31: Asthma

Background color
Font
Font size
Line height

CHAPTER 31

Asthma




PRINCE POV

"Lisa, sino naman ang isa ninyong kasama? Kanina pa siya nandiyan pero hindi mo pa naipakilala sa akin" medyo nabigla ako sa sinabi ni Tita kay Lisa.

Walang gana kong tiningnan si nerd.

'Grabe, sa dinarami-raming tao dito, bakit si nerd pa ang napansin niya? Well, sa bagay... kapansin-pansin naman talaga ang itsura pftt haha..'

Kilala ko ang Parent President ng Harvend. Kasi, bukod sa magkaibigan ang pamilya namin, ninang ko pa si Tita Stella.

May biglang pumasok sa isip ko.

'Oo nga pala, nandun si nerd kanina habang nagpe-perform kami...'

Tsk. Walang silbi ang mga mata niya kung hindi siya sa akin nakatingin.

Nabigla na lang ako sa aking nakita. Dahil si Tita Stella pa talaga ang lumapit kay nerd.

"Ang ganda mo hija..." nakangiting sabi nito kay nerd.

"S-salamat po.. kayo rin po ang ganda ninyo..." mahinahong sabi pa ni nerd sabay yuko.

Naging malumanay pa ang itsura niya. Tsk. Nagpapaawa ba s'ya?

Sa hitsura niyang 'yan, kaya niyang pa-amuin ang isang mabangis na leon.

Humanda ka nerd. Nang dahil sa'yo, kaya ngayon lang si Lisa nakarating... Saan mo na naman kaya dinala ang kapatid ko?

'May pa-clinic clinic pa kayong nalalaman..'

"Wait, hija..." hinawakan ni Tita yung ulo ni nerd. "Masama ba ang pakiramdam mo? You look pale and sick. May sakit ka ba?" nag-alalang tanong ni tita sa kanya sabay hawak sa kamay nito.

"Ang galing talaga mag-drama---"

"Prince naman." pagputol ni Jhon sa sinabi ko.

Tsk.

"Jenny, ayos ka lang ba?" nag-alalang tanong ni Marky habang papalapit ito kay nerd.

Tsk.

"Ayos lang ako.." mahinahong singhal naman ni nerd.

Nagpapa-awa lang 'yan.

Magsasalita na sana ako ng biglang nagsalita si Missy.

"Ang totoo po kasi niyan... kaya kami natagalan kasi dinala pa namin si Jenny sa clinic" nabigla sila sa sinabi nito.

Agad namang nagsalita si nerd. "Pero, wala naman po 'yun. Maayos naman po ako... Congrats po pala sa inyo---" hindi niya natapos ang sasabihin dahil bigla itong natumba.

"Jenny!" nasalo naman siya ni Marky kaya paniguradong masaya siya.

'Prince charming talaga ang dating ng kaibigan kong 'to..'

"Ate Jen!"

"Jenny, gumising ka"

"Jenny, huhuhu!"

Ang OA ng mga kaibigan niya. Pati si Lisa, nadadamay sa ka-OA-han nila.

"Dalhin natin siya sa clinic! Marky, Bilisan mo!" biglang nataranta si Tita Stella.

Nagulat ako sa pagkarga ni Marky kay nerd.

Naalala ko tuloy yung pagkarga ko kay nerd kagabi. Potek.

"Kawawa naman si Ate Jen... Kasalanan mo 'to kuya eh!" bigla akong pinalo ni Lisa sa kamay.

"Ano! Pa'no ko naging kasalanan?"

"Eh kasi, nagmamadali ka kanina sa bahay! Ayun tuloy, hindi siya nakakain!" galit na singhal nito bago nagmamadaling sumabay sa kanila.

'Eh ano naman? Bakit hindi na lang siya kumain sa canteen?... tsk bobo..'

"Lisa, let's go home!" sigaw ko sa kanya pero binalewala niya lang at nagpatuloy sa pagsunod sa kanila.

Napailing na lang ako. "Kainis na batang 'yun. Bwisit."

"Tol, tara samahan natin sila. Tayong dalawa na lang ang naiwan dito oh. Lahat sila, nag-alala kay Jenny." biglang nagsalita si Jhon na nasa tabi ko.

"Tsk. Bahala na nga." wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kanila.

Wala akong pakialam sa babaeng 'yun! Kay Lisa lang ako may paki. Ayaw ko pa namang iiyak ang kapatid ko nang dahil sa kanya.

Puro na lang kasalanan ko. Bwisit, palagi na lang ako ang mali.

Nang nakarating na kami sa school clinic, sinalubong agad ako nung nurse na nakakita sakin dito noon.

"Mr. Cortes, ngayon ko lang ulit kayo nakita dito---"

"Sorry, I don't time to---"

"Alam kong yung kararating lang na babae ang sadya niyo---"

"Nurse ka lang diba? Kaya please po, 'wag niyo na lang po akong kausapin kung 'tungkol sa babaeng 'yun ang pag-uusapan." pagputol ko sa sasabihin niya.

'Ayaw kong mainis na naman ako...'

"Tol naman... Pagpasensyahan niyo na po itong si Prince" ngiting sabi ni Jhon sa nurse.

"Sensya na" diretsong sabi ko bago naunang lumakad.

Rinig ko pang nag-uusap si Jhon at yung nurse.

Napailing na lang ako at naisipang bumalik.

'Hindi dapat nila malaman yung tungkol sa uniporme...'

"Jhon, tara na!" tawag ko sa kanya.

"Sige po.." rinig kong paalam nito sa nurse.

"Ano pinag-uusapan ninyo?" diretsong tanong ko sa kanya.

Umiling ito. "Wala. Humingi lang ako ng pasensya sa ginawa mo. Matagal na si Mrs. Appari dito kaya dapat igalang mo siya." mahinahong sabi nito sa akin.

Tumango ako. "Sa tingin mo ba, gusto kong gawin 'yun? Tsk. Tingin niyo na ba talaga sa'kin ay masama?" napatawa ako ng marahan. "Ganoon pala talaga. Kung inaakala ninyong mabago ang ugali ko, hindi 'yon mangyayari." sarkistong sabi ko.

"Hays. Alam mo, hindi mo mamalayan na kaya kang baguhin ng isang tao. Trust me, alam kong may nagbago na sa ugali mo." ngiting sabi pa nito bago naunang lumakad sakin.

"Aba'y...." napahinto ako sa paglalakad.

Kailangan ko na nga ba talagang maging mabuting tao? Tsk.

Nang nakarating na kami sa kinaroroonan ni nerd, nadatnan ko na lang na kinausap sila nung doctor.

"Sino po ang kamag-anak ng estudyante?" rinig kong tanong nito sa kanila habang papalapit ako.

"Well, wala po ang mommy niya. Pero, where here po. Mga kaibigan niya po kami" nadatnan kong tugon ni Lisa.

"Doc, nandito po kami kanina pero yung nurse po ang nag-asikaso sa'min. I mean, sa kaibigan namin." tugon naman ni Missy.

"Doc, what happened to her? Is she..." tanong ni Tita Stella.

"Ms. Imperial, don't worry nahimatay lang po siya dahil sa matinding gutom at pagod na rin po." mahinahong tugon ng doctor.

"Sinabi na rin po samin yan kanina. Pero---"

"Pero, hindi dapat mapagod ang bata at iwasan niya rin po ang pagtakbo. Dahil nakakasama iyon sa kanya."

"What do you mean, Doc?" agad na tanong ng mga kaibigan ni nerd.

"Nakitaan siya ng mga symptoms like, breathing faster, a fast heartbeat,
drowsiness, confusion, exhaustion or dizziness, and blue lips or fingers. And all of that symptoms are the signs of patient who have Asthma" sa pagkasabi ng doctor, natahimik ang lahat.

At oo, pati ako ay nagulat sa narinig.

"Asthma?" malungkot na tanong ni Tita Stella.

"Yes. Asthma is a disease that affects our lungs. It causes repeated episodes of wheezing, breathlessness, chest tightness, and nighttime or early morning coughing..." paliwanag ng doctor. "But, asthma can be controlled by taking medicine and avoiding the triggers that can cause an attack" pagpatuloy pa nito.

"Bakit, hindi namin alam 'yan? Masigla po si Jenny!" diretsong sabi ni Pauline.

"Basta, mako-control lang ito kung regular ang pagpunta niya sa doctor. At dahil student siya ng Harvend, sabihin niyo sa kanya na pwede siyang magpunta sa office ko araw-araw. And, here..." kinuha ni Missy yung binigay ng Doctor. "Lahat 'yan ay mga gamot na kailangan niyang inumin. May inhaler din tayo para sa kanya. At pakisabi narin sa mga magulang niya na, kailangan ko sila makausap." mahinahong sabi pa ng doctor.

"Sige Doc, salamat po"

"Maiwan ko muna kayo dito. Don't worry, magigising rin siya..." ngiting sabi ng doctor bago umalis.

Napatingin ako kay Marky na ngayon ay, parang namatayan. De-jok. Malungkot lang talaga ang mukha niya.

"Bakit kaya hindi sinabi ni ate Jen? Bakit ate Missy, bakit hindi niya nasabi sa inyo?" tanong ni Lisa sa mga kaibigan niya.

"Masigla naman siya. Hindi namin maisip na may asthma siya. Kasi, ang saya niya lagi. Nasasaktan, umiiyak at naging malungkot lang siya kapag may mga narinig siyang masasakit na salita." sa pagkasabi ni Pauline, bigla kong na-kagatan ang dila ko.

'Tang*na. Ang sakit..'

"Siguro, hindi niya sinabi para hindi tayo mag-alala. Mas inuna niya pang isipin ang mga taong na sa paligid niya kaysa sa sarili niya. Sumobra na ang kabaitan niya. Pati siya, nasasaktan na..." mahinahong sabi naman ni Missy.

"Don't worry girls. Kita ko sa mukha ng dalagang ito na, malakas siya. Basta tandaan niyo lang ang sinabi ng doctor." mahinahong sabi ni tita sa kanila.

"Jenny, magiging maayos ka rin.. Tutulungan kita para mawala ang asthma mo.." diretsong sabi ni Marky.

"Marky, magkatulad kami ng batang 'to. May asthma rin ako diba?. Pero, hindi nawala. Kaya may mga gamot para ma-control niya ito. Hindi siya gagaling pero kaya niyang kontrolin iyon. Lalo na't matutulungan siya ng school. Dahil dito siya nag-aaral, hindi natin siya pababayaan." mahinahong sabi ni Tita Stella. "Ladies, may number ba kayo ng parents niya?" tanong nito kina Missy.

"Wala po eh. Hindi po namin alam. Pero Tita, may kapatid po siya kaya lang... parang umalis na eh." diretsong sabi ni Lisa.

"Kapatid? Nag-aral dito? At sino naman?" tanong ni Marky.

"Kuya Marky, yung babae po kanina na umalis kasama sina Annie at Anna. Witch sister ni ate Jen 'yon.." diretsong sabi ni Lisa.

'Magkapatid pala sila ng Salvador na 'yon..'

"Kung kapatid niya si Jenny... bakit niya... Hayst!" napasinghap si Marky na tila may iniisip.

"Tol, labas lang muna ako.. Sasamahan ko muna yung iba sa labas." paalam ni Jhon.

Tumango ako.

Nasa labas ng kwartong ito ang ibang SVT.

Bigla akong napatingin kay nerd na nakahiga sa kama.

'Papaano mo na ako lalabanan kung mahina pala katawan mo... Bobo ka ba?..'

"Ate Jen!" kita kong dahan-dahan niyang minulat ang kanyang mga mata.

"B-bakit tayo nandito? Bakit ulit tayo nandito?" dali-dali niyang tanong.

"Ate..." niyakap siya ni Lisa at pati narin yung iba niyang kaibigan, niyakap siya.

"Bakit? Anong nangyari sakin?" tanong niya pa.

"Nahimatay ka kanina---"

"Ano? Hindi. Diba okay lang naman ako sabi ng nurse kanina? Bakit nandito ulit ako? Bakit?!" tanong pa nito.

Magsasalita na sana ako pero diko magawa.

"Jenny.." nilapitan siya ni Marky. "Here. Ito ang mga gamot na dapat mong inumin---"

"Anong gagawin ko diyan?"

"Ate... bakit hindi mo sinabi samin na may asthma ka?" mahinahong tanong ni Lisa sa kanya na ikinatahimik nito.

"Jenny, maging matatag ka---"

"Hindi. Hindi dapat. Marami akong iniisip bakit sumali pa ang asthma! Arghhh!" sumigaw ito at sabay na umiyak.

"Ate Jen, stop crying" rinig ko ang malungkot na boses ng kapatid ko bago niya niyakap si nerd.

"Pagpasensyahan niyo na ako ah? Nang dahil sakin kaya kayo nandito ngayon. Nalaman niyo pa 'yung sikreto ko---"

"Jenny, don't say that. Nandito kami dahil kaibigan mo kami"

'Kainis. Ang daming drama ng magkakaibigan na 'to...'

"Hija, naging ganyan rin ako noon. Pero, 'wag kang magpadala sa lungkot. Mako-control mo ang asthma na 'yan." mahinahong sabi ni Tita Stella sa kanya.

Busy si tita ngayon pero nagawa niya paring mag-stay dito. Ang alam ko kasi, may meeting siya kasama ang Dean ng school.

Ang bait talaga ni tita sa mga tao.

"Alam ko po. Hindi na ako inatake nito noon pero, diko alam kung bakit ito bumalik..." malungkot pang tugon ni nerd.

"Alam na ba ito ng mga magulang mo?"

"Ang alam lang po nila, wala na akong asthma. Pero ngayon, hindi nila alam na bumalik ito. At ayaw ko ring ipaalam sa kanila. Ayaw ko na mag-alala sila. Lalo na si Dad..." malungkot parin nitong tugon.

"Ate Jen, yung mommy mo ang sama ng ugali kaya I'm sure hindi ka nagmana sa kanya. Yung dad mo ate, nasaan siya?" mahinahong tanong ni Lisa sa kanya.

'Takteng bata. Ang daming tanong...'

"Nasa ibang bansa siya. Ang layo niya sa'kin kaya hindi ko siya masasabihan---"

"Tsk! Dapat nga ikaw ang inu-una nila eh! Bakit!? Wala ba silang paki sa'yo!?.. Dapat mag-alala sila! Lalo na't bumalik yang asthma mo." diko na napigilan ang magsalita.

Natahimik sila sa sinabi ko. At pati narin ako, natahimik. Tang*na talaga.

I cleared my throat. "Sige, labas lang ako." diretsong sabi ko bago umalis.

'Ano ba 'yan, Prince! Ano bang pakielam mo sa kanya?! Sino ba siya para maging concern ka?... Huwag kang papayag na, mababago ka ng nerd na 'yun...'


THANK YOU FOR READING.
don't forget to
VOTE, FOLLOW AND COMMENT.
thank you gemanians.

-ate gema loves ya'll~


You are reading the story above: TeenFic.Net