"

"Mamayang 10 pa sila uuwi. Nandoon sila kina Lolo. Kaya kami muna ni kuya sa bahay" aniya.

Tumango ako. "Sige, ako na bahala sa kuya mo. Matulog ka na. May pasok pa bukas" mahinahanong sabi ko.

"Salamat kuya Marky ah? Kasi, kung wala ka dito... malamang si kuya, baka magdamag na iinom." aniya. "Sige kuya Marky, goodnight na po" lumapit siya sa kuya niya. "Kuya, tutulog na ako ha? Cheer up kuya. Labyouuu!" niyakap niya si Prince bago siya umalis.

"Argh!" biglang tinapon ni Prince yung baso na dala niya sabay sigaw. "Bwisit sila!"

Agad na nilinis ng mga kasambahay yung nabasag.

"Prince, tama na yan!" nilapitan ko siya at pinigilan sa pagbasag ng ikalawang baso. "Bro, hindi inom ang sagot sa lahat ng problema! At alam mo yan!" giit ko.

"Nakakainis! Hindi nila inisip ang kapakanan ko. Anak nila ako! Pero inuna parin nila yung kagustuhan ng matandang iyon!" galit niyang sigaw.

"Bro, lolo mo parin iyon." ani ko.

"Lolo? Ah, tama. Walang kwentang lolo. May lolo bang, mas mahalaga ang kompanya kesa apo niya? HAHAHAH! Wala bro, wala!" sigaw niya ulit sabay na ininom ang isang boteng tequila.

"Ano bang sinabi nila sa'yo?" tanong ko sa kanya.

"Noong pagdating ko dito sa bahay, ang pangit ng bungad nila sa akin. Imbes na, kamustahin nila ako, sinabi nila agad na padaliin yung kasal namin ni Sarah. Diba, nakakagago?" sabi niya sabay uminom. "Tapos sabi pa ng matandang iyon, si Jenny raw ay aalisin sa Harvend. Eh wala namang ginagawa yung tao sa kaniya! Ang alam ko lang, si Sarah ang may pakana ng lahat!" sigaw niya pa.

"Pero, iniba na yung statement ng lolo mo. Hindi na paalisin si Jenny diba? Sa tingin mo, anong dahilan?" tanong ko sa kanya at uminom na rin.

"Iyon na nga. Hindi na aalis si Jenny pero ako, ako yung aalis. Kami ni Lisa, doon kami sa states magtatapos. At magma-migrate doon." biglang naging malungkot ang boses niya.

Nakaramdam din ako ng lungkot.

"Hindi tama ang ganyan. Ano yun, hindi nila paalisin si Jenny pero kayo naman ang aalis? Don't worry Prince, kakausapin ko si Chairman. Hihingi na rin ako ng tulong kay Mommy." diretsong sabi ko.

Umiling siya. "Salamat na lang bro pero, sumang-ayon ako sa walang kwenta nilang desisyon. Mas mabuti na rin sigurong lalayo ako dito." sabi niya sabay na uminom.

"Kung sumang-ayon ka, bakit ka pa naglasing? Dahil ba talaga 'yan sinabi ng pamilya mo o iba ang dahilan?" tanong ko sa kanya.

Alam kong maraming problema si Prince pero, hindi siya mag-iinom ng ganito kung walang mabigat na dahilan. Kung pinoproblema niya yung pagpunta sa ibang bansa, dapat hindi siya sumang-ayon. Alam kong may ibang dahilan.

Napatawa siya sa sinabi ko. "Dahilan? Well, wala. Walang dahilan." saad niya bago ulit uminom.

"Hayst."

"Oh, heto... uminom ka rin. Huwag na tayo mag-drama dito. Magkukuwentuhan na lang tayo" ani niya sabay abot sa akin ng isang basong whiskey.

"Bro, pwede ka ba magkwento? I mean, kumusta naman nung nasa bakasyon kayo? Masaya ba?" tanong ko sa kanya.

Gusto ko rin malaman kung ayos lang ba si Jenny.

"Ah, yung nasa Tabor kami? HAHAHAHHA!" bigla siyang napatawa na parang ewan. "HAHAHAH GRABE UNEXPECTED POTEKK HAHAHAH!"

Napailing na lang ako. 'This is crazy. First time niyang malasing...'

Kapag nalalasing siya, nakakalimutan niya ang mga sinabi niya. Pero, nagsasabi naman siya ng totoo.

"Go on bro, sabihin mo" ani ko sabay na uminom.

"Well, nabu-buwisit ako habang nandoon kami! Si Tyler eh, papansin siya! Gusto niya makakuha ng atensyon! Tapos yung si Jenny naman, pfttt HAHAHAHA! Grabe, para siyang timang! Sa tuwing nakikita ko siyang masaya, bigla na lang akong ngumiti! HAHAHAH!" hindi ko nainom yung whiskey dahil gusto kong makinig ng mabuti sa sinabi niya.

Ang sarap i-record dahil bukas, paniguradong hindi siya aamin sa sinabi niya. At baka makalimutan niya rin.

"Tapos bro, alam mo ba? Nung naglaro kami? Naging ka-grupo ko siya hahahah! Binuhat ko pa nga ang babaeng iyon! Kasi, ako tatay tapos siya yung nanay sa laro namin HAHAHAH!" hindi ko mapigilan ang sariling ngumiti sa sinabi niya. "Yung sumakay kami ng kabayo, siya yung babaeng una kong nakasama sa pagsakay! Nakahawak pa nga sa likod ko ang babaeng iyon eh HAHAH! Para bang ayaw niyang mahulog sa sobrang kapit niya sa akin! HAHAHAHAH!" tumawa ulit siya sabay na uminom.

Napabuntong hininga ako. Sinabi ko pa naman sa kanya na huwag mahulog kay Jenny pero bakit parang si Jenny na lagi ang bukambibig niya?

Well, hindi ko naman hawak ang puso niya. Kaibigan ko si Prince at alam ko sa sarili ko na, ngayon lang siya nagkwento ng ganito. At ngayon ko lang mismo narinig sa bibig niya ang mga ganito.

Sana nga, si Jenny na yung babaeng magpapabago sa ugali ng kaibigan ko. I can't still believe. Lalo na't, kinasusuklaman niya si Jenny ng buong-buo.

"Bro, yung si Jenny para siyang magnanakaw! Bigla-bigla na lang sumusulpot sa isip ko! Gusto ko siyang iwasan pero diko magawa! Sa tuwing nakikita ko silang dalawa ni Tyler, bigla akong nakaramdam ng galit sa loob ko. Grabe bro, ibang tama ng babaeng iyon sa akin." uminom ulit siya. "I hate this feeling bro. I hate her but, I think I already liked her." bigla siyang natumba pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang iyon.

Napailing na

You are reading the story above: TeenFic.Net