30: Stella Imperial

Background color
Font
Font size
Line height

CHAPTER 30

Stella Imperial




MARKY's POV

Pagdating namin, nadat-nan na lang namin ang malakas na palakpakan ng mga tao sa aming bagong Parent President. Walang iba kung hindi si Mama.

"Maraming salamat, Miss Imperial sa iyong magandang speech para sa lahat ng mga kabataan at sa mga magulang. Tunay ka ngang, idolo ng lahat." ngiting sabi sa kanya ng emcee.

"Ang galing talaga ni Tita" ngiting sabi ni Prince na nasa tabi ko sabay pumalakpak.

Pumalakpak na rin ako.

Sinalubong ko si Mama pababa ng hagdan.

"Congrats, Mom" ngiting sabi ko sa kanya.

"Salamat, anak."

"Congrats Stella" salubong ring sabi ni Tita Dahlia sa kanya.

"Thank you" ngiting tugon ni Mama sabay yakap kay Tita.

"Congrats po Tita" ngiting sabi rin ng buong SVT sa kanya.

Napatawa ng marahan si Mama. "Ang galing parin ng SVT ngayon. Good job Prince. Naging mabuting leader ka sa kanila" ngiting sabi nito kay Prince.

"Naku, sila lang po 'yung naging mabuti" marahang sabi ni Prince.

Napatawa na rin ang ibang SVT dahil sa sinabi niya.

"Marky, ang gwapo mo naman ngayon" napangiti ako sa sinabi ni Mama sa'kin.

"Tita, ganyan 'yan kasi may bago nang kaibigan" sabi ni Lance sabay ngisi.

"Kaibigan ba o, kaiBIGAN? hahaha!" biro pa nila.

"Wow, sino naman? Pwede ko bang makilala?"

Magsasalita na sana ako ng biglang nagsalita si Tita Dahlia.

"Stella, hindi na kita masasamahang puntahan si Dean kasi, may kailangan muna kaming aasikasuhin ni Carlo." napatingin ako kay Prince na ngayon ay naiinis na.

"Oh, it's okay. I understand. But, how about si Lisa? Diba nandito na siya? Nasaan na ang kapatid mo, Prince?" tanong ni Mama kay Prince.

"Papunta na rin 'yun dito Tita." walang ganang sabi niya. "Buti pa kayo, concerned... 'di katulad ng iba diyan." pagpatuloy pa nito bago umalis.

"Dahlia, kakausapin ko muna si Prince" paalam ni Tito Carlo kay Tita bago sinundan si Prince.

"Hayst. Sakit talaga sa ulo ang batang 'yun." iritadong sabi ni Tita Dahlia kay Mama.

"Ganyan talaga. Teenagers eh" rinig kong sabi naman ni Mama.

"Oh Stella, congratulations!" biglang dumating ang mga parents ng SVT.

"Congrats, Stella" bati ng mga magulang ni Lance.

"Thank you, Paul, Kyline"

"Congrats, Stella" bati rin ng mga magulang ni Jack.

"Thank you, Kiara, Moshi"

"Congrats, talaga" bati rin ng mga magulang ni Jhon.

"Thank you, Loyd, Laiza"

"Congratulations and goodluck for being a Parent President" bati ni Tita Lia at Tita Lieny.

Ang mga ina ni Kayzer at Liam.

"Salamat talaga sa inyo. Hindi ako magiging parent president kung hindi dahil sa mga boto ninyo" ngiting sabi ni Mama sa kanila.

Makikinig pa sana ako ng bigla akong hinila nina Jhon.

"Tol, sa tingin mo ano kayang pinagusapan nila Prince?" tanong ni Jhon sa amin.

"Baka, malaman na ni Tito 'yung ginagawa natin dito sa school" natarantang sabi naman ni Kayzer.

"Lagot si Prince kapag nalaman ni Tito na, bully ang leader natin hshs." napailing naman si Liam sa sinabi niya.

"Guys, paano naman sa mga parents natin? Baka malaman nila... naku, hindi pa ako ready" singhal ni Jack.

"Kayo talaga. Kung ano-ano na lang ang naiisip ninyo" sabi ko.

"Hi, po!" napabaling ang atensyon namin sa mga dumating.

'Akala ko si Jenny...'

"Congratulations, Ms. Imperial!"

Teyka, she looks familiar... wait oo. Siya nga 'yun. Si Ms. Salvador.

"Oh, hi---"

"I'm Nathalie!" walang pag-alinlangan nitong sabi kay Mama.

"Oh, Nathalie nice name" rinig kong papuri ni Mama sa kanya.

"Thank you. Alam niyo po ba? Idol na idol ko po kayo...." hindi ko na narinig ang ibang sinabi ni Ms. Salvador kay Mama.

Siya 'yung babaeng lagi akong nilalapitan. At saka, siya rin 'yung babaeng nakikita kong kausap ni Jenny. Pero, lagi siyang galit kay Jenny. Kaano-ano niya ba si Jenny?

"Oh, Prince anong nangyari?" tanong ko kay Prince habang papalapit sa'min. Kasunod niya si Tito Carlo.

"Wala naman. Nag-usap lang." sabi niya sakin.

"Boys, kumusta naman kayo dito?" tanong ni Tito Carlo saming lahat.

"Kagaya parin nung dati haha" tugon naman ni Liam sa kanya.

"Siguro, may mga girlfriend na kayong lahat" marahang sabi pa ni Tito sa'min.

"Hindi po lahat" tawang tugon naman ni Kayzer.

"Carlo, let's go! We need to go now." lumapit si Tita Dahlia kay Tito.

"Sige, aalis na tayo---"

"And you?" tanong ni Tita kay Prince na naka taas ang kilay.

Si Prince naman, walang imik.

"Prince! Diba, nag-usap na tayo kagabi? Can you please be---"

"Pwede ba, mamaya na kami uuwi ni lisa. Mauna na kayo tutal palagi naman kayong busy." pagputol niya kay Tita.

"How dare you to act like that! Ganyan ba ang natutunan mo dito sa Harvend? My gosh, you're so---"

"What Mom? Pagsasabihan niyo ako sa harap ng mga kaibigan ko at ipahiya? Haha!" napatawa ito. "Then, do it! Ipahiya niyo ako. Dahil hindi naman pangalan ko ang masisira kung hindi---"

"Prince, tama na 'yan" hinila ni Tito Carlo si Tita. "Let's go Dahlia. Si Prince na ang bahala kay Lisa" mahinahong sabi nito kay Tita atsaka umalis.

Bakas sa mukha ni Tita Dahlia ang pagka-inis kay Prince.

Napatingin ako kay Prince.

"Prince, napasobra ka yata" mahinahong sabi ko sa kanya.

"Totoo naman talaga. Puro na lang siya busy. Lagi naman ah. Sana talaga, hindi na lang sila bumalik. Sana, si Lisa na lang 'yung bumalik." giit nito.

Bakas sa boses niya ang inis at galit.

Di ko siya masisisi kasi totoo naman talaga. Kaya siya nagkaganyan dahil lang din sa mga magulang niya.

Parang kapatid ko na rin si Prince kaya, masakit sakin na makita siyang ganito.

Lumapit na rin si Mama kay Prince.

"Prince, narinig ko 'yung sinabi mo sa Mom mo. You know what? Mahal ka ng mga magulang mo. 'Yung ginagawa nila ay para sa future ninyong dalawa ng kapatid mo. So, please intindihin mo na lang sila" mahinahong sabi ni Mama sa kanya.

"Pero, Tita. Wala na silang oras para samin. Ayos lang kung sakin sila mawalan ng oras, pero kay Lisa? Ayaw ko naman na, maramdaman rin ni Lisa ang nararamdaman ko. At bilang Kuya niya, may karapatan akong gawin kung ano ang magpapasaya sa kapatid ko. Tsk. Hindi man lang nila hinintay si Lisa. Wala talaga silang pakialam." diretsong sabi ni Prince bago niya ginulo ang kanyang buhok.

"Naintindihan kita, Prince. Alam mo ba, noong mga bata pa kami ng Mom mo, lagi naming sinasabi na kapag may sarili na kaming pamilya sisiguraduhin naming hindi mararanasan ng mga anak namin ang hirap na dinanas namin noon. Kaya sana, maintindihan mo sila. Don't worry, sasabihan ko si Dahlia na bigyan kayo ng oras ni Lisa..." ngiting sabi ni Mama sa kanya.

"Hindi na po kailangan. Hindi niyo naman kailangang sabihan siya. Pero, salamat po. Napakaswerte talaga ni Marky dahil kayo ang naging Mama niya" ngiting sabi ni Prince sabay akbay sa'kin.

Napangiti na lang din ako. "Naku, sinabi mo pa." sabi ko.

Apelyido niya ang dinala ko dahil, wala siyang asawa noong inampon niya ako kaya ako naging Imperial.

'Kahit hindi niya man ako tunay na anak, itinuring niya akong anak at parte ng buhay niya..'

Naalala ko na naman 'yung araw na nangako ako sa kanya na, hahanapin ko ang nag-iisa niyang anak. Sampung taon na ako noon kaya, nasa ala-ala ko 'yun hanggang ngayon.

[FLASHBACK]

Sa kalagitnaan ng gabi may narinig akong humahagulgol sa loob ng kwarto nang binuksan ko iyon, nakita ko si Mama.

"Mommy are you okay?" takang tanong ko sa kanya. Agad naman niyang pinunasan ang luha niya para hindi ko makita.

Suminghot pa siya bago nakapagsalita. "Hmm anak, okay lang si Mommy.. Kaya 'wag kang mag-aalala okay?" pilit na ngiti niyang sabi sakin.

Alam kong, hindi siya okay.

Mas lumapit pa ako sa kanya. "Mommy, lagi lang po akong nandito sa tabi niyo, hinding-hindi ko po kayo iiwan..." at agad ko siyang niyakap.

"Anak sana 'yung kapatid mo ay nasa mabuting kalagayan" lungkot na sabi niya.

Lagi siyang ganito. Tuwing gabi.

"Mommy, pinapangako ko sa inyo... hahanapin ko siya. Hinding-hindi ako titigil hangga't hindi siya nakikita. Para po sa inyo, gagawin ko..." sabi ko at niyakap ulit siya.

Hinayaan ko lang siyang umiyak habang yakap ako.

[END OF FLASHBACK]

8 years na ang nakalipas ay pero, wala parin kaming balita sa anak ni Mama. Walang araw na hindi siya iniiyakan ni mama. Naawa na ako kay mama. Dahil sa kabila ng mga nakamtam niya, hindi parin siya naging masaya sa likod ng mga tao. Dahil, hanggang ngayon ang anak parin niya ang ina-alala niya.

'Nasaan ka na ba kasi, Scarlet...'

"Marky, are you okay? What's on your mind? You look---"

"Nothing Mom. I'm okay" agad kong sabi sa kanya nang nakangiti.

Ayaw ko siyang mag-alala.

"Sige, puntahan ko lang 'yung mga kaibigan ko, okay?" tumango ako sa paalam niya.

Nang umalis si Mama, bigla na lang lumapit sakin si Ms. Salvador.

"Hmm. Marky, pwede ba kitang makausap?" tanong na naman ni Ms. Salvador sa akin.

Kanina pa siya sunod nang sunod sa amin. Kasama yung mga kaibigan niyang anak ng kaibigan ni Mama. Ngayong nasa canteen na kami ng school, nakasunod parin siya.

"Nagkausap na tayo." giit ko.

'Hays, nasaan na ba ang SVT...'

"Uyy, alam mo ang ganda ng Mommy mo! Siguro, sa kanya ka nag mana! Grabe ang yaman-yaman pa! Idol ko talaga siya---"

"Hey, wait. What is your problem? Kanina ka pa sunod ng sunod sa amin. Nakapagtataka lang. Oo, wala akong karapatang sabihan ka ng ganito pero Ms. Salvador, tumigil ka na---"

Bigla siyang tumawa kaya napatigil ako.

"Ang funny mo! Mas lalo kang gumwapo sa sinabi mo ah!" sabay palakpak pa.

Napailing na lang ako.

"Yo, naks ah!" dumating ang SVT kaya nakita nila kami na nag-uusap.

"Good yan, Marky" biro pang sabi ni Jhon.

"Tol, mukhang may importante kayong pinag-uusapan pftt. Sige, du'n lang kami sa kabilang mesa." bulong na sabi sakin ni Prince habang nakangisi.

"Akala ng mga kaibigan mo, mag-jowa tayo haha ang cuteee!" bigla na lang itong kinilig.

Hindi ako nagsalita. Baka kung ano pa ang masabi ko sa kanya. Hindi ko pa naman hilig manakit.

"Titaaa! Congrats po!" biglang may pumukaw sa atensyon ko.

Napangiti na lang ako dahil sa wakas, nandito na sila.

Biglang nagsalita si Ms. Salvador. "Si, Jenny and what? Kasama niya ang batang 'yun?!...." rinig kong singhal nito pero wala akong pakialam.

Dali-dali akong tumayo at pumunta kina Mama. Sumabay na rin sa akin ang SVT.

"Lisa, ang ganda mo ah" nadat-nan kong pag-puri nila kay Lisa.

"Thank you sa inyo mga Tita at Tito!"

"Ang bata-bata mo pa noon pero ngayon, dalagang-dalaga ka na!"

"By the way po, where's Mom and Dad? Bakit wala sila?" takang tanong ni Lisa.

"Saan ka ba kasi galing? Ha?" mariing tanong ni Prince sa kanya.

"Well, pumunta lang kami sa clinic dahil---"

"So what? Bakit naman kayo pumunta sa clinic?" tanong pa ulit ni Prince.

"Ka-kasi..."

Ako na ang sumagot sa tanong ni Lisa. Dahil alam kong, pagagalitan lang siya ng kuya niya.

"Lisa, nauna na si Tita Dahlia at Tito kasi, may aasikasuhin pa sila. Ang sabi nila, sumabay ka na raw sa kuya mo" ngiting sabi ko sa kanya.

Dahan-dahan naman itong tumango.

"Well, hmm. Congratulations po!" sabay'ng sabi nina Pauline at Missy.

"Congrats po" huling sabi ni Jenny sabay yumuko.

"Thank you, ladies" ngiting sabi ni Mama sa kanila.

"Missy, kumusta naman kayo ni Jack?" biglang natahimik si Missy dahil sa tanong ni tita Kiara sa kanya.

"Uhm, Tita maayos naman na po" nahiyang tugon naman ni Missy.

"Mom, masyado kayong palatanong" napatawa kami sa sinabi ni Jack. "Huwag nga kayong tumawa diyan." suway niya sa amin.

Pati ang mga magulang nila, napatawa na rin.

"Oh, by the way... Stella mauna na kami sa iyo. May meeting kami ng pasyenteng may cancer so, that's why kailangan naming umalis ngayon" paalam nila kay Mama.

"Mom, Dad, dito muna ako---"

"Sige, ikaw bahala. By the way, Missy. Paki-kamusta na lang ako sa mga magulang mo" mahinahong sabi ni Tito kay Missy.

"Sige po"

Napatingin ako kay Jenny na nasa may likuran ni Missy.

Teyka, anong nangyari? Bakit parang hindi maganda ang kalagayan niya.

Kasi, kanina pa siya nakayuko ni hindi man lang niya itinaas ang mukha niya.

'Anong nangyari? Nahihiya ba siya?...'

"Aalis na rin kami Stella..." rinig kong paalam ng ibang magulang.

"Kuya, ang galing niyo kanina ah! Grabe, ang hataw ninyo tapos ang ganda parin ng mga boses ninyo!" tuwang sabi ni Lisa kay Prince.

"Galit parin ako sa'yo." giit ni Prince sa kanya.

Dahan-dahang lumapit si Ms. Salvador kina Mama. "Excuse me po, aalis na po kami..." mahinahong paalam nito.

"N-nathalie?" rinig kong malumanay na tanong ni Jenny sa kanya.

"Oh, hi. Sige po, aalis na po kami---"

Biglang humarang si Lisa sa daanan nila. "At saan naman kayo pupunta? Oh, by the way...I'm Lisa Cortes nga pala.. Para naman alam ninyo diba? At ngayong alam niyo na, boom! HAHAHAH!" biglang napatawa si Lisa sa sinabi niya.

Napatingin ako kina Ms. Salvador na, natahimik. Kita ko sa mukha niya na hindi niya nagustuhan ang sinabi ni Lisa.

"Bye!" padabog namang umalis si Ms. Salvador.

"Bye po" paalam ng dalawang kambal.

Kaibigan ni Tita Dahlia ang mga Khan kaya, kilala rin ni Mama sina Annie at Annna.

"Napaka-plastik talaga." rinig kong singhal ni Lisa.

"Lisa, may sinabi ka?" tanong ni Prince sa kanya.

"Ah, wala naman kuya." pagkukunwari nito.

Hays. Si Lisa talaga.

"Lisa, sino naman ang isa ninyong kasama? Kanina pa siya nandiyan pero hindi mo pa naipakilala sa akin" napatingin ako kay Jenny na siyang tinutukoy ni Mama.

Dahan-dahan itong nag-angat ng tingin at ngumiti.

'Ang ganda ng ngiti niya...'

Nagulat ako dahil si Mama na mismo ang lumapit kay Jenny. "Ang ganda mo Hija..." ngiting sabi naman ni Mama sa kanya.

Ngayon ko lang narinig kay Mama ang salitang 'yan sa babaeng nakakasalamuha niya.

At ngayon ko lang din napansin na, wait... Magkapareho sila ng labi atsaka, kilay?

'Wow, talaga bang si Jenny na talaga ang babaeng ipapakilala ko kay Mama?...'

______________________

this story is dedicated to my bestfriend na laging inaabangan ang ILYH. thank you so much micalandas!^^


You are reading the story above: TeenFic.Net