11: Leads to a Fight

Background color
Font
Font size
Line height



CHAPTER 11

Leads to a fight

PRINCE POV

"GRABE TALAGA. Bwisit." inis kong bulong habang naglalakad kasama ang Seventeens.

"Hindi parin mabura sa isip ko ang itsura niya. Grabe ang gan-"

"Liam, kung itutuloy mo yang sasabihin mo, mag-impake kana pauwi." inis kong pagputol sa sasabihin niya sana.

"Naks naman Prince. Eh ikaw nga yung agad na sumugod sa kanila para tulungan si nerd eh-"

"Lance, shut that fvcking mouth!" bigla kong sigaw. "Pwede ba, maglaro na lang tayo." pag-iiba ko sa usapan.

Rinig ko namang napatawa sila ng marahan.

"Oh, bola!" agad ko namang sinalo yung bola na ipinasa ni Marky sa'kin.

"Gaya parin ng dati ah. Si Prince at si Jack kasama ko." sabi naman ni Jhon.

"Lokong to. Sige, tatalunin na namin kayo ngayon hahaha!" sabi naman ni Liam.

"Start na!" sigaw ni Jack.

Nagsimula na ang laro namin.

Malapit na kami matapos at nasa 'kin ang huling bola.

Isang malakas na hampas ang ibinigay ko hanggang sa, napunta sa maling direksyon ang bola.

"Ay!" diko nakita yung mukha dahil nakatalikod ito pero sigurado akong natamaan siya sa ulo.

Kawawa siya pero dapat lang yun. Palakad-lakad pa kasi eh alam naman niyang may naglalaro dito.

"Hala, miss!"

"Naku, Prince"

Pinuntahan nila yun babae.

"Mga tol, ano ba? Tatapusin ba natin ito o hindi?" iritado kong tanong sa kanila.

"Ladies first muna kawawa kasi." sabi ni Jhon sabay tapik sa balikat ko.

"Jenny!?" rinig kong sabi ni Marky dun sa babae.

'Wtf. Buti nga hahahah'

Nakangisi akong pinuntahan sila.

"Jenny, gising!" nadatnan kong sabi ni Marky.

'Talaga bang, nag-aalala siya sa nerd na yan?'

"Pftt. Marky, wag mong sabihing nag-alala ka diyan" sarkistong sabi ko.

"Tol, hindi naman sa ganun pero pa'no kung may makakita satin-"

Bago niya natapos ang sasabihin, may mga boses na akong narinig sa paligid.

"Gosh, anong nangyari sa babae?"

"Tingnan niyo oh"

"Kawawa naman"

"Anong ginawa nila sa babae?"

"Hey, wag po kayong mag-alala mga miss. Kasama po namin siya, nahimatay lang" ngiting sabi ni Jhon sa mga nakakita.

"Bwisit. Kargahin niyo na nga yan." malamig kong utos sa kanila.

'Mapapahiya pa kami sa babaeng yan'

"Sinong kakarga?" tanong ni Liam.

"Ako na" tugon naman ni Marky.

Kakargahin niya sana ng bigla kong pinigilan.

"Wag na lang kaya. Nagkukunwari lang yan! Pabayaan niyo na nga lang-"

"Prince ikaw ang may kasalanan nito ehh." sabi naman ni Jack sakin.

"Bakit ako? In the first place, siya ang may kasalanan. Bakit ba kasi lumalakad pa siya. Ehh hindi naman niya nakita kung saan siya pupunta. Malabo pa yata ang mata. Pfft!" sabi ko bago tumawa ng marahan.

"Ano na ang gagawin natin diyan? Dumadaan na yung mga tao o pinagtitinginan na tayo. Ayaw ko pang makulong" takot na sabi ni Liam.

"Pre bading ka ata..wag ka ngang O.A" sipat ni Jhon sa kanya.

Nagsalita naman si Marky. "Prince, concerned lang ako sa grupo natin. Kaya ako na ang-"

"Sige, kargahin mo na." walang ganang utos ko.

Walang pag-alinlangan niya itong kinarga at idinala sa loob ng Hotel. Sa mismong room pa namin.

'Diko talaga maiwasang hindi mainis'

Nasa may balkonahe ako, nakatayo habang tumingin sa buong paligid. Magiging maganda sana ang buong araw namin kung hindi lang nandito ang nerd na yun.

'I really hate her. Hindi siya gusto ng mga mata ko'

"Mga tol, gising na siya." napatingin ako sa loob.

'Sana hindi na lang siya nagising'

"Anong nangyari?Bakit ako nandito?" rinig ko namang tanong ng nerd habang nakahawak sa noo niya.

Tsk. Sinadya niya yatang mahimatay para kargahin siya ni Marky. Kadiri.

"Mabuti naman at gising ka na" rinig ko namang sabi ni Marky.

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa banda nila. Medyo malayo ako kaya di niya ako napansin.

"M-Marky andito ka rin?Anong ginagawa mo dito? Atsaka, kaninong-"

"Ms. Kim, nandito ka sa loob ng kwarto namin." pagputol naman ni Liam.

"Ms. Kim, ayos ka lang?" mahinahong tanong ni Lance.

"H--hindi ko maintindihan. Bakit.... Atsaka, ang sama ng panaginip ko" rinig ko namang sabi pa niya.

"Nerd, wala kang naalala?" tanong ni Jhon sabay ngisi.

Kita ko namang napailing si Nerd.

Grabe, ang oa niya naman. Pasalamat nga ay bola lang ang tumama. Tsk.

Sarkisto akong ngumiti dahil may naiisip na naman akong plano.

Kinuha ko yung libro ni Jack na nasa may mesa bago ibinato sa ulo ni Nerd.

'Yan, para makaganti na din ako sa pagbato niya sa ulo ko nung nakaraan'

"Aray!"

Yan buti nga. Tingnan natin kung wala kang maalala.

"Prince!"

"Tol naman."

"Lokong to!"

Sipat ng tatlo sa'kin.

"Ms. Kim, ayos ka lang?" pag-alalang tanong ni Marky sa kanya.

"Sino yun?!"

"Pfft, HAHAHA!" hindi ko maiwasang hindi matawa sa galit niyang tanong.

Napatingin naman silang lahat sa'kin.

"Oh, gulat kayo noh? Masyado naman kasing oa." sarkistong tanong ko sa kanila.

"Ikaw!..." dali-dali namang tumayo si Nerd habang nakahawak sa ulo niya. "Arayy.."

"Ms. Kim, wag ka munang tumayo" mahinahong sabi ni Marky sa kanya.

Hindi nakinig ang nerd dahilan ng pagtayo niya.

"Ikaw..... Wala ka talagang puso.." mariing sabi niya sa'kin.

Tinaas ko lang ang aking kilay sabay ngisi.

Dahan-dahan siyang lumapit sa'kin.

"Wala talagang puso ang isang feeling prinsipe na katulad mo." mariing sabi nito at bakas sa boses ang galit.

"Ako ba-"

"Sino pa ba ang Prince dito!?" inis na sigaw nito sa'kin.

"Ano namang pakialam ko?" sarkistong sabi ko.

Bigla niya akong itinulak. "Wala kang konsensya!"

"Ohh"

"Alam mo? May oras ka rin sakin! Magsisisi ka!" inis nitong sabi bago umalis.

'Takte natulak pa 'ko'

"Wait lang Jenny" susundan sana siya ni Marky pero hindi niya nagawa.

"Kanina, Ms. Kim tas Jenny. Ano ba talaga ang tawag mo...."

Di natapos ni Jhon ang sasabihin niya dahil bigla akong nilapitan ni Marky.

"Prince..." pauna niyang sabi.

Inayos ko ang aking sarili. "Ayos lang kung pagalitan mo'ko." simple kong sabi.

"Masakit na nga ang ulo niya tapos, binato mo pa." giit niya.

"Well, mga tol wag naman sana tayong mag away-away nasa bakasyon tayo-"

"Sino ba ang nagsimula?" giit ko. Napatawa ako ng marahan. "Alam mo Marky, wala namang problema sa'kin eh. Atsaka hindi ka naman ganito ka-concern sa mga babae kaya nagtataka ako. Ayos lang kung kakampihan mo yung nerd na yun. Wala akong pakialam. At kung gusto mong sumama sa kanya o samahan siya, edi, dun ka na. Wala din akong pakialam. Kung ikaw galit sa'kin, wala akong pakialam. Pero tandaan mo sana yung pangako natin. Ang pangakong hindi tayo hahantong sa away." simple kong paliwanag bago naglakad paalis.

"Teyka, tol!-"

"Hayaan muna natin siya." rinig kong sabi nila.

Fvck. Ang oa ko. Kasalanan talaga ito ng Nerd na yun.

➤THANK YOU FOR READING.
don't forget to
VOTE AND COMMENT.
thank you gemanians.

keep safe everyone.

- Ate Gema love's ya'll~


You are reading the story above: TeenFic.Net