07: Changes

Background color
Font
Font size
Line height

CHAPTER 7

Changes





JENNY's POV

HINDI KO ALAM kung ano ang maging reaksyon ko sa narinig.

"Ha? Eh...." walang lumalabas sa bibig ko.

'Totoo ba to?'

Naalala ko yung sinabi niya nung nasa may field kami. Humingi siya ng tawad sa mga sinabi niya sa'kin nung nasa may rooftop. Hindi ako makapaniwala na may lalaking kagaya niya sa school na to na humihingi ng tawad. Kahit na, parte siya ng Seventeens mabait parin siya sa'kin.

At kanina nung nasa may piano area kami... pinagtanggol niya ako sa leader nila.

'Paano ako hindi hahanga sa kanya?'

"Ah kasi, diba partner tayo sa O.C na subject? Atsaka, kahit na may script mas mabuti kapag praktisado natin-"

"Uhm kasi, ang totoo niyan.. wala pa akong bagong cellphone" sabi ko bago yumuko.

'Bukod sa may iba akong iniisip, wala pa akong cp'

Nakakahiya talaga.

"Pftt... HAHAHA!" mariin kong tiningnan ang demonyong tumatawa.

'Wala talaga siyang kasing sama!'

Pati cellphone, di niya na binayaran!

"Bakit dika humingi sa Daddy mo? Haha!" pagpatuloy niya pa.

"Hmmm. Ms. Kim ayos lang." mahinahong sabi ni Marky.

Nakakadismaya talaga. Kapag kaming dalawa lang, 'Jen' ang tawag niya sa'kin. Pero, pag may mga ibang kasama.... 'Ms. Kim'.

"Hoy! HAHA ba't natulala ka? Ano? iniisip mo ba na-"

"Hoy ka din! Demonyo ka, wala akong balak na mag-isip ng kung ano-ano!" pagsisinungaling ko.

"Prince, tigilan mo na ang kaibigan ko, pakiusap-"

"White lady, wag ka na lang makialam." pagputol ni Jhon kay Pauline.

"Jack naman, kuya ka sa kanila tapos tahimik ka lang? Pagsabihan mo naman yang mga kaibigan mo. Sumobra na sila! Tinagurian ka pa namang matalino pero, wala kang isip pagdating sa mga inaapi ng mga kasama mo!? Paano ka naging kuntento kung yang mga kaibigan mo, walang puso?!" natahimik ang lahat sa biglaang pagsigaw ni Missy sa harap nung Jack.

Napatingin ako kay Jack na nagpipigil ng galit.

'Bakit sila ganito? Wala naman kaming ginawang masama'

"Jenny, Pauline, umalis na tayo.." napatigil kami dahil may humila kay Missy.

"Sandali." sabi ni Jack.

"Bitiwan mo'ko!" agad namang binitiwan ni Jack si Missy.

"Ikaw din naman. Matanda ka na. At, kung alam mo namang walang kalaban-laban yang kaibigan mo, edi sana pinagsabihan mo siya na wag nang subuking lumaban pa." mariing giit nito kay Missy.

This is all my fault. Ayaw ko silang madamay pero, wala eh. Bakit naman kasi ganito!

"Jack, Prince, Jhon, tama na. Pabayaan na lang natin sila." mahinahong sabi ni Marky sa kanila.

Si Marky lang ang matino sa kanilang lahat.

"Let's go girls may araw rin satin ang mga yan" sabi ni Pauline bago kami lumabas.

Nang nasa labas na kami, biglang nagsalita si Missy.

"Pano siya naging matalino kung ganyan ang ugali niya! Argh! I hate him!" galit nitong sigaw sa sarili.

"Kasalanan ko yata yun. Nang dahil tuloy sa'kin-"

"Wag mong sisihin ang sarili mo. Ganyan lang talaga sila. Makakarma lang din sila pagdating ng araw" giit ni Pauline.

"Mabuti na lang talaga, hindi si Marky ganun" buntong-hiningang sabi ko.

"Indeed. Si Marky lang ang may matinong pag-iisip at pag-uugali" sang-ayon ni Missy.

"So girls, basta ah. Yung sa Boracay, dapat matutuloy yun!" pag-iiba ni Pauline sa usapan.

"Kung papayag si Dad at Mom bakit hindi?" ngiting tugon ko.

"Basta, ako, siguradong papayag sila!" tili naman ni Missy.

"Simula ngayon, wag muna nating isipin ang mga nangyayari sa araw na to. Dahil, magsaya muna tayo. Basta, kita kits na lang sa Boracay ah!" ngiting sabi pa ni Pauline.

"Yeah."

"So, girls... I need to go now. Nag-text na si Dad na kailangan ko nang umuwi. Basta, bukas ah! Kita-kits! mwah!" paalam ni Pauline sabay beso.

"Bye!" ngiting sabi naman namin sa kanya.

"Lika na? Ilalagay ko na muna itong libro sa locker.... Oh, bakit?" tanong ko dahil napahinto siya.

"My Dad, called me kanina. Kailangan ko raw umuwi ng maaga kasi sasabayan ko siyang puntahan si Lola" mahinahong sabi niya.

"Aww. He-he ayos lang. Sige magkita na lang tayo sa Boracay bukas. Bye, mag-iingat ka" sabi ko bago siya niyakap.

"Ikaw din. Basta bukas, magbo-bonding na tayong lahat!" tuwang sabi niya. "Sige, paalam!" paalam niya sakin.

Ngumiti lang ako at di kalaunan ay nakaramdam ng lungkot.

Oo, malungkot ang mag-isa.

Nagsimula na akong maglakad paalis ng building para pumunta sa kabila.

Sana talaga bukas maging maganda at masaya ang bonding namin. At sana rin, payagan ako.

May mga estudyante paring nasa mga classroom nila. Kami lang kasi ang pinayagan na walang pasok 2 weeks from now.

"Hey, hi? San ka pala pupunta?" napahinto ako sa nagsalita.

It's Trisha Lim.

"Hi, papunta akong locker" simple kong sagot.

"Well, about nga pala dun sa pagiging bully ni Prince. Oh well, siyempre ang bilis ng balita. Nakarating sa'kin yung about dun sa nangyari sa music class niyo." napatango na lang ako sa sinabi niya. "As a vice president of this school, gusto ko lang sabihin sa'yo na, wag mo na lang patulan. Sosobra si Prince pag pinatulan mo pa siya" pagpatuloy niya.

"Kaano-ano mo ba siya?"

"Well, mag business partners lang ang family namin. Mas ate kasi ako dun kaya ayun, nag-alala lang ako sa mga na-bully niya" paliwanag niya.

"Ah, okay. I'll try na hindi siya papatulan. Thank you sa advice" sabi ko bago nagsimulang maglakad ulit.

She's not sincere.

Nang inilagay ko na yung mga libro ko sa locker, nagsimula na ulit akong naglakad. Sa paglalakad, naisipan kong ayusin yung mga notebook ko sa loob ng aking bag. Napahinto ako dahil nakita ko yung uniporme.

'Kanino kaya to? Gusto kong magpasalamat sa taong yun'

Isasarado ko na sana yung bag ko, nang bigla na lang may tumulak sa'kin.

*BOGSH!*

Nahulog na naman yung mga notebook ko.

Dali-dali ko yung kinuha isa-isa ng biglang may nagsalita.

"Bulag ka ba?!" rinig na rinig ko ang galit niyang boses.

'Siya na naman?'

Ayaw ko nang magsalita pa. Baka lalaki na naman ang gulo.

Pinagpatuloy ko lang yung pag-aayos ko sa mga notebook ko.

"Hoy, wala ka bang respeto!? Hindi ka man lang mag-sorry?!" tanong niya ulit pero, diko pinansin.

Bahala siya sa kakasigaw. Hindi ko din naman kasalanan.

Nainis lang ako dahil sa pagkuha niya sa isa kong notebook.

"Akin na yan." giit ko bago tumayo.

Mariin ko siyang tiningnan at napatingin na lang din ako sa mga kasama niya. Dalawa lang sa seventeens ang kasama niya.

"Hinanap mo ba si Marky? Pwes, wala siya dito kaya walang magtatanggol sa'yo." sarkistong sabi niya.

"Akin na yang notebook ko." giit ko ulit.

"Sinadya mo bang ihulog mga gamit mo para mapulot ko?" sarkistong tanong niya pa.

I sighed. "Siguro nakita mo naman diba? Na, may tumulak sa'kin-"

"Sanay na kaming marinig ang ganyang palusot" pagputol nung Lance.

"Kung ayaw n'yong maniwala, hindi ko na problema ang bagay na yun." giit ko.

"Hoy bulag! Diba may eyeglasses ka naman? Ano? Lumalabo na ba yang mga mata mo? HAHAHA!" kasabay nun, ay ang kasabay ng kanilang pagtawa.

'Hindi na talaga ako mag su-suot ng salamin bukas!'

"Wala kang pakialam. Pwede ba, ibigay mo na sa akin yang notebook ko!" galit kong sigaw bago lumapit sa kanya para kunin ang notebook ko na nasa kamay nito.

"Uh-uh! Abutin mo muna HAHAHA!" panunuya niya bago itinaas ang notebook ko kasabay ng pagtaas ng kanyang kamay.

Tumalon talon pako para abutin iyon.

Walanghiya talaga ang lokong to. Isip bata!

"Akin na nga yan!" giit ko na mas lalo niyang ikinatawa.

"Naks naman!" tawang sabi ng mga kaibigan niya.

Mabuti na lang talaga wala pang dumadaang estudyante.

"Kung kaya mong abutin NYAHAHAHAHA!" pang-aasar niya sabay talon.

Napahinto ako.

"Oh, hindi mo na kukunin? hindi mo ba kaya? Ha? Hahaha!" panunuya pa niya.

'Ganun ah'

Nilapitan ko siya at sinuntok ko ang tyan niya.

Pero, hindi kagaya ng nasa isip ko ang nangyari. Nahila niya ako kasabay ng pagbagsak niya.

"Uyy, naks naman!"

"Sweet niyo naman!"

Panunuya ng dalawa niyang kaibigan.

Napatingin ako sa kanya na panay ang ngisi.

"Ano? wala ka bang balak umalis sa ibabaw ko? May pasuntok-suntok ka pang nalalaman tapos-"

"Argh! langya ka! langya ka!" dali-dali akong tumayo at kinuha yung notebook ko.

"Ikaw ang walanghiya! Ang kapal ng mukha mong suntukin ako ha?!" galit niyang sigaw.

Binigyan ko lang siya ng masamang tingin bago umalis.

Ang sama-sama niya. Bakit may taong kagaya niya?! Bago pa lang ako sa paaralang to tapos, parang kilala ko na ang ugali niyang napakasama.

'Isip bata at mayabang!'

Paglabas ko ng campus, sakto namang dumating si Manong.

"Good afternoon, bakit nga pala ang aga mo hija?" tanong nito sa'kin pagpasok ko.

"Maaga kaming umuwi atsaka, 2 weeks kaming walang pasok" buntong-hiningang tugon ko.

"Kung ganoon, bakit parang hindi ka masaya?" tanong ulit ni Manong.

"Kasi po, ang pangit ng araw ko. Bukas talaga, hindi na ako magsusuot ng salamin." inis kong sabi sa aking sarili.

"Naku hija, wala namang masama sa pagsusuot-"

"Sa inyo po, walang problema pero sa ibang tao... hayst! Buo na po ang desisyon ko." mahinahong sabi ko.

"Sige, aalis na tayo" tumango na lang ako.

Sa gitna ng biyahe, nagtanong ako.

"Manong, alam niyo po ba kung saan banda ang Boracay?"

Tumango si Manong. "Bakit?"

I smiled. Di alam nina Missy na hindi pa ako nakapunta roon.

"Ano po ang meron sa lugar na yun?"

"Well, sikat ang lugar na yun dahil doon nagbabakasyon ang ibang tao kahit na sa ibang bansa. Dinadayo iyon ng mga turista bukod sa may magandang dagat at lugar, marami ring mga resort at iba pa." napangiti ako sa paliwanag ni Manong.

Mukhang maganda nga. Magiging maganda ang bakasyon namin. Pero, ang problema...... hindi ako marunong lumangoy. Hayst, bahala na nga.

"Siya nga pala hija, bakit mo naman naitanong?"

"Balak kasi namin na doon magbabakasyon kasama ang dalawa kong kaibigan. Kung papayagan ako"

"Wag kang mag-alala, ako mismo ang maghahatid sa'yo papunta roon." ngiting sabi ni Manong.

"Salamat po" tugon ko.

Nang nakarating na kami sa bahay, sinalubong ako ni Dad.

"Daddy!" I hugged him.

"Anak, this is your new phone!" tuwang sabi niya bago ibinigay sa'kin ang isang pink na lalagyan.

"Yeiiii, thank you Dad!" I kissed him on cheeks.

"Basta para sa'yo. O siya, let's go inside" tumango ako sa sinabi ni Dad.

"Dad, salamat talaga dito. By the way, kamusta po yung trabaho niyo?" mahinahong tanong ko.

"Well, mamaya ko na lang sasabihin."

Bakas sa boses niya ang pag-aalinlangan.

Wala akong magawa kundi ang tumango. "Okay he-he. By the way Dad, where's Mom?" I asked.

"Pinuntahan si Nathalie sa school nila dahil may meeting."

"Dad, tanong ko lang. Bakit parang close si Mom at Nathalie? I mean, hindi naman dapat ako nagtatanong ng ganito pero kasi-"

"Anak, wag mo na ulit itatanong yan okay? Mahal ka ng Mom mo. At lalong mahal na mahal kita" mahinahong sabi ni Dad bago ako niyakap.

"Dad naman, yang boses niyo para naman kayong aalis niyan" mahinahong sabi ko bago pinunasan ang aking luha.

"Magandang hapon! Awww. Bakit ang drama niyo?" biglang dumating si Mom at niyakap si Dad. "Hi, honey"

"Hi Dad" sabi ni Nathalie bago hinalikan si Dad sa pisngi.

"Kumusta ang meeting?" tanong ni Dad kay Mom.

"Well, ayos lang." ngiting tugon ni Mom bago tiningnan si Nathalie.

"Mom, Dad, punta lang ako sa kwarto-"

"Wow!" biglang kinuha ni Nathalie ang dala ko kaya napahinto ako. "Ang ganda naman nito! Dad, bilhan niyo rin ako ng ganito-"

"Nathalie!" sipat ni Mom sa kanya. "Ibigay mo nga yan kay Jenny!"

Biglang nainis ang mukha ni Nathalie sa'kin. "Sorry, nagandahan kasi ako" ngiting sabi niya sakin.

"Nathalie, may cellphone ka pa naman. Kapag sira na yun, pwede ka namang bumili ng bago okay?" mahinahong sabi ni Dad sa kanya.

"I know Dad. Sana, hindi na lang kayo ang bumili. Pwede naman kasing si Jenny na lang" giit ni Nathalie.

"Nathalie, remember. Hindi pa kabisado ni Jenny ang lugar." sabi naman ni Mom sa kanya.

"Yeah Haha oo nga pala. Sige, punta na ako ng kwarto" paalam niya sa'min.

"Ako din Dad, Mom." paalam ko naman sa kanila.

"Veron, we need to talk" rinig kong sabi ni Dad kay Mom bago sila pumunta sa may kusina.

Pagkarating ko sa kwarto, agad kong binuksan yung binili ni Dad.

"Sa wakas, may cellphone na'ko!" tuwang sabi ko sa aking sarili.

Hindi na ako papayag na sisirain na naman ng prinsipeng yun ang cellphone ko.

Binuksan ko rin yung bag at inilabas yung uniporme.

"Kung sino man ang nagbigay sa'yo, salamat sa kanya. At sana, hindi siya katulad ng demonyong yun." ngiting sabi ko bago kumuha ng hanger at inilagay iyon sa cabinet ko.

'Mamaya na kita labhan'

Biglang may kumatok. "Pasok ka" sabi ko.

"Jenny, ano yung narinig ko?" taas kilay niyang tanong.

"A-Ano?"

"Siyempre yung demonyo thingy"

"Ah, eh.. wala-"

"Anong wala? eh naiinis ka nga! O baka naman, may nakaaway ka na sa school niyo hindi mo lang ipinaaalam kay Dad dahil ayaw mong umalis sa University!" biglang tumaas ang tono ng boses niya.

"Nathalie, wala akong nakaaway. At ano bang meron? Hindi ko gustong umalis sa Harvend dahil nangako ako kay Dad-"

"Ganyan naman talaga lagi. Alam mo? Nagseselos ako sa'yo pero, hindi ko na lang pinahalata. Lagi na lang ikaw ang kinakampihan nilang lahat!" inis niya pang sigaw.

"Nathalie, sabihin mo nga sa'kin. Ano bang nangyari sa meeting?" I asked her.

"Wala ka nang pakialam dun. Maka-alis na nga!" inis niya paring sabi bago umalis.

Napaupo na lang ako sa aking kama.

Tumingin ako sa salamin.

"What's wrong with me? Sa school, binu-bully ako. Sa bahay naman, may nagseselos sa'kin" mahinahong sabi ko sa aking sarili.

Dahan-dahan kong kinuha ang eyeglasses ko. "Dahil ba, pangit ako? Dahil ba, nerd ako?"

Tumayo ako at lumapit sa may mesa at binuksan ang drawer. Kinuha ko yung contact lenses doon.

'It's been a long time na hindi ko nagamit ang iba rito'

Kumuha ako ng isang pares at dahan-dahan ko iyong inilagay sa gitna ng aking mga mata.

Sanay na akong gawin to. Pero, kinukuha ko dahil hindi ako sanay. Kaya ngayon, sasanayin ko na ang aking sarili.

Inilagay ko sa drawer yung eyeglasses ko. "Hindi na kita

You are reading the story above: TeenFic.Net