03: Broken Phone

Background color
Font
Font size
Line height

CHAPTER 3

BROKEN PHONE.


_________


Padabog niyang sinara ang pintuan pagdating nila sa SVT room. Hindi niya matanggap na napahiya siya ng isang babae.

"Bwisit na babae!" umalingawngaw ang boses niya sa buong kwarto. Narinig iyon ng kanyang mga kaibigan kaya napatawa sila.

"HAHAHAH! Just change your uniform. You have a lot of uniforms dude!" may halong asar sa boses ni Lance.

"Kaya nga diba?!" inis niyang tugon bago sinimulang hubarin ang damit na binasa ni Jenny.

"That Jenny Kim, I'll make her suffer!" pagsigaw niya habang nagbibihis.

May sariling building ang SVT dito sa Harvend. Lahat ng mga parangal nila, nakasabit sa living room. Ang ama ni Prince ang nagpatayo ng building nila dito. May sarili silang real estate at isang magaling na engineer ang kaniyang ama. Halos lahat ng pangangailangan ng tao, nasa kanya na. Kaya wala siyang tinitipid.

Ginagalit talaga ako ng nerd na 'yon. May gana pa siyang sumagot sa mga sinasabi ko. At, nagawa niya pa akong ipahiya sa harap ng mga estudyante. Nang dahil sa kanya, nadumihan ang uniporme ko.

Galit niyang tinapon sa basurahan ang uniporme na may mantsa.

Nang makalabas siya ng kwarto, sinalubong siya ng mga kaibigan niya.

"Ikaw kasi, napasobra ka na. Kababae nung tao tapos kung mag-away kayo daig niyo pa ang nagrambulan." pailing iling na wika ni Jhon.

Prince smirked mischievously. "She's a tomboy. Ugly tomboy. Pinagtanggol pa siya ni Marky. Funny." hindi makapaniwala niyang saad habang naglakad papunta sa living area.

Sumang-ayon naman ang ibang kaibigan. "You're right. Naging weird na si Marky ah. Hinila niya talaga si nerd para mabitawan mo." sabi ni Lance.

"Indeed. Shining armor na siya ng kalaban ni Prince pftt!" hindi napigilan ni Jack na matawa.

Vacant time nila ngayon kaya marami silang oras sa pagkukuwentuhan.

Biglang bumukas ang pinto at napatingin sila sa dumating. Si Marky. Tahimik na dumating at umupo sa sofa.

Nakakunot ang noo ni Prince habang tumitingin siya dahil hindi siya makapaniwala na pinagtanggol ng kaibigan niya ang kaaway niya.

Mukhang nag-uusap silang dalawa ni nerd.

Nanliliit ang kaniyang mga titig sa kaibigan.

"Marky, anong nangyari?" tanong ni Jhon sa kaniya.

Umiling lang si Marky.

"Alam namin na mabait ka pero sobra naman yata yung ginawa mo. Kaibigan mo ba 'yun?" wika ni Lance sa kaniya.

Nagsalita naman si Liam. "Guys, kawawa naman kasi si Ms. Kim."

"You know her?"

"Yeah, Jenny Kim pangalan niya." Liam said confidently.

Nagtaas ng kamay si Lance. "Let's investigate her then. Paano siya nakapunta dito sa Harvend. Mayaman ba siya?" nakangiting tanong niya.

Tahimik lang si Prince habang nakikinig sa kanila. Nakatingin parin siya kay Marky.

"Hayaan niyo siya. She just want to study. Huwag natin sayangin ang oras natin sa kanya. She's just a girl" mahinahong sabi ni Marky na ikinabigla nila.

Prince chuckles softly. "Can't believe this. Because of that nerd, napahiya ako. Bakit mo siya pinagtanggol Marky? What do you mean about I know the reason..." ang tinutukoy ni Prince ay tungkol sa sinabi ni Marky sa kaniya habang hinila nito si Jenny.

Marky sighed deeply. "I only cared about you. Your reputation, and your relationship towards the students in Harvend. Kapag malaman ng Chairman ang ginawa mo, baka hindi ka na maging---"

Prince cut him off. "I don't care. Iyon nga ang gusto ko diba? Kung nag-alala ka sa'kin, huwag mo na akong pakialaman sa gagawin ko." seryoso nitong tugon sa kaibigan.

"Fine, gawin mo ang gusto mo. Basta huwag mo nang idamay si Ms. Kim. She's innocent. She can't be your prey, wala siyang laban sa'yo." wika ni Marky pabalik.

Mas lalong uminit ang ulo ni Prince. Iniisip niya na bini-brainwash ng nerd na 'yon ang kaibigan niya.

Biglang nagkaroon ng tensyon sa paligid kaya agad na nag-isip si Jhon ng ibang paguusapan.

"Guys, chill. First day ngayon. What if, maglaro tayo ng chess? Ang matalo, manlilibre." wika nito sa kanila.

Agad na sumang-ayon si Jack. "Let's go!" dali-dali nilang kinuha ang chessboard.

Nagkatitigan parin ang dalawang magkaibigan.

"Kapag matalo ka, hahayaan mo ako sa kanya. Kapag ako matalo, hindi ko siya guguluhin." mariing wika ni Prince kay Marky.

Tumango ito. "Deal."

Napakamot na lang ng ulo si Liam. "First day pa lang, kumukulo na agad ang dugo ni Prince kay Jenny. Hays, kawawang nerd."

Binaling ni Prince ang tingin kay Liam. "Hindi niyo alam kung ano ang naidulot niyang kamalasan sa'kin. Hindi ko gusto ang pananalita niya!" giit nito.

"Ano ka ba pre, para ka namang babae..baka isipin nila na bading ka kasi pumapatol ka sa mga babae" natawang biro ni Lance.

"Shut up." giit niya sa kaibigan.

Nagsimula na silang maglaro. Ngayon lang naging seryoso sa paglalaro si Marky. At kahit anong gawin niya, palaging panalo si Prince.

"HAHA! AYOS." tuwang sabi niya.

"Masama ang sobra" tanging nasabi ni Marky sa kaniya.

Ngumisi lang si Prince at tinapik ang balikat ni Marky. "Wala nang pakialaman ha." nakangising sabi niya.

Hindi tumango si Marky nakangisi lang ito.

Biglang nagkasundo ang dalawa na para bang walang nangyari. Bata pa lang, magkaibigan na sila kaya normal na lang sa kanila ang ganitong eksena.

Magkaibigan ang pamilyang Cortes at Imperial at ganoon rin ang mga anak nila. Wala pang bagay na hindi nila napagkakasunduan. Sila lang naman sa SVT ang parang magkapatid kung tratuhin ang isa't-isa.

Nagsimula na silang umalis sa kanilang teritoryo at naglalakad papunta sa susunod nilang klase. Magkaklase si Prince at ang kaibigan na si Jhon dahil  parehas sila ng teacher.

"Nakakatawa yung mga babae kanina.. Kakapasok palang namin, sumigaw na agad sila" ngiting wika ni Jhon habang naglalakad.

"Sanay na tayo sa kanila." wika naman ni Prince.

Biglang sumulpot sa isip ni Prince si Jenny na naging kaklase niya rin kanina. Gusto niya ulit maging kaklase si Ms Kim dahil may binabalak siya rito.

Gusto niya ring maghiganti sa ginawa nitong pagpapahiya sa kaniya.

Pumasok agad sila sa nakabukas na pinto ng klase.

"Sorry we're late" paumanhin ni Jhon sa harap ng guro nila na si Mrs. Scott na nagsimula nang magturo.

"Omg! Ang gwapo talaga ng SVT!"  tili ng mga babaeng kaklase.

Napatingin si Prince sa buo niyang kaklase at sa kabutihang palad, nahagip ng paningin niya si Jenny kasama ang kaibigan nitong si Pauline na kilala niya.

Nagtaka siya kung bakit naging kaibigan ni Jenny si Pauline at Missy. Kakilala niya ang dalawa dahil binu-bully nila ito noon pero noong, magkaibigan ang pamilya nila, tumigil na sila dito.

Nagpakilala sila sa buong klase kahit kilala na sila sa buong campus.

"Ayan na siya! Omg! Grabe, ang gwapo niya talaga!" tili ng kaklase niya habang naglakad siya papunta sa bakanteng upuan.

"Perfect na talaga!" rinig niyang bulong pa ng isa.

Ngumisi lang siya.

"Quite!" natahimik ang buong klase sa pagsigaw ng teacher nila.

Nasa iisang tao lang ang tingin niya. Sa taong gusto niyang pahiyain sa harap ng marami. Kay Jenny.

Ngayon, hindi na siya ipagtatanggol ni Marky. Humanda ka nerd.

Natatawa siya sa iniisip niya.

"Kayo na nasa may likuran" biglang tumayo ang mga estudyante na nakaupo sa likuran nina Jenny.

Nakayuko lang ang dalaga habang nakayukom ang mga kamay. Napansin iyon ni Prince kaya napatawa siya ng bahagya.

"Pathetic" bulong niya rito.

"Tol, humanap ka ng ibang upuan. Diyan kami ni Prince" nakangising wika ni Jhon sa dalawang lalaki na tumayo.

"Pero---"

"Aalis kayo o, aalis?" mariin tanong ni Prince na may halong pagbabanta. Hindi iyon narinig ng teacher nila dahil busy ito sa pagsusulat.

Nagmamadaling umalis ang dalawang estudyante at umupo sa kabilang upuan.

And he felt satisfied again.

Sa pag-upo nila, nilingon sila ni Jenny. Nanlilisik ang mga mata nito na nakatingin kay Prince.

Ang tapang ng babaeng to. Pwes, tingnan na lang natin kung magtatagal siya sa paaralang ito.

Ningitian lang siya ni Prince.

"Ang sama talaga ng ugali mo." mahinang sabi ni Jenny sa kaniya.

Nakakatawa talaga ang itsura niya. Tumango lang si Prince.

"Bro, you're right. Palaban siya..." natatawang bulong ni Jhon sa kaniya.

Tumango si Prince at ngumisi.

"Nagsisimula palang ang impiyernong buhay mo dito nerd.." mahinang bulong niya rito.

Nagpipigil ng galit si Jenny.

Madali lang kay Prince ang pag-aaral kaya hindi siya nahirapan sa subject nila.

"Ang nakakuha ng mataas na score ay si Mr. Cortes!" anunsyo ng teacher nila pagkatapos ng quiz.

Pumalakpak naman ng mga kaklase nila.

"Congrats tol, gaya parin ng dati" ngiting sabi ni Jhon sa kaibigan.

Ngumiti lang si Prince. Wala bang mahirap?

"Ang ikalawa na nakakuha ng mataas na score ay si Ms. Kim!"

Nagulat ang lahat nang banggitin iyon ng teacher nila. Walang pumalakpak maliban na lang kay Pauline.

Ngumiti lang din si Jenny. Hindi na siya nagulat dahil alam niyang magagawa niya iyon at pursigido siya.

Tumango-tango lang si Prince. Matalino pala siya. Well, let's see kung magagamit niya ang talino niya.

Tumayo siya at nagpasalamat sa teacher nila.

Dahil sa kalikutan ng kamay ni Prince, inilayo niya ang upuan ni Jenny dahilan kung bakit napaupo siya sa sahig.

Isang malakas na tawanan ang bumalot sa buong classroom.

He just smirked and laughed mischievously.

"That's enough! What happened, Ms. Kim?" tanong sa kaniya ng guro.

Agad na tumayo si Jenny at inayos ang sarili. "Wala po ma'am..." mahinahong sabi niya.

"Alright, settle down na. Ang tinawag ko kanina ay pupunta ng office ko after this class. May ipapagawa ako sa kanila for our next meeting." paliwanag ni Mrs. Scott sa kanila.

Natahimik sila at nagbulongan. "Grabe, ang swerte naman ni nerd. Makakasama niya ang prinsipe natin"

Hindi mapigilan ni Prince na matuwa sa sinabi ng kaklase niya.

Maswerte talaga siya dahil ako mismo ang magpapahirap sa kaniya dito sa Harvend.

Nakipag apir si Jhon kay Prince. "Grabe ka..." nakangiti nitong wika.

Narinig lahat iyon ni Jenny. Nakaramdam siya ng inis kay Prince. Gusto niyang maghiganti pero paano? Wala siyang kalaban-laban.

@Office Building Of School Teachers And Administrators.

•MRS SCOTT OFFICE•

Nasa labas na ng opisina si Prince kasama ang kaibigang si Jhon.

"Tol, hihintayin na lang kita dito" mahinahong sabi nito sa kaniya.

Walang ganang tumango ang binata.

Bumuntong hininga ito ako bago pumasok sa loob.

Pagpasok niya, si Jenny ang una niyang nahagip. Na para sa kanya, napakapangit.

Naiinis talaga s'ya sa pagmumukha ng dalaga.

"Mr. Cortes. Bakit ang tagal mong dumating? Mas nauna pa sayo si Ms. Kim" tanong ng guro sa kaniya.

"Ma'am, bakit niyo kami pinatawag?" malamig na tanong niya rito.

"Well, bago ko sasagutin yan, umupo ka muna" utos ng guro sa kaniya.

Napatingin siya kay Jenny na nakayuko lang at tahimik. Nagkibit balikat na umupo si Prince sa tabi ni Jenny.

Nag angat ng tingin si Jenny sa kanya. Nanlilisik ito at binigyan naman siya ni Prince nang nakakatakot na tingin.

Nang napansin iyon ni Mrs. Scott, mahina niyang hinampas ang mesa. "Mr. Cortes and Ms. Kim, may problema ba kayong dalawa? Bakit parang gusto niyong mag-away"

Agad na binaling ng dalawa ang tingin nila sa guro.

"Ma'am, alam niyo namang hindi ko gawaing makipag-away ng walang dahilan. Halos buong pagkatao ko ay, naka-ukit na sa paaralang 'to at wala po akong balak na sirain yun" Prince said calmly sabay ngiti at napatingin kay Jenny.

Hindi makapaniwala si Jenny sa narinig. She smirked. "Ibang klase din pala yang 'pagkatao' mo. Mr. Cortes---"

"See? Walang galang ang nerd na 'to" giit ng binata.

Napailing na lang ang guro. "Both of you, quite! Hindi ko kayo pinapunta dito para mag-away. This is your first day in my class. At parehas kayong graduating student sa school na 'to. Mag co-college na kayo next year. Myghad!" biglang uminit ang ulo ni Mrs. Scott sa kanila.

Nagsalita naman si Prince. "Ma'am, kung hindi niyo gusto na mag-away kami dito, pwede niyo na po bang sabihin samin ang dahilan kung bakit niyo kami pinatawag?" malamig niyang tanong.

"Prince, teacher ako dito kaya, matuto kang galangin ako" natahimik ang binata sa sinabi ng guro.

He smiled fakely. "Opo. Hindi na po mauulit..." pagkukunwari niyang sabi.

Biglang napatawa ng marahan si Jenny and Prince saw her covering her mouth. Nandidilim ang tingin niya rito.

Humanda ka mamaya.

"Let's formally start this. Palagi kong nakitaan ng potensyal si Mr. Cortes kaya, okay siya. Ikaw naman Ms. Kim, nagulat ako. Dahil muntik mong natama lahat ng formulas and equations. Parehas kayong magaling." pauna nitong sabi.

"So, what's the point?" pagsingit ni Prince.

"Both of you will going to make a representative according to our lesson last lesson. You'll going to work together. Kayo ang magdi-discuss next meeting" nakangiting tugon ng guro.

"Ma'am, bakit kailangan pa magtulungan? I can make my own report. A better, good and comprehensive report. Di ko kailangan ng tulong." pag angal ni Prince.

"Prince, I know you're capable of doing it. But, my decision is final. Both of you, should work together. This is my first requirement." ngiting tugon nito.

Huminga ng malalim si Jenny. Ayaw niyang makasama ang bully. Gusto niyang magreklamo pero hindi niya magawa.

"Prince, tulungan mo si Ms. Kim sa gagawin niyong report next class natin. Kapag, nakita kong mas maganda ang report ninyo kaysa 2nd batch na tinuturuan ko, lahat ng 1st batch ay makakuha ng mataas na grado. So it means that, nasa kamay ninyo ang grades ng iba ninyong kaklase sa subject ko" napanganga silang sa sinabi ni Mrs. Scott.

Napakamot ng buhok si Prince. "Ma'am, that idea is..." hindi niya tinuloy nagbuga na lang siya ng hangin.

"That's my decision, and please work together." ngiting sabi ng guro.

Walang nagawa ang dalawa kundi ang sumang-ayon.

"Don't worry ma'am. Makaka-asa po kayo..." mahinahong sabi ni Jenny.

"Good."

"Ah ma'am, kailan nga kami mag-report?" ngiting tanong ng dalaga.

"Bingi ka ba? Wala ba kayong cotton buds para linisan yang tenga mo?" sarkastikong wika naman ni Prince na ikinagalit ni Jenny.

"Mr. Cortes. Hindi ganyan ang tamang pagtrato sa mga babae" suway ni Mrs. Scott sa kanya.

"Sorry, I can't help it. But, ma'am look at her. Parang di naman yan tao---"

Hindi niya natapos ang sasabihin dahil biglang may librong tumama sa ulo niya.

"Omyghad! Jenny how---"

"I'm sorry ma'am, sumusobra na kasi siya!"  nagmamadaling tumayo si Jenny at tumakbo paalis ng opisina.

Napahawak sa noo si Prince at galit na nagsalita.

"Ma'am, nakita niyo ang ginawa niya wala siyang---"

"Mr. Cortes, kailangan mong humingi ng tawad sa kanya."

"Hell, no! Ako ang nasasaktan dito ma'am!"

"Prince, mataas ang respeto ng mga teachers dito sa family mo. Kaya sana, maging good model ka naman sa mga students especially sa mga new student like Jenny" mahinahong sabi ulit ni Mrs. Scott.

Napasinghap na lang si Prince. "Fine." walang ganang sabi niya.

"Sige na, umalis ka na. Basta, wag niyong kalimutan ang report niyo"

Tumango ang binata at agad na umalis.

Paglabas niya ng pintuan, nakasalubong niya ang kaibigan.

"Anong sabi ni Mrs. Scott sa'yo?" pauna niyang tanong habang nakapamulsa.

"May lintik na report kaming dalawa ng nerd na yun" walang ganang wika ni Prince habang nakahawak sa kaniyang noo.

"And then, ayos yon diba? Kasi, magagawa mo na siyang pahirapan habang gumagawa kayo ng report" natatawang sabi nito.

"Are you insane? How?! Next day na yung report. At kailangan maganda ang pag evaluate ni Mrs. Scott sa amin para malaki yung grado na makukuha. Shit!"

"What? Ano yan, new rules niya?"

"I guess. Gusto niyang ilaban tayo sa 2nd batch na tuturuan niya."

Naguguluhan na si Prince sa gagawin niya.

Jhon chuckles. "What happened to your forehead?"

"Binato ako ng bwisit na iyon ng libro! Gaganti talaga ako sa kanya!"

"Paano ka gaganti? May report kayong dalawa. Kailangan teamwork. Pftt!" pagbibiro ng kaibigan.

Umiling si Prince. "May oras rin siya sa akin. Basta makaganti lang ako..." seryoso nitong sabi.

@Lockers Area

Biglang dumagsa ang maraming estudyante sa may lockers area dahil sa pagdating ng SVT.

"Kyaaa! Ayan na silaaa" tilian ng mga babae.

Napapikit na lang si Prince dahil sa ingay.

Nakakarindi talaga ang mga tilian nila. Kainis.

Hinila niya si Marky at kinausap ito. "Sabihan mo nga sila na tumahimik. Baka kung ano pang magawa ko." mahinahong bulong niya rito.

Tumawa lang ang kaibigan. "Let them." wika nito.

"Hi? Everyone!" sigaw ni Lance sa mga estudyante dahilan ng kanilang pagsigaw.

"Ackkkk!"

"Kaklase namin yang si Prince kanina!" tilian nang dalawang babae.

"Omg Prince! Akin ka na lang!"

Binigyan lamang sila ni Prince ng malamig na tingin.

Kailangan ni Prince magmadali dahil may gagawin pa siyang report. Ngunit hindi niya magawa dahil binabagal siya ng mga estudyante.

Sa kabilang banda naman, naglalakad si Jenny kasama ang mga kaibigan niya papunta sa locker nila.

Hindi niya maiwasang hindi mapangiti sa tuwing naalala niya ang ginawa niya kay Prince. Lubos siyang nasiyahan. At hiniling niya na sana, magkaroon ng bukol ang binata sa noo.

Iniinsulto niya kasi ako sa harap ng teacher kaya, buti nga sa kanya.

Nakangisi siya habang iniisip iyon.

Pero, bumabagabag sa kanya ang sinabi ng guro.

Paano namin magagawa ang report na 'yun kung, hindi kami magkasundo ng taong iyon? Ayaw ko din naman siyang makasundo.

Naiinis siya sa kaniyang sarili.

"Jenny, hayaan mo na. Pwede ka namin samahan para gawin ang report niyo." ngiting wika ni Pauline sa kanya.

Bumuntong hininga ito. "Ayos lang naman yung report eh, ang inaalala ko lang... yung teamwork na sinabi ni ma'am kanina. First day ko palang eh tapos, yung Prince pa ang makasama ko? Para akong pinaparusahan." may panghihinayang sa boses niya.

"Kaya mo yan Jen" ngiting sabi ni Missy habang inilagay ang gamit niya sa locker.

"Paano niya naman makakaya yun eh, kasama niya yung bully na prinsipe dito" diretsong sabi ulit ni Pauline.

"Tama na nga, wag na natin isipin. Wala naman akong magagawa kundi ang sundin si ma'am." tanging wika ni Jenny at tila nawalan na naman ng pag-asa.

Iniisip niya kung paano siya makipag usap kay Prince. Sa tuwing nagkikita sila, parehas na umiinit ang dugo nila sa isa't-isa.

"Ang gwapo talaga nilaaaa!"

Napabaling ang kanilang tingin sa direksyon ng mga sumisigaw na estudyante.

"Masakit sila sa tenga. At, si Marky lang ang mukhang matino sa kanila" nakangiting wika niya.

Sumang-ayon naman ang kaniyang mga kaibigan. Alam nila na may paghanga si Jenny kay Marky.

Jenny sighed irritatedly. "Di porke't sikat sila, may karapatan na silang mam-bully." sabay sara sa kaniyang locker.

"You're right. You know, sila ang pambato ng Harvend sa mga inter school competitions. Hindi lang sila sa Pilipinas kundi nakapunta na rin ng ibang bansa para irepresinta ang school" paliwanag ni Missy.

Nagulat si Jenny. "Why? I thought, most of the

You are reading the story above: TeenFic.Net