24: Arguing

Background color
Font
Font size
Line height

CHAPTER 24

Arguing




PRINCE POV


Walang hiya talaga itong babaeng 'to. At nauna pa talaga siyang maglakad sa'kin? Pftt!

Pinahiya niya ako sa harap ng kapatid ko. Anong karapatan niya para gawin iyon sakin.

'Makikita mo, nerd. Makikita mo kung sino ang binabangga mo. At ngayon, sisimulan ko na ang balak ko na sana noon ay ginawa ko na..'

Nang makarating kami sa parking lot, yung kotse ko agad ang nakita ko. Nakita ko ring nakatayo na silang dalawa sa gilid nito.

Nakakainis. Wala pang babaeng nakasakay sa kotse ko maliban sa kapatid ko.

'Talagang... ginagalit mo ako, nerd.'

"Kuya, bilisan mo naman. Puro ka na lang porma diyan. Pagod si ate Jen kaya kailangan niyang makapagpahinga." salubong na sabi sakin ni Lisa.

Hindi ako makapaniwala na sinabihan ako ni Lisa ng ganun.

'Wtf. Sino ba kapatid niya sa'min?!'

Mariin kong tiningnan si nerd. Paano niya nakuha ang loob ng kapatid ko sa isang minuto lang? Anong klaseng tao ba ang nerd na 'to?

Pwes, tingnan na lang natin kung makakaya niyang kunin ang... no. Hindi magiging malambot ang puso ko sa kanya. Mananatili itong bato hangga't sa makikita ko ang babaeng matagal ko ng hinahanap.

"Kuya!" biglang sumigaw si Lisa kaya tumingin ako sa kanya. "Baka matunaw si ate Jen sa mga tingin mo, yeiii!" sabi niya na may halong pang-aasar.

"Tsk. Tumigil ka kung ayaw mong iwanan kita." giit ko. "Gusto mo bang magalit pa ako sayo?" I spat.

"Joke nga lang eh! Makapasok na nga!" sabi niya sabay pasok sa loob na may padabog pang nalalaman.

'Batang 'to talaga..'

Napailing na lang ako. At napatingin kay nerd na kanina pa nakatayo.

"Hoy, ikaw. Wala ka bang balak na pumasok? O baka gusto mong maglakad na lang?" tanong ko sa kanya sabay ngisi.

Naghintay ako sa sasabihin niya. Naglakad siya papunta sa kabila.

'WTF! Wala man lang siyang reaksyon!?.'

Bubuksan na sana niya ang pintuan ng biglang nagsalita si Lisa.

"Ate Jen.. tumabi ka na lang kay kuya. Gusto ko kasing mag-isa dito eh..." sabi ni Lisa sa kanya.

I smirked. 'Nice one Lisa.'

Pumasok na ako sa loob. "Pwede bang, pakibilisan ang kilos? Pawis na pawis na 'tong katawan ko eh" sabi ko sa kanila habang nakahawak sa manibela.

"Uhm, Lisa nakakahiya naman sa pelengero mong kuya kaya, diyan na lang ako sa---"

"Aba, kung maka-asta parang sa kanya 'tong kotse. Hoy. Talaga bang ayaw mong pumasok, ha? Huwag ka ngang feeling na magkatabi tayo." sarkistong pagputol ko sa sasabihin niya.

'Woah. Nagkakaroon na naman ng challenge ang araw ko...'

Gusto kong inisin si nerd para makita ko ang pangit niyang mukha kapag naiinis. Well, hindi ibig-sabihin nun na maganda siya kapag hindi naiinis.

"Hoy. Hindi naman kasi ako feelingera na kagaya mo!" inis na sabi nito sa akin habang nasa labas parin.

"Ayaw mo ba talagang pumasok? Ano gusto mo? Bababa pa ako para lang pagbuksan ka ng pinto?Wow, wala ka bang kahihiyan?" mariin kong tanong sa kanya kaya natahimik ito.

"Kuya, tigilan mo na ang pang-iinis kay Ate Jen" suway ni Lisa sa'kin.

"Ikaw Lisa, sa bahay na tayo mag-uusap." giit ko sa kanya.

"Wag mong pagagalitan si Lisa!" nagulat na lang ako dahil biglang pumasok si nerd sa loob ng kotse ko.

"Ang dami mo pang satsat tatabi ka rin naman." sarkistong sabi ko.

"Tumahimik ka---"

"Ikaw ang tumahimik." mariing sabi ko bago pinaandar ang sasakyan.

Nang nasa may daan na kami, bigla na namang nagsalita si Lisa.

"Alam niyo ba, bagay pala kayo noh?" pang-aasar niya.

"Yikes." sabi ko na may halong pandidiri sa boses. "Pwede ba Lisa, can you please stop talking nonsense?" inis kong pagpatuloy.

"Totoo naman talaga ehh" pagpatuloy niya pa.

"Never." biglang sumabay si nerd.

Aba.

"Uyy sabay raw sila" pang-aasar pa ni Lisa.

Baliw talaga 'tong kapatid ko. Kung siya ang inaasar, nananakit. Pasalamat siya, kapatid ko siya kaya, sige lang. Wala naman kasi akong pakialam.

"Hindi nakakatawa ang joke mo, Lisa." giit ko sa kanya.

"What if lang naman diba?"

"Lisa. Hindi ako bulag. Hindi ako magkakagusto sa kaibigan mong 'yan. Wala sa kanya ang mga tipo ko." simple kong sabi.

Rinig ko namang napatawa ng marahan si Lisa sa may likod.

'Wtf. Naisahan na naman ako ng batang 'to..'

"Ako naman Lisa, mas lalong hindi ako bulag." kampanteng sabi ni nerd. "Marunong akong makaramdam. Hindi gaya ng iba na, nananakit na nga masaya pa." pagpatuloy niya pa.

Alam ko naman na may pinaringgan siya. Hindi ako papayag na ipahiya niya ako kay Lisa.

"At least may maipagmamalaki. At isa pa, kayong mga babae tanga. Madali lang kayong mahulog saming mga lalaki at sa huli, lalaki pa ang may kasalanan kung bakit kayo nasasaktan. Habol kasi kayo ng habol eh, hindi naman kayo mahal." sarkistong sabi ko.

Kita ko naman na natahimik siya pero kalaunan, ay nagsalita rin.

"Wow! Ang lakas ng hangin dito ohh. Grabe naman yang kayabangan na yan. Eh kasi kayong mga lalaki kayo mga PAASA. Nagpapakita kayo ng MOTIBO para lang pakiligin ang mga babae tapos, hindi kayo marunong sumalo sa mga nararamdaman namin."

'The fvck! Paano niya nasabi 'yun? Talaga bang, LAHAT kami ganun?...'

"So, kasalanan namin? Kasalanan ba namin na madali kayong kiligin?"

"Kiligin---"

"Bakit, hindi ba? Eh diba ikaw nilapitan ka lang ni Marky, namumula na agad yang mukha mo. Alam mo, nakakatawa kayo." mariing sabi ko.

"Eh ano naman? Wala kang pakialam---"

"Ang tawag dun, naging clown ka kapag kaharap mo siya---"

"At least, sa kanya lang---"

"Sa kanya lang ba talaga?... Tingnan mo muna yang itsura mo kung gaano ka-pula yang mukha mo ngayon." I smirked at ibinaling ang atensyon sa pagmamaneho.

"So, ano gusto mong sabihin? Na, gusto kita? Hoy. Kahit kailan hinding-hindi ako magkakagusto sa'yo! Itaga mo yan sa bato." may halong galit at inis ang pagkasabi niya.

I just smirked.

'Mga babae nga naman..'

"Don't worry. Wala akong taste sa katulad mo." simpleng sabi ko.

"Tama talaga yang pangalan mo ehh. Prince, PRINSIPE NG KAYABANGAN, KAPANGITAN, at KADEMONYOHAN!" sigaw niya ulit na may halong pagkainis.

'Pikon ba siya? Nasaktan ba siya sa sinabi ko? So what? Ano namang pakialam ko?..'

"Demonyo pala---" biglang nagsalita si Lisa kaya napatigil ako.

"Wait lang ah. Andito pa ako. Baka kasi, mabangga tayo kapag nagpatuloy pa kayo sa pagbabangayan..."

Kita ko naman sa mukha ni nerd na bigla siyang tumahimik na tila, nakaramdam ng hiya.

'Aba, dapat lang talaga na mahiya siya... Pero, sa kapal ng mukha niya, imposible na yata 'yun..'

"Sorry Lisa. Narinig mo pa tuloy yung sinabi ko" paumanhin naman ni nerd.

"Bakit ba kasi kayo nag-aawa? Eh, biro lang naman kasi 'yun. HAHAHAH!" bigla itong tumawa.

"Hindi kasi, marunong makaintindi ang babaeng 'yan. Kaya, sa susunod Lisa 'wag kang magsimula---"

"Sorry na nga. Kayo kasi, napaka seryoso ninyong dalawa. At wala kasi kayong imik kanina ehh.. Kaya ayon, nag-isip lang naman ako ng topic nohh. Masama ba yun?" taas noo pa nitong tanong sa'min.

"Basta Lisa... sa susunod hindi na ganoon ang maging topic. Kasi, nakaka---"

"Alam mo ate Jen, ang galing mo ah! Parang may experience ka na sa Love hihi" tuwang sabi ni Lisa sa kanya.

"Ah, hindi noh. Nabasa ko lang kasi at, nakikita sa mga tao---"

"Pinanganak ka bang pakialaman ang buhay ng iba?" tanong ko kay nerd kaya napatigil siya sa pagsasalita.

"Sagutin mo rin kaya ang tanong na yan. Pakialamero ka rin naman---"

"Aba, kung makapagsalita ka para kang nasa sarili mong kotse---"

"Kuya...."

Pasalamat talaga ang nerd na 'to dahil kasama namin si Lisa. 'May oras ka rin sakin.'

"Ate Jen basta, bilib talaga ako sa mga sinasabi mo kanina. And yeah, you're right ate! There is so many paasa na today and---"

"Lisa, ibahin mo nga yang salita mo. Nakakarindi pakinggan." sabi ko sa kanya.

"Wag ka ngang maging ganyan sa kapatid mo---"

"Kapatid ko siya kaya may karapatan ako. Kaya, wag mo akong pagsabihan." mariing sabi ko sa kanya.

"Sorry~" rinig kong bulong niya habang nakayuko.

Pftt. Sorry raw? Kung maka-asta kasi feeling kapatid.









LISA'S POV

Tahimik na naman. Simula nung nag-sorry si ate Jen, hindi ko na narinig ang boses niya. Kawawa naman si Ate Jen. Ang daming mga masasakit na salita ang ibinato ni Kuya sa kanya.

'Si kuya talaga, hindi na mabiro...'

Nung una naman, nakakatawa talaga ang ginawa ko. Di ko mapigilang tumawa ng mahina dito sa likod kanina. Paano ba naman kasi eh, napaka-seryoso nilang dalawa.

Natawa talaga ako kay Kuya. Akala ko pa naman, hindi siya maasar at maapektuhan sa sinasabi sa kanya. Pero, kanina habang nagsasalita si ate Jen, parang wala sa daan ang atensyon niya kundi na'kay Ate Jen.

'Hayst kuya, sorry na ah. Medyo napahiya ka ng konti kay Ate Jen..'

Na-miss ko kasi 'yung asaran namin ni kuya noon at inaasar niya rin ako kay Kayzer kaya dapat lang na, asarin ko rin siya.

Ngayon ko lang din narinig mula kay kuya ang lahat ng sinabi niya kanina. Para silang nag-a argumento ni ate Jen kanina.

Sinabihan ni Kuya si Ate Jen na pangit without knowing na, Ate Jen is beautiful inside and outside. Si Ate Jen lang ang nakikita kong maganda sa Harvard. Kaya sigurado akong maraming nagkakagusto sa kanya.

Makalipas ang ilang minuto, ay wala paring nagsasalita sa amin.

Inayos ko ang aking pag-upo. Inaantok na ako! Argh! Ayaw ko pa namang matulog.

"Wait... ba't parang..." may nasipa akong isang bagay na nasa ilalim ng upuan.

Yumuko ako at kinuha 'yon.

"Wow..." mahinang sabi ko para hindi marinig ni Kuya.

Isang paper bag ang nakita ko. Binuksan ko 'yon at nagulat sa nakita. Isang brand ng cellphone ang nasa loob nito na naka-balot pa sa isang box na plastic.

Sa pagkakaalam ko, ito 'yung latest brand ng cellphone ngayon.

'Kanino kaya ito?'

I cleared my throat at nagsimulang tanungin si Kuya. "Hmm. Kuya---"

"Huwag mo muna akong kausapin. Mamaya na pagdating sa bahay." pagputol niya sa sasabihin ko.

Napakagat ako sa aking labi. "I know you're mad at me---"

"Just please, don't talk to me right now. I'm not on my mood." napatango na lang ako sa sinabi niya.

Galit talaga si Kuya sakin. But, I don't care. Kukulitin ko parin siya hangga't sa, mapatawad niya ako. Alam ko naman na, hindi niya ako matitiis eh. Ang cute ko kayang kapatid.

'Ano kaya ang magiging topic namin...'

Napahinto ako kakaisip dahil may napansin ako.

Nakita kong, naka-tanday yung ulo ni ate Jen sa may balikat ni Kuya.

'Aww, so sweetttt!'

I cleared my throat. "Hmm. Kuya nakatulog ba si ate?" mahinahong tanong ko at nagkukunwaring wala akong nakita.

Kita ko naman na, dali-daling inalis ni Kuya yung ulo ni ate Jen pero, bumabalik yung ulo ni ate sa balikat ni kuya.

Napatawa ako pero, mahina para hindi niya marinig.

"Tang*nang babaeng 'to. Ano akala niya sa balikat ko, pader na pwede niyang---"

"Shh.. Kuya naman wag kang maging ganyan sa mga babae.. 'Di ka ba naawa sa kanya? Tingnan mo ohh napagod siya ng husto" mahinahong sabi ko sa kanya.

"Wala akong pakialam." giit ni Kuya at nagpatuloy lang sa pagmamaneho.

I heard his long exhale na ang ibig sabihin, hindi komportable si Kuya na may babaeng matutulog sa may balikat niya.

Napangiti ako at nakaramdam ng kilig dahil ang sweet ni kuya. Kahit galit siya, hindi niya parin inalis ang ulo ni Ate Jen sa may balikat niya.

"Aww, so sweet----" dali-dali kong tinakpan ang bibig ko.

"May sinasabi ka?" tanong ni kuya kaya napatigil ako.

"Well, uhm... wala" patingin tingin kong sabi at tumawa ng marahan.

"Tumahimik ka na lang." sabi niya sa malamig na tono.

Napatango ako at ibinaling ang atensyon sa cellphone.

'Regalo kaya ni Kuya sa'kin ang cellphone na 'to?'

"Hayst! Saan ba dito yung bahay ng babaeng 'to?" rinig kong sabi ni Kuya.

"Oo nga pala. Kuya, magkaklase ba kayo ni ate Jen?" kita kong napatango siya. "Kung ganoon, dapat alam mo kung saan siya nakatira---"

"Ano tingin mo sakin? Hindi ko pag-aaksayan ng oras ang walang kwentang bagay" giit nito.

"Okay hihi! Well, maybe nasa cellphone ni ate yung address nila" suggestion ko.

"Tingnan natin..." may kinuhang bagay si Kuya na nasa loob ng bag ni ate Jen na nasa may harapan ni ate.

Lumapit rin ako para masubaybayan si Kuya. Baka may gagawin siyang kakaiba.

"What?" tanong niya sakin kaya napangisi ako ng bahagya.

"Baka kasi---"

"Kukunin ko lang yung cellphone niya. Ano ba yang iniisip mo, ha?" inis nitong tanong sakin.

"Iniisip? Naku, wala ah! Uupo na nga lang..." pagkukunwari ko.

Well, ang totoo inisip ko yung parang nasa k-drama. Yung, titingnan ng lalaki yung babae habang natutulog ito. So sweet right? Sana ganun sila. Ehe.

"Baliw ka na talaga." rinig kong singhal niya pa.

Napangiti na lang ako. Gusto kong maiinis si Kuya dahil kapag naiinis siya, sumasaya siya sa taong kinaiinisan niya.

"Taena naman oh! Lowbat 'tong cellphone niya. Bibili ng bago tapos, di naman kayang alagaan. Bwisit." rinig kong sabi ni Kuya na tila naiinis at halata sa boses niya ang pagkairita.

'Wow, si Ate Jen pala talaga ang kinaiinisan niya. Bakit kaya?'

"Kuya, may problema ba?" kunwari kong tanong.

"Ito kasing cellphone niya, lowbat---"

"Oh my gosh! Ano ang gagawin natin? Paano natin mahahanap ang bahay nila?" agad kong pagputol sa sasabihin niya.

"Wala akong pakialam. Iwan na lang natin siya sa daan" diretsong sabi niya.

"Wow, ang gandang suggestion ha?"

"Bakit hindi? Pwede naman---"

"Hell no! Kawawa naman si Ate Jen---"

"Can you please stop calling her Ate! She's not your sister! Ni hindi mo nga siya kadugo---"

"What ever kuya. She's my bestfriend. And she's older than me that's why I need to call her ate." I said with a confidence.

"Bahala ka. Malapit na tayo sa bahay kaya, iiwanan natin siya sa daan!" galit na giit ni Kuya bago huminto.

"No! Hindi pwede kuya! Don't you dare do that. Kung hindi, ako ang makakalaban mo!" I shouted.

I suddenly covered my mouth. Baka kasi magasing si ate.

"Ganun pala ah. Sige. Unahin mo itong kaibigan mo kaysa sa sarili mong kuya." giit niya naman.

'Nagseselos si Kuya dahil feeling yata niya, mas close ko 'yung ibang tao kaysa sa kanya...'

"Kuya ang O.A mo.. diba babae siya so, iiwan mo siya dito? Di ka ba naaawa? Baka may gagawa sa kanya ng masama o baka ibenta siya...o baka patayin siya... Kuyaaa! Do everything para lang hindi.... huhuhuhu!" diretsong sabi ko with acting.

Baka kasi magbago ang isip at dalhin si Ate Jen sa bahay.

"Tumahimik ka nga. Kung maka-react ka akala mo, may lalaking magkagusto sa kaibigan mong pangit." singhal niya at dali-daling inilayo ang ulo ni ate Jen sa balikat nito bago pinaandar ang sasakyan.

"Saan naman natin siya dadalhin ngayon!?" may halong inis ang pagkasabi niya.

Biglang lumawak ang ngiti ko.

"Ahmm... May naisip na ako..."

Kunwari, nag-iisip pa ako para hindi siya magalit sakin.

"Alam ko na! Sa bahay! Tutal, wala pa naman sina Mommy eh kasi, may pinuntahan pa silang business meeting at baka sa hotel na sila makatulog. Kaya, sa bahay na lang natin ideretso si ate Jen" nakangiti kong paliwanag.

Sana, pumayag si Kuya.

"Well, hindi. Hindi ako papayag na itong babaeng 'to ay---"

"Kuya, please? Masyadong gabi na. Alangan namang gisingin pa natin si Ate Jen? Eh, pagod na pagod kaya siya." mahinahong sabi ko.

Rinig kong napabuntong hininga si Kuya. "Fine. Ikaw bahala. Basta, siguraduhin mo lang na walang magagalit." simpleng tugon niya na ikinangiti ko.

'Well sorry kuya ..Di ako takot. bleh'

"Okay pow~" ngiting sabi ko.

Kita ko naman na napailing siya pero, wala na siyang magagawa kundi ang umuwi na lang sa bahay.

This is the first time na may ibang taong matutulog sa bahay namin. Well, hindi naman iba si ate Jen kasi kaibigan ko siya. But then, first time talaga na may nakilala akong tao at biglang gumaan ang loob ko sa kanya.

I hope that someday, Ate Jen will be my sister kung di papalarin edi, sister-in-law na lang. Tutal, bagay naman sila ni Kuya eh.

Pero ang problema, si kuya naman masyadong masungit sa mga babae.

'Sino kaya ang magpapabago kay kuya? Well, kung sino man 'yon, sana darating na siya...'

Para makita ko na ang dati kung kuya. 'Yung Kuyang palatawa, yung Kuyang magaling sa lahat, yung taga-payo ko, nang-iinis, at higit sa lahat yung Kuyang tanggap ang sarili niya. Hindi 'yong ganito. Masyadong seryoso sa buhay.

Marami na talaga ang nagbago kay Kuya. Pero kahit na ganoon, mahal ko parin ang Kuya ko!

'Siya na ang pinaka da-best na Kuya sa buong mundo..'









A/N:

Sana lahat, may Kuya diba? Kaya sa mga readers ko na may Kuya o Kapatid, alagaan ninyo ang isa't-isa. Kahit wala kang kuya, alagaan mo rin 'yung taong itinuring kang kapatid o bunso.

Ako, ako ang ate sa mga kapatid ko. Oo, aaminin ko medyo mahirap maging ate dahil may mga responsibilidad ka rin PERO, masaya ang maging ate. Masaya lalo na't nirerespeto ka ng mga kapatid mo.

So yeah, skl ito guys ah. Sana, nag-enjoy kayo sa pagbabasa. Love lots! Ingat kayo palagi.❤️


You are reading the story above: TeenFic.Net