56: I don't let Myself Fall for this Guy

Background color
Font
Font size
Line height

CHAPTER 56

I don't let myself fall for this guy

JENNY's POV


AYAW KONG lumabas ng kwarto. Dahil ayaw kong makita ang lalaking iyon. He's so, arrogant. Akala mo talaga kung sino siya maka-asta. Hindi ko makalimutan ang ginawa niya sa akin doon sa family dinner nila.

Ewan ko ba sa lalaking 'yon. Gagawa talaga siya ng paraan para galitin o inisin ako. Sana talaga nandito na lang si Tyler para naman may maka-sundo ako dito. Speaking of him, hindi ko pa siya nakikita. Kahapon kasi, hindi na ako lumabas ng kwarto pagkatapos kaming nag-bangayan ng Prince na 'yun.

Napa-hikab ako bago naisipang bumangon na sa kama. I checked my watch. It's 7:30 already. Medyo napasarap naman tulog ko dito. New surroundings, new bed, new people. Sana marami akong makilala sa probinsyang ito.

The truth is, hindi pa ako nakapunta ng province. So, this is my first time. I want to enjoy myself here. Malaki ang maitulong ng lugar na 'to sa self-confidence at self-esteem ko. I want to learn how to love myself before others. Ayaw ko nang maging mahina ulit.

Nagsimula na akong mag-ayos ng sarili. Sinuklayan ko lang naman ang aking buhok bago ko naisipang pumasok sa loob ng bathroom at maligo.

After a minute pagkatapos kong magbihis, someone knocked the door.

*KNOCK KNOCK KNOCK*!

Nakaramdam ako ng inis. Baka si Prince 'to. Gusto niya akong inisin lagi kaya paniguradong, siya 'to.

Naglakad ako papalapit sa pintuan nang may sama ng loob kay Prince.

Nang binuksan ko iyon, walang pag-alinlangan akong nagsalita ng masama sa kanya. "Hoy Prince! Wala ka ba talagang modo? Sobrang aga pa para bwisitin mo ak-" napatigil ako sa aking sinabi at nanlaki ang aking mata sa taong nakaharap sa akin na nakangiti.

"Hi Jenny good morning!" he smiled at me like he didn't hear anything shits that i've said.

Napatakip ako sa aking bibig. "Sorry if you heard something that----"

He cut me off with a laugh. "Don't worry. It's so funny you know? But I understand you" he smiled again.

I smiled awkwardly. "Well, I'm glad that you're here. Bakit hindi kita nakita kahapon?" I asked him para lang maiba ang topic.

"Hapon na ako nakarating dito. Naligaw kasi ako haha but, I'm fine. Hindi na kita ginising kasi, sabi ni Prince maaga ka raw natulog at ayaw mong magpa-isbtorbo" paliwanag niya.

Tumango-tango lang ako.

'Grabe, nasabi talaga ni Prince iyon?..'

"Ngayon ba, na-istorbo ba kita?" he asked.

Umiling ako. "No. Ang totoo niyan, lalabas na rin ako ng kwarto." ngiting tugon ko. "So, magkatabi kayo ni Prince matulog?" I awkwardly said.

He laughed a bit. "Dalawa naman kama sa loob ng kwarto kaya, kanya-kanya kami. How about you? Wala ka bang kasama? Gusto mo, samahan kita?" nakangising sabi niya na may halong biro.

"Baliw. Sige na nga. Liligpitin ko muna gamit ko ah?" ngiting sabi ko bago sinara ang pintuan.

Nakita ko pa siyang nakangiti sa akin.

Masaya ako dahil nandito na si Tyler. Ang kaibigan ko. Lagi siyang nakangiti sa tuwing kausap niya ako kaya hindi mo rin maiwasang hindi mapangiti sa kanya. Mag-pinsan sila ni Prince. Pero 'di sila magka-ugali.

Nililigpit ko lang iyong mga damit ko at nilagay iyon sa aking maleta na nasa gilid ng aking kama. Sa tuwing nakikita ko ang maleta ko, naalala ko 'yung maleta ni Prince. Buong biyahe kahapon, hindi ko man lang alam na magkahawig kami ng maleta. Nabuksan ko pa yung maleta niya. It's so, terrifiying!

Naisipan ko nang lumabas ng kwarto. Paglabas ko, kwarto agad nila ang bumungad sa akin na naka-bukas.

'Bakit naman kaya naka-bukas ang kwarto nila?..'

Dahan-dahan akong pumasok sa loob. Siguro, wala nang tao kasi, naka-bukas naman.

Napatingin ako sa kama nilang dalawa. Tama nga si Tyler. Dalawa ang kama nila. Wow ah. Malinis, walang kalat ang naiwan. Biglang nahagip ng mata ko yung maleta ni Prince.

'Tsk. Bakit ba magkaparehas kami!?..'

Nagulat ako nang biglang bumukas ang pintuan ng banyo. 'Baka si Tyler 'to...'

"Tyler----" walang pag-alinlangan akong napahinto dahil sa aking nakita. Agad akong tumalikod sa kanya. Tatakbo sana ako paalis nang bigla kong narinig ang malamig niyang boses dahilan ng pagtigil ko.

"Why are you here?" his baritone voice always makes me feel irritated.

"I thought, Tyler is here." walang pag-alinlangang tugon ko.

"Tsk. Alam mo naman siguro na hindi lang si Tyler ang tao sa kwartong ito" ramdam ko ang pagka-sarkastiko niya sa boses niya.

'Oo nga naman, bakit hindi ko naisip iyon!?..'

I sighed. "It's my fault. Sorry." agap ko.

Gosh! Para akong nasa kaharian ng demonyo. Gusto ko nang makalabas dito!

Nagsalita na naman siya. "Kung si Tyler nga ang nandito ngayon, pupuntahan mo ba talaga ang kwarto niya? Papasok ka ba talaga sa kwarto ng mga lalaki? Ni hindi ka marunong kumatok." giit niya.

"Paano ako kakatok kung nakabukas pintuan?" tanong ko pabalik.

"So, paano kong nakita mo'kong nakahubad dito?" sabi niya na ikinainis ko.

'Ang bastos talaga ng bibig ng lalaking ito...'

Galit ko siyang nilingon at agad ko namang tinakpan ang mga mata ko.

"Hoy! Magbihis ka nga. Nakakasuka ka." sabi ko.

"Paano ako magbibihis kung nandito ka!?Umalis ka na nga bobo!" nagulat ako ng bigla niya akong hinila palabas ng kwarto.

"Bitaww!" sabi ko habang nakapikit para hindi lang makita yung katawan niyang naka-tuwalya. Baka kung ano naman isipin niya.

Biglang may isang bagay akong naapakan dahilan ng aking pagtumba. At sa pagtumba ko, bigla na lang may yumakap sa akin naging dahilan kung bakit napahawak ako sa dibdib ng lalaking ito.

Dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata. At ang mukha niya ang bumungad sa akin. I felt something on my face. It's hot and...

Agad akong umiling at dali-daling tumayo.

"Hoy, tulungan mo naman akong makatayo. Baka mahubaran ako dito..." bago niya pa tinapos, agad kong hinila kamay niya para tumayo.

"Sa susunod, matuto kayong mag-sarado ng pintuan." galit kong giit ko bago umalis.

Narinig ko pa siyang napatawa.

'Arghhh! Nakakainis. Napaka-malas ng umagang ito!...'

Naglalakad ako papuntang living area. Nakita ko si Tyler na naka-upo sa may sofa kaya agad ko siyang nilapitan.

"Tyler" nilingon niya ako habang nakangiti.

'Itong lalaking 'to, hindi ko pa siya nakikita na malungkot. I always saw him happy...'

He suddenly stand up at nilapitan ako. "What happened to your face? I mean, the emotions---" hindi ko na siya pinatapos.

"Nothing. Nainis lang ako sa gamit ko." pagsisinungaling ko.

"Well, I don't think if I agreed. But then, you looked pretty. Really beautiful woman.." mahinahanong sabi niya.

I smiled at him. "Ang pogi mo rin noh" sabi ko na ikinangiti niya.

"Thanks. Kapag ikaw ang nagsabi sa'kin niyan, para akong nanalo sa lotto" sabi niya.

I wondered. Talaga bang wala pang girlfriend si Tyler? Eh sa mga banat niya, parang sanay na sanay siya ah. Well, it doesn't matter. Wala naman akong pakialam doon.

Agad naman siyang umupo. "Well, excited na akong mamasyal ngayong araw. Buti na lang, wala kayong gagawin dito kung hindi ang mamasyal at magpahinga. I'm so very thankful na pinasama ako ni Lolo dito" ngiting sabi niya.

I just nodded.

"By the way, pag-uwi natin.. yayain sana kita sa date. Yung tayong dalawa lang---" agad kong pinutol ang sasabihin niya.

"Tara na, kumain na muna tayo. Baka naghintay na sina ate Kath doon" sabi ko.

I saw him pouting. "Hilahin mo muna ako..." pakiusap niya habang inilahad ang kamay sa akin.

"Ano ka ba, pwede ka namang tumayo mag-isa diyan" sabi ko.

"Hmpk! Ayaw. Eh diba sabi mo, kung ano yung gusto ko susundin mo? Diba nangako ka?" tanong niya sa'kin.

Hayst. Oo nga pala. Nangako ako sa kanya na kung anong sasabihin niya, gagawin ko upang makabawi sa ginawa niyang pagsagip sa akin.

I sighed. "Halika ka na nga!" agad kong kinuha ang kamay niya para hilahin. Pero, imbes na siya ang mahila ko ay ako ang nahila niya.

Napa-upo ako sa lap niya. "Huli ka!" agad niya akong niyakap patalikod.

"Hoy, ano ka ba---" natigilan ako at sabay kaming natahimik dahil sa biglang dumating.

"Prin---" hindi ko natapos ang sasabihin.

"Pftt." iyon lang ang tanging lumabas sa bibig niya bago umalis.

Nang makaalis siya, agad kong tinapik ang ulo ni Tyler at tumayo.

"Baliw ka talaga. Para kang bata" inis na sabi ko sa kanya.

"Wow ah.. Mga five seconds yata yun. Grabe ang sarap mo palang yakapin" sabi niya na may halong pagbibiro.

Sasapakin ko sana siya nang bigla siyang nagsalita. "Ba't parang gusto mong magpaliwanag kay Prince kanina nu'ng nakita niya tayo?" natahimik ako sa tanong niya.

Dali-dali akong umiling. "Ah wala. Tara na nga!" ani ko sa kanya sabay na tumalikod.

'Oo nga naman. Bakit kanina, parang gusto kong magpaliwanag kay Prince dahil sa nakita niya. What the heck is wrong with me!?...'

"Tara na nga!" hinila niya kamay ko at sabay kaming naglakad dalawa papuntang dining area.

Pagdating namin sa hapag kainan, nakasalubong namin silang naka-upo na sa mahabang mesa. I saw Prince and Klare talking to each other.

'So what? Babaero talaga ang Prince na 'to. Ikakasal na nga sila ni Sarah, hindi pa siya nakuntento...'

"Ehem!" biglang napunta sa amin ang atensyon nila dahil sa ginawang pagbasag ni Tyler sa katahimikan.

"Nandito na pala sila!" tuwang sabi ni Klare.

"Iha, iho. Hali na kayo at kumain..." utos sa'min ng mayor.

Inakbayan ako ni Tyler habang papalapit kami sa may upuan. "Tabi tayo.." ani nito sa akin sabay na ngumiti.

Ngumiti na lang ako at tumango. Si Tyler lang ang medyo ka-close ko dito kaya, walang malisya sa akin ang pag-akbay at paghawak niya sa kamay ko. We're friends.

Ngayon, nasa kabilang side sina Prince at Klare habang nasa harapan nila kami. Bale, magkaharap talaga kaming apat. Sina ate Kath at kuya naman ay nasa may gilid ng mayor.

Habang kumakain kami, hindi ko maiwasang hindi lumingon kay Prince. At grabe, wala siyang imik habang kumakain. Si Klare na nasa tabi niya ay kanina pa salita nang salita. Sina mayor naman ay nakikinig lang habang kumakain.

"Jenny, matanong kita." napunta sa akin ang atensyon ni Klare.

"What is it?" ngiting tanong ko.

"Nagka-bf ka na ba? Kasi, I'm sure. May boyfriend ka na because of your face and attitude" she smiled.

Umiling ako. "Wala pa. Wala naman sa hitsura at ugali ang pagkakaroon ng boyfriend. Mas prefer ko na mag-study muna." simpleng sagot ko.

"Wow, amazing." sabi niya naman.

Wala na namang nagsalita sa amin. Hanggang sa, natapos na ang lahat sa pagkain. At gaya nga nang inakala ko, mag-uusap kami lahat dito.

Naunang nagsalita si Mayor.

"Si Ate Kath at kuya Jun na ang bahala sa inyo dito sa Tabor. Starting today, I want you guys to enjoy your stay here. Mamasyal kayo sa lugar na gusto ninyong puntahan. Gawin ninyo kung ano yung gusto ninyo. Tinitiyak kong, ligtas kayo dito sa amin. Kung gusto niyong puntahan ang eskwelahan dito, pwede niyong puntahan kahit na anong oras dahil, malapit lang iyon sa bahay." ngiting paliwanag ni Mayor sa amin.

"Mr. Mayor, pwede bang yung kabayo ang sakyan namin sa pamamasyal?" ngiting tanong ni Tyler.

"Well, sure. No problem with that basta ba e, alagaan niyo rin ang mga kabayo" ngiting tugon naman ni Mayor.

"Pa, kami na ni Jun ang bahala sa kanila. Pwede na ho kayong pumunta doon sa city hall" mahinahanong sabi ni ate Kath kay mayor.

Mayor checked his watch. "Oo nga pala. May meeting pa ako. Sige na mga munti naming bisita, aalis na muna ako. Sila ate at kuya na ang bahala sa inyo dito." paalam samin ng Mayor.

"Bye po" paalam ko rito.

Ngumiti ito at umalis kasama ang assistant niya.

"So guys. Be ready na. Magbihis na kayo ng susuotin ninyo. Dahil, mamamasyal tayo ngayon!" tuwang sabi ni ate Kath dahilan kung bakit tumalon sa tuwa si Klare.

"Yeheyyy! Sasama ako! Diba ate Kath?" ngiting tanong niya kay ate.

"Oo naman. Mas marami, mas masaya!" tuwang sabi ni ate Kath.

Tumayo na rin kaming lahat at sumunod kay ate Kath.

"Guys, bago natin puntahan yung lugar. Kailangan muna natin magsuot ng bota, at saka cowboy hat. Kapag sinuot niyo ito, magmumukha kayong cowboy at cowgirl!" tuwang sabi ni ate.

Sinuot ko na yung bota na parang boots lang. Binigyan din kami ni kuya Jun ng isa-isang cowboy hat.

Sabay-sabay kaming lumabas ng mansyon at naglakad papunta roon sa kanilang kuwadra ng kabayo.

Nadatnan namin yung mga kabayo na kumakain.

'Kung sasakay ako diyan, baka mahulog ako. Takot pa naman akong mahulog...'

Napatingin muna ako sa buong paligid. Napakalawak talaga ng lugar dito. Kinuha ko yung cellphone ko sa aking bulsa at kumuha ng litrato. Pati yung kabayo, kinunan ko ng litrato.

Dali-dali ko naman agad nilagay sa bulsa ko yung cellphone.

"By the way ngayon, pupuntahan muna natin ang mga lugar na pinapasyalan ng mga turista dito. Pero bago iyon, mada-daanan muna natin ang gubat na iyon...." paliwanag ni ate Kath sabay turo nang direksyon.

Napanganga na lang ako sa tinuro ni ate Kath na gubat. 'Grabe, ang layo naman. Tapos, ang lalaki ng mga puno...'

Kahit na nasa malayo iyon, mapapansin mo talaga ang mga malalaking puno mula dito.

"Sa loob ng kagubatan na yan, ay may isang magandang adventure ang naghihintay sa inyo.." ngiting sabi niya ulit sa amin. "We don't have a choice kundi ang pumasok sa gubat na iyon. Dahil, iyan lang ang madaling way para makapunta doon sa pupuntahan natin" pagpatuloy ni ate Kath.

Tumango-tango kaming tatlo. Biglang lumapit sa akin si Tyler. "Jenny, sabay tayong sasakay ng kabayo ah" ngiting bulong niya sa akin.

Tumango naman ako. "Oo naman."

Buti pa si Tyler, marunong sumakay ng kabayo. Samantalang ako, hindi ko pa iyon nasusubukan.

Biglang lumabas si kuya Jun sa kuwadra ng kabayo habang hawak ang tali ng tatlong kabayo.

"Ito nga pala si Wacky, Kepweng, at si Pedring. Silang tatlo lang ang available na kabayo ngayong umaga dahil, hindi pa ligo ang iba. Ang gagawin natin, by partner ang pag sakay sa kabayo." paliwanag ni ate Kath sa amin.

"Sino sa inyo ang hindi marunong sumakay ng kabayo?" tanong ni kuya Jun.

Walang pag-alinlangan akong nagtaas ng kamay at ganun rin si Tyler. 'What? Hindi siya marunong?..'

May narinig kaming napatawa ng mahina. It's him. The devil. Di porket marunong siya e, magyayabang na naman.

"So, what's the plan?" Klare asked.

"Mas better kung babae at lalaki ang sasakay sa kabayo. Para ma-balance yung pag-sakay talaga..." paliwanag ni kuya Jun.

Nakaramdam ako ng kaba..

"Yes guys. Tama ang kuya Jun ninyo. Lalo na sa mga hindi pa marunong. Wala na kayong pagpipilian. Si Klare at Tyler while si Jenny naman at si Prince." paliwanag ni ate Kath. "Pumili na kayo ng kabayo ninyo..." pagpatuloy niya.

Lumapit si Tyler sa akin. "Don't worry. Kapag marunong na ako, sa akin ka na sasakay..." sabi niya sa akin.

Hindi ko iyon napansin. Ang tanging nasa isip ko lang ay kung paano ako makasakay kung si Prince naman ang makakasama ko? Hayst. Bakit ba kasi ganito!? Iniiwasan namin ang isa't isa pero mas lalo lang kaming pinag-lapit.

Ang napiling kabayo ni ate Kath ay si Kepweng. Samantalang sina Klare naman ay si Pedring. Ang samin naman ay si Wacky. Sabi ni ate Kath, si wacky raw ang pinakabatang kabayo dito. At medyo makulit raw kaya dapat, mag-ingat kami.

"Kath, halika na..." nakita ko kung pano alalayan ni kuya Jun si ate Kath para lang maka-upo sa likod ng kabayo.

Nasa may harapan si ate Kath. Samantalang si kuya Jun naman ay nasa likuran niya.

"Guys, ganito dapat ang pag-upo ninyo. Kung sino yung marunong sa kabayo, siya dapat ang nasa likuran. Samantalang yung hindi, sila dapat nasa harapan para maalalayan sila." paliwanag ni ate Kath sa amin na mas lalo kong ikinaba.

"Tsk. Si Prince sana yung partner ko. But I don't have a choice. So Tyler, dahil hindi ka marunong ikaw ang sa harapan." medyo may pagkasupladang sabi ni Klare kay Tyler.

Ngumiti si Tyler habang papalapit sa kanya. "Hindi ako madadala sa ganyan mong ugali." rinig kong sabi niya kay Klare. Hindi iyon napansin ni ate Kath at kuya Jun.

Biglang napatawa si Tyler at ginulo ang buhok ni Klare. "Sige, mauna na ako." aniya rito bago sumakay sa kabayo.

'Hays. Mabuti naman at hindi seryoso si Tyler sa sinabi niya kay Klare...'

Nakita kong inalalayan ni Klare si Tyler sa pagsakay bago naman sumakay si Klare.

Ngayon, kaming dalawa na lang ni Prince ang naiwang nakatayo kasama ang kabayong si wacky.

"Paano ako makapag-enjoy kung makakasama ko ang lalaking ito?" I whispered softly.

"Prince, Jenny. Sumakay na kayo sa kabayo ninyo." mahinahong utos sa'min ni Kuya Jun.

Biglang inilapit ni Prince yung kabayo sa may harapan ko. Grabe, bakit mataas ang kabayong ito?

"Sumakay ka na." malamig at seryoso niyang sabi sa akin.

Nagdadalawang isip ako. Hindi ko pa kasi nasubukan na sumakay. Baka pagsakay ko, mahuhulog ako.

"Come on Jenny. Don't worry, komportable naman yan sakyan dahil may sako naman" ngiting sabi ni Klare sa akin.

"Ayaw mong sumakay?" kunot noong tanong ni Prince sa akin.

Umiling ako. Biglang nagsalita si ate Kath.

"Prince, alalayan mo si Jenny para makasakay. Ganyan din ako noon pero buti na lang, tinulungan ako ni Junrey" ngiting sabi ni ate Kath.

"Kasi magaling akong magturo.." ngiting sabi naman ni kuya Jun sa kanya.

"Jenny, huwag kang mag-alala. Nasa likod mo lang ako. Hindi ko, iwawala ang paningin ko sa'yo" sabi ni Tyler sa akin.

Biglang may kamay na humawak sa akin. "Go on. Alalayan kita." malamig niyang utos sa akin.

Wala akong magawa kundi ang sumunod sa kanya. Lalo na't nakatingin sa amin ang lahat.

Nang nasa may likuran na ako ng kabayo, naka-upo. Nakaramdam ako ng kaluwagan sa dibdib. Medyo, okay pala ang pakiramdam pag naka-upo ka na.

"Wow ah. Sige na Prince, sumakay ka na." nakangising sabi ni kuya Jun sa kanya.

Oo nga pala, sasakay din siya. Ibig sabihin, sa may likuran ko siya.

Naghanda na siya upang sumakay. Isang pwersa lang ang ginawa niya pero, nasa may likuran ko na siya.

Mabuti na lang at hindi siya nakadikit sa akin. Bigla niyang kinuha yung tali ng kabayo. Feeling ko, ang tali ang magpapahinto sa kabayo.

"I think, ready na ang lahat. Sumunod lang kayo sa amin. Huwag ninyong iwala ang tingin sa amin. Baka pagdating natin doon sa kagubatan, eh maligaw kayo" tumango kami sa sinabi ni ate Kath.

"Kami, hindi kami maliligaw. Dahil alam ko naman kung saan tayo pupunta." taas noong sabi ni Klare.

"Good to know that. Jenny..." tawag sa akin ni Tyler sa may likuran. "Nasa may likuran lang ako.

You are reading the story above: TeenFic.Net