52: Party Accident

Background color
Font
Font size
Line height

CHAPTER 52

Party Accident

JENNY's POV

TONIGHT I'M a Dracula's wife.

Kinakabahan, pero pinapaganda niya ang loob ko. Diko inaakala na maging ganito siya sa'kin para lang maging maganda ang performance namin mamaya.

This costume I'm wearing is a bit itchy. So I had to be patient. Isang gabi ko lang naman ito susuotin.

"Yehey! Malapit na tayo sa harvend!" tuwang sabi ni Lisa na nasa may harapan.

Daming alam ni Lisa. Siya na nag-asikaso ng costumes namin ta's marami pa siyang ginagawa upang gagaan rin ang pakiramdam ko.

Sana, maging katulad ako ni Lisa ka-saya. 'Yung tipong hindi nawawalan ng pag-asa.

Iniisip ko kanina sina Mommy. After this party, uuwi na ako sa bahay. Hihingi ako ng tawad sa kanya. Sana, mapatawad niya ako dahil matagal akong hindi umuwi.

Rinig ko ang bawat paghinga ni Prince na nasa tabi ko. Handang-handa na siya sa sayaw. Pagkatapos ng gabing ito, hindi na niya ako kailangan pang tulungan o ipagtanggol. Iiwasan na namin ang isa't isa at pangako yan.

Huminto ang sasakyan sa harap ng gate ng school campus.

Nag-drive pa si manong papasok ng gate. May presidents' parking lot sa school, at doon nagpa-park ang mga katulad nila.

"Ate Jen, ayos ka lang ba?" pag-alalang tanong na naman ni Lisa sa akin.

Tumango ako at ngumiti sa kanya. "Oo naman" tanging nasabi ko.

Malalampasan ko rin ang gabing ito.

Napahinto ako dahil sa biglang may humawak sa kabila kong kamay.

"Just follow me. Sundin mo lang ang sasabihin ko. And believe that you can. Tonight, you can't get out of my sight because that's our deal. Hayaan mo, andito lang ako. Bukas, hindi ko na magagawa sa'yo ang mga bagay na magagawa ko ngayon. Kaya tiisin mo na lang..." mahinahanon ngunit seryoso nitong sabi sa akin.

Alam kong ginagawa niya lang ito para maging maganda ang performance namin. Tama naman siya. Titiisin ko na lang.

Tumango ako sa sinabi niya.

He told me that he will be a gentleman tonight. Well, hindi nga ako nagkamali. Talagang pinanindigan niya ang sinabi niya.

Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko nang huminto ng tuluyan ang sasakyan.

"Omggg! Lalabas na akooo!" naunang bumaba si Lisa at kita ko ring pagbaba niya, tumalon-talon pa siya.

Ang suot niyang costume ay yung joker costume. I'm sure, parang si Joker rin si Kayzer sa costume niya ngayon.

Lalabas na sana ako ng biglang may pumigil sa akin.

"Mauna muna ako...." mahinahong sabi niya sa akin bago bumaba ng sasakyan.

Natulala na naman ako. Wala akong magawa kundi ang tumango sa sinabi niya.

"Take my hand..." inangat niya ang kanyang kamay sa akin.

"Hindi mo naman kailangang gawin yan para lang maging gentleman ka" sabi ko.

"Tsk. Diba, sabi ko sa'yo. Sundin mo lang ang sinabi ko? Bukas hindi ko na magagawa 'to." aniya sabay na ngumiti.

"Opo, heto na..." sabay hawak ko sa kamay niya bago bumaba ng sasakyan.

Pagkababa ko, isang buntong hininga na naman ang pinakawalan ko.

"Haysss. Grabe, nakakapanibago. Ano kaya ang sasabihin ng mga estudyante kapag makita nila ako?" tanong ko sa aking sarili.

Bigla naman siyang nagsalita. "Malamang sasabihan ka nila ng masasakit na salita. Nagsinungaling ka pa kase." giit niya.

Medyo nainis ako. "Tsk. Hindi na ako magsisinungaling sa susunod. Kaya, sasabihin ko talaga ang nararamdaman ko." simple kong sabi.

Nakita ko siyang napa-iling. "Huwag mo ngang sabihin yan sakin. Basta, huwag kang lalayo sa'kin sa gabing 'to. Sabay tayong maglalakad. Kapag tatawagin ka ng mga kaibigan mo, sila dapat ang lalapit sa'yo. Kapag kakausapin ka ni Marky, dapat kasama mo parin ako. Kung kakausapin ka ni Sarah, dapat kasama mo rin ako." napahinto siya at nagsalita ulit. "Ngayong gabi lang naman. Kaya sana, gawin mo. After ng sayaw... may pupuntahan tayo...." pagpatuloy niya pa.

Pero ang huling sinabi niya, parang may kakaiba.

I sighed. "Sige. Hindi ako lalayo sa'yo sa gabing 'to. Gagawin ko kung ano ang sasabihin mo." ngiting sabi ko sa kanya.

Wala akong magagawa. Madali lang naman matapos ang oras kaya, magtitiis ako. Kaya ko namang gawin ang sasabihin niya. Wala lang naman 'to. Gaya ng sabi niya kaninang umaga, this is just an acting.

Pumagitna si Lisa sa amin. "Ehem... Ehem. Guys, the time is running! We only have 40 minutes left. So, tara na? Sobra na kasing sweet kayong mag-asawang bampira hihi..." ngiting sabi ni Lisa na may halong tuwa sa boses niya.

I chuckled.

Agad namang hinawakan ni Prince ang kamay ko.

'Teyka, parang nasasanay na siyang hawakan ang kamay ko ah...'

"So ano Lisa? Masaya ka na ba na maging ganito ako sa kaibigan mo?" tanong niya sa kapatid.

Masayang tumango naman si Lisa. "Oo---"

"Pwes, magpakasaya lang kayo ngayon. Dahil bukas o sa susunod, hindi na ako magiging ganito kahit kailan." pagputol nito sa sasabihin ni Lisa.

Natahimik si Lisa kaya nagsalita ako. "Huwag kang mag-alala Prince. Alam kong babalik ang pagiging demon mo sa akin. Tatanggapin ko yun, pero sana huwag mong basagin ang pagiging masaya ng kapatid mo" mahinahanong sabi ko sa kanya.

Lumapit si Prince kay Lisa habang hawak parin ang kamay ko.

"Lisa, mauna ka na nga doon. Ako na bahala sa kaibigan mo, huwag kang mag-alala..." sabi niya sa kapatid.

'T-Teyka, ano bang balak ng Prince na 'to?...'

I saw Lisa's pouting. "Okay. Ikaw na bahala kay ate Jenny kuya ah. Be a good vampire hihi." ngiting sabi niya kay Prince. "Bye ate Jen! Magkikita na lang tayo sa loob ng gymnasium. Sasabihan ko rin sina ate Missy na dumating ka na..." ngiting sabi niya sa akin.

Magsasalita na sana ako ng biglang nagpaalam na si Lisa.

"Teyka!" tawag ko sa kanya pero di niya ako nilingon.

Rinig kong napatawa si Prince. "HAHAHA!" para siyang si dracula kung tumawa. "Ngayong wala na si Lisa, maari ko na talagang simulan ang pagiging gentleman ko hahahahha!" sabi nito sabay na tumawa.

"Hoy, ayos ka lang ba? Para kang ewan sa sinasabi mo eh." singhal ko.

Natahimik siya sa kakatawa at bumalik sa pagiging seryoso ang mukha niya. "Sige, ganito na lang. Kapag may makakita sa ating tao, magku-kunwari akong sweet sa'yo. Gets mo?"

Tumango ako. "Oum. Tutal wala naman akong magagawa, kaya susundin na lang kita" sabi ko.

"Tara na nga!" hinila niya kamay ko papasok sa hallway ng abm building.

Kunwari lang naman lahat ng 'to. Para sa grado, gagawin ko lahat.

Habang naglalakad kami, biglang dumadami ang mga estudyanteng naka-costume na naglalakad.

"Omyyy! Si Prince ba yan at si Jenny?" rinig kong tanong ng isang babae sa kasama niya.

Mas lalong hinawakan ni Prince ang kamay ko at inilapit ako sa tabi niya.

'Talaga bang ganito siya kapag sweet? Eh para nga siyang adik neto...'

Biglang may humarang sa nilalakaran namin. Naka white lady costume siya...

"Gosh! Prince, ikaw nga 'yan!" tuwang sabi ng babae.

"Trisha?" tanong ni Prince sa kanya.

"Oo! Ikaw talaga, di mo na ako agad nakilala? Oh..." lumapit si Trisha sa akin. "Jenny? My ghaddd! Wow grabe! Ang ganda ng costumes ninyo ah! Bagay na bagay sa inyo!" manghang sabi niya.

"Naku, maganda rin yang costume mo. Di kita namukhaan dahil sobrang puti ng mukha mo" sabi ko sabay na napatawa.

"Yeah, I know. Nga pala, bakit hindi ko na kayo nakita simula noong practice----"

Nagsalita si Prince para hindi matuloy ang sasabihin ni Trisha. "Sa ibang dance studio kami nag-practice. Diba, iba ang steps namin? Kaya ayun, nag-absent kami." simpleng sabi nito.

Dahan-dahan namang tumango si Trisha. "Kung sa bagay... Ah, oo nga pala. Hindi pala kayo mag-jowa ni Vince Park?" tanong ulit ni Trisha sa akin.

"Ah kasi..."

"Kasi, tinulungan niya lang ang Vince na 'yun. Kaya kasalanan ni Vince ang nangyari" pagputol ni Prince sa sasabihin ko.

Tumango ulit si Trisha. "Kaya pala gumawa siya ng public apology sa lahat. Pero, wala na yung issue ngayon. Dahil alam naming lahat na magkaibigan kayo ni Vince. At maraming namangha sa pagkakaibigan ninyo" ngiting sabi ni Trisha sabay tingin sa akin.

Ngumiti ako at tumango. "Talaga? Mabuti naman kung ganoon" lumapit si Trisha sa akin at nakita kong nakatingin siya sa kamay ko na hawak ni Prince.

"Owhhh... I smell something..."

Dali-dali kong inalis ang kamay ni Prince sa kamay ko at ngumiti kay Trisha. Magsasalita na sana ako ng bigla akong inunahan ng lalaking 'to.

"Trisha, diba isa sa criteria para manalo ay dapat makikita ng lahat na komportable ang bawat mag partner?" nakangising tanong niya kay Trisha.

Wala namang pag-alinlangang tumango si Trisha. "Yeah, true! Kaya pala, nakikita kong komportable na si Jenny kasama ang ayaw niyang tao hahahaha"

"Pftt. We're just doing this for the grades." giit ni Prince na ikinatahimik ni Trisha.

"Well, tama naman. Oh siya, goodluck na lang ah. Galingan ninyong dalawa. Mauuna na ako sa inyo. Kita kits na lang sa loob ng gym" paalam niya sa amin.

Tumango kami pareho.

"Hoy. Bakit mo inalis kamay mo kanina? Uncomfortable ka ba kasi, baka makita tayo ni Marky na magkahawak ang kamay" nakataas niyang tanong sa akin.

"Huh? Bakit nadamay si Marky?" tanong ko sa kanya. "Hoy. Inalis ko lang ang kamay mo dahil ayaw kong isipin ni Trisha na..." hindi ko matapos ang sasabihin ko.

Ano nga bang dahilan?

"Na ano?" tanong niya pabalik.

Dali-dali akong umiling. "Wala. Bilisan mo nga diyan!" singhal ko bago naunang lumakad.

Habang naglalakad kami, hindi ko maiwasang hindi mailang. Nasa may gilid ko siya. At halos lahat ng mga tingin ng tao ay nasa amin.

"Grabe mag-asawang bampira! Ang bagay nila!" rinig naming tilian ng mga nakakita.

"Goshhhh! Si Prince pala yannnn!" mas lalong dumami ang mga estudyante sa hallway na dinadaanan namin.

"Prince!! Ang gwapo mo talaga!" manghang sigaw ng isang babae na may kasamang lalaki.

Napailing na lang ako.

Hindi parin nagbabago ang mga tingin nila kay Prince. Talagang siya ang hari sa paaralang ito.

"Ang ganda mo naman miss Kim" nabigla ako dahil biglang may lumapit sa akin. "Hi, I'm Tien from HUMSS strand. And I am admiring you since the 1st day of our PE" ngiting sabi nito sa akin sabay lahad ng kamay.

'Wow. Talaga bang, may admirer ako?...'

I cleared my throat. "Ah, hi. Nice costume ah..." wala akong masabi, tanging iyon lang ang lumabas sa bibig ko lalo na't kasama ko si Prince.

Bigla namang lumaki ang ngiti ni Tien. "Salamat. Nga pala, sasabay na ako sa inyo---" hindi niya natapos ang sasabihin dahil bigla akong hinila ni Prince at inakbayan na para bang close kami.

Kita kong napatingin si Tien kay Prince at agad na iniwas ang tingin niya rito. "Ah, haha. Oo nga pala, may pupuntahan pa ako. Sige miss Kim, mauna na ako ah. Bye!" nagmamadaling paalam niya sa akin.

"Teyka, ba-bakit siya nagmamadali?" takang tanong ko.

Rinig kong napatawa na lang si Prince na nakaakbay sa akin. Dali-dali ko siyang tinulak palayo. 'Inakbayan niya talaga ako. Parang sira...'

Naglakad naman siya papalapit sa akin. "Mukhang natatakot ang admirer mo ah pftt. Haha. Hoy tandaan mo 'to, huwag kang tatanggap ng kung ano-ano. Hangga't may gusto sayo ang kaibigan ko." sabi niya pa.

"Wala naman akong tinanggap ah. Gusto lang ni Tien na sumabay---"

"Kung gusto niya edi sana, hindi siya nagmamadaling umalis diba?" sarkistong pagputol niya sa sasabihin ko.

Hindi ko na lang siya pinansin. I checked my watch. "Patay, 20 minutes na lang..." sabi ko sabay na naglakad.

Sumunod naman siya sa akin. "Saglit!" kinuha niya ang kamay ko at ipinagsiklop niya ito. "Subukan mong ialis, mananagot ka sa akin." pagbabanta niya bago nagpatuloy sa paglalakad.

Nakakainis. Ganito ba ang plano niyang gawin?!...

Nakikita na namin mula dito ang labas ng gymnasium. Maraming tao ang nasa labas nito. May mga media at mga cameras na nasa gilid ng daanan.

'Grabe, para namang mga artista ang lahat ng nandito...'

Napahinto si Prince kaya napahinto rin ako.

Nakinig ako ng mabuti sa sinabi niya. "Be confident. Huwag kang tumingin o lumingon sa mga media. Hawakan mo lang ang kamay ko. Basta, sundan mo lang ako." tumango ako sa sinabi niya.

Magka-holding hands parin kaming dalawa. Wala akong pakialam kung ano ang iisipin ng mga tao pag nakita kaming ganito. Basta, parang nang dahil sa hawak niya... ligtas ako sa mga pangungutya ng iba.

"Handa ka na ba?" tanong niya sa akin.

Huminga ako ng malalim. "Handa na." ngiting sabi ko.

Nagsimula na naman kaming maglakad papuntang gymnasium. Nang nasa harapan na kami, hindi ako nakaramdam ng kaba dahil inisip ko yung sinabi ni Prince kanina.

Namangha ako sa disenyo papasok. May disenyo sa gilid habang ang a-apakan ay isang red carpet. Makikita mo rin ang mga magagandang ilaw sa itaas ng gymnasium.

'Kung tutuusin, ngayon lang ako nakasama sa ganitong party. Walang ganito doon sa old school ko...'

"Ayan na siyaaa!" napunta sa amin ang atensyon ng mga media at cameraman.

"Omgg! Mag-asawang bampira!!" tiling sabi nila.

May binulong sa akin si Prince. "Huwag kang lumingon sa kanila..." tumango sa sinabi niya.

"Mr. Cortes! Ano po ang nararamdaman ninyo ngayon?" tanong ng isang reporter sa kanya.

Hindi sila pinansin ni Prince. Nagpatuloy lang kami sa paglalakad.

"Miss Reyes, ikaw po ba yan?" tanong nila sa akin.

Hindi ako nagsalita o umiling. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad.

"Mr. Cortes!"

"Mr. Cortes!"

Tawag nila kay Prince.

'Grabe, ibang klase talaga kapag sikat...'

Pinagkamalan pa ako na si Sarah?

Nang nasa loob na kami, sa amin ang tingin ng mga tao.

Napatingin ako sa paligid. Para akong nasa loob ng palasyo ni Dracula. Nakakatakot ang mga disenyo pati ang mga costumes ng mga students. Hindi mo talaga makilala ang mga estudyante pwera na lang kung ang costumes nila ay makikita ang mukha.

"Wow, ang hot namannn!" tiling sabi ng isang babae kay Prince.

"Bagay na bagay ah" rinig ko ring sabi ng isa.

Inilagay ni Prince ang kamay niya sa gilid ng aking beywang. I felt uncomfortable but, I need to act.

"Ackkk, si Prince pala yan at si Jenny!" bigla akong kinabahan dahil sa sinabi ng isang babae.

Nang dahil sa sinabi niya, maraming lumapit sa amin.

"Jenny, Prince! Bagay na bagay kayoo!" sabi ng isang babaeng naka-suot ng fairy costume.

Ngumiti na lang ako.

Biglang nag-announce ang emcee.

"Good evening, everyone! Get ready after 5 minutes we start the opening program" sabi nito sa amin.

May tatlong babaeng lumapit sa amin. Nakasuot sila ng witch costume. 'Alam ko na kung sino sila...'

"What a nice costume, bagay na bagay sa'yo Prince pero, di bagay kay Jenny. Kasi, wala naman talagang naging bagay sa kanya." sarkistong sabi ni Queen Faye sa akin.

I smiled at her. "Thank you ah kasi, hindi bagay ang costume sa'kin. Pero ikaw, wow! Grabe, bagay na bagay sa inyo ang costume niyo! Bagay rin kasi sa ugali." ngiting sabi ko sa kanila.

Bigla na lang nag-iba ang reaksyon nila sa akin.

"Excuse me! Hinawakan ka lang ni Prince ganyan ka na? Ang lakas naman ng confidence mo para sabihan kami ng ganoon!" hala sa boses niya na naiinis siya.

Magsasalita na sana ako ng biglang nagsalita si Prince.

"Witches, pwede ba. Huwag niyong sayangin ang oras namin?" tanong niya sa kanila.

Kita kong nanggigigil si Queen sa'kin. "Let's go, ladies!" galit na sabi niya sa mga kasama at umalis.

Napailing na lang ako.

Biglang nagsalita si Prince. "You did great. Tama lang ang ginawa mo." sabi niya sa akin.

Tumango ako. "Sinabihan mo kasi ako na lumaban. At tama ka" sabi ko.

"Pftt. Pakialam ko naman?" tanong niya.

Hindi ko na lang iyon pinansin. Basta, salamat parin sa Prince na 'to. Tinuruan niya ako kung paano lumaban.

Ang nakakainis lang, nasa may beywang ko parin ang kamay niya. Talaga bang wala siyang plano na alisin iyon?!!...

3 minutes na lang, magsisimula na. Hindi ko pa nakita ang mga kaibigan ko sa loob. Siguro, dahil na rin sa maraming tao.

May mga tao na hindi rin taga-harvend na nakatayo sa may gilid at nakasuot rin sila ng costumes.

"What a nice couple. I mean, partners?" napalingon kami sa nagsalita. Galit ang mga mata niya sa akin.

Nakasuot siya ng costume na malifecent. She's beautiful.

Dito ako kinabahan eh. Kay Sarah. Boyfriend niya si Prince at alam kong galit na galit siya sa akin.

"Sa-sarah..."

"Don't you dare, talk to me." mariing pagputol niya sa akin bago tumingin kay Prince. "And you? You betrayed me. Akala ko ba, aayusin natin ang relationship natin?" tanong ni Sarah sa kanya.

Aalisin ko sana ang kamay ni Prince sa'kin nang bigla niya akong pinigilan.

"What the heck! Bakit ganyan kayo!? Nawala lang ang Jenny na 'yan ganyan ka na sa kanya?!" galit na tanong ni Sarah.

"Huwag kang manggulo Sarah. Huwag mong ipakita sa lahat ang ugaling meron ka. Baka isipin nila, baliw ka" sarkistong sabi ni Prince sa kanya. "Kapag nagsalita ka pa ng ganyan sa harapan ko, sisiguraduhin kong ikaw ang mapapahiya." may halong pagka-seryoso sa sinabi ni Prince dahilan kung bakit natahimik si Sarah.

Lumapit si Sarah sa akin at mariin akong tinignan. "Ikaw, sisiguraduhin kong hindi mo makakalimutan ang gabing 'to..." mariing sabi niya na may halong pagbabanta.

Galit ang mukha niya nang umalis.

Alam kong may namumuong galit sa sinabi ni Sarah. At alam kong, may mangyayaring hindi maganda sa gabing ito.

Pasado alas siyete, nagsimula na ang opening program. Ipinakilala ng emcee ang mga bigating bisita na dumating. Nandito rin ang mga may-ari ng ibang private schools at teachers ng public schools. May mga media sa gilid ng stage.

Malawak ang lugar ng pagsasa-yawan namin. At grabe, sobrang ganda talaga.

Nakatayo lang kaming dalawa ni Prince dito. Hindi ko pa nakita mga kaibigan ko at si Nathalie. Pati ang svt, hindi ko rin nakita.

"Around of applause to our visitors!" pumalakpak kami sa sinabi ng emcee. Ipinakilala niya isa-isa ang mga bisita.

At ang huling ipinakilala niya ay isang matandang lalaki na nakaupo sa gitna ng pamilya Imperial at Cortes.

"Our beloved, Chairman Lucio Mendez!" tumayo lang ang chairman at kumaway sa mga tao.

Isang malakas na palakpakan ang iginawad sa kanya.

"Prince siya ba lolo mo?" tanong ko sa kanya na kanina pa tahimik.

"Pakialam mo?" malamig niyang tugon.

Hinayaan ko na lang siya.

Grabe, ang mga mayayaman na pamilya dito sa harvend, ay kilala na ng lahat. Sobrang sikat talaga ang school na 'to. Ang yaman pala ng lolo ni Prince.

"Dito ka lang muna, babalik ako agad." paalam niya sa akin.

Kinakabahan tuloy ako.

Ibinaling ko na

You are reading the story above: TeenFic.Net