59: Strange Feeling

Background color
Font
Font size
Line height

CHAPTER 59

Strange Feeling

PRINCE POV

MAY GAGANAPING party dito sa bahay ng mayor. Para salubungin ang fiesta ng Tabor. Nakakatuwa ang mga tao dito. Hindi nila nagagawang mainis, malungkot o magalit. Na para bang, ayos lang sa kanila ang lahat.

Samantalang ako, hindi ko magawang ngumiti ngayong gabi. Hindi pa nagsimula ang party dahil, hindi pa dumadating ang ibang mga ka-nayon nila dito. Sa tuwing may handaan, nagkakaisa sila dito. Amazing.

Nandito ako sa may gilid ng fountain, nakatayo. I'm wearing a formal attire for this formal event.

"Hey, Prince!" napalingon ako sa tumawag sa akin.

Sina Jude lang pala. Sila yung mga nakasama ko sa basketball kanina. Magagaling sila at sanay sa liga.

"Yo" sabi ko sa kanila.

"Astig mo ngayon ah. Grabe, iba pala manamit ang mga mayayaman" may halong pagkamangha ang pagkasabi ni Warren.

I just sighed and smiled. "By the way, nakita mo ba si Klare?" tanong sakin ni Jude.

Umiling ako. "Nope. But I guess, kasama si ate Kath" sagot ko.

He sighed. "Sana magustuhan niya ang dala kong bulaklak" buntong hiningang sabi niya.

Matagal nang magkakilala si Klare at Jude. And, it's obvious na may gusto ang lalaking 'to kay Klare.

"Bro, sinuot mo ba yung binigay sa'yo kanina?" tanong nito sa akin.

Ang tinutukoy niya ay yung pulseras na binigay sa akin nung tindera kanina. Wala na kasing pares kaya binigay na lang sakin. Sayang naman kung di ko tatanggapin. Oks na rin iyon para maibigay ko kay Lisa.

"Nasa loob ng bag ko. Ayaw kong suotin. Mas maganda itong relo kaysa doon." simpleng sabi ko.

"Asus! Ang sabihin mo, dimo maisuot kasi awkward. Lalo na't couple bracelet iyon hahahaha!" natatawa niya pang saad.

"Pftt"

Biglang lumapit sa amin si mayor.

"Hey boys! Congrats ulit. Ang galing ng laro ninyo kanina" bati nito sa amin.

"Salamat Mayor"

"Oh sige, pupunta muna ako doon. Para salubungin ang aking mga kababayan" ngiting sabi nito sa amin bago umalis.

Binaling ko sa buong paligid ang aking atensyon. Mukhang marami na ngang tao. Nakaramdam ako ng inis dahil sa grupo ng taong nakita ko.

Si Tyler at ang mga kasama niya. Ang daya nila kanina. Muntik nang mabalian ang kasama namin dahil sa isa niyang kasama. Walang kwentang maglaro. Buti na lang, natalo sila.

Alam kong mahalaga sa kanya ang larong iyon. Dahil na rin sa kasunduan namin. Wala na akong pakialam sa kasunduan. Bahala siya kung gusto niyang lumapit sa babaeng lupa na 'yon. Wala na akong pakialam.

Pagkatapos kong marinig mula sa babaeng yun ang mga salitang hindi mawala sa isip ko, umaapaw na ang galit ko sa kanya. Kaya, hanggang maaari. Iiwasan ko siya hangga't kontrolado ko pa ang isip ko.

Ayaw ko nang manakit ng babae. Nakakawala iyon ng ka-astigan.

"Boys, what's up?" dumating si kuya Jun.

"Wow. Mukhang manliligaw ah" may halong biro na sabi ni Jude sa kanya.

"Batang 'to. Palabas na sina Kath. Gusto ko dito para ako agad ang makita niya" ngiting sabi ni kuya Jun na tila nag-e-imagine.

Napailing ako at napatawa ng bahagya.

"Woah! Ang gaganda nila!" biglang umapaw ang boses ni Warren habang nakatingin sa iisang direksyon na tinitingnan ko ngayon.

'What the heck is happening to me?!...'

Bakit hindi ako maka-iwas sa tingin niya?

Nakatingin siya ng diretso sa akin. Anong karapatan niya para gawin ito!? Ginagalit niya ako.

Bigla akong siniko ni kuya Jun dahilan kung bakit ako bumalik sa tamang katinuan. Agad kong iniba ang tingin ko.

I heard kuya Jun chuckled. Ako ba yung pinagtatawanan niya!? May nakakatawa ba sa ginawa ko?

"What a lovely night, ladies." sabi ni kuya Jun sa kanila.

"Well, look at Jenny. She's perfectly beautiful." nakangiting sabi naman ni ate Kath.

Pftt. Maganda? Well, maganda nga pero assuming naman.

I cleared my throat. "Excuse me. Pupuntahan ko lang si Mayor." paalam ko sa kanila.

Aalis na sana ako ng biglang dumating si Tyler. Ngumiti pa siya sa akin bago binaling ang tingin kay Jenny.

"Jenny, you're beautiful. Alam mo ba? Kanina pa kita pinagmamasdan." aniya rito.

"Thanks. By the way, gwapo ka rin sa suot mo ah!" rinig kong sabi pa ni Jenny sa kanya.

"Well, thank you! Pwede mo ba akong samahan? Ipakilala lang kita sa mga bago kong kaibigan dito----" bago pa natapos ni Tyler ang tanong, inunahan na siya ni Jenny.

"Ah, yung mga kasama mo ba sa basketball?" tumango naman si Tyler. "Kasi, nakilala ko na sila kaya-----"

"Don't worry, andito lang ako. Samahan mo lang ako. Please?" may halong pa-cute sa boses ni Tyler.

Ano bang nakain ng Tyler na 'to. Bakit napaka-oa niya pag nakaharap si Jenny!?

Galing ibang bansa, nakita lang si Jenny. Ganito na ang nangyari. He's like a droll.

"Sige. Ah, ate Kath. Sasamahan ko muna itong si Tyler" paalam pa ni Jenny bago sila umalis.

Gagong Tyler na 'yon. Natalo siya sa basketball tapos may lakas na loob siyang lapitan at hawakan si Jenny ng ganoon!?

Ah oo nga pala. Wala akong pakialam sa kanila. Edi magsama sila. Bwisit!

"Jude, bakit may dala kang bulaklak?" tanong ni Klare sa kanya.

Napatingin ako kay Jude na bigla na lang nahihiya. "Eh kasi, favorite mo ang pulang bulaklak diba? At bukas, sasali ka sa competition. That's why, para sa'yo ito" biglang nanlaki ang mga mata ni Klare na tila ba hindi makapaniwala.

Para yatang hindi pa nakakatanggap ng bulaklak si Klare.

"Salamat!" walang pag-alinlangang kinuha iyon ni Klare at niyakap si Jude.

Wow. Grabe naman.

I cleared my throat. "Alis lang ako..." paalam ko at sumunod naman sa akin yung iba naming kasama.

Dapat pala, kanina pa ako umalis para hindi ako makakita ng ganoong pangyayari.

"Hi, ang galing mo kanina!" bati sa akin ng mga kasing-edad ko lang.

I just smiled at them.

"Pare, saglit lang muna." napahinto ako sa sinabi ni Buboy.

"Bakit?"

"Alam mo ba, may narinig ako kanina sa mga grupo nung kasama mo." bulong nito sa akin.

"Ano?"

Ang tinutukoy niyang kasama ay si Tyler.

"Eh kasi, may binabalak yung mga kasama niya......"

"Magandang gabi sa inyong lahat!"

Biglang nagsalita si Mayor kaya hindi niya natapos ang sasabihin.

"Ah sige, sasabihin ko na lang sa iyo mamaya" ani nito sa akin.

Tumango lang ako. Napatingin ako sa direksyon ni Tyler. Kasama niya si Jenny. At sa likuran nila, nandoon ang mga kasama niya. Ano naman kaya ang binabalak ng mga kasama niya?

"Lubos kong ipinapakilala sa inyong lahat, ang ating mga munting bisita na nagmula sa Harvend University na siyang may malaking naitulong sa ating barangay! Bigyan natin sila ng isang masigabong palakpakan!"

Isang malakas na palakpakan ang iginawad nila sa amin. "Maari bang pumunta ang aming bisita dito sa harapan?" ngiting anunsyo ni Mayor.

Nakangiti akong pumunta sa harapan. Nakita ko ring, sabay na pumunta ang dalawa. Sabay kaming huminto sa tabi ng mayor. I just stood up and smiled to the people in front of us.

Bigla ulit nagsalita si Mayor.

"Ngayong gabi, may hinandang isang importanteng kaganapan upang salubungin natin ang fiesta ng ating probinsya. Bukas, pagkatapos ng binibining Tabor, huwag ninyong kalimutang pumunta ulit dito dahil meron rin tayong nakahandang pagdiriwang!" pumalakpak ulit ang mga tao sa sinabi ng mayor.

Ang hirap mamuno sa ganito kalaking miyembro. Kaya ang swerte ng mga naninirahan dito dahil, hindi sila pinabayaan ng kanilang Mayor.

"Ano pang hinihintay natin, simulan na ang pagdiriwang! Kumain lang kayo ng kumain at magsaya!" bakas sa mga mukha ng mga nandito ang saya na tila walang katumbas.

Bigla akong kinausap ni Mayor.

"Prince, nag-usap nga pala kami ni Miss Imperial. At ang tugon niya ay, dapat raw mag-enjoy lang kayo" ngiting sabi nito sa akin.

Tumango lang ako at bahagyang ngumiti. "Sige po"

"Ehem!" nagsalita naman si Tyler. "Tila yata hindi ka masaya ngayon, Prince. May bumabagabag ba sa isip mo ngayon?" nakangising tanong nito sa akin.

I smiled a bit. "Bakit ka naman interesado sa iniisip ko?"

"Well, I'm just curious and concerned. Lalo na't pinsan kita" ngiting sabi niya pa.

Biglang pumagitna si Mayor sa amin. "Sige, mukhang mag-uusap pa kayo. Pagkatapos ninyong mag-usap, pwede na kayong kumain at magsaya" ngiting sabi ng Mayor bago ito pumunta sa mga kakilala.

"Ah, sasama na po ako----"

"Dito ka lang, Jenny" pagpigil ni Tyler sa pag-alis ni Jenny. "Gusto kong sumabay ka sa akin..." sabi niya pa bago hinawakan ang kamay nito.

Nakakainis. Alam kong wala akong pakialam sa mga plano ni Tyler kay Jenny pero ang pilitin? Ibang usapan na iyan.

Diko na napigilan ang magsalita. "Kung ayaw sumama sa'yo, huwag mong pilitin." malamig kong giit.

'Ang sabi ko kay Jenny, huwag nang lumapit sa akin. Pero, bakit sa tuwing sinasabi ko 'yon, mas lalong nagkalapit ang mga landas namin. I hate it...'

"Tara na, Tyler. Doon na lang tayo sa mga kasama mo." bigla na lang hinila ni Jenny ang kamay ni Tyler at sabay silang umalis palayo sa akin.

Napapikit ako sa inis. Bwisit! Argh!!!!!

Hindi ko rin maintindihan ang Jenny na 'yun. Alam ko sa itsura niya na naiilang siya sa mga kasama ni Tyler pero bakit gusto niyang sumama sa kanila!!?

Napaka-bobo niya talaga mag-isip. Nakakainis!

Bakit ganito!? Dapat wala akong pakialam sa kanya.

Naglakad na lang ako papunta sa mga kasama ko. Nakita ko si Jude at Klare na nag-uusap. Naks naman.

Di ako naiingit sa mga ganitong tao.

"Bro, heto oh." may inilahad na baso sa akin si Warren na may inumin.

"Is this a white wine?" I asked.

They laughed. "No bro. That's a coconut wine. Ah basta, galing yan sa puno ng niyog. Tikman at inumin mo, masarap yan. Ta's heto, may pulutan pa." anyaya nila sa akin.

Tumango ako at umupo. "Sure. Titikman ko" ngiting sabi ko bago inabot yung inumin.

I smell it first. Ang baho ng amoy. Meron palang ganitong inumin. Nagdadalawang isip akong inumin iyon.

"Go bro! Di ka naman madaling malasing niyan hahahah!" tawa pa nila.

Umiling ako at ininom iyon.

"Yikes!" diko napigilan ang sarili kong sabihin iyon. Bigla silang tumawa.

"First timer ka talaga hahahah!" may halong pagbibiro sa sinabi nila.

Tumango lang ako at kinain yung pulutan. Napatingin-tingin ulit ako sa paligid. Napunta sa mesa nina Tyler ang atensyon ko. Nakita kong may isang lalaking kausap ni Tyler at halatang mahalaga ang pinag-uusapan nila.

Nakita ko rin ang pagtayo ni Jenny at kinausap si Tyler bago ito umalis.

Napailing na lang ako. Bakit ba hindi ko maialis sa kanya ang paningin ko? Tingin ko sa sarili ko ngayon, ay baliw.

"Bro, inom ka pa oh!" anyaya sakin ng mga kasama ko.

Tumango ako. Kinuha ko yung baso na may coconut wine at ininom iyon.

Binalik ko agad ang tingin ko sa direksyon nina Tyler. Kausap niya parin yung lalaki at nakita kong biglang nawala yung isang lalaking kasama nila kanina.

WTF. Saan pumunta ang lokong yun!?

Bigla akong napatayo na ikinagulat ng mga kasama ko.

"Oh, anong nangyari?"

"Ang tense mo naman. Dalawang baso pa lang nainom mo."

"Kung ayaw mo sa coconut wine, may beer naman diyan---"

"Mga bonak." natahimik sila. "Buboy, ano nga ulit yung gusto mong sabihin sakin kanina? Ulitin mo nga." utos ko sa kanya.

"Ah, yung tungkol ba sa kasamahan ng pinsan mo?" tumango ako. "Kasi, narinig ko yung bulong-bulungan nila. Na may balak sila para raw mapa-sakanila ang kasama ninyong babae." umigting ang aking panga sa narinig.

"Bro---"

"Dito lang kayo. May pupuntahan lang ako." mariing giit ko sa kanila bago umalis.

Humanda sa akin ang bwisit na iyon. Alam kong naiinis ako kay Jenny pero walang sinuman ang may karapatang magpa-iyak sa kanya maliban sa akin.

"Hi, pogi...."

Hindi ko na pinansin ang mga taong nakakasalubong ko. Ang mahalaga sa akin ngayon ay ang kaligtasan ni Jenny.

"Prince, saan ka pupunta?"

Diko na pinansin ang tanong sa akin ni Klare. Nagmamadali akong naglakad para hanapin si Jenny.

Gabi na ngayon. Baka kung ano pang mangyari sa kanya. Hayst! Nasaan na ba kasi siya!?

Nakita ko yung lalaking kasama nina Tyler kanina sa mesa nila. Naglalakad ito at parang may hinahanap.

Bigla itong tumakbo papunta sa kuwadra ng mga kabayo.

Galit ko itong sinundan. Iba talaga ang mga taong hayok sa babae. Talagang si Jenny pa talaga ang napag-tripan!

Napahinto ako nang huminto rin ang lalaki. Tignan natin kung ano nga ba talaga ang binabalak mong bwisit ka.

May hinihintay ito na lumabas sa loob ng bahay. Nasa kusina ng bahay si Jenny. Ano naman kaya ang ginawa niya sa kusina!?

Talagang dito pa talaga siya dumaan sa madilim na parte ng lugar! Walang katao-tao dito dahil ang lahat ay nasa kabila.

Well, kung sa bagay. Gusto siguro ng lalaking ito ang mamatay nang palihim. Kung iyon ang gusto niya, ibibigay ko.

Lumapit pa ako ng konti para marinig ang sasabihin ng loko.

Nakita kong lumabas na ng bahay si Jenny.

"Hoy, Renz! Anong ginagawa mo dito?" rinig ko ang pagtataka niyang tanong.

"Pinabantayan ka sakin ni Tyler. Baka mawala ka raw" rinig ko pang sabi ng loko.

Ibang klaseng galawan tol. Nagmumukha kang bobo.

"Ah, sige mauna ka na sa paglalakad..." mahinahong sabi pa nito kay Jenny.

Alam ko na ang style na ganito. Ibang klase talaga.

Nang nauna sa paglalakad si Jenny, nakita ko kung paano niya takpan ang bibig ni Jenny para hindi makasigaw.

"Shhh! Tumahimik ka, kung ayaw mong mamatay." rinig na rinig ko ang sinabi nung loko.

Hindi muna ako magpapakita. May plano ako para sa lalaking ito.

"Bitiwan mo'ko...."

"Tumahimik ka!" hinila niya ulit si Jenny hanggang sa nandoon na sila sa madilim na parte.

"Ngayon, tayo na lang dalawa ang nandito... Hahahahah!"

"Please, huwag mong ituloy yang binabalak mo! Maawa ka!" rinig ko ang pagmamakaawa sa boses ni Jenny at ang kanyang pag-hikbi.

"Hindi ako maawa. Dahil, kapag sumigaw ka dito..." may kinuhang kutsilyo yung loko. "Papatayin kita...."

Dahil sa galit diko na napigilan ang sarili kong lumapit sa kanila.

"Huwag mo nang ituloy ang binabalak mo, kung gusto mo pang mabuhay." natahimik ito sa pagdating ko.

Seryoso ako sa sinabi ko. Kung gagalawin niya si Jenny, sa kabaong bagsak niya.

"P-prince?" pagtawag naman ni Jenny sa pangalan ko habang umiiyak ito.

Pang-ilang beses ko na siyang narinig na tinawag ang pangalan ko habang umiiyak.

"Ikaw, ikaw yung tumalo sa amin!" biglang binaling nung lalaki ang atensyon sa akin.

"Buti naman at alam mo! Ngayon, bitawan mo na yang babaeng hawak mo." mariing sabi ko sa kanya.

Tumawa siya. "Hahaha! Sige, lumapit ka. Para sa kanya ko ibabaon itong hawak ko." sabi nito habang idinikit ang mukha niya sa mukha ni Jenny.

Lumapit pa ako at napahinto dahil sa pag-diin niya sa hawak na kutsilyo sa tagiliran ni Jenny. "Sige, lumapit ka lang...." pagbabanta nito.

Pasensya na Jenny, hindi madaling lumapit sa'yo lalo na't nakatutok sa'yo ang kutsilyo.

"Fine. Kung gusto mo yang babaeng iyan, talunin mo muna ako sa suntukan. Kapag natamaan mo mukha ko, hindi ko na kayo iistorbohin---"

"Nagpapatawa ka ba!?" hindi makapaniwalang tanong ni Jenny.

"No, I'm serious." sabi ko sa kanya. "Kaya hoy. Bitawan mo na siya at, suntukin mo na ako. I'm giving you a favor. Ano? Laban na!" sabi ko rito.

Nakita kong ngumiti ito at binitawan na si Jenny. May hawak parin siyang kutsilyo.

"Aba, hindi tama na may hawak kang kutsilyo---"

"Ang dami mong satsat!" bigla niya akong sinugod buti na lang nakaiwas ako.

"Prince, huwag kang magpasuntok sa mukha!" natawa nalang ako sa sinabi ni Jenny.

Wala pang naka-suntok sa mukha ko maliban na lang kay Tyler. Bwisit talaga.

Bigla akong natumba dahil sa biglaang pagtulak sa akin ng loko.

"Ahh!" naka-iwas agad ako sa papalapit na kutsilyo.

"Walang hiya ka!" biglang nahimatay yung lalaki dahil sa malaking kahoy na ipinuk-pok ni Jenny sa ulo nito.

Nagulat ako sa ginawa niya. Hindi ko man lang nabugbog sa mukha ang loko. Nakakainis.

"Prince!" tinulungan ako ni Jenny na makatayo. Nang nakatayo na ako, bigla niya akong niyakap.

Na-estatwa ako ng wala sa oras. I heard my own heartbeats.

What did she do to make me feel this way? How can she do this to me!?

"Salamat talaga!" bakas sa boses niya ang takot. Nanginginig siya habang hindi mapigilan ang sariling umiyak.

"Shhh..." I don't have a choice that's why I need to hug her. "Huwag ka ngang umiyak pag tinatawag mo pangalan ko." ani ko rito.

Dahil kapag umiiyak ka at pangalan ko ang tinatawag mo, hindi ko mapigilan ang sarili kong iligtas ka kahit buhay ko pa ang kapalit.

Hayst. Kailangan ko siyang layuan.

Inalis ko ang kamay ko sa pagyakap sa kanya.

"Huwag ka nang pumunta sa party. Pumasok ka na sa loob...." mahinahong sabi ko sabay na tumalikod sa kanya.

Narinig ko pa siyang humihikbi habang naglalakad ako palayo nang bigla na lang may narinig akong tunog ng pagtumba.

Nilingon ko siya at nakita kong nakahiga na siya sa lupa. Agad akong lumapit sa kanya.

"Jenny!" pagtawag ko sa kanya.

Nakita kong nahihirapan siya sa paghinga kaya dali-dali ko siyang binuhat.

"Dadalhin kita sa kwarto mo. Huwag kang mag-alala." sabi ko sa kanya sabay nang pagtakbo papasok sa loob ng bahay.

Nakakapit siya sa leeg ko. Hinahabol niya parin ang kanyang hininga. "Ba-bakit ga-ganoon ang mga tao..." rinig kong putol-putol niyang sabi nang nasa loob na kami ng bahay.

"Huwag ka nang magsalita. Kung hindi mo kaya" mahinahanong sabi ko sa kanya.

Kanina galit ako sa kanya pero bakit ngayon, bakit biglang nawala ang galit ko?

Hindi na siya nagsalita pagkatapos kong sabihin iyon. Nang nakarating kami sa kwarto niya, agad ko siyang inilagay sa kama at hinanap yung inhaler niya.

"Nasan ang inhaler mo?" tanong ko agad.

Tinuro niya ang banda sa may maleta.

Dali-dali kong binuksan iyon at agad na kinuha ang inhaler. Ibinigay ko sa kanya.

Nang nakita kong naging maayos na siya, bigla na naman siyang umiyak.

"Huhuhuhuhu! Hindi ako makapaniwala na may ganoong tao dito. Akala ko pa naman mababait silang lahat. Sana pala hindi na lang ako lumabas ng kwarto...." nakayuko siya habang umiiyak.

"Sige, ilabas mo lang yang luha mo" sabi ko habang nakatayo sa may pintuan.

Umiyak naman siya nang umiyak.

"Pwede bang, dito ka na lang muna?" tanong niya sakin. "Alam kong bawal na lapitan ka o kausapin ka o tawagin ang pangalan mo. Pero, wala na akong pakialam. Sa ngayon, ikaw ang pinagkakatiwalaan ko..." naging

You are reading the story above: TeenFic.Net