32: Pain

Background color
Font
Font size
Line height

CHAPTER 32

Pain


JENNY's POV

NATAHIMIK KAMI sa biglaan niyang sabi. 'Diko alam kung galit ba siya o ano.

"Sige, labas lang ako." diretsong sabi niya at nagmamadaling umalis.

'What happened to him? Pagkatapos niyang sabihin 'yun, bigla na lang siyang umalis?'

Nag tinginan si Lisa, Pauline, at Missy sa isa't isa.

"Uy si kuya may tinatagong concern pala kay ate Jen" agad kong sinuway si Lisa dahil sa sinabi niya.

"Sa hitsura niya kanina halatang naiinis pa nga kuya mo" giit ko.

Narinig kong napatawa ng marahan si Ms. Imperial. "Ladies and Marky, I think I need to go now. I forgot about our meeting today in Dean's office so, yeah... Maiwan ko na kayo dito. And for your safety Jenny, hahayaan ko na si Marky ang maghahatid sa iyo sa bahay ninyo. Cause' I know how much Marky cares for you..." natahimik ako sa sinabi ni Ms. Imperial and I saw Marky smiling at me.

"She's my friend Mom. And I want her to be okay." Marky replied.

"Well, that's good. You must take good care of her. So, bye. Ladies, goodbye" ngiting paalam niya sa aming lahat.

"Goodbye, Tita!"

"Goodbye po!"

Ang bait talaga ng Mommy ni Marky.

Missy cleared her throat. "Wow, Marky ang swerte naman ni Jenny sa'yo dahil naging kaibigan ka niya" sabi nito na may halong tawa.

"Well..." magsasalita na sana siya ng bigla kong inunahan.

"Marky, thank you talaga--" naputol ang sasabihin ko dahil bigla na lang nagu-ubo ubuhan ang tatlo na alam kong sinadya nila. "Sa inyo rin, salamat." ngiting sabi ko sa kanila.

They smiled widely. Ano na naman kaya nasa isip ng tatlong ito?

"Ate Jen, sa susunod na nandun ka sa bahay dapat kakain ka na ah? Atsaka wag mong pansinin si Kuya--"

"Lisa, panigurado akong hindi na 'yan mangyayari. Hindi naman sa ayaw ko pero, ayaw kong mag-away kayong magkapatid dahil sakin" mahinahong sabi ko.

"I understand ate Jen. I'm just hoping na, mababago ang isip ni Kuya..." ngiting sabi niya.

Tumango na lang ako bilang pagsang-ayon.

Habang nasa loob kami ng clinic, sinabi nila sa akin yung mga bawal at pwede kong gawin. Sinabi rin nila na araw-araw o tuwing Biyernes dapat ako pupunta sa doctor o di kaya dito na lang sa clinic para ma-obserbahan 'yung asthma ko.

Mula pagkabata, nasa akin na ang sakit na 'to. I don't know kung saan ko ito nakuha. Eh wala namang ganito sa family namin.

"Bye, Jenny!" paalam nina Missy at Pauline sa akin.

"Bye!" sabay silang umalis dahil, nasa labas na ang sundo nila.

Kasama ko si Marky ngayon at nasa harap pa kami ng gate palabas ng school. Hindi lang siya ang kasama ko dito kung hindi si Lisa rin na, hinintay ang kuya niya dahil kinuha pa ang sasakyan sa may parking lot ng school. Ang sasakyan naman ni Marky ay nasa harapan na ng gate.

"Ate Jen... Mag-ingat ka sa inyo ah. Baka pagalitan ka ng Mama mo" mahinahong sabi ni Lisa sa akin.

"Don't worry about me." tanging sinabi ko.

"Jenny... Magkapatid pala kayo ni Ms. Salvador noh?" tanong naman ni Marky.

I nodded. "Oo, magkapatid kami--"

"Pero bakit hindi kayo magkapareho ng--"

"Apelyido?" inunahan ko na siya. "Ganyan rin ang sabi ng iba. Pero, magkapatid talaga kami." ngiting sabi ko.

"Wow, ngayon ko lang nalaman. Nakikita ko kayo na magkausap pero, hindi magkasama at tila lagi kayong may pinag-awayan. May problema ba kayong magkapatid?" umiling ako sa tanong niya.

"Misunderstanding lang iyon. Ganu'n kami magkapatid eh pero--"

"Ate, your sister is like evil. Diba pinahiya ka niya sa harap ng mga kaibigan niya?" singit na tanong ni Lisa.

"Wala lang 'yun"

"Anong wala? Hayst!"

"Lisa..."

"Jenny, don't worry. Nandito lang ako para sa'yo okay?" natahimik na naman ako sa sinabi ni Marky.

'Bakit Marky, ba't ang bait mo sa akin?..'

"A-ah, salamat---"

*BEEP BEEP BEEP!*

"A-ano?"

Hindi narinig ni Marky ang sinabi ko dahil sa biglang pag-busina ng papalapit na kotse.

"Oh, si Kuya!" sumabay na kami kay Lisa palabas ng gate.

"Bro, mag-ingat kayo" walang ganang tumango lang si Prince sa sinabi ni Marky sa kanya.

'Wala talagang modo..'

"Bye, ate Jen and kuya Marky!" paalam ni Lisa sa'min.

"Bye!" paalam ko rin sa kanya.

"Geh, tol!" rinig kong sabi ni Prince kay Marky at nagpatuloy sa pagmaneho paalis.

Ni hindi man lang siya tumingin kay Marky.

Nang kami na lang ni Marky ang naiwan, I heard his long exhale. "Let's go?" ngiting sabi niya sa akin.

I nodded and smiled.

Buti na lang, wala nang students. Umuwi na lahat pagkatapos nung announcement ng teacher. Huwebes ngayon kaya may pasok pa bukas.

Nang nasa loob kami ng sasakyan, hindi ko maiwasan ang hindi magtanong sa kanya. Sa totoo lang nahihiya talaga akong magsimula ng usapan kapag si Marky ang kasama ko.

Well, susubukan ko lang....

I cleared my throat. "Ma-marky salamat ha" nauutal ko pang sabi.

I heard him chuckled softly. "Pang-ilang beses mo na bang sinabi 'yan? hshs." tawa niya, parang ahas. "Joke! haha. You know, ayos lang sa'kin na tutulungan kita. You're my friend. And always remember that, nasa tabi mo lang ako." ngiting pagpatuloy niya.

Nakaramdam ako ng medyo kilig at sobrang saya.

Ganito pala si Marky. Ngayon, dahan-dahan ko nang nakikilala ang ugali niya.

"Can I ask you?" nahihiya kong tanong.

'This is it self..'

"What is it?" diretsong sabi niya.

"Bakit ka nga ulit co-concern sakin?" medyo nauutal ko na namang tanong.

I suddenly shook my head. 'Nakakahiyang tanong...'

Narinig ko na naman ang pagtawa niya ng marahan.

"Wait, what's funny?" tanong ko na naman.

"Well, just nothing." tawang sabi niya pa.

"Okay lang kung ayaw mong sagutin" tipid kong sabi.

"Just like what I said, I'm concerned because your my friend. I don't want to see you in pain. I want you to be happy, and as your friend... trabaho kong pasayahin ka" sabi niya dahilan ng pagtahimik ko.

I suddenly felt a little pain inside my heart. 'Kaibigan lang ba talaga?..'

Kahit alam kong impossible na magustuhan niya ako, gusto ko parin malaman kung gusto niya ako kaya niya ginagawa sakin ito, kaya siya mabait sa akin.

This is my first heart break-a little bit break of my heart.

"Ohh bakit natahimik ka? May Problema ba?" tanong niya kaya agad akong ngumiti para hindi siya magtataka.

'Ang manhid mo naman. Dimo ba ako naramdaman?..'

Ganito talaga ang mga lalaki, hanggang pagpapakita lang ng motibo.

"Ahh eh, wala naman" pilit akong ngumiti sa kanya.

"Jen, kung may nararamdaman kang sakit, sabihin mo agad sa akin para matulungan kita at mapuntahan agad natin ang doctor.."

'Bakit, kaya mo bang pagalingin ang sugat dito sa puso ko? Hindi naman diba! At hindi rin malulunasan ng doctor ang sakit ng pagkabigo!..'

Pinipigilan ko lang ang sarili kong sabihin ang lahat ng nasa isip ko.

"Wag mong isipin yang sakit mo.. Isipin mo 'yung mga taong nasa paligid mo na nagmamahal sa'yo sila dapat ang maging inspirasyon mo para maging malakas lagi" ngiting sabi pa niya sa akin.

Sana nga Marky, sana hindi ko maisip itong sakit na nararamdaman ko.

I nodded weakly. Please Marky 'wag kang masyadong mabait sakin. Naguguluhan na ako.

It's just me. Ako lang ang nakaramdam. Kaya dapat, itigil ko na. Hanggang kaibigan lang ang turing niya sa akin. I just need to accept the fact that he only considers me as a friend. And nothing else - that's all.

Tumango-tango lang ako sa mga sinabi niya. Concerned nga siya sa'kin bilang KAIBIGAN.

Pagkatapos ng ilang minuto, ay nakarating na kami sa bahay. Si Marky palang ang nakakaalam kung saan ako nakatira bukod kina Missy at Pauline.

"Salamat sa paghatid" ngiting sabi ko sa kanya.

Siya ang nagbukas ng pintuan para makababa ako dahil nga ay, KAIBIGAN niya ako.

Makaka-move on din ako sa'yo, Marky. Don't worry dahil pagkabukas, kaibigan na ang turing ko sa'yo.

"You're always welcome, Jen." ngiting sabi niya pa.

"So, yeah dito ang bahay namin" sabi ko.

"It's big and beautiful. Oh, by the way tomorrow... kita kits na lang sa school ah. Always take your medicine and tandaan mo rin yung mga bawal para sa'yo. Okay?" tumango ako sa sinabi niya.

"Thank you sa pagpa-paalala! Hindi ko makakalimutan dahil sinabi mo" ngiting sabi ko.

"Sige, aalis na ako" sabi niya habang pumapasok sa loob ng kotse.

"Ingat!" sabi ko.

"Mag-ingat ka rin Jen" ngiting sabi niya pa bago umalis.

Naglakad na ako papasok ng bahay.

'Tomorrow is my first day as his friend. No feelings. No kilig.. Basta, as a friend na lahat...'

Napailing ako. Masyado talaga akong jeje mag-isip.

Napahinto ako dahil biglang humarang si Nathalie sa may pintuan.

"Si Marky ba 'yun?" taas kilay niyang tanong sa akin.

I nodded. "Yeah--"

"So, Bakit siya ang naghatid sa iyo?!" galit niyang tanong.

Pag tungkol kay Marky talaga, grabe si Nathalie.

"It's because---"

"Ah, siguro jowa mo siya!" galit na naman niyang sabi.

Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya 'yung tungkol sa nangyari sakin. Ayaw ko ring ipaalam pa kay Mommy at Daddy dahil ayaw kong dumagdag sa problema.

"Hindi ko siya boyfriend. Kaibigan ko lang siya." diretsong sabi ko.

"Wow, kung makapagsalita ka akala mo, malapit kayo? Hoy, kahit kailan... Hindi ka magugustuhan ni Marky---"

"Nathalie, hindi ko naman gusto na magustuhan ako ni Marky dahil magkaibigan lang kami." giit ko.

"Well, wait! Kakampi mo nga pala yung batang babae na kapatid pala ni Prince! Bakit hindi mo sinabi sa akin na kapatid niya pala ang leader ng SVT?! Tapos, pinahiya mo pa ako sa harap ni Ms. Imperial!"

"Teyka, ano ba yang sinasabi mo? Hindi kita pinahiya---"

"Nandun ka diba? Kaya napahiya na rin ako! Kahihiyan ka sa buhay ko, Jenny!" diretsong sabi niya pa.

Masakit. Sobrang sakit na ang sinabi niya pero, binalewala ko lang 'yon. Hindi ko dapat dibdibin ang sinabi niya dahil ayaw kong aatake ang asthma ko.

"Sorry kung napahiya ka dahil sa'kin. Trust me, kaibigan ko si Marky at kaibigan ko rin si Lisa" mahinahong sabi ko.

"Tsk! Nakapagtataka lang. Bakit malapit ka sa mga mayayamang tao? Imbes na dapat ka-level mo ang kinakaibigan mo, doon pa talaga sa mga mayayaman?! Pati ang mommy ni Marky, nadadala sa pagiging asong gala mo!" galit pa niyang sabi.

Jenny, huwag ka nang pumatol. Makakasama sa iyo.

"Okay na ba? Sige..." tinalikuran ko siya at nagpatuloy sa paglalakad.

Dahan-dahan akong naglakad paakyat ng hagdan at hindi namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko. Hinayaan ko lang 'yon. Mga sakit na salitang nanggaling mismo sa bibig ng kapatid ko. Kapatid ko siya kaya bakit niya ako napagsalitaan ng ganoon? Bakit parang may malaki akong kasalanan sa kanya.

Dinaramdam ko ang lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayong araw. 'Yung nasa clinic, nasa school, nasa kotse at pati narin itong nasa bahay.

Lahat ng mga nararamdaman kong sakit, dinaramdam ko kahit na hindi pwede. Sa pamamagitan na lamang ng pag-iyak ko lang mailabas.

Author's Note:

Hi everyone, this is your Ate Gema. And gusto ko lang sabihin sa inyo na... gusto ko pa pong dagdagan yung names na naisulat ko po para gamitin sa darating na story. Kaya sana, sa mga readers ko, kung nabasa niyo man ito... please, paki-comment na lang yung names niyo para masulat ko. Malay niyo, ang mga pangalan ninyo ang mapili ko upang maging bida sa gagawing story. Thank you in advance. !^^

➤THANK YOU FOR READING.
don't forget to
VOTE, FOLLOW AND COMMENT.
thank you gemanians.

-ate gema loves ya'll~


You are reading the story above: TeenFic.Net