53: Tyler's Back

Background color
Font
Font size
Line height

CHAPTER 53

Tyler's Back

PRINCE POV

LAHAT, AKO ang sinisisi kung bakit nagkaganoon si Jenny. Kasalanan ko ba kung bakit nahulog ang bagay na iyon galing sa itaas? Nakapagtataka lang talaga.

Pasalamat sila, walang nangyaring masama sa Jenny na iyon. Niligtas siya ni Tyler. Kaya ngayon, si Tyler ang napinsala at samantalang si Jenny, nahimatay lang dahil sa pagkagulat. Pero hindi ibig sabihin nun, hindi na ako nag-alala sa kanya.

Kahit tapos na ang pagpapanggap namin, hindi ko parin mapigilang hindi mag-alala. Naiinis ako sa sarili ko. Kailangan ko na siyang layuan.

"Kuya, please... Gusto kong puntahan si ate Jenny. Tulungan mo naman ako kina Mommy oh" lumapit si Lisa sa akin at nakiusap.

Nandito kami sa labas ng kwarto ni Tyler sa school clinic. Nasa loob sina Chairman, ang pamilya ni Sarah, si Tita Stella, at pati na rin sina Mommy. Lahat sila, nag-alala kay Tyler.

Hindi pinayagan si Lisa na puntahan si Jenny. Kaya ngayon, umiiyak siya. At bilang Kuya, hindi ko pinapayagan ang kahit na sino na maging dahilan ng pag-iyak ng nag-iisa kong kapatid.

I tapped her head. "Sasamahan kita." sabi ko dahilan ng kanyang pag-ngiti.

"Tara, kuya!" nauna siyang naglakad at sumunod naman ako sa kanya.

Kanina, sinisisi niya rin ako dahil sa nangyari kay Jenny. Kung hindi ko raw iniwan o binitawan si Jenny hindi mangyayari ang ganito.

Habang nakasunod kay Lisa, hindi ko maiwasang isipin ang mga nangyari kanina. Lalo na yung sayaw namin. Nagulat din ako sa sarili ko dahil sa ginawa ko, sa huling parte ng sayaw namin. Ramdam ko ang tibok ng puso ni Jenny at ang kanyang paghinga. Minsan talaga, kung saan-saan napupunta ang isip ko. Nakakadiri mang sabihin pero, muntik ko na siyang mahalikan kanina.

Simula noong dumating kami dito sa harvend, naging gentleman ako sa kanya. Ni hindi ko mabitawan ang kamay niya at hindi ko hinahayaan na lumayo siya sa tabi ko. Minsan tinanong ko sarili ko na, ganoon ba talaga dapat ang gagawin ko? Kailangan ko ba talagang magpanggap?

Kahit na nanalo ako, hindi ko naman ramdam ang pagkapanalo. Naiinis ako sa taong nakikita ko. Lalong-lalo na kay Tyler. Talagang sinasadya niyang inisin ako. Gustong-gusto ni Tyler makuha ang atensyon ng lahat. Lalong-lalo na ang atensiyon ni Lolo.

'Wala akong pakialam doon...'

Ano naman kaya ang nakain niya at lumapit siya kay Jenny kanina? Naka-maskara pa talaga siya? Akala niya siguro, hindi ko siya makikilala. Malaki ang pinagbago niya makalipas ang limang taon. Alam kong hindi niya nakalimutan ang ginawa ng buong svt sa kanya. Kasalanan niya din naman ang nangyari. Parte ng svt si Tyler. At dahil sa ginawa niya na ikinagalit ng grupo, ipina-alis ko siya.

Ngayong bumalik siya, hindi ako makapapayag na sisirain niya ang svt. Hindi siya sa svt galit, kung hindi sa akin. Matagal ko nang alam na gusto niyang makuha ang mana ng pamilya. Kaya lang, minamalas siya. Dahil hindi naman siya tunay na anak.

Napahinto kami sa isang kwarto.

"Kuya, papasok na ako ah" paalam ni Lisa sa akin.

Tumango lang ako. Hindi ako papasok sa loob. Ayaw kong makita si Jenny. Gusto ko, isipin niya na wala na akong pakialam sa kanya.

Mabuti na lang, may pamalit ako. Nagsuot agad ako ng damit kung saan, komportable ako. Matagal natapos yung event. At hindi naging maganda ang pagtatapos. Paniguradong may lalabas na naman na balita na makakasira sa Harvend.

Kailangan kong malaman kung sino ang nasa likod ng insidenteng iyon. Sinadya talaga ang nangyari.

Biglang may lumabas sa pinto kaya napatingin ako doon.

"Marky---"

"Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sayo ngayon. Galit ba o tuwa." napahinto ako dahil sa sinabi niya.

"Teyka Marky. Iniisip mo talaga na ako ang may kasalanan?" tanong ko sa kanya.

"I don't know. Bro, sana hindi ka na lang naging selfish. Pagkatapos mong makuha ang premyong iyon, iniwan mo na lang siya. Nakita ko, Prince. Kitang-kita ko, na nakaramdam siya ang hiya dahil sa pag-iwan mo. Sinadya kong hindi muna siya lapitan o kausapin dahil may plano ako. Ngayong gabi ako aamin sa kanya. At alam mo iyon." may namumuong sama ng loob sa boses niya.

"Sensya naman. Tapos na ako sa pagpapanggap ko---"

"Ganyan ka ba talaga? Alam mo bro, tiniis ko yung selos ko habang magka-sayaw kayo at magkahawak ang kamay. Nagseselos ako doon. Pero naisip ko parin si Jenny at ikaw. Ginagawa niyo lang iyon dahil sa grado." pagputol niya ulit sa sasabihin ko.

Bakit kailangan niyang mag-isip ng kung ano-ano?!

"Bro, bakit mo ba naiisip yan? Magkaibigan tayo. Kaya bakit ka magseselos?" tanong ko sa kanya.

"Hindi mo kasi alam kung paano. Magmahal ka kaya para naman ramdam mo kung anong nararamdaman ko." natahimik ako sa sinabi niya.

Ngayon lang ito sinabi ni Marky sa akin. Hindi naman kami ganito dati.

"Bro, nagsasabi lang ako. Pero hindi ibig sabihin nun, galit ako sayo" naging mahinahon ang boses niya.

"Tsk. Ayos lang naman na magalit ka sa'kin eh. Aaminin ko, may kasalanan din ako. Nag-alala din naman ako kay Jenny dahil kaibigan siya ng kapatid ko. Hindi ko makakayang makita si Lisa na maging malungkot dahil lang kay Jenny." sabi ko pabalik.

Nasipa niya ang upuan at sabay na napahawak sa kanyang batok. "Naiinis ako sa sarili ko! Dahil hindi ako ang taong nagligtas sa kanya! Sana ako ang taong iyon!"

"Huwag kang ganyan. Hindi sa lahat ng oras, kailangan ikaw ang magligtas sa kanya---"

"No Prince. Dapat ako yun eh! Pang-ilang beses mo na siyang niligtas ta's ngayon, si Tyler pa ang nagligtas sa kanya."

"Bro, nagpapa-ka-feeling hero lang ang Tyler na yun." sabi ko.

"That's none sense. Alam kong hindi siya ililigtas ni Tyler kapag walang dahilan." paninigurado niya.

Napaisip ako. Tama si Marky. Hindi naman kayang ibuwis ni Tyler ang buhay niya para lang sa wala.

"Marky!" napalingon kami sa lumabas. "Oh, bakit nandito ang Prince na 'to?" taas noo niyang tanong sa akin.

Inis akong lumapit sa kanya. "Anong karapatan mong magsalita ng ganyan sa akin?" tanong ko pabalik sa kanya.

"Ano rin ang karapatan mong pumunta dito? Kasalanan mo kung bakit nangyari kay Jenny ito?!" galit niyang sigaw.

Dahil sa inis ki-nuwelyuhan ko siya. "Anong sabi mo? Bakit sinisisi mo sa akin ang kapabayaan ng kaibigan mo!" galit kong sigaw sa kanya.

Agad na pumagitna si Marky sa amin. "Magsitigil nga kayo! Vince, walang kasalanan si Prince dito."

Agad naman akong tinulak ng Vince na 'to. "Sabi ko na nga ba. Mapapahamak si Jenny kapag kayo ang kasama niya!" giit nito sa aming dalawa ni Marky.

"Kung makapagsalita ka parang alam mo kung saan pumunta si Jenny pagkatapos siyang palayasin sa bahay nila. Tsk. Wala ka namang alam." sarkistong sabi ko.

"A-anong ibig mong sabihin?" tanong niya sa akin.

I chuckled. "Hindi mo alam? Sa bagay. Hindi pa pala kayo nag-uusap. Well, ganito kasi yun.. Pumunta siya sa bahay namin. At nakita siya ng yaya namin. Dahil naawa ang kapatid ko, hinayaan kong tumuloy siya sa bahay. At nang dahil sakin. Kaya ligtas ang kaibigan mo." mariing paliwanag ko sa kanya na ikinatahimik niya.

'Biglang natahimik ang lokong 'to. Akala niya siguro, kaya niya akong pagsalitaan ng ganoon...'

Hindi ako papayag na pagsalitaan na lang ng basta-basta ng mga taong hindi ko naman kaibigan.

"Kahit na ganoon, hindi parin maialis sa isip ko ang dahilan kung bakit nangyari ito kay Jenny. Kaibigan ko siya at nangangako ako na walang makapanakit sa kanya hangga't nandito ako." paninigurado pa nito.

'Taas ng confident sa sarili. May pagka-mayabang din ang artistang hilaw na 'to...'

"Prince!"

Napalingon kami sa mga dumating. "Bro, napaalis na namin ang mga media" hinihingal na sabi ni Jhon.

"Tapos yung mga mahahalagang bisita, pumunta na sa admins office" mahinahanong sabi ni Jack.

"Yung mga bisitang galing sa ibang schools, umalis na" sabi rin ni Liam.

"Ta's yung ibang students, umuwi na rin." hinihingal na sabi rin ni Lance.

"Eh si Kayzer? Nasaan siya?" tanong ni Marky sa kanila.

"Nandoon pa sa venue. Siya nag-asikaso sa mga naiwan." tugon ni Jhon.

I sighed frustratedly. "Nakakainis. Balikan niyo si Kayzer doon at humanap kayo ng ebidensya sa nangyari. Alam kong sinadya ito." sabi ko na ikinatahimik nila. "Jack, diba close kayo ng ssg secretary?" tanong ko sa kanya.

Tumango siya. "Bakit?"

"Humingi ka ng list sa mga taong nagdesinyo doon sa nahulog at ibigay mo sa kay Marky." utos ko sa kanya.

"Walang problema. Teyka, ano bang balak mong gawin?" tanong niya sa akin.

"Basta. Gawin mo na lang" ani ko.

"Sige, alis na kami. Sasamahan lang namin si Kayzer doon" paalam nila sa amin.

Lumapit sa akin si Marky.

"Bro, siguro tama tayo ng iniisip. Alam kong may aberya sa nangyari. Sinadya ito para lang masaktan si Jenny."

Lumapit rin si Vince samin. "Ang sabihin niyo, nadamay lang si Jenny dito. Alam kong may isang taong dahilan kung bakit napunta kay Jenny ang nangyari..." inangat ng loko ang tingin niya sa akin.

'Parang, sa akin talaga gusto niyang isisi ang lahat ah... Nakakapikon ang lokong 'to...'

"Vince, alam kong nag-alala ka sa kalagayan ng bestfriend mo. Ganun din kami. Kaya huwag ka namang ganyan..." mahinahong sabi ni Marky sa kanya.

Paano naman naging mabait si Marky sa lokong 'to? Sa bagay, mabait naman talaga si Marky sa lahat. Tsk.

"Marky, sa tingin ko, kailangan ko nang umalis..."

Aalis na sana ako ng bigla niya akong pinigilan. "Hindi mo naman kailangang umalis----" hindi niya natapos ang sasabihin dahil sa taong lumabas ng kwarto.

Naka-suot siya ng puting damit at nakapag-pajama. Para lang galing sa tulog ah.

"Jenny, saan ka pupunta? Bumalik ka sa loob" utos ni Vince sa kanya.

"Ayos lang ako Vince. Gusto kong puntahan yung lalaking nagligtas sa akin..." mahinahong sabi niya.

Agad na lumapit si Marky sa kanya. "Jenny, huwag kang mag-alala sa kanya. Wala namang nangyari---"

"Marky, kasalanan ko kung may mangyaring masama sa taong iyon. Malaki ang utang na loob ko sa kanya. Kung hindi dahil sa kanya, malamang wala na ako ngayon!" biglang tumaas ang tono ng boses niya.

Niyakap naman siya ni Marky agad. "Sige, pero sasamahan kita..." rinig kong sabi ni Marky.

"Hindi na kailangan. Sasamahan ako ng mga kaibigan ko... sige." mahinahong sabi niya bago naglakad paalis.

"Kuya, sasamahan ko muna si ate Jenny" tumango lang ako sa sinabi ni Lisa bago sinundan ang kaibigan niya.

Napahinto naman si Missy at Pauline sa harapan ko. "Kung hindi mo lang sana iniwan si Jenny, hindi na sana nangyari ito." sabi ni Pauline sa akin.

"Sana, panindigan mo na ang pag-iwas mo sa kanya. Dahil, hindi na lalapit sa'yo si Jenny kahit kailan." mahinahong sabi naman ni Missy sa akin.

"Naintindihan na namin si Jenny ngayon. Sana lang talaga, mahanap ang taong may gawa nito. At sana, hindi ikaw ang nasa likod ng mga pangyayari." mariing sabi sa akin ni Pauline bago sila umalis.

Iniisip talaga ng mga kaibigan niya na ako ang may kasalanan.

"Hindi natin sila masisi sa sinabi nila." may halong pagka-sarkastiko sa boses ng Vince na 'to.

Gusto yatang makatikim ng suntok ang mokong na 'to ah.

Nagsalita naman si Marky. "Puntahan natin si Jenny"

"Bakit pa? Eh gusto lang naman niyang magpasalamat sa nagligtas sa kanya" kibit-balikat na tugon ni Vince.

"Malay natin. Baka may plano ang Tyler na iyon." sabi naman ni Marky.

"That's funny. Bakit, kilala niyo ba ang lalaking iyon?" tanong ni Vince sa amin.

"Hoy, ba't ka nagtatanong? Feeling close ka ba?" sarkistong tanong ko rito.

"Hayst. Hindi ako mapakali dito. Gusto kong pumunta doon." sabi pa ni Marky.

"Tara puntahan natin. Nga pala, hindi na ako tututol sa panliligaw mo kay Jenny. Tutal, karapat-dapat ka naman kay Jenny kaya... support ako. Tutulungan kita sa kanya" nakangiting sabi ni Vince kay Marky.

May balak sigurong makipagkaibigan kay Marky. Pwes, hindi.

Lumapit ako kay Marky at bumulong. "Talaga bang, sinabi mo sa kanya na liligawan mo ang Jenny na 'yun?" bulong kong tanong sa kanya.

Walang pag-alinlangan siyang tumango. "Sabi niya kasi, tutulungan niya ako kapag naging karapat-dapat ako kay Jenny."

Napailing ako. "Ibang klase talaga. Tsk." hindi makapaniwalang sabi ko.

Rinig kong napatawa si Vince sa may likuran namin.

Mariin ko siyang tinignan at sarkisto naman siyang ngumiti sa akin.

Gusto niya talaga akong inisin. Nakuha niya ang loob ni Marky dahil kay Jenny. Feeling close talaga.

Nang nakarating na kami sa kwarto ni Tyler, nakita naming si Lisa ang naiwan sa labas.

"Lisa, si Jenny?" nagmamadaling tanong ni Marky sa kanya.

"Nasa loob, kausap si kuya Tyler" ngiting sabi naman ni Lisa.

"Anong pinag-uusapan nila?" tanong naman ni Vince.

"I don't know? Basta sabi ni kuya Tyler, sa labas lang ako"

"Eh sina Missy, nasaan?" tanong pa ni Marky sa kanya.

"Umuwi na sila, bago lang"

"Kanina pa ba sila sa loob?" tanong ulit ni Marky.

"Well, kanina pa"

"Bakit ang tagal nilang mag-usap?" may halong pagre-reklamo na sa boses ni Marky.

Makalipas ang ilang minuto, hindi parin sila natapos sa pag-uusap. Kaya si Marky ay hindi mapakali.

Kanina pa rin wala sina Chairman at sina Mommy sa loob. Paniguradong nasa admins office na sila. Para saan naman kaya ang ginagawa nilang meeting?

"Kuya Marky, relax ka lang... Wala naman sigurong gagawing masama si kuya Tyler kay ate Jenny." mahinahong sabi ni Lisa sa kanya.

"Lisa, hindi mo kilala si Tyler. At kami, kilalang-kilala namin siya." malamig kong sabi.

"Eh, paano kung nagbago na siya?" tanong niya samin.

"Malay natin, nagkukunwari lang siya." giit ko naman.

"Hmpk!"

Magaling magkunwari si Tyler. Dahil buong buhay niya, nagkukunwari lang siyang mabait.

Nang bumukas ang pintuan, napatingin kami sa kanya. Kitang-kita naman sa mukha niya na masaya siya. Halatang may sinabi si Tyler sa kanya.

"Uy ate Jen, anong pinag-uusapan niyo?" dali-daling tanong ni Lisa sa kanya.

"Ahhh, nakikipagkaibigan lang naman siya..." may halong saya sa boses niya.

Yikes. Hindi naman bagay sa kanya na maging ganyan.

"Nakikipagkaibigan nga ba talaga?" tanong ni Marky.

"Oo, friendly nga siya eh" ngiting pagpatuloy pa nito.

Ang dali talagang ma-uto ng Jenny na 'to.

"Ate Jenny ah!" ngiting sabi pa ni Lisa.

"Nga pala Marky, sabihin mo na lang kaya sa akin ang gusto mong sabihin? I mean, hindi natuloy yung dinner natin---"

"Ah, ang tungkol doon? Haha. Ayos lang" pagputol ni Marky sa sasabihin niya. "May bukas pa naman eh." ngiting pagpatuloy ni Marky sa kanya.

"Ganoon ba?"

"Ate Jenny, ang sabi pala ni tita Stella na... pumunta lang kayo sa office niya bukas, kayong dalawa ni kuya. Ibibigay niya sa inyo yung special prize" sabi ni Lisa sa kanya.

"Ta-talaga? Sure. Pero saan naman kaya---"

"Sabay na lang kayo ni Kuya" napahinto siya dahil sa sinabi ni Lisa.

Magsasalita na sana ako ng biglang nagsalita si Marky.

"No need. Ako na ang sasama kay Jenny bukas. Tutal alam ko naman kung saan ang bahay nila." ngiting sabi ni Marky.

Oo nga naman. Atsaka wala akong planong makasama na naman ang Jenny na 'to.

"Sige, sure." ngiting sabi pa ni Jenny. "Vince, I think we need to go home. Baka hinahanap na ako ni Mom" rinig kong sabi niya.

Hinahanap? Eh wala ngang nagpakitang ina nung may nangyari sa kanya. Hindi parin siya natuto. Gusto niya paring bumalik sa kanila sa kabila ng lahat.

"Sige. Halika na.." nakita naming inakbayan ni Vince si Jenny.

Naalala ko yung pag-akbay ko sa kaniya kanina.

"Pwede ka namang sa amin na lang muna tumuloy..." rinig naming sabi ni Vince.

"Teyka, hindi pwede. I mean... ganiyan ba talaga kayong magkaibigan?" agaran na tanong ni Marky sa kanila.

Biglang tumawa ng marahan si Vince. "Siyempre. Magkapatid ang turingan naming dalawa. Kaya, huwag ka na magselos diyan tol!" sabay tapik niya sa balikat ni Marky.

"Hoy, ikaw talaga! Sensya na Marky ah. Talagang palabiro itong si Vince" humingi pa ng pasensya si Jenny.

Nakainis. Hindi niya nga talaga ako pinansin. Mabuti iyon. Siguraduhin niya lang talaga.

"Ayos lang ahahaha!" natawa rin si Marky.

'Naks. So ngayon, magkaibigan na sila?..'

"Sige, bye! Bye Lisa!" niyakap niya ang kapatid ko. "See you sa Monday!" ngiting pagpatuloy niya. "Bye Marky, kita kits na lang tomorrow." paalam niya rin kay Marky.

"Bye!" paalam naman ni Vince kina Lisa.

Nilampasan niya lang ako. Ni hindi siya lumingon sa akin? Wtf. Ah, oo nga naman. Iniiwasan namin ang isa't isa! Kung ganoon, bakit ko pa naiisip ang mga ganito!?

"Prince, bakit hindi ka pinapansin ni Jenny?" tanong ni Marky sa akin.

"May usapan kami. Pagkatapos ng pagpapanggap namin, iiwasan na namin ang isa't-isa. Kaya ayun, balewala na siya sa akin. Hindi ko na siya aawayin." giit ko.

"Bakit ngayon ko lang yan alam?" tanong ni Lisa.

"Hindi naman lahat dapat mong malaman." sabi ko sa kanya.

Tinapik ni Marky balikat ko. "Tama ang naging desisyon mo, Prince. Pero sana, tulungan mo kaming malaman kung sino ang taong nasa likod ng mga nangyari. Natatakot ako na baka maulit ito kay Jenny." mahinahong sabi ni Marky.

Dahan-dahan akong tumango. "Sige, tutulong ako. Pero, siguraduhin niyo din na hindi magkikita ang landas namin ng Jenny na 'yun. Na hindi niya ako makakausap at dapat hindi niya malaman na tinutulungan ko siya." sabi ko.

Tumango naman si Marky. "Sure. Salamat Prince. Salamat dahil, kaya mong gawin ang lahat para sa akin"

"Siyempre, magkaibigan tayo eh" saad ko.

Kaya kong ibaba pride ko para lang kay Marky. Para akong kuya niya. Kahit matanda pa siya sa akin. Pftt haha.

"Kuya, puntahan ko lang si kuya Tyler sa loob ah" paalam ni Lisa bago pumasok.

Sumunod rin kami ni Marky sa kanya.

Pagpasok namin, nadatnan namin si Tyler na nakangiti sa amin.

"Welcome back to me!" pauna niyang sabi.

"Uy, kuya Tyler! Anong pinag-uusapan ninyo ni ate Jen?" dali-daling tanong ni Lisa sa kanya.

Lumawak naman ang ngiti nito. "Well, it's a secret."

"Sabihin mo!" agad na sinugod siya ni Marky.

"Oh, teyka lang! Kalma. I'm in the bed. I can't fight you Marky." agaran niyang sabi.

"Lisa, lumabas ka muna. Kami na bahala kay Tyler" sabi ko kay Lisa.

"Ah, sige. Alis lang ako. Pupunta na ako kay Mommy" paalam ni Lisa bago lumabas.

Ngayong kami na lang tatlo ang nandito.

"By the way, where's the warm welcome?" sarkistong tanong nito sa amin.

You are reading the story above: TeenFic.Net