60: Getting Better

Background color
Font
Font size
Line height

CHAPTER 60

Getting Better

JENNY's POV

LET'S JUST say that, this day is gonna be a good day for me! Why? Dahil nangyari kahapon ang masayang parte. Nanalo si Klare bilang Binibining Tabor 2020 sa kanilang bayan. At nung party rin kagabi, sobrang saya ko. Dahil, nakikita kong masaya na ang mga taong nasa paligid ko. Just like ate Kath and kuya Jun, Klare and Jude they already couples. And then, I smell something between Prince and Tyler. Sabihin na lang natin na, tingin ko, nagka-ayos na sila. Hindi ko na nararamdaman na mag-ka-away silang dalawa.

Well, speaking of Prince. Naging mabait na siya sakin. Simula nung gabing iyon, hindi na niya ako sinasabihan ng masasakit na salita. Kapag naiinis siya, doon lang siya nagagalit. Nagulat nga ako eh dahil, sa sinabi niyang hindi ko makakalimutan.

"Kahit ilang beses pa kitang ililigtas, gagawin ko. Kung gusto mong may sasama sayo, nakahanda akong samahan ka. Kung gusto mo nang taga-bantay at karamay, nandito lang ako."


Iyon ang magandang sinabi niya sa akin. Hindi ko akalain na sasabihin niya iyon. My mind is full of thoughts about him. Naguguluhan ako lalo. Ayaw ko namang mag-isip ng kung ano-ano dahil ayaw kong mag-assume. Malay ko ba kung totoo ang sinabi niya o baka, nakalimutan niya na nga.

I'm here in the ward. Mula rito, kitang-kita ko ang lawak ng paligid. I saw Tyler riding a horse. Malapit na kaming bumalik ng Manila. Kaya nag-e-ensayo siya ng maigi para matuto.

"Jenny!" napalingon ako sa tumawag sa akin.

Itong lalaking 'to, parang sanay na sanay na sa pagtawag sa pangalan ko. Well, ayos lang. It's suits him naman.

"Bakit?" tanong ko pabalik.

"Just wanna ask if you're free right now." sabi niya.

"Huh? Bakit?" I asked again.

"Hayst! Ang dami mong tanong! Halika nga!" hinila niya ang kamay ko paalis sa kinauupuan ko.

"Saan ba tayo pupunta?" I asked again.

He didn't respond. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad habang hila ang kamay ko.

"PRINCEEEE!" sigaw ko dahilan ng kanyang paghinto. "Saan ba tayo pupunta?!" tanong ko ulit.

"Dito!" padabog niyang sabi. "Picturan mo ako. Ang ganda kasi ng view." nakangising sabi niya sabay na sumandal sa malaking puno.

Napatingin ako sa paligid. "Well, maganda nga. Give me your phone. Pi-picturan kita" saad ko.

"Naku, naiwan eh. Pwede bang iyang cp mo na lang?" he asked me.

"What? No---"

"Sige na. Ipasa mo na lang sa'kin mamaya." giit niya ulit.

"Okay! Pose ka na!" galit kong sabi.

Agad naman niya sinunod ang sinabi ko. What the heck is he!? Bakit kahit saang anggulo, ang gwapo niya! Nakakainis.

"Done." walang ganang sabi ko.

"Let me see." walang hiya niyang kinuha ang cellphone ko. "Pogi ko talaga." sabi niya sa kanyang sarili.

"Yabang mo talaga."

"Come here!" hinila niya ako papalapit sa kanya. "Let's take a picture together." nabigla ako sa sinabi niya.

Pangalawang beses na nangyari ito. Nung una, nasa balkonahe tapos ngayon, dito. Di-nelete niya kaya yung picture namin doon sa may balkonahe? Well, sana na-delete na iyon.

"Hoy! Ayos ka lang? Bakit ka natulala riyan? Mag-picture tayo!" sigaw niya sa'kin.

"Okay." sabi ko.

Siya ang humawak ng cellphone. "I, 2, 3, smile!" sabi niya sabay pindot sa capture.

Parang ibang Prince ang nakasama ko ngayon. Sana ganito na lang siya palagi.

Kinuha ko agad yung cp ko na hawak niya. "I will send this to you mamaya." sabi ko habang nakatingin sa picture.

Ang ganda ng pagkakuha. Para kaming magkaibigan dito.

"You know what? Binilhan sana kita ng cellphone nung nasira ko cellphone mo" napalingon ako sa sinabi niya.

"Ah, yung inapakan mo?" taas kilay kong tanong.

"Yeah. And it was so fun! Ibinigay ko sana yung binili kong cp kaya lang, may cellphone ka na kaya itinapon ko na lang." giit niya.

"Grabe ka! Ba't parang madali lang sa'yo ang magtapon ng mga bagay? Hindi mo ba iyon binibigyan ng halaga?" tanong ko sa kanya.

"Well, just some of them." simpleng sabi niya.

Ang yabang. Di porke't mayaman siya.

"Ehem!" napalingon kami sa dumating.

Agad na lumapit si Tyler at pumagitna sa amin ni Prince.

"Anong pinag-uusapan niyo?" tanong niya.

"Wala hahahah----" di niya ako pinatapos.

"Prince, kunan mo kami ni Jenny ng litrato" nakangising pagputol nito.

Napalingon ako kay Prince. He smiled. "Sure, no prob." kinuha niya yung cellphone ko.

Agad naman akong hinila ni Tyler papalapit sa kanya atsaka inakbayan. "Ayusin mo ang pagkuha." utos niya kay Prince.

Walang reaksyon si Prince sa sinabi ni Tyler sa kanya.

Ngumiti ako ng bahagya sa camera. Pagkatapos ng pagkuha niya, ibinigay niya agad sakin yung cellphone ko.

Tinignan ko iyon. Inakbayan ako ni Tyler. Ang cute niya dito.

Bigla akong may naisip.

"Teka, kukunan ko kayo ng litrato dalawa. Dali na!" tuwang sabi ko.

"Huwag na---"

"Oo nga naman Prince." agad na nagsalita si Tyler. "Sige Jenny, kunan mo kami ng litrato." ngiting sabi ni Tyler sa akin.

Walang pag-alinlangan naman akong tumango. "Dikit kayo ng konti" utos ko sa kanila.

Sinunod naman nila ang sinabi ko. Pero kita ko kay Prince ang pag-ayaw niya. But, wala na siyang magagawa.

Ang magpinsan na 'to, alam kong magkakasundo sila.

Kinunan ko sila ng litrato. Hindi ngumiti si Prince. Pero, ayos na ito.

"Done!" ngiting sabi ko.

"Alis na ako." natahimik ako sa biglaang pag-alis ni Prince. Ni hindi man lang siya ngumiti.

'Ano na naman kaya ang problema ng lokong iyon?..'

Nang umalis si Prince, kinausap naman ako ni Tyler.

"Jenny, bakit parang lumalambot na yang kalooban mo sa kanya" mahinahanong sabi nito.

I sighed. "It's not what you think okay? Gusto ko lang maging normal sa kanya. Hindi naman kasi tama na lagi akong galit----" pinutol niya ang sasabihin ko.

"Huwag mong hayaan na mahulog ka sa mga kilos niya. Alam mo naman siguro kung anong klase siyang tao" aniya sabay na umiiling.

Sinabi niya na ito sakin noon. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako. Ayaw ko naman kasi manghusga ng tao.

"Tyler, he's your cousin. Bakit parang sinisiraan mo siya" sabi ko sa kanya.

"Nagsabi lang ako. Hindi ko siya sinisiraan. Kahit ayaw sa akin ni Prince, pinsan ko parin naman siya" mahinahanong sabi niya.

"Alam ko pero huwag muna nating husgahan yung tao. Baka magbabago pa yang ugali niya. Noon nga, akala ko wala siyang pakialam sa mga taong nakapaligid sa kanya, iyon pala may pakialam siya" ngiting sabi ko sa hindi malamang dahilan.

"Wow! Okay hahaha!" bigla siyang natawa. "Ibang klase talaga yang pinsan ko" napailing siya ng bahagya.

Malaki ang utang na loob ko kay Prince at ayaw ko siyang husgahan ulit. Noon kasi, hinuhusgahan ko siya dahil sa pangbu-bully niya sa akin. Pero ngayon, naging matured na ang isip niya. Bigla siyang nagbago.

Pagkalipas ng ilang oras na pag-uusap kasama si Tyler, naisipan na naming bumalik sa loob ng bahay. Pagdating namin sa loob, nadat-nan namin silang lahat na nasa mesa at nag-uusap rin.

"Ano pong meron?" tanong ko sa kanila.

"Bakit ngayon lang kayo?" malamig na tanong ni Prince sa amin.

"Kasi, nag-kukwentuhan pa kami ni Jenny. Eh ano naman yun sa'yo?" agad kong siniko si Tyler sa pagkasabi niya.

"Pfft. Sinasayang niyo kasi ang oras." giit naman ni Prince sabay na tumingin sa akin.

Napayuko na lang ako. 'Grabe naman, akala ko ba okay na kami. Bakit parang bumalik ang pagiging demon niya...'

"Hmm!" Mayor cleared his throat. "Umupo muna kayo. Dahil ngayong araw ang magiging huli ninyong araw dito sa Tabor. Ang utos raw ni Mr. Chairman Mendez, na sa Linggo kayo uuwi." nabigla kami sa sinabi ni Mayor.

"What---"

"That's good to hear." pagputol ni Tyler sa gulat na si Prince.

"Alam ko na ang dahilan kung bakit." singhal naman ni Prince na may halong galit.

'Bakit, ano ba ang dahilan?...'

Gusto ko na rin umuwi. Alam kong mamimiss ko ang mga tao dito sa Probinsya, pero may pamilya ako na dapat kong ayusin.

Nagsalita naman si ate Kath.

"Guys, alam kong medyo madali ito. Pero, ayos lang dahil utos nito ni Chairman. Especially you, Prince. Worried si chairman sa'yo at ang family mo. I don't the reason but I think, importante na maging maaga ang pag-uwi mo" mahinahanong sabi ni ate Kath sa kanya.

"Oo nga naman Prince. Tama si lolo. At baka, hinanap ka na rin ni Sarah. Kasi diba, baka na-mimiss ka na" sabi ni Tyler sa kanya.

Bigla akong kinabahan sa sinabi ni Tyler. Pag narinig ko ang pangalan ni Sarah, parang may mali sa nararamdaman ko. Lalo na't tungkol sa kanilang dalawa ni Prince. Na alam ko namang, hindi ko dapat maramdaman.

Pinag-usapan namin ang tungkol sa pag-alis namin bukas. Pagkatapos naming mag-usap, pumunta ako ng kwarto at nagsimula na rin sa pag-ligpit ng mga gamit ko.

Habang nagliligpit, pinuntahan ako nina ate Kath at Klare. Nung nalaman kasi ni Klare na aalis kami bukas, nagmamadali siyang pumunta dito para makapag-bonding kaming dalawa. Kahit man lang, dito lang sa loob ng bahay.

"Ano ba yan, mamimiss kita Jenny" palaging ito ang sinasabi niya sa akin.

"Magkikita parin naman kayo. Hindi nga lang madali. Pero malay niyo diba?" sabi naman ni ate Kath sa kanya.

"Sana nga. Maliit ang mundo, alam kong magkikita parin tayo" ngiting sabi ko sa kanya.

She hugs me. "Hmm. Bakit ba kasi bukas na?"

"Iyon ang utos eh" mahinahong sabi ko.

"Jenny, may napansin ako sa'yo kanina" sabi ni ate Kath sa akin.

"Ano naman po yun?"

"Diba nasali sa usapan si Sarah? 'Yung girlfriend ni Prince---"

"Ano!? So totoo pala talaga na may girlfriend na siya! Ang akala ko pa naman, biro lang yun! Gosh!" hindi makapaniwalang sabi ni Klare.

"Oo Klare, may girlfriend na siya. The one and only Sarah Reyes, the only child and the most famous media influencer. Sabihin na lang natin na, she's miss perfect." buntong hiningang sabi ko.

"Edi wow kung ganun! Kaya naman pala, hindi ko ma-akit si Prince noon. Kasi, may jowa na pala!" sabi niya.

Tumango nalang ako.

"Asus. Alam mo Jenny, nakita ko na ang mukha ni Sarah. Mas maganda ka pa nga doon" wika naman ni ate Kath.

"Hindi ate Kath. Hindi talaga" saad ko.

"Sabihin na lang natin na perfect nga iyon peke ang tanong, mahal ba siya ni Prince? Para naman kasing hindi eh. Alam niyo ba, ang napapansin ko kay Prince, laging kay Jenny ang atensiyon. Lalo na noong nasa Taboralls tayo!" natahimik ako sa sinabi ni Klare.

Nakalimutan ko na ang pangyayaring nasa Taboralls kami. Pero bakit biglang bumalik! Lalo na yung nasa ilalim ako ng tubig.

Ilang oras din kaming nag-uusap tatlo sa loob ng kwarto ko. Lumabas lang sila ng kwarto nang mag-haponan na. Umuwi na rin si Klare sa bahay nila. Ang sabi niya, maaga raw siyang pupunta dito para ma-abutan kami.

Nasa loob pa ako ng kwarto. Bababa ako mamaya para kakain pero ngayon, wala akong gana. Inayos ko na yung mga gamit ko at inihanda ang maleta para sa pag-alis bukas. Nasa loob ng maleta ko yung pulseras na binigay sa akin. Iyon na lang ang maging souvenir ko. Hindi ko iyon iwawala dahil mahalaga rin iyon.

Naisipan kong tingnan ang mga litrato sa cellphone ko. Ang dami ko palang nakunan na litrato dito sa lugar nila. Bigla na lang akong napangiti dahil nakita ko ang litrato ni Tyler at Prince. Ang cute nilang dalawa. Napangiti rin ako dun sa litrato namin ni Tyler. Biglang nawala ang ngiti ko nang makita ko ang litrato namin ni Prince. Napalitan ng kaba ang ngiti ko kanina.

Is possible na maging magkaibigan kaming dalawa?

Oo nga pala, ipapasa ko pa sa kanya ang litratong ito.

Naisipan kong lumabas ng kwarto at puntahan siya.

Kumatok ako sa kwarto nila.

"Hello! May tao ba?" sigaw ko sa labas.

"Pasok ka. Bukas yan!" rinig ko ang boses niya.

Napalunok ako ng laway bago binuksan ang pintuan. Nadatnan ko siyang naka-upo sa kama.

Mukha siyang may iniisip.

I cleared my throat bago nagsalita. "Nasaan pala si Tyler?" una kong tanong.

Biglang kumunot ang noo niya. "Kakaalis lang." malamig niyang giit. "Ano pala ang ginagawa mo dito?" tanong niya sa'kin.

"Diba sabi mo, papasahan kita ng picture kanina? Kaya pumunta ako dito para----"

"Okay. Bluetooth mo na lang." pagputol niya sa sinabi ko. "Pagkatapos, pwede ka ng umalis." giit niya pa.

Tumango lang ako.

'Ang sungit niya ngayon...'

A moment of silent.

Grabe, sobrang tahimik talaga.

Naipasa ko na sa kanya yung litrato niya nang mag-isa. Bigla siyang nagsalita.

"Ipasa mo rin yung picture natin." nabigla ako dun.

"Huh. Bakit pa---"

"Ang dami mong satsat. Bilisan mo na lang." giit niya ulit.

"Okay." wala akong magawa kundi ipasa iyon sa kanya.

"Para hindi ma-full yang phone storage mo, you can delete my pictures. Especially our pictures together." malamig niyang giit.

Huminga ako ng malalim. Hindi ko na kaya ang pag-iiba niya ng mood.

"Prince. Ano ba ang nangyari sa'yo? Kaninang umaga, ang saya-saya ng mukha mo. Tapos ngayon, ang sungit sungit mo na" wika ko na ikinatahimik niya bigla.

Dahan-dahan niyang inangat ang tingin sa akin. "Kung sasabihin ko sa'yo, makikinig ka ba?" tanong niya ulit.

Nakaramdam ako ng awa. Meron nga siyang problema. Ngayon alam ko na. Naging masungit siya kapag meron siyang problema na gustong ipalabas.

Tumango ako sa tanong niya. Makikinig ako sa problema niya. Dahil, siya lang ang taong nakikinig sa'kin nung gabing iyon.

Umupo ako sa may kama ni Tyler. Kaya ngayon, nasa harapan ko si Prince.

'Ano kaya ang problema niya?..'

Isang malalim na hininga ang pinakawalan niya bago siya nagsalita.

"Jenny, kapag nasa Harvend tayo... Maari ka nang lumayo sa akin. Hindi mo na ako kailangan doon. Hindi ko na magagawang ipagtanggol ka. Atsaka, huwag kang mag-alala. Hindi na ulit kita aawayin. Hinding-hindi ka na masasaktan sa mga masasakit na salitang sasabihin ko. Dahil hindi ko na ulit gagawin sayo ang ginawa ko noon." naging mahinahon ang boses niya.

Natahimik ako ng ilang segundo at nagsalita.

"Seryoso ka ba sa sinabi mo? Hindi mo na ako aawayin?" tumango siya. "Wow, mabuti!" tanging nasabi ko.

Gagi. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

Alam kong gusto niya akong lumayo sa kanya pag nasa Harvend na kami. Dahil, nandoon si Sarah. Well, wala naman akong balak na lumapit sa kanya sa Harvend. Dahil alam ko kung saan ako lulugar.

Wala lang iyon sakin. Hindi naman mahalaga 'yon.

"Yeah. At pwede ka nang sumama sa SVT. Pero dapat kasama mo rin si Lisa." aniya pa.

"So, pwede din ba tayong maging magkaibigan?" tanong ko na hindi nag-iisip.

Nasapo ko ang aking noo. "Ah, hehe. Joke lang---"

"I'm not a friendly person. Hindi ko masasabi na maging magkaibigan tayo." simpleng sabi niya.

Tumango lang ako.

'Ayaw niya talaga akong maging kaibigan!...'

Hindi talaga pwedeng maging magkaibigan ang magka-away.

"So, iyan lang ba ang problema mo?" tanong ko sa kanya. "Para naman maka-alis na ako dito. Hindi kasi ako makahinga ng maayos dahil nandito ka." pagsusungit kong sabi.

"Ikaw, maldita ka talaga sakin noh? Tapos sa iba hindi." giit niya naman.

"Aba, sino ba kasi sa atin ang unang nagsimula ng gulo? Diba ikaw? Hoy. Naalala ko pa yung first day ko sa school! Binangga mo na nga ako, tinapon mo pa yung bag ko. Pinahiya mo pa ako, pina-iyak. At ikaw ang naging dahilan kung bakit maraming ayaw sa akin." mariin kong sabi sa kanya.

Bigla naman siyang tumawa. "Mabuti naman at naalala mo. Iyon ang huwag mong kakalimutan. Dahil iyon ang naging dahilan upang makilala kita." natahimik na naman ako sa sinabi niya.

Dali-dali akong nag-isip ng ibang topic.

"Buti na lang dahil nandun si Marky. Hayst grabe. Aaminin ko ah, naging crush ko si Marky dati." ngiting sabi ko.

"Then, what happened?" he asked na para bang interesado siya.

"Tutal, medyo nasa tamang isip ka na, sasabihin ko sayo ang dahilan." sabi ko.

"Go on. Makikinig ako."

"Crush ko si Marky simula first day ng school. Nang dahil sayo, kaya ako humahanga sa kanya. Ikaw kasi, ang sama ng ugali mo. Tapos siya naman, ang bait-bait niya. Hanggang ngayon, sobrang bait niya parin."

"Bakit nagbago? Bakit mo siya binasted?" he asked again.

"Dahil alam ko sa sarili ko na hindi ako ang tamang tao sa kanya. At alam ko rin na, hindi love yung nakikita sa akin. He treats me like a friend and a sister. You know what? Nang dahil sa kanya, para akong may Kuya."

"Kuya? Hoy. Hindi porke't 20 na si Marky ay kuya na ang turing mo sa kanya." giit niya pa.

"Totoo naman talaga. Para ko na siyang kuya---"

"Ano ka, yung kapatid niyang si Scarlet?" natahimik ako sa tanong niya at pati rin siya, natahimik.

"Scarlet. I know her. Nai-kwento na siya sa akin ni Lisa" ngiting sabi ko.

"No. Hindi mo kilala si Scarlet." tumango na lang ako sa sinabi niya. "Kaya siguro mahalaga ka kay Marky dahil baka nakikita niya si Scarlet sa'yo...." sabi niya habang dahan-dahang nakatingin sa akin.

"Hey! What's with that look? Para mo naman akong tinatakot." giit ko sa kanya.

"Hoy. Huwag ka ngang oa. Mas maganda naman si Scarlet sa'yo. Kahit hindi ko pa siya nakikita, alam kong maganda siya. Sobrang ganda." ngiting sabi niya.

"Okay? Ah. Alam ko na. Si Scarlet siguro ang gusto mo. Paano mo naman siya magugustuhan eh hindi mo pa naman nakilala?"

"Tsk! Hindi ko gusto si Scarlet---"

"Talaga? Paano pag nakasama mo siya, mas pipiliin mo ba siya kesa sa iba?" pagputol kong tanong sa kanya.

Hindi ko alam kung bakit tinatanong ko siya ng ganito. Eh ano naman iyon sa'kin? Wala naman akong pakialam sa gusto niya!

"Bakit parang interesado ka?" tanong niya na ikinatawa ko.

"Hahahaha! Edi huwag mong sagutin." tanging nasabi ko.

I saw him smirking.

'Aba, ano na naman kaya pumapasok sa utak niya...'

"Well kung nakasama ko siya, poprotektahan ko siya. Una ko siyang pipiliin bago ang iba." seryosong sabi niya.

Tumango-tango na lang ako.

Kung nandito lang ang Scarlet na sinabi niya, hindi na siguro siya ipagka-kasundo kay Sarah. At siguro, magiging masaya siya.

Tumayo na ako. "Ah sige, aalis na ako. Magha-hapunan na kasi" paalam ko sa kanya.

"Sandali, sabay na tayo." aniya. Nauna akong lumabas ng kwarto at pumunta sa kwarto ko para ilagay yung cellphone ko.

Hinintay niya ako sa labas ng kwarto kaya sabay kaming dalawa ni naglakad papuntang

You are reading the story above: TeenFic.Net