47: Saving Jenny

Background color
Font
Font size
Line height

CHAPTER 47

Saving Jenny

PRINCE POV

PAGDATING NAMIN sa bahay, agad kong binagsak ang aking bag sa may sofa. At isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan.

"Ang malas ko talaga!" naiirita kong sigaw sabay sipa ng mesa.

Biglang lumapit si Lisa na naka-kibit balikat.

"Kuya! Ano ka ba, para kang bata!" sigaw nito sa akin.

"Ikaw isa ka pa!" sigaw ko sa kanya pabalik.

"So ano, magsisigawan tayo dito ngayon?!" sigaw niya pa.

Itong batang 'to. Parang mas matanda pa sa akin kung sumigaw.

"Bakit ka ba kasi ganyan kuya? Iniisip mo ba yung sayaw?" pagpatuloy niya.

Kanina, naiinis ako. Si Jenny pa talaga ang maging partner ko?! Sa dinarami-raming tao, bakit siya pa!

Meron kasing lintik na tumulak sa akin kaya nahila ko siya at nahawakan ng mahigpit. Kung hindi ko 'yon ginawa, malamang natumba na ako. Bwisit!

Nang dahil sa nangyari, posibleng magagalit si Sarah sa kanya. Parating sinasabi sa'kin ni Sarah na, hindi niya tatantanan si Jenny dahil naging partner ko siya.

Bwisit. Kainis talaga. Ang malas ng araw ko. Imbes na may plano kami ni Marky, ngayon... mas lalong mapapahamak ang Jenny na 'yun.

What a life!

"Hey, kuya! Is there's something bothering you?" Lisa asked again.

"Tsk. Wala akong pakialam sa sayaw na 'yon!" sabi ko.

"Kuya ano ka ba, diba passion mo yung pagsasayaw? Kayang-kaya yan" ngiting sabi niya pa sa akin. "Alam mo kuya, hindi ako makapaniwala na kayo ni ate Jen naging mag-partner. Eh diba, ayaw ninyo sa isa't isa tapos---"

"Huwag mo nang ituloy. Sinabi na yan sa'kin kanina ng mga gunggong" walang ganang sabi ko.

Rinig kong main-hin siyang napatawa. "Ihh, kuya. Alam kong concerned ka rin kay ate Jen. Kasi diba, nang dahil sa'yo kaya present siya sa exam. Buti na lang dahil, hindi mo ginawan ng masama si ate Jen noong nasa svt room siya" mas lalo akong nakaramdam ng inis sa sinabi ni Lisa.

"Lisa! Diba sabi ko sayo, huwag mo nang ulitin pa 'yun?! Hindi ko gustong isipin pa. Understand?" mariin kong tanong sa kanya.

Tumango naman siya. "Fine. But then, thank you kuya kasi pinagkatiwalaan mo'ko. Don't worry, hindi ko naman sasabihin sa iba lalo na kay ate Jen." ngiting sabi niya.

"Ang problema ngayon, naging partner ko pa siya. Ayaw na ayaw ko sa kanya. Kainis." giit ko.

Umupo si Lisa sa tabi ko. "Kuya, bakit ba ayaw mo kay ate Jen? Mabait naman siya, mapagmahal, palakaibigan, at higit sa lahat maganda ang kanyang kalooban pati ang panlabas na kaanyuan. Oh, diba? Nasa kanya na ang lahat. Kaya hindi kita maintindihan kuya. Ikaw lang yata ang ayaw kay ate Jen sa buong svt eh. Pwede ka namang maging mabait sa kanya, katulad ng ibang svt. Maliban na lang kay kuya Marky na alam kong gusto si ate Jenny" paliwanag nito.

I sighed frustratedly. "So what? I just don't like her. Pakialam ko ba sa kanya? Hindi siya ang tipo kong babae." giit ko.

Kita kong napailing-iling siya. "Tsk, tsk, tsk. Dahil ba, hinintay mo parin 'yung anak ni tita Stella?" natahimik ako sa tanong niya.

Yeah. I remembered something. Naalala ko 'yung panahon na ipinakita sa akin ang isang litrato ng bata. Sabi ni ninang Stella, iyon raw ay si Scarlet. Ang anak niyang nawawala. At dahil doon, nakaramdam ako ng kakaiba.

I felt that, I need to find that girl. But, it doesn't mean na si Scarlet ang gusto ko. Kung hindi ko makita ang scarlet na 'yon, hindi talaga kami para sa isa't-isa. Pero pakiramdam ko, nasa tabi lang siya.

Sabi ni Marky, sabay naming hanapin ang kapatid niya. Ang totoo niyan, nasa pitaka ko ang litrato ng bata. Na alam ko ngayon ay, magkasing-edad na kami. Hahanapin ko siya.

"Hay naku kuya. Nag-o-overthink ka ba? Inisip mo siguro na kapag nandito 'yon, siya ang maging girlfriend mo hahahah!" pagbasag ni Lisa sa katahimikan.

"Tumigil ka nga. Ano ako, baliw? Kahit anak siya ni ninang, hindi ko parin magiging girlfriend iyon." giit ko na ikinatawa niya pa.

"Sana nandito siya noh? Sana hindi siya nawala. Siguro, kapag nandito siya magi-ging close kami. At... baka nga ay magkasundo sila ni ate Jen."

"Tsk. Tumigil ka nga. Huwag mong isali si Jenny kapag pinag-uusapan natin si Scarlet."

"Wow ah. Paano kaya kung si Ate Jen pala ay si Scarlet?"

"Baliw. Hindi mangyayari yan. At isa pa, pwede ba. Mag ate ka kay scarlet?"

"Asuss. Alam mo kuya, kung nandito 'yon. Hindi kayo magiging close."

"At bakit?"

"Dahil, mayabang ka at masungit ang ugali mo sa mga babae."

"Dika sigurado. Malay mo, siya lang pala magpapabago sa akin" ngiting sabi ko.

"Yak. Talaga lang ah. Eh may nagbago na nga sa'yo simula noong nakilala mo si ate Jen." mas lalo akong nainis sa sinabi niya.

"Ikaww! Pumunta ka na nga sa kwarto mo!" sigaw ko dahilan kung bakit siya agad na tumayo. "Alis na! Ang daldal mo!"

"Bleh! Akala mo ah! Alam kong affected ka kapag may kasama si ate Jen na iba---"

Binato ko siya ng bag bago niya pa natapos ang sasabihin niya.

"Isusumbong kita kay Mommy!" galit niyang sigaw bago tumakbo paakyat ng hagdan.

"BWAHAHAH. Iyakinnnn" pang-aasar ko sa kanya.

"Sir, tapos na pong maligo si Pricarl" napalingon ako sa nagsalita.

Kasama ng kasambahay namin si Pricarl.

Tumayo ako at kinuha yung aso. "Salamat dito." sabi ko.

Nang nahawakan ko na yung aso, agad itong nagpupumiglas.

"AW! AW! AW!" lumundag ito at tumakbo.

"Habulin niyo!" utos ko sa kasambahay.

"Yes, sir." hinabol ng kasambahay namin yung aso.

Tanginang hayop na 'yun. Bakit ayaw nila sa akin?!

I hate dogs. Pero, tinitiis ko dahil sinabi ni Marky na kapag may aso raw sa bahay, mawawala raw yung stress at pag-iisip mo ng mga bagay.

Kainis.

Bukas na magsisimula ang practice. Tapos, sa Sabado gaganapin yung costume party. Kaya tinawag na big event dahil, may darating na bisita. At posible rin na darating ang Chairman.

Pagkabukas, sa paaralan. Excited na ang buong svt. Maliban na lang sa akin at kay Marky. Alam ko kasi na, ayaw niya kay Nathalie.

Habang naglalakad kami sa hallway, nakasalubong namin sina Jenny.

Agad namang tumakbo si Lisa papalapit sa kanya.

'Bakit ang hilig ni Lisa yumakap sa hindi niya kaano-ano...'

Papalapit kami sa kanila. Agad niyang iniwas ang tingin sa akin.

"Ready na ba kayo?" tanong ni Jhon sa kanila.

"Yes babe!" sagot naman ni Pauline.

Kita kong mariin akong tinignan ng jowa ni Jenny na si Vince.

"Jenny, tandaan mo 'to ah. Kung hindi ka komportable sa kapartner mo, sabihin mo lang sa akin." sabi nito na sa akin parin ang tingin.

Kita ko ring hindi nagsalita si Jenny.

'Pftt...'

"Hmm. Jenny, goodluck sa sayaw ah" napatingin ako kay Marky na nasa aking gilid. May namumuong kakaiba sa boses niya.

Kahapon ko lang napansin, na medyo ayaw akong kausapin ni Marky. Dahil ba naging partner ko yung taong gusto niya? Isip bata lang ang mag-iisip ng ganoon. Alam kong may ibang dahilan si Marky.

Magsasalita na sana si Jenny nang agad akong nagsalita.

"Guys, let's go!" mariing sabi ko sa kanila bago naunang lumakad.

"Ahh kuya, sasabay muna ako sa kanila" tumango lang ako sa sinabi ni Lisa. Hindi na ako lumingon pa.

Kinausap ko si Marky habang naglalakad kami. "Tol, may problema ba?"

Umiling siya. Napatawa ako ng mahina. "Oh, come on. Alam kong may iniisip ka"

He sighed deeply. "Prince, what if change na lang kaya tayo ng partner?" tanong niya na ikinatawa ko.

"Hindi na yan mangyayari. Bawal raw e. Don't worry, hindi ko naman sasaktan yung kaibigan mo." sabi ko.

"Not that. Baka kasi, magagalit si Sarah sa kanya. Diba, sabi ni Sarah na hindi niya tatantanan si Jenny dahil siya naging partner mo?" tanong niya ulit.

I tapped his shoulder. "Tol, trust me. Ako bahala sa kaibigan mo. Hangga't ako naging partner niya, hindi siya malalapitan ni Sarah" paninigurado ko.

Bwisit. Kailangan ko pa talagang sabihin ito?.

Tumango-tango siya. "Well, buti naman. Basta Prince, gawin mo parin 'yung plano." tumango ako.

"Oo, mabubura parin yung litrato."

"Well, haha. Goodluck sa inyo ni Jenny. Ayusin niyo ang sayaw ah. Gusto kong makitang nakangiti siya habang sumasayaw. Kapag nangyari iyon alam kong safe siya kapag ikaw kasama niya" mahinahanong sabi niya.

Well, wow. Grabe naman itong si Marky kung magsalita.

"Panigurado." tanging nasabi ko.

Ano pa bang pwede kong sabihin?

Walang klase ngayon kaya, dumiretso na kami sa gymnasium. Dito sa malawak na basketball court kami magpa-practice. Samantalang ang junior high students, ay sa school field.

Pagdating namin sa gymnasium, agad akong sinalubong ng baliw kong girlfriend-kunwari.

"Baby!" yayakapin niya sana ako kaya agad akong umatras. "What's wrong?" she asked while pouting.

"Maraming tao. Magsisimula na ang practice" walang ganang sabi ko.

"Bro, punta na muna kami doon" paalam sa'kin nina Marky.

Mga loko. Iniwan na naman nila ako kasama ang Sarah na 'to.

"Prince..." hinawakan ni Sarah ang kamay ko at lumapit sa may tenga. "Kung gusto mo nga ako, sabay tayong pumunta. Bibitawan ko lang ang kamay mo kung si Jenny mismo ang lalapit sa'yo." mariing bulong niya sa akin.

I smiled fakely. "Fine"

Sabay nga kaming pumunta sa may gitna at halos lahat ng mga nakakita sa amin, ay panay ang ngiti.

Siguro sinabi na ni Sarah sa kanila na okay kami. Nakakainis talaga.

Bakit kailangan ko pang magkunwari sa Sarah na 'to para lang sa Jenny na 'yon?!

Biglang nag-announce si Ms. Caones.

"Welcome everyone. Ngayon na magsisimula ang inyong dance practice. We only have 3 days para mag-practice. Dahil sa biyernes, walang practice na magaganap. 'Yon ang araw na dapat maghanap kayo ng costume ninyo na kapareha sa partner ninyo. Ang pupunta lang dito sa biyernes ay ang mga school officers at ang volunteers natin na galing sa labas ng school...." tumango-tango lang ako sa pinaliwanag ni Ms. Caones.

Nakahawak parin si Sarah sa kamay ko, nakakainis.

"So, dapat ma-perfect ninyo ang sayaw bukas. Kung maari nga lang ay, pwede kayong umabsent ng partner ninyo at mag-practice ng maigi sa isang lugar na walang istorbo para madali lang. Diba?" tanong nito sa amin.

"What, pwede pala yun?" tanong ko sa aking sarili at narinig iyon ni Sarah.

"No, baby. Huwag mong gawin yan ah. Dahil, magseselos ako. At kapag nagseselos ako, hindi ko alam ang magagawa ko" mahinahon ngunit seryoso niyang sabi.

I smiled immediately. "Shh. Hindi ko naman gagawin iyon." tanging nasabi ko.

"So, are you guys ready?!" excited na tanong ni Ms. Caones sa lahat.

"Yes ma'am!" tuwang tugon ng iba.

"Kung ganoon, puntahan niyo na muna ang partner ninyo" utos nito sa amin.

Maglalakad sana ako ng bigla akong pinigilan ni Sarah. "Hindi kita bibitawan hangga't hindi si Jenny ang lumapit sa'yo" mariing sabi niya.

Huminga na lang ako.

Kingina.

Makalipas ang ilang segundo, walang Jenny na lumapit sa akin.

'Aba, nasaan na ang babaeng 'yun? Ayaw niya ba talaga akong maging partner?! Kung ganoon, humanda siya. Papahirapan ko siya hangga't hindi siya pumunta rito!..'

Nang lumingon-lingon ako sa paligid, agad ko siyang nakita na papalapit. Kasama ang boyfriend niya. Iniwasan niya na naman ako ng tingin.

Para siyang ewan sa tuwing ginagawa niya iyon. Pftt. Tignan na lang natin kung maiiwas niya ang tingin sa akin kapag nagsayawan na.

Huminto sila sa tapat namin.

Naunang nagsalita yung Vince. "Prince, sa'kin na muna yang girlfriend mo. Sayang lang sa oras." saad niya.

"Omg! Oo nga pala noh? Nag-change partner lang sila ackk!" bulongan na naman ng mga estudyante.

"Oo tama. Grabe, nakaka-excite naman!"

Tinignan ko sila isa-isa na agad nilang ikinatahimik.

'Takot naman pala kayo. Mga chismosa!..'

"Okay. Sarah, pumunta ka na sa kanya" mahinahanong sabi ko.

"What?! No---"

"Diba, sabi mo sa akin na kapag siya ang lalapit... bibitawan mo na ang kamay ko?" mariin kong tanong sa kanya habang nakangisi.

She smiled back. "Now I know. Salamat ah dahil binigyan mo ako ng sagot sa isang tanong ng aking isipan." nakangiti ito bago umalis.

"Baliw" bulong ko sa aking sarili.

"Oh, dito muna ang girlfriend ko ah. Huwag mong saktan yan kung ayaw mong---"

"Pakialam ko?" pagputol ko sa sasabihin ng Vince na 'to.

Hindi na siya nagsalita pa. Hinila na niya si Sarah paalis.

Nang kami na lang ni Jenny, nilingon ko siya. Tahimik siya habang nakayuko.

'Ano bang problema ng babaeng 'to?!..'

Lalapitan ko sana siya nang bigla siyang nagsalita. "Hoy! Huwag kang lumapit sakin! Pwede ba, limang hakbang papalayo sa akin!" may halong iritasyon sa sinabi niya.

'Grabe, hindi ako makapaniwala na ito pala ang problema niya...'

I laughed sarcasticly. "Akala mo, gusto kitang lapitan? Pftt! Huwag ka ngang ashuming." sabay ikot ng mata sa kanya.

Kita kong bumalik sa pagkainis ang mukha niya. "Ashuming? Ang yabang mo rin noh?"

"Sapakin kita diyan eh! Lumapit ka nga dito!" hahawakan ko sana siya nang bigla niyang inilayo ang kamay niya.

"Aba't hinahamon mo 'ko? Halika, suntukan tayo" pag-hahamon niya sa akin.

Aba't ang astig ng babaeng toh ah, akala mo namang matatalo niya ako sa suntukan!. Pfft.

Matagal-tagal na rin na hindi siya ganito umasta. Naks. Naalala ko yung nerd na lagi kong inaasar.

"Alam mo, di ako pumapatol sa mga babae eh. Pero, mukhang hindi ka naman babae kaya... sige! Suntukan tay-----"

Bago ko pa natapos ang sasabihin bigla siyang lumapit sa akin at...

"Talaga lang ha!" sinuntok niya ako sa may tiyan.

"What the fudge! Aba, ikaw...." susuntukin ko sana siya nang biglang may pumagitna sa amin.

"Bro. Jenny, tama na yan. Magsisimula na ang practice. Nakatingin sa inyo si Mr. Vegas. Kaya, huwag na kayo mag-away na parang bata." malamig na sabi ni Marky bago umalis.

"Jenny, goodluck haha!" sabi nung Nathalie bago sumunod kay Marky.

Tsk.

Binaling ko ang tingin kay Jenny. Bigla siyang natahimik sa sinabi ni Marky.

'Kay Marky ka lang pala susunod...'

Ako na lang ang lumapit sa kanya. Hindi na siya umangal pa sa paglapit ko.

Napunta na lang kay Ms. Caones ang atensyon ko. "Everyone, this is Tess and Jess." pakilala niya sa magkapatid na kambal na nasa may stage. "Sila ang magiging dance mentors ninyo. Gagayahin niyo lang yung sinasabi nila at yung galaw nilang dalawa" paliwanag nito sa amin.

Nagpakilala naman ang dalawang dance mentors. Pagkatapos ay, nagsimula na nga ang totoong practice.

"Hoy!" nagulat siya sa ginawa ko. "Huwag ka ngang matu-nganga diyan! Baka, tama yung hinala ko na hindi ka marunong sumayaw ah" panunuya kong sabi.

"Marunong kaya ako! Di ko lang pinapakita---"

"Really? Eh diba sumali ka sa dance club pero ni isa, hindi kita nakikitang sumasayaw." giit ko.

"May alam akong---"

"Diba, sabi mo kaya ka sumali sa dance club ay para matuto? Eh nasan na? Di ka nga marunong lumapit sa kasayaw mo!" natatawang sabi ko.

"Ah, talaga? Gusto mo bang bigyan kita ng da-best kong galaw sa sayaw?" confident nitong sabi.

Tumango-tango ako. "Go" paghahamon ko.

"Eto oh!"

*BOGSH!*

"Aray!" galit kong sigaw sabay hawak sa tiyan ko. "Aba..."

"Oh diba? Ang galing ko?" sarkisto niyang tanong.

Nayukom ko ang aking kamao. Hindi talaga ako nanununtok ng babae eh pero, sobra na siya. Wala akong pakialam kung may asthma pa siya!

"Ikaw!" isang malakas na suntok ang napakawalan ko.

Ngunit, may biglang sumalo sa aking suntok.

"Hala, si Sir Vegas" rinig kong bulongan ng mga estudyante.

Nanlaki ang aking mga mata dahil sa taong nasa gitna namin.

"Mr. Vegas..." rinig kong sabi ni Jenny.

"Mr. Cortes, sobra na ang iyong ginawa. Mula dito, nakikita ko kayong dalawa ni Ms. Kim na nag-aaway. Anong problema ninyo?!" tanong nito sa amin na halatang galit.

"Sir, sensya na. Hindi ko alam na kayo pala ang---"

"Kung hindi ko sinalo ang suntok mo, baka nasuntok mo na si Ms. Kim. Alam mo ba kung anong parusa ang pwede mong makuha kapag ginawa mo 'yon?" tanong parin ni Mr. Vegas sa akin.

"Teyka, bakit sa'kin lang kayo galit? Eh si Jenny naman ang unang sumuntok sa akin---"

"Kayong dalawa. Alam niyo ba ang school rules ng Harvend?" pagputol nito sa sinabi ko.

"S-sir. Sorry po, hindi ko po---"

"Talagang hindi na mauulit ang ganitong pangyayari. Alam niyo ba, kayong dalawa lang ang ganito?!" tanong pa nito sa amin. "Pwes, dahil hindi kayo magkakasundo. Gagawa ako ng paraan para magkasundo kayo sa isang bagay. Pati sa P.E, hindi kayo nagkakasundo." sabi nito sa amin bago umalis.

Biglang naglakad papuntang stage si Mr. Vegas.

Mariin kong tiningnan si Jenny. "Ikaw, pahamak ka talaga! Muntik ko nang masuntok si Mr. Vegas!" galit kong sabi sa kanya.

"Kung hindi dumating si Mr. Vegas, malamang ako ang nasuntok mo! Grabe, kaya mo talagang manakit ng babae?" hindi makapaniwalang tanong niya.

"Sa tingin mo ba, hindi kita kayang saktan? Hoy. Hindi ka prinsesa para lang---"

"Alam ko. Kaya buti nga sa'yo at napagalitan ka."

"Kung may mangyayaring hindi maganda ngayon, humanda ka talaga sa akin." paninigurado ko.

"LISTEN!" isang malakas na boses ang pumukaw sa aming lahat. "Nakahanap na kami ng highlight sa gaganaping party." ngiting sabi ni Ms. Caones.

Nasa tabi niya si Mr. Vegas. Nagsumbong si Mr.

You are reading the story above: TeenFic.Net