CHAPTER 39
Conscience
PRINCE POV
What happened to me?! Bakit kailangan ko pa siyang sagipin?!
"Jenny! Jenny! Wake up!" rinig kong pag-alala ni Marky sa kanya.
Nakahiga siya sa may gilid ng pool.
Hindi naman pala siya marunong lumangoy tapos, pumupunta pa siya dito. So clumsy.
Rinig ko namang napa-ubo-ubo siya.
Nabasa pa tuloy ako. Kainis.
"Okay ka lang Jenny?" pag-alalang tanong ni Marky sa kanya.
Umahon na ako sa tubig.
"Salamat." sabi pa ni nerd habang umuubo.
Hindi ko mapigilang lumapit sa kanya. "Tingnan mo ang ginawa mo! Nabasa na ako nang dahil sa'yo!" inis na sigaw ko sa kanya.
Biglang may lumapit sakin. "Omyghoshhh! Prince, what happened to you?" si Sarah.
"Tsk"
"Hindi ko kasalanan.. Sino ba nagsabi sa'yo na iligtas mo 'ko!?" giit ni nerd sakin.
Napahinto ako.
"Jenny, wala ka bang hiya?! Ang kapal ng mukha mong sabihin 'yan! At ikaw naman Prince, bakit mo naman siya niligtas?!" iritadong tanong ni Sarah sa'kin.
"Marky, alis muna ako magbibihis lang." walang ganang sabi ko bago umalis.
Ang da-drama. Kainis.
Daming drama sa gabi na 'to. Birthday pa naman ni Marky. Daming oa!
"Tol, sandali!" tawag sakin ni Marky.
"Oh, pa'no na si Jenny? I mean, yung si nerd." dali-dali kong iniba sinabi ko.
"Nandun na mga kaibigan niya. Si Lisa na bahala sa kanya" sabi niya.
I just nodded. Wala akong masabi.
"Oh, mga iho, bakit basa na basa kayo?" salubong na tanong sa'min ni Manang.
"May bwisit kasi na-"
"Ah, manang kapag may dumaan na babae dito ipasusuot niyo po sa kanya yung damit na itinabi ni mama." pagputol ni Marky sa sasabihin ko.
"Kung ganoon, sige ako na ang bahala. Magbihis na kayo para hindi kayo magkasakit"
Tumango kami at nagsimulang maglakad.
"Bro, punta muna ako sa kabila. Doon na din ako magbibihis." paalam niya.
"Geh" I nodded.
Buti na lang talaga, may sarili akong kwarto dito sa bahay nila.
Diko hiningi na magkaroon ako ng kwarto dito. Ako lang kasi nag-iisang ina-anak ng nag-iisang Stella Imperial kaya, espesyal ako.
Pagpasok ko sa loob ng kwarto, kinuha ko agad yung damit ko at nagbihis sa loob ng banyo.
Ginugulo mo isip ko Jenny!
Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili, lumabas agad ako ng bigla kong nakita ang mukha niya.
"Tsk!" sabay pa kaming dalawa.
She rolled her eyes to me and I rolled my eyes to her.
"Ahh-"
Nabigla ako sa paa kong dali-daling lumapit sa kanya at sinalo siya sa pagkatumba. Kaya dali-dali ko rin siyang binitawan. Swerte niya talaga. Bwisit!
"Aray! Wala ka talagang modo!" inis niyang sigaw sakin habang nakahawak sa may puwetan niya.
Napatawa ako ng marahan. "Ohh bakit? Akala mo tutulungan kita!?" I smirked.
Dahan-dahan siyang tumayo. "Kung may galit ka sakin, sana 'di mo na lang ako tinulungan! Sana, pinabayaan mo na lang ako!" inis na sabi niya pa.
"You know what? You're so dramatic! Sa tingin mo ba gusto kong tulungan ka!? Hoy! Si Marky lang ang may gusto no'n!. Nandidiri ako sa tuwing tinutulungan kita. I hate it." malamig kong sabi sa kanya.
Kita kong napayukom ang kanyang mga kamay na nagpipigil ng galit. "Akala ko, nagbago ka na. Akala ko, mabait ka na. Akala ko--- Pero, haha maling akala pala lahat. Mabuti pa si Marky! May puso ikaw, wala!" galit na sigaw niya sa akin.
"So? What? I'm not Marky that's why I don't have a heart? Pftt haha!" tawang sabi ko.
"Grabe, may gana ka pa talagang tawanan ako? Makakaganti rin ako sa 'yong lalaki ka!" inis na giit niya sakin tsaka umalis.
"Subukan mo lang!" sigaw ko pabalik sa kanya bago naglakad paalis.
Anong akala niya sa sarili niya? Mababago niya ang isang tulad ko? Pwes, hindi.
Aaminin ko, akala ko din, nagbago na ako. Pero hindi pa pala.
Napahinto ako sa narinig.
"Anong sinasabi mo?! Sinasabi ko na nga ba, ikaw ang tumulak kay Jenny!"
Ito agad ang bumungad sakin pagdating ko sa may pool.
"How dare you!"
Sinabunutan lang naman nila ang isa't-isa. Mga wala talagang kahihiyan!
"Hey, tama na!" inawat na sila ng svt.
"Paano kung may nangyaring masama kay ate Jen?!" sigaw rin ni Lisa.
Tangna pati kapatid ko, sumasali sa away.
Walang gana ko silang pinuntahan.
Natahimik naman sila sa pagdating ko.
"Prince, you're here!" lumapit si Sarah sa 'kin. "Sila ang nagsimula. Pinagbintangan nila kami na tumulak kay Jenny. Look, maniniwala ka ba sa sinasabi nila?!" tanong ni Sarah na may paawa-awa pang nalalaman.
I sighed softly. "Pwede ba, tumahimik na kayo. Kayong lahat. Nasa bahay kayo ng kaibigan ko. Mahiya naman kayo. Napaka-isip bata ninyo!" mariing giit ko sa kanila.
Lumapit si Lisa sa'kin. "Pero kuya, it's obvious naman na sila ang tumulak kay ate Jen!" diretsong sabi niya.
"At ikaw, wag kang magbintang ng kung sino. Malay mo, naglalakad lang yung kaibigan mo tapos, dahil tanga siya kaya siya nahulog!" 'di ko napigilan sarili kong sabihin 'yon at wala akong pakialam.
Sarah laughed. "See? Wag kasi kayong magbintang" ngiting sabi pa nito.
"A-ate Jen...." nauutal na sabi ni Lisa habang nakatingin sa may likuran ko.
Walang gana akong lumingon. Nakayuko siya at nakayukom parin ang mga kamao. Ang mga mata niya, nag-aapoy sa galit habang nakatingin sa'kin.
"Paki sabi na lang kay Marky, uuwi na ako" nagmamadaling sabi nito.
Aalis na sana siya ng bigla siyang pinigilan ni Lisa. "Ate, dito ka muna. Hindi pa tapos yung party. Hintayin muna natin si Kuya Marky" pakiusap ni Lisa sa kanya.
"Lisa, sana maintindihan mo 'ko" rinig kong sabi niya.
"Jenny, dito ka muna. Wala pa si Marky oh" sabi pa ni Pauline sa kanya.
"Oo nga Jenny!" sabi pa ng mga kaibigan ko.
"Go Jenny! umuwi ka na" giit naman ni Sarah.
"Tama, umuwi ka na lang sa bahay. Tutal, ikaw naman ang may pakana kaya nagkagulo ang pool party!" sigaw naman ng kapatid niya sa kanya.
Napabuntong hininga na lang ako.
Pinagmasdan ko lang sila.
Ang gugulo ng mga bonak.
"Hoy Nathalie, wag mong pagsalitaan ng ganyan si Jenny! Kayo ang nagsimula ng gulo!" sigaw pa ni Pauline pabalik.
"Ate Jen, hintayin muna natin si Kuya Marky" pakiusap pa ni Lisa.
"Gusto kong magtagal pa dito pero, hangga't nandito ang leader ng SVT mas mabuti pang umalis na lang ako" nainis ako sa sinabi niya.
Aba, ako pa talaga.!
"Edi umalis ka na!" giit ko na agad naman niyang ikinainis.
"Oo. Aalis na talaga ako." diretsong giit niya bago umalis ng tuluyan.
"Ate Jen!" pinigilan ko si Lisa sa paghabol sa kanya.
"Lisa-"
"I hate you kuya! Bakit ka ba ganyan kay Ate Jen?!" galit na tanong niya sa'kin bago umalis.
"Mas lalo mong ipinasama ang nararamdaman ni Jenny. Paano kung wala siyang masakyan pauwi?!" galit na tanong sakin ni Pauline bago umalis.
"Prince, I thought you'd change. Ni hindi mo man lang inisip na naging, masaya si Jenny noong hindi mo siya ginagalit." diretsong sabi ni Missy bago umalis.
"Bro, sasamahan ko muna si Missy" tumango ako sa paalam ni Jack.
Umalis kayo mga loko.
Tinapik ni Lance ang balikat ko. "Lika, magsaya na muna tayo bro"
"Oo nga, we need to enjoy this night with Marky" anyaya sakin Liam.
"Kuys, puntahan ko lang din si Lisa" paalam naman ni Kayzer.
"Mauna na kayo. Dito na muna ako." walang ganang sabi ko sa kanila.
"Sige, sumunod ka samin ah" paalam nila.
I just nodded.
'Ewan ko ba sa gabing 'to..'
Biglang may pumalakpak.
"Bravo Prince! You really did a good job!" napatingin ako sa may likuran ko.
Bwisit. Nandito pa pala ang apat na 'to.
"Tama lang ang ginawa mo Prince. Sumusobra na din kasi ang Jenny na 'yun. Siya na nga ang tinutulungan, siya pa ang galit. Pinagmumukha ka pa niyang masama. She is really a mess to you Prince." diretsong sabi pa nung Nathalie sa akin.
Grabe, kung magsalita parang hindi kapatid si Jenny ah. Tsk.
"Dapat pala, si Sarah na lang ang kinampihan mo Prince." sabi pa nung dalawa.
Nagpipigil lang ako ng galit ko kanina. Baka sa mga babaeng 'to ko pa mailabas.
"So Prince ano na?-"
"Pwede ba, tumahimik kayo. Hindi ako uto-uto para makinig sa mga sinasabi ninyo. At alam ko ring kayo ang tumulak kay Jenny. Kaya huwag kayong magkamaling makipag-usap sa akin kung ayaw ninyong mapahiya kayo." mariing giit ko sa kanila na agad nilang ikinatahimik.
Mariin ko silang tinignan isa-isa. At dali-dali naman silang umalis.
Napailing na lang ako.
'Dapat ba akong makonsensya sa ginawa ko sa Jenny na 'yun?'
"Bro!" dali-dali kong inayos ang sarili sa pagdating ni Marky.
Paano ko kaya sasabihin sa kanya na umalis na yung date niya?
"Oh, nasaan na sila?" tanong niya.
"Nasa loob na-"
"Si Jenny?" sabi ko na nga ba magtatanong siya tungkol sa date niya.
"Ah wala. Umalis na eh" simple kong sabi.
"Huh? Papaano? Eh hindi naman 'yun aalis kung wala ako diba? Ako kasi maghahatid sa kanya pauwi sa kanila. Alam mo naman, delikado sa daan ngayon. Maraming masasamang tao."
Natahimik ako sa sinabi niya.
"Lika na, punta na tayo sa loob. Baka nandun siya-"
"Tol, wala siya sa loob kasi, umalis na nga." giit ko pa.
"Bakit siya aalis? May nangyari ba? Ayos na ba siya?" tanong niya pa.
"Tol, sensya na ah pero, umalis na ang kaibigan mo. Gusto nang umalis eh. Ayaw raw akong makita kaya umalis na siya." diretsong sabi ko.
"Ayaw kang makita? Don't tell me na, nag-aaway kayo" singhal niyang sabi.
"Ewan ko sa kaibigan mo." saad ko.
Napakamot siya ng ulo. "Pa'no na yan? Mag-isa siyang nasa labas. Mag-isa siyang uuwi! Eh wala namang pera 'yun pang-"
"Meron 'yun." tanging nasabi ko.
"Tol naman eh. Paano kung aatake ang asthma niya?" tangna naka-konsensya naman ang tanong na 'yan.
"Tol, wag kang mag-isip ng ganyan."
"Paano ako hindi mag-iisip eh kaibigan ko 'yun." giit niya habang nag-alala.
Biglang may lumapit sa amin. "Excuse me, sir Marky and Prince pinatawag po kayo ng parents ninyo. Kailangan po kayo sa loob" mahinahong sabi nito.
"Pwede bang, si Prince na lang?-"
"No sir, dapat nandun kayo. Kayo po ang birthday celebrant kaya kailangan kayo-"
"Marky, ako na lang ang maghahanap sa kaibigan mo. Gagawin ko 'to kasi, kaibigan kita." sabi ko sa kanya.
"Sige tol, dapat mahanap mo siya." giit niya at umalis.
"Sir Prince, kailangan din po kayo---"
"Pakisabi, may pupuntahan lang ako. Babalik din ako agad." sabi ko at nagsimulang umalis palabas ng bahay.
Kainis. Bakit ba ako nako-konsensya sa babaeng 'yun?!
Nang nasa labas na ako, dali-dali kong pinaandar ang sasakyan para hanapin ang babaeng 'yun.
Paniguradong, hindi pa 'yun nakalayo.
Jenny, humanda ka talaga sakin pag nakita kita dito. Kainis. Problema ka talaga! Malas!
Makalipas ang ilang segundong pagmamaneho, nakita ko na siya. Medyo nakalayo na siya, nasa may gilid ng kalsada naglalakad.
At balak niya pa talagang umuwi? Eh wala naman siyang pera. Tsk.
"Napaka bobo mo talaga, Jenny." singhal ko at sabay na napailing.
Siyempre, hindi ko gagawin yung sinabi ni Marky na, ibalik si Jenny nerd sa loob. Pauuwiin ko na ang Jenny na yan.
Kinuha ko ang cellphone at may tinawagan.
"Yes, manong. Pumunta po kayo dito ngayon na." utos ko.
"Sige po"
Alam ng driver namin kung nasaan ako ngayon.
Ibinababa ko na ang tawag at sinundan si Jenny. Medyo malayo ako kaya hindi niya ako makikita.
Lakad parin siya ng lakad.
Ni hindi niya nga alam kung saan siya pupunta. Uuwi nga siya pero, hindi niya alam kung saan ang daan pauwi sa kanila.
Biglang dumating yung sasakyan namin. Nagamit pa tuloy yung sasakyan na bago kong binili. Tsk. Kainis.
Tinawagan ko ulit si manong.
"May nakita kayong babae diba? Gawin niyo ang lahat para makasakay siya diyan tapos, iuwi niyo na agad sa bahay nila."
"Pero boss, baka pagka-malan akong kidnaper" napatawa ako sa sinabi niya.
"Edi, gumamit ka ng acting. Dadagdagan ko sweldo mo kapag nagawa mo yung sinabi ko." binaba ko agad ang tawag.
Nakatuon sa kanila ang atensyon ko.
'Tingnan natin kung ano ang magagawa ng Jenny na 'yan..'
Pinaandar ko pa ang kotse papalapit para marinig at makita ko sila.
"Naku, manong salamat na lang po pero ayos lang po ako" mahinahong tanggi niya sa anyaya ni manong.
"Iha, gabi na baka ma pa'no ka pa" rinig ko namang sabi ni manong.
"Nakakahiya po. Wala po akong pera pambayad kaya, maglalakad na lang po ako pauwi" kita ko namang ngumiti si nerd sa sinabi niya.
Ibang klase din talaga ang nerd na 'to.
"Iha, mamaya mo na isipin ang bayad kapag naka-uwi ka na sa inyo" rinig ko naman ang mahinahong sabi ni manong sa kanya.
Ang tigas ng ulo ng nerd na 'yan. Siya na nga 'yung tinutulungan, ang dami pang sinasabi!
"Ah, sige po manong..."
Ayun, papayag din naman!
Tinawagan ko ulit si manong.
"Wag mong banggitin ang pangalan ko. Atsaka, wag ka na magpabayad sa babaeng 'yan wala din naman yang pera. Sige, ihatid mo na siya." sabi ko sa kanya.
"Manong...."
Dali-dali kong ibinaba ang tawag dahil narinig ko ang boses ni nerd.
Ito na ang huling tulong- hindi pala 'to tulong. Ginawa ko 'to para kay Marky.
You are reading the story above: TeenFic.Net