40: Confused

Background color
Font
Font size
Line height

CHAPTER 40

Confused

JENNY's POV

BIGLANG nag-alarm ang cellphone ko pero, wala akong lakas para bumangon.

Sobrang pagod ko kagabi. Buti na lang, nakainom agad ako ng gamot pauwi sa bahay.

Habang nakatingin sa kisame, naalala ko yung nangyari kagabi.

Hays. Naguguluhan ako sa sarili ko. Buong araw kahapon, ang daming ganap. Lalo na no'ng birthday ni Marky. Doon kina Lisa, kina Marky, pati pauwi.

Alam kong si Sarah ang tumulak sa'kin sa gabing 'yun. Hindi na ako pumatol sa kanya dahil alam kong, makakasakit na naman ako ng tao.

Pero, isang tao lang talaga ang hindi ko maintindihan. Si Prince. Oo ang lalaking 'yun. Akala ko talaga, ayos kami. Sana talaga hindi na lang niya ako tinulungan.

Baka nga, parte ng mga plano niya ang pagiging mabait sakin. Nang dahil sa kanya kaya, hindi ako nakapag-paalam kay Marky na uuwi.

Well speaking of uuwi, yung naghatid sakin kagabi dito sa bahay... hindi ko man lang nabayaran. Ang bait ni manong driver. At feeling ko naman, hindi taxi yung nasakyan ko. Kung hindi, isang luxury car. Kung ganoon, ang yaman pala ni manong. Pero, bakit pang driver ang suot niya? Haysst! Naguguluhan ako.

'Basta, si Prince ang may kasalanan kung bakit hindi ako nakatulog ng maayos paguwi sa bahay...'

Napatigil ako kakaisip ng biglang may kumatok ng malakas sa pintuan ko.

"HOY! MAG-UUSAP TAYOOO!" galit na sigaw ni Nathalie sa akin.

Umagang-umaga ang init ng ulo niya. Sabado ngayon kaya, gusto ko dito muna sa loob ng kwarto.

Buti na lang kagabi, hindi ako pinagalitan ni mommy.

Tumayo ako at binuksan ang pintuan. "Na-"

Hindi niya ako pinatapos magsalita. Agad niya akong sinampal ng malakas.

"Ang dami mong kasalanan sa'kin! Pinahiya mo ako sa harap ni Marky! At noong umalis ka, galit sakin si Marky!" sigaw niya sa harapan ko.

"Ano bang-"

Sinampal niya ulit ako kaya hindi ko natapos ang sasabihin.

"Lahat na lang inaagaw mo! Lahat na lang napupunta sa'yo! Paano naman ako?! Ako yung panganay satin pero bakit nasa iyo lahat?!" sigaw niya pa.

Napahawak ako sa aking pisngi.

Tinitiis ko lang ang pananakit niya sakin at ayaw kong patulan siya dahil kapatid ko siya. Pero, sa tingin ko... sobra na.

"Nathalie, bakit ka ba ganyan? Sa tingin mo ba, lagi na lang ako? Talaga bang nasa akin ang lahat? Lahat ba talaga, inaagaw ko sa'yo?" mahinahong tanong ko pabalik sa kanya.

She laughed a bit. "Hoy, huwag mong ibalik sakin ang tanong na yan-"

"Hindi ka makasagot dahil, hindi naman totoo. Nathalie, hindi mo alam ang nararamdaman ko. Lagi na lang ako ang nakikita mo na mali. Ano bang nagawa ko? Dahil ba kay Marky? Dahil lang sa kanya kaya ka nagkaganyan?" napasinghap ako. "Nathalie, kapatid kita! Kailan man, hindi ko aagawin ang sa iyo.. Wala akong inaagaw sayo!" napalakas ang boses ko.

Dahan-dahan naring tumagilid ang mga luha ko.

"Huwag kang mag-drama. Paano kung sasabihin kong, oo. Si Marky ang dahilan kung bakit ako galit sayo. Lalayuan mo ba siya?" napatingin ako sakanya na nakangiti.

I smiled. "Hindi. Kaibigan ko si Marky. Hindi ko siya lalayuan dahil sinabi mo. Kung galit ka dahil naging kaibigan ko siya, wala akong magagawa. Pero sana naman, isipin mo rin na kapatid mo'ko." seryosong sabi ko sa kanya bago siya iniwan sa loob ng kwarto.

Wala sa plano ko ang lumabas pero, kailangan ko yata ng mapaglabasan ng luha. Hindi naman kasi pwedeng dito sa bahay. Ayaw kong maging mas malungkot ang presensya ng bahay dahil lang sakin.

Nakasalubong ko si Mommy pababa ng hagdan.

"Sa'n ka pupunta?" diretsong tanong niya.

"Mom, lalabas lang po muna ako kung pwede" mahinahong saad ko. "Mag jo-jogging lang naman ako eh" pagsisinungaling ko.

"Tsk! Paalisin niyo na nga yan Mommy!" biglang dumating si Nathalie at hindi pa naibsan ang galit niya.

"Why? May nangyari ba?" tanong ni Mommy samin.

Umiling ako. "Wala po. Sige po, alis na ako" mahinahong paalam ko sa kanila at umalis.

Hindi pa ako naka-ayos at nakapagbihis. Suot ko parin 'yung binigay ng kasambahay nina Marky na damit. At nagulat ako dahil, sa anak pala ito ni Miss Stella. Just like wow! Ang damit ng totoong anak ni Ms. Stella, nasa akin suot na suot ko.

Ano kaya hitsura ng anak ni Ms. Stella? Siguro, sobrang ganda no'n. Kahapon ko lang din nalaman na, ampon lang si Marky pero, legal na anak na siya ni Ms. Stella. At nalaman ko rin na, hinahanap parin ni Ms. Stella ang nawawala niyang anak hanggang ngayon.

'Ako kaya, kung mawawala ako... May maghahanap kaya sa 'kin?..'

Napailing ako sa aking naisip. Hindi dapat ako nag-iisip ng iba. Dapat 'yung pamilya ko ang iniisip ko.

Sana magkabati na kami ni Nathalie, 'di ko kasi kaya kapag galit kami sa isa't-isa.. Na-miss ko na yung dating Nathalie. I missed my ate Nathalie. Kung nandito lang sana si Dad, paniguradong hindi magiging ganito ang sitwasyon.

'Dad, kung nasaan ka man. Sana, bumalik ka na...'

Bigla na lang tumulo mga luha ko. Napatingin-tingin ako sa paligid. Buti na lang, walang tao dito.

Mga taong malapit sakin, unti-unti namang lumalayo. Mga kaibigan ko na lang ang masasandalan ko. Si Mommy, at Nathalie... minsan hindi ko rin sila maintindihan.

Kinuha ko yung panyo na nadala ko kanina. Pinunasan ko ang luha ko.

'Hindi dapat ako magiging mahina.'

Napahawak ako sa aking panyo at napahinto na rin. Naalala ko din yung childhood friend ko. 8 years ko na siyang hindi nakikita.

'Lahat siguro nang taong mahal ko, iiwan lang din ako..'

*BEEEEPP! BEEEEPP! BEEEEPP!!*

"Omyghoshhh! Ano ba?!" gulat kong tanong sa taong muntik akong masagasaan!

"Sorry miss" nagmamadaling sabi nito na akma sanang paandarin ulit ang sasakyan niya.

Lumapit ako sa may bintana ng sasakyan. "Hoy! Bulag ka ba!?" galit na tanong ko sa kanya.

'Kung aatake ang asthma ko ngayon, mu-multuhin ko ang bwisit na 'to pag namatay ako!'

"Sorry Miss! Nagmamadali lang ako!. At isa pa, wag ka kasing maglalakad malapit sa gitna-"

"Anong sabi mo!?" hindi ko na siya pinatapos. Pinukpok ko ang pintuan ng kotse niya. "Di porket naka-kotse ka ay may gana ka nang magsalita ng ganyan sakin!?" iritado kong tanong sa kanya.

'Parang si Prince lang talaga ang lokong 'to ah!..'

"Omyghaddd!!! Ayun siya oh!!" sigaw nung mga babaeng papalapit sa banda namin.

"Miss, lumayo ka nga sa kotse ko kung ayaw mong masagasaan!" nabigla ako sa naiinis na boses nung lalaking nasa loob ng pink niyang kotse.

"Hoy, hindi ako aalis dito hangga't hindi ka humingi ng tawad!" giit ko sa kanya.

Nagulat ako sa biglaan niyang pagbaba ng kotse.

OMG! Sino ba 'tong nilalang na 'to? Ba't ang gwapo!?

"Kyaaaaa ayan na siyaaa ang pogiii niya talaga!!!!" rinig kong sigaw ng mga babae na tumakbo na papalapit.

"Miss let's go!" mas lalo akong nabigla dahil sa paghila sa'kin ng lalaki papasok sa kotse niya.

"Hoy! Ano bang trip mo ha!?" galit kong tanong sa kanya.

'Ang dami ko na ngang iniisip. Dumagdag pa ang lalaking 'to!..'

"Miss, can you please shut up! This mess is your fault!" inis na sabi niya, at dali-daling pinaandar ang sasakyan.

"Ahhhhh!!! Mr. Parkkkk!!!" rinig kong sigaw ng mga naghahabol sa kanya na nasa medyo malayo na.

Mukhang iniiwasan yata niya yung mga babae kanina, bakit kaya?

Para naman siyang sikat kung umasta.

Dahil sa bilis ng pagmamaneho niya, hindi ko namalayan na sobrang layo ko na sa bahay. At wala na rin yung mga humahabol sa kanya.

"Hoy!. Ibaba mo na nga ako!. Wala na yung mga babae mo!" I shouted.

"What did you just say?" tanong niya pa.

"Bingi ka ba? Hoy. Di porke't naka shades ka ay feeling foreigner o artista ka na!" inis kong sigaw ulit sa kanya.

Ayaw ko talaga sa mga mayabang. Naaalala ko ang Prince na 'yun!

Nang huminto siya, dali-dali naman akong bumaba sa sasakyan niya.

"Teyka, miss!" napahinto ako sa pagtawag niya.

"What?!"

"Can I have your name? Please, just give me your name" napatawa ako sa pakiusap niya.

"Sorry pero hindi ko ibibigay. You don't need to know my name. I'm just nothing." diretsong sabi ko bago siya tinalikuran.

"Hey!" napahinto ulit ako sa tawag niya. "Don't make your self feel like your are nothing cause you're not. Every people is important- you are important." natahimik ako sa sinabi niya.

Wow, mali pala siya sa inaakala ko. Hindi pala siya katulad ni Prince. Buti naman.

"Thank you ah! Medyo gumaan pakiramdam ko. By the way, I'm Jenny" ngiting sabi ko sa kanya.

He smiled back at me. "I'm Vince" pakilala niya pero nasa loob parin siya ng kotse.

Ang awkward naman nito.

"Sige. Alis na 'ko-"

"Wait, yung panyo mo!" bigla siyang lumapit sakin bago inabot 'yung panyo.

Dali-dali ko 'yung kinuha."Thank you!" ngiting sabi ko ulit.

"Well, your name is familiar to me and, your handkerchief also" he smiled again.

'Baliw ba 'to? Kanina pa siya nakangiti sakin...'

"Sorry ah kung masabi ko 'to sayo. I think you're crazy! Lahat na lang familiar? Ano 'to biruan?" sarkistong sabi ko.

"Pero miss kasi-" 'di ko na pinatapos yung sasabihin niya.

"Sige alis na ako!" dali-dali kong sabi bago naglakad ng mabilis palayo sa lalaking 'yun.

Baka baliw talaga 'yun. Buti na lang, nandito ang panyo ko! My favorite handkerchief!

Napasinghap na lang ako dahil hindi ko na naabutan yung nagtitinda ng ice cream.

"Hayst! Kainis na lalaking 'yun!"

Kanina gusto kong umiyak pero ngayon, naiinis na ako.

Mas mabuti pang, uuwi na lang ako sa bahay.

Pagdating ko sa bahay ay nakasalubong ko agad si Mom at Nathalie na kagagaling lang sa pag-uusap.

"Bakit ngayon ka lang?" taas kilay na tanong ni Mommy sa akin.

"Ah kasi po-"

"Siguro, may nilalandi na naman yan! Katulad ng ginawa niya kagabi." nabigla ako sa sinabi ni Nathalie.

Gusto ko na talagang patulan si Nathalie dahil sa mga sinasabi niya, pero kapatid ko siya.

"Magsalita ka Jenny!" nabigla na naman ako sa sigaw ni Mommy sa'kin.

"May tinulungan lang po akong matanda kanina sa daan kaya medyo natagalan po ako.." mahinahong sabi ko.

Kailangan kong magsinungaling. Magagalit si mommy kapag sinabi ko sa kanya ang nangyari.

"Mom. Don't trust her. Nagsisinungaling lang 'yan. Kagabi nga, nabigla na lang ako dahil nandun siya sa party ng kaklase kong mayaman. Wala naman siyang pera pero, nakasuot siya ng magarang damit. Pati nga makeup na ginamit sa kanya ay mahal.." sabi ni Nathalie habang naglalakad papalapit sa'kin..

Napaatras naman ako sa ginawa niya.

"Mommy, imposible naman diba na nakasuot siya ng ganoon? Baka tama nga yung sinabi ng kaibigan kong si Sarah. Na, malandi ang Jenny na 'to! Pati boyfriend ng kaibigan ko, nilalandi niya-"

*PAK!*

Dahil sa galit, hindi ko sinasadyang sampalin siya.

"Sumusobra ka na sa mga sinasabi mo- Aray!" bigla akong hinila ni mommy kaya natumba ako.

"Huwag na huwag mong sasampalin si Nathalie! Lalo na sa harap ko! Ganyan ba ang natutunan mo sa mga kaibigan mo!? Ha?! Magsalita ka!" galit na sigaw ni Mommy sa'kin.

Napapikit na lang ako at napayuko habang tumutulo ang mga luha ko.

"Sorry~" halos hindi ko na marinig ang boses ko dahil sa sigaw ni Mommy sa'kin.

Napatingin ako kay Nathalie na umiiyak habang hawak ang kanyang pisngi na nasampal ko.

"Mommy....huhuhuhu" kita kong lumapit si Nathalie kay Mommy. "Hayaan na po natin si Jenny Mom. Ganyan naman siya eh. Kaya siya nananakit dahil totoo ang sinabi ko. Doon nga sa party ay pinahiya niya ako sa harap ng maraming tao. Kaya ako pinagtatawanan doon huhuhu!" napayukom ang mga kamay ko dahil sa salitang sinabi ni Nathalie na wala namang katotohanan. "G-gusto ko lang naman maging mabuting kapatid kay Jenny pero, bakit parang ayaw niya? HUHUHU!" pagpatuloy niya pa.

Paano nagawa ni Nathalie na siraan ako? Papaano niya nagagawa ang bagay na 'to!!

Magsasalita na sana ako ng biglang nagsalita si Mommy.

"Ikaw Jenny, kung ayaw mong masabihan na malandi iwasan mo ang mga lalaki. Simula ngayon, kapag narinig ko mula kay Nathalie na may kasama kang lalaki, wala kang gamit na makukuha sa bahay kung palalayasin kita." galit at seryosong sabi ni Mommy sa akin bago kami iniwan.

Narinig ko ang pagtawa ni Nathalie.

"Sabi ko naman sayo diba? Na kung ano yung akin ay akin. Akin lang si Marky. Dahil kapag aagawin mo siya, magdudusa ka." sarkistong saad niya. "Ano Jenny, masakit ba? Masakit bang pagsabihan ng malandi?!"

I sighed deeply bago pinunasan ang aking luha. "Nagsinungaling ka kay Mommy para saktan ako? Lahat ng mga sinasabi mo, ay tagos sa puso dahil... kapatid kita! Pero tatanungin kita. Masakit ba ang sampal ko?" I asked her back. Biglang nanlaki ang kanyang mga mata dahil sa sinabi ko.

"How dare you-"

"Diba nasampal na kita? Kaya dapat magising ka na. Gumising kana sa katotohanan. Na kahit anong gawin mong pagpapakipot kay Marky, hindi ka niya magugustuhan dahil sa ugali mo. Marky is a good person. Kaya ang nababagay lang sa kanya ay yung taong may mabuting ugali." mariing sabi ko.

Gusto kong malaman ni Nathalie na, hindi katulad si Marky ng mga lalaking nagugustuhan niya. Mabait si Marky at marunong pumili ng mamahalin.

"What the heck! So, sinasabi mo ba na ikaw ang gusto niya? Dahil mabait ka!? Hell no! Never. Hinding-hindi ka niya magugustuhan dahil---"

"Dahil kaibigan ko siya, tama ka. Hindi siya pwedeng magkagusto sakin dahil kaibigan ko siya. Magkaibigan kami. Sana, intindihin mo din yun. Aaminin ko sayo, humahanga ako kay Marky noon. Pero, hanggang paghanga lang 'yon. Hindi ko siya gusto katulad ng iniisip mo. Kung magagalit ka dahil sa pag-iisip mo na gusto ko siya, pwes wala ding say-say iyon! Kasi, magkaibigan lang kami." paliwanag ko sa kanya sa mahinahong paraan.

Aalis na sana ako ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko.

"Jen, we don't need to fight naman diba para lang sa isang guy? We're sisters, right?" naging mahinahon ang isip ko dahil sa nakita at narinig ko mula kay Nathalie.

Kita ko sa mukha niya na nagbabago ito at naging malungkot.

'Anong ginagawa mo, Nathalie? Bakit bigla kang naging ganito?..'

Napailing ako sa iniisip at tumingin kay Nathalie na nakayuko na.

"Nathalie---" hindi niya ako pinatapos sa pagsasalita. Bigla niya akong niyakap.

"Patawarin mo'ko sa nagawa ko. Hindi ko sinasadyang magsinungaling. Nadala lang ako ng inis at galit ko sa'yo. Patawad Jenny. Gusto ko lang naman na, iwasan mo si Marky e kasi, gusto ko siya. At ayaw ko na nakikita kayong dalawa na magkasama." sabi niya sa mahinahong paraan.

Naguguluhan ang isip ko. Nagkukunwari lang ba siya, o talagang totoo ang sinasabi niya?

"Please Jenny, please! Maniwala ka sakin. Hindi ko intensyong awayin o saktan ka. Nagmamahal lang naman ako. Jenny, ngayon lang ako ganito sa isang lalake, alam mo naman 'yon diba? Sana intindihin mo din ako. Ako ang ate mo, ako lang ang nag-iisa mong kapatid...." she hugged me.

"Ate Nathalie...." niyakap ko rin siya pabalik.

"Jenny, iwasan mo si Marky para sa'kin. Magagawa mo ba 'yun?" mahinahong tanong niya.

"P-pero...."

"Oo, naintindihan ko naman na magkaibigan kayo e. Ayos kung hindi mo siya iiwasan. Basta gawan mo ng paraan upang makausap o makasama ko siya. 'Yon na lang ang gawin mo para sa'kin... pwede ba?" tanong niya ulit sakin.

I smiled a bit. "Huwag kang mag-alala, gagawin ko ang sinabi mo. Gagawa ako ng paraan para makasama at makausap mo siya." tanging nasabi ko.

"Really?!" biglang lumawak ang ngiti niya.

I nodded. "Ang gusto ko lang naman ay maging okay tayo, kasi kapatid kita. Kaya, gagawin ko kung ano yung makakabuti para satin bilang magkapatid" ngiting sabi ko sa kanya.

"Ganyan nga Jenny, unahin mo ako kasi pamilya tayo. Salamat. So, okay na ba tayo? Remember, magiging mabuti akong kapatid kapag naging mabuti ka sa'kin. At kapag, gagawin mo kung ano yung gusto ko.." she smiled. I smiled back.

"Sorry dahil nasampal kita" sabi ko.

"Nah, it's okay. Dahil alam kong babawi ka sakin. Atsaka alam mo ba kung sino ang tumulak sa'yo sa pool?"

"Sino?" agad kong tanong sa kanya.

"Sino pa ba, edi si Sarah."

"Alam ko naman yun pero, diba magkaibigan kayo-"

"It doesn't matter. Mas importante ang pagiging magkapatid natin. Sumasama lang ako kay Sarah dahil... G-gusto kita ipagtanggol. Atsaka sorry kasi, nadadala ako sa sinasabi ni Sarah. Pero Jenny, wag mong sasabihin kay Sarah na ako nagsabi sa'yo nito kasi, baka ako ang saktan niya" paliwanag niya sakin.

Tumango ako.

"Sige Nathalie, maliligo muna ako..." ngiting paalam ko sa kanya.

Habang naglalakad pataas, diko maiwasang isipin si Nathalie.

'Bakit parang biglaan niyang sinabi sa'kin itong lahat? Bakit parang may taong tumulak sa kanya para sabihin sakin ang mga iyon?..'

She's my sister. Hindi ko dapat siya pag-iisipan ng masama. Baka tunay ngang nagbago na siya. At gusto na niyang maging maganda ang relasyon namin bilang magkapatid.

Kapalit ang atensyon ni Marky, magiging mabait si Nathalie sa akin.

Naguguluhan parin ako. What if, all of this is just a part of her plan? Then, what is her plan?

'Ano ang balak mo Nathalie, talaga bang nagbago ka na? O parte lahat ng iyong plano ang mga ito? Ano ang plano mo...'

Hayst. Nalilito ako.











You are reading the story above: TeenFic.Net