20: Avoiding SVT

Background color
Font
Font size
Line height

CHAPTER 20

Avoiding SVT.


JENNY's POV

I CHECKED my watch and its 3:05 already. Kanina pa ako dito kasama sina Ms. Moore. Pero, tapos na ang photoshoot. Sinama lang ako ni Ms. Moore dito sa loob ng Seventeens room.

Ayaw ko talaga sa lugar na 'to pero, wala akong magawa.

"Prince, look at this. What do you think?" tanong ni Ms. Moore sa kanya.

"Well, it's nice." simpleng tugon niya naman. "Ms. Ivy, may kukunin lang ako." paalam nito sa photographer.

Kanina pa masama ang tingin niya sakin. Wala naman akong ginawa kundi ang sundin ang mga inutos niya kanina. Hayst! Kainis.

'Kung makapag-utos siya akala mo naman, kung sino!'

Pero siyempre, hanggang ngayon hindi parin mawala sa isip ko yung Zand Mall. Talaga bang dun galing yung uniform?

Napatingin ako sa aking suot. 'Hayst. At suot ko pa talaga yung uniform?...'

Kung siya talaga ang nagbigay sakin nito, ano ang gagawin ko?

'Magpapasalamat ba ako sa kanya? Well, hindi. Hindi ko 'yun gagawin!'

Kasalanan niya din naman lahat.

Biglang lumapit sa'kin si Ms. Moore kaya dali-dali akong tumayo.

"So, dahil tapos na ang gagawin ko, what can I do para maging masaya ka?" nahiya ako sa tanong ni Ms. Moore sakin.

'Grabe naman.. First time na nangyari sakin ang pagkakataon na 'to...'

I cleared my throat at nahihiyang magsalita.

"Don't be shy. You can ask me anything..." mahinahong sabi nito sa'kin.

"Well, Ms. Moore my friend Pauline, is one of your fans. And I believe that she will be happy if she can take a picture with you" mahinahong sabi ko sabay ngiti.

"Oh, really?"

"Yes and fan niyo rin po ako" ngiting sabi ko rin sa kanya.

"Well, for that... you have a free selfie with me. And not only that, I also want to come with you to see your friend in person." she said while smiling.

"Thank you very much. I'm sure my friend will be happy when she sees you" tuwang sabi ko.

"Well, me too. So, what are you waiting for? Take out your camera so we can take a picture" ngiting sabi niya pa.

Dali-dali ko namang inilabas ang cellphone ko. "Uhm, si-sino ang maghaha---"

"Prince!" dali-dali naman niyang tinawag si Prince na dumaan.

"Yes?"

"Join here." anyaya nito kay Prince.

'No. Hindi pwede'

"Well, Ms. Moore I have a good idea. Mamaya na lang po tayo mag-picture kasi po, gusto ko na sama-sama kaming lahat ng kaibigan ko" nahihiyang sabi ko.

'Hindi ko gusto na makasama si Prince sa iisang larawan'

"Well, kung 'yan ang gusto mo. And you know what? I like that idea. Just wait here. Okay?" tumango ako sa sabi niya.

Mabuti na lang mabait si Ms. Moore.

"Tsk. Alam mo, nakakahiya ka talaga. Kung makapagsalita ka akala mo naman, close na kayo ni Ms. Ivy. Hoy nerd. Tandaan mo 'to ah, hindi ka nababagay na sumama sa sikat na katulad ni Ms. Ivy." panunuya ni Prince na nasa harapan ko.

"Di porke't medyo sikat ka, ganyan ka na magsalita---"

"Anong 'medyo' sikat lang? Hoy. Nasa lahi na namin ang ganito. Hindi ko naman siguro masisi ang sarili ko diba?" he smirked mischievously.

"Ang yabang mo---"

"Bago mo tapusin yang pananalita mo, isipin mo muna kung anong lugar itong napasukan mo." pagputol niya sa sasabihin ko na may halong pagbabanta.

Napatingin ako sa paligid.

Nasa teritoryo niya ako kaya magagawa niya ang lahat ng gusto niya.

'Magsisisi ka rin sa lahat ng ginagawa mo sa'kin, Prince Cortes'

"Oh, Jenny I'm sorry hindi ako makababa ng building kasi, maraming students ang nakaabang sa dadaanan ko. Ayos lang sana if we can find a another way na---"

"May naisip na po ako. May hagdan po sa likod ng building. Du'n po kasi ako..." napalingon ako kay Prince na hindi makapaniwala sa narinig. "Du'n po kasi ako dumaan kanina. He-he" pagpatuloy ko.

"What!? Kaya pala." rinig kong bulong ni Prince.

"Well, that's nice. But then, safe ba ang daan?"

"Oo naman po!" walang pag-alinlangan akong tumango.

"Ganito na lang, call your friend na magkikita kayo sa likod ng building. And then, mauna ka ng bumaba. After a sec, susunod ako" paliwanag ni Ms. Moore sa mahinahong paraan.

I nodded and smiled. "Sige po. Mauna na ako sa inyo. Magkita po tayo sa baba" ngiting paalam ko sabay naglakad paalis.

Naglakad pa ako paakyat ng hagdan papuntang rooftop. Nang makarating na ako sa rooftop, naglakad na naman ako pababa ng hagdan. Dito ako dumaan kanina - shortcut lang naman.

Wala kasi masyadong dumadaan na tao dito sa lugar na 'to.

Habang naglakad pababa, tinawagan ko na si Pauline. Tamang-tama naman dahil, malapit na matapos yung last subject namin.

"Jenny, nasan ka na ba? Alam mo, kanina ka pa namin hinintay ni Missy tapos hanggang ngayon wala ka parin? Malapit na matapos itong Music and Arts oh. Nasan ka na ba kasi?" pauna niyang tanong sakin.

"Pauline, easy ka lang okay? Basta pagkatapos niyo sa last sub, magkita tayo dito sa likod ng building ng Seventeens isama mo rin si Missy ah." mahinahong sabi ko naman.

"Why? Anong meron? Omo! Kamusta naman yung encounter niyo ni Ms. Moore? Maganda ba siya? Ano, nakapag-selfie ba kayo?" sabay-sabay niyang tanong sakin.

Bakas naman sa boses niya ang pagka-excited. Excited na may malaman about Ms. Moore.

"Ikaw talaga oh. Basta, bilisan niyo na diyan. Maghihintay ako dito. Mamaya ko na din i-kwento sa inyooo! Bilisan niyo na kasi, Ba-bye!" tuwang sabi ko bago pinutol ang tawag.

Nang nakarating na ako likod ng building, naghintay ako sa kanila.

Naka-upo ako ngayon sa may hagdan.

Naghahalo na ang mga naramdaman ko ngayon. Lungkot, saya, inis, at hiya. Kaya minsan, natanong ko sa aking sarili na, ako lang ba ang nakakaramdam ng ganito?

"Jenny!" napalingon ako sa tumawag sa'kin.

Dali-dali akong tumayo at sinalubong silang dalawa. "Mabuti naman nandito na kayo" sabi ko.

"Hello, nag-excuse kami kay Ms. Caones para lang mapuntahan ka namin dito. Jenny, ano ba kasing nangyari sayo? Wala ka sa P.E.L Mr. Vegas. Pati rin yung si Prince wala din. But then, excuse ka naman raw din." diretsong sabi naman ni Pauline sa'kin.

"Oo nga Jenny. Nasaan ka ba? Wag mong sabihing, nakikipila ka dun sa may entrance kung saan, dadaan si Ms. Moore." mahinahong sabi naman ni Missy.

"Girls, hindi kayo maniwala sa sasabihin ko." sabi ko na ikinatahimik nila.

"What do you mean?" Missy asked.

"Wag mong sabihin na hindi ka na lumabas ng building simula nung inutusan ka ng teacher" hula naman ni Pauline.

"Well, Pauline medyo tama ka" ngiting sabi ko.

"No way. Talaga?! Ibig-sabihin, nakita mo si Ms. Ivy Moore in person?!" hindi makapaniwalang tanong niya sakin.

"Hindi ko lang siya basta nakita. Kundi, nakausap, nakatawanan at higit sa lahat naka---"

"Jen, ikaw ah baka biro mo lang yan. Alam mo namang, idol ko talaga si Ms. Moore eh. Baka gawa-gawa mo lang 'yan ah---"

"Hi, ladies." napatingin at natahimik sila sa dumating.

Dahan-dahang bumaba si Ms. Moore sa hagdan kasama ang isa niyang staff.

"Omyyy. Jenny, totoo ba 'to?" bulong sakin ni Pauline habang nakatingin kay Ms. Moore.

"Oo?"

"Jenny, sampalin mo nga ako baka kasi, panaginip lang 'to..." sasampalin ko sana siya ng bigla siyang nagsalita. "Joke lang pala. Omyghaddd" sabi niya at dali-daling lumapit kay Ms. Moore.

"Jenny, wow! Tingnan mo si Pauline oh. Hindi makapaniwala sa nakita niya. Because of you, natupad niya na ang isa sa mga pangarap niya." ngiting sabi sakin ni Missy.

Napangiti na rin ako. Kahit medyo komplikado ang araw ko, masaya na ako kapag nakikita ko na sumasaya yung iba sa ginawa ko.

Dahan-dahan ko silang nilapitan kasama si Missy.

"Pauline, right? Jenny told me you are one of my fans---"

"I'm you're number one fan Ms. Moore. Marami akong pictures na kaya mismo ang kumuha. Nabili ko yung mga gawa niyo na nasa isang sikat na art gallery. Hindi ako makapaniwala na alam niyo po ang pangalan ko atsaka, isa sa mga pangarap ko ay 'yung makita po kayo" habang sinasabi ni Pauline ang mga 'yon, kita naman sa mga mata niya na masaya siya. Masayang-masaya.

"Thank you so much for being one of my fans. And because, you became a fan and your friend Jenny was kind to me, I want to give you this camera of mine." biglang inabot ni Ms. Moore kay Pauline ang isang camera. "This is what I used when I was in high school. So please, take care of it." pagpatuloy pa ni Ms. Moore sa kanya.

Nanginginig ang kamay ni Pauline habang hawak yung camera ni Ms. Moore. "I-ito na ang p-pinakamagandang regalo na natanggap ko sa pagiging fangirl ko. Omyghaddd, salamat po!" nang dahil sa tuwa, nayakap niya si Ms. Moore.

Mga ilang minuto rin kaming nagkausap lahat na kasama si Ms. Moore. Nasa likod lang kami ng building. Kasi, kapag naglakad kami, o nagpakita si Ms. Moore sigurado akong hindi matatahimik ang mga estudyante.

Ilang pose na rin ang ginawa namin kasama si Ms. Moore. Yung staff niya ang kumuha ng pictures samin. Nagpasalamat din sakin si Pauline dahil, naipakilala ko siya kay Ms. Moore.

Biruin niyo yun, isang sikat na photographer lang naman ang nakasama namin. Sobrang saya ni Pauline kaya pati ako, sumaya na din.

"Jenny, kita kits na lang tayo bukas!" paalam ni Pauline sa'kin.

"Sige, mag-iingat ka Pauline ah!" ngiting sabi ko rin sa kanya.

"Sigeee. Salamat talaga kanina!" pagpatuloy niya pa.

Kinawayan ko na siya hanggang sa tuluyan na siyang umalis.

Nauna na si Missy samin kaya, ako na lang ang naiwan.

'Nathalie, nasa'n ka na ba?'

Napatingin ako sa aking relo. 4:00 na.

"Hija, ano bang ginagawa mo dito? Hapon na ah" tanong sa'kin ng isang gwardya.

"May hinihintay lang po" ngiting tugon ko.

Nang nakita ko si Nathalie, dali-dali akong tumakbo papunta sa kanya.

"Nathalie..." huminto siya. "Jenny, naman.." tumingin-tingin siya sa paligid. "Sumakay ka na nga." sabi niya at dali-daling pumasok sa loob ng sasakyan.

Sumakay na din ako. "Nathalie, yung text ni Mommy, ano ang ibig sabihin nun?" dali-dali kong tanong sa kanya.

"Jenny, si Mommy ang tanungin mo tungkol diyan dahil pati ako, naguguluhan!" biglang tumaas ang boses niya.

"Sorry---"

"By the way, naiinis ako sa'yo." mariing sabi niya habang nagmaneho.

"B-bakit"

"Never mind. Nga pala, bakit parang kilala mo ang Seventeens? Tapos si Marky, bakit parang close kayo? Tapos yung leader nila, naging partner mo? Bakit?" hindi makapaniwalang tanong niya.

"Hindi ko naman talaga sila gaanong kilala. Atsaka, hindi rin kami close ni Marky---"

"You know what? Huwag ka ng lumapit pa sa kanila. Magugulo mo lang ang buhay nila. Atsaka, hindi ka bagay sa kanila okay?"

"Nathalie, nagkakamali ka ng iniisip. Sila ang gumulo ng buhay ko---"

"Jenny pwede ba, wag kang mag-assume. Sinabi na sakin nina Annie ang lahat." giit niya kaya napatahimik ako.

"Naniniwala ka naman---"

"Bakit hindi? Totoo naman sila. Mas gusto ko din naman silang makasama kaysa 'yo." giit niya pa.

Natahimik ako. "Obvious naman eh. Hindi din naman ako magagalit sayo. Siya nga pala, bakit hindi tayo magkatulad ng schedule---"

"Sinadya ko na maging magkatulad ang schedules namin ni Marky." walang pag-alinlangang sabi niya.

"B-bakit---"

"Well, I like him." pagpatuloy niya pa.

"Huh? Isang beses lang kayo nagka---"

"Jenny, na-love at first sight ako sa kanya. Kaya, wag ka ng ume-pal." giit niya pa.

Nakaramdam ako ng lungkot.

"Ayos lang sa akin na maging ganyan ka Nathalie pero sana, hindi mo babalewalain yung pag-aaral mo" mahinahong sabi ko.

"Hoy. Mas marami akong alam kay sa'yo. Kaya wag kang magsalita ng ganyan sakin. Diba, ikaw yung wala sa klase kanina? Saan ka ba talaga nanggaling ha?" mariing tanong niya sakin.

"Kasi, inutusan---"

"Duh. Wala akong pakialam sayo. Malalaman din naman ni Mommy ang lahat" diretsong sabi niya.

"Nathalie, wag mo na lang ipaalam kay Mommy. Inutusan lang naman ako ng teacher atsaka, excuse na ako sa klase. Please, wag na nating dagdagan ang problema ni Mommy" buntong-hiningang sabi ko.

"Ikaw lang naman ang problema. Tsk!" inis niyang sabi sakin.

Napayuko na lang ako at iniisip na sana, hindi totoo 'yong text ni Mommy.

Pagdating namin sa bahay, dali-dali kong hinanap si Mommy at nakita ko siya sa may sofa, nakaupo.

"Mommy, may balita na ba kayo kay Dad?" pauna kong tanong sa kanya.

Dahan-dahan naman s'yang tumayo. "Wala man lang ba, 'good afternoon' diyan?" tanong niya pabalik.

"Mommy kasi...."

"Hi Mom, good afternoon!" agad namang bine-so ni Nathalie si Mommy.

"Buti pa itong kapatid mo. By the way, how's your day?" tanong nito kay Nathalie.

"Well, napakasaya! Sobrang saya. I met new friends" ngiting tugon naman ni Nathalie.

Bakas sa mga mukha nila ang saya.

"Mommy! Si Daddy! Anong nangyari sa kanya?!" biglang tumaas ang boses ko sa pagtanong kaya napatingin sila sakin.

"Jenny, ano bang problema mo? Paano ko malalaman kung ano ang nangyari sa Dad mo eh, wala naman akong natatanggap na messages about him. What happened?" takang tanong ni Mommy sakin.

"Mom, you nag-text ka sakin diba? You said that, Daddy is---"

"Jenny, I think hindi 'yan si Mommy. May nag-text nga din sakin eh pero, hindi ako naniwala." diretsong sabi ni Nathalie sakin.

"Patingin nga ng number." ipinakita ko kay Mommy yung number ng nag-text.

"My gosh Jenny, that is not my number! I-block mo 'yang number na yan. Hindi pwede mamatay ang Daddy niyo. Atsaka, hindi siya patay! Gosh!"

Napayuko na lang ako. Nagalit na tuloy sakin si Mommy. Sana pala, hindi ko na lang sinabi.

Sino naman may alam ng number ko? Eh, tanging si Missy, Pauline, Daddy, at Mommy lang naman ang may alam.

"Nathalie, Jenny, magbihis na kayo." utos ni Mommy samin.

Tumango ako. "Sige Mom. Sorry ulit" mahinahong sabi ko bago umakyat papuntang kwarto.

Sabihin na lang natin na madali ang oras, pero bawat oras ay mahalaga. Lahat ay makagagawa ng desisyon kahit sa isang segundo man yan o minuto. Katulad ko.






KINABUKASAN ganun parin ang sistema. Hindi ako sumabay kay Nathalie dahil alam ko naman na magagalit lang siya sakin.

At sa araw na 'to, nakagawa ako ng desisyong hindi ko alam kung pagsisihan ko. Ang iwasan ang Seventeens.

Kagaya parin ng dati, Seventeens parin ang laging sikat sa buong campus. Halos pangalan na lang nila lagi ang naririnig ko.

Sa buong klase, tahimik lang ako. Ginawa ko lang naman 'yun dapat. Ang mag-aral ng mabuti at iwasan ang Seventeens.

Araw-araw ko lang naman nakikita ang mukha at itsura ni Prince Cortes. Ang nag-iisang demonyong tao sa paaralang ito. May mga activity sa school na nakasama ko si Prince kaya nga, gumagawa ako ng paraan para iwasan o lumayo sa kanya.

Gusto ko maging simple lang ang lahat. Yung tipong, parang normal na estudyante lang ang nakakasalamuha ko.

Si Marky naman, lumalapit parin sakin kaya lang iniiwasan ko na siya pati 'yung iba. Sinasabi ko rin sa isip ko na sana, alam ni Marky ang dahilan kung bakit ko siya iniiwasan. Mahirap siyang iwasan. Lalo na't, para ko na siyang kaibigan.

"Jenny, bakit ba ikaw ang nilalapitan ni Marky ha?!"

Hindi ko na mabilang kung ilang ulit na tinanong sakin ni Nathalie ang tanong na hindi niya makakalimutan. At ang tanong niya ay hindi ko kayang sagutin. Dahil, hindi naman ako si Marky.

Maraming araw na ang lumipas pero, ganun parin ang ginawa ko. Mag-aaral ng mabuti at iiwasan ang Seventeens. Medyo nasanay na ako sa pag-iwas sa kanila maliban na lang kay Marky. Hindi niya parin ako nilubayan.

"Jenny!" boses 'yon ni Queen Faye kaya nilingon ko siya.

"Anong kailangan mo?"

"Kailangan?Simple lang. Masyado ka ng pabida sa mga kaklase natin. Para kang si Joven kong umasta. Kaya pwede ba, tigilan mo na---"

"Ms. Faye, ikaw ang tumigil. Nanahimik na si Jenny, guguluhin mo pa?" biglang nagsalita si Marky kaya hindi niya natapos ang sasabihin.

"Hmpk! Bahala nga kayo!" iritadong sabi ni Queen bago umalis.

Nang umalis na si Queen, ay dali-dali din naman akong umalis.

"Sandali!" rinig kong pagtawag ni Marky sa pangalan ko pero nagpatuloy parin ako sa paglalakad hanggang sa..."Can we talk?" hinawakan niya ang kamay ko dahilan ng aking pagtigil. "Bakit mo'ko iniiwasan? Ilang araw mo na akong hindi pinapansin. Akala ko ba magkaibigan tayo" pagpatuloy niya.

"Hindi tayo magkaibigan." wala akong magawa kundi ang sabihin 'yon sa kanya.

"That's not true. Alam kong may dahilan. Sabihin mo sakin. Tutulungan kita" giit niya.

Napailing ako. "Sorry. Wala kang maitulong. Sige, bye!" diretsong sabi ko at nagsimulang maglakad paalis.

Miyerkules na pala ngayon. Hayst. Matagal na ring, hindi ko nakausap si Marky. Kaibigan pala talaga ang turing niya sa'kin. Patawad Marky.

"Jenny, bakit ang tagal mo namang mag-cr!" salubong sakin nina Pauline.

"Sorry na"

"Tutal, break pa naman... edi dun muna tayo tatambay sa school cafe" anyaya ni Missy samin.

"Oo nga naman" sang-ayon naman ni Pauline.

"Oh, Jenny bakit parang malungkot ka?" tanong nila sakin.

Dali-dali akong umiling at ngumiti ng bahagya. "Wala 'to---"

"Ang sabihin mo, gusto mo ng makausap si Marky---"

"Uy, hindi ah! Mabuti na nga 'tong ginagawa natin eh." I breathe. "Let's go?" ngiting tanong ko sa kanila.

Nang nakarating na kami sa loob, nabawasan na 'yong pag-iisip ko ng kung ano-ano dahil sa masasarap nilang kape at milk tea dito.

"Excited na ako sa mga activities natin! Grabe ah ang saya nung kahapon!" tuwang sabi ni Pauline.

"Yeah, you're right!" sang-ayon naman ni Missy.

"Ikaw Jenny, sino crush mo dun sa grade 10?" ngiting tanong ni Pauline sa'kin.

"Pauline, mga bata pa 'yon." giit ko naman.

"Atleast, gwapo diba? HAHAHA!" tawa nila pareho.

Napailing na lang ako.

Sa hindi inaasahan, nahagip ng paningin ko si Prince Cortes na nasa labas.

Sino kaya ang hinintay niya?

'Duh, who cares?'

"Jenny, bakit ganyan yang mata mo? Sino ba yang inikutan mo ng mata diyan ha?" takang tanong ni Pauline sa'kin.

Dali-dali kong iniba ang aking tingin at umiling. "Wala ah!"

"Eh, Jenny... sino ba kasi ang tinitingnan mo diyan sa labas?" tanong naman ni Missy sa'kin.

"Wala nga!" giit ko.

Di kalaunan, nawala na din sa topic namin yung tiningnan ko sa labas ng cafe. Buti na lang talaga, hindi nila

You are reading the story above: TeenFic.Net