43: HeartRate Monitor Watch

Background color
Font
Font size
Line height

CHAPTER 43

HeartRate Monitor Watch



JENNY's POV

MARAMING bagay ang gumugulo sa isip ko. Lalo na sa sinabi ni Vince kanina.

"Uy sorry na kasi" pagmamakaawa nitong sabi sa akin.

Kanina pa siya nag-so-sorry pero, hindi na mai-tama ang sinabi niya sa lahat.

Isang malaking eskandalo ang pinasukan ko.

Recess namin ngayon. Kaya nandito kami sa canteen, hindi para kumain kung hindi magpahinga.

Nagulat ako kanina dahil, nandito na si Vince. At, sinalubong niya pa talaga ako papasok ng campus. Maraming tao kanina, mga estudyanteng adik sa k-drama.

Simula noong sinabi ni Vince sa kanila na, ako ang girlfriend niya... limit na lang ang mga babaeng lumalapit sa kanya.

Kasi nga sinabi niya sa lahat na, magagalit raw ako kapag may lumalapit sa kanya. At dahil nga ay mahal niya raw ako, dapat raw respetuhin ng mga fans niya ang desisyon niya.

'Kaya, sinong tao ang hindi magagalit sa mga kasinungalingan na iyon!?..'

Nagi-guilty nga ako kay Marky e. Kasi, wala siyang kaalam-alam na may kaibigan ako at nahihiya rin akong humarap sa kanya matapos kong sabihin na, may boyfriend ako-kahit hindi naman talaga totoo.

"Ang hirap ng pinasukan ko." bulong ko sa aking sarili.

Biglang may humawak sa kamay kong nasa mesa. "Sorry na..." mariin ko siyang tiningnan.

I rolled my eyes to him at inilayo ang kamay ko sa kanya.

Hindi ganito ang gusto kong maging sitwasyon kasama si Vince. We're bestfriends pero, hindi naman tama na isali niya ako sa ganito.

Biglang lumapit samin sina Missy. "Oy, Jenny! Patawarin mo na si Vince. Ipinaliwanag niya na sa'yo ang dahilan diba? Kaya, patawarin mo na" ngiting sabi sakin ni Pauline habang hinawakan kamay ko.

Biglang tumayo si Vince. "Ayaw mo akong patawarin?" tanong niya bago tumayo sa mesa na ikinagulat ng lahat.

"Anong ginagawa niya?"

"Ackk ang hot niya talaga"

"Parang nasa scene lang"

"Gwapo parin"

"Makinig kayoo!" napailing ako sa sigaw niya.

"Hoy, bumaba ka nga diyan. Nakakahiya!" pagpigil ko sa kanya.

Hindi siya nakinig at ipinagpatuloy niya lang ang ginagawa niya. "Ayaw akong kausapin ng girlfriend ko! Hahayaan niyo ba ako na maging malungkot?" tanong niya sa kanila.

"Jenny, kausapin mo naaa!"

"Oo nga ang swerte mo girl!"

Sabi naman ng mga nakarinig.

I sighed in disbelief.

'Mas lalo nang lumala ito..'

Bumulong sa akin si Pauline. "Jenny, I know naman na magkaibigan kayo. Pero, tulungan mo rin kaibigan mo. You know his life right? He also needs a friend na tutulong sa kanya. At ikaw lang ang taong malapit sa kanya." mahinahong bulong niya sa'kin.

Tama si Pauline. Kailangan kong tulungan ang bestfriend ko. Ako lang ang malalapitan niya sa oras ng pangangailangan.

Isang malalim na hinga ang pinakawalan ko bago nagsalita.

"Bumaba ka na diyan, Vince. Napatawad na kita" lumapit ako sa kanya at hinila siya para pababain ng mesa. "Para ka talagang bata" bulong ko sa kanya na agad niyang ikinatawa.

"Ayeiii!"

"So sweetttt!"

"When kayaaa?"

Nagsimula na namang kinilig ang mga nakarinig.

"Sige na po, bumalik na po kayo sa mga ginagawa ninyo" ngiting sabi ni Vince sa kanila.

Walang ni-isang segundo, natahimik sila at bumalik sa mga ginagawa.

"Bilib na talaga ako sa'yo" bulong ko sa kanya sabay napailing.

"Siyempre, ako pa" ngiting sabi niya.

"Kayo ah, bati na ba kayo?" ngiting tanong ni Missy sa akin.

Hindi ako tumango. Inakbayan naman ako ni Vince at sinabing oo.

"That's good. Continue niyo lang ang pagpapanggap ninyo ah hihi" nakangising bulong ni Pauline sa amin.

Napailing ako. "Kayo talaga!"

"Ah, Missy at Pauline, maari ko bang masolo muna si Jenny?" ngiting tanong ni Vince sa kanila na may halong biro.

Bigla namang kinilig ang dalawa.

"Fine. Doon muna kami sa kabila" nakangiting sabi nila at lumipat sa kabilang mesa.

Sabay kaming napa-upo ni Vince sa mesa. Nasa may harapan ko siya at ang lawak ng ngiti niya.

"By the way, saan ka nga kanina? Bakit lumabas ka ng klase ninyo?" panimula niyang tanong sakin.

"Well, pinatawag kasi ako tapos... alam mo ba? May isang sikat na photographer akong nakilala. Sinabi ko nga sa kanya na may boyfriend ako kahit hindi naman totoo" diretsong sabi ko.

"Naks ah. Okay kaya yan. Sikat na photographer. Sana nakita ko." sabi niya. "So, ibig-sabihin siya nakausap mo kanina? Ano naman pinag-uusapan ninyo?" ngiting tanong niya pa.

Natahimik ako bigla.

Naalala ko kasi yung school magazine na, nasa first page kami ni Prince. Paano pag nakita iyon ni Sarah? Tapos, makikita rin iyon ng lahat? Ano na ang gagawin ko?!

"Hoy!"

"Ano ba!" nabigla ako sa sigaw ni Vince.

He chuckled. "Ano iniisip mo? Share mo naman habang recess pa" sabi niya.

Umiling ako. "Wala noh! Ikaw ba, kumusta yung klase mo?" pag-iiba ko ng usapan.

He sighed deeply. "Well, ayos lang naman"

"Wow, ayos lang? Tapos, malalim yang hinga mo? You sure with that?" I laughed a bit.

"Hayst. Alam mo, hindi pala madaling mag-aral dito. Sabi ng manager ko, may mga estudyanteng sikat dito kaya naging interesado ako na mag-aral dito at buti na lang dahil, dito ka pala nag-aaral. Tapos feeling ko, hindi kami magkakasundo ng leader nila" singhal niya.

Malamang, si Prince ang sinasabi niya.

"Kilala mo ba kung sino ang leader nila?" I asked him.

Umiling siya. "Hindi e. Ang alam ko lang kasi na, si Prince Cortes ang sikat dito na naging kaklase ko sa first class."

"Gagi, iyon na nga eh! Kilala mo na. Siya ang leader ng SVT. At ang nag-iisang bully dito sa school." walang pag-alinlangang sabi ko.

"What? Sabi ni manager, Eros ang pangalan ng leader" napatawa ako sa sinabi niya.

"Eros? Pftt! Walang Eros na pangalan sa grupo ng svt. At prince naman ang pangalan ng leader nila. Bagay sa palayaw ko sa kanya. Prinsipe ng kkk." sabi ko na ikinatawa niya.

"KKK? hahaha!"

"Oo. Kayabangan, Kadiliman, at kasamaan!" giit ko.

Napatawa ulit siya. "Ah, siya pala ang leader. Tapos, kasama niya yung Jack. So, sino si Eros?"

"Ewan ko sa'yo."

"Sige nga Jenny, magkwento ka nga ng mga karanasan mo dito sa Harvend" bigla siyang naging interesado sa sinabi niya.

"Ayaw ko nga" birong sabi ko.

"Sige na. Libre ko kayo mamaya ng coffee" napangiti ako sa sinabi niya at tumango.

"Sure, sure. Ikukwento ko sa'yo."

Bigla niyang pinisil ang mga pisngi ko. "Ikaw, ang cute cute mo talagaaaa" sabi niya na may halong panggigigil.

Inalis ko agad ang kamay niya. "Aray, ano ka ba!" napahawak ako sa dalawa kong pisngi na uminit bigla dahil sa pag-pisil niya.

Ang sakit. Kainis talaga.

"Ayaw ko na ngang mag-kwento!" iritadong sabi ko.

"Edi wag."

"Aba, ikaw talaga! Fine heto na nga." napatawa siya bigla. "Hoy! gusto mo bang marinig o hindi?" taas kilay kong tanong.

"Oo na." nilagay niya ang dalawa niyang kamay sa mesa na para bang bata na nakikinig ng kwento.

"First day ko dito, hindi naging madali. Nakabangga ko ang seventeens at simula noon, hindi na nila ako tinatantanan. Pero, mababait naman yung members. 'Yung leader lang nila ang dahilan kung bakit may mga taong ayaw sa akin. Buti na lang, may nakilala akong mga kaibigan na katulad nina Pauline." napatango-tango siya sa paliwanag ko.

"Eh, ano bang atraso mo sa seventeens na iyon? Bakit ka nila binabangga?" kuryoso nitong tanong.

I sighed deeply. "Well, wala naman akong naging atraso. Yung Prince na 'yun ang laging nambu-bully sakin." inis kong saad.

"Eh kasi, nagsalita ka rin pabalik." aniya.

I looked at him frustratedly. "Siya pa kinakampihan mo?"

Umiling siya. "No. Hays. Sige, ganito na lang. Siguro, kaya ka niya binu-bully kasi may dahilan. Hayaan mo, kakausapin ko 'yun." seryosong saad nito.

"Don't. Hayaan mo na. Matagal na 'yun eh. Atsaka, di na ako bata noh para ipagtanggol mo" ani ko.

Tumawa siya ng marahan at pinisil ang aking ilong. "Para sa'kin, ikaw parin ang kapatid ko na dapat kong ipagtanggol" saad niya sabay tumawa.

Napatawa na rin ako habang nakangiti. "Opo"

"Wow, hahahaha grabe!"

Natahimik kami dahil sa biglang pumalakpak.

Si Queen Faye lang naman at ang mga kaibigan niya.

"Vince, paano mo naman nagustuhan ang Jenny na iyan?" taas kilay na tanong ni Queen Faye kay Vince.

'Hay naku. Akala ko ba, tinigilan na ako ng tatlong ito. 'Yon pala, hindi pa..'

"Ah queen, pwede ba. Huwag kang manggugulo? Nag-uusap pa kami e" mahinahong sabi ko sa kanya.

Bigla siyang tumawa at pati ang mga kaibigan niya, tumawa na rin.

Biglang tumayo si Vince at lumapit sa kanila.

"Hoy. I don't know you. So please, stay away from my girlfriend or else..." biglang lumaki ang ngiti ni Vince. "Masasabihan kita ng masama." simple niyang sabi na ikinatahimik ng tatlo.

"Hmpk!"

"So, ano? Alis na. Nag-uusap pa kami ng girlfriend ko. Wala ba kayong manners?" sarkistong tanong ni Vince sa kanila.

Kita ko ang inis sa mukha ni Queen bago sila umalis.

Napailing na lang ako sa ginawa ni Vince.

"Jenny, hulaan ko. Binu-bully ka rin ng mga iyon 'no?"

"Hm, medyo."

"Tsk. Sayang. Mga magaganda pa naman." parang may paghihinayang sa sinabi niya.

Binatukan ko siya. "Loko ka. Dami mo sigurong babae sa Korea noh?" biro kong tanong.

Tumawa rin siya. "Nagseselos naman ang bebe ko" pang-aasar niya sa'kin.

Napailing na lang ako.

"Ang sweet niyo naman!" nagulat ako sa biglaang pagsulpot ni Lisa sa may likuran ko.

"Ikaw talagang bata ka!" sabi ko habang nakahawak sa aking puso.

"Sorry na ate Jen. Alam kong hindi ka dapat gulatin he-he" pangiti-ngiti nitong sabi.

"Ayos lang. Basta wag mo ng ulitin" sabi ko.

Tumango naman siya at tumabi sa'kin.

"Hey, bakit hindi pwedeng gulatin si Jenny?" takang tanong ni Vince.

Hindi niya dapat malaman na may asthma pa ako. Dahil paniguradong, malalaman iyon ng mga taong mahalaga sakin at ayaw ko silang mag-alala.

"Ah, wala. Wala lang 'yun, diba Lisa?" ngiting tanong ko kay Lisa.

Ngumiti si Lisa at tumango.

"By the way, ate Jen. Kasama ko nga pala sila Kuya hihi" biglang nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Lisa.

Agad akong napatingin sa may likuran namin. And yeah. Nandito nga sila-ang buong SVT.

"Woah. Lisa, magkapatid pala kayo ng leader ng seventeens" panimula ni Vince.

Kahit kailan, ang dal-dal talaga ng Vince na ito.

"Well, yes!" tumayo si Lisa at lumapit sa kuya niya. "Kuya, this is Vince---"

"I know him." malamig na pagputol ni Prince.

Dahan-dahan namang tumayo si Vince at dahan-dahang lumapit sa'kin. At dahil nasa may likuran ko ang svt, lumingon si Vince sa kanila dahilan na rin kung bakit tumili ang mga nasa canteen.

"My ghossh! Ang swerte natinnnn!"

"Woahhhhh!"

Pero nakaramdam ako ng inis sa bulong ng isa.

"Hayst. Grabe, halos lahat ng mga sikat nakasama na ng Jenny na 'yan. Eh di naman siya maganda."

'Easy, Jen... easy... naiinggit lang ang mga 'yan..'

Nakaupo parin ako. Para bang pinipigilan ako ng mga paa ko para tumayo.

"Hindi ko pa naipakilala ng maayos ang sarili ko sa inyo. By the way, I'm Vince Park." pakilala ni Vince sa kanila.

Pero, walang tumanggap ng kamay ni Vince bilang pagkilala.

"I'm Marky" napangiti ako dahil tinanggap ni Marky ang pagkilala niya.

Mabuti pa si Marky. Naiiba talaga siya.

"Ako si Jhon."

"Liam."

"Lance."

"Jack."

"Kayzer."

Malamig na pakilala ng iba.

Naghintay si Vince sa sasabihin ni Prince. Pero kahit ngiti, wala siyang ibinigay.

Kita kong napatawa ng marahan si Vince. "Look guys. Huwag na kayong mahiya sa akin. Ako lang 'to." napapikit ako ng aking mga mata dahil sa sinabi ni Vince. "Ah, siguro nabagohan lang kayo dahil, may kausap kayong artista na galing Korea. Well, wag. Wag kayong mahiya, okay?" nakangisi nitong sabi sa svt na para bang wala lang sa kanya.

Naisapo ko ang aking mukha dahil sa mga sinabi ni Vince.

'Ang dal-dal talaga ang lokong 'to...'

Wala akong magawa kung hindi ang magkunwaring tumawa. "ha.ha.ha. Ikaw talaga Vince, napaka-funny mo talaga. Hay naku!" tumayo ako at bumulong sa kanya. "Huwag ka ngang magdal-dal. Hindi sila madadala sa biro mo.." mariin kong bulong sa kanya na siya lang ang makakarinig.

Marky cleared his throat. "Jenny, nakakatawa pala boyfriend mo noh?" tanong niya sa akin.

"Ha? Ah, oo. Haha. Oo haha." naiilang kong tanong.

Nabigla ako sa paghila ni Vince sakin papalapit sa tabi niya. Sabay hawak sa baywang ko.

"Nabalitaan kong, hindi naging madali ang pag-aaral ng girlfriend ko dito dahil sa inyo ah. Tsk. Hindi ako makapaniwala na, kaya ninyong labanan ang isang babae" pailing-iling na saad ni Vince sa kanila.

Siniko-siko ko siya para tumigil na. Pero di siya nakinig.

"Pero, past na iyon. Kaya ayos na. Tutal, alam ko naman na, isa lang sa inyo ang may ayaw sa girlfriend ko dito sa school---"

"Anong gusto mong palabasin?" malamig na pagputol ni Prince sa sinabi ni Vince.

Ayaw kong madamay si Vince sa akin.

I suddenly cleared my throat. "Vince, tara na?" pag-iiba ko ng tanong. Tumingin ako kina Lisa para tulungan ako.

Dali-dali namang lumapit sina Missy at Pauline.

Kita kong bumulong si Pauline kay Jhon at ganun rin si Missy kay Jack. Kita ko ring napatango ang dalawa.

"Ah, Prince..." tawag ni Marky sa kanya. "Tara na? Kailangan natin bigyan ng privacy si Jenny" mahinahanong sabi niya.

Nagi-guilty ako. Gusto ko ring makausap si Marky para ikwento sa kanya si Vince. At gusto ko rin malaman niya na, si Vince ang kababata ko.

"Privacy? Pftt!" sarcastic nitong tugon.

Kita ko ring ngumiti si Vince. "Tol, makinig ka na lang sa kaibigan mo. Atsaka, he's right. Kailangan namin ng privacy ng girlfriend ko. So please? Just do what he said."

Napatingin ako kay Prince at kita ko sa mukha niya ang galit at inis na kanyang pinipigilan.

Buti na lang, lumapit si Lisa sa kanya. "Kuya, baka may gagawin pa kayo..."

Kita kong ngumiti si Prince.

Ang ngiti niya, parang isang demonyo.

"I can't believe this is happening. Ang galing mong umarte nerd. But then, keep it up. Huwag lang darating ang araw na malaman kong niloloko mo lang ang lahat." mariin ngunit seryoso nitong sabi bago tuluyang umalis.

Nauna siyang umalis kaysa mga kaibigan niya.

Ano bang problema niya? Diba galit siya sa'kin? Kaya anong pakialam niya?

Hinding-hindi ko siya papansinin. Simula sa araw na ito. Pangako ko yan sa sarili ko. Ayaw ko na ng gulo.

"Alis na rin kami, Jenny" paalam nina Lance at Liam sa'kin bago sumama kay Prince.

"Jenny, I'm happy for you" ngiting sabi sakin ni Marky.

Magsasalita na sana ako ng biglang nagsalita si Vince.

"Oh, yeah. Naalala ko na. Ikaw yung kaibigan ni Jenny diba? 'Yung naikwento ni Jenny noong nasa mall kami. Kaya lang, hindi niya tinuloy hahaha!" diretsong sabi ni Vince sa kanya sabay tawa.

Siniko ko si Vince. "Tumigil ka na nga." bulong ko sa kanya.

"Aray! Ikaw talaga!" reklamo niya naman.

"Jenny, ba't para kayong magkaibigan kung mag-uusap? Curious tuloy ako kung magkaibigan ba kayo o magkasintahan" nakangiting sabi ni Jack sa'kin.

"Well, magkasintahan kami bro" tugon ni Vince sa sinabi niya.

Ngumiti lang si Jack sa sinabi niya.

"Missy let's go. Baka malate ako sa next class ko at para narin masabayan kita sa next class mo" paalam ni Jack.

"Ah yeah tama. Sige Jenny, ba-bye!" paalam naman ni Missy sa amin.

"Ako rin, ate Jen.. aalis na ako. Sensya na ulit kayo kay kuya ah.." tumango ako sa sinabi ni Lisa.

"Lisa, sabay na tayo" sabi naman ni Kayzer sa kanya at sabay silang umalis.

Napatingin ako kay Marky. "Marky---"

"Ah, oo nga pala. Sige Jenny, aalis na rin ako. Magkaiba tayo ng sched eh kaya, sige... bye." paalam niya sa'kin.

Ni hindi man lang siya lumingon.

"Jenny, bye muna ah" paalam naman ni Vince. "Mamaya na lang ulit. Libre ko kayo coffee mamaya, wag niyong kalimutan" ngiting pagpatuloy niya.

Tumango ako. "Sige, ba-bye!" paalam ko sa kanya.

Stem kasi strand niya kaya, hindi kami magkasama sa lahat ng core subjects. Iba kasi core subjects nila.

Siguro, magkasama sila ni Prince dahil balita ko, doon si Prince sa stem ngayong araw.

Kasama ko si Pauline at Jhon. Magkaklase kami sa klaseng ito. Habang naglalakad, maraming tanong si Jhon sa akin. Buti na lang, binabara ni Pauline lahat ng tanong niya para hindi ko masagot.

Iba talaga ang mag-jowang ito.

Hindi dapat malaman ng prince na yun ang totoo. Hindi niya dapat mabuking na, hindi kami mag-jowa ni Vince. Dahil kapag nangyari iyon, alam kong hindi niya ako tatantanan. Lalo na't pinagbantaan niya ako kanina.

Kahit sino pa kasama mo, kapag galit siya... walang makakapigil sa bibig niya.

Naging magaan ang mood ko sa next class dahil, wala na naman si Prince. At buti na lang talaga wala siya. Pero, di parin mawala sa isip ko yung tensyon kanina.

Kasama niya si Vince sa stem. At posible rin na magkaklase sila ngayon. Madaldal masyado si Vince pero alam kong hindi siya magsisimula ng gulo. Dahil mabait siya.

Pagkatapos ng aming klase sa GenMath, pumunta agad kami sa next class ko. Dito, si Missy at Marky ang kasama ko.

Kaya lang, naiilang ako kay Marky eh. Nahihiya rin ako sa kanya. Kasama ko rin si Nathalie.

Katabi ko si Marky na kanina pa tahimik. Oo, nahihiya ako pero dapat gagawa ako ng paraan para hindi siya magiging iba sa'kin. Magkaibigan kami eh.

I cleared my throat first. "Hmm. Marky, pahiram ng ballpen" ngiting sabi ko.

Ibinigay niya sa akin ang ballpen nang hindi nakatingin. Tumango-tango lang ako. "Salamat" tanging nasabi ko.

Tumango lang siya at ngumiti ng bahagya.

I pouted at nagsusulat na lang.

"Okay, class. Thank you for this morning. Basta, always study our lessons and be ready for the exam next week. Pwede na kayong lumabas." ngiting sabi samin ni Mrs. Vee.

"Thank you, ma'am!"

Nagsi-alisan na ang iba.

"Jenny, congrats ah!" ngiting sabi sa'kin ni Joven. "Congrats dahil may jowa ka na!" pagpatuloy niya pa.

"Uy haha salamat" tanging nasabi ko.

"Ang haba talaga ng hair mo!"

"Ang ganda-ganda mo gurll"

Ngiting sabi sakin ng mga kaklase ko.

You are reading the story above: TeenFic.Net