26: House of Cortes

Background color
Font
Font size
Line height

CHAPTER 26

House of Cortes

PRINCE POV


"Napakabigat naman ng babaeng toh!" napa-buntong-hininga ako pagkatapos ko siyang inilagay sa kama.

'Sana talaga iniwan ko na lang siya sa daan kanina. Unang beses kong ginawa na may binuhat akong babae. At... siya pa talaga?'

Naka-tagilid siya. Tsk. Wala akong balak na ayusin ang paghiga niya. Ano siya, sinuwerte?

Aalis na sana ako ng bigla ko na lang naalala yung sinabi ni Lisa.

"Tang*na. Bakit kailangan ko pang gawin ito?!"

Tinulak ko siya papunta sa kabila para lang maging tuwid ang pagtulog niya. Naglakad ako papunta sa may paanan niya.

'Yung sapatos niya, argh!'

Aalisin ko na sana yung sapatos niya nang biglang....

"Mm-hmm!"

"What the fvck!"

'Nasipa niya yung alaga ko. P*ta ang sakit!.'

"Ikaw talagang babae ka!---"

Dahil sa galit, nilapitan ko siya. Pero 'di ko alam kung bakit ako napahinto.

Nakatitig ako sa mga mata niyang tulog.

Ang ganda niya pala sa malapitan?

Dali-dali akong umiling sa aking inisip.

'What!?. No way. Hindi siya maganda.'

"Malaki na kasalanan mo sa akin nerd. Palilipasin ko muna 'yon ngayong gabi. Pero bukas paggising mo, makikita mo talaga." mariing bulong ko sa kanya na sana ay narinig niya.

Binalaan ko na siya. Wala akong pakialam kung hindi niya marinig.

Aalis na sana ako nang bigla ulit akong napahinto dahil may napansin lang naman ako.

Napaka-inosente ng mukha niya well, kapag tulog. Ano kayang nakita ni Marky sa kanya? Bakit gusto ni Marky na maging kaibigan niya si nerd?

"Hoy. Dimo ba alam? Ako ang nagbuhat sa'yo papunta dito habang tulog ka. At alam mo ba? Ako ang dahilan kung bakit ka may naisuot ngayon. Dahil binili ko lang naman 'tong uniporme na suot mo. Pero, maliit na pera lang naman ang nagastos kaya lang, may kapalit din ang lahat. Malalaman mo ang kapalit pag nagalit ako sa iyo ng sobra..." mariin ngunit mahinang bulong ko sa mukha niya.

Tsk. Akala mo ah! Alam ko naman hindi mo maririnig lahat ng sinabi ko.

"Kuya anong gagawin mo kay ate Jen!?" sigaw ni Lisa mula sa labas ang narinig ko.

Dali-dali akong tumayo at inayos ang sarili. "Hmm! Pwede ba, wala akong gagawin diyan sa kaibigan mo!. At isa pa gusto ko sana siya sakalin eh, kaso dumating ka!" sarkistong sabi ko sa kanya.

"Sus! Nagpapalusot pa---"

"Kakaiba ka rin mag-isip noh? Hoy, Lisa. Hindi ko pag-nanasahan ang may lahing katulad niya---"

"May sinabi ba akong---"

"Parang ganoon na rin kasi." singhal ko na ikinatawa niya naman.

I heard her chuckled. "Fine, fine."

"Wala akong pakialam sa iisipin mo. Kanina ka pa ba sa labas?"

"Hindi. Bago lang ako. Nakita na lang kita na nakatayo sa may---"

"Sasakalin ko nga diba kaya lang naisip ko yung sinabi mo" palusot ko.

'Oo nga noh? Bakit hindi ko na lang siya sinakal? Well, masyadong madali naman kapag ganoon..'

"Ewan ko sa'yo, Kuya!.... By the way, Yaya pasok ka na po!" tawag niya sa labas. "Mabuti na lang, dumating agad si yaya sa labas kanina.."

"Ma'am..."

"Yaya, ikaw na muna bahala sa bisita ko. Basta huwag niyo po ipaalam kay Daddy especially kay Mom na may bisita" pakiusap niya sa katulong.

"Wala pong problema, ma'am.." mahinahong tugon naman ni Yaya.

"Basta Yaya, bihisan niyo po siya. May mga damit naman ako diyan kayo na po ang bahala---"

"Wait... bi-bihisan niyo ang babaeng 'yan habang tulog? pfttt!" diko mapigilang hindi matawa.

"Wala ka na dun Kuya. Hindi naman ikaw ang gagawa kundi si Yaya."

Natahimik ako. 'Bakit ba ako natahimik?'

"Sige ma'am, ako na po bahala sa magandang dalaga na 'to." ngiting sabi naman ni Yaya.

Maganda? Maganda ba yang si nerd? Eh, di naman ah..

"Kuya..." lumapit si Lisa sa akin. "Magbihis ka na raw kuya. Si Mom and Dad nasa dining, hinihintay yata tayo. And, Kuya about nga pala dito..." may bigla siyang kinuha sa bag niya at nagulat din ako sa nakita.

Pa'no niya nakuha ang cellphone na 'yan?!.

"Saan mo nakuha---"

"Well, ito yung gusto kong sabihin sa'yo kanina habang nasa biyahe. Kuya, nakita ko ito sa loob ng kotse mo. And it looks like new kaya, siguro sa akin ito noh?" ngiting tanong niya sa akin.

"Itinapon ko na 'yan bakit mo pa kinuha---"

"Well, sorry ka na lang dahil tinapon mo ito sa loob ng sasakyan mo. But wait, bakit kailangan mo itong itapon eh mukha pa namang bago---"

"Oo na. Sa'yo talaga yan." diretsong sabi ko.

'Alangan namang sasabihin ko na, "Kay nerd yan. Kailangan ko kasing bayaran 'yung cellphone niya na sinira ko..." Hayst!..'

"Wow! Really?! Sakin ito?" hindi makapaniwalang tanong niya sakin.

Walang gana akong tumango. "Oo. Sayo yan. Nagustuhan mo ba?" ngiting tanong ko sa kanya.

Tumango naman siya. "Oo, gustong-gusto. Thank you Kuya!" niyakap niya ako.

I hugged her back. "Geh na, alis na ako. Magbihis ka na rin para makakain ka na." sabi ko.

"Sige Kuya!" tumalon-talon siya papunta sa closet room niya.

"Yaya!" napahinto si Yaya sa ginagawa dahil sa sigaw ko.

"A-ano po 'yun sir?"

"Pwede bang, aalis muna ako dito bago niyo hubarin ang suot niya?" diretsong tanong ko bago umalis.

"Huh?" rinig ko ang tanong ni Yaya habang paalis na ako.

Tang*na. Sana pala hindi na lang ako nagtanong. Wala din namang kwenta ang tanong na 'yon. Nakakahiya tuloy.











JENNY's POV

Ang dilim ng buong paligid. Isang iyak ng babae ang narinig ko at nakita ko ito. Nakatalikod ito sa akin kaya hindi ko makita ang mukha niya.

"Anakkkkkkkk!" bigla siyang sumigaw na tila may tinawag.

Lalapitan ko sana siya ng bigla siyang naglaho sa harapan ko. Dahilan, kung bakit ako nagising.

Isang panaginip na naman. Sanay na akong magkaroon ng ganoong panaginip na hindi ko man lang naintindihan. Bakit kaya ako nagkaroon ng ganoong panaginip?

Dahan-dahan akong bumangon ng bigla na lang may napansin ako sa buong paligid ng kwarto.

Malaki ito. Napakaganda. Sobrang laki. At sobrang ganda.

"No way, nasaan ako?" takang tanong ko sa aking sarili.

Naalala ko 'yung nasa may loob ng kotse ako kasama sina Lisa at.... Prince. Tapos, nadatnan ako ng antok at... wala na akong maalala simula nun. Posible kaya na, bahay ito ng mga Cortes?

Nakaramdam ako ng kaba.

'Paniguradong magagalit ang Prinsipeng 'yun pag nakita niya ako dito..'

Dali-dali akong tumayo at pagkatayo ko, nagulat na lang ako dahil hindi ko na suot ang uniporme ko.

"Nasaan ang---"

"Good morning Ate Jen!" nagulat ako dahil sa dumating.

"L-lisa?" hindi makapaniwalang tanong ko.

Naka-uniporme na siya at bakas sa itsura na handa na siyang pumasok.

"Lisa, nakatulog ako I'm sorry---"

"Don't say sorry. It's okay. By the way, yung uniporme mo Ate, nalabhan na at ready na para suotin mo" ngiting sabi niya sakin.

"P-pero, nakakahiya talaga. Dito pa ako nakatulog sa bahay ninyo. Naging pabigat pa ako---"

"Ate naman, wag kang mag-isip ng kung ano. Ate, mag-shower ka na para sabay na tayong kumain" ngiting pagputol niya ulit.

"No Lisa, I have to go baka magtataka si Mommy kung bakit---"

"Ate, hindi naman siguro yun. Sorry din kasi, diniretso ka na namin dito sa bahay. Lowbat kasi cellphone mo nung tiningnan ni Kuya---"

"What? Ang Kuya mo?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Yes. Sorry talaga---"

"Ako nga dapat ang mag-sorry eh. Malaki na atraso ko sa Kuya mo, paniguradong hindi niya ako mapapatawad..."

"Ate, don't say that. Wala ka namang kasalanan. Sige na ate, mag-shower ka na. Hihintayin na lang kita dito." ngiting sabi niya pa.

"Sobra-sobra na ang naitulong mo sakin.. at isa pa nakakahiya naman sa Parents mo baka malaman nila na nandito ako. Hindi ba sila magagalit?" I asked.

"Don't worry ate Jen.. wala sila dito, kasi pinuntahan na nila si Tita at didiretso na rin sila sa school. And besides, you're my friend that's why you are welcome here." she said while smiling.

"Salamat ah. Bago ako maligo, pwede ba kitang tanungin?" medyo nakakahiya ang sasabihin ko.

"Sure, what is it?" she replied.

"Sino ang naghatid sakin sa kwarto mo? I mean, sino ang nagbuhat sakin?" nahihiyang tanong ko.

'Nakakahiya naman talaga!..'

Kita ko naman sa mukha ni Lisa na lumawak ang ngiti niya. "Sabihin na lang natin na siya yung taong may sikretong kabaitan na hindi niya pinapakita sa iba..." makahulugang saad niya pa.

Napaisip ako. And yeah, it's obvious naman na si Prince ang tinutukoy niya--- what?! Si Prince ang nagbuhat sa'kin sa kwarto ni Lisa?!

"Wo-wow! Thank you sa kanya!" kunwari masaya ako. "S-sige, maliligo na ako. Ahm, saan pala dito 'yung banyo---"

"Oh, dun banda Ate!" pagturo niya dun sa may puting pintuan.

I smiled and nodded. "Sige, ligo lang ako" ngiting sabi ko at nagmamadaling naglakad papunta roon.

Pagpasok ko sa loob ng banyo, napanganga ako sa aking nakita.

'Wow! Mas malaki pa 'to sa kwarto ko..'

Tama nga talaga ang sabi nila. Ang yaman ng mga Cortes. Hindi ko pa nakita kung ano ang itsura ng sala nila. Pero, panigurado naman ako na mas malaki iyon.

Pagkatapos kong maligo, nagbihis na agad ako. At siyempre, isinuot ko na naman yung uniporme. Nakakamangha talaga dahil, naka-plantsa na yung uniporme ko. Pati yung school shoes ko, kumikinang yung itsura.

"Uy Lisa, alam mo ba kung anong mall yung Zand Mall?" ngiting tanong ko sa kanya habang nag-susuklay ng buhok.

"Well, shopping mall yun. 'Yun ang pinakamagandang mall sa buong Pilipinas. Nangunguna nga 'yon sa Mall Rankings sa buong bansa." paliwanag niya sakin.

"Nakabili ka na ba dun?" tanong ko ulit.

Gusto kong makasigurado na si Prince nga ba talaga ang bumili ng uniporme na suot ko. Oo, matagal na yun pero, gusto kong magpasalamat kahit na alam ko na, kaaway at kinamumuhian ko siya.

"Well, hindi pa kasi nga kahapon lang ang uwi ko. Pero si Kuya, lagi siyang bumibili doon. Suki na nga siya eh. Alam mo ba ate? Isa si Daddy sa nagtayo ng Mall na 'yon. Dahil bukod sa engeener si Dad naging project din ng Real Estate namin, ang Mall na 'yon. Kaya, may koneksyon si Kuya and Daddy sa may-ari ng Mall." paliwanag niya ulit.

Napatango ako. "May nabili na ba ang kuya mo doon?" I asked again.

"Ate ah, ang dami mong tanong kay Kuya---"

"Never mind na lang hehehe..." ang awkward tuloy. Nakakahiya.

"Joke lang Ate ah! Well, marami namang binili si Kuya doon. Kapag May nakita ka na naka-balot tapos may Sticker ng Zand Mall ibig-sabihin nun, in-order niya 'yun. Hindi uso kay Kuya ang mag-shopping kaya, tumatawag na lang siya tapos, boom! dadating na ang kailangan niya." paliwanag ni Lisa sabay ngiti.

'Si Prince pala talaga ang taong papasalamatan ko at hindi si Marky..'

"Ate, let's go na? Gutom na ako eh. Atsaka, baka magalit si Kuya kakahintay satin dun sa dining" sabi niya sakin.

I nodded. "Tara na" kinuha ko yung bag ko.

"Ate Jen" nilapitan niya ako.
"Sabay na tayo papunta ng school. Sumabay ka na samin ni Kuya okay?. But for now kakain muna tayo, hihi!" sabi ni Lisa habang hawak ang kamay ko paalis ng kwarto.

Hindi na ako nakapagsalita. Ang saya pala kasama ng batang 'to. Pagbaba pa lang namin ng hagdan ay.. natatanaw ko na ang kabuuan ng bahay nila or, should I say that, their mansion.

'Ang laki talaga..'

Chandelier ang nagbibigay liwanag sa buong bahay nila.

Napatingin ako sa baba. Omg! yung buong sofa nila, ginto!?

'Nakakamangha talaga..'

"Uhm, Lisa ginto ba talaga ang lahat ng 'to?" diko mapigilan ang hindi magtanong.

I heard her chuckled. "Ate, that's not a real gold. It's just a design. But, the chandelier, is real. Si Kuya kasi ang nandito sa bahay kaya siya ang nagdedesisyon kung anong design ang gusto niya. And he hates real gold. He said that, golds are like wastes. Too hilarious right?" paliwanag niya sabay tawa.

"Grabe naman yang Kuya mo. Maganda naman ang gold ah---"

"Maganda nga, pero masakit sa mata." napahinto kami dahil sa nagsalita.

"K-kuya, I thought nasa dining---"

"Bakit ang tagal niyong bumaba?" mariing tanong niya sa kapatid bago tumingin sa'kin ng masama. "At ikaw, nakikipagkwentuhan ka ba kay Lisa dahilan kung bakit siya natagalan?" he asked me coldy.

"Eh kasi---"

"O baka naman, ngayon ka lang nagising dahil maganda ang tulog mo kagabi. Kasi nga, nasa kwarto ka ng iba." pagputol niya sa sasabihin ko.

"Sorry ha? Sorry dahil---"

"Pftt! Nakakatawa. Hindi ko matatanggap ang sorry mo---"

"Kuya, tumigil ka nga. Huwag ka namang maging ganyan kay Ate Jen---"

"Kumain ka na Lisa. Huwag mong hintayin na magalit pa ako sa'yo. At please, huwag mong dagdagan ang problema ko." utos nito sa kapatid.

"Fine!" dali-daling tumakbo si Lisa papuntang dining area nila.

Medyo malayo iyon sa may sala.

"Hoy."

"Ikaw, ano pang hinihintay mo? Umalis ka na."

"Hindi ako aalis hangga't hindi ko nakasama si Lisa. Baka kung ano pang gawin mo sa kapatid mo." giit ko sa kanya.

"Wala kang pakialam. Kapatid ko siya. Nasa teritoryo kita baka nakalimutan mo. At sa tingin mo ba talaga, magagawa kong saktan ang kapatid ko?"

"Fine. May sasabihin lang ako. You know what?..." napatigil ako. Kumuha muna ako ng lakas ng loob para sabihin ito sa kanya. "Salamat, salamat sa pagtulong ninyo sa akin lalo na---"

"Wag kang magpa-sarcastic nerd. Hindi mo ako madadala sa salamat mo." giit niya bago pinuntahan si Lisa.

Anong mali sa sinabi ko? Hindi iyon sarcastic!

Grabe na talaga ang Prince na 'yon.

Inis kong sinundan siya. Gusto kong puntahan si Lisa at siyempre, gutom na rin naman ako.

Pagdating ko sa dining, nakita ko agad si Lisa na, tahimik habang kumakain. At si Prince naman, kakaupo lang.

"Ate, Jen... umupo ka na po para makakain" ngiting sabi ni Lisa sa akin pero, bakas sa mukha niya ang lungkot.

Dahan-dahan akong umupo. Hindi ako makakain. Pinanood ko lang sila. Hindi ako makakain ng maayos.

"Hoy, Lisa! Masyado ka ng nagda-drama. Gusto mo bang, bawiin ko sayo yung kinuha mo sa loob ng kotse?" taas kilay na hamon ni Prince kay Lisa.

"Nagda-drama ba ako? Diba, hindi? Tumakbo ako dito kasi nga, gutom na ako." giit ni Lisa sa Kuya niya.

"Nakikipagkwentuhan ka pa kasi sa nerd na 'yan!" iritadong sabi ni Prince sabay turo sa akin.

"Wala ka na dun. Ikaw din naman ang topic namin---"

"Lisa, tingin ko kailangan na nating pumasok baka kasi ma-late tayo---"

"Hoy nerd. Wag mo ngang putulin ang sasabihin ni Lisa. Sige Lisa, ituloy mo pa---"

"Ahhh Kuya, wala lang 'yun." diretsong pagputol naman ni Lisa sa sasabihin ng kapatid.

Feeling ko, hindi rin gusto ng Prince na 'to na, pag-usapan siya.

"Tapos na ba kayo?" mariing tanong ni Prince samin.

"Opo, ako done na!" tuwang sabi ni Lisa.

"A-ako naman... tapos na rin." pagsisinungaling ko.

Ang totoo, isang kutsara palang ang nakain ko. Pero, ayos lang. Titiisin ko na lang ang gutom. Ngayon pa naman ang kauna-unahang pasok ni Lisa sa grade 10. Ayaw kong ma-late siya dahil lang sa'kin.

"Ate Jen let's go!" tuwang sabi sa akin ni Lisa habang hinawakan ang kamay ko.

"Ahh Sige" ngiting sabi ko naman.

"Excited na akong pumasok!" tuwang sabi niya pa habang naglalakad kami papuntang sala.

"Goodluck sa'yo ah?"

"Thank you!"

Nang nasa labas na kami ng bahay nila, agad namang dumating yung sasakyan ni Prince.

"Naks, thank you manong!" pasalamat niya sa driver. "Ako na magmamaneho. Isasabay ko na lang ang dalawang 'to." tumango naman yung driver at umalis.

"Sakay na!" inis na utos ng Prinsipe sa amin..

Akala niya siguro, nakalimutan ko 'yung araw na... muntik na niya akong sagasaan noon sa school.

"Kuya sa likod parin ako ahh!" dali-daling tumakbo si Lisa papunta sa may backseat.

"Ikaw bahala!" inis na tugon naman ng Kuya niya.

"Ako rin---"

"No. Hindi mo ako driver." malamig na sabi niya sa'kin.

"Mabuti pa, mag-tataxi na lang ako." sabi ko naman.

"Bakit, may pera ka ba?" sarkistong tanong niya sakin.

"Diba ayaw mong magmukhang driver? Edi---"

"Bakit, takot ka bang tumabi ulit sa akin? Baka makatulog ka ulit sa balikat ko?" natahimik ako sa sinabi niya.

"Yuck, tumigil ka nga sa mga kabaliwan mo---"

"Ako pa ngayon ang baliw? Alam mo, papahirapan sana kita ngayong araw kaya lang, hindi mo pala ito bahay---"

"Pahirapan mo lang ako hanggang sa magsawa ka na---"

"Oh? Talaga? Paano kung..." dahan-dahan siyang lumapit sakin at may binulong. "Hindi ako magsasawang pahirapan ka?" sarkistong bulong niya sa mga tenga ko.

"H-hindi---"

"Natatakot ka na? Alam mo ba 'yung ginawa mo sa alaga ko kagabi? Sinipa mo lang naman..." mariing sabi niya sakin sa mahinang paraan.

"Alaga? Sorry ha? Hindi ko sinadyang sipain yang alaga mo, kasi naman tulog ako. Teyka, bakit ko naman ma-sisipa ang alaga mo eh, wala ka namang alaga sa bahay ninyo. Wala ka ngang pusa, aso, ibon, ahas---"

"Hoy walang utak! Sumakay ka na lang." may halong galit at inis ang pagkasabi niya.

Inis siyang naglakad papuntang driver seat.

'Tsk. Ang sabi niya, nasipa ko raw ang alaga niya eh wala naman siyang alaga sa bahay nila..'

"Guyss. Remember, may pasok pa tayo at meeting pa." ngiting sabi ni Lisa nang nasa loob na kami. "By the way, ano pinag-uusapan ninyo sa labas? Hindi ko kasi kayo masyadong narinig eh kasi, naka-headset ako kanina."

"Ah, wala naman. Ang sabi kasi ng Kuya mo, nasipa ko raw---"

"Nerd. Kung itutuloy mo yan, magsisisi ka talaga." pagbabantang sabi ni Prince sakin.

Hindi na ako nagsalita. Tumahimik na lang ako.

Napahawak ako sa cellphone ko. Gusto kong tawagan si Mommy pero, natatakot ako.

"Baka pagalitan ako ni mommy nito.." buntong-hininga kong sabi.

"Don't worry ate Jen, tutulungan kita" sabi sakin ni Lisa.

"Salamat Lisa pero, sobra na ang naitulong mo sakin" ngiting sabi ko sa kanya.

"Wala iyon. Maliit na bagay lang naman eh. Wala namang masama sa tutulong." mahinahong sabi niya naman sakin.

"Ano ba!? Ang dal-dal niyo!" inis na sabi ni Prince habang

You are reading the story above: TeenFic.Net