45: Exam

Background color
Font
Font size
Line height

CHAPTER 45

Exam

PRINCE POV

NAIINIP na ako kakahintay sa niluto niyang pagkain.

Bakit ko ba naisip na tulungan ang babaeng 'yon? Kasalanan niya naman kung bakit siya nabasa.

Maganda na sana yung plano ko eh. Nabasa na siya. Kaya lang, ang malas ko parin dahil, ako ang nakakita sa kanya.

Kaninang hapon, nakita ko siya sa may hagdan. Basang basa at nanginginig. Nakaramdam ako ng inis sa sarili at awa sa kanya.

Kaya, kinarga ko siya pati yung mga gamit niya. Kinarga ko siya papunta dito sa svt room. Hindi ko akalaing, magagawa ko iyon-ulit. Siya lang ang babaeng nakarga ko.

Buti na lang, walang nakakita. Dahil kung meron man, hinding-hindi ko mapapatawad ang Jenny na 'to kapag nalagay ako sa kahihiyan.

"Heto na!" napatingin ako sa kanya.

May dala siyang pagkain habang papalapit.

Yung damit ko, bagay pala sa kanya?

"Hoy. Di ko akalain na ikaw ang unang babaeng nag-suot ng damit ko. Di bagay sayo. Tsk" napailing ako sa sinabi.

She smiled. "So? Kasalanan mo din naman. Huwag kang mag-alala. Lalabhan ko 'to----"

"Sa'yo na yan. Tutal marumi na yan." malamig kong giit.

Kita kong napabuntong hininga siya. "Kumain ka na." giit nito sabay lapag ng pagkain sa mesa.

Ah... Tutal nandito siya sa teritoryo ko, at kaming dalawa lang dito.... Ano kaya ang pwede kong gawin sa kanya?

Napangiti na lang dahil sa aking naisip.

"Hoy!" nagulat siya sa sabi ko. "Lagyan mo ng pagkain itong plato ko. Kumuha ka na din ng tubig doon. Tapos---"

"Hindi mo ako yaya---"

"Wala kang magagawa. Nandito ka sa teritoryo ko. Kaya kitang paalisin. Alam mo ba? Gabi na sa labas." pagputol ko sa sasabihin niya.

"Argh!" galit siyang bumalik sa kinaroroonan niya kanina.

"Pftt!" napatawa na lang ako bago kumuha ng pagkain at kumain.

Hindi ko kailangan ng yaya.

'Uto-uto talaga...'

She is really pathetic.

Galit parin ako sa kanya. Mas kinakampihan siya ni Lisa kaysa sakin. Pati yung boyfriend niya, naiinis ako. Nasisira ang araw ko dahil sa kanila. Pati ang Sarah na 'yun nababaliw na ng sobra. Kainis.

Pagkatapos kumain, sinimulan na niyang ligpitin ang mga plato. At habang nililigpit niya iyon, mariin niya akong tinitignan.

"Hey, huwag mo nang hugasan. Huhugasan 'yan ni Liam bukas." sabi ko bago nagbasa ulit.

"Okay" saad niya naman.

Simula noong dumating ang boyfriend niya, umiiwas na siya sa svt. Kaya naisip ko na kunin si Lisa kaya lang, nilason niya ang isip nito. Kaya ayaw tuloy lumayo ng kapatid ko sa kanya.

Kaya ayaw ko sa kanya e. Manhid din siya. Hindi niya inisip ang nararamdaman ni Marky. Alam kong gusto siya ni Marky. Pero ang trato niya lang sa kaibigan ko, ay kaibigan. Nakakapotangna talaga. Hindi naman karapat-dapat mahalin ang Jenny na 'to.

A moment of silence.

Walang nagsasalita sa amin. She's weird also. Ni hindi niya magawang sulyapan ako.

Napailing ako at nagsimulang magbasa.

She cleared her throat. "Hey, tell me. Sino ang nag--- I mean, sino ang nag-ano ng damit ko..." halata sa boses niya na nahihiya siyang sabihin kung sino ang kumuha sa damit niya.

Napatawa na lang sa ako.

"Anong nakakatawa---"

"Sino pa bang tao ang nandito? Diba ako lang?" sarkisto kong sabi na ikinatahimik niya ng sobra. "Grabe noh? Kung bobo lang ako, malamang may---"

"Tahimik!" pagputol niya habang iniwasan ako nag tingin. "Nagsisinungaling ka lang. Gusto mo lang akong makaramdam ng hiya---",

"May hiya ka?" pagputol ko sa kanya. "Mabuti pa, tumahimik at magbasa ka na lang diyan. Bukas na exam diba? Kaya mag-study ka." tanging nasabi ko.

Marami siyang kasalanan sa akin. Pero, naisipan ko na lang na ipagliban iyon ngayong gabi. Bukas na ang exam. Masasayang lang focus at oras ko sa kanya.

Nakaramdam ako ng inis dahil hindi siya tumugon sa sinabi ko. "Hoy. Kung iniisip mo na ako ang nag-hubad sa damit mo, pwes tama ka. Hindi naman ako nakatingin sa'yo habang ginagawa ko 'yon. At isa pa, may sando ka naman at short kaya-----"

"Argh! Tama na!" tinakpan niya ang mga tenga niya. "Huwag mo nang ipaliwanag." giit niya pa.

'Nahihiya ba siya? Pftt. Dapat lang na mahiya siya. Kasi, first time kong ginawa iyon...'

Lahat na lang ng first time ko, sa kanya pa tumungo.

Napailing ako. "Go. Kunin mo yung mga gamit mo sa may library. Pasalamat ka dahil hindi naman nabasa mga notebook mo. At 'yung bag mo, madali naman matutuyo iyon." sabi ko.

"Okay." sabi nito bago pumunta sa may library. "By the way, pwede ba ako humiram ng ibang libro?" mahinahon nitong tanong sa akin.

I just nodded. At binaling ang sarili sa binabasa ko.

Bukas, dalawang strand ang e-examan ko. Hindi naman mahirap. Sanay na ako. Nagpupuyat ako para pag-aralan lahat ng core subjects.

Biglang may tumawag sa'kin. I saw lisa's name.

"Why?" I asked her.

"Kumusta ka diyan kuya?"

"Ayos lang. Pinagpaalam mo ba ako kina Mom---"

"Yes naman. And they agreed."

"Thanks. So, you can now end up the call" sabi ko.

"Okay----"

"Prince!" biglang dumating si Jenny na dala ang mga gamit niya at isang libro.

Wtf.

"Kuya, sino yun?" takang tanong ni Lisa sa kabilang linya.

"Ah, wala---"

"Really? Familiar yung voice---"

"Lisa, bye. Sinasayang mo talaga oras ko dapat nag-text ka na lang" dali-dali kong sabi bago binababa ang tawag.

Bwct talaga ang Jenny na 'to. Hindi pwedeng may maka-alam na nandito siya.

"Hoy!" tawag ko sa kanya.

"Bakit? Nagpaalam naman ako na kukuha ako ng libro ah---"

"Dito ka nga. I mean, dito ka sa mesa magbasa. May multo kasi diyan kaya walang masyadong tao eh kasi----" natigilan ako sa pagsasalita nang dali-dali siyang tumakbo papunta sa kinaroroonan ko.

'Takot naman pala sa multo. Isip bata talaga..'

Dali-dali niyang inilagay ang mga gamit niya sa mesa at umupo sa may sofa na nasa harapan ko. Ngayon tuloy, magkaharap kami. Bwct.

"Tandaan mo 'to. Bukas na bukas din, dapat wala ka na dito. Kapag may makakita sa iyo sa labas na galing dito, mananagot ka sa akin." mariing sabi ko sa kanya kasama ng pagbabanta.

Kailangan mo talagang pagbantaan ang babaeng 'to para mailagay sa isip niya yung sinasabi mo.

"Okay. Promise, ngayong gabi na ang huli na makausap kita. Dahil bukas na bukas din, lalayuan ko na ang gulo." sabi nito.

"Mabuti. Dahil gulo lang din ang dala mo sa akin." giit ko.

"Kaya nga. Mag-tiis ka na lang ngayon. Dahil bukas, hindi na ako lalapit pa sa'yo." paninigurado niya.

"Siguraduhin mo lang." tugon ko.

"Tsk." rinig kong singhal niya.

Nagsimula na siyang magbasa. At ako naman, hindi makapag-concentrate. Dahil ang tingin ko, nasa may relo niya.

Alam kong hindi lang iyan basta relo. Heart rate monitor din yan. Kaya kapag malakas ang tunog niyan, ibig sabihin malakas ang tibok ng puso niya. Narinig ko pa talaga kanina. Kainis. Ano bang pakialam ko sa kanya.

Inangat ko ang aking tingin sa buhok niya. Ang dali naman matutuyo. Kanina noong nakahiga siya at nilalamig, naisip ko pa talagang gumamit ng dryer para lang sa kanya. Buti na lang, nakapikit ako habang tinatanggal yung uniform niya. At buti na lang, wala akong nahawakan hahahah.

"Hey, what's funny?"

Ay gago. Dali-dali akong tumahimik. 'Diko namalayang napatawa ako...'

Bwisit. Para akong baliw. Kainis. Umiling ako bago ibinaling ang sarili sa binabasa.

I heard her chuckled. Kaya napabaling ulit ang tingin ko sa kanya. Tinaasan ko siya nang kilay. "Pwede ba, tumahimik ka." utos ko.

Tumango lang siya. Halatang kilig na kilig sa binabasa.

Napatingin ako sa hawak niyang libro. "What the... Bakit iyan ang binabasa mo?!" agad ko iyong kinuha.

"Teyka!" hinila niya iyon sa akin. "Nakapagpaalam ako sayo diba? At isa pa, ito yung libro na lagi kong binabasa sa school library. Hindi ko akalain na meron palang ganito dito---"

"Collection iyan ni Marky kaya, wala kang karapatang basahin yan" giit ko sabay kuha sa libro.

"Ano bang meron diyan?! Kung ikaw si Marky, bagay lang sa'yo ang libro na iyan. Kaya akin na. Babasahin ko lang naman!" nakaramdam ako ng inis sa sinabi niya.

"Hoy! Ako parin ang masusunod dito kasi---"

"Alam ko!" natahimik na siya.

I smirked. "Good dog."

"Ang damot mo. Hindi mo naman maintindihan ang mga nakasulat diyan dahil puro pag-ibig lahat nang nandiyan." rinig kong pagrereklamo niya.

Napatingin ako sa libro. Ang title nito ay 'book of love'. Ito yung paboritong libro ni Marky kaya hindi ito pwedeng mabasa ng Jenny na 'to. Bakit ba hindi? Kasi, ako ang masusunod.

Ilang minuto na siyang nagrereklamo habang nagbabasa ako kaya hindi ako makapag-concentrate ng maayos. Kainis.

"Sayang naman yung nabasa ko. Si Eros na kasi yung bida eh." napatigil ako sa pagbabasa dahil sa sinabi niya.

"Eros? May Eros sa kwentong---"

"Of course meron. The title of the book is BOOK OF LOVE and Eros means love. That's why siya bida. Ganun naman diba?" paliwanag nito na ikinainis ko.

WTF. Bakit naisipan nilang isali ang baduy na pangalang iyon sa pangalan ko?! Yes. My real name is Prince Eros Cortes. Kaya hindi ko pinahintulutan ang lahat na isali ang Eros sa pangalan ko. Love pala ibig sabihin nun. Yikes. I hate it. I hate love ni hindi ako naniniwala doon.

"Alam mo, kapag nabasa mo ang librong iyan. Tiyak akong mababago ang pananaw mo sa sarili." sabi niya pa.

"Pwede ba, huwag kang madaldal. Magkatulad talaga kayo ng jowa mo." sabi ko na ikinatahimik niya.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko pagkatapos kong basahin yung lesson ko.

Napatingin ako sa kanya na ngayon ay, nagsusulat na. "Hey, anong ginagawa mo?" tanong ko. Halata kasi sa hitsura na nahihirapan siya.

Napakamot siya sa ulo niya. "Wala. You can sleep now." sabi nito sa akin.

"Huwag mo akong utusan." giit ko.

Anong karapatan niya para utusan ako?

Binaba ko yung libro ko pagkatapos ay lumapit sa kanya.

"Let me see." kinuha ko yung sinusulat niya.

Napatawa ako. "Nagso-solve ka pala?"

"Akin na nga yan!" kinuha niya iyon sa akin. "Medyo mahirap kasi kunin yung value ng x. Maraming numbers." reklamo niya.

Napailing na lang ako bago umupo sa tabi niya. "Let me help you then." sabi ko dahilan ng pagtahimik niya.

Hindi naman ako madamot sa mga nalalaman ko. Tutulungan ko siya dahil ito na ang huli.

"Seriously?" hindi makapaniwala niyang tanong.

"Bakit, mukha ba akong nagbibiro?" seryosong tanong ko sa kanya.

Bigla siyang umiling. "Sige. Heto oh..." ipinakita niya sa akin yung sino-solve niya. "Medyo ano kasi... Komplikado"

"Listen carefully. Itong si x, kailangan mo lang makuha yung value niya. And bago mo 'yun makuha, you need to solve this one. Kaya, tignan mo ng maigi kung paano ko gagawin..." paliwanag ko habang nagso-solve.

Habang nagso-solve, nahagip siya ng mga mata ko na nakikinig ng maigi.

"Done!" nabigla siya sa sinabi ko.

"Wow. Thanks. Ngayon alam ko na kung paano" she smiled.

Hindi ko mapigilan ang sariling hindi mapangiti.

'Bakit ba ako nakangiti..?'

Alam kong galit ako sa kanya. Pero bakit hindi ko mapigilang hindi mag-alala?

Medyo lumayo ako sa kanya pero nasa iisang sofa kami naka-upo. Mula dito, tinitignan ko siya habang nagso-solve. She's innocent. Marky's right. Kailangang hindi siya madamay sa kabaliwan ni Sarah.

"Ganito ba?" tanong niya sa akin sabay lahad ng kanyang papel.

I nodded. "Yeah. Better" sabi ko.

She smiled again. "Salamat" sabi niya.

I just nodded.

She checked her watch. "Gosh, 8:30 na." rinig kong sabi niya.

"Sleep then." giit ko.

"Mamaya na." sabi niya naman. "Akala ko, makikita ko si Nathalie kanina. Pero, hindi pala. Naghintay ako sa kanya e" mahinahanong sabi nito.

"So?"

"Magagalit si Mommy kapag hindi ako umuwi" singhal niya pa.

Nakita ko ang kapatid niya kanina. Alam kong nakita siya ng Nathalie na iyun habang basang-basa. Kaya lang, hindi siya pinansin ng kapatid niya. Talaga bang, kapatid niya ang Nathalie na iyon?.

"Hoy alam mo, ang dali mong ma-uto. Iniiwasan mo ako sa P.E pero lagi ka namang lumalapit kay Sarah. Do you think Sarah is a real to you?" hindi ko maiwasang hindi mag-tanong.

"Babae kasi si Sarah kaya naintindihan ko naman na---"

"Hindi ka nakakaintindi. Payo ko lang 'to ah. Layuan mo rin si Sarah kung lalayuan mo ako. Nadadala ka sa sinasabi niya. Kung gusto mong maging tahimik ang buhay mo dito sa harvend, layuan mo ako, si Sarah at ang kapatid mo." sabi ko bago tumayo.

"Teyka, saan ka pupunta?" may halong takot sa tanong niya.

"Huwag kang mag-alala, walang multo dito. Demonyo lang kasama mo."

"Hindi ka naman demon---"

"Pero iyon ang tingin mo sa'kin. Kaya bukas na bukas din, huwag mo na akong lapitan at kausapin. Dapat wala ka na dito paggising ko. Ang uniform mo, kunin mo lang doon sa labas ng bathroom. Goodnight." paalam ko bago pumasok sa loob ng aking kwarto.

Pagpasok ko, napa-upo ako sa aking kama. Habang ginugulo ang buhok ko.

"Bakit big deal ito para sa akin?!" mariing tanong ko sa aking sarili.

Humiga ako sa kama at pinikit ang aking mga mata.

Napamulat na lang ako bigla dahil, hindi ako makatulog ng maayos.

"Kainis!" napa-upo ako at nakatingin sa may pintuan.

'Nakatulog na kaya ang babaeng 'yun?..'

Naisipan kong tumayo at lumabas.

Paglabas ko, nadatnan ko siya na nakatulog habang nasa mukha yung libro niya. Pero diko talaga alam kung tulog na ba talaga siya.

'Kainis. Matigas talaga ang ulo niya. Binasa niya talaga yung libro!..'

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at dahan-dahang kinuha yung libro ng biglang.

"BULAGA!"

"AHHHHHH!" napasigaw ako sa gitna ng gabi.

"HAHAHAHAH!" tawang-tawa siya ah.

"Nakakatawa? Kainis."

"Oh, bakit ka lumabas?" tanong niya.

"Iinom ako ng tubig bakit, bawal ba?" pagsisinungaling ko.

"Edi, uminom ka na. Istorbo" giit niya pa.

"Matulog ka na. Tinatakot mo pa ako. Hindi matatakot ang isang Cortes na katulad ko." sabi ko na ikinatawa niya.

"Okay" sabi pa nito.

Wala akong magawa kung hindi ang kumuha na lang ng tubig.

Bakit gising pa siya. May binabalak ba siya?

Pagkatapos kong uminom, bumalik ulit ako. Papasok na sana ako ng bigla kong nadatnan na nakahiga na siya sa may sofa.

"Paniguradong tulog na 'to." sabi ko habang dahan-dahang lumapit sa kanya.

Kung ibang svt pa ang nandito, paniguradong... alam na.

Kinuha ko yung libro na nasa mukha niya parin. Nakatulog na nga.

Bumalik ako sa kwarto at kinuha yung kumot. Bumalik ako sa kinaroroonan niya at inilagay yung kumot sa katawan niya.

"Kung totoo nga ang pagmamahal, bakit pinabayaan ka lang ng pamilya mo? Ni wala kang text na natatanggap. Bakit ako na sa tingin mo ay demonyo, nandito para tulungan ka?" tanong ko habang nakatingin sa kanya.

Inayos ko yung kumot para matabunan lahat ng katawan niya.

Kahit ayaw ko sa kanya, hinahanap parin siya ng mga mata ko.

This is crazy.


PAGKAGISING ko, dali-dali akong bumangon at lumabas ng kwarto. I checked my phone. It's 7:00 already. May mga estudyante nang papasok.

Napabaling ang tingin ko sa may sofa kung saan, natulog si Jenny.

'Umalis na siya...'

Lumapit ako doon. Nandito ang damit ko at yung kumot pati yung libro.

May nakita akong sulat kaya binasa ko 'yon.

"Sana hindi na tayo magkausap pa. 'Yung t-shirt, sensya na hindi ko na nilabhan. At alam ko rin na

You are reading the story above: TeenFic.Net