04: Stupid Nerd

Background color
Font
Font size
Line height


CHAPTER 4

Stupid Nerd

PRINCE POV



HABANG NAGLALAKAD, hindi ko maiwasang isipin ang nangyari kanina lang. Parang may naapakan ako na nabasag.

'Kung kanino man yun o kung ano man yun, Wala akong pakialam! buti na lang, hindi ako nasugatan sa bagay na yun.'

Baka nga sa mga fans lang namin yun.

May rule sa SVT building na kinatatayuan namin. Tanging mga kakilala o ang papayagan ko lang ang pupunta dito.

Papunta pa lang kami sa SVT room. May pinuntahan pa kasi kami kanina.

"Uyy mga kuys tingnan niyo yun ohh" natatawang wika ni Kayzer.

Napabaling ang atensyon ko sa direksyong tinuro niya.

"Luhh diba yan yung babaeng nakaaway mo, Prince?" tanong naman sa akin ni Jack.

I sighed. "May gana pang pumunta dito ang nerd na yan!" inis kong giit sabay iling.

'Di niya talaga ako kilala. Ang lakas ng loob niyang pumasok sa building na 'to!'

Walang gana akong naglakad papunta sa kanila.

"Uy tol, san ka pupunta?" tanong sakin ni Liam.

"Teritoryo natin 'to kaya, paalisin niyo ang pangit na yan." ma-awtoritadong utos ko sa kanila sabay hinto.

Tumango sila at naunang naglakad si Jhon, Liam, Lance, at Kayzer.

'Ayaw ko talaga na may pupuntang pangit sa lugar ko. At wala siyang permiso sakin para pumunta dito!'

Nasa may likuran pa kami ng mga babaeng yun. At napahinto ako dahil sa narinig.

"Hoy! lumabas kayo diyan sa lungga niyo! mga pangit! Pagbabayaran niyo ang ginawa ninyo sa cellphone ko! arghh mga pangittt!" sigaw ni nerd na ikinagulat at ikinagalit ko.

'P*ta. Pangit? bulag ba ang pangit na toh!'

Sinenyasan ko ang iba na huminto muna. Gusto ko pang marinig ang sasabihin ng nerd na to.

"Jenny tara na" rinig kong awat ni Pauline sa kanya.

"Wait lang.. I want to see that ugly group!" bakas sa boses niya ang inis.

Dahil, napipikon na ako sa sinabi ng nerd, nagsimula ulit akong naglakad papunta sa kanila.

"Sinong sinasabihan mong pangit?" malamig kong tanong sa mataas na tono.

Dahan-dahan silang lumingon samin.

"Umalis kayo dito sa teritoryo namin!" naka-pamulsang sigaw ni Jhon sa kanila.

"Miss Kim, hi?" ngiting bati naman ni Liam sa kanya na ikinainis ko.

"Liam." malamig kong sabi na ikinatahimik niya.

"Ohh oo nga pala. Mga unggoy kayo!" biglang uminit ang ulo ko sa sigaw ng nerd.

"Kung hindi niyo pa paalisin ang babaeng yan, susuntukin ko talaga yan" ma-awtoritadong bulong ko kay Marky na nasa aking gilid.

Bumuntong hininga siya. "Prince---"

Biglang nagsalita si nerd kaya mariin ko siyang tiningnan.

"Hoy! ikaw.." lumapit siya sakin dahilan kung bakit napaatras ang kasama ko. "Nakikita mo ba ito?" napatingin ako sa tinuro niya.

I laughed. "Bobo ka ba? Dimo ba alam kung ano yang hawak mo? grabe, paano ka nagkaroon ng mataas na score kanina kung pati cellphone, dimo alam? pfft" bigla akong natawa sa sinabi ko.

"Oo nga, HAHAHAHA" tawang sabi ng mga kaibigan ko.

Napailing na lang ako at tiningnan siya. "Kung nagpunta ka dito para matawa kami, pwes wala kaming perang maibigay sa'yo kaya, umalis ka na lang" sarkastikong sabi ko sabay tawa.

She laughed mockingly. "Kaya nga, bayaran mo toh!" mariin nitong tugon na mas lalong ikinainis ko.

"Owwss" tawang bulong ng mga kaibigan ko.

"Miss, hindi mo kaano-ano si Prince kaya wag kang magsalita na parang close mo siya" birong sabi ni Lance sabay tawa.

"Mahiya ka naman" sabi naman ni Kayzer.

Tumawa ako bago nagsalita. "Oo nga nerd. Dapat lang na mahiya ka. At isa pa, bakit ko naman babayaran ang cellphone mong pangit?" diretsong tanong ko sabay ngisi.

Bigla kaming tinuro ni Pauline gamit ang kamay niyang nanginginig. "H--Hoy kayo wag kayong magsalita ng ganyan sa kaibigan k-ko!" galit na may halong takot ang pagkasabi niya.

Mas lalo kaming natawa."HAHAHAHAHA" napuno ng tawanan ang lugar.

"Hoy ang sama niyo!" mas lalo kaming natawa sa mahinang sigaw ni Missy.

'Entertainers yata ang mga baliw na 'to.'

Nagulat ako nang biglang inilapit sa mukha ko ang sirang cellphone ni nerd.

"Tinapakan mo ito kanina nung pinag kakaguluhan kayo ng mga babae! kaya, bayaran mo toh!" inis niyang sigaw sa pagmumukha ko.

Gusto kong manapak ngayon kaso, pinipigilan ako ng kamay ko.

"Miss, mas maganda kung umalis na kayo bago pa---"

Hindi ko na pinatapos magsalita si Jack.

"Kasalanan ko ba kung ganito kami kasikat? Hindi naman diba? Kasi, kasalanan mo kung bakit ikaw nakikipila rin sa labas para lang makakita samin. At ngayon, hindi pa kayo nakuntento? Gusto niyo pa talagang pumunta rito para malapitan kami? Ganoon ba talaga kami ka-sikat sa inyo?" tanong ko pabalik na ikinatahimik nila.

Mariin kong tiningnan isa-isa ang mga kaibigan niya. Bigla silang yumuko nang nagtama ang mata ko sa kanila. Kilala ako nina Pauline kaya bakit kailangan pa nila painitin ang ulo ko.

Bigla akong tinulak ni nerd kaya napahinto ako. "Wala akong pakialam kung gaano kayo ka-sikat! At isa pa malay ko ba kung sikat pala kayo. At wala akong oras sa mga walang kwentang bagay. Basta, bayaran mo toh! Hindi mo alam kung gaano kaimportante sakin ang cellphone na to!" galit nitong giit na may halong lungkot.

I scoffed in disbelief.

Mariin kong tiningnan ang mga kaibigan ko at ni isa sa kanila, walang nagsalita!

Binalik ko ang aking tingin kay nerd. "Hoy nerd. May ebedensiya ka ba? Atsaka isa pa, wala akong pakialam kung mahalaga sa'yo ang sirang cellphone na yan! Diba nakapasok ka sa paaralang ito kaya dapat, mayaman ka. At ang mayayaman, hindi pinag a-aksayan ng oras ang sirang bagay " malamig kong sabi habang tinutulak tulak siya.

'Putak ng putak wala namang ebidensya. I really hate this kind of stupid.'

Tinulak niya ulit ako at agad na tinuro. "Damn you! Wala kang pakialam kung mahirap o mayaman kami atleast, may respeto kami sa mga tao. Hindi katulad mo. At oo, wala nga akong ebidensiya pero, kitang kita ko naman na naapakan mo yung cellphone ko kanina! at isa pa.." yumuko siya para tingnan ang sapatos ko. "Ikaw lang naman ang naka black shoes na kasing itim ng ugali mo!" sigaw nitong sabi habang tinignan ako mula ulo hanggang paa.

"HHAHHAHAHHA" biglang tumawa ang mga kaibigan ko.

Inis ko silang tiningnan. "Huwag nga kayong tumawa diyan mga depungal kayo!" huminto sila at lumunok.

Napabaling ulit ang atensyon ko kay nerd.

'Ibang klase ka palang nerd ka.'

Ngayon lang ako nagkaroon ng challenge sa mga nakaaway ko.

Nilapitan ko siya. "Hoy ikaw. Stupid and nerd girl" umatras siya ng bahagya. "Wala akong pakialam sa cellphone mo atsaka, kasalanan mo kasi tanga at, bulag ka! Kung nakita mong pinagkakaguluhan kami, edi sana, lumayo kayo sa dinadaanan namin. Kaya, wag na wag mong ipasa sakin ang katangahan mo, pangit!" galit at seryoso kong giit bago siya tinulak sa daanan ko.

Galit akong naglakad papuntang SVT room.

Sumunod naman sakin ang iba. Pero yung isa, hindi pa. Hindi niya sinunod ang sinabi niyang hayaan na ako sa gagawin ko kay nerd. He still wants to protect that stupid.

'Bwisit magiging hero na naman si Marky pfttt.'

Nakakainis. Sa daming estudyante sa paaralang ito, si nerd pa ang kasama ko sa report namin. Bwisit.

_________








JENNY POV's



'Sh*t.'

Ang sakit niyang magsalita. Sa totoo lang, gusto kong umiyak pero di pwede dahil ayaw kong isipin nila na mahina ako lalo na sa harapan ng demonyong yun.

"Miss, pag-pasensyahan mo na si Prince. Wag mong isipin ang mga sinasabi niya" nakangiting wika ni Marky sa akin.

Biglang uminit ang pisngi ko.

"Umalis na muna kayo. At, wag narin kayong pumunta sa lugar na 'to. Para, hindi kayo mapahamak lalo ka na, Ms. Kim" mahinahong sabi niya bago sumunod sa mga kasama.

Alam kong nagmamalasakit lang siya sakin.

'Iba talaga siya sa mga kasamahan niya.'

Napailing ako at nag-isip.

'Bwisit ka talagang Prince ka. Di porket sikat ka dito, hindi na kita lalabanan? May araw ka rin sakin. Tandaan mo yan.'

Bakit ikaw pa ang makakasama ko sa report!

Kung kaya ko lang maipalabas ang nasa isip ko, gagawin ko talaga. Kaya lang, parang may pumipigil sakin.

"Jen, ayos ka lang ba?" tumango ako sa tanong ni Pauline.

"Jen tara na, tama si Marky. Wag na tayong pumunta dito." mahinahong sabi ni Missy.

"Yes, she's right. Bawal pumunta dito ang mga estudyanteng katulad natin." mahinahong wika naman ni Pauline.

Walang gana akong tumango bago tiningnan ang cellphone ko.

Ginulo ko ang buhok ko. "Argh! lagot ako nito kay Dad!" inis na sabi ko habang hinimas-himas ito.

"We can buy another cellphone. If you want----"

Umiling agad ako. "No. Bahala na 'to." singhal ko.

Palabas na kami ng building. Biglang nawala lahat ng lakas ko. First day of school pa lang, para na akong binugbog.

"Jen, smile ka na. Makakabawi ka rin sa Prince na iyon" wika ni Pauline.

"Alam mo, hindi lang ikaw ang nabully nila. Kita mo naman yung Jhon Smith na yun, akala niya hot siya pero hindi!" inis na sigaw niya.

"Pauline baka marinig ka ng mga yun." bulong ni Missy.

"I don't care" giit naman nito.

Napalingon ako sa cctv na nasa itaas ng pintuan.

Alam kong nakikita nila kami sa loob. Nakakainis. Hindi pantay ang pagtrato nila sa mga estudyante dito. Sa sobrang ganda ng Harvend, may mga pangit parin ang ugali.

Napahinto ako. "Gusto ko talagang maghiganti sa kanya." mariing sabi ko.

Missy cleared her throat. "Jen, I think ikaw pa lang yung nakalaban ni Prince na babae. Halos lahat ng babae kasing nakasalamuha niya, nagugustuhan agad siya" mahinahong paliwanag niya.

Napatawa ako at napailing. "Di ko siya u-urungan. Di porket babae ako ay ga-ganyanin na niya ako? May karapatan din akong magalit sa kanya!" inis na sabi ko.

"Let's go na nga baka kung ano pa ang mangyari dito ehh.. nandito pa naman tayo sa teritoryo nila" sabi naman ni Pauline.

"Teritoryo? Diba nasa labas na tayo? nasa 4th floor lang sila" giit ko.

"Oo, hangga't nakikita tayo sa cctv na iyan, teritoryo parin nila ito..." turo ni Pauline sa cctv.

I sighed deeply. "Tara na." giit ko bago naunang maglakad.

"Jen, alam mo bang may rooftop diyan?" turo naman ni Missy sa itaas ng building ng SVT.

I nodded. "Yeah, it's obvious"

"Kaya lang, sa kanila parin iyan. May secret na daanan papunta diyan sa rooftop nila." ngiting sabi niya.

"Bakit secret pa? Hindi ba, sa school pa naman yan? Di pwedeng sila lang makapunta" tugon ko.

"Eh kasi, family ni Prince ang nagpatayo ng building na iyan. Kaya nga SVT yung initials eh." wika pa ni Pauline.

Ma-impluwensiyang tao talaga ang SVT. Naalala ko na ginagalang ang pamilya nila sa school na 'to. I need to search about their family.

Habang nasa loob ng sasakyan, halo-halo na ang nasa isip ko.

'Paano yung report namin ng lalaking yun? Kapag makikita ko siya, umiinit ang ulo ko. I want him to be punished. Sana, masira ang cellphone niya! iniinsulto niya pa ang buhay ko. Bwisit na lalaki.'

"Oh, may problema ka ba hija?" dali-dali akong umiling sa agarang tanong ni manong habang nagda-drive.

Inaayos ko ang aking sarili para magmukhang maayos ang araw ko.

"I'm fine manong. Sobrang saya nga ng first day ko sa school" masiglang sabi ko sabay ngiti.

Bigla naman itong napailing. "Naku, ma'am bakas po sa mukha niyo kanina na pagod kayo. Siguro---"

"Manong I'm really really fine. There's no problem, okay?" pagkukunwari ko pa.

"Sige, sabi mo eh" sabi nito sabay ngiti.

"By the way po, kumusta sa bahay?" pag-iiba ko ng usapan.

"Wala namang problema kasi, si Ma'am Veronica lang ang nasa bahay niyo" mahinahong tugon ni manong.

"Where's Dad?" I asked.

"Hindi ko po alam ma'am"

"Manong, I'm not your boss. Just call me hija or Jenny. I'm just an ordinary nerdy girl" mahinahong sabi ko sabay yuko.

'Stupid and nerd girl'

'Stupid and nerd girl'

Naalala ko na naman yung sinabi ng lalaking yun.

Napailing ako at napabuntung hininga. Hindi naman ganito ang trato sakin nung nasa states ako.

May trabaho si Dad sa states tapos yung lolo ko naman, ay isang koreano. Yes. I'm a half. Pero, di ako lumaki sa korea kundi sa states. Mas prefer kong magtagalog at mag english. Lolo Jinho told me to visit his place that is why, every first week of vacation nandun kami ni Nathalie. But, matagal na yun sobrang tagal na. Buhay pa si lolo nun. I missed him.

"Okay sige, Hija" napangiti na lang ako sa naging reaksyon ni manong.

Kahit malas ang unang araw ko sa school, may mga tao paring handa akong pangitiin.

Hindi ko na magamit ang cellphone ko. Anong gagawin ko.

Nang nakarating na kami sa bahay, bumaba agad ako ng sasakyan.

"Sige manong, mauna na ako sa inyo" ngiting sabi ko bago pumasok sa loob.

Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko bago umupo sa sofa.

"Nandito ka na pala" lumapit ako kay Mom para mag beso.

"Hi Mom" buntong-hiningang bati ko.

"How's your day? Bakit parang pagod na pagod ka?" takang tanong niya.

Umiling agad ako at ngumiti. "Sa school lang po. Maganda naman ang naging araw ko hehe." pagsisinungaling ko.

"I hope that maging maganda rin ang araw ni Nathalie sa school niya" sabi niya sa akin sabay buntong-hininga.

I smiled a bit. "Pwede niyo naman pong sabihan si Dad na doon na lang si Nathalie sa Harvend mag-aral" mahinahong sabi ko.

"Ang Dad mo kasi ang laging nasusunod." bumuntong hininga siya. "Pupuntahan ko muna si Nathalie sa taas, magbihis ka na at pumunta sa kwarto mo" tumango ako sa utos niya.

Nang umakyat na siya pataas, bumalik ako sa pag-upo.

Nakakapagod at nakakainis ang araw na 'to.

Dali-dali naman akong tumayo para salubungin si Dad sa pintuan na kakarating lang.

"Hi Dad!" bati ko sa kanya sabay beso.

"My Princess! how's your day?" tanong ni Dad habang naglalakad papuntang sala.

I smiled quickly. "Maganda naman po ang naging araw ko. I met new friends and I have my first report next day." I said confidently.

Lumawak naman ang ngiti ni Dad at pumalakpak. "That's very good! hindi talaga ako nagkakamali sa pagpili ng paaralan para sa'yo" sabi niya pa.

I smiled a bit. "Dad, paano niyo pala nahanap ang Harvend? You did---" he cut me off.

Umiling si Dad. "May kakilala kasi ako na nagrekomenda sa school na yun na doon kita paaralin. You know what? That school is very famous and it will help you to gain more knowledge. Some of their students, is very fluent in business. Diba, gusto mong i-handle at palawakin pa ang Jewelry Factory natin? That school is very perfect for you!" paliwanag niya na ikinatahimik ko.

Sana nga perfect ang school na yun sakin.

'Don't worry Dad, hindi ko kayo bibiguin. I will do everything para mag excell sa school na yun. At hindi ako papayag na ang unggoy na Prince na yun, ang magpapaalis sakin.'

"By the way, hindi mo nasagot tawag ko kanina. Anak, is there's something wrong?" takang tanong ni Dad.

Dali-dali akong ngumiti para isipin na wala akong problema.

"Na-lowbat lang po ang cellphone ko he-he" palusot ko.

Tumango ito at ngumiti.

Naisip ko parin yung nangyari sa cellphone ko.

'Ano ang sasabihin ko sa kanya? ..na, Dad wala na akong cellphone? O, Dad nawala yung cellphone ko?'

Bahala na nga.

I kissed his cheeks. "Ahh wala naman Dad. Sige, punta muna ako sa taas---"

"Hi hon!" biglang dumating si Mom kaya napatigil muna ako.

"Hi" tugon naman di Dad sabay halik sa pisngi nito.

"So, sweet!" giit ko sabay kilig.

"Jenny, pumunta ka na sa kwarto mo. Dika pa nagbibihis" utos ni Mom sakin.

I smiled and nodded. "Bye!" paalam ko bago umakyat pataas.

Nang binuksan ko ang aking kwarto, dali-dali kong inihagis ang aking bag at basag na cellphone sa aking kama.

"Ang sama ng lalaking yun! arghhh" sigaw ko sabay tapon sa mga unan kung saan-saan.

Bumuntong hininga ako bago umupo. Inilabas ko ang mga gamit ko sa bag.

'What should I do? Paano yung report? Sana talaga, masunog sa impiyerno ang lalaking yun!.'

Agad namang may kumatok sa pinto kaya dali-dali kong inayos ang aking sarili.

"Pasok ka" sabi ko bago tumikhim.

Ngumiti ako nang makita si Nathalie. "So, nakauwi ka na nga" pauna nitong sabi.

I nodded weakly. "Yeah" simple kong sagot bago may kinuha sa bag ko.

"What are you doing? May assignments ka?" walang gana niyang tanong.

"May report kasi kami kaya kailangan kong pag-aralan yung lesson namin kanina" ngiting sabi ko.

"Edi, bukas mo na lang gawin"

Umiling ako. "I can't. We have another set of subjects tomorrow. Then, next day na yung report." mahinahong sabi ko.

"Wow! Dika ba nagtataka kung bakit magkatulad lang tayo ng school year, parehas lang tayo na graduating student pero ang nakakainis, ikaw lang ang nag-aaral sa magandang paaralan." giit niya na parang nagpipigil ng galit.

Napayuko ako. 'Ang unfair nga nun.'

"S--sorry---"

"Never mind, baka sabihan mo si Dad. So, how's your day? Masaya ba?" ngiting tanong niya.

Kanina, parang naiinis siya pero ngayon, nakangiti na siya sakin.

Binalewala ko lang ang inis niya kasi, ganyan talaga ang ugali niya pero, mabait naman talaga si Nathalie.

Tumango ako sa tanong niya. "Oo ang saya-saya ng araw ko" pagsisinungaling ko.

"Wow! ang galing naman! Ako kasi, ang pangit ng araw ko. Diba ang unfair? Ako na maganda naman, naging pangit ang paaralang pinapasukan ko. Samantalang ikaw na, ewan ko na lang...ang ganda ng paaralan" pumalakpak siya. "Ang galing! para tayong hindi magkapatid!" sabi nito sabay ikot ng mata.

Bigla akong nagtaka sa ikinikilos niya.

"Nathalie, don't worry sasabihin ko kay Dad na, tayong dalawa ang mag-aaral sa---"

"Don't. Wag mong sabihin yun kay Dad, okay?" diretsong sabi niya.

Tumango agad ako. "So--sorry ulit" tanging nasabi ko.

"Pwede ba, wag kang mag-sorry lagi. Hindi na nakakatuwang pakinggan." diretsong sabi niya na ikinatahimik ko.

Lumapit siya sakin. "Jenny, kapatid kita kaya ko sinasabi to sa'yo. Magkapatid tayo kaya, wag kang mahiyang magsabi ng kahit na ano. Alam kong minsan hindi tayo nagkakasama dahil nasa ibang bansa ka lagi but, wala namang magbabago. We're sisters right?" paliwanag niya sa mahinahong paraan sabay ngiti.

Paiba-iba talaga ang reaksyon ni Nathalie.

Hindi ko rin maiwasang hindi gumaan ang pakiramdam. "Salamat dahil may kapatid akong katulad mo" ngiting sabi ko sa kanya.

She smiled back. "Always welcome."

'What if, sasabihin ko sa kanya yung nangyari sa cellphone ko? tutal, kapatid ko naman siya.'

"May gusto sana akong sabihin sa'yo" mahina kong sabi sa kanya.

"What?" ngiting sabi niya kaya nagkaroon ako ng lakas para sabihin.

Tumikhim muna ako. "Can I have a favor? Di pa 'to alam ni Dad at Mom eh"

"Sure, anything."

"Huwag mo sanang sabihin sa kanila to hehe. Pwede bang akin na lang yung isa mong cellphone? Tutal di mo naman 'yun ginagamit e. " pangiti-ngiti kong sabi.

Bakas sa mukha niya ang pagtataka. "Wait..diba may cellphone ka naman?" taas kilay niyang tanong.

Napakamot ako sa aking ulo."Ahmm oo kaso nasira eh naapakan ng kaklase kong malaki ang paa" mahinahong sabi ko sabay pakita sa kanya. "Look.." kinuha niya iyon at tiningnan ng maigi.

"Well, just try to fix this or should I say, dapat mo na itong ipaalam kay Dad" sabi niya.

Umiling agad ako. "Baka magalit sakin si Dad pag nalaman niya. Alam mo naman na regalo niya ito

You are reading the story above: TeenFic.Net