36: Unknown Feeling

Background color
Font
Font size
Line height

CHAPTER 36

Unknown Feeling

JENNY's POV

PAGKATAPOS kong pumunta sa music club, kina Marky ay dumiretso agad ako sa dance club which is ang president ay si Prince. Sabi nila, si Prince raw ang isa sa pinakamagaling na dancer dito sa Harvend. Kasama niya naman si Jhon.

Kanina, habang inaaway ako ni Sarah dumating yung taong ayaw sakin. Pinagtanggol niya ako. Pati rin si Marky, dumating din.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kapag nagkita kami dito. Sana, narinig niya yung pasalamat ko. Pero, binalewala niya lang yata yun. Kasi, hindi naman siya lumingon.

Si Sarah naman, hindi ko alam kung ano yung nagawa ko para magalit siya sakin.

Pagpasok ko sa loob, siya agad ang nakita ko habang sumasayaw sa gitna.

"Jenny! Buti naman, nandito ka na. Alam mo ba, kanina pa kita hinihintay dito. Ikaw talaga. Saan ka ba nanggaling? Tapos ka na ba sa music?" tumango lang ako sa sinabi ni Pauline.

Dahil sa taas ng boses niya, nakita kong napatingin dito si Prince.

Parang naiilang na ako sa titig niya. This can't be.

"Halika na!" iginiya ni Pauline ang kamay ko papunta sa ibang members.

Kaya ako sumali sa dance club, dahil gusto kong matutong sumayaw.

Lumapit si Pauline kay Jhon at ako naman, iniwan niya lang sa harapan ni Prince habang nagtuturo ito ng sayaw.

Anong klaseng sayaw ang ginawa niya? Hip-hop ba? Ang astig kasi.

"Makinig kayo." natahimik ang lahat sa sinabi niya. "Bakit kayo sumali sa Dance Club? Give me at least one reason." utos nito sa lahat.

Inisa-isa niya lahat hanggang sa ako na ang magsasalita. Tumayo ako at huminga ng malalim.

"Kaya ako sumali dahil gusto kong matuto at magkaroon rin ng kumpiyansa sa sarili ko." sabi ko.

"Kung ganoon, bakit ka sumali sa music club?" tanong niya sakin.

Teyka, bakit may processing question pa?

"Dahil, gusto ko ring matuto." simple kong sabi.

"Ako ba, Prince hindi mo tatanungin?" napalingon kaming lahat sa dumating.

Si Sarah na naman kasama yung kambal. Hindi nila kasama si Nathalie dahil nasa Music Club pa 'to.

"Alam niyo ba, kaya ako nandito dahil kay Prince. 'Yun lang." taas noo niyang sabi habang naglalakad papunta kay Prince.

"Magsimula na tayo." utos ni Prince sa lahat at binalewala lang si Sarah.

Biglang lumapit si Sarah sakin. "Hi, Jenny. Miss me?" ngiting tanong nito sakin.

"Excuse me" bigla namang pumagitna si Pauline. "Hindi ka namimiss ng kaibigan ko dahil, hindi ka naman niya kaano-ano." sarkistong sabi ni Pauline sa kanya.

Ngumiti lang si Sarah na parang, ayos lang sa kanya. "Okay?" she rolled her eyes bago lumapit kay Prince.

Bumulong si Pauline sa'kin. "Jen, huwag kang magpapatalo dun ah. Alam kong inaaway ka nun. Tsk. Dapat pala, hindi ko siya hinahangaan. Hindi naman pala siya maganda."

"Hayaan mo na." sabi ko.

Nagsimula muna kami sa stretching exercise. Para mas lalong maging flexible yung katawan namin.

Si Jhon ang nagtuturo sa amin sa mga steps samantalang si Prince naman, naka-upo lang habang tinitingnan kami. Si Sarah naman, lapit ng lapit kay Prince. Habang ako, walang lumalabas sa bibig ko. Ni hindi ako makapagsalita ng maayos kapag nakatingin siya sakin.

4:00PM na natapos ang lahat. Kaya, medyo hapon na rin kaming umuwi. Si Marky ang naghatid sa akin sa bahay dahil nauna na si Nathalie sa akin. Habang nasa loob ng kotse, parang may gusto siyang sabihin na hindi niya masabi sakin.

Pagdating ko sa bahay, ganoon parin. Galit na naman sakin si Nathalie. Kung ano-ano na lang ang sinasabi niya kay Mommy. Para pagalitan ako.

Hinayaan ko na lang. Hindi na ako pumatol dahil ayaw kong malaman nila na may asthma ulit ako. Araw-araw, nasanay na akong uminom ng gamot. Iniiwasan ko na ring pagurin ang sarili ko.

Pagdating naman sa paaralan, nasanay na rin akong makita ang SVT araw-araw. Pati si Sarah, nasanay na ako sa mga sigaw niya sakin. Ewan ko kung bakit parang pinagtutulungan nila ako ni Nathalie. Iyak lang ang magagawa ko. Hindi ko magawang lumaban dahil mahina ako.

Maraming tanong sa isip ko. Dahil hindi ko maintindihan kung bakit naging mabait si Prince sakin kapag ako lang mag-isa ang nakikita niya. Naipagtanggol niya na ako kay Sarah. Pang-ilang beses na. Hindi nga sila magkasintahan. Si Sarah lang ang may gusto ng ginagawa niya.

NGAYON, Biyernes na naman. Ang dali lang ng oras. Lumipas na naman ang isang Buwan. Habang nasa Harvend ako, maraming mga kaganapan ang nangyari. Wala na masyadong bully sa school. Dahil ipinatupad na dito yung anti-bullying.

Nandito ako ngayon sa rooftop ng building ng SVT. Ito na kasi yung paborito kong lugar dito sa Harvend. Dahil bukod sa mataas ito, tahimik pa, walang gulo, malamig yung hangin at grabe... maalis mo dito yung mga problema.

Naaalala ko yung nangyari kagabi sa bahay. Sinabi sakin ni Mommy na, palalayasin niya ako sa bahay kapag may ginawa ako kay Nathalie ulit.

Biglang tumagilid ang luha ko ng hindi ko namalayan. Sa tuwing pumupunta ako dito ng mag-isa, naiiyak na lang ako. Dito ko binuhos lahat ng iyak ko kasi alam kung walang makakarinig sakin...

"Are you okay?" nabigla na lang ako ng may biglang nagsalita sa likod ko.

Heto ang laging nagiging eksena. Si Marky ang nakakakita sakin sa tuwing umiiyak ako.

Dali-dali kong pinunasan ang luha ko.

"Ano ba, huwag mo nang punasan yang luha mo. Ayos lang na umiyak ka. Dahil, dapat lang na ilabas mo yan. Lagi kitang nakikita dito na umiiyak. Sabihin mo sakin, family problem ba?" mahinahong tanong niya.

Dahan-dahan akong tumango at nagpatuloy lang sa pag-iyak gaya ng sinabi niya.

"Ayos lang yan. By the way, sasabayan kita mamaya sa clinic." sabi niya.

Tumango na lang ako.

Laging siya ang kasama ko sa tuwing pumupunta ako ng clinic. Medyo busy na kasi si Missy at Pauline. Lalo na't may mga jowa na sila. Pero, hindi parin naman nila nakalimutan yung pagiging kaibigan nila sakin. Si Lisa naman, kailangan munang mag-focus sa 1st quarter exam nila. Malapit na rin matapos ang 1st exam namin.

"Nga pala Marky, nakita mo ba si Prince?" tanong ko sa kanya ng walang dahilan.

"Bakit mo siya hinahanap?" ngiting tanong niya.

Umiling agad ako. "Ah, wala. Sa ano lang, yung sa P.E" dali-daling sabi ko.

"Well, kasama niya yung iba. Tara, baba na tayo. May sasabihin rin ako sayo eh. Importante 'to kaya dun tayo sa SVT room. Nandun kasi yung iba." ngiting sabi niya.

"Teyka, anong oras na pala?"

"Maaga pa naman. Pagkatapos dun sa SVT room, sumama ka na lang kay Prince papuntang gym dahil magka-team naman kayo." ngiting sabi niya pa.

Medyo kinabahan ako sa sinabi niyang sumama ako kay prince.

"Bahala na hahahaha!" tumawa na lang ako.

"Ang ganda mo kapag tumatawa ka ng ganyan. Bagay sayo. Kaya next time, huwag ka nang malungkot."

"Try natin..." ngiting sabi ko.

Pagdating namin sa SVT room, nadatnan namin yung iba. Hindi na nagagalit si Prince sakin sa tuwing pumupunta ako dito sa room nila na kasama yung mga kaibigan ko o di kaya si Lisa o di kaya si Marky.

"A-ano?!" nagulat ako sa sarili kong tanong.

Niyaya lang naman ako ni Marky na maging date niya mamayang gabi. Sa party ng mga Cortes.

"Uy, Jenny wag ka nang mahiya." pang-aasar pa ng ibang SVT.

"Ms. Kim, mag-oo ka na kay kuys" ngiting sabi pa ni Kayzer.

"Jenny, pumayag ka na."

"Oo nga ate Jen."

"Si Marky na lang kasi walang date dito, diba guys?" ngising tanong ni Jhon sa lahat.

"Oo! hahahaha!"

Sabi pa nila.

"Marky, papayag ka nun? Papayag kang mabasted sa anyaya mo?" birong tanong ni Prince sa kanya na ikinatahimik ko.

Hindi siya marunong magbiro.

"Jen, ano na? Please?" napatawa ako sa ginawa ni Marky.

He looks like a cute puppy na gustong kumain ng pagkain.

"HAHAHAH! nakakatawa ka talaga." kunwari akong tumawa kasi, ang awkward talaga.

"Ohh ba't ka natawa?Seryoso ako." diretsong sabi niya naman.

"A-Y-O--K-O..baka magalit si--"

"Ako, magagalit? Bakit, naman? Ano ba kita?" natahimik ako sa sinabi ni Prince.

Aba, aba, aba. Grabe ah. Paiba-iba talaga ang ugali niya. Eh hindi naman siya pinupunto ko kung hindi si Nathalie. Ayaw kong magalit siya sakin.

"Jenny, please?" pakiusap na naman ni Marky.

Wala na akong magawa kundi ang sumagot. "Ano ka ba, siyempre oo! Papayag ako basta ikaw. Kaibigan kita diba?" ngiting sabi ko sa kanya para maalis ang awkwardness sa mukha ko.

"Yehey!" pumalakpak sila na parang ewan.

"Paano na yan? Si Prince na lang ang wala." birong sabi pa ni Marky.

Akala ko ba, may date na.

"Naku, huwag kayong mag-alala kay Kuya. May mahihila naman 'yan eh! Diba, diba?" birong sabi rin ni Lisa sa kuya niya.

"Mabubuhay ako ng walang date o kasama." malamig na saad naman ni Prince.

"Wews! tama nga naman." ngiting sabi ni Marky.

Ayos lang na ako ang maging date ni Marky. Wala naman kasing malisya. Kaibigan niya ako at kaibigan ko rin siya.

SABAY-SABAY kaming lumabas ng building. Nasa gym na yung mga SHS yung JHS naman, nasa field na.

"Sige, dito lang kami" nagpaiwan si Lisa at Kayzer sa field dahil magsisimula na rin yung P.E nila.

Habang kami naman, nagpatuloy sa paglalakad papuntang gym.

Malaki at malawak ang gym at malawak rin ang labas nito. Medyo malayo sa field ng JHS.

Nagkanya-kanya na sila ng lakad. Tapos ako, sunod ng sunod kay Prince. Nakakainis. Bakit ba kasi ako pa assistant niya? Pero, ayos lang. Dahil sa loob ng dalawang buwan, nasanay na ako.

"Uy, invited ka ah. Mamaya sa party. Ayan yung invitation card." rinig kong sabi ni Sarah sa mga ka-grupo namin.

Pero, pinipili niya lang ang pagbibigay ng invitation card.

"Jenny!" lumapit sakin si Efrain.

"Invited ako sa party mamaya, pwede ba kita maging date?" ngiting tanong niya sakin.

"Sorry---" biglang may pumutol sa sasabihin ko.

"Hindi pwede." diretsong sabi ni Prince sa kanya.

"Ganun? Kita-kits na lang" ngumiti na lang ako sa sinabi ni Efrain.

"Wala ka talagang modo. Dapat baguhin mo na yang ugali mo" sabi ko sa kanya.

"Sino ka ba para sabihan ako ng ganyan? Kapatid ko lang ang kaibigan mo." diretsong sabi niya at naunang lumakad.

Hindi na ako sumunod. 'Yan talaga ang ugali niya.

Biglang lumapit si Sarah. "Hey, you. Kita kits sa party. Kung makakarating ka" ngiting sabi nito sakin na may halong pagka-sarkastiko.

Buntong hininga na lang ang ginawa ko.

Sa mga laro, kagaya ng pambabae hindi parin ako pinasali ni Prince kaya ayun, taga-bantay lang ako ng tubig. Buti na lang kasama ko si Trisha. Mabait naman pala siya.

"Jenny, pwede mo bang dalhan ako ng tubig?" utos sakin ni Sarah.

"Tatlo dalhin mo ah!" utos ng dalawang kambal.

"Jenny, ako na lang--"

"Ah ako na Trisha, bantayan mo na lang yang iba" ngiting sabi ko.

Kumuha ako ng tatlong mineral water at dinala yun papunta sa pwesto nina Sarah.

Naglalaban yung grupo namin at grupo nila Marky.

"Heto na-" dali-daling kinuha iyon ni Sarah at binuksan.

Kinuha rin ng dalawa yung sa kanila.

"Kawawa ka naman. Hindi ko nakikitang sumasali ka sa mga laro. Patunayan mo kaya na, hindi ka mahina." sarkistong sabi niya sakin.

Tumalikod lang ako at hinayaan sila. "Wahaha, umasa ka lang naman pala sa makukuha ng mga kasama mo! Duh! Nakakahiya, walang ambag!" sigaw niyang sabi sakin.

Pinagtawanan ako ng iba kong ka-grupo. "Walang ambag!" pagpatuloy pa nila sakin.

Napahinto ako at inayos ang sarili. Baka tama si Sarah. Umaasa lang ako sa makukuhang puntos ng mga kasama ko. Wala akong ambag ni isang puntos.

Lumapit ako kay Liam.

"Jenny, talaga bang sasali ka sa volleyball?" tanong niya sakin. Tumango ako.

"Oo, para may ambag ako."

"Hindi pwede. Bawal sa'yo na mapag--"

"Hayaan mo na. Sige na Liam, ilista mo na ako" pakiusap ko sa kanya.

"Baka pagalitan ako ni Prince neto"

"Sasabihan ko naman siya." sabi ko.

"Sige..." nilista na niya ang pangalan ko. "Okay na. Pwede ka nang maging sub"

"Thanks" lumapit ako sa mga ka-grupo kong maglalaro.

Patutunayan kong mali si Sarah sa sinabi niya.

"Sinong pwede diyan?" tanong ng babaeng kakalaro lang.

"Ako na" sabi ko at naglakad papunta sa area.

"Hoy, anong ginagawa mo? Ba't ka sumali?" mariing tanong ni Prince sakin.

"Isang laro lang" sabi ko.

"PRRIIIITTTT!"

Pagpito ni Mr. Vegas, nagsimula na ang laro.

Kasama ni Nathalie si Marky sa kabila.

Natumba si Nathalie sa pag-spike ko sa bola.

"Sorry!" sabi ko.

Tumayo siya na galit sakin.

Lamang na kami sa kanila. Sa wakas, nakapuntos na ako.

Laro lang kami ng laro. Medyo naninikip na ang dibdib ko pero hindi parin ako huminto. Malaki na ang lamang namin sa kanila.

Hanggang sa... "Jenny!" hindi ko natamaan yung bola sa kamay ko kaya ako nadapa.

"Aray..." mas lalo akong hindi makahinga ng maayos.

Dali-daling lumapit yung mga ka-grupo ko.
"Sinasabi ko na nga ba..."

"Jenny, ayos ka lang?" rinig kong tanong ni Marky sa kabila.

"Prince, humanap ka ng kapalit. Tuloy parin ang laro" utos ni Mr. Vegas sa kanya.

Nagulat na lang ako ng biglang lumapit si Prince sakin. "Halika nga.." binuhat niya ako na ikinagulat ng lahat.

"Omg!"

"Omyghaddd!"

"No!"

"Kumapit ka kung ayaw mong bitiwan kita." kumapit ako sa leeg niya habang karga niya ako. "Kayo munang dalawa." utos niya sa mga kasama naming maglalaro pa.

Nakatingin lang ako sa kanya habang karga niya ako. Pawis na pawis ang mukha niya. May pawis ring dumaloy sa matangos niyang ilong.

Hayss. Prince. Hindi dapat ako maging ganito. You're my enemy and I will never fall in love with you. Never.

"Stop staring." I saw him smirked.

I cleared my throat. "Ibaba mo na ako." naiilang kong sabi.

'Kainis. Naiilang na ako sa kanya...'

Dahan-dahan niya akong ibinaba. At agad namang napaupo ako sa upuan ng gym. Napahawak ako sa puso ko.

'Ba't parang nawala yung paninikip ng puso ko? Pati yung paghinga ko, naging maayos na...'

"Pumunta ka na dun---"

"Hindi na pwede. May naka sub na. Dito na lang ako." sabi niya pa at umupo sa tabi ko.

"Bakit mo ba naisipan na maglaro? I told you not to join any kinds of sports. May puntos ka naman kapag hindi ka maglalaro." alam kong nagpipigil lang siya ng galit.

"Alam ko. Gusto ko lang may patunayan-"

"You're crazy. Wala ka namang patutunayan sa sarili mo. Ah, siguro gusto mong maglaro para makita si Marky? Ganun ba?" tanong niya na parang nang-iinis.

"Kaibigan ko siya kaya magkikita kami. Eh ano naman kung maglalaro ako---"

"Bahala ka. Inaalala ko lang yung kapatid ko. Kapag namatay ka, sigurado akong malulungkot yun. At ayaw kong makita siya na malungkot." diretsong sabi niya.

Wow, straight to the point.

"Pakialam mo ba kung namatay ako? Tsk!" singhal ko.

"Bahala ka." sabi niya bago kumuha ng tubig at ininom iyon.

Napatingin ako sa paligid. Nakatingin samin yung ibang grupo. Na nakangiti. Buti na lang, ako lang ang nakapansin dahil kapag napansin sila ni Prince paniguradong, gulo na naman.

Habang tumatagal, naging ganito si Prince sakin pero... magkalaban parin kami.

"Oh!" inabot niya sakin yung tubig ng hindi nakatingin.

"Ininom mo na kaya yan." sabi ko.

"Iinumin mo o itatapon ko? Kita mo namang, ubos na ang tubig diba? Kaya inumin mo na." giit niya pa habang nakatingin sa malayo.

Kinuha ko. "Pag tumingin ka...." napahinto ako sa sasabihin dahil tumingin siya sakin.

"Ano?" nakataas kilay niyang tanong sakin.

"Ah, wala." dali-dali kong iniba ang tingin ko.

Gusto ko sanang magbiro sa kanya pero, parang hindi naman siya mabiro. Seryosong tao kasi. Ni hindi marunong ngumiti.

Damn.

'What kind of feelings is this? Sa tuwing lumalapit siya o kahit sa simpleng pagtabi lang.... kakaiba ang nararamdaman ko. Anong klaseng pakiramdam ito?!.'






You are reading the story above: TeenFic.Net