48: Dance Partner

Background color
Font
Font size
Line height

CHAPTER 48

Dance Partner




JENNY's POV

ANO BA ang nagawa ko!? Bakit ko ba nasabi na, boyfriend ko ang lalaking 'to!?

'Kainin sana ako ng lupa ngayonnn...'

Sabay kaming natahimik dalawa sa gilid ng daan. Hindi ko magawang makapagsalita.

'Bakit kaya napadpad si Prince dito?...'

Nakasuot parin ako ng P.E ngayon. Pagdating ko sa bahay kanina-hindi man lang ako nakapagpahinga, pinalayas na ako ni Mommy. Dala ko lang ngayon ay inhaler at cellphone ko. Nasa loob kasi sila ng bulsa ko.

Galit na galit si Mommy sa akin. Dahil nagsumbong sa kanya si Nathalie. Hindi ko alam kung ano pa ang sinabi ni Nathalie sa kanya. Alam na ni Nathalie na may asthma ako pero, bakit niya parin ako pinabayaan?!

Kanina, nang nasa school kami... pinagtulungan nila ako. Sinampal, tinulak nang wala namang kalaban-laban. Ayaw kong lumaban dahil alam ko sa sarili ko na talo ako.

Dumating si Prince kanina nu'ng kailangan ko ng tulong, at ngayon na hindi ko inaasahang pangyayari, dumating siya.

Marami na akong utang na loob sa kanya. Kaya, nakakahiya na.

Kanina pa ako naglalakad. Malayo na ang narating ko. Gusto kong pumunta kina Vince pero natatakot ako, baka mag-away sila ni Mommy dahil sa akin.

Si Prince 'yung lalaking ayaw sa akin. Pero, siya yung taong laging nandyan tuwing may nangyayari sa akin. Sa tuwing kasama ko siya, ligtas ako. Kagaya na lang ngayon. Ngunit, binalot ako ng kahihiyan dahil sa sinabi ko.

Akala ko kanina, susuntukin niya yung lalaki. Buti na lang, napigilan ko.

Nang nakaramdam ako ng kaba, dali-dali akong naglakad papalayo sa kanya.

'Kaklase ko siya, baka pagtawanan niya ako o di kaya'y ipagkalat sa school na pinalayas ako...'

"Hoy! Babae, saan ka pupunta ha!?" rinig ko ang inis niyang sigaw bago ako sinundan.

Kaya mas lalo kong binilisan ang paglalakad.

'Kainis naman oh. Hayaan mo na ako...'

"Huminto ka kung ayaw mong ibabato ko sayo ang batong hawak ko!" napahinto ako sa sinabi niya.

'Baliw talaga...'

Galit ko siyang nilingon.

"Salamat sa ginawa mo. Pwede ba, iwan mo na ako dito! Hindi kita kailangan. At huwag ka nang makialam!" galit kong sigaw sa kanya.

Napahinto siya sa tapat ko. "Sa tingin mo ba, hahayaan kita dito? Nakita mo naman ang nangyari sa'yo kanina diba? Gusto mo pa bang, may mga lasenggong lalapit sa'yo?! Muntik ka nang gahasain ng mga gunggong na iyon!" ramdam kong may galit sa boses niya.

Hindi ako makapaniwalang nasabi niya ito.

Malamang. Partner niya ako kaya kailangan ligtas ako para lang sa grado.

Napailing ako. "Alam mo, umalis ka na. Pwede ka naman magkunwaring hindi ako nakita diba?" mahinahong sabi ko.

Naalala ko yung sinabi sa akin ni Mommy kanina sa bahay kaya bigla akong napaiyak.

"Umalis ka naa! Hindi kita kailangan!" naiiyak kong sabi sa kanya bago siya tinalikuran at nagsimulang maglakad.

Ramdam ko parin na nakasunod siya sa akin. "Bakit ba ang tigas ng ulo mo?! Umuwi ka na! Hindi kita kailangan---" hindi niya ako pinatapos magsalita.

"Alam kong wala kang mapupuntahan. Bakit hindi ka pumunta doon sa boyfriend mo? Eh di sana, hindi kita makikita dito!" rinig kong inis niyang sabi.

Hindi ko siya nilingon. "Ano bang pakialam mo? Wala kang pakialam kung saan ako pupunta." giit ko habang naglalakad parin.

"Hoy, sa tingin mo ba. Gusto kong tulungan ka? Ginagawa ko lang ito para kay---"

"Para kay Lisa? Alam ko naman. Kaya nga mas mabuting pabayaan mo na lang ako dito para mawala na ako! At para wala ka ng problema!" pagputol ko sa sasabihin niya. "Diba, iyon naman ang gusto mo? Na mawala ako? Kaya, pabayaan mo na lang ako!" pagpatuloy ko pa habang naglalakad parin palayo.

"Sandali nga!" hinila niya ang kamay ko para huminto. "Gusto mo na bang mamatay? Tatapusin mo na ba buhay mo?!" hindi makapaniwala niyang tanong.

Natahimik ako.

'Oo, gusto ko nang mawala sa mundong ito. Pero--- hindi ko naman gagawin. Gusto ko lang mapag-isa...'

Huminga ako ng malalim bago siya nilingon at sinagot ang tanong niya. "Wala kang pakialam. Sino ka ba, para pakialaman desisyon ko?" natahimik siya sa sinabi ko.

He just glared at me. Wala na siyang sinabi.

Tinalikuran ko siya at nagsimulang maglakad ulit.

*AW!* *AW!* *AW!*

Napa-atras ako dahil sa sumalubong sa akin sa daan.

*AW! AW! AWH! GRRRROAR!!*

Mahal ko ang aso pero, ang asong ito ay hindi normal.

"AGHHH!!" napasigaw ako habang bumalik sa nilalakaran ko kanina.

*AW! AW!*

Nakasunod parin yung aso sa akin.

Nang nakita ko si Prince, wala na akong magawa kung hindi at tumakbo sa may likuran niya.

"T-teyka, bakit ka tumakbo?" binalewala ko lang ang tanong niya. "AGHHHH!" sigaw niya rin nang papalapit ang aso sa amin.

Kumuha siya ng isang patpat para pang-alis ng aso. "Sho! Sho! Sho! Alis!" pagbugaw niya dito.

*RAWR! AW! AW!*

Hindi parin kami tinatantanan ng aso.

Nabigla ako nang hinila niya ang kamay ko at sabay kaming napatakbo papalayo sa aso.

Habang hawak niya ang kamay ko, biglang tumibok ang puso ko.

"Sandali." huminto siya dahil sa sinabi ko. Napahawak ako sa aking puso.

Akala ko, aatakehin ako ng asthma.

"Dito!" agad niyang hinila kamay ko at tumakbo sa may gilid ng isang malaking puno.

Doon kami huminto, habang siya ay inaabangan yung aso.

"Wala na yata----" agad niyang tinakpan ang bibig ko.

"Huwag kang magsalita..." mahinang bulong niya.

Nang nakita kong papalayo na yung aso, bigla siyang nagsalita.

"Sa wakas! Umalis rin. Bwisit na asong yun. Hindi ko talaga gusto ang mga aso!" reklamo niya habang yung mga kamay ay nasa bibig ko parin. Pati yung ilong ko, tinakpan niya.

Kinagat ko ang kamay niya. "Aray!!, Bwisit kang aso ka!" galit niyang sabi sa'kin sabay hinipan ang kamay.

"Balak mo ba akong patayin!? Ehh halos nga hindi na ako makahinga! Pati ilong ko, tinakpan mo!" inis kong sabi bago siya iniwan.

"Hoy, saan ka na naman pupunta?" tanong niya sa akin habang sinusundan ako.

Hindi ko siya pinansin naglakad lang ako.

"Pwes, bahala ka nga!" rinig kong sabi niya pero hindi ko parin siya nilingon.

Gusto kong mag-isa. Napatingin ako sa aking relo, 8:00 pm na.

'Ano na kayang nangyari sa bahay ngayon? Hinahanap kaya nila ako?...'

Nang nasa isang madilim na lugar akong naglalakad, wala nang ilaw sa kalsada banda dito.

Nakaramdam ako ng takot at kaba.

Kailangan kong bumalik sa nilalakaran ko.

Nang lumingon ako, pabalik... hindi ko na nakita si Prince.

"Nasaan kaya ang lalaking iyon?" tanong ko sa aking sarili.

Isang malamig na hangin ang dumampi sa balat ko dahilan kung bakit ako lalong natatakot.

'Takot ako sa ganitong lugar... Naalala ko iyong panaginip ko..'

Wala na akong magagawa kung hindi ang tumakbo at hanapin ang Prince na 'yun.

Talagang iniwan niya ako dito ah!

Ang O.A ko kasi kanina, kainis. Sa susunod, makikinig na ako sa kanya...

Nasaan na ba kasi yun!

Nakarating na ako sa lugar kung saan, dito niya ako nakita kanina.

"Nasaan ka na?!" sigaw ko.

Pero walang nagsalita.

"PRINCEEEE!" tawag ko sa kanya pero wala paring nagsalita.

Bigla na lang tumulo luha ko. ',Kasalanan ko 'to eh!..'

Biglang kumulog kaya tinakpan ko agad ang aking tenga.

Nagbabadya na ring uulan ngayon dahil, sa kulog at kidlat sa kalangitan. Walang kamalay-malay akong naglakad nang biglang bumuhos ang isang malakas na ulan.

'Bakit ngayon pa?!...'

Tanong ko sa aking isip kasabay nang pagpatak ng aking mga luha. Bawat hakbang ko, ay may tumutulong luha sa mga pisngi ko. Kanina ko pa ito gustong pakawalan.

Gusto kong mapag-isa-hindi pala madali. Ang lungkot. Naiisip ko iyong ginawa sa akin nila mommy.

Naalala ko din yung dati-isang masayang pamilya. Bakit bigla na lang nagbago?

Umiyak ako ng umiyak. Siguro, hahayaan ko na lang ang sarili kong mga paa ngayon. Kung saan ako dadalhin. Sa katapusan man yan, wala na akong pakialam. Lahat ng mga pangarap ko, parang maglalaho lahat-ngayong gabi.

Naglakad ako sa gitna ng daan.

*BEEPP! BEEEEPP!*

'Paalam, Jenny...'

Biglang naging madilim ang paligid ko at naramdaman ko na lang ang sarili kong, bumagsak sa sementadong daan habang pumapatak ang ulan.

"Jenny!" napalingon ako sa tumawag sa akin.

Isa iyong babae na kasing-edad lang ni Mommy. Hindi ko masyadong nakikita ang mukha niya.

"Papaano mo ako nakilala?" taka kong tanong sa kanya.

Nakita kong ngumiti ito sa akin. "Matagal na kitang hinahanap..." sabi nito sabay yakap sa akin.

"Lumayo ka sa kanya, Jenny!" biglang dumating si Mommy sabay hila sa akin papalayo sa babae.

"M-mommy, ano ang gagawin ninyo?" natatakot kong tanong dahil nakita kong may hawak siyang baril na nakatapat sa babaeng yumakap sa akin.

"Ibigay mo siya sa akin, pakiusap!" nagmamakaawang sabi ng babae kay Mommy.

"Papatayin muna kita bago mo siya makuha!" kasabay ng sigaw ni Mommy, biglang umalingawngaw ang mga putok ng baril.

Natatakot ako dahil nakita kong napatay niya ang babae. Biglang lumapit si Mommy sa akin.

"At ikaw, isusunod na kita!!"

"Waggggg!" sigaw ko dahilan kung bakit ako napamulat.

Napatingin ako sa aking paligid. Dali-dali akong napa-upo. Pero, sumasakit ang ulo ko kaya, bumalik ako sa pagkahiga.

*Aw! Aw! Aw!*

Nagulat ako dahil biglang may lumundag na aso papunta sa akin at dinilaan ang mukha ko.

'Ang sweet ng aso...'

*Aw Aw Aw*

Kita kong kumakaway ang buntot ng aso at lumapit sa gilid ng mukha ko at humiga iyon.

"Ang sweet mo naman... Teyka, kanino kang alaga? Teyka!..." mas lalo akong nagulat sa sinabi. "Nasaan ako?!" hindi makapaniwalang tanong ko.

Sinusubukan kong umupo pero, sumasakit ulo ko kaya hindi ko magawa.

"Pricarl!"

Teyka, ang boses na iyon. Ibig sabihin, nandito ulit ako sa bahay nila?!

Nang nakita kong binuksan iyong pintuan, dali-dali akong pumikit.

"What the heck, Pricarl! Umalis ka nga diyan! Baka magkasakit ka sa paglapit mo sa kanya!" rinig kong iritadong sabi niya at ramdam ko rin na kinuha niya ang aso sa tabi ko.

*AW! AW! AW!*

Rinig ko rin ang malakas na pagtahol ng aso.

"Aba, talagang ayaw mo sa akin ah! Ayaw ko din naman sa'yo! Kaya same lang tayo! Tumigil ka sa pagtahol mo kung ayaw mong sakalin kita!" rinig kong pagbabanta niya sa aso.

Grabe, pati aso. Pinagbabantaan niya?

"Ang tagal naman ng Lisang iyon! Nagluluto pa ng lugaw sa babaeng ito!" reklamo niya pa.

*AW! AW! AW!*

"Aray!" rinig ko ang boses niyang galit.

At ilang segundo lang, naramdaman ko ulit yung aso sa gilid ng mukha ko.

'Wow, ang bango ng aso...'

Siguro, ito yung bagong alaga ni Lisa. At paniguradong, hindi gusto ng aso si Prince.

"Pricarl! Alis nga sabi diyan! Baka mahawa ka sa lagnat niya!"

Sa tuwing nararamdaman kong lumalapit si Prince para kunin ang aso, pakiramdam ko naman, galit ang aso sa kanya. a

"Aba..." wala nang magawa si Prince kung hindi ang pabayaan ang aso na katabi ako.

Ang bait ng aso.

Nawawala yung sakit ng ulo ko dahil sa asong nasa gilid ng mukha ko. Gustong makaramdam ng aso ng init kaya, dumikit siya sa pisngi ko dahil, alam kong nilalagnat ako.

Ibig sabihin, si Prince ang taong nakakita sa akin at siya rin iyong nasa sasakyan.

Malaki ang utang na loob ko sa kanya. Sana, hindi siya hihingi ng kapalit dahil, wala akong maibigay.

Dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata. Nagkunwari akong, ngayon lang nagising.

"Buti naman at gising ka na" malamig niyang sabi sa akin habang nasa may sofa, naka-upo.

"Iniwan mo ako kanina---"

"Hindi ako umalis. Gusto ko lang ipakita kung ano maging consequences kung hindi ka sumunod sa akin. Oh diba? Kung sumama ka na lang sa akin, eh hindi ka sana magkaganyan. Gusto mo lang siguro magpakarga lagi e" rinig kong reklamo niya.

"Sorry na." tanging nasabi ko.

"Hah? Ano yun, diko narinig eh" sabi nito habang papalapit sa akin.

"I said, sorry!" giit ko.

Tumawa siya at napatango. "Good! Ngayon, alam mo na ang mga mali mo?" tumango na lang ako sa tanong niya. "Mabuti. Dahil, alam kong pinalayas ka sa inyo kaya---"

"Pa-paano mo nalaman?"

"It's obvious. At yung cp mo, buhay pa naman. Nasa tabi mo rin inhaler mo. Kawawa ka naman. Pinalayas kang walang dala na damit? hahaha!" tanong niya sabay na tumawa.

*AW! AW! AW!* biglang tumayo yung aso at tuna-holan siya.

"Shut up, Pricarl!" sigaw niya sa aso dahilan ng pagtahimik nito.

Lumapit sa akin yung aso na para bang, humingi ng tulong.

"Grabe ka naman sa aso. Kaya ka hindi nagugustuhan ng aso eh kasi, ang sama ng ugali mo" sabi ko sa kanya.

"So what?" taas kilay niyang tanong.

Oh no. Ngayon ko lang naisip na tingnan ang suot ko.

Tiningnan ko yung suot kong damit ngayon.

'Teyka, bakit ako naka-suot ng pantulog ngayon?!...'

Dali-dali kong inangat ang aking tingin at mariing nakatingin kay Prince.

"Oh, kalma. Nagawa ko na yan diba? Atsaka, alam mo ba, ngayon... Hindi na ako nakapikit..." nakangising sabi niya habang nakatingin sa akin.

"Walang hiya ka----"

"Ate Jen!" napatigil ako dahil sa biglang dumating.

"L-Lisa..."

Lumapit si Lisa sa akin. "Ayos ka na ba ate.." nag-alala niyang tanong sabay hawak sa noo ko. "Grabe, mainit ka parin. Heto ate oh.." inilagay niya sa may kama yung dala niyang bowl at kutsara.

"Lisa, sino ang na--naggsuot sa akin...." nahihiya kong tanong.

Kita kong ngumiti si Lisa. "Ako ate, at tinulungan din ako ng yaya naming babae" simple niyang sabi.

Napatingin ako kay Prince na ngayon ay humahalikhik sa kakatawa habang hinahawakan bibig niya.

'Kainis..'

"Hay naku, ate. Huwag kang maniwala sa sinasabi ni Kuya. Gusto ka lang niyang asarin" pailing-iling na sabi ni Lisa.

"Hoy Lisa. Huwag mo nga akong idamay sa mga salita mo." mariing sabi ni Prince sa kapatid niya bago ito umupo sa sofa.

Agad kong iniwas ang tingin sa kanya. Binaling ko ang atensyon kay Lisa.

Kita kong may tumulong luha sa mga mata niya. "Li-lisa..."

"Ayos lang ako ate Jen" sabi niya sabay punas ng luha niya.

Niyakap niya ako. "Ate, huhu! Bakit ka ba naglalakad ng mag-isa, ha? Sinabi sa akin ni kuya ang lahat. Sinabi niya rin na gusto mo nang magpakamatay. HUHUHU! Ate, huwag mong gawin iyonnn" humahagulgol si Lisa habang yakap ako.

Bigla na ring may tumulong luha sa pisngi ko.

'Buti pa si Lisa na hindi ko kapamilya, nag-alala sa akin...'

"Pangako Lisa, hinding-hindi ko na gagawin iyon..." mahinahong sabi ko sa kanya.

Tumango siya habang humihikbi parin. "Siguraduhin mo lang ate ha? H-hindi ko kaya kapag nawala ka" sabi niya pa.

Pinunasan ko ang mga mata niya gamit ang mga kamay ko.

Napangiti ako habang ginagawa iyon. "Pagpasensyahan mo na ako, Lisa. Pinaalis ako ni Mommy sa bahay. Wala akong mapuntahan..." nagsimula na namang tumulo ang luha ko. "Akala ko, katapusan ko na. Iniisip ko na walang mag-alala sa akin katulad ng ginawa mo. Salamat ah... Maraming salamat Lisa..." sabi ko habang umiiyak.

Sabay kaming dalawa na umiyak.

"Ano baaaa!" napahinto kami dahil sa sumigaw. "Umalingawngaw ang mga iyak ninyo! Gabi na! Baka isipin nila may namatay dito!" galit nitong sigaw sa amin.

Agad kong pinunasan ang luha ko. Ganoon rin si Lisa. Napatingin kami ni Lisa sa isa't isa at sabay na napangiti.

"Ah, ate.. kumain ka muna. May niluto akong lugaw oh. May gamot rin para makatulong upang gumaling ka" ngiting sabi ni Lisa.

Tinulungan niya akong iangat ang aking ulo para makakain. "Nakakahiya---"

"Hoy, Jenny! Huwag ka nang mahiya pwede ba? Kainin mo na yan!" pagputol ni Prince sa sinabi ko.

"Kuya, pwede ba sa labas ka muna?" pakiusap ni Lisa sa kuya niya.

"Ayaw ko nga." rinig naming giit ni Prince.

"Lisa..." kinuha ko yung dala niyang bowl. "Ako na lang ang gagawa niyan.." mahinahanong sabi ko.

"No ate, hindi pa kaya ng katawan mo kaya ako na lang..." ngiting sabi niya.

*Aw! Aw!* lumapit kay Lisa ang aso.

"Tapos ka na kanina Pricarl..." ngiting sabi ni Lisa sa aso.

Mapagmahal talaga si Lisa sa lahat. Kahit hayop o tao pa yan.

"Naku, ate Jen. Parang may gusto sayo si Pricarl ah" tuwang sabi ni Lisa nang makitang dinilaan ni Pricarl ang mukha ko.

Napatawa na rin ako.

"Mga baliw" rinig naming singhal ni Prince.

Hindi na lang namin siya pinansin.

'Ano na kaya ang mangyayari sa akin bukas?...'

Biglang nagpaalam si Lisa dahil may nakalimutan siya sa baba. Kaya ang nangyari, si Prince at 'yung aso na lang ang kasama ko.

Sinabi ni Lisa na si Prince na raw ang magpapakain sa akin kaya hindi ako pumayag. Kaya ko naman, kumain ng mag-isa.

Ramdam kong nakatingin sa akin si Prince. Hinayaan ko lang iyon at kumain.

Hinipan ko muna. Medyo mainit kasi.

"Ano ba, bakit ang tagal mong kumain?!" nabigla ako sa sigaw niya.

"Eh kasi----"

"Ako na nga lang!" bigla siyang lumapit sa akin at agad na kinuha yung lugaw.

Napa-upo siya sa tabi ko. Kaya agad akong lumayo sa kanya.

Baliw na siya.

"Ano ka ba, susubuan na nga kita diba?"

"Hindi mo naman kailangang gawin. Alam ko kung paano kumain---"

"Eh ang bagal bagal mo kasi! Matutulog na ako---"

"Edi, matulog ka na"

"Hindi ako matutulog kapag hindi mo inubos ito. At hindi nainom itong gamot." naging seryoso ang boses niya. "Ginagawa ko ito para kay Lisa. Kaya, makinig ka naman. Hindi ka ba naaawa sa kapatid ko? Kanina, iyak nang iyak siya habang wala kang kamalay-malay!" natahimik ako sa sinabi niya.

Gagawin niya talaga ang lahat para kay Lisa.

Tumango na lang ako.

"Heto.." kinain ko yung sinubo niya sa akin.

Para akong bata neto. May ganitong ugali para si Prince. Kinasusuklaman ko siya noon, kasi akala ko. Masama siyang tao. Pero habang tumatagal, nakikilala ko na ugali niya.

"Hik! Hik! Hik!" bigla akong sininok.

"Tubig" agad kong ininom ang inilahad niyang tubig.

"Salamat. Hik! Hik! Hik!" sininok parin ako.

"Hayst! Ano ba yan." reklamo niya bago ako sinubuan.

"Nga pala, ginagawa mo ba ito kay Sarah?" wala sa isip kong tanong sa kanya.

"Siyempre, girlfriend ko e" agaran niyang sagot.

Tumango ako. "Mabuti naman---"

"Naniwala ka naman, pftt" pagputol niya sa sinabi ko. "Eh ikaw ba, bakit ka pinabayaan ng boyfriend mo? Dapat, doon ka sa bahay niya ngayon---" hindi ko na siya

You are reading the story above: TeenFic.Net